CHAPTER 49
Rassia
Love is the sweetest sin I would willingly commit with you. I would rather drown in endless lies beside you than live honestly in a world that keeps us apart.
The Grand Imperial Wedding of the Crown Prince and the Crown Princess has finally arrived. From this day onward, I am the Crown Princess.
Habang inaayusan ako ng mga maidservant, si Vincenzo lamang ang laman ng aking isipan. We'll figure this out, paulit-ulit kong bulong sa sarili ko.
Mahina akong napapikit habang pinipigilan ang bigat sa aking dibdib.
Hindi ko alam kung paano namin haharapin ang lahat ng ito.
Hindi ko alam kung hanggang kailan namin kayang itago ang katotohanan sa likod ng mga ngiti, mga kasinungalingan, at mga matang nagmamasid sa bawat galaw namin.
Ngunit sa kabila ng lahat... gusto lang naman naming maging masaya.
Hindi namin ginustong maging bawal ang pagmamahalang ito. Hindi namin hiniling na maging komplikado ang lahat. Ngunit sa mundong ito, tila kasalanan ang magmahal nang totoo.
Tahimik akong napangiti nang bahagya habang inaalala ang kaniyang tinig.
Basta't kasama ko si Vincenzo, kakayanin namin ito.
"Ang ganda mo, Lady Ras- ay mali, isa ka na palang Crown Princess!" masayang sigaw ni Elena habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Para po kayong diyosa..." mahina namang dagdag ng isa pang maidservant habang inaayos ang laylayan ng aking damit. "Sa totoo lang po, wala pa akong nakitang kasing ganda ninyo sa buong buhay ko."
"Nakakabighani po kayo, Crown Princess," sambit ng isa pa na halos hindi maitago ang pananabik sa kaniyang mga mata. "Siguradong mababaliw ang buong imperyo kapag nakita kayo ng mga maharlika."
Tahimik lamang akong napangiti habang pinakikinggan sila.
Here they are again, praising my beauty.
Mula pa noon, palagi ko nang naririnig ang parehong mga salita. Maganda. Perpekto. Kaakit-akit. Para bang iyon lamang ang nakikita nila sa akin.
Ngunit walang nakaaalam kung gaano kabigat ang koronang nakapatong ngayon sa aking ulo.
Walang nakaaalam sa mga takot na pilit kong ikinukubli sa likod ng aking mga ngiti.
At lalong walang nakaaalam kung gaano ko kagustong takbuhan ang lahat ng ito... kasama si Vincenzo.
My hair is long, perhaps it already reaches my knees. It was styled into an elegant half-bun, while the rest of my hair flowed freely down my back. The head maid carefully curled the ends, making it appear even more graceful and refined.
I am wearing a lace wedding gown with an off-shoulder design and a deep V-line cut, giving it a delicate yet luxurious elegance. Every detail of the dress seemed worthy of the Grand Imperial Wedding itself.
A long wedding veil rests upon my head as well, sheer and soft beneath the light, though it has not yet been lowered to cover my face.
I am also wearing the silver tiara my father gave to me.
"Announcing, The Archduke, Cesare Fuegoleon Quentin, Your Imperial Highness."
Napalingon ako sa kawal na nagsalita mula sa labas ng silid.
Hindi pa rin ako sanay sa ganoong uri ng pagtrato... sa ganoong titulo.
Your Imperial Highness.
Sa tuwing naririnig ko iyon, hindi ko maiwasang maalala na minsan ay isa lamang akong hamak na estudyante na bigla na lamang napadpad sa mundong ito.
Pagmulat ko ng aking mga mata rito, isa na akong anak ng isang duke na may dugong Quentin na dumadaloy sa aking katawan. Ang pamilya ng kontrabida sa istoryang minsan ko lamang nabasa.
Napakarami nang nagbago simula nang dumating ako rito.
Nagbago ang mga desisyon ko. Nagbago ang takbo ng mga pangyayari. Nagbago maging ang mga taong nasa paligid ko.
Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, may isang bagay pa ring nanatiling pareho.
Naging Crown Princess pa rin ako, si Rassia.
Ngunit ang kaibahan sa istoryang alam ko noon... minahal ko ngayon si Vincenzo.
Dahil sa orihinal na kwento, walang pagmamahalan sa pagitan naming dalawa. Ngunit ngayon, sa mundong ito na unti-unti nang lumilihis sa nakatakdang istorya...
Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako.
