CHAPTER 30

Rassia

"I know you're improving. Three years have passed here in this dimension… but outside, your body has only been asleep for four months," malamig niyang saad, tila walang awa. "They’re probably expecting you to wake up in six months. If you want to return sooner… then defeat me."

Humigpit ang kapit ko sa aking Scythe.

Nalampasan ko na ang walong yugto ng pagsasanay ni Lucy Pearl. Bawat isa'y nag-iwan ng sugat, sakit, at aral. Ramdam ko rin ang aking pagbabago, hindi na ako ang dating mahina na si Rassia.

Dahan-dahan akong napangiti.

Biglang sumagi sa isip ko ang mga Erenhal, lalo na si Haring Drakkon. Gusto kong ipamukha sa kanila na kinaya kong aralin at kontrolin ang aking kapangyarihan… nang hindi ko kailangan ang tulong nila.

Ngayon, alam ko na kung paano gamitin ang aking mana. Kontrolado ko na ito. Nakakausap ko na rin si Lucy Pearl.

At higit sa lahat…

May sarili na akong sandata.

Isang Scythe, Isang manipestasyon ng aking kapangyarihan.

Tila nabasa ni Lucy ang aking iniisip. Huminto siya, bahagyang nagtaas ng kilay.

"Oh well, Rassia," malamig niyang sambit. "Mas marami kang matututunan sa mga Erenhal kaysa sa akin, idiot. I'm only teaching you the basics of demonic mana and preparing you for your Eternal Flame Mana."

Bahagya siyang ngumisi.

"If I ever unseal your Eternal Flame Mana… don't expect me to guide you there. That power is not mine to teach. You'll have to learn it on your own."

Inirapan ko lamang siya. Ibinaba ko ang aking scythe at itinukod sa sahig.

Sa paglipas ng panahon, nagbago rin si Lucy. Hindi na siya laging nagwawala o galit kapag kinakausap ako. May konting lambot na rin kahit paano. Pero siyempre… nandoon pa rin ang ugali niyang bruha.

Pinapayagan niya rin akong tawagin siyang Lucy, nagtataka pa ako dahil hindi niya ako sinisita.

"I'm not interested in my Eternal Flame Mana," I said calmy. "Sapat na ang demonic mana ko. Nandito ka naman para tulungan akong hasain pa ang iba kong kakayahan… lalo na ang anti-magic."

"Tss…" umiwas siya ng tingin. "Suit yourself, idiot. Now move. One stage left."

Umangat ang kaniyang presensiya niya.

"If you defeat me here… you might wake up before six months pass outside."

Ngumisi ako.

I turned my eyes full black. Natutunan ko ito sa bawat yugto ng aking pagsasanay. Kontrolado ko na ito at kayang kaya ko nang gawin kahit ano mang nais ko.

Ito ang anyo kung saan gumigising ang aking anti-magic, pinapatalas din nito ang aking pandama, at pinapabagal ang mundo sa aking paningin.

Lucy Pearl smirked as she swung her sword, executing her signature move with precision and confidence, as if she had done it a thousand times before.

Along the way, I had also developed my own signature move. Lucy Pearl once told me that in a one-on-one fight, having a signature was necessary, not just to attack, but to intimidate your opponent before the real battle even begins.

Mahigpit kong hinawakan ang aking mahabang itim na Scythe na may pulang detalye, at ginamit ko ang dalawang kamay upang kontrolin ito.

Mabilis ko itong iniikot sa itaas na walang kahirap-hirap, na tila likas na bahagi na ito ng aking katawan.

Kasabay ng bawat ikot ay ang pag-agos ng aking demonic mana na umaayon sa bawat galaw ko.

Hindi ko pinutol ang ritmo.

Ibinaba ko ang Scythe at iwinasiwas ito pakaliwa, saka pakanan.

Hindi na ako nag-atubili pa at agad kong inatake si Lucy Pearl. Sa isang iglap, sumugod ako sa kanya nang buong bilis, bitbit ang aking scythe na puno ng lakas at determinasyon.

