CHAPTER 50
In the Capital
"In the name of the Great Goddess, the Gods who stand beside her, and the Eternal Light that binds the stars..."
Marahang itinaas ni Lurtheron ang kaniyang kamay habang umalingawngaw ang kaniyang tinig sa buong engrandeng bulwagan ng Imperial Palace.
"Today, beneath the eyes of the heavens and before the people of this Empire, we gather to witness a sacred union destined by fate itself."
Bahagya siyang tumingin kina Vincenzo at Rassia na magkatabing nakatayo sa harapan niya.
"One is the heir to the Imperial Throne, the Blood Dragon of Erenhal Sartorias, the undefeated blade who carries the weight of the Empire upon his shoulders."
"And beside him stands the woman chosen not only by destiny... but by his very soul."
Bahagyang ngumiti si Lurtheron habang marahang pinagsalikop ang kaniyang mga kamay.
"May the stars remember this day. May the heavens bless this union. And may the bond formed within this sacred hall remain unbroken until the end of time itself..."
Bahagyang napatitig si Lurtheron kay Rassia habang nakatayo ito sa harapan niya.
Sa ilalim ng manipis na wedding veil, lalo lamang naging kapansin-pansin ang nakakabighani nitong kagandahan dahilan upang bahagya siyang mapalunok nang hindi namamalayan.
Mula sa kaniyang mga mata ay marahang bumaba ang tingin niya patungo sa mga labi ni Rassia bago siya agad bahagyang napasingkit, tila pilit ibinabalik ang sarili sa tamang pag-iisip.
...Of all men, why did it have to be my brother, Rassia?
Nang dalhin sa harapan nila ang wedding rings na nakapatong sa isang marangyang pilak na tray, tahimik lamang na nagngitian sina Rassia at Vincenzo.
Sa gitna ng engrandeng bulwagan at sa harap ng mga noble, tila silang dalawa lamang ang naroroon sa sandaling iyon. Bakas sa kanilang mga mata ang wagas at malalim na pagmamahal para sa isa't isa.
Ang kaninang ngiti sa labi ni Lurtheron ay unti-unting nawala at napalitan ng isang blanko at malamig na ekspresyon habang nananatili pa rin ang kaniyang tingin kay Rassia.
Tahimik lamang siyang nakatayo sa gitna ng seremonya, ngunit sa likod ng kaniyang kalmadong anyo ay tila may emosyon na pilit niyang ikinukubli.
Bahagyang umigting ang kaniyang panga.
"Crown Prince Vincenzo Amadeus Vacardi, do you take Rassia Saint Quentin to be your lawfully wedded wife?"
"To stand beside her beneath the eyes of the heavens... to protect her through prosperity and ruin, through war and peace, through every lifetime the gods may grant you?"
"To love her faithfully until your final breath?" ani Lurtheron.
"I do." walang pag aalinlangang sagot ni Vincenzo.
Muling bumaling ang tingin ni Lurtheron kay Rassia.
"Lady Rassia Saint Quentin, do you take Crown Prince Vincenzo Amadeus Vacardi to be your lawfully wedded... husband?"
"To stand beside him beneath the eyes of the heavens... to remain with him through prosperity and ruin, through sorrow and happiness, through every trial destiny may place before you?"
"To... love him faithfully until your final breath?"
Ngumiti si Rassia bago marahang bumaling kay Vincenzo, ang kaniyang mga mata ay puno ng lambing habang pinagmamasdan ang lalaking pinakamamahal niya.
Muli siyang bumaling kay Lurtheron, nananatili ang marahang ngiti sa kaniyang mga labi.
"I do."
Lurtheron's eye twitched slightly as he stared at Rassia.
I guess that smile... belongs only to him.
"Then, before the eyes of the heavens, let the sacred vows be sealed."
Kinuha ni Vincenzo ang isa sa mga wedding ring mula sa pilak na tray habang hindi inaalis ang tingin kay Rassia. Marahan niyang hinawakan ang kaliwang kamay nito, tila ba napakahalaga at napakabanal ng bawat galaw niya sa sandaling iyon.
"To the love of my life, Rassia..." saad ni Vincenzo habang marahan niyang isinusuot ang wedding ring sa daliri nito.
"I vow to stand beside you in every lifetime the gods may grant me. To protect you, cherish you, and love you even in the moments when the world itself turns against us."
Bahagya siyang ngumiti habang hindi inaalis ang tingin kay Rassia.