Nalaman ko na ngayon ang mga bagay na kailanman ay hindi nalaman ni Rassia noon. Kung mate ako ni Vincenzo, bakit wala siyang ginawa sa orihinal na kwento?
Baka sakali... baka sakaling nabago niya ang orihinal na Rassia.
Kung ganoon, sana ay hindi nag-iisa ang dating Rassia hanggang sa huli.
Walang kaalam-alam ang orihinal na Rassia na mate niya si Vincenzo, ngunit kahit ganoon... alam ko kung gaano kalakas ang koneksyon ng mga mate. Hindi iyon basta-bastang damdamin lamang na maaaring balewalain. Isa iyong uri ng ugnayang tila nakatadhana mismo ng mundo.
Kaya bakit walang pagmamahal sa pagitan nila noon?
Bakit tila malamig at malayo si Vincenzo sa kaniya sa orihinal na istorya?
At higit sa lahat...
Bakit si Caspian ang gusto ni Rassia?
Napahilot na lamang ako sa aking sintido habang pilit pinapatahimik ang magulong isip ko.
Hindi na mahalaga kung ano ang nangyari sa orihinal na istorya. Hindi na mahalaga kung bakit walang naging pagmamahalan noon sa pagitan nina Rassia at Vincenzo, o kung bakit ibang tao ang minahal niya noon.
Dahil ang mahalaga ngayon...
Mahal ko si Vincenzo.
Wala rin namang alaala si Vincenzo tungkol doon. Hindi niya alam ang orihinal na istorya. Hindi niya alam ang kapalarang minsang nakatakda para sa amin. Ang Vincenzo na kilala ko ngayon ay hindi ang lalaking nasa mga pahina ng nobelang minsan kong nabasa.
"Your Highness, ayos ka lang ba? May nararamdaman ka ba? Nako! Allysa! Kumuha ka ng gamot, ngayon din!" tarantang sigaw ni Elena habang nagpa-panic sa gilid ko.
Napatawa na lamang ako nang mahina dahil sa kaniya.
"It's alright, Elena," natatawa kong sambit habang marahang iniiling ang ulo ko. "Ang oa mo naman masyado..."
"Ano ang ibig sabihin ng oa-"
Agad namang napatigil ang ibang maidservants nang may isang bahagyang tumikhim mula sa may pintuan.
"Y-Your Highness," kinakabahang tawag ng isa sa kanila, "naghihintay po ang inyong ama sa labas..."
Nanlaki ang aking mga mata. Muli akong napatingin sa salamin, tila saka lamang bumalik sa realidad matapos mawala sa sarili kong mga iniisip.
"Oh..." mahina kong bulong habang inaayos ang aking sarili. "Sorry. Masyado lang akong maraming iniisip."
Mangingiyak-ngiyak na napatingin sa akin si Elena habang pinupunasan ang gilid ng kaniyang mga mata.
"Awe... ganyan talaga kapag ikakasal na!" emosyonal niyang sambit.
Napalingon kami sa likod nang marinig ang marahang pagtikhim ng aking ama mula sa may pintuan. Agad na tumahimik ang mga maidservant habang bahagyang yumuyuko bilang paggalang sa kaniya.
Napangiti ako nang makita ko siya.
My father looked incredibly handsome.
Suot niya ang marangyang pormal na kasuotan ng isang Archduke, na lalo lamang nagbigay-diin sa kaniyang matikas at makapangyarihang presensya.
Ang puti at gintong kulay ng kaniyang kasuotan ay lalong nagbigay ng karangyaan sa kaniyang anyo, habang ang gintong brooch na nakapin sa kaniyang dibdib ay marahang kumikislap.
Behind his silver glasses, his golden eyes sparkled softly as he looked at me.
"Father, I wonder... malabo na ba ang mga mata mo?" biro kong sambit habang pinagmamasdan ang suot niyang salamin.
Tumikhim muli ang aking ama, tila pilit pinipigilan ang reaksyon sa sinabi ko, bago marahang ibinaling ang kaniyang tingin sa mga maidservant na nasa loob ng silid.
"You may go," kalmado ngunit awtoridad niyang utos. "I wish to speak to the Crown Princess."
Agad namang yumuko ang mga maidservant. "Understood, Your Excellency."
Isa-isang nagsilabasan ang mga ito sa silid, bagama't hindi pa rin maitago ni Elena ang kaniyang makahulugang ngiti bago tuluyang isara ang pintuan.
