CHAPTER 25

The Holy Cathedral

Located in Sartores, The Capital

Sa loob ng marangal na Holy Cathedral ng Capital, binabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Ang sikat ng araw na dumadaan sa mga stained glass ay tumatama kay Cardinal Lurtheron, na tila taimtim na nagdarasal sa harap ng dambuhalang altar.

?Ngunit ang kanyang katahimikan ay naputol nang mabilis na pumasok ang isang mensahero, hinihingal at bakas ang takot sa mukha.

?"Mahal na Prinsipe Lurtheron," bulong ng mensahero habang nakayuko. "May ulat mula sa Northern Estate. Sinalakay sila ng mga dambuhalang halimaw."

Dahan-dahang tumayo si Lurtheron, ang kanyang mukha ay kalmado ngunit ang kanyang mga mata ay malamig. "Hmm... the Crown Prince? Siguradong ginamit niya ang kanyang Sovereign Spirit para tapusin ang mga iyon."

?"Iyon na nga ang nakakabahala, mahal na Prinsipe. Hindi ang Crown Prince ang tumapos sa kanila, kundi ang anak ng Duke na si Lady Quentin. Tila ginawa niya lang laruan ang mga halimaw bago ang mga ito tuluyang maglaho."

"Lady Quentin? I heard a lot about that girl..."

?"Opo. At pagkatapos ng laban, isang dambuhalang dark barrier ang biglang bumalot sa buong paligid.

Ang tanging nandoon sa loob ay ang Crown Prince, ang kanyang Sovereign Spirit, ang dragon, at ang mga kawal.

Tila ginawa ang barrier para walang makarinig o makakita sa usapan nila sa loob. "

Isang madilim at mapanganib na ngiti ang dahan-dahang sumilay sa mga labi ni Cardinal Lurtheron. Ang kaniyang mahabang puting buhok ay tila sumasabay sa malamig na hangin na umiihip sa loob ng katedral, habang ang kaniyang puting mga mata ay kumikinang sa kakaibang saya.

Tunay ngang isang larawan ng kabanalan si Lurtheron sa sandaling iyon.

Ang kanyang suot na purong puting kapa ay tila nagniningning sa ilalim ng liwanag na tumatagos sa mga bintana ng katedral, at ang silver na krus na nakasabit sa kanyang dibdib ay nagbibigay ng aura ng kapayapaan at kaligtasan.

?Sa bawat galaw niya, tila ba isang anghel mula sa langit ang bumaba sa lupa. Ang kanyang mahabang puting buhok ay maayos na nakalaylay, na nagdadala ng imahe ng isang taong walang bahid ng kasamaan.

Oh my dear brother... you're hiding something, aren't you?

Dahan-dahang lumuhod muli ang Cardinal Prince sa harap ng altar.

Ang kanyang ekpresyon ay nagbago. Mula sa mapanganib na ngiti, ito ay naging isang maskara ng matinding pighati.

Pinagdikit niya ang kanyang mga palad at yumuko, tila isang tapat na lingkod na pasan ang bigat ng buong mundo.

?Sa paningin ng sinumang makakakita, siya ang larawan ng isang mapagmahal na kapatid na nag-aalala para sa kaluluwa ng Crown Prince. Ngunit ang bawat salitang lumalabas sa kanyang mga labi ay puno ng lason.

?"O, dakilang diyosa ng liwanag," simula ng kanyang bulong, ang boses ay nangangatal sa kunwaring lungkot. "Patawarin mo ang aking pinakamamahal na kapatid. Ang kanyang puso ay nabulag na ng kadiliman, at ang kanyang mga hakbang ay naliligaw na mula sa Iyong banal na landas."

Huminga siya nang malalim, at ang kanyang puting mga mata ay tumitig sa estatwa ng Diyosa na tila may hinihinging pahintulot.

?"Hindi mo dapat hayaan na ang Iyong kasaysayan ay madungisan ng kaniyang mga lihim. Ang hustisya ay dapat makamit, at ang kasamaan ay dapat mapuksa..."

?"Kung gayon, dakilang diyosa... parusahan mo ang aking kapatid sa kanyang mga kasalanan. At kung marapat... gamitin mo ako bilang Iyong banal na instrumento. Ipagkaloob mo sa akin ang karapatang maging kamay ng Iyong poot. Punish him... through me."