"And if fate dares to separate us, I would still find my way back to you... All I ask of you, Rassia... is to outlive me. Because if there is one thing far more terrifying than death itself... It is waking up in a world where you no longer exist beside me."
Pumatak ang luha ni Rassia nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Vincenzo.
Bahagya siyang napatawa sa gitna ng kaniyang pag-iyak habang marahan niyang hinigpitan ang hawak sa kamay nito.
Vincenzo is indeed a vampire. But in this world, a vampire's immortality only activates when they are brought to the brink of death. Hindi tulad ng mga bampira sa mga kuwento ng mga ordinaryong tao sa dati kong buhay na immortal agad ang mga bampira.
Nabanggit din ito ng mga Erenhal noon.
Posibleng mauna pa sa akin si Vincenzo... At hindi ko yata kakayanin iyon.
"When I look at you, I see my future... and the greatest love I will ever know. You are my heart, my strength, and my peace... Today, I stand before you not as the Crown Prince of this Empire... but as the man who loves you more than anything in this world."
"And with all that I am, I promise you one thing..."
Hindi na napigilan ni Rassia ang sunod-sunod na pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata habang pinakikinggan ang bawat salitang binibitawan ni Vincenzo.
"To love you endlessly for the rest of my life... and in every lifetime after this one."
Bahagyang ngumiti si Vincenzo habang marahan niyang hinaplos ang kamay ni Rassia.
"I am yours, Rassia."
"I have always been yours."
Nang matapos magsalita si Vincenzo, matamis na ngumiti si Rassia rito kahit patuloy pa rin ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
Namumula ang kaniyang mukha habang dahan-dahan siyang napatingin sa mga maharlikang naroroon bago napabaling ang tingin niya sa pamilya Quentin na nakatingin sa kaniya.
"Wait... this is embarrassing..." nahihiya ngunit natatawang biro ni Rassia habang mabilis niyang pinupunasan ang kaniyang mga luha.
Kasabay niyon ay mahina at masayang tawanan ang umalingawngaw sa buong bulwagan, dahilan upang mas lalong gumaan ang tensyon ng engrandeng seremonya.
"Vincenzo... I love you with all of my hypothalamus," mahina ngunit seryosong sambit ni Rassia habang nakatingin diretso sa mga mata nito.
Bahagyang natigilan ang ilang maharlika sa loob ng bulwagan dahil sa kakaibang salitang kaniyang ginamit.
Ngunit nagpatuloy lamang si Rassia habang marahan niyang pinupunasan ang kaniyang mga luha.
"Because people always say love comes from the heart but the hypothalamus controls emotions, attachment, and the feelings that make people long for someone."
"And I think..." napatawa siya nang mahina sa sariling hiya, "that explains how much I love you better than simply saying it comes from my heart."
Marahang hinigpitan ni Rassia ang hawak sa kamay ni Vincenzo.
"You are the person my soul longs for the most."
"So whether it is my heart, my mind, or every part of my existence..."
"I love all of you, Vincenzo."
Napalunok si Cesare at bahagyang nag-iwas ng tingin nang marinig ang mga salitang binitiwan ng kaniyang anak.
"Mahal kita sa paraang hindi na kailangan ng pagpapasya..." bahagyang napangiti si Rassia sa gitna ng kaniyang mga luha.
"Sadya bang ganito kapag nagmamahal? na kahit anong pilit mong umiwas... kahit ilang beses mong sabihing mali, delikado, o imposible... Hinding-hindi mo pa rin ito matatakasan."
Namumungay ang mga mata ni Vincenzo habang tahimik niyang pinagmamasdan ang kaniyang kabiyak.
"May mga damdaming hindi naghahanap ng resolusyon..."
"...Umiiral lang sila." Rassia smiled.
At sa paraan ng kaniyang pagtingin dito, tila ba sapat na ang presensya ni Rassia upang patahimikin ang lahat ng gulo sa loob niya.
Samantala, tahimik lamang na nakatitig si Lurtheron kay Rassia mula sa gitna ng seremonya. Ngunit sa likod ng kaniyang kalmadong ekspresyon...
May kung anong emosyon na pilit niyang nilulunod sa katahimikan.
"The moment we kissed on the Sea of Luminara, I knew... you were the one my heart would choose in every lifetime. No crown, war, or fate could ever make me love you less. Before the heavens and the endless tides of Luminara."
Mas lalo pang lumambot ang kaniyang titig habang nakatingin kay Vincenzo na tila ba siya lamang ang taong nasa loob ng bulwagang iyon.
