CHAPTER 26

Rassia

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, pilit na kumakawala sa dilim na lumamon sa akin kanina. Luminga-linga ako sa paligid at agad na kumunot ang aking noo.

?Narito ako sa hallway ng Quentior Palace, ang Quentin Residence, ngunit hindi ito ang palasyong kinagisnan ko na balot ng katahimikan at lamig.

Ngayon ay punong-puno ang atmospera ng ligaya.

May naririnig akong tawanan, ang kalansing ng mga kopita, at musikang nagmumula sa hall.

Tila may isang malaking kasiyahang nagaganap.

?Napahawak ako sa aking leeg, kung saan bumaon ang mga kuko ni Lucy Pearl. Ramdam ko pa rin ang hapdi at ang tila bakal na kapit ng kaniyang kamay, ngunit laking gulat ko nang mapansin ang aking sarili.

Tila ako ay isang kaluluwa. Nang subukan kong hawakan ang aking leeg, tumagos lamang ang aking mga daliri sa aking katawan na tila ba gawa lamang ako sa hangin at usok.

?"Marahil narito nga ako sa nakaraan..." bulong ko, bagaman walang nakakarinig sa akin.

Napalunok ako habang ang mga luha ay mabilis na dumaloy sa aking mga pisngi. Hindi ko inakalang ganito kasakit at kasaya sa pakiramdam ang makita ang imahe ng aking ina at ang bersyon ng aking ama na hindi ko kailanman nakilala.

?Bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi na ako makapaghintay na masilayan sila nang malapitan.

Mabilis akong naglakad, halos tumakbo na ako papasok sa engrandeng double doors ng hall.

Tunay ngang isa lamang akong anino rito dahil ang mga kawal na nakahilera sa hallway ay tila hangin lang ang nadarama sa aking pagdaan.

?Napahinto ako sa harap ng double doors. Nagsasaya ang lahat, may mga nagsasayaw sa gitna, at ang iba ay masayang nagkukuwentuhan habang umiinom ng wine. Ngunit ang kumuha ng atensyon ko ay ang lalaking nakatayo sa di kalayuan.

The Duke, Cesare Fuegoleon Quentin.

Ang aking ama. May hawak siyang kopita at may mga pilyong ngiti sa kaniyang mga labi.

Tila ibang tao ang nakikita ko ngayon kaysa sa amang kinalakihan ko na laging malamig ang tingin.

Ang kaniyang mga ngiti ay eksaktong katulad ng nakita ko sa painting sa Quentior Museum na may kapilyuhan.

?Pumasok ako sa loob at pumunta sa gilid, sapat para makita ko ang kaniyang mukha nang maayos.

Sinundan ko ang direksyon ng kaniyang paningin.

Ang tingin ng aking ama ay puno ng paghanga at wagas na pagmamahal, isang tingin na tila ba ang buong mundo niya ay nakatuon lamang sa isang tao.

?At sa itaas ng engrandeng hagdan, nakita ko ang kaniyang tinitingnan…

Isang napakagandang babae na may mahaba at nagniningning na blonde hair. Ang kaniyang mga mata ay kulay itim, kaparehong-kapareho ng mga mata ko. Nakasuot siya ng isang marangyang gold gown na bumabagay sa kaniyang maputing balat.

The Duchess, Nadea Saint Quentin.

?Totoo nga ang sinabi nila. Kamukhang-kamukha ko ang aking ina. Ang tanging pinagkaiba lang namin ay ang kulay ng aming buhok.

?"Ina..." bulong ko sa pagitan ng aking mga hikbi.

?Gusto ko siyang takbuhin, yakapin, at sabihin sa kaniya ang lahat ng pinagdaanan ko, ngunit alam kong hangin lang ang mayayakap ko. Narito ako bilang isang saksi sa huling sandali ng kanilang kaligayahan bago dumating ang trahedyang sisira sa lahat.