Nakita ko ang bahagyang pagngisi sa kanyang mga labi, tila inaasahan na niya ang aking galaw. Sa kabila ng bilis ng aking pag-atake, mabilis din siyang nakailag, para bang kayang basahin ng kanyang katawan ang bawat kilos ko bago ko pa ito tuluyang maisagawa.

Ofcourse I already know where she will go and her next move.

I attacked her again, faster this time.

Mabilis niyang itinaas ang kanyang espada at sinalubong ang aking atake.

Nagbanggaan ang aming mga sandata.

Umalingawngaw ang tunog ng bakal sa buong dimensyon, kasabay ng pagsabog ng aming mga mana na tila nag-uumpugan sa pagitan namin. Kumalat ang malakas na puwersa sa paligid, sapat upang yumanig ang mismong espasyong kinaroroonan namin.

Nanatili akong nakadiin, pilit itinutulak ang aking scythe laban sa kanyang espada. Ramdam ko ang bigat ng kanyang lakas, ngunit hindi na ako basta matitinag.

Pareho kaming nakangisi habang tinititigan ang isa't isa.

Buong lakas ko siyang itinulak, kasabay ng pagtulak niya rin pabalik sa akin. Sa isang iglap, pareho kaming tumilapon sa magkasalungat na direksyon.

Agad akong kumilos sa ere, inikot ang aking katawan at itinukod ang aking scythe sa hangin upang pigilan ang aking pagbalanse. Sumayad ang talim nito sa enerhiya ng dimensyon, dahilan upang bumagal ang aking paglapag.

We fought and fought nonstop, and it seemed that we had already become equal in strength. I know she is much stronger outside this dimension, and I should be thankful for that… otherwise, baka patay na ako ngayon.

Mukhang matagal kaming maglalaban dito. Lucy Pearl is indeed powerful and strong. I can't defeat her that easily.

Nevertheless, I need to wake up sooner. I miss Vincenzo, Father and Russel more than I want to admit. Every fight, every strike, every drop of pain I endure here only reminds me of them waiting outside in this dimension.

In Northern Estate

Located in Wintergard, The North

Pinagmamasdan ng Duke ang kaniyang anak na mahimbing pa ring natutulog sa loob ng kristal. Sa kabila ng katahimikan ng silid, bakas sa makapal na kristal ang mga bitak na unti-unting kumakalat, tanda ng matinding enerhiya ng demonic mana na nagmumula kay Rassia.

"Father, where are you going? Bakit naka-cloak ka?" tanong ni Russel, bahagyang nagtataka habang papasok sa silid. "Uuwi na ba tayo sa Emberman? Pero bakit ganiyan ang suot mo?"

Bumuntong-hininga ang Duke at lumapit sa kaniyang bunsong anak. Marahan niyang hinawakan ang balikat nito.

Russel is still young, far too young to carry burdens he cannot yet understand. He must not find out that his older sister possesses demonic mana. Ang tanging nalalaman niya ay nasalo ng kaniyang kapatid ang masamang enerhiya ng mga halimaw.

"Russel," mahinahon niyang sabi, "I will go to Nervales to find a solution for your big sister so she can wake up sooner, together with the Crown Prince.

I will entrust her to you while I am gone.

No one must go near this chamber. You must report to me if you sense anything suspicious.

And do not tell this to anyone. I trust you, son. "

Bahagyang ngumiti ang Duke at marahang ginulo ang buhok ni Russel.

"Bantayan mo ang ate mo. As the future Duke of the House Quentin, you must prove it to me."

Agad na tumuwid ang tindig ni Russel at yumuko nang buong respeto.

"Of course, Father! I will protect my sister! Even if it costs my life, I swear I will never let anyone go near her!"

"Very good, son."

Muli silang tumingin sa mahimbing na natutulog na si Rassia. Sa kanilang mga mata, malinaw ang pagmamahal at pag-aalala para sa kanya, ngunit nananatiling ligtas at payapa ang imahe niya sa paningin ni Russel.

"Father, when will you come back with the prince?" tanong ni Russel.

"Tomorrow," simpleng sagot ng Duke.

Nagulat si Russel. "But how? It will take months if you go by carriage, and even with the Crown Prince’s dragon, it would take at least two months…"

"The Crown Prince said he has a key to a portal that can travel between places… even worlds," paliwanag ng Duke. "That will make our journey much faster."

