CHAPTER 31

In The Continent of Nervales

The Kingdom of Valerouge

Tahimik na nakadekwatro ang prinsipe ng kaharian ng Valerouge, marahang iniikot ang laman ng kaniyang kopita. May nakapaskil na malamig at mapanuyang ngisi sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ang babaeng kaniya na namang ipinahiya sa harap ng nakararami.

"Kamahalan, you should lower your temper. Paano ka makakahanap ng magiging reyna mo kung tinatakot mo silang lahat?" maingat na saad ng isa sa kaniyang mga tagapayo.

"They should prove to me that they are capable of more. Their beauty alone is not enough," tamad na tugon ng prinsipe.

Bahagya lamang siyang umirap bago muling uminom sa kaniyang kopita, tila walang pakialam sa bigat ng sitwasyon.

"One hundred and three na ang naipapakilala sa inyo, Kamahalan. Wala pa rin ba kayong napipili?"

Bumuntong-hininga si Prinsipe Valerian at tumayo mula sa kaniyang kinauupuan, halatang tinatamad at nais na ipagpabukas muli ang pagpili ng kaniyang magiging reyna.

"None. I've had enough. Let's do this again tomorrow," maawtoridad ngunit puno ng pagkasawa niyang sambit sa kaniyang dalawang tagapayo.

Nagtinginan ang dalawa, kapwa hindi sang-ayon sa kaniyang desisyon.

"Your Highness, let us at least give a chance to the next representative. Ayon sa sabi-sabi, kakaiba ang kaniyang kaputian at kagandahan. Ngayon ko lamang din narinig ang kanilang pamilya..." maingat na mungkahi ng isa.

"Let's see her, Your Highness. Kanina pa pinag-uusapan ang pamilyang iyon dahil sa kanilang presensya at sa taglay nilang kakisigan at kagandahan," dagdag pa ng isa.

Muling bumuntong-hininga ang prinsipe at tamad na naupo pabalik sa kaniyang trono.

Wala na siyang nagawa, ang mismong kaniyang mga tagapayo na ang nagpupumilit.

Kinuha niya ang dyaryo at itinakip sa kaniyang mukha, kunwaring nagbabasa.

Halatang nais na niyang takasan ang bulwagan at ang kaniyang responsibilidad.

"Viscount Leon von Ambrosini, accompanied by his son, Enzo von Ambrosini, and representing his daughter, the Honourable Natalie von Ambrosini, is now entering!"

Napalunok si Natalie habang mahigpit na nakakapit sa mga braso nina Cesare at Vincenzo. Sa kabila nito, hindi niya hinayaang mabakas ang kaba sa kaniyang mukha, sa halip, nanatili siyang taas-noo habang nakatingin sa prinsipeng tila seryosong nagtatago sa likod ng kaniyang dyaryo.

?Nakuha nila ang atensyon ng lahat ng naroon. Nagsimulang magkaroon ng mahihinang bulungan sa paligid, sapat na ingay para mapansin ngunit hindi direktang marinig ni Prinsipe Valerian.

?"How have I never heard of them? Such a beautiful family..."

?"That viscount looks remarkably young for his age..."

?"The son carries himself with such authority... ang kaniyang tindig ay tila pang-prinsipe..."

?"Damn... is she a goddess?"

?"She's so pale... yet undeniably beautiful..."

?Isang palihim na ngisi ang gumuhit sa labi ni Vincenzo habang matalim na nakatingin sa aroganteng prinsipe ng Valerouge.

?Damn this prince. Tingnan natin kung makakaakto ka pa nang ganyan kapag nakita mo na ang babaeng itinadhana para sa iyo...

Nang makalapit na sila sa prinsipe, nanatili pa ring nakatago ang mukha nito sa likod ng dyaryong binabasa, na tila seryosong sinusuri ang ulat tungkol sa nawawala niyang pusa.