Napatingin ako sa tiyan ni Ina. Bahagya na itong umaumbok sa ilalim ng kaniyang gintong gown. Naroon ako. Pinagbubuntis niya na ako sa mga sandaling ito.

?Ibig bang sabihin, ito na ang araw na iyon? Ang araw kung kailan ang musika ay mapapalitan ng mga sigaw? Ngunit sa ngayon, tila walang bakas ng panganib. Ang palasyo ay puno ng halimuyak ng mga bulaklak at mamahaling wine.

?Nang tuluyang makababa si Ina sa huling baitang ng hagdan, agad lumapit ang aking ama. Kinuha niya ang mga palad ni Ina at dinala ito sa kaniyang mga labi para sa isang magiliw na halik.

?"You look beautiful, as always. Honey..." bulong ng Duke, sapat na para marinig ko kahit nakatayo ako sa anino.

Narinig ko ang mahihinang tili at saya ng mga panauhin nang masaksihan ang tagpong iyon. Umalingawngaw ang mga bulungan sa paligid.

?"A powerful couple indeed!"

"They look so good together!"

"Oh my! The Duchess' beauty is incomparable!"

"The Duke is dashing as always!"

?Ngunit ang huling narinig ko ang lalong nagpadurog sa akin,

"I wonder what their child would look like? Sigurado akong napakaganda o napakagwapo ng kanilang anak..."

Napangiti ako sa gitna ng aking paghikbi. Kung alam lang nila... kung alam lang nila na ang batang inaasahan nilang magdadala ng liwanag ang siya ring magiging mitsa ng kadiliman sa tahanang ito.

Kahit alam kong kinamumuhian ako ni Lucy Pearl, hindi ko mapigilang magpasalamat sa kaniya. Binigyan niya ako ng pagkakataong masilayan ang aking ina, at makita ang mga ngiti ng aking ama na minsan ko lang masilayan.

?"As we celebrate the month my beloved Duchess, Nadea Saint Quentin, will give birth, this is also our anniversary as husband and wife!

So please, enjoy yourselves!" itinaas ng Duke ang kaniyang kopita habang nakahawak sa kaniyang braso si Ina.

Ang saya sa kanilang mga mata ay tila walang katapusan.

Muling nagsayawan ang lahat. Sa gilid ng hall, napansin ko ang apat na pamilyar na pangalan, sina Finn, Valentino, Agostin, at Owen.

Napakabata pa nila rito, marahil ay mga tinedyer pa lamang.

Mukhang inaasar ni Agostin si Finn habang sina Valentino at Owen ay tawa nang tawa.

Nakatutuwa silang tingnan.

?Luminga-linga pa ako sa paligid. Lahat sila ay masaya, may mga ngiting walang bahid ng pag-aalinlangan, mga tawanan na tila walang katapusan. Wala silang kaalam-alam sa madilim na trahedyang naghihintay sa susunod na kabanata.

?Napatingin ako sa direksyon ng aking mga magulang. Masaya silang nag-uusap, namumula ang mga pisngi ni Ina habang ang aking Ama naman ay may pilyong ngisi sa kaniyang mga labi.

Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Dahil sa labis na pananabik, napagdesisyunan kong lumapit.

?"Stop with your stupid jokes, Cesare!" tatawa-tawang saway ni Ina.

?"I mean it, Nadea. Susundan pa natin iyan ng lima..." sagot ng Duke, ang kaniyang pilyong ngiti ay tila nanunukso.

?"Ginawa mo naman akong inahing baboy, Cesare! Two is enough. I want a baby girl and a baby boy..." muling napangiti si Ina habang marahang hinahaplos ang kaniyang tiyan.

?"Hmm... a girl and a boy, then."

?Lalong bumuhos ang aking mga luha nang yumuko ang aking Ama at niyakap ang tiyan ni Ina. Tila pinapakinggan niya ang bawat galaw ko sa loob. Ngumiti si Ina at dahan-dahang tinapik ang ulo ng Duke, isang tagpong puno ng wagas na pag-ibig.

