CHAPTER 27

Rassia

Tumitig ang Duke kay Ina, ang kaniyang mga mata ay punong puno ng mga luha. "Patawarin mo ako, Nadea. Mahal na mahal kita..."

?Nagsimulang umikot ang enerhiya sa loob ng silid.

Ang hangin ay naging marahas, tinatangay ang mga kurtina at ang mahabang buhok ni Ina.

Nakita ko ang pagdurugtong ng dalawang magic circle, ang sa dibdib ni Ina at ang sa noo ko.

Isang tulay ng liwanag at kadiliman ang nabuo sa pagitan namin.

?Ramdam ko ang bawat pintig ng ritwal. Ang Life Force ni Ina, kasama ang lahat ng kaniyang mana at ang kakila-kilabot na kapangyarihan ni Lucy Pearl, ay unt-unting hinahatak palabas sa kaniyang katawan.

Ang kaniyang balat ay lalong namumutla, ang kaniyang mga mata ay dahan-dahang nawawalan ng kislap, habang ang aking maliit na katawan sa gitna ng bilog ay nagsisimulang magkaroon ng kulay.

?"No... please... mother..." hikbi ko habang nakaluhod. Gusto ko silang pigilan ngunit wala akong magawa.

Nang sa wakas ay nagdugtong ang dalawang magic circle, isang nakapangingilabot na hiyaw ang bumasag sa katahimikan ng silid. Mula sa dibdib ni Ina, lumabas ang anyo ni Lucy Pearl.

?"Nadea! Huwag! Itigil mo ito!" pagmamakaawa ni Lucy. Ang kaniyang boses ay tila libu-libong kaluluwang tumatangis. "Hindi ko kayang gawin ito sa iyo! Mamamatay ka kapag kinuha mo ako sa iyong katawan!"

?Umiiyak si Ina, ang kaniyang mukha ay bakas ng pait at matinding pagod, ngunit ang kaniyang mga mata ay nananatiling matatag. "Lucy... pakiusap... iligtas mo ang anak ko. Ikaw na ang magsilbing buhay niya."

?"Hindi ito maaari! Ayoko!" Lalong nagwala si Lucy, ang kaniyang itim na aura ay nagsimulang sirain ang mga gamit sa loob ng silid sa tangkang kumawala sa ritwal.

?"Cesare! Ngayon na!" sigaw ni Ina sa gitna ng paghingal.

?Itinaas ng Duke ang kaniyang mga kamay. Nagpakawala siya ng isang dambuhalang enerhiya ng hangin, isang Gale Force na hugis kadena na nanggagaling sa kaniyang purong mana. Kasabay nito, ginamit ni Ina ang kaniyang natitirang lakas upang mas lalong palakasin iyon.

Ang dalawang makapangyarihang puwersa ay nagsanib upang magapos ang nagwawalang demonyo. Ang mga kadenang hangin ay pumulupot sa mga bisig at leeg ni Lucy Pearl, pilit siyang hinihila pababa patungo sa aking walang buhay na katawan sa gitna ng sealing circle.

?"Mga lapastangan! Anong akala mo sa akin, Nadea?

!" hiyaw ni Lucy, ang kaniyang boses ay yumanig sa buong silid, dahilan upang mabasag ang mga salamin sa paligid.

"Isang kasangkapan?! Isang baterya na maaari mong ipasa sa iba kapag pagod ka na?

! Hindi ako papayag! Hindi ako magpapakulong sa loob ng isang malamig na bangkay! "

?"Lucy... pakiusap..." hikbi ni Ina, ang kaniyang mga kamay ay nanginginig habang pinipigilan ang pagbagsak ng kaniyang sariling katawan.

?"Huwag kang magmakaawa sa akin habang pinapatay mo ang sarili mo!" lalong nagwala si Lucy, ang kaniyang mga kuko ay tila humahawi sa hangin, pilit na pinuputol ang mga gintong kadenang nakagapos sa kaniya.