"I vow to love every part of you, the gentle soul you try to hide, the scars you carry in silence, and even the darkness you believe makes you unworthy of being loved. Mahal na mahal kita, Vincenzo."
Nagpalakpakan ang mga maharlika sa loob ng engrandeng bulwagan matapos marinig ang kanilang mga sumpaan. Maging ang ilang miyembro ng Holy Cathedral ay hindi napigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang Crown Prince at Crown Princess na nakatayo sa harapan.
Si Cardinal Asphodel ay tahimik na ngumiti habang nakatingin kay Rassia. Sa ilalim ng kalmadong anyo nito ay tila may kakaibang paghanga na matagal nang nakatago sa kaniyang mga mata.
If I were not a Cardinal... I would have pursued you too, Lady Rassia.
Samantala, nanatiling blanko ang ekspresyon ni Athena habang tahimik na nakatingin kina Vincenzo at Rassia. Walang bakas ng saya o emosyon sa kaniyang mukha, ngunit nananatiling matalim ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang dalawa.
Napansin iyon ng Pope. Matalim nitong tinitigan ang sariling anak dahilan upang bahagyang matigilan si Athena bago mabilis na umiwas ng tingin at muling inayos ang kaniyang ekspresyon.
"The sacred vows are sealed beneath the eyes of the gods, from this day onward, your souls, your fates, and your lives shall walk as one." ani Lurtheron.
"You may now kiss the bride."
Nagngitian sina Vincenzo at Rassia habang magkatapat na nakatayo sa gitna ng engrandeng bulwagan.
Damn... I wanted to kiss her so badly.
Samantala, namumungay ang mga mata ni Rassia habang nakatingin sa kaniya ng punong-puno ng pagmamahal at lambing ang kaniyang titig.
I love this man so much.
Nang itinaas ni Vincenzo ang wedding veil ni rassia ay agad niya itong hinalikan.
Masayang tumugon si Rassia sa halik ng kaniyang asawa habang marahang pinagsalikop ang kaniyang dalawang kamay sa leeg nito.
Samantala, mahigpit ngunit maingat na nakayakap ang isang kamay ni Vincenzo sa bewang ni Rassia habang lalo niya itong inilalapit sa sarili.
Kasabay ng kanilang halik ay nagsitayuan ang mga maharlika sa loob ng engrandeng bulwagan habang malalakas na palakpakan ang umalingawngaw sa buong Imperial Palace.
Ang ilang noble ladies ay napangiti habang ang iba nama'y tila kinikilig sa nasasaksihang tagpo sa harapan nila.
Thus, beneath the eyes of the heavens and the grandeur of the Imperial Palace, Crown Prince Vincenzo Amadeus Vacardi and Crown Princess Rassia Saint Quentin were finally bound together as husband and wife.
"Long live the Crown Prince and Crown Princess!"
"Glory to the future rulers of the Empire!"
"May the heavens bless Crown Prince Vincenzo and Crown Princess Rassia!"
"Long live House Vacardi and House Quentin!"
Matapos ang engrandeng seremonya, agad namang nagsimulang magtipon-tipon at magdiwang ang mga maharlika sa loob ng bulwagan.
Umalingawngaw ang mahihinang tawanan, tunog ng wine glass, at mga pagbati para sa bagong kasal habang ang iba nama'y abala sa pag-uusap tungkol sa kasal ng Crown Prince at Crown Princess.
Gayunpaman, hindi pa maaaring matapos ang araw na iyon.
Sapagkat hinihintay pa ng lahat ang itinakdang oras ng kanilang pagpunta sa Holy Cathedral para sa Holy Prophecy Gathering.
Sa gitna ng engrandeng bulwagan, magkatabing nakaupo sina Vincenzo at Rassia habang tahimik na pinagmamasdan ang mga maharlikang nagdiriwang.
Punong-puno ng masayang tawanan, usapan, at biruan ang buong Imperial Palace habang ang mga noble ay abala sa pag-inom at pakikipagbati sa isa't isa.
Paminsan-minsan ay mahina ring nagtatawanan sina Vincenzo at Rassia habang nagbubulungan, tila ba hindi pa rin makapaniwalang opisyal na silang mag-asawa.
Ngunit sa gitna ng masayang selebrasyon, nahuli ng tingin ni Rassia ang simpleng pagtinginan nina Caspian at Cayena mula sa kabilang bahagi ng bulwagan.
