CHAPTER 28

Rassia

?"Makinig kang mabuti, Rassia. Ang layunin ng unang yugto, ang Echo of Agony ay hindi para pahirapan ka lang nang walang saysay!"

?"Ang Eternal Flame Mana na nasa loob mo ay hindi ordinaryong enerhiya!

Ito ay isang uri ng kapangyarihan na direktang nakakabit sa iyong emosyon at espiritu!

Kapag ang puso mo ay puno ng poot na hindi mo kontrolado, ang apoy mo ay magiging marahas at tutupok maging sa iyong sarili!

Kapag ang isip mo ay mahina, ang apoy mo ay maglalaho! "

Tumigil siya sa harap ko at itinuro ang aking dibdib.

Habang ako ay nanamimilipit pa rin sa sakit.

?"Ipinaranas ko sa iyo ang aking pighati at galit dahil iyon ang pinakamabigat na emosyong maaari mong dalhin.

Kung kaya mong manatiling gising at matino habang pasan ang isang libong taon ng aking poot, ibig sabihin ay handa ka nang hawakan ang sarili mong apoy.

The purpose of this stage is to build your emotional fortress. "

"Kung hindi mo kayang kontrolin ang pighati ko, paano mo makokontrol ang sarili mong apoy at ang aking kapangyarihan?

Ang layunin ng yugtong ito ay gawin kang sentro ng bagyo.

Kahit anong sakit, kahit anong poot ang ibato ko sa iyo, kailangang manatiling kalmado ang iyong isipan.

Kapag naging master ka na ng sarili mong emosyon, doon mo pa lang mapapaamo ang selyadong mana mo nang hindi ka sumasabog. "

"Argh!" Napasubsob ako sa sahig, ang aking mga kuko ay bumaon sa ilusyong lupa. Ang pighati ni Lucy Pearl nang traydurin siya ng kaniyang sariling tauhan ay naging saksak sa aking puso. Ang galit niya nang makita ang kaniyang kaharian na nasusunog ay naging apoy sa aking mga ugat.

?"Hindi..." pagpupumilit ko, ang boses ko ay halos pabulong na dahil sa hirap. "Hindi ako... magpapalamon..."

?Ipinikit ko ang aking mga mata at sa gitna ng unos ng poot ni Lucy, hinanap ko ang isang imahe. Ang payapang mukha ng aking ina bago siya mawalan ng hininga.

Ginamit ko ang alaalang iyon bilang pananggalang.

Unti-unti, ang nagngangalit na itim na enerhiya ni Lucy ay nagsimulang kumalma sa paligid ko.

Hindi ko ito itinaboy, sa halip, tinanggap ko ito.

Hinayaan ko itong dumaloy sa akin, hindi bilang isang lason, kundi bilang isang bahagi ng aking pagkatao.

Naramdaman ko ang isang malakas na tunog at liwanag sa aking kaisipan. Ang unang yugto ng pagsasanay ay natapos sa isang nakakabinging katahimikan.

?Hingal na hingal akong napatingala kay Lucy Pearl. Ang aking mga mata ay ramdam kong namumula pa rin sa luha.

?"Nagawa ko..." sabi ko, habang pinapahid ang dugo sa aking labi. "Nakaligtas ako sa unang yugto. Ano na ang susunod, Lucy? Huwag mo akong ihinto... kaya ko pa."

Isang mapanuyang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Lucy Pearl, ngunit sa pagkakataong ito, may halong pagkilala sa kaniyang mga mata. Ang dilim sa paligid namin ay tila yumukod sa determinasyong ipinakita ko.

?"Magaling, nagawa mo agad. That means you are capable of controlling me. Huwag kang mag-alala wala akong balak hintuin ka." ang kaniyang tinig ay umalingawngaw sa bawat sulok ng dimensyon.

The Outside of Dimension

In Northern Estate

Dalawang linggo ang nakalipas nang malaman ni Vincenzo ang katotohanan kung bakit may demonyong nananahan sa loob ni Rassia.

Dahil dito, napagdesisyunan niyang tulungan ang dalaga na kausapin ang nilalang sa loob nito, sa tulong na rin ng kaniyang master na walang iba kundi ang ama ni Rassia.

?Sa loob ng dalawang linggong iyon, masusing pinag-aralan ni Vincenzo ang bawat hakbang. Naghanda nang husto ang kaniyang Sovereign Spirit na si Ravoc, gayundin si Duke Cesare, para sa mapanganib na kanilang gagawin.