Mukhang doon lang nakatuon ang buo niyang atensyon, dala na rin ng labis na pananabik na mahanap ang kaniyang pinakamamahal na alaga.

?Tumikhim ang dalawang tagapayo, isang malinaw na senyales para umayos ng pagkilos si Prinsipe Valerian.

?"We are honored to stand in your presence, Crown Prince Valerian Roger Montclair. This is my daughter, Natalie von Ambrosini, Your Highness," saad ni Cesare.

?Muling tumikhim ang tagapayo nang mapansing hindi pa rin inaalis ng prinsipe ang tingin sa hawak na dyaryo. Nang marinig iyon, nagpakawala na lamang ng isang malalim na buntong-hininga ang prinsipe at unti-unting ibinaba ang kaniyang dyaryo.

Tss... a low-ranking viscountcy family... I would never wish to marry someone lower than a daughter of a marquess... but let's see...

?Nanatiling mabilis ang tibok ng puso ni Natalie habang hinihintay na masilayan ang mukha ng prinsipe.

?Napalunok siya nang magtama ang kanilang mga paningin.

Ang mga mata ni Prinsipe Valerian ay kakulay ng kanyang kasuotan, isang malalim na berde na tila humihigop sa kaniya.

Sa sandaling iyon, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo habang kapwa nila nararamdaman ang presensya ng isa't isa sa gitna ng mataong silid.

?Subalit agad na kumunot ang noo ng prinsipe habang pinagmamasdan ang kabuuan ni Natalie.

Unti-unting bumaba ang tingin nito, direkta sa kaniyang dibdib, at nanatili roon nang ilang sandali.

?I never thought this prince was a pervert. Really? The first thing he does is stare at my chest?

Naramdaman ni Natalie ang uminit niyang mukha, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa hiya. Imbes na magpaubaya sa kaba, bahagyang yumukod si Natalie bilang paggalang ngunit hindi niya inalis ang mapang-uyam na tingin sa mga mata ni Valerian.

?"Is there something fascinating down there, Your Highness?

" sarkastikong bungad ni Natalie habang nakataas ang isang kilay.

"I didn't realize the Crown Prince's interests were so.

.. localized... during a formal introduction.

Or perhaps you're just checking if my dress matches your eyes as well as I thought it did? "

?Natigilan ang mga tagapayo sa kaniyang narinig, at tila napatigil din ang bulungan sa paligid.

?Tignan natin kung hindi ka mapahiya sa pagiging manyakis mo, Prince Valerian. Akala mo siguro ay mahihiya ako sa 'yo,

Nanatiling nakapaskil ang isang pilit at matamis na ngiti sa mga labi ni Natalie.

Biglang tumikhim si Cesare, babala sa babae dahil may plano silang isanasagawa. Bahagyang nanlaki din ang mga mata ni Vincenzo sa binanggit ni Natalie.

"What the fuck, Nat? you should seduce him!"

Hindi na pinansin ni Natalie ang boses ni Vincenzo na pumasok sa kanyang isipan. Mas tinuon niya nang pansin ang prinsipe.

Bahagyang natawa ng sarkatisko ang prinsipe at umiling iling, ang kaniyang tawa ay rinig ng buong hall, lahat ng mga nilalang sa paligid ay napayuko dahil alam nilang hindi hahayaan ng prinsipe ang pamamahiya ng babaeng na sa harapan niya.

Imbes na mapahiya sa direktang banat ni Natalie, isang mapang-asar na ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Valerian. Hindi niya binawi ang kaniyang tingin, bagkus, lalo pa niyang pinanindigan ang kaniyang ginagawa habang dahan-dahang isinasara ang hawak na dyaryo.

?"I am just admiring you," seryosong sagot ng prinsipe, bagaman bakas ang pagkapilyo sa kaniyang boses. "You should be thankful a prince like me is admiring your... beauty."

