CHAPTER 44
The Grand Banquet of Rassia Saint Quentin
Outside the door of Rassia's room stood a figure who seemed carved from history itself.
The former Duke, Galsarius Constanciandro III Quentin.
Though age had already left traces upon his face, his handsome features and imposing presence remained undeniable. He wore luxurious gold and crimson garments adorned with a golden brooch.
Nanatiling seryoso at naghihintay si Galsarius sa labas ng silid ni Rassia, ang kaniyang ekspresyon ay nanatiling matigas at walang mababakas na emosyon, isang hitsurang madalas ding makita sa mukha ni Cesare.
After so many years, I can finally see my granddaughter. I heard she is quite a troublemaker. I last saw her when she was still a small child of three, she was always crying and reaching for her father... I wonder, is she still the same?
?Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa kaniyang dibdib habang nakatingin sa saradong pinto kung saan pumasok ang head butler.
?That Cesare... where the fuck is he? This is the day of his daughter's debut, for fuck's sake! How could he let this day pass without being here by her side?
Maya-maya pa, dahan-dahang bumukas ang dalawang dambuhalang pinto ng silid ni Rassia. Ang bawat pag-atras ng pinto ay naglalabas ng gintong liwanag at ang bango ng mga mamahaling pabango.
?"Your granddaughter, Lady Rassia Saint Quentin, is here, Your Grace," anunsyo ng head butler.
Nang tuluyang lumabas si Rassia, tila tumigil ang mundo para kay Galsarius.
Sa kaniyang paningin, tila may mga rosas na biglang namukadkad sa paligid ng dalaga, bawat talulot ay kasing pula ng suot nitong marangyang gown.
Ang dating batang iyakin na huli niyang nakita ay wala na, ang nasa harap niya ngayon ay isang babaeng may taglay na kagandahan na nakakasilaw at presensyang hindi matatawaran.
Natigilan ang matanda. Ang kaniyang seryosong ekspresyon ay saglit na nayanig ng pagkamangha.
She has the sharp, aristocratic presence of Cesare, with the ethereal, captivating features of her mother. She is indeed a beauty. She looked like the very epitome of a Quentin.
Natigilan si Rassia sa kaniyang nakita. Ang kaniyang lolo, na matagal na panahon niyang hindi nakasama at tila naging bahagi na lamang ng kaniyang malabong alaala, ay nakatayo ngayon nang buong giting sa kaniyang harapan.
?Oh, so grandfather attended my banquet.
I heard my grandfather passed his title to my father when my father turned the right age to be the Duke.
Simula noon, pinili na nitong mamuhay nang tahimik at malayo sa ingay ng politika.
He's now living peacefully in my late grandmother's estate in Astoresa, kaya naman isang malaking sorpresa na naglakbay ito nang malayo para lamang sa gabing ito.
Dahan-dahang inabot ni Rassia ang braso ng kaniyang lolo. Ang tela ng kaniyang gown ay humahaplos sa sahig habang nagtatama ang kanilang mga paningin.
?"I shall escort you to the grand entrance of the ball, granddaughter," deklara ni Galsarius.
Rassia offered a small, enigmatic smile.
"I am honored, Grandfather. But I must ask... what brought the great former Duke out of his peaceful retirement in Atoresa? I thought the quiet life suited you better than the vipers of the capital."
Galsarius let out a short, dry huff of laughter, his eyes narrowing as they began to walk down the hallway.
"The quiet life is for those who have nothing left to protect.
But when I heard my granddaughter was turning the empire upside down before she even made her debut, I knew I had to see it for myself. "
Natawa na lamang si Rassia sa kaniyang narinig.
Mukhang maging sa Atoresa ay laman ako ng mga bulung-bulungan.
Sandaling huminto ang matanda at tumingin nang diretso sa mga mata ni Rassia. "At tungkol sa iyong ama... do not let his absence dim your light tonight."
"Of course, grandfather. If father prefers his duties over his own daughter's birthday, then so be it."
Nang makarating sila sa tapat ng dambuhalang pinto kung nasaan ang grand staircase ng ballroom, ang ingay ng tawanan at musika sa loob ay unti-unting humupa. Tila naramdaman ng mga panauhin ang mabigat at makapangyarihang presensyang pababa sa kanilang kinalalagyan.
?"Open the doors," utos ni Galsarius.