Muling sumilay ang mga ngisi ng Cardinal Prince.

Aalamin ko ang pinakatinatago mong lihim, Vincenzo... at sa oras na mahayag iyon, hindi mo na maaabutan ang sinag ng araw.

And that lady of yours, you seem so intent on protecting her. I wonder why?

Nevertheless, the truth will reveal itself. Through the Holy Great Goddess, nothing remains hidden, and all secrets shall be brought into the light.

Rassia

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, napaupo ako at napahawak sa aking dibdib. Mukhang napahaba ang aking tulog.

Marahil ay dahil ito sa kapangyarihang tila biglang nagising sa loob ko.

Noong mga sandaling iyon, wala na akong ibang maisip kundi ang kaligtasan ni Vincenzo.

Pero ngayon na nahimasmasan na ako, unti-unti nang gumagapang ang kaba sa aking isipan.

Hindi ko pa lubos na kontrolado ang kapangyarihang iyon, at alam kong nasaksihan ng lahat ang bagsik nito.

?Ano kaya ang nasa isip nila ngayon? Ako ba ay isa nang demonyo sa kanilang paningin? Mas masahol pa ba ako sa mga halimaw na pinaslang ko?

Napahawak na lamang ako sa aking sintido, pilit na inaalala ang mga huling kaganapan.

Ang huli kong matandaan ay ang tatlong halimaw na walang kahirap-hirap kong nilabanan.

At bago tuluyang magdilim ang lahat, ang huli kong nasilayan ay ang nag-aalalang mga mata ni Vincenzo at ang higpit ng kanyang yakap…

I miss him, where is he?

Dahan-dahan kong inilibot ang aking paningin, ngunit hindi pader ng silid ang bumati sa akin.

?Nasaan ako?

?Tila ako ay napadpad sa isang kakaibang dimensyon.

Ang lugar na ito ay balot ng napakabigat na kadiliman, wala akong makita sa abot-tanaw kundi ang kawalan.

Tanging mga basag-basag na salamin lang ang nakakalat sa itim na sahig, nagniningning sa gitna ng dilim na tila mga bituing nalaglag.

?Napasinghap ako nang subukan kong humakbang.

Sa bawat lapat ng aking paa sa itim na sahig, may kumakalat na pulang enerhiya, tila isang mantsa ng dugo o nagniningas na mana na gumuguhit sa ilalim ko.

Ang bawat yapak ko ay nag-iiwan ng bakas na kasing-pula ng aking mga mana nong kinalaban ko ang mga halimaw.

Ang dimensyong ito ay napakalungkot tignan. Damang-dama ko ang bawat hibla ng pangungulila at poot na nananahan dito. Pakiramdam ko ay hindi lang ito isang lugar... kundi ito ang loob ng aking sariling kaluluwa.

Dahan-dahan kong inilibot muli ang aking paningin sa madilim na dimensyong ito.

Naglalakad ako sa gitna ng kawalan, napapalibutan ng mga basag na salamin at ang pulang bakas ng aking mga yapak.

Ang katahimikan ay nakakabingi, ngunit tila may kung anong presensya na nagmamasid sa akin mula sa anino.

?At biglang may isang boses ang umalingawngaw. Hindi ito mapanuyang tawa ng demonyo. Ito ay malumanay, pamilyar, at puno ng pag-aaruga.

?"Rassia..."

?Napatigil ako nang marinig ang kaniyang boses. "Vincenzo?" tawag ko, pilit na hinahanap ang kanyang pigura sa gitna ng dilim, pero wala akong makita kundi ang sarili kong anino.

?"Wag kang matakot sa kadiliman, hanapin mo siya, Rassia.

.." muling saad ng boses niya. Tila nanggagaling ito sa itaas, o marahil ay mula sa labas ng dimensyong ito, na nagsisilbing gabay sa aking pagkalito.

"Wag kang matakot sa kanya, Rassia... kilalanin mo siya.

.. alamin mo ang kanyang pangalan..."

?Napahawak ako sa aking dibdib.

Bumilis ang tibok ng aking puso.

Mukhang ginagawa ni Vincenzo ang lahat upang makausap ko ang demonyo…

Paano ko haharapin ang isang... demonyo?