Bumaling sa akin ang aking ama bago marahang nagbuntong hininga. Pasimple niyang inayos ang suot niyang salamin, dahilan upang mapatawa na lamang ako nang mahina.
His mannerisms never really changed.
"Your mother..." mahina niyang panimula. "She used to say that I looked handsome with glasses."
Napatingin siya sa may bintana, at sa unang pagkakataon ay nakita kong bahagyang kumislap ang kaniyang mga mata, tila ba may alaala siyang muling binabalikan.
"In our youth, when we were attending the academy to become swordmasters, there was one day when I wore glasses just to read a book..." Mahina siyang natawa. "Your mother sat beside me and nonchalantly told me that I looked handsome wearing them."
Hindi ko namalayang napangiti na rin pala ako habang pinakikinggan siya.
"Oh," mahina kong tugon habang pinipigilan ang tawa, "so that's why you suddenly started wearing glasses every day, huh?"
Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng aking ama.
"Yes," mahinahon niyang sagot. "My eyesight is completely normal... but whenever I wear this, it feels as though your mother is still with me."
Muli siyang tumingin sa akin, this time with a soft smile resting upon his lips.
"You look beautiful today, Rassia," mahina niyang sambit habang pinagmamasdan ako. "Just like your mother."
Bahagya siyang natahimik, tila ba muling bumabalik sa kaniya ang isang alaala na matagal na niyang iniingatan.
"You look exactly like her on our wedding day."
"Thank you, Father," mahina kong sambit habang nakangiti ko siyang tinitingnan. "Thank you for giving your blessing to Vincenzo and me."
Bahagya akong napahilig habang pinagmasdan ko ang reaksiyon niya.
"Though... I still wonder why you suddenly agreed to our marriage." napatawa ako nang mahina. "Parang kailan lang, halos araw-araw kayong nag-i-spar ni Vincenzo..."
Tumaas ang isang kilay ko bago ko siya tinuksong tingnan.
"Did he defeat you?"
"Tss... there's no way he can defeat me when it comes to swordsmanship."
Bahagya niyang inayos muli ang kaniyang salamin bago tumikhim.
"Let's just say... he managed to match my speed during the last day we sparred."
Mukhang ginamit na ni Vincenzo ang kaniyang kakaibang bilis mula sa dugong bampirang nananalaytay sa kaniya upang makasabay sa aking ama.
Ngunit tila wala pa ring kaalam-alam ang aking ama tungkol sa tunay na dugong taglay ni Vincenzo.
Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang lahat?
"You're a big girl now, Rassia."
"When you were little, you always followed me around while carrying your teddy bear," mahina niyang sambit na may bahagyang ngiti sa labi. "And every single day, you kept asking me to give you that silver tiara."
Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinakikinggan siya. Now, I am wearing that silver tiara.
"You used to cry whenever I refused," dagdag pa niya habang mahina siyang natatawa.
"But now..." unti-unti siyang natahimik habang nakatingin sa akin. "You're no longer that little girl."
Dahan-dahan siyang lumapit bago marahang inayos ang isang hibla ng buhok ko na nakalaylay sa aking balikat.
"Today, you'll walk toward a new life of your own," mahinahon niyang sambit. Kumislap nang bahagya ang kaniyang gintong mga mata sa likod ng pilak niyang salamin. "And as your father... all I can wish for is your happiness."
Mahina akong napalunok habang pilit pinipigilan ang paninikip ng aking dibdib.
"If that man ever makes you cry," dagdag niya habang bahagyang sumisingkit ang kaniyang mga mata, "Tell me immediately. I don't care if he's the Crown Prince of this empire."
Bahagya siyang ngumisi.
"I'll break his legs."
Napatawa na lamang ako habang napapailing.
"Father..."
I'm glad that my father and I were able to fix the problems between us. I'm glad that, in this lifetime, he became my father.
"Your Highness, Your Excellency, it is time for the Grand Imperial Wedding at the capital. The carriage is ready," ani ng Head Butler.
The Grand Imperial Wedding
The wedding was held at the Imperial Palace. Outside the palace gates, countless commoners gathered in celebration, eagerly waiting for the arrival of Rassia's carriage.
Sa bawat sulok ng kabisera, nagsisigawan at nagdiriwang ang mga commoners habang sabay-sabay nilang inihahagis ang mga pulang talulot ng rosas sa daraanan ng karwahe ng Crown Princess.