Limang linggo na ring mahimbing na natutulog si Rassia, tila bilanggo sa sarili niyang kamalayan.

?At ngayon, dumating na ang takdang oras upang isagawa ang plano.

Muling pinalibutan ni Vincenzo ng isang matatag na dark barrier ang buong silid upang masigurong walang enerhiyang sisingaw palabas at walang makakaalam sa gagawin nila sa loob.

Habang nangyayari ito, maingat na nilagyan ni Duke Cesare ang noo ni Rassia ng isang itim na may gintong magic circle.

Nagsisilbi itong tulay at gabay upang ligtas na makapasok si Rassia sa dimensyong kinaroroonan ng demonyong si Lucy Pearl.

?"Ravoc, now!" utos ni Vincenzo.

?"Understood, master!" tugon ni Ravoc.

Pumikit ang sovereign spirit sa kaniyang anyo bilang isang itim na panther. Tila isang aninong dahan-dahang lumusot ang kaniyang isipan patungo sa loob ng dimensyon ni Rassia.

?"Did you see her, Ravoc?" kaba at pag-aalalang tanong ni Duke Cesare.

?"Yes, but she's still unconscious..." sagot ng panther.

?Napalunok si Duke Cesare. Iniharap niya ang kaniyang palad sa noo ng anak at nagpakawala ng sapat na enerhiya upang gisingin ang kamalayan nito sa kabilang dimensyon.

?"Nagigising na siya. Master Vincenzo, You can talk to her now," sambit ng sovereign spirit.

?"Master, Duke Cesare. The process might cause you pain through the process, so better prepare yourselves..." babala pa nito.

?Nagpakawala ng itim na enerhiya si Vincenzo, dahilan upang bahagyang lumutang ang katawan ni Rassia mula sa kama.

Napalibutan ang dalaga ng kaniyang madilim na aura.

Maya-maya pa ay sumama na rin sa pagbuhos ng lakas si Duke Cesare, nagpapakawala ng nagliliyab na gintong enerhiya.

Ang magkahalong itim at ginto ay tila isang bagyong bumabalot sa mahimbing pa ring natutulog na si Rassia.

?"Rassia... Huwag kang matakot sa kadiliman. Hanapin mo siya, Rassia... Huwag kang matakot sa kaniya... kilalanin mo siya... alamin mo ang kaniyang pangalan..." pagsusumamo ni Vincenzo sa kaniyang isipan.

?You have to find that demon, Rassia. Naniniwala akong kaya mo ito. I trust your ability and determination, I know a powerful one when I see one.

?Napagat-labi na lamang si Duke Cesare, hindi na mapigilan ang matinding pag-aalala para sa anak.

?My dear daughter, Rassia. I know you are strong. You have to face it yourself. Kung pwede lamang kitang samahan diyan sa loob ay ginawa ko na.

?Mahigit ilang oras na nilang isinasagawa ang proseso. Ramdam na nina Vincenzo at ng Duke ang unt-unting pagkaubos ng kanilang lakas, ngunit patuloy pa rin sila sa pagbuhos ng enerhiya.

?"She's... she's already t-talking t-to the d-demon..."

?Tila hirap na hirap si Ravoc sa mga nasasaksihan sa loob. Ang dambuhalang enerhiya ng demonyo ay unt-unting nagpapahina sa kaniyang espiritu. Kitang-kita ang pagtulo ng pawis at ang panginginig ng itim na panther.

?"Ravoc? What goddamn happened? Kumusta si Ras—" hindi na natapos ni Vincenzo ang kaniyang sasabihin nang biglang nagsilabasan ang mga itim na ugat sa leeg ni Rassia. Namumula rin ang balat nito, tila ba may hindi nakikitang kamay na marahas na sumasakal sa kaniya.

?"Rassia! Fuck! What happened to my fucking daughter, Ravoc?!" sigaw ni Duke Cesare, puno ng takot at poot ang kaniyang tinig.

?"Ang d-demonyo ay galit na galit... tila galit na galit ito kay Rassia..."

?Mas lalong lumakas ang enerhiyang nakapalibot sa dalaga, ngunit hindi na ito nanggagaling kina Vincenzo at Cesare. Ito na ang sariling enerhiya ni Rassia, isang mapanganib na puwersang tila kinukulong ang sarili nitong katawan.

Dumaing ang dalawa sa sobrang sakit nang maramdaman nila ang enerhiya ni Rassia, ngunit patuloy pa rin sila sa ginagawa.

