CHAPTER 52
In the sacred walls of
Holy Cathedral
Kaguluhan at sigawan ang yumanig sa buong Holy Cathedral. Ang mga noble ladies ay agad na inilabas ng Holy Knights upang ilayo sa panganib, habang ang mga maharlikang kalalakihan ay nanatili sa loob ng Cathedral, handang labanan sina Rassia at Vincenzo.
Sunod-sunod na nagsilabasan ang nagliliwanag na magic circles sa paligid habang ang mabibigat na mana ng mga maharlika ay bumalot sa banal na Cathedral.
Ngunit nanatiling nakaharang ang Quentin Knights sa harapan nina Rassia at Vincenzo, handang protektahan ang dalawa laban sa buong Imperyo.
Si Rassia ay nanatiling hirap na hirap huminga habang mahigpit na nakahawak sa kaniyang leeg, napapasigaw sa matinding sakit na tila may sumusunog sa kaniyang buong katawan.
"Father! It hurts!" iyak ni Rassia nang malapitan siya ng kaniyang amang si Cesare.
Agad siyang hinila ni Archduke Cesare palayo kay Vincenzo at mahigpit na niyakap, tila pilit pinoprotektahan ang kaniyang anak mula sa lahat ng kaguluhan sa paligid.
Pagkatapos ay dahan-dahan siyang napatingin kay Vincenzo.
Nag-aapoy sa galit ang kaniyang mga mata.
"You bastard..." mariin niyang sambit.
Lumapit sa kanila ang Pope kasama ang dalawang Cardinal, mabigat ang kanilang presensya habang ang mga banal na magic circle ay umiilaw sa ilalim ng kanilang mga paa.
Tila nais nilang kunin mula sa bisig ni Cesare ang lapastangang si Rassia.
"Archduke Cesare Fuegoleon Quentin," malamig na saad ng Pope habang nakatitig kay Rassia, "even if you hold authority second only to the Imperial Family..."
"... you cannot protect a being now deemed a threat to the entire Continent."
Mahigpit na niyakap ni Cesare si Rassia habang nanlilisik ang kaniyang mga mata sa harapan ng Pope.
Ngunit agad nagsalita ang isa sa mga Cardinal.
"His Holiness speaks the truth," dagdag ni Cardinal Asphodel. "The prophecy has already reacted to the Crown Princess. Her mana turned dark before the Light Grimoire itself."
"And the Crown Prince..." malamig na sambit naman ng isang Cardinal habang nakatingin kay Vincenzo. "Carries the blood of the old Erenhal."
Nagkaroon muli ng mahihinang sigawan mula sa mga noble.
"The Holy Cathedral cannot overlook this matter."
"For the safety of Vermeleyon," dagdag ng Pope, "the Crown Princess and Crown Prince must be placed under holy confinement immediately."
Galit na galit na nakatitig si Cesare sa Pope at sa dalawang Cardinal. Unti-unting lumabas ang kaniyang gintong mana aura at agad bumigat ang buong paligid dahil sa napakalakas nitong presensya.
Biglang umihip ang malalakas na hangin sa loob ng Holy Cathedral.
Bilang isang Quentin, may kakayahan si Cesare na gumamit ng dalawang elemento.
Air and fire holder.
At nang tuluyan niyang pakawalan ang kaniyang mana, agad napalibutan ng gintong apoy ang mag-ama.
Umiikot ang nagbabagang apoy kasabay ng mabagsik na hangin, bumubuo ng proteksyon sa paligid nila upang walang sinuman ang makalapit kay Rassia.
"You will not touch my daughter," mariing sambit ni Cesare habang nagliliyab ang kaniyang gintong mga mata.
Mabilis na lumapit ang apat na Commander na sina Valentino, Owen, Finn, at Agostin sa likuran ni Cesare.. Mariin silang nakatingin sa Pope at sa mga Cardinal habang unti-unti ring lumalabas ang kani-kanilang mana aura.
Isa-isa rin nilang inilabas ang kanilang mga espada, ang talim ng mga ito ay agad nabalot ng kani-kanilang elemento.
"Even if the entire Empire calls her a monster... to us, she will always be Lady Rassia of House Quentin." ani Commander Finn.
Biglang bumigat ang buong Holy Cathedral dahil sa naglalabang presensya ng magkabilang panig.
Samantala, dalawang Arsobispo naman ang dahan-dahang lumapit sa likuran ng Pope, habang malamig na nakatingin kina Cesare at sa mga Commander. Tila handa na nilang labanan ang mga ito.
Samantala, mabilis na inilayo ni Galsarius Quentin si Russel mula sa kaguluhan upang masigurado ang kaniyang kaligtasan.