"Really? That's so cool…" manghang reaksyon ni Russel, at sandaling kumislap ang kanyang mga mata.

Halatang nais niyang sumama at makita rin ang lagusang binabanggit, ngunit may mabigat na katahimikan sa pagitan ng mga salita ng kanyang ama na tila nagsasabing hindi ito para sa kanya.

Nasilaw ang dalawa nang biglang may liwanag na bumuo sa kanang bahagi ng silid. Unti-unting humubog ang isang lagusan hanggang sa lumitaw si Vincenzo na nakasuot rin ng itim na cloak.

Ilang sandali pa, may sumunod pa sa kaniya, isang babae ring nakabalot sa itim na balabal.

Takang napatingin ang mga Quentin sa kasama ng prinsipe.

"Master, I apologize, I am a bit late," malamig na sambit ni Vincenzo habang tinatanggal ang hood ng kaniyang cloak. "I had a hard time convincing this woman to come with us."

Tahimik na tinanggal ng babae ang kaniyang sariling hood.

Sandaling natigilan si Russel, tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita.

The woman has straight black hair and dark ruby eyes, with light makeup and bold lipstick. She is also strikingly pale, with an angelic face that is impossible to ignore.

Samantala, nanatiling seryoso ang Duke, maingat ang kaniyang tingin sa bagong dating.

This woman's presence is hard to ignore. I can also sense her massive mana. Seriously? Saan ba nahahanap ni Vincenzo ang mga nilalang na may ganitong kalakas na mana aura?

"And who is she, Vincenzo?" tanong ng Duke, bakas ang pag-iingat sa kaniyang boses.

"She's a friend of mine," sagot ni Vincenzo, bahagyang ngumisi. "She can help us, Master. Trust me."

Napailing lamang ang babae sa sinambit ng kaniyang katabi. Ngumiti siya nang bahagya at humarap sa dalawang Quentin.

"Good evening, gentlemen. I am Nat—"

Biglang tumikhim si Vincenzo, makahulugan at senyales na dapat niyang pigilan ang susunod na sasabihin.

Napangiti nang bahagya ang babae, tila naaaliw pa.

"It seems Vincenzo has a fever…" mahinang tawa niya, may bahid ng pang-aasar.

"I am… Natalie. Friend of Vincenzo," tuloy niya na mas maingat na ang tono.

Kumunot ang noo ng Duke nang mapansing hindi niya binanggit ang kaniyang apelyido. Sandaling tumama ang tingin niya sa babae, tila sinusukat ang bawat kilos nito. Palipat lipat ang tingin ng Duke Cesare sa dalawang kakarating lang.

They share the same eyes...

Ngunit hindi na siya nagtanong pa dahil mas may mahalaga silang prioridad ngayon.

"Let's go now. Wala tayong dapat pag-aksayahan ng oras. We only have one night and one day. Time is ticking, we should hurry," saad ng Duke.

"Are you sure no one noticed that you left?" tanong ni Natalie, maingat ang tono.

"Yes. They will think that Master and I are just watching and observing Rassia's condition. I already informed the head butler," tugon ng prinsipe.

Humarap ang tatlo kay Russel, tila handa nang umalis. May bahagyang ngiti sa labi nina Natalie at Vincenzo, samantalang seryoso ang tingin ng Duke sa kaniyang anak bago ito marahang tinanguan.

"We will entrust my wife to you, my future brother in law," saad ni Vincenzo habang ginugulo ang buhok ni Russel.

Agad namang namula si Russel at pinanlisikan ng mata ang prinsipe. Tumaas ang kilay ng Duke at malamig na sinulyapan si Vincenzo.

"W-what do you mean, brother in law?! I-in your dreams!" singhal ni Russel.

Mahinang natawa si Natalie sa nasaksihan.

"Let's go now. See you tomorrow, son," dagdag ng Duke.

Naunang pumasok ang Duke sa lagusan, at sumunod si Natalie.

"Protect your sister, brother-in-law…" muling ngumiti si Vincenzo kay Russel.