Nanlalamig ang mga kamay ko sa bawat realization na pumapasok sa isip ko. Sa nobelang nabasa ko bago ako ma-reincarnate, si Rassia ay isang hamak na kontrabida, isang babaeng puno ng poot na nagtapos sa trahedya.

Sa kwentong iyon hindi nabanggit ang demonyo, dahil hindi niya kailanman nalaman ang tungkol sa demonyong naninirahan sa loob niya, at mas lalong hindi niya natuklasan ang tungkol sa kanyang sealed mana core, ang Eternal Flame Mana.

?Ngunit ngayon, lahat ay nagbago na. When I became Rassia. Ngunit ang landas ko ay malayo na sa orihinal na plot.

Teka... Natigilan ako. Isang nakakatakot na tanong ang nabuo sa isipan ko.

Kung hindi alam ng orihinal na Rassia ang tungkol sa demonyong ito, ibig bang sabihin ay palihim siyang sinusulsulan ng boses na ito noon? Na bawat masamang desisyon at bawat galit na naramdaman niya ay hindi sa kanya, kundi gawa ng demonyong bumubulong sa dilim?

Does that mean the demon turned the original Rassia into evil?

Napahawak ako sa aking mga bibig.

Ginamit lang ba siya bilang isang puppet para sa isang masamang hangarin? Na ang karakter na kinamuhian ko sa libro ay biktima lang din pala ng sarili niyang kapangyarihan?

Kung ganoon, kailangan kong mag-ingat. Hindi ko hahayaang maging katulad ako ng orihinal na Rassia. Ngayong alam ko na ang presensya niya, kailangan kong ako ang mag kontrol ng sarili kong katawan.

?"Hindi na iyon maaaring mangyari." bulong ko sa hangin ng dimensyong iyon.

Haharapin ko ang demonyong ito, hindi bilang kalaban na dapat katakutan, kundi bilang bahagi ng pagkatao ko na dapat kong pasukuin.

Dahil kung ang demonyong ito ang pumatay sa kaluluwa ng orihinal na Rassia, ako ang gagawa ng paraan para sa bagong buhay na ito, ako ang magdidikta ng sarili kong tadhana.

Ang tiwala sa boses ni Vincenzo ang nagbigay sa akin ng lakas. Kung naniniwala siya sa akin, marahil ay kaya ko ring maniwala sa sarili ko.

?Huminga ako nang malalim at tumingin sa pinakamadilim na bahagi ng dimensyon at muling naglakad.

"Nasaan ka? Lumabas ka."

"Magpakita ka sa akin, ngayon din."

"I know you're here, Demon. I can feel you. Stop hiding."

"I know you can hear me. I am not afraid of you anymore."

Ilang oras na akong naglalakad, ngunit tila paikot-ikot lang ako sa kawalan. Gayunpaman, biglang bumilis ang tibok ng aking puso nang makaramdam ako ng isang sobrang lakas na enerhiya mula sa kaliwang direksyon.

Ang bigat nito ay pamilyar. Ito ang enerhiyang kumawala sa akin noong araw na nilabanan ko ang mga halimaw. ?

Sobrang lakas nito, halos hindi ako makahinga.

Napalunok ako at pilit na nilabanan ang takot sa aking dibdib. Napagdesisyunan kong pumunta roon.

?"Where are you?! I've had enough! Magpakita ka na!" sigaw ko, ang boses ko ay umalingawngaw sa buong dimensyon.

?Lumingon ako muli at kumunot ang aking noo nang may mamataan akong tila tubig na kulay itim sa isang bahagi.

May itim na lawa rito?

Lumapit ako at dahan-dahang yumuko. Hinawakan ko ang ibabaw ng tubig at, gaya ng pagyapak ko sa sahig na naglalabas ng pulang enerhiya, nagliwanag din ng kulay pula ang lawa nang mahawakan ko ito.

Tubig nga ito, ngunit laking gulat ko nang iangat ko ang aking kamay, tila hindi man lang nabasa ang aking palad.

Napagtanto kong Isa lamang itong ilusyon ng likido, isang anyo ng purong enerhiya.

?Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin ang itim na enerhiya sa ilalim ng tubig na mabilis na lumalapit sa direksyon ko. Mula sa kalmado, naging agresibo ang paggalaw nito.