Anuman ang mangyari sa loob ng Holy Cathedral, kailangang mabuhay ang Future Archduke.
Ang kinabukasan ng House Quentin.
Ngunit habang inilalayo niya si Russel, bakas ang matinding galit sa kaniyang mukha.
"Cesare... how could you let a demon be born from our bloodline?"
Pinagigitnaan ng lima si Rassia habang patuloy pa rin siyang hirap na hirap huminga.
"Lucy Pearl! I-I can't use my demon power! F-fuck!" hirap kong sigaw habang mahigpit na napapahawak sa aking leeg. Ramdam ko rin ang mabilis at magulong tibok ng aking puso na tila anumang oras ay sasabog sa sobrang sakit.
"It is because of the Light Grimoire!" ani ni Lucy Pearl sa aking isipan. "The holy energy is suppressing your demon mana!"
Ang lahat ng mahaharlika ay napatingin sa Great Swordmaster.
The Golden Lion of House Quentin.
Dahan-dahan niyang inilabas ang kaniyang gintong espada habang umaalingawngaw ang tunog ng talim nito sa buong Holy Cathedral.
Kasabay noon ay mas lalong lumakas ang kaniyang mana aura, dahilan upang umurong ang ilang noble sa takot.
At sa unang pagkakataon ngayong gabi...
Itinaas ng Golden Lion ng House Quentin ang kaniyang espada laban sa Pope ng Vermeleyon.
Tahimik na napatingin si Pope Theodoro sa Greatswordmaster bago niya dahan-dahang inilabas ang sarili niyang espada. Agad nabalot ng banal na puting liwanag ang talim nito habang lumitaw ang mga holy symbols sa paligid ng kaniyang katawan.
Humigpit ang tensyon sa buong Holy Cathedral.
Ang dalawang isa sa pinakamakapangyarihang nilalang sa Vermeleyon ay ngayon nakaharap sa isa't isa, parehong handang kalabanin ang isa't isa.
Seryoso lamang ang ekspresyon ni Pope Theodoro habang malamig na nakatingin kay Archduke Cesare.
Sa kaniyang likuran, isa-isang naglabasan ang mga magic circle ng mga Arsobispo at Cardinal, handang suportahan ang Pope anumang oras.
"You know the consequences of this, Archduke," malamig niyang saad.
"The moment you chose to protect that demon..."
Bahagyang lumiwanag ang banal na mana sa paligid niya.
"... you have already defied the Great Goddess herself."
Humigpit ang hawak niya sa espada bago muling nagsalita.
"And a man who stands against the will of the Goddess..."
"... is unworthy of the title Archduke."
Nanlilisik sa galit na agad sumugod si Cesare patungo sa Pope, kasabay ng pagputok ng mabagsik na apoy at hangin sa paligid niya.
Agad namang sinalo ni Pope Theodoro ang kaniyang espada, dahilan upang umugong ang buong Holy Cathedral sa lakas ng kanilang banggaan.
Nagkalat ang gintong enerhiya sa paligid habang nagsimulang mabasag ang marmol na sahig sa ilalim nila.
"Do you think I care about my title, Theodoro?!" galit na sigaw ni Cesare habang mariing itinutulak ang kaniyang espada laban sa Pope.
"She is my daughter!"
"... I would rather burn this entire Empire to ashes than hand my daughter over to you."
Agad namang mabilis na sumugod ang mga miyembro ng Holy Cathedral patungo sa apat na Commander, na pilit hinaharangan ang sinumang magtatangkang lumapit kay Rassia.
Nagbanggaan ang mga espada, holy magic, at mana sa loob ng banal na silid habang sunod-sunod na sumabog ang mga magic circle sa paligid.
Labanan ang tuluyang namayani sa loob ng Holy Cathedral.
Ang mga Holy Knights at Imperial Knights ay agad nagbanggaan laban sa Quentin Knights sa loob at labas ng Cathedral.
Umalingawngaw ang tunog ng mga espada, sigawan, at pagsabog ng mana habang tuluyang nalunod sa kaguluhan ang buong banal na lugar.
Bilang House Quentin ang may pinakamalaking hukbo sa buong Imperyo, hindi umatras ang kanilang mga kawal kahit pa kalaban nila ang Holy Cathedral at mismong Imperial Army.
Agad na kumalat ang balita sa bawat sulok ng kontinente.
Mula sa Hilagang teritoryo hanggang sa pinakadulong rehiyon ng Vermeleyon, iisa lamang ang usap-usapan ng mga maharlika.
The Crown Prince is a vampire who carries the blood of the Old Erenhal.
The Crown Princess is a demon.
