CHAPTER 51
Rassia
"For centuries, the Holy Stone has remained silent.
No divine prophecy has appeared upon it for generations, and no Pope alive today has witnessed the sacred letters with their own eyes.
Yet according to the ancient records, the Holy Stone only reveals its message during moments when the fate of the world is destined to change.
That is why we gather here today. To witness whether the Great Goddess shall finally speak to us once more.
And if the sacred letters appear upon the stone tonight…
then it would mean that heaven itself has begun to move once again. " ani Pope Theodoro.
Tahimik kong inikot ang tingin ko sa paligid at halos ngayon ko lamang napansin kung gaano karaming makapangyarihang tao ang naririto ngayon.
Naroon ang mga Grand Duke mula sa iba't ibang rehiyon ng imperyo. Ang hari mula sa Hilaga.
Mga duke, marquis, at iba pang matataas na maharlika na bihirang makita sa iisang lugar lamang.
Even the atmosphere felt different today.
Heavier. More suffocating.
"Since everyone is gathered here, from the commoners and nobles to the great noble houses, rulers of every region, and the blessed children of the Great Goddess, we shall now commence the sacred reading of the Holy Prophecy." saad ni Lurtheron.
Marahang itinaas nila ang kanilang mga kamay, at agad na nabalot ng nakakasilaw na puting liwanag ang buong altar.
The sacred glow illuminated the vast cathedral, reflecting against the marble floors and stained glass as the atmosphere slowly turned heavy with reverence and anticipation.
Narito kami ngayon ni Vincenzo, nakaupo sa special seats na nakalaan para sa amin bilang bagong kasal. Nasa gitna kami ng hanay ng mga maharlika.
Ang Imperial Family naman ay nakaupo malapit sa gilid ng altar, sa pinakataas na bahagi ng cathedral kung saan malinaw silang natatanaw ng lahat.
Tahimik akong napatingin sa direksyon ng aking pamilya na nasa kabilang hanay lamang. Saglit na nagtama ang mga mata namin ng aking ama at marahan ko lamang siyang tinanguan bilang pagbati.
Nasa gitna ng altar ang Pope, nakapikit habang nakataas ang kaniyang dalawang kamay na nababalot ng banal na puting liwanag.
Sa magkabilang gilid niya ay nakatayo ang pitong Cardinal, pawang nakasuot ng marangyang itim na banal na kasuotan habang seryosong nakayuko. Sa likuran naman ng mga Cardinal ay naroon ang mga Archbishops.
Ang mga High Priest naman ay nakapalibot sa buong cathedral habang hawak ang kani-kanilang banal na simbolo, dahilan upang magmukhang isang napakalaking banal na ritwal ang buong lugar.
Samantala, ang mga madre ay maayos na nakahilera sa gilid ng cathedral, nakayuko at tahimik na nagdarasal.
Marahang hinawakan ni Vincenzo ang kamay ko dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. Ngumiti ako nang mahina, ngunit nanatili lamang siyang seryoso habang nakatingin sa harapan na tila may malalim na iniisip.
His expression was unusually tense.
"Fuck it, Rassia! Iba ang kutob ko rito! Hindi ko alam kung bakit… pero parang ito rin ang naramdaman ko noong araw na namatay si Nadea…"
Rinig ko ang boses ni Lucy Pearl sa aking isipan, puno ng kaba at pagkabalisa. Simula nang tanggapin niya ako, unti-unti ko ring nararamdaman ang kaniyang emosyon at instincts. At ngayon, malinaw na malinaw ang takot na bumabalot sa kaniya.
Napapikit ako nang mariin bago marahang huminga.
"Relax, Lucy Pearl," mahina kong bulong sa isip ko. "Propesiya lang naman ang magaganap."
Biglang napatingin ang lahat sa altar nang magsimulang magsalita ang Pope gamit ang isang sinaunang lengguwaheng wala ni isa sa mga naroroon ang nakakaintindi.
The entire cathedral fell into complete silence.
"O Dauris Moneur Boreir de Stauri… Elythra vae solmireth nox caelum. Vaeloria sanctis en thalurei."
Great Goddess beyond the eternal stars, hear the voices of your devoted children. Let the sacred heavens awaken once more.
"Astra velthorin de lumine… Oracelis nox vaereth silvaris. Mirellae nox divinor eth sancta."
Reveal your prophecy upon the Holy Stone,
and guide the fate of this empire beneath your divine light.
His voice echoed heavily against the vast walls as the sacred language flowed from his lips like an ancient prayer long forgotten by mankind itself.
"My dear Cardinals, repeat after me," ani ni Pope Theodoro habang nananatiling nakapikit at nakataas ang kaniyang mga kamay.