Sa ballroom hall, natulala ang mga maharlika sa karangyaan ng Quentior Palace. Tila ba ang piging na ito ang pinakamagarbo sa buong taon.
Maging ang mga pinakamataas na aristokrata na sanay na sa karangyaan ay hindi napigilang mamangha. Habang naghihintay ang lahat, ang kanilang mga paningin ay hindi mapakali sa paglilibot sa bawat sulok ng Quentior Palace.
?Ang bulwagan ay tila isang puno ng ginto at kristal na detalye.
Ang taas ng kisame na puno ng mga fresco na nagkukuwento ng kasaysayan ng mga Quentin ay nagpaparamdam sa bawat panauhin kung gaano sila kailit kumpara sa kapangyarihan ng pamilyang ito.
Ang bawat haligi ay balot ng pinakamahal na marmol, at ang bango ng libu-libong sariwang rosas ay humahalo sa amoy ng mamahaling alak.
?"I have attended countless balls in the capital," bulong ng isang Baronessa habang nakatingala sa dambuhalang chandelier, "pero ang Quentior Palace ay nasa ibang antas. Tila ang banquet na ito ay ang pinakamarangyang debutante para sa isang lady sa buong kasaysayan ng imperyo."
Sa pagbukas ng mga pinto, bumungad ang nakasisilaw na liwanag ng mga chandelier na tumama sa pigura nina Galsarius at Rassia. Ang katahimikang bumalot sa bulwagan ay sapat na sagot sa kanilang pagdating, isang pagkilala sa dugong nananalaytay sa kanila.
Dahan-dahang bumaba si Rassia sa marangyang hagdanan, habang matikas na nakakapit sa braso ng kaniyang lolo. Ang tunog ng kaniyang takong sa bawat baitang ng marmol ay tila isang ritwal na nagpapatigil sa mundo ng mga naroroon.
?Lahat ng panauhin, mula sa mga pinakamakapangyarihang high noble houses hanggang sa mga tanyag na pamilya ng imperyo ay tila natigilan.
Ang presensya ng former Duke na si Galsarius ay nagdala ng bigat sa silid, ngunit ang presensya ni Rassia ang tunay na kumuha sa kanilang hininga.
"The way the former duke looks at the crowd... it's as if he's deciding which of us is worthy enough to even breathe the same air as his granddaughter..."
"I've seen many debutantes, but Lady Rassia... she makes the very concept of beauty feel like an understatement,"
"I heard she was a spoiled brat, but her beauty... it's undeniable..."
"The star of the night, indeed."
Nang makarating sila sa pinakamababang baitang ng hagdan, tumigil ang musika. Ang katahimikan sa loob ng Quentior Palace ay nakakabingi, at ang lahat ng mata ay nakapako sa pigura ni Rassia.
Dahan-dahang binitawan ni Galsarius ang braso ng kaniyang apo na nagbibigay-daan upang siya ang maging sentro ng lahat.
?Rassia stepped forward. Itinaas niya ang kaniyang kopita.
"I am deeply honored by the presence of everyone gathered here tonight, especially the esteemed High noble houses who graced this celebration with their attendance. Your presence alone has brought great honor not only to me, but to House Quentin as well."
?"I know many of you have heard countless rumors about me. Yet tonight, I ask that such rumors be set aside, if only for this evening." Isang matamis ngunit misteryosong ngiti ang iginawad ni Rassia sa mga noble ladies na kanina pa hindi mapakali sa kanilang mga pamaypay.
Muli siyang tumingin sa lahat na may mapait na ngiti.
?"Even in the absence of Duke Cesare Fuegoleon Quentin, let this celebration commence... So raise your glasses, and enjoy the banquet!"
Pumalakpak si Rassia nang may awtoridad, isang tunog na sapat na upang makuha ang atensyon ng lahat. Sinenyasan niya si Violet, na agad namang tumango at nagbigay ng hudyat sa mga tauhan sa kusina.
?Isa-isang lumabas ang mga servant na may suot na puting guwantes, tulak-tulak ang mga gintong trolley kung saan nakahain ang mga panghimagas na hindi pa kailanman nakikita sa buong imperyo. Ang bango ng asukal at gatas ay agad na humalo sa malamig na hangin ng ballroom.
Doon nakahain ang mga Leche Flan na may perpektong kintab ng caramel, ang maliliit at mabilog na Graham Balls na binalot sa dessiccated coconut at asukal, at ang makapal at malaking Cake Brownies na nag-uumapaw sa tsokolate.