Takot at galit ang mabilis na bumalot sa buong Imperyo habang isa-isang nanawagan ang mga noble houses para sa pagpuksa kina Vincenzo at Rassia.
The King of the North, who was once known as Vincenzo's closest friend, could do nothing about the chaos spreading across the continent.
Even he could not interfere.
The North had always remained neutral in the affairs of the Empire, and breaking that neutrality would mean dragging his entire kingdom into war.
The King of the North, Lorcan Nigel II Bartholomew, had already left amidst the chaos inside the Holy Cathedral.
Before completely disappearing from the battlefield, he cast one final glance toward Vincenzo.
Malungkot ang kaniyang mga mata habang pinapanood ang kaibigan na namimilipit sa sakit, nanlilisik ang pulang mga mata habang nakatingin kay Lurtheron.
At sa unang pagkakataon...
Wala siyang magawa kundi ang umalis.
I'm sorry, Vincenzo...
Mahigpit na kinuyom ni Lorcan ang kaniyang kamay habang patuloy na lumalayo mula sa Holy Cathedral.
If I interfere now, the North will fall into war.
Napapikit siya nang mariin habang sariwa pa rin sa kaniyang isip ang anyo ng kaibigan niyang unti-unting nawawalan ng kontrol.
You were never meant to end up like this.
At nang maalala niya ang malamig na mukha ni Lurtheron, unti-unting dumilim ang kaniyang ekspresyon.
That bastard planned everything from the beginning.
I cannot help you now, Vincenzo...
But when the time finally comes, I swear the North will answer your call, my friend.
Samantala, malakas na umiyak si Cayena habang hawak-hawak sa kaniyang bisig ang walang buhay na katawan ng Emperor.
"Father! p-please w-wake up! n-no!" malakas na sigaw ni Cayena kahit na hirap na hirap itong huminga.
Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang nanlilisik siyang napatingin sa Empress.
"You killed him..." nanginginig niyang sambit.
Akmang susugod si Cayena kay Megan nang biglang may humawak at yumakap sa kaniyang bewang mula sa likuran.
Si Caspian.
"Princess Cayena, stop!" madiin niyang bulong habang pilit siyang pinipigilan. "Hindi ito ang tamang oras!"
Ngunit agad namang lumapit si Grand Duke Cassius, nanlilisik ang mga mata habang mariing nakatingin kay Cayena.
"Get away from her, Caspian!"
Hindi na siya pinatapos pa ng Laurent Knights at agad nilang hinila palayo si Caspian mula kay Cayena.
"Caspian!" galit na sigaw ni Grand Duke Cassius. "That Princess is a vampire! A threat to the Empire!"
Mahigpit niyang kinuyom ang kaniyang kamao habang nakatingin kay Cayena na umiiyak pa rin sa tabi ng bangkay ng Emperor.
"Do not drag House Laurent into this madness!"
Nanlaki ang mga mata ni Cayena nang marinig iyon.
Tila may malamig na tubig na biglang bumuhos sa kaniyang buong katawan habang unti-unti niyang napagtanto ang katotohanan.
Ang dugong nananalaytay sa kaniya.
Ang dugo ng isang bampira.
Unti-unti siyang napaluhod sa tabi ng bangkay ng Emperor habang nanginginig ang kaniyang mga kamay.
At sa gitna ng kaguluhan...
Nagtagpo ang mga mata nila ni Caspian.
Pareho silang may lungkot sa mga mata.
Dahil sa sandaling iyon, pareho nilang naunawaan na may malaking pader ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Nang tuluyang makalayo si Caspian kasama ang mga Laurent, biglang natawa ang Empress. Mahina lamang iyon sa una, ngunit puno ng kasakiman at malamig na saya. Dahan-dahan siyang umiling habang nakatingin kay Cayena na nakaluhod pa rin sa tabi ng bangkay ng Emperor.
"What a pity..." mahinang sambit niya.
"Seize her."
Agad namang nagsilapitan ang mga Imperial Knights sa utos ng Empress, hawak ang kanilang mga espada habang dahan-dahang pinalilibutan si Cayena.
Dahil hindi kailanman naturuan si Cayena tungkol sa kaniyang kapangyarihan, wala siyang nagawa upang labanan ang mga Imperial Knights.
Nanginginig pa rin ang kaniyang katawan habang nakatingin sa walang buhay na katawan ng Emperor.
Tahimik lamang siyang nagpaubaya nang gapusin siya ng mga kawal. Blanko ang kaniyang ekspresyon, tila tuluyan nang nawalan ng lakas upang lumaban.
Pumunta ang Empress na si Megan sa harap ng altar kung saan tanaw niya ang buong kaguluhan sa loob ng Holy Cathedral.