Muling umalingawngaw sa buong Holy Cathedral ang sinaunang banal na lengguwaheng lumalabas sa kaniyang bibig, at isa-isang sumunod ang pitong Cardinal sa kaniyang panalangin.
Their voices blended together like an ancient hymn, heavy and sacred enough to make the entire cathedral tremble with tension.
"Cardinal Lurtheron, come forward."
Marahang iminulat ng Pope ang kaniyang mga mata at bahagyang nagsenyas. Walang pag-aalinlangan namang humakbang si Lurtheron papunta sa kaniyang tabi. Tahimik lamang ang kaniyang mukha ngunit tila agad niyang naunawaan ang nais ipagawa ng Pope.
Dahan-dahang iniharap ni Lurtheron ang kaniyang kamay sa Holy Stone na nasa harapan ng altar.
At muli, isang nakakasilaw na puting liwanag ang sumabog mula rito.
Agad na umugong ang buong cathedral habang ang banal na enerhiya ay tila unti-unting bumabalot sa buong lugar. The Holy Stone began glowing brighter and brighter beneath their powers.
Tila nagtutulungan sina Pope Theodoro at Cardinal Prince Lurtheron upang palakasin ang banal na enerhiya ng Holy Stone, na para bang sinusubukan nilang abutin mismo ang Dakilang Diyosa.
Tunay ngang makapangyarihang light mage si Lurtheron dahil nagagawa niyang makipagsabayan sa napakalakas na banal na enerhiya ng Pope mismo. Kahit nakatayo lamang siya sa tabi nito, ramdam ng lahat ang matinding presensya at kapangyarihang nagmumula sa kaniya.
The white light surrounding his body was overwhelming, almost blinding, as if the holy mana within him was endless. Maging ang hangin sa loob ng cathedral ay tila nanginginig sa lakas ng banal na enerhiyang inilalabas niya.
Hindi nakapagtatakang siya ang tinaguriang pinakabatang Cardinal Prince sa kasaysayan ng Holy Cathedral. Even among the seven Cardinals, his power stood above the rest.
Maya-maya pa ay tila napasinghap ako nang makita ang mga mata ng Pope nang iminulat niya ang mga ito. A glowing golden light had completely covered his irises, making him look almost inhuman beneath the overwhelming holy aura surrounding the altar.
Napatingin ako sa ibang mga maharlika at nakita kong tila namangha rin ang karamihan sa kanilang nasaksihan habang ang iba naman ay halatang nagulat at napaatras pa sa kanilang kinauupuan.
"Oh my…!"
"That is the sign…"
"The Great Goddess has granted her blessing…"
Mahihinang bulungan agad ang kumalat sa buong Holy Cathedral habang ang banal na liwanag mula sa Holy Stone ay lalo pang lumalakas.
Napapikit ako nang biglang umilaw ng gintong kulay ang mga mata ng dambuhalang estatwa ng Dakilang Diyosa na nakatayo sa likuran ng mga miyembro ng Holy Cathedral.
Agad na napuno ng nakakasilaw na banal na liwanag ang buong katedral habang tila umugong ang hangin sa loob nito. The enormous statue looked almost alive beneath the overwhelming golden glow, making the atmosphere feel even heavier and more sacred.
Sunod-sunod ang pagsinghap ng mga tao habang ang iba ay agad napaluhod sa gulat at pananampalataya.
"The Great Goddess…"
"She has answered…"
Mahihinang bulungan agad ang kumalat sa buong Holy Cathedral habang nanginginig sa emosyon ang ilan sa mga naroroon.
"Panatilihin natin ang katahimikan. This is a sacred moment bestowed upon us by the Great Goddess herself. Huwag nating hayaang manaig ang takot, ingay, o kaguluhan sa loob ng banal na lugar na ito." saad ng isang High Priest.
Unti-unting muling nabalot ng katahimikan ang buong Holy Cathedral habang ang banal na gintong liwanag ay patuloy na lumiliwanag sa paligid.
"The ancient words are beginning to form upon the Holy Stone," seryosong pahayag ni Lurtheron habang nakatingin sa nagliliwanag na banal na bato sa harapan nila.
His calm voice echoed clearly throughout the Holy Cathedral, instantly drawing everyone’s attention back toward the altar.
"At any moment now, His Holiness the Pope shall read the sacred prophecy granted by the Great Goddess herself."
Mas lalong bumigat ang tensyon sa loob ng cathedral matapos marinig ang kaniyang mga salita. Halos walang sinuman ang nangahas magsalita habang hinihintay ng lahat ang mga sinaunang salitang unti-unting lumilitaw sa Holy Stone.
Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang simulang pagbasa ng Pope mula sa Holy Stone.
Agad na bumalot ang nakakatakot na katahimikan sa buong Holy Cathedral.
"What was buried by time… refuses to rot. It does not seek the throne. The throne remembers it."