Ngunit bago pa man makapagsalita si Russel, naglaho na ang tatlo sa isang iglap.

Humarap na lamang si Russel sa kaniyang ate, tahimik na pinagmamasdan ang mahimbing nitong pagkakatulog sa loob ng kristal.

That damn prince is really annoying, I still don’t understand what my big sister sees in him. Nevertheless, I pray to the Gods and Goddesses for their safety, and that they return here successful.

In the Continent of Nervales

The Kingdom of Valerouge

Luminga-linga ang tatlong si Cesare, Natalie, at Vincenzo sa paligid. Nanatiling nakatakip ang kanilang mga mukha sa ilalim ng kani-kanilang cloak, mahigpit na pinananatiling nakatago ang kanilang identidad sa gitna ng masiglang lungsod.

Dinala sila ng lagusan sa isang lokal na pamilihan ng Nervales, sa kaharian ng Valerouge.

Nakasunod sa likuran ng tatlo ang anim na pinagkakatiwalaang knights ni Vincenzo.

The Six Azure Blade. Lazlo, Stain, Alaric, Raja, Tyron, at Zen.

Tila may malaking pista sa buong paligid.

Nagliliparan ang mga lantern sa kalangitan, habang ang mga handaan ay umaapaw sa bawat sulok ng lansangan.

May mga nilalang na masayang nagsasayawan, nag-iinuman, at nagkukuwentuhan sa ilalim ng makukulay na ilaw.

Sunod-sunod din ang pagsabog ng fireworks sa itaas, na nagbibigay-liwanag sa gabi.

"Tila may ganap sa kaharian na ito ngayon…" bulong ni Natalie kay Vincenzo.

"We must gather information about what's happening right now, para malaman natin kung paano natin isasagawa ang ating mga plano," saad ng Duke na si Cesare, malamig ngunit matalim ang tinig.

"Yes, Master. For that, kailangan nating pumasok doon. Sa tingin ko ay marami tayong makukuha roon," turo ni Vincenzo sa isang tavern na puno ng ingay at sigla.

Kumunot ang noo ni Cesare nang makita ang maraming lasing at nagtatawanang mga nilalang na tila mga lobo na naka anyong tao. Hindi na siya nag-atubili pa at naunang pumasok sa loob. Agad namang sumunod ang prinsipe at ang anim na kawal, tahimik ngunit alerto ang bawat kilos.

Nagpahuli si Natalie at ngumisi nang bahagya. Dahan-dahan niyang inalis ang itim na suot na cloak na bumabalot sa kaniya.

Unti-unting nahayag ang kaniyang kagandahan, ang kaputian ng kaniyang balat at ang marangyang kasuotan.

She wore a simple lace dress with a deep V-line cut, sapat upang ipakita ang elegante ngunit mapanganib niyang presensya. Ang hati ng kaniyang dibdib ay bahagyang naaaninag, sapat upang magdulot ng atensyon sa sinumang magtatangkang tumingin.

She walked confidently into the tavern, ang kaniyang mahabang itim na buhok ay marahang sumasabay sa bawat hakbang niya. Sa pagpasok pa lang ng babae, tila agad siyang pinagpantasyahan ng mga kalalakihan sa loob.

Isang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid, tila ang ingay ng tavern ay naputol dahil sa kaniyang presensya.

"You're quite bold despite your angelic face, Nat…" natatawang sambit ni Vincenzo, hindi maikakaila ang bahagyang pang-aasar sa kaniyang tinig.

"Thanks to my beauty, Vincenzo. Marami tayong makukuhang impormasyon dito," mahinhing sagot ni Natalie nang may kumpiyansa, walang bakas ng pag-aalinlangan sa kaniyang boses.

Tahimik lamang na nagmamasid ang anim na knights, bawat isa ay alerto sa kahit anong galaw sa paligid.

Samantala, ang Duke na si Cesare ay nananatiling nakakunot ang noo habang maingat na nililibot ang tingin sa buohan ng tavern. Nanatiling malamig ang kaniyang ekspresyon.

These wolves stink of poop…

Umupo silang lahat sa isang pabilog na malaking mesa, sapat upang magkasya ang buong grupo. Sa gitna ng maingay at magulong tavern, ang kanilang presensya ay tila isang tahimik na isla ng kapangyarihan at tensyon.