Sa kaniyang paligid ay naglalaban ang mga maharlika, Holy Knights, at Quentin Knights habang patuloy na yumanig ang banal na silid dahil sa naglalabang mana.
Dahan-dahan niyang binuksan ang scroll sa kaniyang kamay at itinaas iyon upang makita ng lahat.
Pagkatapos ay tumingin siya kay Cesare na kasalukuyang nakikipaglaban sa Pope.
"Ayon sa makapangyarihang mga healer na gumamot sa Late Archduchess of the West, Nadea Saint Quentin, when she was poisoned, 19 years ago..." malamig niyang saad habang umaalingawngaw ang kaniyang boses sa buong Cathedral.
"She was supposed to survive."
Bahagyang ngumisi si Megan bago tumingin kay Rassia.
"But suddenly, she died. And the child..."
"The Crown Princess, Rassia Saint Quentin... was supposed to die."
Napalibot ang katahimikan sa ilang bahagi ng Holy Cathedral habang bakas ang pagkabigla sa mukha ng mga maharlika.
"But questions began to arise within the Imperial Council the moment I revealed these records to them," malamig na pagpapatuloy ni Megan habang hawak ang scroll.
"One of the Councils confirmed our suspicions..."
Bahagya siyang ngumisi bago tumingin diretso kay Rassia.
"That a dead body may continue to live..."
"... if a demon entered the corpse of the one who originally died."
Nanginginig na napatingin ang isang High Priest kay Rassia na patuloy pa ring namimilipit sa sakit sa gitna ng kaguluhan.
"W-Wait..." hirap niyang sambit habang nanlalaki ang mata. "The prophecy stated that the Child of Fire died once..."
Unti-unti siyang napaatras.
"Does that mean..."
Ngumisi si Megan.
"Yes, dear High Priest. Rassia Saint Quentin is the Child of Fire. The Orythea, a threat."
Bahagya siyang naglakad sa harap ng altar habang hawak ang scroll.
"The Quentin bloodline is known for producing holders of both air and fire elements."
Huminto siya sandali bago bahagyang ngumisi.
"And it seems our dear Crown Princess inherited the fire element..."
"... but in a far more dangerous way than we expected."
Muling napatingin ang lahat kay Rassia na patuloy pa ring nahihirapan sa gitna ng naglalabang mana.
"But gladly..." bahagyang ngumisi si Megan habang malamig na nakatingin kay Rassia.
"Her fire remained hidden. It seems our Great Goddess was merciful toward us," malamig na saad ni Megan habang nakatingin kay Rassia.
"Her fire should never have awakened."
Ngumisi ang Pope kahit duguan na ang gilid ng kaniyang labi mula sa lakas ng mga pag-atake ni Cesare.
Patuloy silang nagbabanggaan ng espada habang yumanig ang buong Holy Cathedral dahil sa naglalabang banal na mana at gintong apoy.
"And for that..." sigaw ng Pope habang pilit sinasalag ang naglalagablab na espada ni Cesare.
"The Crown Princess must be executed!"
Lumakas ang banal na enerhiya sa paligid niya habang malamig siyang nakatingin kay Rassia at Vincenzo.
"She is a threat to the continent alongside the Crown Prince!"
Nagpakawala ng naglalakihang gintong pakpak si Cesare at mabilis na lumipad sa loob ng Holy Cathedral.
Umalingawngaw ang malalakas na hangin habang ang naglalagablab niyang mana ay bumabalot sa buong banal na silid.
Sa pagkakataong iyon, maging ang mga maharlika ay napatingin sa kaniya nang may pagkabigla.
The Golden Lion of House Quentin.
Ang lalaking kilala sa paggamit lamang ng espada at halos hindi gumagamit ng mahika o magic circles sa labanan...
Ay biglang naglabas ng napakalakas na gintong fire blast mula sa kaniyang kamay.
Agad niya iyong itinapon patungo sa Pope sa napakabilis na tila hindi na ito masusundan ng mata ng mortal.
Nanlaki ang mga mata ng lahat nang direktang tamaan ang Pope ng naglalagablab na gintong apoy.
Sa lakas ng impact, mabilis na tumilapon ang katawan ni Pope Theodoro patungo sa malaking stained glass wall ng Cathedral.
Umalingawngaw ang malakas na tunog ng pagkabasag ng salamin habang tumagos ang kaniyang katawan rito. Ang matutulis na piraso ng basag na salamin ay bumaon sa kaniyang katawan habang duguan siyang bumagsak sa sahig.
"The Pope Theodoro has died!" sigaw ng isang High Priest, nanginginig ang boses sa takot at pagkabigla.