?"What are these... exquisite creations?" bulong ng isang Baronessa, habang hindi maialis ang tingin sa ginintuang kulay ng leche flan.
?Ang mga noble ladies na kilala sa pagiging mapili sa pagkain ay tila nakalimot sa kanilang etiketa. Ang hitsura pa lamang ng mga pagkaing ito ay sapat na upang maglaway ang sinuman.
?"I decided that a night this grand deserved flavors that are just as unique," wika ni Rassia habang pinapanood ang reaksyon ng kaniyang mga panauhin. "Please, do not hesitate. A Quentin banquet is never complete without a taste of the extraordinary."
Rassia smirked.
They say the quickest way to win a person's heart is through their tastes...
Ang mga noble ladies na kanina ay abala sa pagpuna sa kawalan ng Duke ay biglang napatigil.
?"What... are these?" bulong ng isang marchioness, habang hinihingat ang bango ng bagong luto at malapot na caramel ng Leche Flan.
"Kahanga-hanga... ang timpla ng Cake na ito ay hindi ko kayang gayahin. Ang pait ng tsokolate at ang tamis ng asukal ay naglalaban ngunit nagkakaisa. Ngayon lamang ako nakatikim ng ganitong klaseng recipe sa buong buhay ko sa kusina." ani ng isang noble na chief.
"It is fascinating. Rumors says she's a troublemaker, yet she treats us like royalty..."
"Kahanga-hanga... anong klaseng mga recipe ito? Ngayon lamang ako nakatikim nang ganito,"
"I never expected Lady Rassia to care so much for her guests."
"To share such closely guarded, exquisite recipes... it is a level of hospitality we haven't seen in the capital for years."
Ngumiti si Rassia, isang tipid at misteryosong kurba ng mga labi habang pinapanood ang mga noble na tila nawawala sa sarili dahil sa tamis ng kaniyang inihanda.
This was it. The first phase of my plan for the R Atelier Café was a resounding success. By using my own debutante ball as a testing ground, I had just turned the most influential people in the empire into my future customers.
Sa tabi, si Galsarius ay manghang tinititigan si Rassia, ang makita ang buong High Society na yumuyukod sa panlasa ni Rassia ay isang bagay na hindi niya inaasahan.
Ang pangalang iyon ay nakaukit din sa mga plato na ginamit para sa mga panghimagas. Isang pangalang ngayon lamang nila narinig.
"The lovely desserts tonight are sponsored by Madame Rische. I am truly honored to have her contribution, I consider it a rare privilege to have her favor." ani Rassia.
?"Rische Atelier Café?" basa ng isang Countess sa nakaukit sa plato, habang maingat na ninanamnam ang huling piraso ng kaniyang graham ball.
"Saan matatagpuan ito? Is it in the capital? Or perhaps from the West?"
Rassia let out a soft, teasing laugh. "They are quite... exclusive. For now, they only cater to those they deem worthy of their craft. I was fortunate enough to secure their service for tonight..."
By the time the doors of R Atelier Café open, I will have the entire capital in the palm of my hand.
Sa ilang sandali, hinanap ni Rassia ang dalawang pigurang kaniyang inimbitahan. Bahagya siyang napangiti nang matagpuan sina Agarus at Katarina, kapwa nakatingin at nakangiti sa kaniya. Tahimik niya lamang silang tinanguan.
I'm glad they came. They seemed a little awkward among the nobles, yet the attire I had prepared suited them perfectly. Katarina looked stunningly alluring, while Agarus, with the tattoos lining his neck, carried himself like a true nobleman.
Maya maya pa, agad na lumapit sina Hyacinth, Freya, at Athena kay Rassia. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang pagkamangha, hindi nila mapigilang titigan ang kaniyang kagandahan na tila ba isang diyosa na naglalakad sa gitna ng ballroom.
They greeted her a very happy birthday with so much excitement.
?
Ipinagmalaki rin nila ang kani-kanilang mga regalo na siguradong hindi matatapatan ng iba. Sa sobrang tuwa, hindi na nakapagpigil si Hyacinth at agad na yinakap si Rassia nang mahigpit.
Rassia smiled, "Long time no see, ladies."
"I am truly glad you are well, Lady Rassia. Matagal ka naming hindi nakita simula noong ikaw ay nawala," wika ni Athena, ang kaniyang boses ay puno ng pag-aalala.