At nang mabilis na umiwas ng tingin si Caspian habang tinaasan lamang siya ng kilay ni Cayena...
Bahagyang napangiti si Rassia.
Oh my! Tila nagkakamabutihan na yata sila! jusko, Caspian... huwag ka lang sanang maging torpe. Puntahan mo na ang prinsesa!
Bahagyang napangiti si Rassia bago tuluyang tumayo mula sa kaniyang upuan.
Agad namang napatingala si Vincenzo sa kaniya habang bahagyang nakasimangot.
"Where are you going, baby? Iiwan mo ako rito..." malambing at halos pabebe nitong reklamo habang hinahawakan ang laylayan ng damit ni Rassia.
Napairap naman si Rassia habang pinipigilang matawa.
"Tss... I'm going to Caspian, Vincenzo." agad na siyang tumalikod at naglakad palapit kay Caspian.
Samantala, naiwan namang nakasimangot si Vincenzo sa kaniyang upuan habang pinagmamasdan ang papalayong asawa.
Ngumisi si Rassia habang tahimik na sumulpot sa likuran ni Caspian na abala pa ring palihim na sinusulyapan si Prinsesa Cayena mula sa kabilang bahagi ng bulwagan.
Halatang hindi nito namamalayan ang paglapit ni Rassia dahil nakatutok pa rin ang atensyon nito sa prinsesa.
"Baka matunaw ang prinsesa sa titig mo, Caspian," mapang-asar na bulong ni Rassia dahilan upang agad magulat si Caspian at mabilis na mapalingon sa kaniya.
"Hey, Rassia! Huwag ka namang nanggugulat!" reklamo nito habang bahagyang napalakas ang boses.
Namula naman si Caspian at mabilis na umiwas ng tingin, halatang nahuli sa ginagawa nito.
"I'm just looking at her!" depensa niya habang kunwaring kalmado. "Masyadong maarte ang mga galaw niya. Hindi ko siya tipo."
Umubo nang peke si Caspian habang pilit inaayos ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"She's just beautiful, but..." mabilis niyang sambit habang umiiwas ng tingin kay Cayena, "that doesn't mean anything."
Bahagyang napangisi si Rassia habang pinagmamasdan ang namumulang tainga nito.
Over sa titig, Caspian. Napaghahalataang inlove na inlove. Huwag ako, Caspian Roger Laurent.
"Mhmm," mapanuksong tugon niya. "Sure, Caspian."
"Teka! Maiba nga tayo!" biglang sambit ni Caspian habang halatang desperadong inililihis ang usapan. "Kakaiba ka rin, Rassia! Akala ko ba crush mo lang si Vincenzo? Bakit kinasal ka agad?!"
Napatawa naman si Rassia habang bahagyang napailing sa kaniya.
"Ewan ko, Caspian..." natatawang saad ni Rassia habang bahagyang napapailing. "Mahal ko na agad e,"
Sandaling natahimik si Caspian bago tuluyan siyang napatawa habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Rassia.
Agad namang nagbulung-bulungan ang ilang maharlika nang masaksihan nila ang masayang tawanan nina Rassia at Caspian mula sa gitna ng bulwagan.
"Oh my... weren't they ex-lovers before?"
"I remember when the Crown Princess poured hot tea on a noble lady because she was trying to get Lord Caspian's attention!"
"Grabe raw magselos noon si Crown Princess Rassia," mahinang bulong ng isa habang natatawa. "Kaya wala talaga akong balak magpapansin sa Crown Prince."
"Lagi silang magkadikit noong kabataan nila, at palagi ring nakahawak si Crown Princess Rassia sa braso ni Lord Caspian noon..."
"I honestly thought sila talaga ang magkakatuluyan."
"The Crown Princess used to be so obsessed with Lord Caspian before... kaya medyo nakakapagtaka, ano?"
"Who would have thought na ang Crown Prince pala ang pakakasalan niya?"
"Pero to be fair..." bulong ng isa habang napasulyap kay Vincenzo, "the way His Imperial Highness looks at her is terrifyingly devoted..."
Tahimik na nakatingin si Vincenzo kay Rassia na masayang tumatawa habang kausap si Caspian mula sa kabilang bahagi ng bulwagan.
Bahagyang nakataas ang kaniyang kilay habang tahimik na pinagmamasdan ang dalawa, lalo na nang makita niyang halos mapahawak pa si Caspian sa bewang ni Rassia habang nagtatawanan sila.
