CHAPTER 18

The Day Rassia Quentin Went Missing

"Commander Finn, have you already found Lady Quentin?" one of the knights asked.

Finn swallowed hard, his throat tightening. The fear in his eyes was unmistakable, his usual calm composure completely gone. He knew exactly what would happen once they reported this to the Duke and that thought alone made his chest feel heavy with dread.

Anong mukhang maihaharap ko sa Duke?Ipinagkatiwala niya sa akin si Lady Rassia, ngunit nabigo ko itong gampanan. Nasaan ka na ba, Lady Rassia?

"Hindi ko pa rin makita si Lady Rassia. Magdidilim na, ngunit wala pa rin siya. Nag-aalala na ako, paano kung may nangyaring masama sa kanya? Hindi ko rin ma-sense ang kanyang mana presence, dahil wala naman siyang mana..." napahilot sa sintido si Finn.

"Nilibot na namin ang buong local market, Commander, ngunit hindi rin namin siya mahagilap." sambit ng isang kawal.

"Narito na ang batang pinag-uutos ni Lady Quentin, Commander." kasama na ng isang kawal ang batang kalye na pinahanap ni Rassia.

"S-saan niyo ako dadalhin?" nanginginig na sambit ng batang kalye.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka namin sasaktan. Sa pinakaligtas ka namin na lugar dadalhin." pinilit ngumiti ni Finn sa harap ng bata, kahit na sobrang bilis na ng tibok ng kanyang puso dahil sa kaba at sa magiging parusa ng Duke.

In the Quentior Palace, The Dukedom,

located in Emberman

Nakaupo ang Duke sa kanyang opisina habang ginagawa ang kanyang mga tungkulin. Tinanggal niya ang kanyang salamin at pinunasan ito. Hindi niya maiwasang isipin ang kanyang panganay na anak na si Rassia at napangiti ng bahagya.

Oh my dear, daughter. I hope she enjoys her shopping and buys useless things just to make herself happy. I can’t bear the thought of her isolating herself inside her room.

Little by little, the faint smile on the Duke’s lips slowly disappeared, replaced by a quiet, distant look as his thoughts grew heavier.

I am not yet ready for her to learn the truth. I also want to protect her and keep her power hidden from those people. Not everyone can know about her abilities, because it would only put her in danger.

A moment later, a knock echoed through the Duke’s office door, breaking the silence.

"You may come in." malamig na sambit ng duke at isinuot muli ang kanyang salamin.

The five knights and Commander Finn entered the office. They swallowed hard, sweat already forming on their foreheads. The tension was suffocating as they exchanged uneasy glances with one another.

"Y-your Excellency,"

Commander Finn began, his voice tight as he stepped forward. He hesitated for a moment, swallowing hard as nervousness clearly took hold of him.

Bahagyang tumaas ang kilay ng Duke at naramdaman niyang ang sasabihin ng commander na nasa harapan niya ay hindi niya magugustuhan.

"Report."

"I am afraid Lady Rassia has gone missing. The knights and I have searched the entire local market," he continued carefully, avoiding the Duke’s gaze, "b-but we were unable to locate her."

A brief silence followed. Finn’s hands clenched at his sides as unease crept over him.

"We… still cannot find her, Your Excellency."

The moment the words left Commander Finn’s mouth, the atmosphere in the room shifted.

The Duke’s golden mana erupted around him, filling the room with a heavy, suffocating pressure. His eyes turned gold as well, glowing with barely restrained power. The knights and Commander Finn froze in place, feeling the overwhelming pressure of his mana.

Padabog na napatayo ang Duke.

"What?!" he snapped, his voice sharp with disbelief. "How did that fucking happen?!"

"I swear, Your Excellency, I never left her side.

" the commander said quickly. "But while we were walking through the fruit stall, she accidentally knocked over some of the fruit, Inutusan niya akong pulutin ang mga iyon, at nang matapos ako at tumayo…

wala na si Lady Rassia sa aking likuran. "

The Duke’s jaw clenched. He knew that his beloved daughter had done that on purpose, and that there were plans he was not aware of.

Why did I let my guard down? I should have known better! I never thought she would do something this reckless… this insane! Where could my daughter have gone?!

Ramdam ng lahat sa Quentior Palace ang bigat ng mana ng Duke. Ang mga maids at mga kawal ay hindi mapakali, at kinabahan sa malakas na enerhiyang kumakalat sa buong palasyo.

Maya-maya pa, marahang bumukas ang pinto ng opisina ng Duke, at pumasok ang head butler. Ramdam din niya ang mabigat na presensya ng mana ng Duke, kaya't nagpasya itong personal na puntahan ito. Tumingin ang head butler sa nag a-apoy na mukha ng Duke.