?Nadagdagan ang kaba sa aking dibdib nang mabasag ang katahimikan ng buong dimensyon. Hindi ito boses, kundi isang tunog na mas lalong nagpataas ng balahibo ko.

Ang tunog ng makapangyarihang yapak ng heels. Bawat bagsak nito sa itim na sahig ay tila tumatama sa mismong kaluluwa ko. May kung sinong naglalakad sa dilim na may awtoridad na hindi matatanggihan.

Dahan-dahan akong tumayo, hindi inaalis ang tingin sa pinanggagalingan ng tunog. Mula sa dilim, isang anino ang unti-unting nabubuo.

Tuluyan nang umakyat ang sobrang kaba sa aking dibdib at tila nakalimutan ng aking baga ang huminga sa nakitang nilalang na naglalakad sa ibabaw ng itim na tubig palapit sa akin.

?May mapanganib na ngisi sa kanyang mga labi.

I knew it. Ang demonyong nananahan sa loob ko ay isang babae.

Napakaganda niya sa paraang nakakatakot.

Ang kanyang mahabang buhok na kulay itim ay umaabot hanggang sa kanyang mga paa, malayang sumasabay sa hangin na tila gawa sa itim na usok at purong enerhiya.

Mayroon siyang bangs na lalong nagbigay diin sa kanyang mga matang kaparehong-kapareho ng sa akin noong nilabanan ko ang mga halimaw.

Purong itim, walang puti.

Hindi lang iyon. Mayroon siyang mga sungay na tila sa ahas ang hugis, at sa ibaba ng kanyang leeg, malapit sa kanyang dibdib, ay may nakaukit na isang itim na kristal na tila bahagi na ng kanyang balat.

Mayroon din siyang mahabang tenga. Ang kanyang mga kuko ay mahahaba at kulay itim, habang ang dambuhalang pakpak ng paniki sa kanyang likuran ay kasalukuyang nakatiklop at nagpapahinga.

Sa bawat hakbang niya, hindi ko maiwasang mapansin ang kurba ng kanyang bewang at ang kanyang balat ay napakaputla, tila hindi kailanman nasikatan ng araw.

Sa kabila ng kanyang nakakangilabot na mga mata, ang ganda ng kanyang mukha ay hindi maikakaila. Matangos ang kaniyang ilong at may mapupulang mga labi.

Napakabigat ng presensya niya. Ang enerhiyang nakapalibot sa kanya ay sapat na upang magpaliit sa sinumang mortal.

Siya na nga. Siya ang demonyong nakatira sa loob ko.

Ang nilalang na nagpabagsak sa orihinal na Rassia, at ngayon ay nasa harap ko na.

Tumigil siya sa paglakad ilang hakbang lang ang layo mula sa akin. Ang tunog ng kanyang heels ay huminto, at ang kanyang ngisi ay mas lumawak.

"So... you are the d-demon, na lagi kong naririnig..."

Ang kanyang ngisi kanina ay biglang naglaho, napalitan ng isang mapanganib na kunot sa noo. Ang kaniyang itim na enerhiya ay naging agresibo, tila mga latigo na humahampas sa hangin.

Dahan-dahan siyang lumutang mula sa itim na lawa, ang kanyang mga pakpak ay bumuka nang malapad na tila lalamunin ang buong paligid. Ang kaniyang purong itim na mga mata ay nag-aapoy sa poot habang nakatitig sa akin.

?"Finally... nakita mo rin ako, Rassia," ang boses niya ay gumaralgal sa galit, tila boses ng isang libong kaluluwang nagdurusa. "Ngunit bakit ka narito? Bakit mo binubulabog ang aking katahimikan pagkatapos mong maging isang mahinang sisidlan sa loob ng napakahabang panahon?"

"Gusto kitang makausap nang maayos, kumalma ka..." mahina kong sambit habang tinatago ang aking kaba at takot.

Isang malakas na hangin ang umihip mula sa kanya, dahilan upang mapaatras ako. Ang bawat hakbang niya palapit ay puno ng pagkamuhi.

?"Kinamumuhian ko ang bawat hibla ng iyong pagkatao!" sigaw niya, at ang itim na krystal sa kanyang dibdib ay nagliwanag nang nakakasilaw na pula.