Ang malalawak na lansangan ng imperyo ay napuno ng kulay pula at ginto, habang ang tunog ng kampana at masayang hiyawan ng mga tao ay umaalingawngaw sa buong paligid.
Mula sa mga balkonahe hanggang sa gilid ng mga kalsada, walang ibang laman ang mga mata ng mamamayan kundi pananabik na masilayan ang magiging Crown Princess ng imperyo.
"Look! The Crown Princess' carriage is here!"
"Throw more petals!"
"Mabuhay ang Crown Princess Rassia Saint Quentin-Vacardi!"
Mula sa loob ng karwahe, nakangiting pinagmamasdan ni Rassia ang mga mamamayang masayang sumasalubong sa kaniyang pagdating.
Ang walang tigil na hiyawan, mga ngiti, at pulang talulot na inihahagis ng mga tao ay tila unti-unting nagpapagaan sa bigat na matagal niyang dinadala sa kaniyang dibdib.
Hindi ko inaasahang mamahalin ako ng mga mamamayan nang ganito...
Bahagya siyang napabuntong hininga habang nakatingin sa mga taong masayang kumakaway sa kaniya.
After all... I used to have such a terrible reputation.
Samantala, sa loob ng Imperial Palace, naroon na ang lahat ng pinakamahahalagang panauhin ng kontinente.
Ang malalaking bulwagan ng palasyo ay napuno ng mga maharlika mula sa iba't ibang bahagi ng Vermeleyon.
Ang mga pinuno ng pinakadakilang high noble houses ng kontinente ay isa-isang dumalo upang saksihan ang Grand Imperial Wedding ng Crown Prince at ng magiging Crown Princess ng imperyo.
Maging ang Holy Cathedral ay hindi nagpahuli sa pagdalo.
Naroon ang Pope kasama ang pitong High Cardinals, nakasuot ng kanilang marangya at banal na kasuotan habang seryoso nilang pinagmamasdan ang engrandeng seremonyang magaganap.
The Emperor, the Empress, and the Imperial Princess were already seated in their respective seats, quietly observing the grand gathering inside the Imperial Palace.
Samantala, si Cardinal Prince Lurtheron, na siyang magsisilbing pari sa kasal nina Rassia at Vincenzo, ay tahimik lamang na nakatayo sa gitna ng engrandeng bulwagan habang hinihintay ang pagsisimula ng seremonya at ang pagdating nina Vincenzo at Rassia.
Tahimik na nagtagpo ang mga mata nina Lurtheron at Empress Megan mula sa magkabilang panig ng bulwagan. Walang salita ang namutawi sa kanilang mga labi, ngunit tila may mabigat na kahulugang nakatago sa simpleng pagtitingin na iyon.
May simpleng ngiti sa labi ng Emperor habang tahimik siyang naghihintay sa pagsisimula ng seremonya.
"I can't believe my older son is getting married now," mahinahon niyang sambit habang pinagmamasdan ang engrandeng bulwagan. "Hmm... should I step down from my throne already?"
Biro ng Emperor Luthor dahilan upang matahimik sandali ang ilang maharlikang nakarinig sa kaniya.
Pasimple namang kumunot ang noo ng Empress, bagama't nanatiling kalmado at elegante ang kaniyang ekspresyon.
"Your Majesty," malamig ngunit mahinahon niyang tugon, "please refrain from saying such unnecessary things during your son's wedding day."
Umiling si Cayena habang may bahagyang mapanuksong ngiti sa kaniyang mga labi.
"My, my, it seems the Empress is not exactly pleased about today's wedding," sarkastiko niyang sambit habang pasimpleng sinusulyapan si Empress Megan. "I almost thought this was supposed to be a joyous occasion."
Bahagyang tumalim ang tingin ng Empress sa kaniya, bagama't nanatiling elegante at kalmado ang kaniyang postura.
Bahagyang natawa ang Emperor Luthor mula sa kaniyang kinauupuan habang nakasandal nang komportable sa kaniyang kinauupuan.
"Oh?" mapaglaro niyang singit habang nakatingin sa Empress. "Now that my daughter mentioned it... you do look rather tense today, Megan."
Agad namang napatingin sa kaniya ang Empress.
"Your Majesty," malamig ngunit kontrolado niyang tugon, "I am merely maintaining proper decorum expected of an Empress."
"Ah, so that's what it is?" dagdag pa ni Cayena habang kunwa'y naiintindihan. "For a second there, I thought you simply disliked the bride."
Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Megan.