?"Mabuti na lamang... ay nahanap ka ng ating mahal na prinsipe sa Luminara," dagdag pa niya sabay ngiti nang matamis.
?Sa gitna ng pag-uusap, pasimpleng sumulyap si Freya kay Athena.
Rassia, remaining calm and alluring, maintained her composed expression. "Luck was on my side that day," sagot niya nang tipid, keeping her secrets close to her heart while acknowledging her friends' concern.
"Alam mo bang labis akong nag-aalala nang malaman ang iyong pagkawala sa dyaryo sa Oskandor?" pag-aalala ni Hyacinth, habang mahigpit pa ring hawak ang kamay ni Rassia.
"The whole social circle was in chaos. Many thought the worst had happened," ani Freya habang sinusuri ang bawat galaw ni Rassia. "Even the rumors in the capital were getting out of hand."
Athena remained smiling, but her eyes were blank. Nanatili ang kaniyang matamis na ngiti, ngunit ang kaniyang mga mata ay tila walang buhay at hindi sumasalamin sa saya ng kaniyang labi.
?"I appreciate the concern, truly," Rassia replied, "And as for the Crown Prince... let's just say he was at the right place at the right time."
Look at them. Hyacinth is practically vibrating with relief, she's always been the easiest to read. Freya is analyzing my connection to the Prince. But Athena's blank stare is the most loudest of all.
Is she always like this? baka nagkakamali lang ako. But I'd rather be wrong and cautious than right and dead. If you're a snake, Athena, you're a very beautiful one.
Napatingin ang apat nang biglang sumulpot si Russel.
?"Big sister," panimula ni Russel, ang kaniyang boses ay puno ng paggalang ngunit may bakas ng excitement.
"It is time for your grand dance. For that, I shall be your first partner before Grandfather takes you to the floor." Inilahad ni Russel ang kaniyang kamay kay Rassia.
Ngumiti nang matamis si Rassia, "How could I say no to my charming brother?" dahan-dahang inilalagay ang kaniyang kamay sa palad ni Russel.
?Balingan niya ang kaniyang mga kaibigan, lalo na kay Athena, "Excuse us, ladies. We'll continue this... talk later."
Nagsimulang tumugtog ang orkestra ng isang dahan-dahan at eleganteng waltz. Inakay ni Russel si Rassia patungo sa sentro ng bulwagan, kung saan ang lahat ng mga mata ay nakapako sa kanila. Doon ay nagsimula na silang sumayaw.
?"Happy birthday, big sister. Thank you for taking care of me and getting rid of Corazon. Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung narito pa rin si Corazon..."
?Pinisil ni Rassia nang bahagya ang balikat ng batang kapatid.
?"Hush now, Russel," malambing niyang sagot. "Wala na siya, at hinding-hindi na siya babalik. You are a Quentin, and you deserve to walk in the light. Basta't narito ako, walang sinuman ang maglalakas-loob na saktan ka muli."
You're still so young, Russel, yet because of that woman, you've already witnessed the ugliest parts of this palace.
Corazon was a cancer within this family, and punishing her was the greatest gift I could have given the both of us.
Seeing you smile like this, without fear lingering in your eyes, is more than enough for me.
Pagkatapos ng marangal at pormal na sayaw kasama ang kaniyang kapatid at ni Galsarius, ang musika ay naging mas magaan at mapaglaro. Isang pamilyar na pigurya ang lumapit kay Rassia.
?Si Caspian.
Inilahad ni Caspian ang kaniyang kamay nang may pilyong ngiti. "May I have this dance, Lady Rassia?"
Pabirong umirap si Rassia at tinanggap ang kamay ni Caspian.
?"Happy birthday, Rassia," panimula ni Caspian, ang kaniyang boses ay sadyang ginawang malambing na tila nanunubok habang sinisimulan nila ang kanilang mga hakbang.
"You used to have a crush on me, and honestly, I still wonder why. Masyado ba akong guwapo para sa 'yo noon?"
Bahagyang napaatras ang ulo ni Rassia, pilit itinatago ang kislap ng hiyang sumagi sa kaniyang mukha. "Caspian, that was ages ago! Huwag mo nang ungkatin ang mga nakakahiyang bagay."