Sa huling salitang binigkas niya, muling bumaba ang kaniyang tingin sa dibdib ni Natalie, tila nananadya at sinusubukan ang pasensya ng dalaga. Hindi man lang siya nag-abalang itago ang kaniyang pagiging arogante sa harap ng pamilya nito.

?"Most women would kill for even a second of my attention. You, on the other hand, seem to have caught it effortlessly. So, you're welcome, Lady Natalie," dagdag pa niya bago muling nag-angat ng tingin sa mga mata ni Natalie, hinahamon ang tapang nito.

?"Tell me, Crown Prince Valerian," isang matamis na ngiti ang sumilay kay Natalie.

"Is this how the crown teaches its heir to conduct a state introduction?

Or is your eyesight perhaps... failing? Should I call for the royal physician, or do you simply need someone to teach you basic manners? "

Nagulat ang lahat sa sinambit ng babae, tila ang boses nito ay isang reynang hindi nagpapatibag at nagpapatalo. Mas lalo lamang sumilay ang mga ngiti ng prinsipe. Dahil halos lahat ng babaeng naipresenta ay naipahiya niya ngunit ang babaeng ito ay hindi.

?"Because if you're looking for something that 'most women would kill for,' I suggest you look for a mirror instead of staring at me. At least then, you'll see someone as impressed with you as you are with yourself." dagdag pa ni Natalie.

Nanatiling seryoso ang mga mata ni Cesare. Sa loob-loob niya, tama lang na pahiyain ang prinsipeng nasa harap nila. Kung ang tunay niyang anak na si Rassia ang ginawan nito ng kabastusan, baka siya mismo ang pumaslang sa prinsipe nang walang pag-aalinlangan.

?Maya-maya pa ay tumikhim si Cesare at mabilis na sulyap ang ipinukol kay Vincenzo, isang senyales upang pigilan si Natalie bago pa ito makapagbitiw ng mas matatalim na salita.

?"Nat! Fuck, if this plan fails, Rassia's safety will be at stake! Behave! Akala ko pa naman mahinhin ka, may itinatago ka rin palang kulo..." muling umalingawngaw ang boses ni Vincenzo sa isipan ni Natalie.

Biglang bumasag sa katahimikan ang malakas na tawa ng prinsipe, isang tawang umokupa sa bawat sulok ng bulwagan. Ang dalawang tagapayo ay nagkatinginan at napalunok, sa isip nila, kamatayan o matinding parusa ang igagawad ng prinsipe sa babaeng nangahas na nagpahiya sa kaniya.

?Umayos ng tindig ang lahat nang dahan-dahang tumayo ang prinsipe. Naglaho ang pagkapilyo at napalitan ito ng isang seryosong ekspresyon, bagaman may bakas pa rin ng nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi.

?"My dear advisors, sa tingin ko ay rito na nagtatapos ang ating pagpapakilala... and I shall declare... something important."

?Tumigil ang prinsipe at taas-noong tumingin nang diretso kay Natalie.

?"Viscount Leon von Ambrosini... forgive me, but I will never let your daughter leave this very hall without receiving her punishment," maawtoridad na sambit ng prinsipe, dahilan upang manlaki ang mga mata ng lahat ng naroon.

?"The honorable daughter of the Viscount, Natalie von Ambrosini... prepare for your punishment. Because you will be my wife, and the future Queen of the Kingdom of Valerouge."

Ang bulwagan na kanina lang ay puno ng bulungan ay biglang binalot ng nakabibinging katahimikan. Halos walang mangahas na huminga habang ang mga salita ng prinsipe ay tila nagpapatuloy na umaalingawngaw sa matatayog na kisame ng palasyo.

?Maging ang mga tagapayo ay tila naging estatwa sa kanilang kinatatayuan. Inasahan nila ang pagpapakulong, ang pagpapatapon, o ang pagbitay, ngunit ang koronang ialay sa babaeng kakaharap lang ay isang bagay na hindi nasulat sa kahit anong protocol ng kaharian.