Samantala, pasimpleng lumapit at tumabi si Vincenzo kay Cayena na tahimik ding nakatingin kina Caspian at Rassia.
Pareho silang nanatiling tahimik habang sabay na pinagmamasdan ang dalawa mula sa malayo.
At sa kakaibang pagkakataon...
Pareho rin silang may bahagyang iritadong ekspresyon sa mukha.
Bahagyang nagulat si Cayena nang mapansin ang presensya ng kaniyang kapatid sa tabi niya.
"Oh, brother. Nandito ka pala," mahinahon niyang sambit bago bahagyang ngumiti. "Congratulations on your wedding."
"Thank you, sister," kalmadong tugon ni Vincenzo habang nananatiling nakatingin kina Rassia at Caspian mula sa malayo.
Pagkaraan ng ilang sandali ay bahagya niyang ibinaling ang tingin kay Cayena.
"Kanina pa kita nakikitang pasimpleng sumusulyap sa anak ng Grand Duke Cassius," saad niya na tila casual lamang ang tono. "Do you perhaps... like him?"
Agad namang bahagyang natigilan si Cayena bago mabilis na umiwas ng tingin.
"What nonsense are you talking about?" malamig niyang sagot, kahit bahagyang namula ang dulo ng kaniyang tainga.
Bahagyang napangisi si Vincenzo.
"So you do like him."
Luminga-linga si Cayena sa paligid upang tiyaking walang makakarinig sa kaniyang susunod na sasabihin.
"Brother..." mahina niyang sambit bago bahagyang napangiwi sa sariling hiya. "I-fuck... I don't know how to describe it."
"But whenever I look at that guy... I feel this strange connection."
"Like..." bahagya siyang natigilan bago mabilis na umiwas ng tingin kay Caspian. "Like I want him?
But no! Ayoko."
Bahagya siyang napasimangot.
"Mukha siyang babaero."
Tumaas naman ang kilay ni Vincenzo habang tahimik na pinapakinggan ang kaniyang kapatid.
"Then he's your mate, Cayena," kalmado niyang saad habang muling ibinalik ang tingin kina Caspian at Rassia.
"We carry vampire blood."
"And every vampire is destined to have a mate."
Kumunot ang noo ni Cayena habang dahan-dahan siyang bumaling kay Vincenzo.
"Brother..." mahina niyang sambit. "When the Red Moon appeared recently... I was suddenly thirsty for blood."
"For the first time in my life, nangyari iyon sa akin."
Bahagya niyang hinawakan ang sariling labi, tila naaalala ang gabing iyon.
"My fangs appeared that night kahit hindi ko sila kusang inilabas..."
Nanatiling kalmado si Vincenzo habang tahimik na nakikinig sa kaniya.
"Then your mate bond has started, Cayena," mahinahon niyang sagot. "I was nineteen when I first experienced it myself."
Bahagyang natigilan si Cayena.
"That overwhelming thirst... heightened emotions... and the instinctive pull toward someone."
"That is the vampire bond awakening."
Ilang mga noble ang bahagyang napalingon sa magkapatid na prinsesa at prinsipe habang patuloy ang kasiyahan sa bulwagan. Hindi maikakaila ang kanilang pagkakahawig tila ba sila ay tunay na kambal.
Si Lurtheron ay tahimik lamang na nakaupo sa mesa ng mga Cardinal, maayos ang postura at walang bakas ng kaguluhan sa kaniyang mukha sa gitna ng masiglang bulwagan.
Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa malaking orasan sa dingding, sinusukat ang lumilipas na oras habang hinihintay ang susunod na yugto ng araw.
Pagkaraan ng ilang sandali, bahagya siyang napatingin sa kaniyang ina, ang Empress, na nakaupo sa dulo ng mataas na mesa.
May lumapit na isang tauhan at may ibinulong sa Empress.
Tahimik itong tumango bilang tugon, at dahan-dahang gumuhit ang isang ngisi sa kaniyang mga labi.
Blanko lamang ang ekspresyon ni Lurtheron habang marahang tumayo mula sa kaniyang upuan. Agad namang nagkatinginan ang mga Cardinal at tumingin sa malaking orasan, at isa-isa rin silang nagsitayuan.
Habang tahimik na naglalakad si Lurtheron sa gitna ng engrandeng bulwagan, may isang maharlikang babae ang umatras nang hindi napapansin ang direksyon niya, abala sa pagtawa habang may kausap, dahilan upang magkasalubong sila at bahagya siyang mabangga.