Natawa nang mahina si Caspian, lalong inilapit ang kaniyang mukha sa dalaga habang mabilis silang umiikot sa gitna ng ballroom.
"Pero tama nga ang hinala ko, may iba ka na ngang crush ngayon.
.. at ang Crown Prince pa talaga na may dragon?
Really, Rassia? Bakit mo ito itinago sa akin?
My heart is broken," biro niya sabay lapat ng kaniyang kamay sa kaniyang dibdib, kunwari ay nasasaktan.
"W-well," nag-iwas ng tingin si Rassia at namula.
"Akala ko ba ako lang ang paborito mong knight in shining armor?" banat ni Caspian.
Mahinang inapakan ni Rassia ang sapatos ni Caspian dahil sa pang-aasar nito sakanya.
I wish that you and Cayena would finally find that spark as soon as possible para naman magkaroon ka ng sarili mong distraction at tigilan mo na ako! Alam kong maiintindihan mo rin ang nararamdaman ko kapag dumating na ang tamang panahon!
Napatigil sila sa pagsasayaw maging ang orkestra at mga noble nang bumukas ang naglalakihang pinto ng bulwagan. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa paligid habang pumapasok ang mga pigurang nagtataglay ng nakakasindak na presensya.
?"All hail the Emperor! His Imperial Majesty, Luthor Maximillian IV Vacardi, Her Imperial Majesty, Empress Megan Vacardi, The Princess Cayena Mori Vacardi, and The Cardinal Prince, Lutheron Azul Vacardi has arrived!"
Pumako ang tingin ni Lurtheron sa dalaga, bahagyang natigilan sa presensiya nito.
Hmm... she looked even more breathtaking than the great goddess herself.
Rassia
The Imperial family... are here?
But where is Vincenzo? I thought he said he would come...
My gaze swept across the grand ballroom once more, searching through the sea of nobles, yet his figure was nowhere to be found.
A bitter smile slowly formed on my lips.
In the end, he is no different from my father.
Neither of them had come. Neither of them could even spare enough thought to show their faces on the day of my birthday.
Pilit kong inaayos ang aking postura habang nakayuko sa Imperial Family. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng aking mga daliri habang nakayuko.
Nakayuko ang lahat sa harap ng kanilang presensya. Ramdam ko ang bigat ng hangin, ang bawat yabag na papalapit sa kinalalagyan ko ay tila pintig ng sarili kong puso. Nang huminto ang mga gintong sapatos sa tapat ko, dahan-dahan akong tumingala.
Sa isang iglap, narito na silang apat sa aking harapan.
?"I am deeply honored, Your Imperial Majesties, ang inyong pagdalo ay isang regalong hindi ko inaasahan, ngunit lubos kong ipinagpapasalamat."
"The Vacardis and the Quentins have been close and allied houses since the era of the Erenhal. It is only right that we are here to honor that alliance, especially on a day as significant as this." tugon ng Emperor nang may makahulugang ngiti.
I looked toward the emperor and the empress, unable to stop myself from remembering the stories Vincenzo once told me, of how the late Empress, the mother of Vincenzo and Cayena, suffered because of them.
?"That's right, your majesty. Hmm... where is the duke, your father, Lady Rassia? I heard that he did not escort you." tanong ng empress.
Ang Empress ay nakahawak sa braso ng Emperor. Ang kaniyang boses ay malambing, ang bawat galaw niya ay tila isang tapat at mapagmahal na asawa. Kung hindi mo siya kilala, iisipin mong isa siyang ehemplo ng katapatan.
Alam ko ang totoo, Empress Megan. You are obsessed with my father.
I have not forgotten what you did to me, Empress Megan. Do not think I would simply let it slide. How dare you plant spies around me? I do not care if you are the Empress herself.
"Oh, I am afraid my father said he has important matters to do, after all he has always been a man of duty,"
?Bahagya akong tumigil at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"But don't worry, Empress. I am here to represent the House Quentin. I'm sure my father's absence won't diminish the joy of this banquet... after all, the Emperor is here to keep us all company, isn't he?"
Ngumiti si Emperor Luthor nang matamis sa akin. Isang ngiti na tila nagpapahiwatig na tanggap niya ang aking katwiran, kahit na alam naming lahat ang bigat ng kawalan ng aking ama sa gabing ito.