?"W-what the? Unbelievable..." bulong ni Vincenzo. Napatulala siya habang nasasaksihan ang lawak at bagsik ng demonic mana na nagmumula kay Rassia.

?"M-my daughter..." tanging nausal ni Duke Cesare habang nakatingin sa naghihirap na anyo ng kaniyang anak.

?"R-rassia is e-entering the past, from the memories of the demon, Master..."

?Nanlaki ang mga mata ni Duke Cesare at napalunok sa tindi ng kaba.

Isang nakapapansong katotohanan ang sumampal sa kaniya.

Masasaksihan ng kaniyang anak ang pait ng nakaraan at ang bawat masamang salitang binitawan niya laban dito.

Ang kaniyang mga pagsisisi ay tila mga aninong nagsimulang sumakal sa kaniya.

?Biglang napasigaw ang panther sa matinding sakit. Agad napalingon sina Vincenzo at Cesare sa itim na panther na kitang-kitang nanghihina at nanginginig ang buong katawan.

?"M-master... matapos pumasok ni Rassia sa nakaraan.

.. tila naramdaman at nakita ako ng demonyo.

Hindi niya ako magawang saktan dahil isa rin akong makapangyarihan at kaya ko siyang labanan.

.. kaya mas lalo niyang nilakasan ang kaniyang enerhiya upang pilit akong itaboy at paalisin sa dimensyon. .."

?Nag-anyong tao ang sovereign spirit at napahawak sa kaniyang sintido, bakas ang labis na pagod sa kaniyang mukha.

"It's alright, Ravoc. You did your best," tanging nasambit ni Vincenzo, bagaman bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses.

?Nanatiling tahimik si Duke Cesare. Ang kaniyang katahimikan ay puno ng takot para sa mga bagay na malalaman ni Rassia.

?"Ngunit susubukan kong muli, Master," determinadong saad ni Ravoc.

?Muling pumikit ang panther. Matagal ang lumipas bago siya muling nakapasok sa dimensyon ni Rassia. Nang muli siyang magsalita, mas lalong bumigat ang atmospera sa silid.

?"M-master... tila sasanayin siya ng demonyo.

Tatagal ng ilang taon para kay Rassia sa loob ng dimensyon.

.. ngunit anim na buwan ang lilipas sa ating mundo.

Mas mabuting panatilihin natin siya sa ganitong kalagayan.

Kailangan nating iselyo ang inyong kapangyarihan sa paligid niya upang protektahan at gabayan ang kaniyang demonic mana nang hindi siya tuluyang lamunin nito.

Hindi maaari na anim na buwan din kayong patuloy na maglalabas ng enerhiya, Master. Ikakamatay ninyo ito."

Napatitig si Vincenzo sa kaniyang mga palad na nanginginig na sa pagod, bago ibinaling ang tingin sa mahimbing ngunit naghihirap na anyo ni Rassia. Ang ideya ng anim na buwan ay tila isang hatol na mahirap tanggapin.

?"Anim na buwan..." bulong ni Vincenzo, ang kaniyang boses ay puno ng pait.

?"Gawin mo ang nararapat, Vincenzo."

?Nagulat ang Crown Prince sa narinig. Lumingon siya kay Duke Cesare na hanggang ngayon ay hindi inaalis ang tingin sa anak.

"Selyuhan natin ang ating kapangyarihan sa paligid niya," pagpapatuloy ng Duke, ang boses ay gumaralgal. "Kung iyon ang tanging paraan para mabuhay siya sa loob at hindi siya lamunin ng sarili niyang mana, gagawin ko."

Tumango si Ravoc, kahit hirap pa ring tumayo nang tuwid.

"Kailangan nating bumuo ng isang Stasis Seal.

It will act as a life-support and a filter for her demonic mana.

We will embed your golden mana, Duke, and your dark mana, Master Vincenzo, into the seal.

It will serve as her light and shadow while she is training with the demon named Lucy Pearl. "

?Mabilis na kumilos ang dalawa. Sa ilalim ng direksyon ni Ravoc, nagsimulang mag-chant si Vincenzo at Cesare.

Ang ginto at itim na enerhiya ay hindi na ibinubuhos nang marahas, kundi dahan-dahang hinuhubog upang maging parang isang kristal na kabaong na gawa sa purong mahika na bumalot sa katawan ni Rassia.