Maging ang mga maharlika ay tila natigilan habang ang ilan ay nagkakatinginan na tila sinusubukang unawain ang kahulugan ng propesiya.
Ngunit tila mas lalo lamang naging mabigat ang atmospera nang biglang matigilan ang Pope sa susunod na linyang nabasa niya.
Nakita ko ang nanlalaki niyang mga mata.
"The child of fire… who carries darkness within. When the old blood falls and the world turns to ash, The one who has died… shall rise again."
"The child of fire is the destined Orythea."
Orythea? ano iyon?
The child of fire...
Bigla kong naalala ang propesiyang minsang sinabi sa akin ni Haring Drakkon. Napapikit ako habang pilit na inaalala ang bawat salitang binitiwan niya noon.
"Centuries ago, Little Red, amidst the chaos of the Holy War, I was struck by a vision that stained my mind. It revealed a grim certainty. The Blood of Old Erenhal was destined to fall, cast down by the hands of those they trusted most."
"But following that shadow, a second vision emerged. I saw a red-haired girl standing beside a red dragon, and a powerful being by her side. She carried a deep darkness inside her."
"In the vision, she was surrounded by fire, yet hindi ito nasusunog. Even though she was burning, the flames did not hurt her. I believe she is the weapon that will finally make the world bleed for the Blood of Old Erenhal."
Muli akong dumilat at napalunok nang mariin.
"When the old blood falls…" bulong ko.
It was clearly referring to the Blood of Old Erenhal.
"The child of fire…"
Eternal Flame Mana. I possess the Eternal Flame Mana, kahit hanggang ngayon ay sealed pa rin ito.
Nanlamig ang buo kong katawan.
Does that mean…
I am the child of fire?
"The red dragon…"
Razareth.
Pulang dragon si Razareth.
Bigla akong napahawak nang mahigpit sa aking damit habang tila sabay-sabay na nagdugtong-dugtong ang lahat sa isip ko.
Tangina…
Ang ibig sabihin nito ay naunang nakita ni Haring Drakkon ang propesiyang ito noon pa man. At ngayon lamang ito nalaman ng mga nilalang sa Arcadeya dahil sa Holy Stone.
For centuries…
The prophecy had already existed.
Hidden.
Waiting.
What if the king had been telling the truth all along?
Napapikit ako nang mariin habang bumibigat ang paghinga ko. Habang nakatitig sa nagliliwanag na Holy Stone.
The Holy Cathedral… indeed brings danger to me.
For the first time since arriving here, I finally understood why Lucy Pearl had been so restless earlier. Why my chest felt unbearably heavy the moment the prophecy began.
This place was dangerous. Not because of monsters. Not because of demons. But because the truth hidden inside this cathedral could destroy me the moment the wrong people connected everything together.
The child of fire.
The Blood of Old Erenhal.
The red dragon.
Eternal Flame Mana.
All the pieces were beginning to point toward me.
"Yes, Rassia… you are the child of fire," mahinang bulong ni Lucy Pearl sa aking isipan.
At doon ko tuluyang nakumpirma ang katotohanan.
Nanlamig ang buo kong katawan habang nakatitig lamang sa Holy Stone.
"Rassia…" nanginginig na muli niyang sambit. "I wanted to tell you this a long time ago…"
"I am a fallen angel from Gadesea."
Nanlaki ang mga mata ko.
What the fuck?
"Ano ang ibig mong sabihin, Lucy?" mahina ngunit mabilis kong tanong habang pilit kong pinapanatiling normal ang aking ekspresyon.
"Long ago, I was once one of the high angels of Gadesea, Rassia," mahinang paliwanag niya. "Kung bakit ako naging demonyo ngayon… dahil nagnakaw ako ng kapangyarihang nakatago sa Gadesea. It was a sacred light gem capable of commanding all elements."
Ramdam ko ang halo niyang galit at sakit habang nagsasalita.
"Nagalit ako noon dahil ang Diyosa ng Buwan, ang una kong kaibigan… was executed for a sin unworthy of death. Hindi ko matanggap iyon."
"Gusto kong gamitin ang kapangyarihan ng brilyante upang maghiganti laban sa mga demonyo… at maging sa mga diyos at diyosang responsable sa kaniyang pagkamatay."
Napapikit siya sa isip ko.
"But they caught me."
"The Great Goddess herself."
Agad akong napalunok.
"She is the highest among all beings, Rassia. I could not defeat her."
"Pinarusahan niya ako. Itinapon niya ako palabas ng Gadesea at tuluyan akong hindi na pinayagang makabalik."
Tahimik akong natigilan matapos marinig iyon. Then suddenly, another question entered my mind.
"Paano ka napunta sa Infernov, Lucy?" tanong ko. "Hindi ba sinabi mong naging reyna ka roon?"