"The Archduke killed the Pope of our continent!"
"This is madness!"
"House Quentin has betrayed the Great Goddess!"
"Seize them all!"
Ang gintong pakpak ni Cesare ay nagpakawala ng malalakas at nakakakilabot na hangin sa buong banal na lugar habang ang naglalagablab niyang mana ay patuloy na yumanig sa Holy Cathedral.
Malamig lamang ang kaniyang ekspresyon habang nakatingin sa wala nang buhay na katawan ni Pope Theodoro.
Pagkatapos ay unti-unti siyang bumaling kay Empress Megan.
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
At sa unang pagkakataon, bakas ang tunay na galit sa kaniyang mga mata.
"If the world insists on calling my daughter a monster..." malamig niyang sambit habang mahigpit na hawak ang kaniyang gintong espada.
"Then I will become a far greater monster than all of you."
Tila isang makapangyarihang diyos si Cesare sa paningin ng mga maharlikang nakatingala sa kaniya.
Ang kaniyang gintong mana ay patuloy na nagliliyab sa buong Holy Cathedral habang ang nakakasilaw na enerhiya ng kaniyang espada ay tila kayang sunugin ang lahat ng naroroon. Ang kaniyang tingin ay nanatiling na kay Megan.
"I, Cesare Fuegoleon Quentin, hereby declare war from this day onward. The bond once shared between House Quentin and House Vacardi ends tonight."
"What was once an alliance forged by blood... shall now be drowned in bloodshed."
Unti-unting lumapit si Cesare kay Megan habang nagliliyab ang kaniyang gintong mana sa buong Holy Cathedral.
Agad namang humarang sa harapan ng Empress ang mga malalakas na Holy Knights, itinutok ang kanilang mga espada kay Cesare.
Ngunit hindi man lamang huminto si Cesare.
"Megan..." malamig niyang sambit habang nanlilisik ang kaniyang gintong mga mata.
"You will pay for everything you've done to my family."
Ngumisi lamang si Megan habang kalmado siyang nakatayo sa likod ng mga Holy Knights.
"Go on," malamig niyang saad habang nakatingin kay Cesare. "Fight the strongest Holy Knights before you can even lay a hand on me."
Bahagya siyang tumawa.
"I told you long ago... that I would take revenge for everything you have done to me, Cesare."
Sa kabilang bahagi ng Holy Cathedral, nanatiling hirap na hirap si Vincenzo habang pilit kinokontrol ang nagwawala niyang mana.
"Hmm... it seems the Emperor has died from an illness. I never thought he was hiding such a condition from the Empire, my dear brother Vincenzo..." ani Lurtheron.
Samantala, si Vincenzo ay hirap pa rin sa paghinga ngunit nanatiling malamig ang kaniyang tingin sa kapatid.
Dahan-dahan niyang inilabas ang kaniyang weapon manifestation na nagsisilbing tungkod habang pilit niyang itinatayo ang sarili.
"Do you really think that old hag died from an illness?" malamig niyang saad habang duguan ang gilid ng kaniyang labi. "He was a very healthy man, Lurtheron."
Nanlilisik siyang tumingin sa kapatid.
"Your bitch of a mother killed him, bastard."
Tinaasan lamang siya ng kilay ni Lurtheron.
"What nonsense are you spouting, Vincenzo?" malamig niyang sagot. "My mother showed me the records of the Emperor's illness."
"... A sickness that not even the most powerful healers could cure."
Biglang bumuga ng dugo si Vincenzo ngunit tahimik lamang niyang pinunasan ang sariling bibig.
"Just how long will you allow yourself to remain your mother's puppet?" mapakla niyang sambit.
"You truly are a fool..."
"... lunatic."
Sa kabila ng matapang at malamig na anyo ni Vincenzo, nagwawala si Ravoc sa kaniyang kalooban.
Ang kaniyang sovereign spirit.
"Master!" sigaw ni Ravoc sa kaniyang isipan. "You can't summon me right now!"
Ramdam ni Vincenzo ang galit at desperasyon ng kaniyang sovereign spirit habang patuloy na pinipigilan ng banal na enerhiya ang kaniyang kapangyarihan.
"Your vampiric mana is being suppressed by that relic! Don't let them put that necklace on you, Master!"
"Tell me, Ravoc." malamig ngunit hirap na sambit ni Vincenzo habang pilit kinokontrol ang kaniyang paghinga.
"How can I destroy it?"
Tahimik sandali si Ravoc bago muling nagsalita.
"You can't destroy a holy relic easily, Master. Especially one blessed directly by the Holy Cathedral."