Si Vincenzo ay nasa counter, bumibili ng mga alak habang sinusuri ang paligid. Si Natalie naman ay abala sa pagtingin at pag-akit sa mga lalaking pasimpleng sumusulyap sa kaniya, alam niyang bawat tingin ay maaaring maging susi sa impormasyon.

Maya-maya, lumingon siya sa mesa nila at isa-isang tiningnan ang kaniyang mga kasama.

"Gentlemen, I think you need to remove your cloaks. I sensed that may mga nagmamasid dito sa tavern, mukhang tauhan ito ng kaharian ng Valerouge. Baka magkagulo pa at masira ang ating mga plano sa kanilang suspisyon. We need to blend and disguise as wolves…"

Sa isip ni Cesare, bahagyang kumislot ang kaniyang pagkaalerto nang marinig ang tinig ni Natalie sa kaniyang isipan. Ang anim na knights ay tila sanay na sa ganitong paraan ng komunikasyon, siya lamang ang bahagyang napataas ang tingin bago bumuntong-hininga.

Tinanggal niya ang kaniyang cloak. Isa-isa ring sumunod ang anim na kawal.

Sa ilalim ng takip, lumantad ang matitipunong pangangatawan ng mga lalaking kawal at ang kakaibang presensya ni Raja. May taglay itong kagandahan at ang kaniyang buhok ay gupit lalaki.

Umiling na lamang si Natalie, tila siya lamang ang magdadala ng impormasyon. Siya ang aakit, siya ang kukuha ng impormasyon.

May mga babaeng lobo na napapalingon kay Cesare, sinusukat ang kaniyang tindig at katahimikan. Ngunit tinaasan lamang niya ang kilay ng mga ito.

Maya-maya, dumating si Vincenzo kasama ang isang nanginginig na tagasilbi na may dalang mga alak. Halatang kinakabahan ang lalaki sa presensya ni Natalie dahil sa taglay nitong kaputian at kagandahan.

Hindi na iyon pinansin ni Natalie. Sa halip, muling pumasok ang kaniyang boses sa isipan ng lahat.

"Listen gentlemen. Alam kong alam niyo na matalas ang pandinig ng mga lobong narito. Kaya mag-iingat kayo sa inyong mga sasambitin."

Hindi siya naghintay ng sagot. Tumayo siya at diretso lumapit sa kabilang mesa, sa grupo ng mga kalalakihang matagal nang sumusulyap sa kaniya.

Si Vincenzo at Cesare ay nanatiling nakaupo, walang intensyong makihalo. Ngunit hindi nagtagal, dalawang babaeng lobo ang lumapit sa kanilang mesa.

"Hey..." malambing na bati ng may berdeng buhok, may ngiting puno ng pang-aakit. "Masyadong seryoso ang gabi para sa dalawang ginoong kasing-gwapo niyo. Hindi ba kayo naiinitan sa suot niyo?"

Ang isa pa ay dahan-dahang hinawakan ang dulo ng kaniyang buhok habang nakatitig nang diretso kay Cesare. "Bihira kaming makakita ng ganitong klaseng… kalidad dito sa aming teritoryo. Baka kailangan niyo ng mga gabay na magpapakita sa inyo ng totoong ganda ng gabi?"

"Not interested." malamig na sagot ni Cesare, walang kahit anong emosyon sa kaniyang tinig.

"I have a wife. She's much more beautiful than the two of you," tugon ni Vincenzo.

Bahagyang natigilan si Cesare sa pagiging direkta ng prinsipe, at hindi napigilang ngumisi.

"You're a little bit harsh… let's just wait for Natalie…" natatawang sabi ni Raja, umiling-iling.

Tahimik na natawa rin ang limang kawal sa naging eksena.

Lumipas ang humigit-kumulang dalawang oras bago muling bumalik si Natalie sa mesa nila. May dala siyang telang may lamang mga bracelet.

"Here, suotin niyo ito."

Nagkatinginan si Vincenzo, Cesare, at ang anim na kawal. Kinuha niya ang isang bracelet at sinuri.