Bakit tila nag-aapoy sa galit ang Duke?

"Head Butler! summon the army, under Commanders Valentino and Agostin this instant!" the Duke commanded sharply. "I want every available unit deployed, Now! Search every corner of Emberman!"

"The army under Commander Owen will stay here and search around the Quentior Palace," the Duke ordered firmly. "Commander Finn, go to the capital and search there as well. Inform the Imperial Family that my daughter is missing!"

"Understood, Your Excellency!"

"Head Butler," the Duke said sharply, his voice tight with urgency, "Inform the Crown Prince to assist me in finding my daughter. His fucking dragon is faster and we don't have time to waste!"

"Your Excellency," the head butler said carefully, "I am afraid the Crown Prince has already left for the Sea of Luminara to take a vacation."

The Sea of Luminara is far from the Capital and Emberman. It is near the North. It takes about two weeks to reach it by horse.

What the hell?! That fucking bastard. Huwag na huwag niyang ipapakita ang mukha niya sa akin! I swear to God, I should never have taught him swordsmanship! When I needed him most, he was nowhere to be found. That’s why I will never wish to wed my daughter to him!

Rassia

Naramdaman ko na ang sinag ng araw mula sa labas ng aking silid. Ayoko pang bumangon, dahil inaantok pa ako dulot ng mga naganap kahapon. Napahikab pa ako sandali at marahang tumalikod sa aking kanan, kaharap ang teresa na nakabukas na. Inayos ko pa ang aking kumot para bumalik sa pagtulog.

"Wake up! Beautiful Lady! Rise and shine!"

Huh? napakunot ang aking noo, ang aga naman masyado.

"…Five more minutes," I mumbled, pulling the blanket over my head.

"Five minutes?! Do you hear that, Candela?! She dares negotiate with time?!"

Huh? wala naman atang bampira rito sa aking silid? wala rin akong narinig na pumasok.

"I do, Tick-Tocky!" narinig kong nagbuntong hininga ang isang boses. "Truly, the audacity! Meanwhile, I've been burning myself alive since dawn just to give her light!"

Dahan-dahan akong umupo, ramdam kong magulo ang aking buhok at mabigat pa ang aking talukap ng mata. Lumingon ako sa paligid, at hinahanap kung saan ang nagsalita, ngunit wala naman akong nakitang bampira o nilalang.

"Who said that?" tanong ko sa aking sarili.

"Right here," sagot ng boses.

Napatingin ako sa kaliwang banda ko, may kandila roon at may table clock. Nababaliw lang yata ako, Impossible namang magsalita ang mga iyon.

"Hell no..." napailing na lamang ako sa naisip.

"Hell yes!"

What?! I blinked. May mga boses talaga! hindi ako nababaliw at nasisiraan ng bait!

"We've been trying to wake you up for the past twenty minutes, Beautiful Lady. Honestly, napaka-disrespectful—"

"Ah—!" napatalon ako sa gulat dahil galing nga sakanila ang mga boses, tiningnan ko pa silang mabuti, may mga mata sila at bibig!

May ganito palang mga nilalang?! baka naman pakana ito ng mga bampira?! Bakit sila nagsasalita?!

Sa gulat ay napaatras ako sa kama, muntik pa akong mahulog. Tinuro ko ang table clock at ang kandila na parang nakakita ako ng multo.

"Ah—! nagsasalita kayo?!" sigaw ko na may panginginig.

"Of course nagsasalita kami, dapat ba kaming kumanta?" sagot ng kandila na parang na-offend.

"Objects don't fucking talk!"

"Clearly, we do," singit ng table clock na may tono na ang boses, tila sinunod ang sinambit ng kandila na kumanta.

"…Okay," umiling-iling ako at tumayo habang nanginginig. "I'm still dreaming."

There's no way object can't talk, nanaginip lang ako dala ng aking pagod. Walang ganitong nilalang sa Quentior Palace kaya bakit may mga ganito rito?

"Hindi ka nananaginip," sabay nilang sagot.

"Ah—!" tumili ako ng napakalakas sa takot, alam kong rinig na rinig ito ng mga malapit sa akin.

Biglang bumukas ng malakas ang pinto. Kasunod nito ang isang malakas na hangin at hinangin ang mga malalaking kurtina. Nabigla ako sa nangyari at nakita. Sa isang iglap tatlong pigura na ang aking na sa harapan.