"Kinamumuhian ko ang desisyong ito! Bakit mo kailangang piliin ang isang batang hindi pa man lang humihinga kaysa sa akin?! Ako ang kasama mo sa bawat laban! Ako ang nagpoprotekta sa iyo! Pero ngayon... ngayon itatapon mo ako sa loob ng batang ito?!"

?"Anak ko ang batang ito... hindi rin kita itinatapon, Lucy... Ipinagkakatiwala kita," mahinang sambit ni Ina sa gitna ng hirap na paghinga. "Ikaw ang pinakamalakas na nilalang na kilala ko. Sino pa ba ang mas hihigit sa iyo na magiging sandigan ng anak ko?"

?"Hindi ko siya gagabayan! Papatayin ko ang batang iyan, Nadea!" banta ni Lucy Pearl, bagaman ang kaniyang boses ay nagsisimulang mabasag sa pighati.

?"Hindi mo magagawa iyan... dahil alam kong may puso ka sa likod ng galit na 'yan," pilit na ngumiti si Ina, "Lucy, gabayan mo siya.

Kapag wala na ako, ikaw ang magsisilbing mga mata niya.

Protektahan mo siya sa mundong ito na puno ng lason.

Turuan mo siyang lumaban... turuan mo siyang mabuhay.

Pakiusap, maging ina ka rin para sa kaniya. "

?"Nadea... huwag... parang awa mo na..." ang galit ni Lucy Pearl ay unti-unting napalitan ng isang mapait na tangis.

?"My final wish, Lucy... be her guardian. Be her light in the dark. Protect my Rassia..."

?"Nadea, parang awa mo na! huwag mo akong iwan sa kadilimang ito!" ang huling sigaw ni Lucy bago siya tuluyang nabaon sa aking maliit na dibdib.

Nang tuluyang mabaon si Lucy Pearl sa aking maliit na dibdib, unt-unting naglaho ang nagliliyab na mga magic circle sa aking noo at sa dibdib ni Ina. Ang katahimikan ay bumasag sa silid, ngunit hindi ito nagtagal.

?Isang mahina ngunit matinis na iyak ang umalingawngaw, ang aking unang pag-hininga. Ngunit kasabay ng aking pag-uumpisang mabuhay ay ang paghina nang aking Ina.

?Agad siyang dinaluhan ni Ama. Nanginginig ang kaniyang mga bisig habang kinakalong ang nanghihinang katawan ni Ina, pilit itong idinidikit sa kaniyang dibdib na tila ba kaya niyang ibalik ang init nito.

?"No! Nadea! I love you... please, I’m not ready yet..." hikbi ng aking ama. Ang kaniyang boses na dati ay puno ng awtoridad ngayon ay basag na basag, nagmamakaawa sa tadhana na huwag munang bawiin ang kaniyang mundo.

?"Cesare... pakinggan mo ang huling hiling ko.

Mahalin mo ang anak natin... gabayan mo siya at protektahan.

Give her everything beautiful things in her life, spoil her with shining jewels, just like how I loved jewelry.

.." mahina natawa ang Ina sa huling sinambit ngunit may mga luha pa rin sakanyang mga mata.

Bumuhos ang luha ni Ina habang nakatingin sa maliit kong katawan na umiiyak, bago muling ibinalik ang paningin kay sa aking ama.

"Pakiusap, Cesare... huwag mo siyang kamuhian. Wala siyang kasalanan sa tadhana nating ito. Mahalin mo ang anak natin sa paraang minahal mo ako..."

"?M-mahal na mahal kita, Cesare. Hindi ko man gustong iwan ka nang mag-isa sa mundong ito, pero ito ang tanging paraan para mabuhay ang ating anak..."

Iniangat ni Ina ang kaniyang mukha at hinalikan ang aking ama. Isang huling halik na selyado ng kanilang mga luha at ng wagas na pag-ibig.

Nang magbitiw ang kanilang mga labi, isang mapayapang ngiti ang sumilay sa mukha ni Ina. Sa kabila ng kaniyang panghihina, sinenyasan niya ang Duke na kunin ako. Maingat akong binuhat ng aking ama mula sa sealing circle at inilagay sa mga bisig ni Ina.