?"I can't wait to see our baby girl, Nadea," sambit ni Ama. Mas lalo lamang akong napahagulgol sa kaniyang tinuran.

?"What makes you think she's a girl, Cesare?" natatawang tanong ni Ina.

?"I just feel it..."

?"Cesare, I really wanted to have a baby boy... who looks just like you. At kapag lalaki ang batang ito... I want to name him Russel Silas."

Nanlaki ang aking mga mata. Ang pangalang iyon.

.. galing kay Ina ang pangalan ni Russel?

Isang matinding kirot ang gumuhit sa aking dibdib.

Gusto ni Ina ng anak na lalaki na kamukha ng Duke, ngunit sa hinaharap, nagkaroon nga ng anak na lalaki ang Duke, pero hindi galing sa kaniya. ..

?Muling hinalikan ng aking ama ang tiyan ni Ina. "And I wanted a baby girl who looks just like you, Nadea. I want to name her after your name... Rassia Saint."

?"Rassia Saint... that's beautiful..." bulong ni Ina.

?Napahawak ako sa aking mukha, hindi na mapigilan ang hagulgol. All this time... my father was the one who named me.

Mahal na mahal nila ang isa't isa, at bahagi ako ng kanilang bawat pangarap. Hindi ko na napigilan ang sarili. Kahit alam kong tumatagos lamang ako, niyakap ko silang dalawa nang buong higpit.

?"Mother! Father!" sigaw ko sa gitna ng aking mga luha.

Ayaw ko nang umalis. Gusto ko na lang manatili rito. Gusto ko silang makasama nang matagal.

?Ngunit tila naramdaman nila ang aking presensya. Sabay na lumaki ang kanilang mga mata at nagkatinginan sa gulat. Napatingala ang Duke, tila may hinahanap sa hangin.

?"Naramdaman mo rin ba iyon?" tanong ni Ina, ang kaniyang boses ay puno ng pagtataka. "Tila may hangin na yumakap sa atin..."

?"Yeah, I feel it too..." sagot ni Duke, ang kaniyang tinig ay naging malumanay. "As if it's longing for us..."

Tumawa lamang ang aking Ina at kumuha ng kopita, "To our anniversary, Cesare," nakangiti niyang sambit bago uminom ng kaunti. Ngunit bago pa man niya maibaba ang kopita, ang kaniyang ngiti ay biglang naging isang ngiwi ng matinding sakit.

?Nabitiwan ni Ina ang kopita. Ang tunog ng pagkabasag ng kopita sa sahig ay tila isang babala na bumasag din sa kasiyahan ng buong hall.

?"Nadea? Are you okay?" Agad na rumesponde si Ama, ang kaniyang pilyong ngisi ay agad na napalitan ng matinding pag-aalala.

?"Cesare... my stomach..." bulong ni Ina. Napahawak siya sa kaniyang tiyan nang napakahigpit, ang kaniyang mga kuko ay bumaon sa mamahaling tela ng kaniyang gold gown. "It burns... it feels like... it's burning from the inside!"

?"Nadea!" sinalo siya ng Duke nang tuluyan nang manghina ang kaniyang mga tuhod.

?Nanlaki ang aking mga mata habang pinapanood sila. Mula sa bibig ni Ina, may lumabas na kaunting itim na likido, hindi ito dugo, kundi isang madilim na enerhiya na tila buhay. Ang wine... may kung anong lason o sumpa sa wine na iyon!

"Finn! Valentino! Call the healers! Now!" sigaw ng Duke sa mga bata na agad na napatakbo sa takot.

Ang mga panauhin ay nagsimulang magbulungan, ang saya ay napalitan ng kaguluhan. Ngunit ako, nakatayo lang at nanginginig.

Nakita ko ang pagbabago ng balat ng akin Ina.