Sandaling natahimik si Lucy Pearl bago siya muling nagsalita.
"Because someone found me. A demon. Ginawa niya rin akong kagaya nila. He was one of the Seven Demon Princes of Infernov."
"Anong nangyari sa brilyanteng ninakaw mo, Lucy Pearl?" mahina kong tanong habang pilit kong pinapakalma ang mabilis kong tibok ng puso.
Naramdaman ko ang mabigat niyang paghinga sa loob ng aking isipan.
"Did you see the black crystal attached to my chest?" mahina niyang tugon. "That was it. The gem."
Bahagya akong natigilan.
"The sacred gem…"
"Hindi ko na ito magamit ngayon, Rassia," dugtong niya habang mabigat ang kaniyang tinig. "Because I am no longer an angel."
"Isa na akong demonyo."
Ramdam ko ang pait sa bawat salitang lumalabas sa kaniya.
"But even so… the gem still remains with me. Natutulog lamang ito sa loob ng aking katawan. It will only awaken again once I become an angel once more."
Sandali siyang natahimik bago mahina siyang natawa, ngunit puno iyon ng lungkot.
"But that will probably never happen."
"Not after everything I've done."
"Not after my sins."
Marami na palang pinagdaanan si Lucy Pearl bago pa siya napunta sa Infernov.
Akala ko noon isa lamang siyang makapangyarihang demonyo na naging reyna ng impiyerno, ngunit ngayon ko lamang napagtanto kung gaano karaming sakit, pagkawala, at kaparusahan ang dinaanan niya bago siya tuluyang naging kung ano siya ngayon.
At kahit sa Infernov, tila hindi rin niya natagpuan ang kapayapaan. Maski roon ay may pait pa rin siyang naranasan. Kaya ngayon… naririto siya sa loob ng aking katawan.
Nakikisama sa akin. Nakatali sa aking kaluluwa.
For some reason, instead of fear, I only felt a strange heaviness inside my chest. Because behind Lucy Pearl’s arrogance, anger, and sharp tongue… was someone who had already lost everything a long, long time ago.
"Kaya, Rassia… alam kong ikaw ang nasa propesiya," mahina ngunit seryosong sambit ni Lucy Pearl sa aking isipan.
"Because I was once an angel."
Natahimik ako habang patuloy siyang nagsasalita.
"All angels are taught to recognize those who are destined by heaven itself. The moment the prophecy mentioned the child of fire… I already knew."
Bahagyang bumigat ang kaniyang boses.
"And the word Orythea…"
"…means savior."
Napahawak ako nang mahigpit sa aking dibdib habang mabilis na tumitibok ang puso ko.
How could someone like me possibly become a savior?
Napahawak ako sa aking sintido habang tila sabay-sabay na gumugulo ang lahat sa aking isipan..Kung ako ang tinutukoy ng propesiya… Ano ang ibig sabihin no’n?
Ano ba talaga ang nais ipahiwatig ng Dakilang Diyosa?
Mabilis akong napalunok habang pilit pinapakalma ang sarili ko. Pakiramdam ko ay lalo lamang bumibigat ang hangin sa loob ng Holy Cathedral habang paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga katagang narinig ko.
Naramdaman ko ang marahang paghawak ni Vincenzo sa kamay ko. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Napalunok ako nang makita ko ang takot sa mukha ni Vincenzo.
For the first time since I met him, ngayon ko lang siyang nakita na nababalisa.
Mabilis niyang inilibot ang tingin sa buong Holy Cathedral na para bang may inaabangan siyang mangyari anumang oras. The tension in his expression alone was enough to make my chest tighten.
"Rassia," mababa ngunit mariing bulong niya habang mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"We need to get out of here."
Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko.
Napansin kong mabilis siyang tumingin sa direksyon ng Archduke bago bahagyang nagsenyas dito. Agad namang naging seryoso ang ekspresyon ng Archduke na tila agad niyang naunawaan ang ibig sabihin ni Vincenzo.
Tatayo na sana kami mula sa aming upuan nang biglang muling umugong ang boses ng Pope sa buong cathedral.
"This is a warning from the Great Goddess herself!" malakas at mabigat na pahayag ng Pope habang nakatingin sa nagliliwanag na Holy Stone.
His eyes slowly scanned everyone inside the cathedral.
"The prophecy speaks of the Child of Fire."
Agad na bumalot ang tensyon sa buong Holy Cathedral matapos marinig ang mga salitang iyon.
"The one destined to carry both flame and darkness within."
Mahigpit akong napahawak sa kamay ni Vincenzo.
Muling nagsalita ang Pope.
"In the ancient holy language, the word Orythea has only appeared once in forbidden records buried by the Holy Cathedral centuries ago." bahagyang nanginig ang kaniyang boses.