My eyes widened, heart slamming against my chest as I stared at them. Mukhang ginamit nila ang kanilang kakayahang bumilis. Hindi ko man lang nakita kung paano sila pumasok.

Oh, the trio who loves calling me brat.

Sa gitna ng tatlong pigurya ay si Jazer, na sa loob ng kanyang black pants ang kanyang mga kamay.

Ang kanyang ekspresyon ay nakakunot ang ulo tila hinahanap kung anong dahilan ng ingay.

Sa kanyang kaliwa ay si Dimitri, nakangisi itong nakatingin sa akin at umiling.

Sa kanan naman ay si Cassandra, nakita kong umiling din ito at inirapan ako.

"What is the commotion all about, brat?" Jazer asked, his voice edged with authority.

Hindi ko siya magawang masagot dahil nagulat pa rin ako sa aking nakita. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nasa teritoryo ako ng mga bampira.

Humangin muli at nakita kong nawala ng isang iglap si Dimitri.

"Boo..."

"Ah—!" napatili ako ng malakas dahil sa isang iglap ay katabi ko na si Dimitri! may sira nga talaga ang ulo ng mga ito!

"Stop doing that, Dimitri." Cassandra rolled her eyes again, ngunit nakita kong natatawa ito sakanyang mga nakita.

"Hindi kasi sumasagot, halatang nasiraan na ng bait." nakangising si Dimitri habang nakatingin sa akin.

"W-what—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang magsalita si Jazer.

"That's enough," Jazer said firmly, his gaze cutting through the chaos. "We heard shouting."

Napalunok ako at tiningnan muli ang table clock at ang kandila. Tinuro ko ito nang dahan-dahan. "They're fucking talking!" sigaw ko.

"…The objects?"

"Yes, the fucking objects!" mabilis kong sagot. "They won't stop talking since I woke up!"

Cassandra glanced at the candle, then at the table clock.

"…Oh."

"…You’re panicking over that?" ang nakita kong seryosong mukha ni Jazer kanina ay may ngisi na sa mga labi.

I stared at them in disbelief.

"What do you mean, 'that'?! they have fucking voices!" sigaw kong muli.

"They're enchanted, brat..." narinig kong tumawa na si Dimitri.

"You know what? just prepare for the breakfast. I don't have time for nonsense, Brat." sambit ni Cassandra.

What the hell is wrong with these vampires?!

Maya-maya lang ay umalis na rin sila. I decided to take a bath and choose a nice dress for today. Nagtataka pa ako kung bakit puro itim ang mga kasuotan dito, ngunit naalala ko rin na mga bampira ang mga nakatira sa lugar na ito.

I am wearing a black gothic dress, it is fitted and elegant, with a slightly see-through lace detail around the waist that adds a touch of mystery. It gently highlights my figure, while the neckline shows just a bit of my cleavage, enough to feel graceful yet refined.

The dress feels perfectly made for me, sexy in a powerful way, at bagay sa presensiya ko.

Nakita kong lumapit si Tick-tocky, ang table clock, sa vanity mirror. May itinuro siya roon, kaya agad kong tiningnan. Doon ko nakita ang iba't ibang kolorete sa mukha, maayos na nakaayos at tila handa na para gamitin.

I decided to put on light makeup and a reddish lippie for today. Ngayon, para na akong isang tunay na noble lady, hindi tulad kagabi na para akong gusgusin at palaboy-laboy!

"Hmm... she's indeed a beauty." rinig kong bulong ni Morticia.

"I think I forgot how to breathe properly." narinig kong sambit ni Overon.

Pagkababa ko ay naroon na silang lahat, at nakatingin sa akin. Sa gitna ay nakaupo na roon ang hari na may ngiti na nakatingin sa akin.

"Good morning, Little Red. Come here, let's eat."

Dumako ang tingin ko sa napakalaking mesa, punong-puno ng pagkain na para bang may pista sa loob ng kastilyo. Sobrang dami ng nakahain, iba't ibang putahe na tila hindi ko alam kung breakfast ba ito o handaan na para sa buong kaharian.

Pinasadahan ko silang lahat ng tingin, hanggang sa mapunta ang mata ko sa isang bakanteng silya. Mas lalo pa akong napatigil nang mapansin ko kung sino ang kaharap nito, si Cassandra.

Wala naman akong ibang magawa kaya tumuloy na lang ako at umupo roon.

Sa sandaling naupo ako, napansin kong pasimpleng tumaas ang kilay ni Cassandra, parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa na may halong panghuhusga at interes.

Hindi ako nagpatalo. Tinaasan ko rin siya ng kilay pabalik.