?"Rassia..." bulong ng Duke habang inilalapat ang huling bahagi ng selyo. "Patawad kung sa paggising mo, ang baon mong alaala ay ang aking mga masasamang salita. Ngunit pakiusap... magpalakas ka. Bumalik ka sa akin. Hindi ko hahayaan na pati ikaw ay mawala sa akin..."

?Nang matapos ang selyo, ang silid ay binalot ng isang kakaibang katahimikan. Ang mga itim na ugat sa leeg ni Rassia ay dahan-dahang kumalma, bagaman nanatili ang kulay nito

?"Ang anim na buwan ay magsisimula ngayon," saad ni Ravoc habang nag-aanyong panther muli upang magbantay sa paanan ng kama. "Maghanda kayo. Dahil paggising niya, hindi na siya isang mahinang nilalang."

Rassia

?"Rassia! Ano, akala ko ba papatunayan mo ang iyong sarili?! Panglimang yugto pa lang ito! Paano pa kaya ang natitirang limang yugto na mas mahirap pa sa mga nauna?!"

Napasuka ako ng itim na likido ng dugo na may halong demonic mana. Ang aking mga braso ay nanginginig. Gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang hayaang lamunin ako ng kawalan para matigil na ang sakit na tila binabalatan ang aking kaluluwa.

Ngunit sa gitna ng ingay ng kaniyang pangungutya, narinig ko ang mga sigaw mula sa labas ng dimensyong ito.

"You can do it, Rassia!"

Ang boses ni Vincenzo. At ang gintong enerhiya na pilit humahaplos sa aking noo, ang presensya ng aking ama.

Sila... sakanila ako kumukuha ng lakas upang magpatuloy pa.

?"Impressive. You passed the fifth stage," Lucy's voice cut through the dark. "Now, we move to the next one immediately."

Biglang itinaas ni Lucy ang kaniyang kamay. Isang itim na usok ang mabilis na bumalot sa kaniyang mga daliri, at bago pa ako makaiwas, dinaluhong niya ako. Hindi niya ako sinuntok o sinipa. Sa halip, marahas niyang itinakip ang kaniyang mga palad sa aking mukha.

?"Lucy Pearl! Anong—"

?Isang matinding hapdi ang gumuhit sa aking mga mata, tila ba ibinabad ang mga ito sa kumukulong asero.

Napasigaw ako sa sakit at pilit na itinulak ang kaniyang mga kamay, ngunit huli na.

Nang maalis niya ang kaniyang pagkakahawak, idinilat ko ang aking mga mata, ngunit wala akong makita.

?Purong kadiliman.

?"Lucy Pearl! Nasaan ka?! Anong ginawa mo sa akin?!"

?"Lucy Pearl! wala akong makita!" sigaw kong muli, ang boses ko ay puno ng panik habang kinakapa ang hangin.

?"Tumahimik ka!" ang singhal ni Lucy ay parang kulog na yumanig sa buong dimensyon. Naramdaman ko ang kaniyang marahas na paglapit, hinawakan niya ang kuwelyo ko at binuhat ako paitaas hanggang sa halos hindi na tumapak ang mga paa ko sa lupa.

?"Ano ang iniiyak-iyak mo riyan?!" galit niyang asik sa mismong mukha ko. Ramdam ko ang kaniyang nagbabagang hininga at ang presyon ng kaniyang poot.

"Akala mo ba ay dinala kita rito para maglaro? Akala mo ba ay may oras pa tayo para sa iyong kaduwagan?!"

?"P-pero bulag na ako! Paano ako lalaban—"

?"Iyan ang point, tanga!" Binitawan niya ako nang marahas kaya napasubsob ako sa sahig. "Ang mga mata mo? Pabigat lang 'yan! Sa labas, selyado ang katawan mo, mahimbing kang natutulog. Kung aasa ka lang sa paningin mo, mamamatay ka bago ka pa man makadilat sa totoong mundo!"

?"Listen! Mana does not lie. Every move, every heartbeat, and every plan to kill leaves a trail in the air. This is Mana Sensory Deprivation. It is the only way you survive."

?"Stop acting like a weak human! Spread your mana around you like a web. Let the air tell you where I am. When I attack, don't look for me, feel my intent before I even move!"

?"Ah!" Napahawak ako sa aking braso. Isang malalim na hiwa ang gumuhit doon. Wala akong nakita, wala akong narinig na yabag. Sinubukan kong patigasin ang aking kamao at bumira patungo sa kung saan ko narinig ang kaniyang boses, ngunit hangin lang ang tinamaan ko.