Kahit anong pilit kong iwas, hindi ko maikakaila ang pagkakahawig nila. Despite his age, he really looks like Vincenzo. Ang hugis ng mukha, ang talas ng mga mata, it's like looking at a version of Vincenzo decades from now. Pero may isang malaking pagkakaiba.
?His hair. Hindi ito silver na kumikinang gaya ng kay Vincenzo at Cayena.
Pure white ang kaniyang buhok, isang puting walang bahid ng pilak, at alam kong doon nagmana ang Cardinal Prince na si Lutheron.
It's a physical mark of the divide in their family.
Habang dala nina Vincenzo at Cayena ang kulay ng kanilang ina, si Lutheron naman ang naging repleksyon ng Emperor.
Bahagyang lumapit sa akin si Cayena, ang kaniyang silver na buhok ay kumikinang sa ilalim ng mga chandelier. Pasimple akong tumingin kay Caspian na seryosong nakatingin lang kay Cayena.
Muli akong tumingin kay Cayena.
I truly am blind.
Even Cayena carried the unmistakable image of an Erenhal.
She looked like a gentler, softer version of Cassandra.
?"I'm glad you are well right now, Lady Rassia. I already sent my gifts to you. I hope they are to your liking, as I personally chose them to match your... alluring aura."
Tipid siyang ngumiti at tumabi sa akin bago sumulyap nang mabilis sa kaniyang ama, ang Emperor, at muling ibinalik ang tingin sa akin.
Lumapit siya sa akin at bumulong sapat upang kami lang ang makarinig.
"As per my older brother, he told me he is late. Don't worry, he wouldn't miss this. He's just making sure his entrance is as grand as yours."
Napansin ko ang bahagyang paghigpit ng hawak ni Cayena sa aking braso, tila isang tahimik na babala o suporta habang binabanggit niya si Vincenzo. Hindi ko napigilang makaramdam ng init sa aking mga pisngi.
I'm glad. Nang marinig iyon ay tila gumaan ang aking puso. I thought even he would not be able to attend my birthday...
?Sa gitna ng aking pagkailang, nalipat ang aking atensyon sa presensya ni Lutheron na nakatayo malapit sa kaniyang mga magulang. He's wearing a prince attire right now, isang marangyang kasuotan na lalong nagpatingkad sa kaniyang awtoridad.
?"I think we disturbed the lady's grand dance," ani Lurtheron. "I think we should continue it. Lady Rassia, can I have this dance?"
Inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan.
Did he just... ask me to dance?
Fine. If you want a show, Lurtheron, I'll give you one. But don't think for a second that this dance means I'm under your thumb.
?Dahan-dahan kong ipinatong ang aking kamay sa kaniyang palad.
?"It would be a great honor, Prince Lurtheron, how could I possibly refuse a request from the Prince himself?"
?"My, my... you two look good together," wika ng empress na may matamis na ngiti sa labi.
Muling tumunog ang orkestra, ang musika ay mas pormal at mas mabagal, na tila sumasabay sa bawat kalkuladong hakbang namin ni Lurtheron.
?Inilapit ni Lurtheron ang kaniyang mukha sa akin, sapat na upang maramdaman ko ang kaniyang hininga at ang kaniyang boses.
?"You are indeed a beauty, Lady Rassia. Even that day, in the North, I saw you without makeup... you were still as beautiful."
Inayos ko nang bahagya ang pagkakahawak sa kaniyang kamay habang pilit na pinapanatili ang distansya.
?"Your Highness, you flatter me too much," sagot ko nang may banayad na tawa. "I didn't know the Cardinal Prince had such a poetic side. I thought you were only interested in the Holy Cathedral..."
?Ngumiti si Lurtheron, ngunit hindi ko napigilang kumunot ang noo nang mapansin ang maliit na sugat sa kaniyang pisngi.
?"What happened to your cheeks, Prince Lurtheron?"
Bahagya siyang natigilan, ang kaniyang mga mata ay nanatiling nakapako sa akin.
?"Oh, you noticed..."
?Lutheron smiled again.
?"It's just a small accident, Lady Rassia."
"A small accident indeed, Your Highness," tugon ko habang dahan-dahang sumasabay sa kaniyang mga yapak. "I hope the Cardinal Prince is more careful next time."
Bahagya akong inikot ni Lurtheron sa gitna ng sayaw bago marahang dumapo ang kaniyang kamay sa aking bewang, ginagabayan ako sa bawat hakbang. Lumapit si Lurtheron sa aking tenga at bumulong. ?