"When is Vincarion coming here? It’s a shame Vincarion didn't get to see the brat." narinig kong sambit ni Dimitri.

"Oh... he said he has a lot to do there, and he won't be here for a while." sagot ng Hari.

Hmm... that Vincarion again, may isa pa palang Erenhal na hindi ko nakita.

Hindi ko na sila pinansin at nag simula na akong kumain, masarap ang mga putaheng inihanda nila. Habang kumakain ako, napahinto ako nang mapansin ang isang wine glass sa harapan ko. Kinuha ko ito at pinaikot-ikot sa aking kamay, maingat na sinusuri ang laman.

Wine ba ito… o dugo?

Napatingin ako sa paligid. Bampira ang mga nakapalibot sa akin, kaya hindi ko maiwasang kabahan kahit mukhang elegante at maayos ang lahat. Mahirap na, hindi ko alam kung anong klase ng 'special menu' ang maaaring ipainom sa akin dito.

Sa gilid ko, may narinig akong mahinang tawa. Ang nangangalang Leonardo.

"Relax," sambit nito, halatang aliw na aliw sa reaksyon ko. "Kung dugo iyan, matagal ka nang hindi humihinga at dugo mo ang nakalagay riyan."

"You know what? fuck you." mahina kong bulong kay Leonardo at kumain muli.

"Tsk. I can't with your paranoia, Brat." pagtataray ni Cassandra sabay lamon ng kanyang steak.

"I didn't ask for your opinion." pagtataray ko rito pabalik.

Nakita kong umangat nanaman ang kanang kilay nito, "Wala kaming planong gawing main course ang bwisita dahil hindi naman masarap."

Padabog kong ibinaba ang aking kutsara at tinidor.

"What the—" hindi ko natapos ang aking sasabihin kay Cassandra nang may inabot sa akin si Natalia na pagkain. Magkatabi rin ang dalawa kaya malapit lang sa akin si Natalia.

"That's enough, Cassandra. Here, Rassia... paborito ko iyan, tikman mo... masarap iyan." nakangiting abot sa akin ni Natalia ng pagkain.

Bumuntong hininga ako at tinanggap nalang iyon at nginitian ko ng tipid si Natalia.

"You two got pretty close that fast, huh? Even the brat's name... Natalia, you already know it?" takang tanong ni Rovan sa kaharap.

"Y-yes." umiwas ng tingin si Natalia.

"So Rassia, huh..." bulong ng isa pa.

"Hmm… so, Little Red, I think we already introduced ourselves, but you still haven't properly told us your name." nagulat ako nang marinig ang aking pangalan sa Hari, narinig niya ata ang kaguluhan namin dito.

Tiningnan ko ang hari at tinaasan ng kilay, naramdaman ko pang nakatingin na sa akin ang lahat kaya wala na rin akong magagawa kundi magpakilala. Kailangan ko pa rin silang pakisamahan dahil baka magbago ang pakikitungo nila sa akin at hindi na pauwiin.

"Fine..." tumayo ako at taas-noong tiningnan silang lahat

"I am Rassia Saint Quentin, from the House Quentin. The daughter of the Current Duke, Cesare Fuegoleon Quentin."

"From the sperm of Aurelius, huh?" nakangising sambit ni Dimitri.

"Your best friend, Dimitri." nakangising asar ni Overon kay Dimitri.

"Oh, fuck you! Overon!"

"I see, halata sa iyong mukha at buhok na isa kang Quentin," nakitang kong ngumisi si Devi at tumingin kay Cassandra. "Right, Cassandra?"

"You may sit now, Rassia." nakangiting wika sa akin ng Hari.

"Oh, shut up, Devi." sagot ni Cassandra.

"Rassia, alam mo ba si Cass—" sumingit din si Rovan, ngunit biglang natigilan ito nang yumanig ang buong paligid, maging ang napakalaking mesa ay tila gumalaw mula sa lakas ng pwersa.

"I said shut the fuck up!"

Napalingon ako kay Cassandra. Umaapaw na ang kanyang galit, tila handa nang sumabog.

Hindi lang iyon, pinalibutan din ang kanyang katawan ng naglalagablab na magenta mana.

Nakataas ang kanyang kamay, kung saan umiikot ang isang magic circle na kapareho rin ng kulay nito.

Ramdam ko ang matinding enerhiya na nag-iipon sa kanyang palad, handa nang pakawalan bilang isang energy blast kina Devi at Rovan.

Napalunok ako. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kalakas na enerhiya. Alam kong mana lang ang ipinakita ni Cassandra, ngunit sapat na iyon para yumanig ang paligid.