"Dapat ay matagal na kitang nilamon ngunit hindi ko magawa! Ang lakas ng loob mong harapin ako... gayong ikaw ang dahilan kung bakit ako nakakulong sa madilim na dimensyong ito!" galit na galit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Kasabay ng pagbitaw niya sa mga salitang iyon, isang luha ang dahan-dahang gumulong mula sa kaniyang pisngi. Ang kaniyang mukha na kanina lang ay puno ng awtoridad at galit ay biglang nabalutan ng isang matinding pighati na hindi ko maipaliwanag.

?"Kasalanan mo ang lahat, Rassia! Lalo na't nakikita ko ang kaniyang imahe sa iyong pagmumukha!"

?Napatigil ako.

Sino ang tinutukoy niya? Kaninong imahe ang nakikita niya sa akin na nagdudulot sa kaniya ng ganitong klaseng sakit?

"Anong ibig mong sabihin? at sino ang tinutukoy mo?! Wala akong kasalanan, Demonyo! wala akong kahit anong ideya sa mga sinasabi mo! maski ako ay nagdusa! pareho lamang tayo! kaya huwag mo akong sisihin sa kasalanang hindi ko ginawa!"

Ang takot na kanina kong naramdaman sa demonyo ay nawala, buong tapang ko siyang hinarap.

?"I fucking hate you, Rassia! kayo ng ama mo!"

Napatigil ako sa kanyang sinambit.

"Anong ibig mong sabihin at bakit mo nabanggit ang aking ama?" mahinahon kong sambit. Hindi maaaring sabayan ko ang kaniyang galit baka mas lalong magwala ito at hindi na ako magising.

Tila wala siyang narinig sa akin. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang lumipad papunta sa akin. At mabilis hinawakan ang aking leeg. Ang talim ng kanyang kuko ay lalong dumidiin.

"You are nothing but a cage, Rassia! Isang kulungan na puno ng nakakadiring emosyon at kahinaan!"

Napahawak ako sa kanyang kamay pilit tinatanggal ang higpit nito.

"N-nandito ako para kausapin ka nang maayos! w-wala akong intensyon m-makipag-away s-saiyo!"

Sinasakal pa rin niya ako na puno ng panggigigil. Ang kanyang mga mata ay patuloy pa ring lumuluha. At may lungkot at galit sa akin.

?"S-saktan mo a-ako kung iyan ang makakapagpagaan ng loob mo, pero hindi nito m-mababago ang katotohanang m-magkasama tayo sa katawang i-ito.

K-kung kasalanan ko ang lahat, hayaan mong itama ko ito.

S-sabihin mo sa akin ang kaniyang pangalan.

.. s-sabihin mo sa akin ang kwento mo. H-handa akong makinig. "

Ang kaniyang higpit na kamay na nakasakal sa akin ay bahagyang lumuwag. Ang kaniyang mga hikbi ay unti-unting huminto. Ang kaniyang mga itim na pakpak na kanina ay nakalaylay ay bahagyang kumatal, tila nabigla sa kaniyang narinig.

?"Itama?" pag-uulit niya, ang boses niya ay malat at puno ng pait. "Paano mo pupunan ang puwang na pangungulila ko, Rassia? ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang pinakaini-ingatan ko..."

"M-mag kwento k-ka lang. Hindi ka na nag-iisa, s-samahan k-kita sa kadilimang ito."

Sa wakas ay huminahon na ang demonyo. Unti unti rin niyang binaba ang pagkakasakal niya sakin. Tumalikod siya at naglakad nang kaunti.

Napaubo ako at napahawak sa aking leeg. Sobrang sakit ng aking leeg tila hindi ako makasalita nang maayos.

?"Ang pangalan niya..." mahina niyang sambit habang nakatingin sa malayo, tila may tinitingnang alaala na ako lang ang hindi nakakakita.

"Ang pangalang iyon ay ang tanging dahilan kung bakit ako nananatili rito.

.. at ang tanging dahilan kung bakit hindi kita magawang patayin kahit na kinamumuhian kita.

.. nagawa pa kitang iligtas sa mundong iyon at tulungan sa mga halimaw. .."

Mahina siyang natawa sa huli niyang sinambit at napailing. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siya.

Maya maya pa ay napagpasyahan ko nang magsalita nang kahit papano ay guminhawa ang aking leeg.