?Isang mapait na ngisi ang muling sumilay sa mukha ni Valerian habang dahan-dahang humahakbang pababa mula sa kaniyang trono, ang bawat tunog ng kaniyang bota sa marmol na sahig ay tila ba dagok sa dibdib ni Natalie.

?"What is the matter, Lady Natalie? Bakit tila nawalan ka ng dila?" hamon ni Valerian, ang boses ay mababa ngunit puno ng kapangyarihan. "You wanted my attention, and now you have it... forever."

?Huminto siya sa mismong harap ni Natalie, sapat na malapit para maamoy nito ang bango at mamahaling alak na nagmumula sa prinsipe. Inabot ni Valerian ang isang hibla ng buhok ni Natalie at nilaro ito sa kaniyang mga daliri.

?"Since you find my manners so 'low,' consider this your life sentence, you will stay by my side to teach me those standards you speak of. You will be the Queen of the man you so clearly despise."

Sa gilid, ramdam ni Natalie ang panggigigil ni Vincenzo. Alam niyang anumang oras ay baka sumabog na ang kaniyang "kapatid," habang si Cesare naman ay nananatiling matigas ang panga, pilit na kinakalma ang sarili upang hindi masira ang kanilang plano.

"Damn it! this is not part of the plan! ang nais lamang natin ay makausap ito!" sigaw ni Vincenzo isipan ni Natalie.

Tumingin si Natalie nang diretso sa mga mata ni Valerian. "A marriage based on 'punishment,' Your Highness? That sounds more like a tragedy than a royal decree."

?"Then prepare for a long tragedy, my future Queen," bulong ni Valerian, ang kaniyang mga luntiang mata ay nag-aapoy sa halo-halong inis at kakaibang determinasyon.

"Because I have a feeling that having you in my palace will be the only thing that will keep me from being bored ever again. "

?Isinara ng prinsipe ang distansya sa pagitan nila at muling bumaba ang tingin sa dibdib ni Natalie, ngunit sa pagkakataong ito, may kasama na itong mapang-angking ningning.

?"And about your earlier complaint... I suggest you get used to it. I tend to stare at things I already own."

Tumikhim si Cesare at binalot ng kaniyang awtoridad ang buong silid habang malamig na tinititigan ang prinsipe. Hindi mababakas ang takot sa kaniyang mukha, kahit pa ang kaharap niya ay ang tagapagmana ng trono.

?"Forgive me on behalf of my daughter, Your Highness.

But as her father, I clearly see that you disrespect her.

For that, I will never allow her to wed you," malamig na sambit ni Cesare na ikinasinghap ng mga nakikinig.

"Ngunit... papayagan lamang kita sa isang kondisyon, Your Highness. "

?Tumaas lamang ang kilay ni Valerian at isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Tila hindi siya nababahala sa banta ng Viscount, sa halip ay tila mas lalo pa siyang naaliw sa hamon na ito.

?"Of course. Anything for your... daughter," tugon ni Valerian, binibigyang-diin ang huling salita habang pasulyap na tumingin muli kay Natalie.

?"Then we should talk in private, Your Highness. Where no one can hear us," sabat ni Vincenzo. Ang kaniyang boses ay kasing talim ng espada, at ang kaniyang tindig ay tila handang pumatay kung sakaling hindi maging maayos ang takbo ng usapan.

?Bahagyang nagulat ang mga tagapayo ng prinsipe. "A private audience? Without the council?" bulong ng isa sa kanila, ngunit isang kumpas lang ng kamay ni Valerian ay agad silang nanahimik.

?"Very well," saad ni Valerian habang inaayos ang kaniyang coat. "I shall lead the way to the royal office. I am curious to know what price a 'low-ranking' family sets for a future Queen..."

Nang tumalikod ang prinsipeng si Valerian ay nagkatinginan ang tatlo. Ito na ang hudyat na kailangan na nilang ilatag ang kanilang pakay at humingi ng tulong sa kaniya.

?Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng silid ay agad na nagbago ang atmospera ng paligid. Tila may kung anong kapangyarihan ang inilabas si Valerian na bumalot sa buong silid. Mabilis na umalerto ang tatlo dahil sa usok na nagsimulang magmula sa prinsipe.

?"Kumalma kayo," saad ni Valerian habang kumukuha ng tobacco at sinindihan iyon. "Hindi tayo maririnig ng sino man dahil sa usok na aking ikinalat."

?Humarap ang prinsipe sa tatlo na ngayon ay seryoso nang nakatingin sa kaniya. Dinako niya ang kaniyang tingin nang matagal kay Natalie bago siya dahan-dahang umihip ng usok mula sa tobacco.

?"I know you are not one of us. You are not from the continent of Nervales.

It is pretty obvious since your house just showed up just like that.

I have never even heard of your house in my entire life.

I also feel your massive mana presence around this palace.

So tell me and introduce yourselves properly. Do not make me a fool."

Ibinaba ni Valerian ang kaniyang tobacco at dahan-dahang lumapit sa tatlo. Ang kaniyang mga mata ay tila nagniningning sa gitna ng usok habang nakatuon ang pansin kay Cesare.

?"What are your true intentions? I should make myself clear. I still wish to marry that woman," deklara ni Valerian nang walang pag-aalinlangan.

?Tumingin siya muli kay Natalie at muling nagpakawala ng usok. May halong babala ang kaniyang boses na tila ba sinasabing wala silang magagawa kung iyon ang kaniyang nais.

?"Do not think that your secrets will change my mind. If anything, they make her more interesting. So tell me the truth. Bakit kayo narito sa Valerouge? Is this a mission or are you seeking refuge? Speak now before my patience runs out."

Nagkatinginan ang tatlo at bahagyang tumango si Cesare kay Vincenzo. Isang senyales na oras na para ilabas ang kanilang tunay na pagkakakilanlan.

?Bahagyang lumapit si Vincenzo at taas-noong hinarap ang kaniyang kapwa prinsipe. Wala na ang bakas ng pagiging isang anak ng hamak na viscount. Sa halip, ang kaniyang presensya ay tila naging kasing bigat na ng prinsipeng kaniyang kaharap.

?"We are mages from the continent of Vermeleyon. I am the Crown Prince of Erenhal Sartorias and the Seven Kingdoms of Vermeleyon, Vincenzo Amadeus Vacardi," pakilala niya na may boses na tila dumadagundong sa loob ng silid.

?Kumunot ang noo ni Prinsipe Valerian.

?I have heard of the Crown Prince of Vermeleyon. We share quite similar reputations, but this man... he is on a different level. He is much more powerful than me.

Lalong naging seryoso ang pag-iisip ni Valerian habang sinusuri ang lalaking nasa harap niya.

?I am just a king to one land. The continent of Nervales also has seven kingdoms, but we are divided.

Each kingdom has its own king, and we have never been united under one emperor.

But this man? He is destined to rule an entire continent because the old blood of Erenhal managed to unite the seven kingdoms of Vermeleyon long ago.

?"I am the Duke of the West of Erenhal Sartorias and the Seven Kingdoms of Vermeleyon, Cesare Fuegoleon Quentin, Your Highness," malamig na pagpapakilala ni Cesare.

?Tumango lamang ang prinsipe bilang pagkilala sa mataas na katayuan ni Cesare. Ngunit agad din niyang idinako ang kaniyang tingin sa babaeng nasa gitna nila, ang tanging nananatiling misteryo sa kaniyang paningin.

?Bahagyang yumuko si Natalie habang pinananatili ang kaniyang seryosong ekspresyon. Sa bawat kilos at galaw niya ay halatang hindi siya ordinaryong nilalang. Ang kaniyang tindig ay nagpapakita ng isang dugong maharlika na mas mataas pa sa inaasahan ng kahit sino.