?Niyakap kaming dalawa ng Duke mula sa likod ni Ina, ang kaniyang mga luha ay pumapatak sa aming balat habang pilit niyang pinagdurugtong ang aming mga hininga.

Kinarga ako ni Ina nang may nanginginig na mga bisig at marahang hinalikan ang aking noo.

?"Rassia… don’t be a brat, okay? Huwag mong bigyan ng masyadong sakit ng ulo ang iyong ama. I don’t want him dying of stress because of worrying over you," mahinang tawa ni Ina, bagaman ang bawat hininga niya ay tila saksak sa kaniyang dibdib.

?"Don't be picky with your food. Eat well and take care of your body. Make sure you stay healthy, even when I’m not around. Make a lot of friends, my love. Don’t shut yourself away from people, learn to trust, to laugh, and to live normally with others.

Good friends will help you more than you know. "

?Hinaplos niya ang aking maliit na pisngi, ang kaniyang mga mata ay tila pilit na isinasaulo ang bawat detalye ng aking mukha.

?"Respect your teachers. Listen to them, learn as much as you can, and don’t waste the chances you are given.

And Rassia… be kind. Even when the world feels unfair, don’t let it harden your heart.

Stay gentle, stay strong, and grow into someone who can stand on her own without losing herself.

Wear nice dresses and gowns every day...

and don't have a boyfriend until you’re nineteen. "

Isang mapait na ngiti ang muling lumitaw sa kaniyang mga labi habang humihilig siya sa balikat ni Ama.

?"Oh God, there's so much more I want to tell you, Rassia. But thank you... thank you for letting me be a mother. I love you, Rassia. Mahal na mahal kita. Kayong dalawa ng ama mo... be a good daughter, okay?"

Tumingin siya sa aking ama sa huling pagkakataon, ang kaniyang mga mata ay puno ng walang hanggang pamamaalam.

?"Mahal na mahal kita, Cesare."

?Kasabay ng huling salitang iyon, nakita ko ang pagluwag ng kaniyang yakap. Ang kaniyang mga mata ay dahan-dahang napikit, at ang init ng kaniyang katawan ay unti-unting naging malamig na hangin.

Tuluyan na akong napaluhod sa sahig, ang aking mga tuhod ay tila nawalan ng buto habang ang bawat hibla ng aking pagkatao ay nadudurog. Napahagulgol ako, isang matinis at basag na tangis na tanging ang hangin lamang ang nakakarinig.

?I looked at my beautiful mother's lifeless body.

Naroon siya, nakahilig pa rin sa mga bisig ni Ama, tila ba natutulog lamang sa gitna ng isang marangyang panaginip.

Ang kaniyang mukha ay payapa, wala na ang bakas ng sakit at ang itim na lason na kanina lamang ay nagpapahirap sa kaniya.

Ang kaniyang buhok ay nakakalat sa dibdib ng Duke gaya ng mga hibla ng ginto, at ang kaniyang mga labi ay nananatiling may bahid ng huling ngiti.

?"Ina..." bulong ko, pilit na inaabot ang kaniyang malamig na kamay kahit alam kong tatagos lamang ang aking mga daliri. "Patawad... patawad dahil kailangan mong mamatay para lang mabuhay ako."

?Napatingin ako sa aking ama. Nakasubsob ang kaniyang mukha sa balikat ni Ina, ang kaniyang mga balikat ay nanginginig sa tahimik ngunit nakapanlulumong pag-iyak.

Hawak-hawak niya ako, ang sanggol na bersyon ko ngunit ang kaniyang buong atensyon ay nasa babaeng kaisa-isang minahal niya.

Niyakap niya nang buong lakas ang wala nang buhay na katawan ni Ina.

Pilit niyang isinisiksik ang kaniyang mukha sa leeg nito, humihikbi nang marahas habang tinatawag ang pangalan nito nang paulit-ulit.

"Gising, Nadea! Huwag mo akong iwan dito!

Utos ito ng iyong Duke... pakiusap, gising! "

?Ngunit ang katahimikan ni Ina ang pinakamasakit na sagot.