Mas lalong humigpit ang hawak ni Vincenzo sa kaniyang espada na nagsisilbing kaniyang tungkod.
"Then tell me another way."
"Only overwhelming mana can shatter its holy blessing..." madiing saad ni Ravoc. "But your vampiric mana is currently sealed by the Light Grimoire."
Unti-unting naging madilim ang kaniyang ekspresyon.
"Ravoc, tell me... What can I do to fight these lunatics... and defeat them?"
Tahimik sandaling nag-atubili si Ravoc. Tila maging ang Eternal Sovereign Spirit ay ayaw sabihin ang solusyon.
"Master... you need to..."
Biglang natigilan si Vincenzo. Tila nanlamig ang kaniyang buong katawan sa narinig.
Unti-unti siyang napatingin kay Rassia sa di kalayuan habang patuloy itong nahihirapan sa sakit.
"Tsk... tsk..." mahinang natawa si Lurtheron habang malamig na nakatingin kay Vincenzo.
"What a pity, my dear brother."
Dahan-dahan siyang naglakad palapit habang ang banal na liwanag ng Cathedral ay tumatama sa kaniyang mala-anghel na mukha.
"You carry the filthy blood of the Erenhals."
Bahagya siyang napailing na tila tunay na nalulungkot.
"It saddens my heart that your wedding day has become your tragedy."
Ngumisi si Lurtheron habang mabilis na pumalibot sa kaniya ang nakakasilaw na puting mana aura.
Hinahangin nang malakas ang kaniyang mahabang puting buhok sa kaniyang likuran habang ang banal na liwanag ng Cathedral ay tila sumusunod sa kaniya.
Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang kamay at itinapat iyon kay Rassia. Sa isang iglap, ginamit niya ang liwanag sa paligid upang bulagin si Rassia.
"Ahh!" napasigaw si Rassia habang mas lalo siyang namilipit sa sahig dahil sa matinding sakit.
Kasabay noon ay unti-unting naglaho ang gintong apoy ni Cesare na nagsisilbing proteksyon sa paligid niya.
Nanlaki ang mga mata ng Quentin Knights. Mabilis na pinalibutan ng crystalized light si Rassia hanggang sa tuluyan siyang lumutang sa ere.
Maya-maya pa ay mabilis na itinapon ni Lurtheron si Rassia patungo sa hanay ng mga Holy Knights kaya tuluyan na siyang nawalay sa proteksyon ng mga Commander ng Quentin.
"Fuck it! Rassia!" galit na sigaw ni Cesare habang pilit sumusugod patungo sa anak.
Ngunit hindi siya makalapit.
Lima sa pinakamalalakas na Holy Knights ang sabay-sabay na humaharang sa kaniya, at alam niyang isang pagkakamali lamang o kahit isang pagtalikod ay maaaring maging kamatayan niya.
Samantala, ngumisi lamang ang Empress.
Mabilis siyang tumalikod kasama ang ilang Imperial Knights at agad tumakas mula sa Holy Cathedral.
Pabalik sa Imperial Palace. Ang lugar kung saan siya pinakaligtas.
Nanlilisik ang mga mata ni Cesare habang mabilis siyang napatingin kay Vincenzo sa kabilang bahagi ng Holy Cathedral.
"Vincenzo!" umalingawngaw ang galit niyang sigaw habang patuloy na nakikipaglaban sa limang Holy Knights. "You swore you would protect my daughter!"
Mariin niyang itinulak palayo ang isang Holy Knight gamit ang kaniyang espada habang nagliliyab ang gintong apoy sa paligid niya.
"Don't disappoint me, Crown Prince!"
I trained you harshly for a day like this, Vincenzo.
Not to become a weak ruler protected by the Empire... But to become a monster capable of protecting my daughter when the world turns against her.
I do not care if you are a vampire, Vincenzo. Ikaw pa rin ang kinikilala kong magiging Emperador ng kontinenteng ito.
You are both an Erenhal and a Vacardi, Vincenzo.
The blood of rulers flows within you. And whether this Empire accepts it or not, you are the true heir to the throne.
So stand up. Protect my daughter.
And show these fools why I personally trained you to become the strongest in the Empire.
Tila natigilan si Vincenzo nang marinig ang boses ni Cesare. Sa gitna ng sakit at kaguluhan, unti-unti siyang napangisi habang hinihingal na tumingin sa kaniyang master.
Master Fuegoleon, I knew you would never turn against me. After all... you became my second father .
Unti-unti siyang tumingin kay Rassia na pilit kinakaladkad ng Holy Knights. At sa pagkakataong iyon, naging mas malamig ang kaniyang pulang mga mata.
Don't worry, Master. I will do everything... to protect your daughter.