"B-bukod sa pangalang iyan, may gusto pa akong malaman, Demonyo. A-ano ang pangalan mo?"

Muli siyang humarap sa akin. Muling tumulo ang kaniyang mga luha sa kaniyang purong itim na mata. Kasabay ng buhok niyang hinahangin ng kanyang itim na enerhiya.

?"Mukhang ito ang tamang panahon para malaman mo kung sino ako, Rassia..."

?Huminto siya sa harap ko, ang kaniyang anino ay tila lalamunin ako sa gitna ng itim na lawa.

"I am Lucy Pearl, a demon from the world of Infernov. Long time ago, nag rebelde ako sa Infernov at pumunta sa mundong ito. To survive this cruel world, I killed hundreds of humans."

Lucy Pearl, huh... and she killed hundreds? she's indeed a demon. Mukhang maraming kumalaban sakanya dahil isa siyang demonyo...

"Then I met a girl who was pregnant. That woman was named Nalestara xel Giorvani."

?Nanlaki ang aking mga mata. Ang pangalang iyon…

?"Nalestara xel Giorvani..." bulong ko. Ang tunay na pangalan ng aking ina bago siya ikinasal sa aking ama ay Nadea Saint xel Giorvani...

"She was my late grandmother!... ang lola kong namatay nang maaga. Ang sabi sa kwento ay hindi man lang siya nasilayan ng aking ina..." muli kong bulong.

?Napakunot ang noo ko. "Anong ibig sabihin nito? My grandmother...? Anong ibig-"

?"Huwag mo akong putulin!" asik niya, ang kaniyang mga pakpak ay bahagyang bumuka. Wala akong nagawa kaya nanahimik na lamang.

"That woman, Nalestara, was running in the forest. I was under the tree so I watched her... mukhang hinahabol siya ng isang lalaking may masamang plano sa kawawang buntis. I realized she was raped. By that man."

"Rassia, I want you to know that I fucking hate men and I only killed hundreds of men long ago. Nang malapit nang mahuli ng lalaki ang taong si Nalestara... napagdesisyunan kong bumaba sa puno at pinatay ng walang kahirap-hirap ang lalaking iyon." she added.

Napahawak ako sa aking bibig. Tumulo ang aking mga luha para sa lola kong hindi ko man lang nakilala. Ang ganoong klaseng karahasan... sa isang buntis?

How Ironic... my grandmother was saved not from men... but from a demon.

?"Nakita ni Nalestara ang aking ginawa," pagpapatuloy ni Lucy Pearl, ang boses ay naging malumanay pero puno ng pait.

"Sa halip na tumakbo siya dahil sa anyo ko, umiyak siya at napaluhod.

Nagpasalamat pa ito sa akin. Hinawakan pa niya ang aking kamay, Rassia.

Nagmakaawa siyang iligtas ko ang batang nasa sinapupunan niya.

Sinabi niyang makukunan siya at mamatay ang kaniyang anak dahil sa ginawa ng lalaking iyon. "

?Tumingin siya sa kaniyang sariling mga kuko na kulay itim.

"Napaisip ako, Rassia. Kailangan ko ng katawan para makapagtago dahil kahit ako ay demonyo, hindi ako ligtas sa mundong ito dahil sa aking anyo.

Tinanggap ko ang kaniyang kahilingan, Rassia.

Ngunit may kapalit ito... ang buhay ni Nalestara.

Kailangan niyang mamatay upang makapasok ako sa kaniya at para iligtas ang bata. "

Ang batang iyon ba ay... ang ina ko...

Nanginig ang aking buong pagkatao.

"Nang matagumpay akong pumasok sa katawan ng batang nasa sinapupunan niya, iyon din ang oras ng kaniyang kamatayan... at huli nang dumating ang asawa niya."

?I can't imagine my grandfather's despair at finding my grandmother's lifeless body. Their fate was truly tragic.

I grew up knowing that my grandfather died during my mother's nineteenth birthday debut.

The same day she lost both her parents.

My poor... mommy...

?"Ibig bang sabihin nito..." halos hindi ko mailabas ang aking boses sa tindi ng iyak. "Dapat na ring patay ang aking ina sa mga panahon na iyon sa sinapupunan ng aking lola?"