"Are you worried about me, Lady Rassia? perhaps the Great Goddess herself guided your eyes to my wound, so that you might show me such mercy."
Isang malamig na ngiti ang sumilay sa aking mga labi.
?"I merely prefer my surroundings and the people in them to be in their best possible state." wika ko sa isang tono na sapat lamang para sa aming dalawa. "Do not mistake my observation for affection, Your Highness. And certainly do not credit your Goddess for it..."
?"I am not one of the worshippers of the Great Goddess," I stated, "So, you can save your divine grace for someone who actually fears the heavens, Your Highness."
"Most would find that confession a sin, Lady Rassia. But coming from you... it sounds like a challenge." mukhang mas lalong natuwa ang prinsipe sa aking sinambit.
"I do not seek salvation at your altars. I have my own path."
I was not a devotee of the Great Goddess. I knew she was real, I knew she truly existed in this world, yet I had never once offered her prayers nor knelt in worship before her divine altar. Still, despite my lack of faith, I respected her as the highest of all beings.
Even in my previous life, I had been the same.
Perhaps that was why I could never fully understand blind devotion. I could acknowledge the existence of Gods or Goddesses without surrendering my entire being to one. To me, faith and morality were never the same thing.
I followed my own moral compass. I was not a good person because I was commanded to be, nor because I feared divine punishment awaiting me after death.
I chose to be good because it was my own will.
Because I understood the difference between cruelty and kindness without needing the heavens to threaten me with eternal torment.
If a person only did good out of fear of punishment, then was that truly goodness at all?
I did not need the Great Goddess watching over my shoulder to tell me what was right and what was wrong. My conscience alone was enough.
Lutheron let out a low, melodic laugh.
"Hah! You really are something else, Lady Rassia. Tama nga ang hinala ko, you're the type to bow to no one."
Kumunot ang noo ko nang tumagal ang kaniyang titig sa akin.
"But I'm starting to think I may be one... of yours."
Nang matapos kami sa pagsayaw, yumuko siya at lumuhod sa aking harapan sa gitna ng bulwagan. Kinuha niya ang aking kamay at marahang idinampi ang kaniyang mga labi sa aking palad
"Happy birthday, Lady Rassia."
In the novel, Rassia and Lurtheron never met, nor did they ever share a dance. It meant that many things had already changed since I awakened in this body.
Lurtheron...
He never danced with me in the novel.
I wonder why his eyes are sparkling while looking me...
Ngunit kailangan kong mag-ingat sa kaniya. Delikado ang aking kapangyarihan sa kaniyang presensya. Mabuti na lamang at may kakayahan akong itago ang aking mana pressure upang hindi niya ito maramdaman habang nagsasayaw kami.
Ang katahimikang bumalot sa bulwagan ay matalas at nakabibingi, bago ito mabilis na napalitan ng maugong na bulungan ng mga noble.
"Good heavens... did the Cardinal Prince truly kiss her hand?"
"Just who exactly is Lady Rassia to catch the interest of the Cardinal Prince?"
"The Cardinal Prince attended a banquet?"
"No... what is truly shocking is that he kissed her palm."
"His Highness has always despised noble gatherings."
"And yet he personally asked Lady Rassia for a dance..."
"Mukhang magiging usap-usapan ito sa buong imperyo."
Tumigil ang lahat sa pagbubulungan nang biglang humilera ang mga Quentin Knights sa magkabilang gilid ng entrance ng grand hall. Isa-isa nilang itinaas ang kanilang mga espada, tila ba may napakataas na presensyang paparating.
Sino kaya ang parating?
Ang awtoridad na dala ng kanilang kilos ay sapat na upang patahimikin maging ang pinakamalalakas na boses sa loob ng silid.
Hindi lamang ang mga noble ang napatigil, maging ang buong Imperial Family ay napalingon sa direksyong iyon, ang kanilang mga ekspresyon ay nabahiran ng pagtataka at seryosong pag-aabang.
Beside the Emperor, I noticed the faint smirk on my grandfather Galsarius' face as he watched the approaching figure.
"Announcing the arrival of His Excellency, the Duke of the West, Duke Cesare Fuegoleon Quentin!"
"His Excellency returns bearing the rare Silver Tiara for Lady Rassia Saint Quentin, a treasure claimed only after slaying the monstrous creature that guarded it!"