Galit na napatingin si Vincenzo kay Lurtheron habang pilit inaayos ang kaniyang tindig sa gitna ng banal na enerhiyang nakapulupot sa kaniyang katawan.
Ang kaniyang mahabang pilak na buhok ay marahas na hinahangin habang mas lalong humahaba ang kaniyang mga pangil.
Tila natigilan ang lahat dahil nakakakilabot na mana ang unti-unting lumabas mula kay Vincenzo.
Napahawak sa ulo ang ilang maharlika at kawal habang ang iba ay napaluhod dahil lamang sa bigat ng kaniyang presensya.
"Master!" babala ni Ravoc mula sa kaniyang isipan.
Ngunit hindi siya pinansin ni Vincenzo. Unti-unting bumalot ang napakadilim na itim na mana aura sa kaniyang katawan.
Ang kaniyang soul weapon, ang itim na espada, ay mas lalong humaba habang unti-unting bumabalot rito ang nakakakilabot na madilim na enerhiya.
"Hm... interesting," bahagyang ngumisi si Lurtheron habang pinagmamasdan ang itim na mana aura ng kaniyang kapatid.
"You managed to use your Sovereign Spirit's mana instead of your suppressed vampiric mana."
Bahagya niyang tinaasan ng kilay si Vincenzo.
"How smart of you... Vincenzo."
"I will fucking kill you, Lurtheron." sa isang iglap ay agad sumugod si Vincenzo patungo sa kaniyang kapatid habang bumabalot ang itim na mana sa kaniyang espada.
Ngunit mabilis ding nakaiwas si Lurtheron bago pa man siya tamaan.
At sa sumunod na sandali, tuluyang naglaho sa paningin ng karamihan ang dalawang prinsipe.
Ang kanilang bilis ay tila hangin na hindi na kayang sundan ng ordinaryong mata.
"You cannot kill the Emperor of the Erenhal Sartorias, Vincenzo. The Emperor is already dead... and you lost your title as Crown Prince the moment I revealed your true blood to everyone."
Bahagya siyang ngumisi.
"I am now the Emperor of the Erenhal Sartorias... and the ruler of the Seven Kingdoms."
"... Obviously, the Emperor is already dead. And you already lost your title as Crown Prince the moment I revealed your true blood to the continent."
Nagbanggaan muli ang kanilang mga espada dahilan upang yumanig ang paligid. Ang puting mana ni Lurtheron at ang itim na enerhiya ni Vincenzo ay marahas na nagsalpukan sa gitna ng Holy Cathedral.
"So that is what you wanted all along, bastard?!" Asik ni Vincenzo habang nagbabangaan ang kanilang espada.
"My plan for this continent... is to turn it into a Holy Empire. And for that to happen..."
"I need to get rid of you first."
Mabilis na itinulak ni Lurtheron si Vincenzo dahilan upang malakas itong tumalsik sa kabilang bahagi ng Holy Cathedral.
Ngunit agad ding tumayo si Vincenzo. Duguan ang kaniyang labi at mabigat ang paghinga habang malamig na nakatingin sa kapatid. Sa sumunod na sandali, mariin niyang isinaksak ang kaniyang itim na espada sa sahig dahilan upang biglang yumanig ang buong paligid.
Agad lumitaw ang isang napakalaking itim na summoning circle sa ilalim nila habang mabilis na bumalot ang nakakakilabot na madilim na enerhiya sa buong Cathedral.
"I am summoning one of the Sovereign Spirit... The Panther of Darkness... Ravoc!"
Sa isang malakas na pagsabog ng itim na mana, agad lumabas si Ravoc sa kaniyang napakalaking panther form.
Mabilis na napatingin si Ravoc kay Vincenzo nang may pag-aalala. Ang kaniyang napakalaking katawan ay nanatiling nakaharang sa harapan ng kaniyang master habang ang madilim na enerhiya ay patuloy na bumabalot sa paligid.
"Master..." mahinang sambit ni Ravoc, ngunit ang kaniyang boses ay direktang pumasok sa isipan ni Vincenzo upang walang ibang makarinig.
"You are exceeding your limit."
Unti-unting dumilim ang ekspresyon ng Sovereign Spirit habang pinagmamasdan ang duguang kalagayan ng kaniyang master.
"Even though your original mana is sealed, you still managed to summon me using my own mana... I am glad the Old Blood of Erenhal taught you such a forbidden method."
"But I am worried, Master. If you continue using my mana while your own mana is being drained... you might die."
Umiling lamang si Vincenzo habang mabigat ang kaniyang paghinga at patuloy na tumutulo ang dugo mula sa kaniyang labi.