?"Tama, Rassia. I became her life force. I didn't fully control her and take over because she had a massive mana... maaari ko itong ikamatay kapag ginawa ko iyon. At iyan din ang dahilan kung bakit narito ako sa loob mo."

Nanlamig ang aking buong katawan. "Does that mean... may pagkaparehas ang nangyari sa aking lola at sa aking ina? Patay na dapat ako kaya narito ka naman sa aking loob?!"

?Kaya pala! Kaya pala ganoon na lamang ang pagtatago at proteksyon ng aking ama sa akin!

?"Yes, Rassia! The name of the woman na lagi kong sinasambit sa iyo ay Nadea! She never hated me, Rassia! She treated me as her family! Even if I killed her mom! But... history repeat itself again!"

Muling nagwala si Lucy Pearl, ang kaniyang boses ay tila kulog na yumanig sa buong dimensyon.

"Nag-agaw buhay si Nadea dahil sa iyo! She gave her life para lang mabuhay ka! At ngayon, kailangan kong mabuhay sa loob ng isang katawan na naging dahilan ng pagkamatay ng kaisa-isang taong nagmahal sa akin!"

Napaluhod ako sa gitna ng madilim na dimensyon, ang mga basag na salamin sa sahig ay tila sumasalamin sa durog na durog kong puso. Ang bawat hikbi ko ay umaalingawngaw, puno ng bigat na hindi ko kayang pasanin.

?"Ito pala... ito ang itinatago sa akin ng aking ama!" sigaw ko sa gitna ng iyak. "Alam niya ang lahat mula pa noong una! Kaya pala..."

Mula sa memorya ng katawang ito. Naalala ko ang malamig na pakikitungo ng Duke Cesare sa akin noong bata pa ako.

Ang mga titig niyang puno ng distansya, ang kaniyang pag-iwas na tila ba natatakot siyang makita ang mukha ko.

Ngayon, malinaw na ang lahat, sa tuwing tinitingnan niya ako, hindi ang kaniyang anak ang nakikita niya, kundi ang dahilan ng pagkamatay ng kaisa-isang babaeng minahal niya!

?"Bakit ba kasi ako nabuhay?!" hinampas ko ang itim na tubig, dahilan upang tumalsik ang pulang liwanag sa paligid. "Ina, patawad! Hindi ko ito sinasadya... hindi ko ginustong mawala ka!"

Pakiramdam ko ay ako ang totoong Rassia sa nobela sa sandaling ito. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking puso sa mga nalaman.

Hindi na ako isang mambabasa lang na pumasok sa katawang ito.

Ako na si Rassia, at ang kasalanang ito ay nakatatak na sa aking kaluluwa.

Tumingala ako kay Lucy Pearl, ang aking mga mata ay malabo dahil sa luha.

?"Iyan ba ang dahilan kung bakit mo ako kinamumuhian?" tanong ko sa pagitan ng paghinga. "Dahil sa tuwing humihinga ako, ninanakaw ko ang hangin na dapat ay kay Ina? Dahil sa bawat tibok ng puso ko, ipinapaalala ko sa iyo na wala na ang kaisa-isa mong pamilya?"

Mabilis lumapit sa akin si Lucy Pearl at ang matutulis niyang kuko ay muling bumaon sa aking leeg.

?"Ngayon alam mo na, Rassia! Hinding-hindi ko kayang makipag-ayos sa iyo! Ayaw kitang makita!" bulyaw niya, ang boses ay nanginginig sa tindi ng emosyon.

?Sa sobrang diin ng kaniyang pagkakasakal, naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng hangin sa aking baga.

Nanlalabo na ang aking paningin nang makita ko ang kaniyang purong itim na mga mata na tila naging likidong usok.

Ang itim na usok na iyon ay mabilis na pumasok sa aking bibig.

?"Tanggapin mo iyan, Rassia!"

"Dahil ipapakita ko sa iyo ang nakaraan! Kung paano mo pinatay si Nadea! Kung bakit mula pagkabata mo ay tila kinamumuhian ka ng iyong ama!"

?Ang kaniyang mga kuko ay lalong bumaon, at ang kaniyang boses ay umalingawngaw sa huling pagkakataon bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

?"Ipapakita ko sa iyo ang lahat! Upang maintindihan mong mabuti kung bakit kita kinamumuhian!"

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.