"And every record spoke of the same thing."
"A calamity. A threat."
Mahihinang pagsinghap agad ang narinig ko mula sa mga tao.
"The Orythea is said to be a being capable of deciding the fate of the world itself."
The Pope slowly lowered his gaze.
"And according to the prophecy…"
"The Child of Fire has already been born."
"What?! nonsense! those heretics are lying! they've misinterpreted the prophecy, damn it!"
Rinig kong pagwawala ni Lucy Pearl sa aking isipan.
Shit.
"Rassia, get out of here. Now."
Tumingin ako kay vincenzo na nanlalaki ang mata, alam kong batid niya na ako ang na sa propesiya dahil isa siyang Erenhal.
"Vincenzo, lets go."
Magkahawak ang aming kamay na tumayo at akmang aalis nang mag salita si lurtheron. Napansin ko rin ang gawi ng empress na may binigay sakanyang scroll at tumingin sa akin na may ngisi sa mga labi.
"Our dear Crown Prince and Crown Princess… surely you are not planning to leave in the middle of a sacred revelation? That would be seen as rather suspicious… wouldn't it?" mapaglarong sambit ni Lurtheron.
Nagkaroon ng mahihinang bulungan mula sa mga noble.
Lurtheron's gaze slowly settled on me.
"After all, the prophecy speaks of a Child of Fire already born into this era. And yet, the moment those words were spoken…"
"…the Crown Princess attempted to flee the Holy Cathedral."
"Fuck it… is this a fucking trap?" mahinang bulong ni Vincenzo, halos hindi gumagalaw ang kaniyang mga labi.
"No, Cardinal. The Crown Princess has suddenly fallen ill. I trust the Holy Cathedral would not force a sick woman to remain standing through the entirety of the prophecy." taas noong hinarap ni Vincenzo ang kapatid.
Nagtinginan ang lahat, maging ang mga Cardinal at ang mismong Imperial Family.
Dahan-dahan akong napatingin sa herald na nagsalita, hawak nito ang isang mahabang scroll na may selyo ng Holy Cathedral.
"I apologize, Your Imperial Highness," magalang niyang saad bago bahagyang yumuko. "But all noble houses and all beings present within the Holy Cathedral are forbidden to leave until the reading of the holy prophecy has concluded."
Ngumisi si Lurtheron.
"This is an order from the Emperor Luthor himself," dagdag niya, tila nasisiyahan sa biglang tensyon sa loob ng Cathedral.
Fuck it.
These cunning lunatics.
Ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko habang unti-unting lumalamig ang aking mga kamay.
Napatingin ako sa Empress.
Alam kong may masama siyang balak sa akin. Mukhang plano niya ang lahat ng ito.
Isang Cardinal ang tumabi kay Lurtheron, sa tingin ko ay si Cardinal Asphodel iyon.
"The Pope shall soon bring forth the Light Grimoire," pormal niyang pahayag. "A sacred relic capable of revealing lingering darkness, forbidden mana, and traces of corrupted power hidden within one’s soul."
Nagkaroon ng mahihinang pagsinghap mula sa mga tao.
"This is a holy procedure performed to ensure that humanity remains protected from the influence of the Devil." he continued.
Tila mas lalo akong nanlamig.
"Fuck! That Light Grimoire is my weakness and yours, Rassia! Fuck!"
Tila nag panic na si Lucy Pearl sa aking dimensyon. Ramdam ko ang kaniyang labis na kaba at takot.
"Let's trust this necklace, Lucy Pearl," pilit kong sagot habang bahagyang hinahawakan ang kuwintas sa aking leeg. "Narito ang proteksyon laban sa kung ano man. Si Natalia mismo ang nagbigay nito sa akin."
"But we're talking about the Light Grimoire!" asik niya. "That relic can expose everything!"
"Fuck…" rinig kong mura ni Vincenzo sa tabi ko.
Maya-maya, lumapit ang ilang Holy Knights.
Magalang silang yumuko, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanilang presensya habang inalalayan nila kaming makabalik sa aming mga upuan sa gitna ng hanay ng mahaharlika, tila sinisigurado nilang wala kaming pagkakataong makatakas.
Napatingin ang lahat sa Cardinal na ngayon ay may kasamang mahiwagang libro.
Hindi niya iyon direktang hawak, ang makapal na grimoire ay nakalutang sa pagitan ng kaniyang dalawang kamay habang nababalot ng nakakasilaw na gintong liwanag.
Agad na bumigat ang presensya sa buong Cathedral.
Ang mga simbolong nakaukit sa pabalat ng libro ay tila gumagalaw, kumikislap na parang buhay.
"Cardinal Roque is indeed one of the most powerful beings… he's from House Castellan, right?" rinig kong bulong ng isang noble mula sa likuran.