Ang mga ugat niya ay biglang umumbok, tila mga itim na baging na gumagapang mula sa kaniyang dibdib paakyat sa kaniyang mukha.

Ang kulay ng kaniyang balat ay unti-unti ring nagiging abo, habang ang itim na enerhiya mula sa wine ay tila sinusunog ang kaniyang pagkatao mula sa loob.

?"Rassia..." ang mahinang ungol ni Ina. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag niya o ang batang nasa loob niya, pero ang bawat pagdaing niya ay tila sumasaksak sa puso ko.

?"Ito na iyon..." bulong ko sa gitna ng aking pag-iyak. "Ito na ang simula ng trahedya."

"Fuck! She's poisoned!" ang dumadagundong na sigaw ni Ama. Ang kaniyang boses ay punong-puno ng galit at purong takot.

Binuhat niya si Ina nang napakaingat, na tila ba isang babasaging kristal na anumang oras ay madudurog, at mabilis na lumabas ng hall. Sumunod ako sa kanila, hanggang sa marating namin ang kanilang silid.

?"Cesare..." ang mahinang ungol ni Ina, ang kaniyang mga mata ay nagsisimulang tumirik. "Ang... ang bata... iligtas mo... ang anak natin..."

?"No! I'm saving both of you! Do you hear me?!"

Maya maya pa ay dumating ang limang pinakamalalakas na Healers ng imperyo. Agad silang bumuo ng isang kumplikadong magic circle sa paligid ni Ina. Ang hall ay nabalot ng nakasisilaw na puting liwanag habang pilit nilang hinahatak ang itim na lason palabas sa kaniyang katawan.

?Nagtagumpay sila. Unti-unting naglaho ang mga itim na ugat sa leeg ni Ina at bumalik ang kaniyang natural na kulay.

Ngunit sa likod ng tagumpay na iyon, ang mukha ng mga Healers ay puno ng pighati.

?"Duchess... Duke..." ang boses ng pinunong Healer ay nanginig. "Ang lason... masyado itong malakas. Nakaligtas ang Duchess, ngunit ang batang nasa loob niya... she didn't make it. The child is dead in her womb."

Ang araw na kanilang anibersaryo at ang araw ng aking pagsilang ay naging araw ng aking kamatayan bago pa man ako makahinga.

Nanlaki ang mata ng aking ama at ina. Sabay tumulo ang kanilang luha sa narinig.

Nang bitawan ng mga healers ang hatol na wala na akong buhay, ang silid na puno ng puting liwanag ay biglang binalot ng isang nakakapangilabot na katahimikan.

?"Anong... anong sinabi niyo?" bulong ni Nadea,

?"Duchess, patawad... ang lason ay tuluyan nang-"

?"Hindi!" Isang matinding pagsabog ng asul na mana ang kumawala sa aking Ina, dahilan upang tumalsik ang mga kagamitan sa silid at mapaatras ang mga healers sa takot.

"Sinungaling kayo! Mga lapastangan!"

?"Nadea, huminahon ka!" pilit siyang hinawakan ng aking ama, ngunit itinaboy niya ito.

?"Huminahon?! Sinasabi nilang patay na ang anak ko, Cesare!

Sinasabi nilang ang anak na ilang buwan kong inalagaan at minahal ay isang malamig na bangkay na sa loob ko!

" Humarap siya sa mga healers, ang kaniyang mga mata na dati ay puno ng kabutihan ngayon ay nagliliyab sa purong poot at desperasyon.

"Lumayas kayo! Kung hindi niyo siya kayang iligtas, wala kayong silbi rito! layas!"

Sa takot sa kaniyang nagwawalang kapangyarihan, mabilis na lumabas ang mga healers. Nang masarado ang pinto, muling napahawak si Ina sa kaniyang tiyan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan, at ang kaniyang mga kuko ay bumaon sa kaniyang balat.