"Enough, Princess," nakangiti niyang sambit. "Do not speak so carelessly during an imperial ceremony."
"You two should stop bickering," ani Luthor. "Today is Vincenzo's wedding day."
Nanatili lamang ang makahulugang ngiti sa labi ni Cayena habang muling ibinabalik ang kaniyang tingin sa gitna ng bulwagan.
I heard rumors that, during their youth, Megan was quite obsessed with the Archduke. At this point... huwag mo naman masyadong ipahalata, Megan.
Nakuha ng tingin ni Cayena ang tingin ni Caspian na kanina pa pala nakatitig sa kaniya mula sa kabilang bahagi ng bulwagan.
Bahagya niyang tinaasan ng kilay si Caspian, tila tahimik na tinatanong kung ano ang problema nito.
Agad namang umiwas ng tingin si Caspian nang mahuli, dahilan upang bahagyang mapangisi si Cayena.
Hmm... so that boy is Rassia's ex. He looks like a womanizer.
Napatayo ang lahat ng naroroon sa loob ng engrandeng bulwagan nang marinig ang malakas na boses ng herald.
"Announcing the Crown Prince of the Grand Empire of Erenhal Sartorias and the Seven Kingdoms, The Blood Dragon, The Undefeated Blade, The Protector of the Realm... Vincenzo Amadeus Vacardi!"
Kasabay ng pagbukas ng malalaking pintuan ng bulwagan ay agad bumuhos ang liwanag mula sa labas.
"Greetings to His Imperial Highness, the Crown Prince!"
"Long live the Blood Dragon of the Empire!"
"We greet the Protector of the Realm!"
"May glory follow the future Emperor of Erenhal Sartorias!"
"The pride of the Seven Kingdoms!"
The voices of the nobles echoed throughout the grand hall as one after another, they bowed their heads respectfully toward Vincenzo.
Even the high-ranking nobles and foreign dignitaries could not hide the reverence in their eyes while facing the Crown Prince feared across the continent.
The Crown Prince was wearing a pristine white doublet adorned with intricate golden details, perfectly emphasizing his noble and commanding presence. A ruby brooch rested elegantly upon his chest.
Flowing behind him was a deep ruby-red cape, trailing gracefully along the marble floor as he walked through the grand hall of the Imperial Palace.
He walked gracefully through the grand hall, carrying the natural elegance expected of the Crown Prince of the Empire.
Ang kaniyang presensya at nakakabighaning kakisigan ay agad nagpamula sa mukha ng mga noble ladies na naroroon. Marami sa kanila ang hindi maitago ang paghanga habang lihim na sinusundan ng kanilang mga mata ang bawat galaw niya.
After all, this was Vincenzo Amadeus Vacardi, the man admired, feared, and desired across the entire continent of Vermeleyon.
Nang makarating si Vincenzo sa harapan, bahagya siyang nginitian ni Lurtheron bilang pagbati. Tahimik lamang na tumango si Vincenzo bilang tugon, nananatiling kalmado at marangal ang ekspresyon ng kaniyang mukha sa paningin ng mga taong naroroon.
Ngunit sa likod ng mahinahon niyang anyo, bahagyang kumibot ang gilid ng kaniyang mata habang nakatingin kay Lurtheron.
Of all people, why does it have to be this fuckass? Out of every cardinal in the Holy Cathedral, they really chose the one person I can barely tolerate.
If this were any other day, I would've already dragged him outside the palace.
Sa gitna ng marangyang pagtitipon, kapansin-pansin pa rin ang malamig at maringal na presensya ng pamilya Quentin. Tahimik lamang na nakatayo ang mga Quentin sa gilid ng engrandeng bulwagan habang hinihintay ang pagdating ni Rassia.
Tahimik na tinanguan nina Galsarius at Russel ang Crown Prince bilang pagbati nang mapadaan ang tingin nito sa kanila.
Bahagyang ngumiti si Vincenzo bilang tugon.
Ngunit nang magtagpo ang kanilang mga mata ni Russel, agad na umiwas ng tingin ang bata habang bahagyang namumula ang kaniyang mukha.
I can't believe he really became my brother-in-law...
Natahimik ang buong bulwagan nang muling bumukas ang engrandeng pintuan ng Imperial Palace.
Kasabay niyon ay tila huminto rin ang oras sa loob ng seremonyal na bulwagan nang magsimulang tumugtog ang maringal na orchestral na umalingawngaw sa buong palasyo.