"Yes, House Castellan is known for their mastery over the air element."
"Which explains how he's able to control the Light Grimoire without directly touching it…"
Mahihinang pagsinghap ang muling kumalat sa paligid habang dahan-dahang bumaba ang lumulutang na grimoire sa harap ng altar.
Humarap muli si Pope Theodoro sa lahat, mabigat ang ekspresyon ng kaniyang mukha habang umaalingawngaw sa buong Cathedral ang kaniyang boses.
"Kahit na hindi natin inaasahan na delubyo ang dala ng propesiya," mabagal niyang saad.
"Nakatalaga na naming gawin ito."
Dahan-dahan siyang tumingin sa hanay ng mga maharlika, Cardinal, at miyembro ng Imperial Family.
"Upang malaman ng lahat ng naririto… na ang mga rulers ng kontinente ng Vermeleyon ay walang itinatagong kahindik-hindik na kapangyarihan."
Humigpit ang hawak ko sa aking damit.
Napatingin ako sa bagay na itinaas ni Lurtheron.
Isang manipis na kuwintas na yari sa pilak, ngunit ang banal na enerhiyang bumabalot dito ay sapat upang manlamig ang buo kong katawan.
"Sa pamamagitan ng Holy Silver Necklace na ito, mas mapapadali ang pagtukoy sa sinumang nagtataglay ng forbidden mana… o kapangyarihang hindi na dapat umiiral." ani Lurtheron.
Pagkatapos ay dahan-dahan siyang napatingin kay Vincenzo.
Mas lalo akong kinabahan.
Minsan nang sinabi sa akin ni Vincenzo na ang pinakamalaking kahinaan ng mga bampira ay mga banal na silver relics na may basbas na enerhiya mula sa Holy Cathedral.
At kahit na kalahating tao lamang ang mga Erenhal…
Hindi pa rin nila kayang tiisin ang kahit anong pilak na may banal na enerhiya.
Napatingin ako kay Vincenzo at nakita ko ang bahagyang paghigpit ng kaniyang panga. Tahimik lamang siya, ngunit ramdam ko ang tensyon sa kaniyang katawan.
Nag-aalala ako para kay Vincenzo.
Wala siyang anumang proteksyon para sa sarili niya, hindi katulad ko na may kuwintas na maaaring magtago o magprotekta sa akin laban sa banal na enerhiya ng mga relic.
Pero si Vincenzo…
Wala.
Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang malamig niyang ekspresyon habang nakatitig sa Holy Silver Necklace na hawak ni Lurtheron.
Tila ba handa na siyang lumaban anumang oras.
"Let us now begin."
Muling umalingawngaw ang boses ni Pope Theodoro sa buong Cathedral. Kasabay noon, unti-unting lumiwanag ang Light Grimoire.
Ang mga pahina nito ay kusang nagbukas isa-isa habang ang gintong liwanag ay kumalat sa buong banal na silid.
Nagsimulang magsalita ang Pope at ang mga Cardinal sa sinaunang banal na lenggwahe.
Mabibigat at kakaibang salita ang umalingawngaw sa buong Cathedral. Mga salitang hindi ko lubos maintindihan ngunit sapat upang maramdaman ko ang banal na kapangyarihang unti-unting bumabalot sa paligid.
Kasabay noon, lalong lumiwanag ang Light Grimoire.
Ang gintong enerhiya nito ay kumalat sa buong banal na silid na tila manipis na hamog ng liwanag.
Isa-isa nitong dinaanan ang mga noble.
At sa tuwing sasayad iyon sa kanilang katawan, agad nagiging gintong liwanag ang kanilang mana, ibig sabihin ay malinis sila.
Purified.
Walang bahid ng forbidden darkness.
Mahihinang buntong-hininga ng ginhawa ang narinig ko mula sa ilang noble habang nagpapatuloy ang ritwal.
Ngunit ako ay napalunok nang makitang papalapit na sa amin ang gintong enerhiya.
Napatingin ako sa aking ama, sa aking lolo at sa kapatid ko. Kapwa bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa akin.
Nang tumama sa akin ang gintong enerhiya, tila unti-unti itong naging itim. Rinig ko ang pagsinghap ng mga noble sa paligid at ang sunod-sunod na sigaw nang makita rin nilang nangingitim ang enerhiya ni Vincenzo.
Sabay kaming napahawak ni Vincenzo sa aming leeg nang maramdaman ang matinding hapdi na tila sinusunog ang aming balat mula sa loob.
"Fuck, V-Vincenzo! H-hindi ako makahinga!" sigaw ko habang pilit humihinga. Unti-unti akong nanghihina at nagsisimula nang dumilim ang aking paningin.