?"My real name is indeed Natalie, Your Highness," panimula niya.

"Forgive me, ngunit hindi ko muna lubos na ipapakilala ang aking sarili sa ngayon. We need your help, Prince Valerian. At kapag tinulungan mo kami, doon ko lamang ipapakilala ang aking sarili at papayag akong maging reyna mo.”

Tumaas ang kilay ng prinsipe sa narinig na alok mula sa babaeng nasa kaniyang harap.

Isang mapanuring tingin ang ipinukol niya kay Natalie, tila sinusukat kung hanggang saan ang kayang panindigan ng dalaga.

Dahan-dahan siyang lumapit hanggang sa muling magtagpo ang kanilang mga mata sa gitna ng silid.

?"A conditional marriage? You are truly a bold woman, Natalie," tugon ni Valerian na may kasamang mahinang tawa na tila hindi makapaniwala.

"You are asking for my help while keeping your true identity a secret, yet you offer the crown of Valerouge as a prize.

You surely know how to strike a deal that I cannot easily refuse. "

?Huminto siya sa harap ni Natalie at bahagyang yumuko para pantayan ang taas nito. Ang kaniyang boses ay naging seryoso at malalim.

?"Tell me then. Ano ang tulong na kailangan ng isang Duke at isang Crown Prince mula sa kabilang kontinente? At gaano kabigat ang problemang ito para itaya mo ang iyong kalayaan?"

?Ngumisi si Valerian at muling umihip ng usok mula sa kaniyang tobacco.

?"I am a man who loves a good challenge. If the help you seek is worthy of my time, then I shall accept. But remember this, Natalie. Once I give my word, there is no turning back. You will be mine, whether you are a fallen princess or a goddess in disguise."

Hindi maiwasang matitigan ni Natalie ang taglay na kagwapuhan ng prinsipeng lobo sa kaniyang harapan. Bahagyang bumaba ang kaniyang tingin sa mga labi nito bago muling ibinalik ang pansin sa mapang-akit na berdeng mga mata ng prinsipe.

?Tumikhim si Vincenzo upang basagin ang titigan ng dalawa.

?"I will get straight to the point, my fellow crown prince. I need your help. We need your help. My future wife as well as the real daughter of the man beside me is at stake. Wala dapat makaalam sa kaniyang kapangyarihan," seryosong saad ni Vincenzo.

?Kumunot ang noo ni Valerian habang pinoproseso ang narinig.

?"Can you elaborate?"

?"My daughter has the... demonic mana. She has a demon within her, Your Highness.

At kapag nalaman ito ng Holy Cathedral, ang mga taong nagpatalsik at naging dahilan ng pagkawala ng mga bampira sa aming kontinente, ay hinding-hindi sila magdadalawang-isip na kitlin ang buhay ng aking anak.

Awtomatikong magiging tingin nila sa aking anak ay isang demonyong walang puso at may masamang hangarin.

I need to protect her, Your Highness," paliwanag ni Cesare na may halong pait at determinasyon sa boses.

Natigilan si Prinsipe Valerian nang marinig ang tungkol sa demonic mana. Isang mabigat na katahimikan ang namayani sa silid habang tila nag-iisip ang prinsipe.

?"Listen, Prince Valerian. Hindi kami pupunta rito kung hindi kami desperado sa iyong tulong.

At lalong-lalo na hindi namin hahayaan na may iba pang makaalam ng kaniyang kapangyarihan, ngunit kailangan niya ng tulong.

Dahil sa ngayon, wala kaming kakayahan upang itago ang kaniyang mana presence," dagdag ni Vincenzo upang mas idiin ang panganib na kanilang kinakaharap.

?"That demonic mana is no joke. Are you saying I should change her mana presence?

I should make myself clear. Maaari kong ikamatay ito kapag pinalitan ko ang kaniyang mana presence nang matagal.

May limitasyon din ang aking kapangyarihan," seryosong saad ni Valerian habang tinitimbang ang panganib ng kanilang hinihiling.