"Oh my! Lady Hera! The Cardinal Prince is behind you!"
Nabitiwan ni Lady Hera ang hawak niyang wine glass, na agad na bumagsak at nabasag sa marmol na sahig. Kumalat ang tunog ng basag na kristal, kasabay ng pagtilamsik ng ilang bubog na tumama sa kaniyang paa.
"Shit! I mean-I am deeply sorry, Prince Lurtheron!" mabilis na paghingi ng paumanhin ni Lady Hera habang halatang taranta at namumula, pinipilit na huwag pansinin ang hapdi ng sugat sa kaniyang paa.
Nanatiling tahimik si Lurtheron.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang tingin sa paa nitong natamaan ng bubog, bago muling iniangat ang kaniyang paningin sa kaniya.
Ikinagulat ng lahat nang lumuhod si Lurtheron sa harap ni Lady Hera.
Isang sandaling katahimikan ang bumalot sa buong bulwagan.
Mula sa kaniyang bulsa, marahan siyang naglabas ng isang maliit na bandage. Tahimik niyang inabot ang paa ni Lady Hera at maingat na hinawakan ang sugat nito, ilang sandali pa ay umilaw ang kaniyang kamay at biglang humilom ang sugat.
Pagkatapos ay maingat niyang inilapat ang bandage sa lugar na dati'y sugatan, tinitiyak ang kalinisan at ayos nito.
Lahat ng nakakita ay tuluyang napanganga sa inakto ni Lurtheron.
Maging ang mga Cardinal ay hindi nakapagsalita agad, tila hindi inaasahan ang makitang lumuhod ang isang Cardinal Prince.
Napaawang ang mga labi ni Lady Hera habang nakatitig kay Lurtheron, halatang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
Nanatili pa ring nakaluhod si Lurtheron, ang kaniyang tingin ay nakatuon sa sugat na ngayon ay maayos nang natakpan ng bandage.
Ilang sandali pa ang lumipas bago siya dahan-dahang tumingala, at sa unang pagkakataon ay nagtama ang kanilang mga mata.
Mahinahon siyang tumayo mula sa kaniyang pagluhod at inayos ang kaniyang damit.
"Thank you, Prince Lurtheron. Again, I apologize for my carelessness."
Nanatiling tahimik si Lurtheron sa loob ng ilang segundo.
"Next time, be careful. Lady Hera Castellan."
Lumingon si Lady Hera kay Lurtheron habang ito ay tahimik na muling naglakad sa gitna ng bulwagan, kasunod ang iba pang mga Cardinal.
Strange...
Nang makarating sila sa gitna, sabay na huminto ang Pope at ang Cardinal Prince at nag tanguan.
"It is time for the Holy Prophecy Gathering. We shall proceed to the Holy Cathedral to witness a prophecy. We pray that the Great Goddess may grant us a prophecy this year..." ani Pope Theodoro.
Nagkatinginan ang Empress at si Lurtheron, parehong may blankong ekspresyon.
Samantala, sa kabilang dulo ng bulwagan, kapansin-pansin ang unti-unting pagbigat ng atmospera para kay Rassia.
Rassia
"Rassia... iba ang kutob ko rito. Tila may masamang mangyayari. Huwag ka nang dumalo, Rassia."
Narinig ko ang boses ni Lucy Pearl, nanginginig at puno ng kaba. Ramdam ko ang bigat ng kaniyang pag-aalala kahit hindi ko siya nakikita sa gitna ng ingay ng bulwagan.
Dahan-dahan kong hinawakan ang kwintas na suot ko, ang tanging proteksyon ko laban sa posibleng paglabas ng aking demonic mana kapag may panganib.
"Don't worry, Lucy Pearl," mahina kong sagot, pilit na pinapakalma ang sarili ko. "I have this necklace."
Ngunit kahit sinabi ko iyon, alam ko sa sarili ko... hindi pa rin humuhupa ang bigat sa aking dibdib.
Maski ako ay hindi mapakali.
Parang may paparating na bagay na kahit anong proteksyon ko... ay hindi madaling matatakasan.
Napatingin ako kay Vincenzo, na abala pa ring nakikinig sa mga usapan sa paligid habang unti-unting lumalalim ang tensyon sa bulwagan.
Oh heavens... ngayon lamang ako magdarasal sa'yo, Dakilang Diyosa. Sana ay gabayan mo kami ni Vincenzo... at ilayo sa anumang kapahamakan na maaaring darating sa amin.