"Rassia! The golden energy is making your mana uncontrollable! Shit!" sigaw ni Lucy Pearl sa aking isipan.
"Wala akong magawa, Rassia! Ilang sandali na lang at lalabas ang tunay ninyong anyo ni Vincenzo!"
Biglang naputol ang kuwintas na suot ko.
Napasinghap ako nang maramdaman kong tila may biglang nabasag na proteksyon sa buong katawan ko bago ako tuluyang napaluhod sa malamig na sahig ng Cathedral.
Kasabay noon ay napaluhod din si Vincenzo. Agad niya akong niyakap habang pilit ding hinahabol ang kaniyang hininga, mahigpit ang pagkakayakap niya na tila sinusubukan akong protektahan kahit siya mismo ay nahihirapan na rin.
Rinig ko na ang sigawan at kaguluhan sa loob ng Holy Cathedral.
"Their energy turned black!"
"What are they?!"
"T-Tignan niyo! Ang anyo ng prinsesa at ng prinsipe ay nagbabago!"
Naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking katawan.
Unti-unting naging itim ang aking buhok kahit hindi ko iyon kinokontrol.
Ang aking mga mata ay tuluyang nilamon ng kadiliman hanggang maging purong itim, habang ang aking mga kuko ay dahan-dahang humaba.
Pakiramdam ko ay mas lalo pang namutla ang aking balat, halos kulay abo na.
"I am sorry, b-baby… h-hindi ko ito inaasahan…" daing ni Vincenzo habang pilit akong niyayakap.
At doon tuluyan akong napaluha.
This is it.
Nangyari na ang pinakakinatatakutan ko.
Ramdam ko rin ang pagbabago ng anyo ni Vincenzo. Unti-unting humaba ang kaniyang tenga habang lumitaw ang matutulis niyang pangil. Ang kaniyang pilak na buhok ay humaba rin at ang kaniyang mata ay naging mas matingkad na pula.
"What the hell?!"
"Isa silang demonyo!"
"Mga sumpa!"
"P-paanong naloko tayo ng mga ito?!"
"The Crown Princess… and the Crown Prince who is destined to become the future ruler of this Empire... are monsters!"
"T-teka! Tila h-hindi demonyo ang prinsipe!" sigaw ng isang High Priest habang nakatitig kay Vincenzo.
"That overwhelming mana…"
Bahagyang lumindol ang buong Holy Cathedral dahil sa malakas na presensyang hindi na makontrol ni Vincenzo.
"T-tama ba ang iniisip ko?!" sigaw ng isa pang Cardinal, halatang namumutla na sa takot.
"Isang bampira!”
Agad na kumalat ang takot at kaguluhan sa buong Holy Cathedral matapos isigaw iyon ng Cardinal.
Naramdaman ko ang mabagal na paglapit ni Lurtheron sa amin habang nakatingin kay Vincenzo na tila ba matagal na niyang hinihintay ang sandaling ito.
"Yes, everyone," malamig at malinaw niyang pahayag.
"The Crown Prince whom you all loved… carries the Blood of the Old Erenhal."
Sunod-sunod na nagsilabasan ang mga magic circle sa paligid ng mga noble habang agad nila itong itinapat sa amin, handang umatake anumang oras.
Naghalo ang sigawan at takot sa loob ng banal na silid.
Ngunit agad namang lumapit ang Quentin Knights upang harangan kami at protektahan kami mula sa mga maharlika.
Kasabay noon ay mabilis na lumapit ang aking ama, galit na galit ang kaniyang mukha habang nakatingin kay Vincenzo.
Samantalang ang aking lolo na si Galsarius ay tahimik lamang na nakatayo roon, habang yakap ang umiiyak na si Russel.
Ngunit ang malamig niyang titig sa akin ay mas nakakatakot kaysa sa galit ng iba.
"He has the blood of old Erenhal?! Paano nangyari iyon?!"
"Then what about the Crown Princess?!"
"Don't tell me she knew all this time?!"
Sunod-sunod ang sigaw ng mga maharlika habang nakatingin sila sa akin na para bang isa akong halimaw.
"Kamatayan ang nararapat sa kanila!"
"Hindi maaaring mga halimaw ang mamuno sa Imperyong ito!"
"Pugutan sila ng ulo!"
"This is high treason!" sigaw ng isang duke habang galit na nakaturo sa amin.
"Execute them!"
Narinig ko ang pagwawala ng Emperor.
Napatingin ako sa direksyon nila at doon ko nakita si Cayena na nakaluhod sa sahig habang nagsusuka ng dugo. Nag-iba na rin ang kaniyang anyo. Lumabas ang kaniyang mga pangil habang nanginginig ang kaniyang katawan.
Agad siyang niyakap ng Emperor, protektadong-protektado sa kaniyang mga bisig habang galit na galit itong nakatingin sa Empress.