Isa-isa silang tinitigan ni Natalie bago muling pumasok ang kaniyang boses sa kanilang isipan.

"Kapag sinuot niyo ang bracelet na iyan, hindi nila maririnig ang inyong boses.

We can talk freely now. I made that bracelet with my mana in the washroom.

Wala ring magkakaroon ng suspisyon sa atin dahil maingay ang paligid, hindi nila mapapansin na wala silang naririnig sa atin. "

"May nalaman ka ba, Natalie?" seryosong tanong ni Vincenzo.

"Of course," sagot niya agad.

"Listen… they are celebrating the 3rd death anniversary of the late king of this kingdom. Kinda weird, right? But they are not celebrating it to disrespect him. It's their belief that the king is now at peace, and they celebrate it to honor that peace."

"How about the crown prince of this kingdom?" tanong ng Duke.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa mesa. Kitang-kita ang biglaang pagbabago sa ekspresyon ni Natalie.

Namula ito, pati ang kaniyang tenga ay unti-unting nag-init. Lumunok siya bago muling nagsalita.

"They said that the prince is looking for… a wife."

Huminto siya sandali, bago nagpatuloy. Natigilan si Vincenzo at nanatiling nakatitig lamang kay Natalie tila binabasa ang ekpresyon ng babae.

"Narinig kong… mawawala sa kaniya ang titulo bilang crown prince kapag wala siyang nahanap na asawa, at maililipat ito sa kaniyang kapatid na anim na taong gulang lamang."

Nagkatinginan ang ilan sa kanila.

"Ang kingdom na ito ay… wala pang hari dahil patay na ang ama ng crown prince, three years ago. Ang prinsipe ang nagsisilbing hari sa kahariang ito ngayon ngunit hindi pa siya nagiging hari... Iba ang patakaran ng kontinenteng ito. Hindi ka magiging hari kapag wala kang reyna."

Napahinto ito at tila may kalungkutan sa kaniyang mga mata.

"N-now, the crown prince commands that each house of the continent of Nervales will represent the l-ladies of the houses. M-mamimili ang prinsipe kung sino ang nararapat na maging kaniyang r-reyna."

"Bukas na bukas ito magaganap."

"Are you alright, Nat?" tanong ni Vincenzo, may bahagyang pag-aalala sa kaniyang tinig.

Napalunok lamang si Natalie, halatang balisa, bago mabilis na ininom ang natitirang alak sa kaniyang baso, sinusubukang itago ang tensyon sa kaniyang dibdib.

"Of course!" mabilis niyang sagot.

"We should take this opportunity to be able to talk to him. Mabuti nang bukas na ito magaganap dahil bukas din ang huli nating araw dito, at kailangang makausap natin siya agad," saad ni Raja, kalmado ngunit diretso ang pagsusuri sa sitwasyon.

"Ngunit paano? Are you saying that we will participate in that?" takang tanong ng Duke, mas lalong kumunot ang noo habang iniisip ang implikasyon ng plano.

"Yes, we will disguise ourselves as a family," sabat ni Vincenzo, nakangising nakatingin kay Natalie na parang may binabalak nang alam niyang hindi nito magugustuhan.

Sabay-sabay silang napatingin kay Natalie.

Bigla itong nabulunan sa kaniyang iniinom nang tuluyang maunawaan ang ibig sabihin ng mga ito.

"What? Are you saying kailangan kong magpanggap?" takang tanong niya, mas malinaw na ngayon ang pag-aalala sa kaniyang boses habang diretso niyang tinitigan si Vincenzo na may makahulugang tingin.

"Just trust me, Natalie," sagot ni Vincenzo, nananatiling kalmado ang ngiti ngunit matatag ang pananalita. "If we have you, I know our plan will work."

"But—"

"Please, Nat. For Rassia's safety..."

Umiwas ng tingin si Natalie at nagbuntong hininga. "What makes you think that plan will work?"

Tahimik na nagmamasid ang Duke sa dalawa, nakakunot ang noo dahil wala siyang maintindihan sa binabanggit ng prinsipe. Tumikhim siya at nagsalita.