?"Mabagal! Too predictable!"

Isang sipa ang tumama sa aking sikmura. Tumalsik ako at humampas sa matigas na sahig. Bago pa ako makahinga, sunod-sunod na atake ang dumating. Ramdam ko ang bawat hiwa ng kaniyang mana blades sa aking binti, sa aking balikat, at sa aking likod.

Basang-basa na ang suot ko, hindi ng pawis, kundi sa sarili kong dugo. Ang bawat galaw ko ay nauuwi sa hapdi. Sinubukan kong pakiramdaman ang hangin gaya ng sabi niya, pero ang panik at takot sa aking dibdib ay mas maingay pa sa kaniyang mga galaw.

?"Ito lang ba ang kaya mo, Rassia? Mamatay ka na lang ba rito na parang sugatang aso?" kutyang muli ni Lucy. Nararamdaman ko ang kaniyang presensya na tila ba nasa paligid ko lang, pero bawat beses na susubukan kong umiwas, laging huli ang reflexes ko.

?Napasandal ako sa kawalan, hinihingal, habang ang dugo ay tumutulo mula sa aking noo patungo sa aking mga mata na wala namang nakita. Nanlalabo na ang aking katinuan dahil sa dami ng sugat.

Ipinikit ko ang aking mga mata, tuluyan nang sumuko sa kawalan. Itinigil ko ang pagpilit sa aking paningin at sa halip ay pinalabas ko ang aking Demonic Mana sa bawat butas ng aking balat. Kumalat ito sa hangin na parang libu-libong invisible na sapot.

Ang bawat hibla ng aking mana ay nagsilbing sensor. Nararamdaman ko ang bawat alon sa hangin, nararamdaman ko rin ang bigat ng katahimikan. At doon, naramdaman ko ang isang distortion.

?Apat na dipa sa aking kanan, may isang mabigat at malamig na enerhiya ang humati sa aking sapot. Sa aking isipan, lumitaw si Lucy Pearl, bilang isang naglalagablab na anino ng itim na enerhiya. Bawat galaw niya ay nag-iiwan ng bakas ng enerhiya sa dilim.

Tumama sa akin ang kaniyang Killing Intent na parang kuryente.

Bago pa man humampas ang kaniyang braso, ang kaniyang matinding hangaring pumatay ang nagbigay-alam sa akin kung saan tatama ang kaniyang atake.

Alam ko na ang direksyon ng kaniyang tira isang milisegundo bago pa niya ito bitawan.

?Ang aking katawan ay gumalaw nang kusa.

Wala nang pag-iisip, wala nang pag-aalinlangan.

Bahagya akong yumuko, at naramdaman ko ang pagdaan ng kaniyang kamao sa ibabaw ng aking ulo.

Ang hangin ng kaniyang atake ay humaplos sa aking balat, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ito nakasugat.

?So this is the Mana Sensory Deprivation, huh.

Muling sumugod si Lucy Pearl, mas mabilis at mas marahas, ngunit sa pagkakataong ito ay tila bumagal ang takbo ng oras sa aking isipan. Ang bawat pag-igkas ng kaniyang kalamnan at ang bawat pag-alon ng kaniyang kapangyarihan ay malinaw na nakaguhit sa aking pandama.

?Naramdaman ko ang isang matalim na paggambala sa hangin mula sa ibaba, isang sipa na naglalayong baliin ang aking mga binti.

Hindi pa man ito tumatama, bahagya na akong umatras.

Sumunod ang isang mabilis na saksak ng kaniyang palad patungo sa aking dibdib, ngunit bago pa man ito makadikit, dahan-dahan ko nang iniikot ang aking katawan para umiwas.

I smirked. "Too slow."

Hindi ako makakita, ngunit kita ko ang bawat anggulo ng kaniyang pag-atake.

Para akong sumasayaw sa gitna ng isang bagyo nang hindi man lang nababasa ng ulan.

Ang bawat hangarin niya ay tila isang bukas na aklat sa aking pakiramdam.

Bawat galaw niya ay nababasa ko na bago pa man ito tuluyang magmula sa kaniyang katawan.

?"Magaling, Rassia. Mukhang hindi ka na isang mahinang dalaga na marunong lang umiyak," asik niya, at bakas sa kaniyang boses ang pagkilala sa aking galing, ngunit may kasama itong poot.