"What did you do, Megan?!" umalingawngaw ang sigaw ng Emperor sa buong Holy Cathedral.
Kasabay noon ay mas lalong lumindol ang paligid. Kumidlat sa labas at tila biglang bumuhos ang malakas na ulan.
The Emperor is a powerful water mage.
No wonder the rain itself reacted to his rage.
Hirap na hirap pa rin akong huminga habang pilit kaming pinoprotektahan ng Quentin Knights laban sa mga maharlikang handang umatake anumang oras.
Muli akong napatingin sa Emperor nang bigla siyang tumayo at sinampal nang napakalakas si Megan. Umalingawngaw ang tunog niyon sa buong Cathedral.
Ngunit blanko lamang ang ekspresyon ng Empress. Dahan-dahan siyang bumaling muli sa Emperor, tila walang kahit anong emosyon sa kaniyang mukha.
Biglang pumutok ang ilang stained glass windows ng Cathedral habang rumaragasa ang malalakas na alon ng tubig sa sahig na tila nawalan na ng kontrol ang elemento mismo.
Umihip ang mabagsik na hangin kasabay ng malalakas na kulog sa labas.
Ang ulan ay tila bumubuhos nang mas malakas kasabay ng galit ng Emperor.
Mahigpit niyang hawak si Cayena na halos mawalan na ng malay habang nanginginig sa kaniyang bisig.
"You used my own children?!" sigaw niya habang galit na galit na nakatingin kay Megan. "You knew about this all along?!"
Lumakas ang pressure sa loob ng Cathedral dahilan upang mapaluhod ang ilang noble.
"Answer me—"
Hindi na natapos ng Emperor ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang mapahawak sa kaniyang dibdib. Nanlaki ang mga mata ng lahat nang bigla siyang magsuka ng dugo sa mismong sahig ng Cathedral.
"Father!"
Mabilis na napasigaw si Cayena habang pilit siyang sinusuportahan ng Emperor kahit siya mismo ay tila nawawalan na ng lakas.
Unti-unting nagkulay ube ang ilang bahagi ng balat ng Emperor, tila may lasong mabilis na kumakalat sa kaniyang katawan.
"The Emperor!"
"Your Imperial Majesty!"
"Is he poisoned?!" sigaw ng mga noble habang tuluyang nagkagulo ang buong Holy Cathedral.
Agad nagsilapitan ang ilang High Priests ngunit umatras rin sa takot nang biglang sumabog ang napakalakas na mana mula sa katawan ng Emperor.
Ang tubig sa paligid ay tila nawalan ng kontrol.
Lumubog sa baha ang ilang bahagi ng Cathedral habang patuloy ang malakas na ulan at pagkulog sa labas.
Nakita ko ang bahagyang pagngisi ni Megan.
Ngunit sa isang iglap lamang, bigla siyang yumuko at nagsimulang umiyak na tila isang nag-aalalang asawa.
"Oh my! The Emperor!" nanginginig niyang saad habang kunwari’y natataranta. "I am afraid the Emperor has been suffering from an illness… he simply did not wish to reveal it to everyone."
Napasinghap ang ilang noble habang mabilis siyang lumapit nang bahagya.
"I am deeply saddened by His Majesty's condition…" dagdag niya habang pinupunasan kunwari ang luha sa kaniyang mukha.
Ngunit kahit nanginginig ang kaniyang boses, kita ko pa rin ang malamig na saya sa kaniyang mga mata.
Unti-unti akong napalingon kay Vincenzo.
At doon ako tuluyang nanlamig. Napalunok ako sa takot nang makita ang kaniyang ekspresyon.
Tahimik lamang siya. Masyadong tahimik.
Ngunit ang kaniyang pulang mga mata ay nakatitig nang direkta kay Megan habang ang nakakatakot niyang mana ay patuloy na kumakalat sa buong Cathedral.
Unti-unting nababasag ang marmol na sahig sa ilalim niya.
Humihina rin ang paghinga niya, tila pilit niyang kinokontrol ang sarili upang hindi tuluyang magwala.
Ngunit ramdam ko iyon. His killing intent.
Natatakot ako na baka tuluyan nang mawalan ng kontrol si Vincenzo dahil sa unti-unting pagkamatay ng kaniyang ama.
Unti-unti akong napatingin sa estatwa ng Dakilang Diyosa na nakatayo sa gitna ng Holy Cathedral.
Ang banal nitong mukha ay nananatiling kalmado at perpekto sa gitna ng kaguluhan.
Tell me, Great Goddess… are we truly monsters for simply wanting to live?
If this is your justice… then why does it feel so cruel?
If we are truly monsters, then why do our hearts still know how to love?
How can loving someone be a sin?