"It is settled then. We will participate tomorrow. Here…" Inilapag ng Duke ang isang card sa lamesa. "Buy identities for the three of us. Vincenzo and Natalie will be my children. After all, they look like siblings because of their eyes."

Ang card na iyon ay tanging pag-aari lamang ng mga mataas na noble house. Kapag ipinakita ito, sapat na ito upang makuha ang halos anumang bagay na kayang bilhin ng mga ginto.

Napanganga ang anim na kawal sa narinig mula sa Duke.

Ang isang titulo ng baron, ang pinakamababang ranggo bukod sa knight, ay nagkakahalaga ng limang bilyong gold coins. Paano pa kaya kung tatlong identidad ang bibilhin?

Maging si Natalie at Vincenzo ay hindi napigilang mapangiti sa sinambit ng Duke.

Dahan-dahang binaba rin ni Vincenzo ang kaniyang card. "I want to contribute as well." kinuha niya ang card ng Duke at pinagsama iyon at ibinigay kay Alaric. "Buy identities for us using these. Hmm… a viscountcy family will do."

Muling napanganga ang anim. Para sa kanila, tila kendi lamang ang pinapabili ng dalawa.

"Then, I will bring Tyron and Stain with me. Let's go." Tumayo si Alaric, handa nang sundin ang utos.

"So you're going to be my father, Master?" mapang-asar na wika ni Vincenzo.

"Shut up." humalukipkip ang Duke.

"So the two of you are hella rich, huh?" natatawang sambit ni Natalie.

"Huwag ka nang magkunwari, Natalie. Alam kong marami ka ring kayamanan..." natatawang tugon ni Vincenzo.

Napailing na lamang ang Duke at ang tatlong kawal sa dalawa, saka sinulit ang alak na nasa harapan nila.

Dumating din ang araw ng pagpili ng magiging asawa ni Prinsipe Valerian.

Nakaayos sa labas ng bulwagan ang mga kinatawan ng iba't ibang maharlikang pamilya, lahat ng babae ay nag-uunahan sa gara at karangyaan ng kanilang kasuotan, bawat isa'y umaasang mapapansin at mapipili ng prinsipe.

Even Natalie was well dressed. Her beauty was undeniable far from ordinary. She wore an emerald green dress with a deep neckline and an open back, highlighting her figure. A silver necklace sparkled with her, and her light makeup enhanced her natural features.

Kailangan niyang maakit ang prinsipe, kailangan niyang makuha ang atensyon nito upang magtagumpay ang kanilang plano.

Ang kanilang identidad ngayon ay isang maharlikang pamilya, ang House of von Ambrosini, isang viscountcy na kilala sa kayamanan at impluwensya.

"I am quite nervous…" mahinang bulong ni Natalie, habang mahigpit na nakapulupot ang kaniyang mga kamay sa kaniyang kunwaring ama at nakatatandang kapatid.

"Just relax, Natalie. Alam kong maglalaway iyon sa’yo," seryosong saad ni Vincenzo, na may bahid ng panunukso.

"Just believe in yourself," simpleng dagdag ng Duke.

Lumapit si Alaric sa kanilang tatlo, bahagyang yumuko. "Prepare yourselves. Malapit na kayo. Three houses before your turn."

Napalunok si Natalie. Lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso, tila bawat segundo ay kumakabog sa kaniyang dibdib.

"Makikilala na niya ako, Vincenzo…" mahina niyang sambit.

"Yeah… sa tingin ko, itinadhana talaga kayong magkita ngayon…" tugon ni Vincenzo.

Tahimik lamang na nakikinig ang Duke, bahagyang nagtataka kung bakit tila kilalang-kilala ni Natalie ang Prinsipe Valerian.

Bigla silang napatingin sa isang babaeng palabas ng bulwagan na umiiyak, hawak ang laylayan ng kaniyang damit habang nagmamadaling tumakbo palayo. Tila napahiya ito sa loob.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Natalie sa kaniyang nasaksihan.

"It's our turn now," saad ni Cesare.

"Viscount Leon von Ambrosini, accompanied by his son, Enzo von Ambrosini, and representing his daughter, the Honourable Natalie von Ambrosini, is now entering!"

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.