?"Yes. But we only need you tomorrow, Your Highness.

Lady Rassia Saint Quentin, my daughter, is still unconscious.

We put her inside of a crystal seal. That way, walang nakakaramdam ng kaniyang demonic mana sa buong paligid.

Kasalukuyan niyang nilalabanan ang demonyong nasa loob niya sa kaniyang sariling dimension.

Malakas ang demonic mana na nailalabas ng kaniyang katawan.

Even the crystal seal we made has cracks because of how strong she is," mahabang paliwanag ni Cesare.

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Vincenzo.

?"Hindi namin siya maaaring ipakita na ganoon ang kalagayan, na nasa loob siya ng crystal seal.

Bukas na bukas ay darating ang Holy Cathedral para magsagawa ng purification rite sa aming teritoryo.

They are also powerful beings. The moment they set their foot on the estate, mararamdaman nila ang demonic mana ni Lady Rassia.

Kailangan namin ng iyong tulong, Prince Valerian.

Sa sandaling makaalis sila ay pwede ka nang huminto at muli naming gagawin ang crystal seal. "

Binalot ng matinding tensyon ang buong silid habang hinihintay nila ang magiging pasya ng prinsipe. Bumuntong-hininga si Valerian at muling dumako ang kaniyang tingin kay Natalie at binalik ang tingin sa dalawa.

?"Listen, I sense that you have genuine intentions.

But this will make my land and people in danger kapag tinulungan ko kayo.

A demon is what we are talking about, Prince and Duke.

I know you yourselves knew the consequences of these.

Hindi lang kayo ang malalagot kapag may nakaalam nito, kundi pati na rin ako," seryosong sambit ni Valerian.

?Mariing kumuyom ang mga kamay ni Natalie. Sa kabila ng kaniyang kaba ay hindi siya nag-atubiling humakbang pasulong upang harapin ang prinsipe nang malapitan.

?"Please, Your Highness... nagmamakaawa ako. Save her," matigas na sambit ni Natalie habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Valerian.

Nararamdaman ni Natalie ang panginginig ng kaniyang sariling boses ngunit pinilit niyang manatiling matatag.

Sa sandaling iyon, wala siyang pakialam kung kailangan niyang isuko ang kaniyang sariling kalayaan.

Ang tanging mahalaga sa kaniya ay ang kaligtasan ni Rassia mula sa kamay ng Holy Cathedral.

?"Hindi kami hihiling nang ganito kalaki kung mayroon pa kaming ibang paraan. You are the only one who can mask her presence. Ikaw lang ang tanging pag-asa namin." dagdag pa ni Natalie na may kasamang pagsusumamo sa kaniyang mga mata.

Bumuntong-hininga na lamang ang prinsipe at seryosong tinitigan ang babaeng nasa kaniyang harapan. Muli siyang bumuga ng usok mula sa kaniyang tobacco at hinayaan itong maglaho sa hangin bago muling magsalita.

?"Fine then. I will do it. But remember your side of the bargain, Natalie.

I will risk my life and the safety of my kingdom to shield that lady.

In return, I expect you to be ready to stand by my side as my Queen when this is over.

Hinding-hindi mo na mababawi ang pangakong binitawan mo sa akin ngayon. "

?Tumingin siya kina Cesare at Vincenzo na may awtoridad.

?"Prepare everything. We must be ready before the first light of dawn reaches your estate.

The Holy Cathedral's members are not fools and their senses are sharper than any blade.

If I am to mask a demonic mana as powerful as yours describes, I will need every bit of my strength and your absolute cooperation. "

?Bahagyang lumapit si Valerian kay Natalie at sa isang mabilis na galaw ay hinawakan niya ang baba nito para pilitin siyang tumingin nang diretso sa kaniya.

?"Do not let me down, Natalie. Because if this plan fails, we will all burn together in the fires of the Holy Cathedral."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.