Beside her was the Archduke himself, silently and proudly escorting his daughter toward the center of the hall.
With every step they took, the atmosphere inside the palace grew even heavier, as if no one dared to breathe too loudly in the presence of such beauty and elegance.
The long train of Rassia's wedding gown gracefully trailed across the floor, while the silver and golden details embroidered into her dress shimmered beneath the crystal chandeliers above. The delicate wedding veil resting upon her head only made her appear even more ethereal.
And as she walked through the grand hall of the Imperial Palace, It felt as though a goddess herself had descended upon the Empire.
Tahimik na nakangiti si Rassia habang pinagmamasdan si Vincenzo na tila natulala sa kaniya.
Sa ilang sandali, mistulang nawalan ng kakayahang magsalita ang Crown Prince habang hindi maalis ang kaniyang tingin sa magiging asawa.
My wife's beauty was beyond my wildest dreams. For a brief moment, the noise of the grand hall disappeared.
All I could see was her.
The woman who had unknowingly become the center of my world.
How could someone this beautiful truly belong to me?
Samantala, ang lahat ng maharlikang naroroon sa loob ng engrandeng bulwagan ay tila napanganga sa kagandahan ng Crown Princess.
Ang ilang noble ladies ay napatakip pa ng bibig sa labis na paghanga, habang maging ang mga matataas na maharlika ay hindi maitago ang pagkabigla sa kanilang mga mukha.
Diyos ko... ganiyan pala kaganda ang anak ng Archduke...
So this is the woman who will become the future Empress of the Empire...
Archduke Quentin's daughter really inherited everything from her parents...
Si Cassius Rogaris Laurent, ang ama ni Caspian, ay tila natulala habang pinagmamasdan si Rassia na dahan-dahang naglalakad sa gitna ng bulwagan.
Sa unang tingin pa lamang, hindi niya mapigilang maalala ang mukha ng babaeng minsan niyang naging lihim na hinangaan noong kaniyang kabataan.
The resemblance was uncanny. She really looked like Nadea. The only difference between them was their hair.
Unlike Nadea's soft beautiful blonde hair, her daughter carried the distinct beauty of the Quentin bloodline through her long red hair.
She has grown into a fine woman... just like her mother.
Nang makarating sina Rassia at ang Archduke sa harapan ng bulwagan, marahang huminto si Cesare bago ibinaling ang kaniyang tingin kay Vincenzo.
Tahimik siyang tumango rito, bakas sa kaniyang mukha ang bigat ng isang amang ipagkakatiwala ang pinakamamahal niyang anak sa ibang lalaki.
"I'll entrust her to you, Your Imperial Highness."
Nang makaalis ang Archduke, agad na marahang kumapit si Rassia sa braso ni Vincenzo bago sila magkasabay na humarap kay Lurtheron sa gitna ng engrandeng bulwagan.
Bahagyang yumuko si Vincenzo palapit sa kaniya, sapat lamang upang sila lang dalawa ang makakarinig.
"You look beautiful, my wife," mahina at paos niyang bulong habang hindi maalis ang tingin sa kaniya. "At this point... I don't think I'll survive waiting until tonight."
Agad na namula si Rassia sa likod ng kaniyang wedding veil habang mabilis niyang sinulyapan si Vincenzo.
"Stop, Vincenzo," mahina ngunit nahihiyang saad niya habang pilit pinananatiling kalmado ang kaniyang ekspresyon sa harap ng lahat.
"We're literally standing in front of the entire empire right now," dagdag pa niya habang bahagyang sumisingkit ang kaniyang mga mata sa hiya. "And the cardinal prince is right in front of us."
"Behave yourself, Your Imperial Highness."
Marahang tumikhim si Lurtheron bago ngumiti sa dalawa habang nakatayo sa gitna ng engrandeng bulwagan.
"Today, we gather beneath the eyes of the Holy Cathedral, the Imperial Family, and the people of the Empire to witness the sacred union of two souls."
Bahagya niyang ibinaba ang tingin kina Vincenzo at Rassia.
"One is the Crown Prince of the Grand Empire of Erenhal Sartorias, Vincenzo Amadeus Vacardi. The Blood Dragon, the Protector of the Realm, and the heir to the Imperial Throne."
"And beside him stands Lady Rassia Saint Quentin, daughter of our honorable Archduke of the Empire who shall from this day onward become the Crown Princess of the Empire."
"Then..."
A soft smile appeared upon his lips.
"Let us now begin the Grand Imperial Wedding."