Nang masarado ang pinto, sumabog ang emosyon ni Ina. Isang matinding hiyaw ng lungkot at poot ang kumawala sa kaniyang mga labi, isang tunog na tila bumasag sa bawat pangarap na binuo nila ng Duke.

Maski ang matikas na Duke ay hindi napigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha.

?Lumapit ang aking ama upang yakapin siya, pilit na nag-aalay ng aliw, ngunit natigilan siya sa naging desisyon ni Ina.

?"I will save her, Cesare," determinadong sambit ni Ina habang nakatitig sa kaniyang tiyan. "Ipipidlit ko ang aking Life Force... ang demonyong nananahan sa akin... isasalin ko ito sa ating anak..."

?"No, Nadea! Stop this madness!" pigil ng Duke, ang kaniyang boses ay puno ng desperasyon. "I don't care about the child anymore! My priority is you! I love you, Nadea! Hindi ko kayang mawala ka!"

Ito na ang simula ng pagkamuhi sa akin ng aking ama... tumagos ang sakit sa aking puso nang marinig ko iyon, pero naiintindihan ko rin ang aking ama…

?"Cesare, makinig ka sa akin..." hirap na sambit ng aking Ina.

Pilit siyang bumabangon sa kama, ang kaniyang mga kamay ay nanginginig habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

"Naramdaman ko siya kanina... naramdaman ko ang pagyakap niya sa atin.

Buhay ang kaniyang kaluluwa, Cesare! Kailangan lang niya ng lakas para makahinga! "

Napahawak ako sa aking mga bibig at tuluyan nang humagulgul. Naramdaman ako ng aking Ina... alam niyang ako iyon…

?"At ang lakas na iyon ay ang buhay mo!" bulyaw ng aking ama.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng aking ina, pilit itong pinapatitig sa kaniyang mga mata na basang-base na ng luha.

"Narinig mo ang mga healers! Patay na ang bata!

She's gone, Nadea! Pero ikaw... ikaw ay narito pa.

Huwag mo akong iwan dahil sa isang pangarap na wala na! "

?"Hindi siya pangarap lang! Anak natin siya!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng aking ama, sapat upang maghari ang katahimikan sa silid. Humihingal ang aking ina sa labis na emosyon.

"Isasalin ko si Lucy sa kaniya. Magiging bahagi siya ng kaniyang pagkatao. Mabubuhay si Rassia!"

?"Fuck the child, Nadea! I don't care about the child anymore!

" sigaw ng Duke. "My priority is you! My world begins and ends with you!

Ano ang saysay ng batang iyan kung pagmulat niya ay wala ang kaniyang ina?

Ano ang itatawag ko sa kaniya kundi ang mamatay-tao na kumuha sa asawa ko? !"

?"Cesare, parang awa mo na..." lumambot ang boses ng aking Ina, lumuhod siya sa harap ng kaniyang asawa sa ibabaw ng kama.

"Ito ang huling hiling ko. Huwag mong hayaang mamatay ang anak ko nang hindi man lang nasisikatan ng araw.

Gusto ko siyang mabuhay... mahalin mo rin siya, Cesare. .."

?"No! No! No!" Paulit-ulit na umiling ang Duke, pilit na kumakawala sa mga bisig ng aking Ina.

"I love you! Di ko kaya na mawala ka! Kung kailangang mamatay ng buong mundo para lang manatili ka sa tabi ko, gagawin ko!

Huwag mong hingin sa akin na maging mamatay-tao ng sarili kong asawa! "

Napalunok ako nang makita ang sumunod na nangyari. Sinubukan ng aking Ina na simulan ang ritwal mag-isa, ang kaniyang asul na aura ay nagbabanggaan sa itim na kapangyarihan ni Lucy Pearl.

Buong pwersa niyang pinunit ang kaniyang gown banda sa kanyang tiyan. Hinawakan niya ang kaniyang tiyan at biglaang may sealing circle na unti-unting bumuo sa kanyang tiyan.