"I don't care, Ravoc," malamig niyang saad habang pilit nakatayo. "Now fight in my stead. I can't fucking fight anymore."
Unti-unti siyang napatingin sa banal na relic na nagpapahina sa kaniya.
"Destroy the holy relic."
Agad sinunod ni Ravoc ang utos ng kaniyang master. Sa isang iglap, mabilis na gumalaw ang kadiliman sa loob ng Holy Cathedral.
Ang mga anino mula sa paa ng Imperial Knights, maharlika, Holy Knights, maging ng mga Cardinal at ni Lurtheron mismo ay unti-unting gumalaw na tila buhay.
Kumapit ang kanilang mga anino sa kanilang mga katawan dahilan upang hindi sila makagalaw.
Nanlaki ang mga mata ng mga Holy Knights at maharlika habang pilit nilang nilalabanan ang madilim na kapangyarihang pumipigil sa kanila.
Samantala, mabilis na gumawa ng simbolo si Vincenzo gamit ang kaniyang duguang kamay habang bumabalot ang itim na mana sa kaniyang katawan.
"O ancient darkness that devours the light...
Heed the blood of Erenhal and answer my command. From the abyss where forgotten souls slumber, I summon all of you to... rise and fight for your master."
Sa loob at labas ng Holy Cathedral, biglang nagsimulang lumitaw mula sa ilalim ng lupa ang mga itim na espiritu mula sa Infernov.
Isa ito sa mga ipinagbabawal na kakayahan ni Vincenzo bilang isang Dark Mage.
Ngunit ang kapangyarihang ito... ay may kapalit.
Agad na nahirapan at napasigaw ang lahat nang mapagtanto nilang hindi sila makagalaw sa kanilang kinatatayuan dahil sa mga aninong nakakapit sa kanila.
At sa isang iglap, mabilis na nagsilapitan ang mga itim na espiritu at kinalmot ang kanilang mga katawan gamit ang mahahabang itim na kuko.
Umalingawngaw ang mga sigaw ng takot at sakit sa buong Cathedral habang ang malamig na kadiliman ay tuluyang bumalot sa paligid.
Ang mga espiritung ito ay dating mga kaluluwa ng mga taong namatay na puno ng kasakiman noong sila'y nabubuhay pa.
At ngayon... sila ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Vincenzo bilang isang Dark Mage.
Taas-noong tiningnan ni Vincenzo ang lahat habang ang kaniyang mga sinummon na itim na espiritu ay patuloy na kinakalmot ang mga naroroon sa Holy Cathedral.
"I stand before all of you... not as Vincenzo Amadeus Vacardi."
Unti-unti siyang ngumisi habang nanlalamig ang kaniyang pulang mga mata.
"My real name is Vincarion Cenzo de Erenhal Vacardi."
"I swear upon the blood of Erenhal... that I will drag every one of you who stood here today into the abyss you created. And I will make sure you remember my real name until your last breath."
Ang Holy Silver Necklace ay tagumpay na nasira ni Ravoc. Gigil na napasigaw si Lurtheron nang makita iyon habang sunod-sunod siyang kinakalmot ng mga itim na espiritung tila hangin lamang sa kaniyang paningin.
"Damn it!" galit niyang sigaw habang pilit iniiwas ang katawan sa mga nagwawalang espiritu.
My fuckass brother is indeed a powerful man... even with half of his mana exhausted, he still managed to summon these black spirits! He is indeed an Erenhal! If only I have a sovereign spirit!
Mabilis siyang napatingin sa isang Marquis mula sa Oskandor na may hawak ding Sovereign Spirit bago bahagyang ngumisi. "Hmm... it seems I still have one last card to play."
Pumikit si Lurtheron at maya-maya pa ay isang nakakasilaw na crystal of light ang unti-unting nabuo sa gitna ng kaniyang noo hanggang sa maging isang mata ito.
Sa isang iglap, biglang pumutok ang mga aninong nakakapit sa kaniyang katawan dahilan upang tuluyan siyang makalaya sa kapangyarihan ni Vincenzo.
Malakas niyang hinawakan ang sahig at muling pumikit. At sa sumunod na sandali, biglang umalingawngaw sa buong Holy Cathedral ang napakalakas na tunog.
The Bell of the Holy Cathedral.
Very few people knew that every toll of the bell carried sacred prayers and holy mana capable of directly attacking the blood of vampires.
And because Vincenzo carried the blood of Old Erenhal, he was the one most affected by it.
With every deafening ring of the bell, it felt as though thousands of needles were piercing through his body while holy energy burned the vampiric mana flowing through his veins.
Vincenzo's black mana aura began to destabilize as the dark spirits he summoned slowly disappeared into the air.