Iba ito sa naranasan ko sa Casino. Ang lalaking iyon ay alam kong isang Earth elemental holder, kaya niyang paglaruan ang lupa. Pero si Cassandra… mana pa lang ang inilalabas niya, pero ganito na agad ang epekto.

Mas lalo akong kinilabutan nang maalala ko ang nangyari noon, noong nagalit ang aking ama sa hapag-kainan, sa gitna ng pagtatalo namin ni Russel. Ganito rin ang pakiramdam noon.

Halos magkapareho ang lakas ng enerhiya ni Cassandra at ng aking ama.

Tunay nga silang malalakas. Paano pa kaya ang kanilang hari?

Napaisip din ako sa kanilang reaksyon nang marinig nila ang apelyedong Quentin. Natural lang sana na magalit sila sa aking katauhan, lalo pa't ang ninuno ko ay si Aurelius. Ngunit ang naging reaksyon nila ay kabaligtaran ng inaasahan ko. Nakuha pa nilang tumawa at mang-asar.

"Calm down, Cassandra. Do you want me to forbid you from seeing your mate?" sa wakas ay nagsalita na ang Hari.

"W-what?" mabilis nawala ang mana ni Cassandra at muling napaupo at napayuko.

Seryoso lang ang tingin ng Hari kay Cassandra. Napabuntong-hininga siya at bahagyang umiling, tila pagod na sa eksenang nagaganap sa harap niya.

Napatingin ako sa paligid. Ang iba pang Erenhal ay mukhang pinipigilan ang kanilang tawa, may ilang nakangisi pa na para bang sanay na sanay na sila sa ganitong pangyayari.

Para bang walang bigat sa kanila ang tensyon na kanina lang ay handa nang sumabog.

Para bang isa lamang itong karaniwang araw sa kanila.

Nang huminahon na ang paligid, saka muling nagsalita ang Hari. Ang kanyang boses ay mahinahon, ngunit may bigat na hindi maitatanggi, isang uri ng awtoridad.

"Little Red, I won't beat around the bush anymore. I know you're already aware of your powers and the demon inside you. But remember, do not let anyone know about this. It might put you in danger."

"What? why?" nakataas ang aking kilay sa hari.

"As you can see, we are vampires with human blood and they despises us. It even led to a war. So what more if they find out that there is a demon inside you?" singit ni Overon.

Napalunok ako sa narinig.

"W-what do you mean?"

"Vampires are considered demons in their eyes, seen as evil and heartless. Obviously, demons in their eyes are far worse. What if they find out about this? They will do everything they can to make you disappear." mahinhing sambit ni Natalia sa akin na may pag alala sa kanyang mukha.

"Sino ang tinutukoy niyo?" tanong ko, hindi pa rin nawala ang takot sa aking dibdib.

They started to make sense. Who the fuck is really the true enemy here?

Ibig bang sabihin nito ay hindi ako ligtas sa Vermeleyon kapag may nakakaalam nito? ngunit ang gusto ko lang naman ay gamitin ang aking kapangyarihan sa kabutihan, hindi sa kasamaan.

"The Holy Cathedral, Rassia. Avoid the priests, archbishops, cardinals or anyone in higher positions there as much as possible. They might be able to see something about you." Morticia said.

"Don't let anyone know that you saw us and that we are still alive, the Blood of Old Erenhal. They will think you are plotting with the Erenhal, especially with the demon inside you." dagdag ni Leonardo.

"Just trust us, Little Red." nakita kong lumambot ang tingin ng hari sa akin.

They make sense. Walang pwedeng makaalam nito. Baka maging kapahamakan pa ito ng aking ama at ni Russel.

Naniniwala nga ako na may demonyo sa loob ko dahil sa mga nakita ko sa Mirror Dimension. Ngunit higit sa lahat, natatakot ako sa maaaring mangyari kapag lumabas ang katotohanang ito, dahil sa mundong ito, ang lihim ay hindi kailanman nananatiling lihim.

Kahit ang Holy Cathedral man o ang mga Erenhal, wala akong kayang lubos na pagkatiwalaan.

Sa mundong ito, bawat ngiti ay maaaring may itinatagong pakay, at bawat salita ay maaaring patibong.

Kaya kailangan kong maging matalino, manatiling alerto, at huwag magpadala sa kahit anong anyo ng paniniwala.

Kung ang tiwala ang magiging kahinaan ko, mas mabuting piliin ko na lang ang pag-iingat.

King - rules one land

Emperor - rules many lands

That’s why the Erenhals and Rassia call Drakkon a king, because Drakkon only rules one land now.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.