"Nagawa mong gamitin ang kadiliman sa halip na katakutan ito.

Isang milagro para sa isang tulad mong lampa. "

?Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin, at bawat hakbang niya ay tila yumanig sa aking pandama.

"Now, we immediately move to the next stage, ang Weapon Manifestation,"

?"Weapon Manifestation?" bulong ko sa sarili. Bigla kong naalaala si Vincenzo. Mukhang ito nga ang nasilayan ko nang harapin niya ang unang halimaw, ang paraan kung paano biglang nagkaroon ng mahabang espada ang kaniyang kamay mula sa kawalan.

?"Ang layunin nito ay ang pag-isahin ang iyong will at ang iyong mana.

Ang sandatang mabubuo mo ay tinatawag na Soul Weapon.

Hindi ito gawa sa bakal na galing sa panday, gawa ito sa mismong kakayahan ng iyong kaluluwa.

Ito ang tanging armas na makakasabay sa bilis ng iyong pag-iisip at sa bagsik ng iyong kapangyarihan. "

?Tumigil siya sa harap ko at naramdaman ko ang kaniyang mapanuring tingin kahit wala akong makita.

?"Ang Soul Weapon mo ang magsisilbing pangil at kuko mo sa susunod na mga pagsubok. Ngayon, hugisan mo ang iyong mana. Ipakita mo sa akin kung ano ang anyo ng iyong determinasyon."

"Upang mas mapadali ang iyong pag-manifest, damhin at ilagay mo ang buong mana mo sa iyong kamay at mag-isip ka ng nais mong armas," utos ni Lucy.

?Sinunod ko ang kaniyang boses. Inipun ko ang lahat ng enerhiyang kumakalat sa aking katawan patungo sa aking kanang palad.

Hmm... I was thinking of a sword but I want something unique…

?How about a bow?

?Or a whip?

?A dagger?

Napailing na lamang ako. I just remembered Cassandra and how she 'welcomed' me to Vlymir with those fucking daggers of hers.

How about ?a spear?

?Or maybe a scythe…

?"Okay, a scythe will do."

?I gave a small, thin smile in the middle of the darkness. A scythe, the weapon of death. It felt right for someone like me, who is constantly being swallowed by the void. I closed my eyes and channeled all my mana into my palms, shaping my determination into a sharp, curved blade.

"A scythe?" Lucy Pearl’s voice cut through the darkness.

"Bold choice, Rassia. But don't think for a second that it's going to be easy."

?Naramdaman ko ang paglapit niya, her aura pressing against my mana web like a warning.

?"A scythe is a difficult weapon to master.

Hindi 'yan katulad ng espada na diretso ang saksak o hiwa.

It's awkward, heavy, and unpredictable for a beginner," she explained.

"It requires perfect balance and coordination.

One wrong move, one improper hold, and it won't be your enemy that bleeds, it will be you.

It can easily cut your own flesh if you don't hold it properly. "

"I know," I replied.

?"I didn't choose this because it was easy. I chose it because it’s the only thing that feels as sharp as the darkness I'm carrying."

Unti-unting namumuo ang isang scythe sa aking palad.

Damang-dama ko ang pagdaloy ng aking mana mula sa aking mainit at magulong enerhiya, dahan-dahan itong nagiging solido at malamig sa aking pagkakahawak.

Ang bawat hibla ng kapangyarihan ay nagbubuhol-buhol upang bumuo ng isang mahabang puluhan na kasing-itim ng gabi, habang ang kurbadong talim ay unti-unting sumusulpot mula sa dulo nito na kumikinang sa ilalim ng malamlam na liwanag.

?"I will master it, Lucy Pearl. I'm not here to be a victim of my own power, I'm here to own it."

Ramdam ko ang koneksyon namin ng sandatang ito.

Hindi lamang ito basta enerhiyang namuo sa aking palad, tila ito ay isang karugtong ng aking sariling mga ugat at hininga.

Bawat pintig ng aking puso ay umaalingawngaw sa talim ng karit, at ang bawat kumpas ng aking mana ay nagbibigay-buhay sa kurbada nito.

?Para kaming iisang kaluluwa na nahati, ako ang isipan, at siya ang magiging kapangyarihan.

"Hmm... I see your capability in your Soul Weapon. You are indeed, the daughter of Nadea..."

?Napahinto ako sa sinabi ni Lucy Pearl.

?"Now, you must master how to use that before we move to the next stages, because the next stages will be harder than you imagine."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.