Napatingila ang aking ama, ?"Bakit?!" ang kaniyang boses ay dumagundong na parang kulog. "Bakit siya?! Sa dami ng maaari ninyong kunin, bakit ang mundo ko pa?!"

Napahagulgol ako habang nakatitig sa kaniya. Gusto kong sumigaw, gusto kong humingi ng tawad, pero isa lamang akong piping multo sa nakaraang ito.

?Ngunit bago pa man ako tuluyang lamunin ng kaniyang poot, biglang lumambot ang kaniyang mga balikat.

Naalala niya ang huling hiling ni Ina. Ang kaniyang galit ay muling naging pighati, mas matindi at mas malalim kaysa kanina.

Ibinaba niya ang kaniyang noo sa tiyan ni Ina at humagulgol gaya ng isang taong nawalan ng lahat ng saysay sa mundo.

?"Patawad, Nadea... patawad..." hikbi niya, habang ang kaniyang mga luha ay bumabasa sa malamig na balat ni Ina.

?"Patawad..." bulong niya, ang boses ay basag at puno ng matinding pait. "Patawad... ngunit hindi ko yata kayang tingnan ang ating anak."

Napahawak ako sa aking bibig upang pigilan ang isang panibagong hikbi. Ito ang katotohanang matagal ko nang nararamdaman, ang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi ako nayakap ng aking ama nang may purong kagalakan.

"I will protect her... I will give her everything... but don't ask me to love her. Not yet. Not while my heart is still bleeding for you."

?Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang mas lalong pag-iyak ng sanggol kong bersyon, tila narinig at naramdaman ang pait sa bawat salitang sinambit ng aking ama.

Pinanood ko siya habang dahan-dahan niyang binuhat ang aking sanggol na anyo.

Ngunit ang kaniyang paningin ay nanatiling nakapako sa kawalan, iniiwasan ang bawat sulyap sa aking mukha dahil sa takot na makita roon ang mga matang kumuha sa kaniyang asawa.

Nang binuhat niya ako, saka lamang tumahan sa pag-iyak ang sanggol kong bersyon.

Napahawak ako sa aking mukha at muling humagulgul. Hindi ko na kaya, ang sakit-sakit! Bawat hikbi ko ay tila pagpunit sa sarili kong puso. Tama lang na kamuhian ako ng aking ama... kahit wala naman akong kasalanan, ako pa rin ang naging dahilan ng pagkamatay ng aking Ina.

Ngunit sa gitna ng pighati, isang panibagong apoy ang nagliyab sa aking dibdib, ang poot.

?Magbabayad ang gumawa nito sa aking Ina. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikilala kung sino ang nagtanim ng lason na iyon. Gagawin ko ang lahat, uubusin ko ang aking lakas, makilala ko lang ang salarin!

Maya-maya pa ay may liwanag na bumalot sa buong paligid.

Napakasakit nito sa mata kaya't napapikit ako, ngunit wala na akong pakialam doon.

Nanatili akong nakaluhod, ang aking mga luha ay patuloy pa ring dumadaloy.

Ang bawat imahe ng huling sandali ni Ina ay nakaukit pa rin sa aking isipan.

?"Ngayon, alam mo na, Rassia? Naiintindihan mo na ba ako?"

?Ang malamig at makapangyarihang tinig ni Lucy Pearl ay umalingawngaw sa aking pandinig. Kasabay nito, unt-unting nawala ang marahas na liwanag at napalitan ng pamilyar na kadiliman at katahimikan.

Mukhang nakabalik na ako sa dimensyon.

?Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, basang-basa pa rin ito ng luha. Narito muli ako sa harap ng demonyong naging buhay ko.

?"Naintindihan mo na?" pag-uulit ni Lucy, ngunit sa pagkakataong ito, ang kaniyang boses ay dumagundong na tila sumasabog na bulkan. "Naintindihan mo na ba ang galit ko?! Na ang bawat segundo ng paghinga mo ay ninakaw mo mula sa babaeng mahal ko?!"

?Humakbang siya papalapit, bawat yapak ay nag-iiwan ng bitak sa sahig ng dimensyon.