?"Nadea, stop! You're killing yourself!" Pilit na binabangga ng Duke ang kaniyang mana upang pigilan ang ritwal, ngunit natitigilan siya sa tuwing makikita ang sakit sa mukha ng akin Ina.

"Please... I'm begging you... let's just grow old together.

We can try again... we can have another. .."

?"There will be no other, Cesare! It's her! It's Rassia!" Isang matinding pagsabog ng enerhiya ang nagpabagsak sa Duke sa sahig.

"Stop, Nadea! Please!"

?"Hayaan mo ako, Cesare! Kung kailangang kaladkarin ko ang kaluluwa niya pabalik mula sa kabilang mundo, gagawin ko!" Ang kaniyang boses ay puno ng pait at determinasyon. "Hindi ako papayag na ang araw na ito ang maging huling araw niya. Hindi ko ito matatanggap!"

Itinuloy pa rin ng aking Ina ang ritwal at halata sa mukha niyang nahihirapan ito.

?"Nadea, stop! You're destroying yourself!" sigaw ng aking ama, ang kaniyang boses ay basag na sa pighati.

?"Tulungan mo ako... Cesare..." dumaing si Ina. Bumagsak siya sa mga bisig ng aking ama, ang kaniyang mukha ay kasingputi na ng mga mabulaklak na telang nakapaligid sa kanila.

"I can't... I can't do it alone. My body... it's failing me."

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang pagsuko sa mga mata ng aking ama. Ang matikas at makapangyarihang Duke ng Quentin ay tila isang batang nawawala, nakaluhod sa harap ng kaniyang asawa habang hawak ang kaniyang nanghihinang mga kamay.

?"Cesare, please," pagsusumamo ni Ina, ang kaniyang boses ay halos bulong na lamang. "Entrust our daughter to the demon. Seal Lucy into her... give her my life force. If you love me... let her live."

Dama ko ang bigat ng bawat segundong lumilipas. Ang katahimikan sa silid ay tila isang sumpa. Sa huli, dahan-dahang itinaas ng aking Ama ang kaniyang mga kamay. Nakita ko ang panginginig ng kaniyang mga daliri habang nagsisimula siyang bumuo ng magic circle.

?"I will do it," bulong ng aking ama, at ang kaniyang mga luha ay pumatak sa mga palad ni Ina. "I will seal her. But damn this child, Nadea... damn her for taking you away from me."

Pinapanood ko ang aking ama, ang kaniyang mga kamay na dati ay ginagamit sa pakikidigma, ngayon ay nanginginig habang tinutulungan niyang manganak si Ina.

Walang tunog ng iyak, walang bahid ng paghinga nang lumabas ang sanggol, ang tanging sumalubong sa amin ay ang nakabibinging katahimikan ng kamatayan.

?Niyakap ni Ina ang aking maliit at walang buhay na katawan. Ang kaniyang mga luha ay pumatak sa aking malamig na balat.

?"Rassia... aking anak... babae nga siya... napakaganda niya, Cesare..." bulong niya, bawat salita ay tila huling hininga na.

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang aking ama.

Sa gitna ng kaniyang paghikbi, hinawakan niya ang malamig na sahig.

Mula sa kaniyang mga daliri, dumaloy ang isang itim at at ginto na enerhiya, na iginiguhit ang isang engrandeng sealing circle na unt-unting nagliwanag.

Sa gitna nito, maingat nilang inilagay ang aking walang buhay na katawan.

?Napansin ko ang mga simbolo. Isang maliit na magic circle ang nabuo sa aking noo, habang ang isang simbolo ay nagliliyab sa gitna ng dibdib ni Ina.

?"Simulan na natin, Cesare..." pagsusumamo ni Ina. "Huwag kang hihinto... kahit anong mangyari."

I never thought my father was the one who named me and loved me all along. But then this happened, and everything changed the moment I came back to life.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.