?"Saksi ako sa bawat patak ng luha ng iyong ina!

At ngayon, narito ka... umiiyak? Naghahanap ng hustisya?

!" Tumawa si Lucy, isang nakapanlulumong tawa na puno ng pait.

"Ang tanging hustisya sa mundong ito, Rassia, ay ang mawala ka!

Dahil hangga't buhay ka, ang sakripisyo ni Nadea ay mananatiling isang malupit na biro! "

Biglang nagpakawala ng itim na enerhiya si Lucy Pearl, isang marahas na bugso ng hangin na nagpatalsik sa akin palayo. Itinaas niya ang kaniyang kamay at mula sa dilim at lumabas ang mga itim na kadena, ang mismong mga kadenang ginamit nina Ina at ama upang igapos siya noon.

?"Kung talagang nais mong magbayad ang gumawa nito sa kaniya, patunayan mo sa akin!" sigaw niya, "Labanan mo ako, Rassia! Ipakita mo sa akin na karapat-dapat kang mabuhay sa mundong ito!"

Idinuro niya ang kaniyang daliri sa akin, ang kaniyang mukha ay balot ng pagnanais na manakit.

?"Huwag kang tumayo riyan at magmukhang biktima!

Kung gusto mong malaman ang katotohanan, kung gusto mong mahanap ang pumatay sa kaniya.

.. kailangan mo munang lagpasan ang galit ko!

Come at me, child of sacrifice! Ipakita mo sa akin kung may saysay ba ang bawat patak ng dugo ni Nadea na nananalaytay sa mga ugat mo! "

Napakapit ako sa aking dibdib, nararamdaman ang bigat ng kawalan. Paano? Paano ko siya lalabanan? Wala akong ibang alas kundi ang kapangyarihang galing mismo sa kaniya, ngunit narito ako sa loob ng sarili kong isipan, isang dimensyong siya ang may kontrol.

At ang mas malala, ang sarili kong mana core ay nananatiling nakaselyo.

?"Then, unseal my mana core! You demon! Para malabanan kita, Lucy Pearl!" sigaw ko, ang boses ko ay umaalingawngaw sa kawalan, pilit na itinatago ang takot sa likod ng tapang.

?"I can't unseal your mana core, yet. Hindi mo kakayanin ang sobrang lakas ng sarili mong mana, Rassia!" nanunuya niyang sagot, habang ang kaniyang itim na aura ay dahan-dahang pumupulupot sa paligid ko.

?"Ang kapangyarihan mo ay ang Eternal Flame Mana!" sigaw niya, ang kaniyang boses ay naging kasing talim ng mga kristal. "Hindi mo kakayanin ang sobrang lakas ng mana na iyon kasama ang aking mana, sa kondisyon mo ngayon, Rassia!"

?"Isipin mo, Rassia!" lalong lumapit si Lucy, ang kaniyang mukha ay puno ng poot.

"Ang katawan mo ay isang marupok na sisidlan.

Sa loob mo, nagbabaga ang apoy ng Quentin habang nananalaytay ang aking itim na kapangyarihan.

Kapag binuksan ko ang selyo nang hindi ka pa handa, ang Eternal Flame ay magrereact sa aking presensya!

Maglalaban ang dalawang pwersa sa loob mo at ang unang madudurog ay ang iyong puso! "

Humalakhak siya nang mapait habang itinuturo ang aking dibdib.

?"Gusto mong maghiganti? Gusto mong makilala ang pumatay sa iyong ina?

Paano mo gagawin 'yan kung ang sarili mong kapangyarihan ang kikitil sa iyo bago ka pa man makatayo?

! You are a ticking time bomb, child! ?You need to fully control me and gain me!

You need to train!" muli niyang sigaw.

?"Hindi sapat ang galit, Rassia! Ang kailangan mo ay ang determinasyong pasukuin ako! Kung gusto mong malaman ang pumatay sa iyong ina, kailangan mong maging mas masahol pa sa isang demonyo. Patunayan mo sa akin na ang sakripisyo ni Nadea ay hindi napunta sa isang mahinang bata!"

Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata, walang kurap, walang bakas ng pag-aalinlangan. Kung ang apoy sa loob ko ang papatay sa akin, hahayaan ko itong sunugin muna ang lahat ng takot na natitira sa aking puso.

?"Then, can you train me?" hamon ko, ang boses ko ay matatag at puno ng bagsik.

"I don't care if we take years! Wala rin akong pakialam sa sealed kong mana core sa ngayon.

Your power is enough! Ang tanging gusto ko.

.. ang tanging mahalaga sa akin... ay ang makontrol kita, Lucy Pearl! "

Humakbang ako palapit sa kaniya, kahit na tila dinudurog ng kaniyang presensya ang aking kaluluwa.

?"Gusto mong makita kung karapat-dapat ako sa sakripisyo ni Ina?

Gusto mong patunayan ko sa iyo na hindi nasayang ang buhay niya para sa akin?

Pagbibigyan kita. Gagawin ko ang lahat, kahit dumaan ako sa impiyerno araw-araw, mapasuko lang kita.

Magiging master mo ako, Lucy Pearl, at gagamitin ko ang bawat hibla ng lakas mo para mahanap ang kumuha sa kaniya. "

?Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang nakatitig sa nagliliyab niyang mga mata.

?"Hindi ako papayag na maging biktima na lang habambuhay. Kung kailangang maging demonyo rin ako para lang makontrol ang isang tulad mo, gagawin ko. Simulan na natin. Huwag kang magtitira, dahil hindi rin ako titigil hangga't hindi mo ako kinikilala."

"Kung iyan ang gusto mo, sige. Magsimula na tayo ngayon din. It will take years, Rassia. Ilang taon ng walang hanggang pagdurusa sa loob ng dimensyong ito, habang ang katawan mo sa labas ay tila natutulog lamang ng ilang araw."

Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lucy Pearl. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at biglang nagbago ang anyo ng paligid.

?"Ang unang ituturo ko sayo ay ang Echo of Agony," bulong ni Lucy, ang kaniyang boses ay tila nanggagaling sa lahat ng dako.

"Huwag mong asahan na ituturo ko sa iyo agad kung paano humawak ng espada. You need to survive the first stage, before that, Rassia!" sigaw ni Lucy Pearl.

Bago pa ako makasagot, isang mabilis na liwanag ng dilim ang tumama sa aking noo.

"Huwag kang bumigay sa dilim! Kapag ipinikit mo ang iyong mga mata, hindi ka na magigising bilang ang anak ng Duke, magigising ka bilang isang halimaw na uubos sa lahat ng mahal mo!"

?Agad akong binalot ng isang matinding hilo. Sa isang kurap, hindi na ako si Rassia na nakatayo sa dimensyon. Nararamdaman ko ang bigat ng isang korona, ang amoy ng nasusunog na palasyo, at ang hapdi ng libu-libong palaso na bumaon sa aking likuran.

"Y-you were a Queen, Lucy Pearl?"

?"Ito ang sakit ng aking pagbagsak," boses ni Lucy Pearl na umaalingawngaw sa loob ng aking isipan. "Damhin mo ang bawat hiyaw ng mga tauhan ko, ang bawat pagkabigo ng aking puso, at ang poot ng isang reynang pinagkaitan ng lahat!"

Napaluhod ako. Hindi ito pisikal na sakit, mas malala pa ito. Tila binubutas ang aking puso ng milyun-milyong karayom. Ang galit ni Lucy Pearl ay nananalaytay sa aking mga ugat, sinusubukang burahin kung sino ako. Ang bawat alaala ng kaniyang pighati ay naging akin.

?Gusto kong sumigaw, gusto kong mawalan ng malay para lang matigil ang siklab ng emosyon sa loob ko, ngunit naramdaman ko ang malamig na haplos ni Lucy sa aking balikat.

?"Huwag kang pipikit, Rassia! Kapag nawala ang katinuan mo sa gitna ng aking pighati, mananatili kang bilanggo rito habambuhay. Breathe through the pain. Own it. Make my agony your strength, not your cage!"

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.