CHAPTER 53

In the sacred walls of

Holy Cathedral

Napahawak si Vincenzo sa kaniyang dibdib habang mabilis siyang bumubuga ng dugo. Maging si Ravoc ay napalingon sa kaniya nang may matinding pag-aalala.

"Master... the bell is directly targeting your blood!"

Hindi na nag-aksaya ng oras ang mga maharlika, Holy Knights, at Imperial Knights.

Sa isang iglap, agad nilang pinalibutan si Vincenzo mula sa lahat ng direksyon. Nakatutok sa kaniya ang dose-dosenang espada, nagliliwanag na magic circles, at mga pana na handa nang pakawalan anumang oras.

Maging ang ilang Cardinal at Arsobispo ay sabay-sabay ding naglabas ng banal na mana upang pigilan siya.

"Crown Prince Vincenzo, stop this madness!" sigaw ng isang kawal habang mariing nakatingin sa kaniya.

"You have already defied the Holy Cathedral!"

"Do not force us to execute you here!"

"The blood of Erenhal has no place in this continent!"

"Surrender yourself!"

"You are no longer worthy of the Imperial Throne!"

"Stop resisting and submit to the judgment of the Great Goddess!"

Muling umalingawngaw sa buong Holy Cathedral ang malakas na tunog ng banal na kampana. Sa sandaling iyon, agad napahawak si Vincenzo sa kaniyang espada at itinukod iyon sa sahig upang hindi tuluyang bumagsak.

Muli siyang bumuga ng dugo habang nanginginig ang kaniyang katawan.

Ang bawat pagtunog ng kampana ay tila direktang sumisira sa dugo at mana sa loob niya. At habang mas lumalakas ang tunog nito, mas lalo ring nanghihina si Vincenzo.

Nang magtangkang umatake ang mga kawal at maharlika, agad gumawa si Vincenzo ng isang napakalaking itim na barrier upang protektahan ang sarili.

Sunod-sunod na bumagsak dito ang mga espada, pana, at magic spells habang siya ay napaluhod sa sahig at hirap na hirap nang huminga.

Dahan-dahan siyang napapikit bago muling tumingin kay Rassia na mahigpit nang hawak ng mga Holy Knights.

"N-No...! V-Vincenzo!" malakas na sigaw ni Rassia na halos umalingawngaw sa buong Cathedral. "Please... d-don't die!"

Sa sobrang lakas ng kaniyang sigaw, tila biglang bumigat ang atmospera ng paligid.

Maging ang ilang maharlika ay napatingin sa kaniya nang may pagkabigla habang ang purong itim niyang mga mata ay patuloy pa ring tumutulo ng wagas na luha.

I hate this...

I hate that I can't fucking do anything!

I can't even manifest my soul weapon because of that goddamn Grimoire... and this holy chain around my neck!

Samantala, si Ravoc, nang masaksihan niyang sabay-sabay nang inaatake ng lahat ang kaniyang master, ay mas lalong nagningas ang gintong mga mata nito. Umalingawngaw ang mababang ungol ng napakalaking panther habang ang madilim na mana sa paligid niya ay tila nagngangalit.

Mabilis sana siyang susugod pabalik kay Vincenzo upang protektahan ito ngunit bigla siyang hinarangan ng isa pang napakalaking presensya. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang daang taon, ang Panther of Darkness ay napaatras dahil sa nilalang na nasa harapan niya ngayon.

"Summoning one of the Sovereign Spirits!" malakas na sigaw ng Marquis mula sa Oskandor habang nagliliwanag ang kaniyang summoning circle.

"The Alpha of the Wild... Fenrath, the Wolf!"

Sa isang malakas na pagsabog ng mana, agad lumitaw ang isang napakalaking kulay abong lobo na may nakakasilaw na asul na mga mata. Ang presensya nito ay sapat upang manginig maging ang ilang maharlika at mga kawal habang marahas na humahangin ang paligid dahil sa mana nito.

Ngumisi si Lurtheron habang pinagmamasdan ang Marquis.

You are quite useful, Marquis Dominique Amstel Tressilian. For that, I shall grant you the title of Duke. Your power is worthy of such a title.

Ang laki ni Fenrath ay halos kapantay ni Ravoc. Ang napakalaking lobo at panther ay ngayon magkaharap habang kapwa naglalabas ng nakakakilabot na presensya at mana na tila kayang wasakin ang buong Holy Cathedral.

Napapalunok ang lahat nang masaksihan ang dalawang Sovereign Spirits. Maging ang ilang maharlika, Holy Knights, at Imperial Knights ay hindi makagalaw dahil sa bigat ng kanilang presensya.

"If those two start fighting seriously, this Cathedral will collapse!" sigaw ng isang arsobispo.

"If Fenrath and Ravoc clash head-on, countless people here will die!"

Tila narinig iyon ni Dominique at sinenyasan ang kaniyang Sovereign Spirit. Tahimik namang tumango si Fenrath.

Muling nagkatinginan si Fenrath at Ravoc na kapwa na sa kanilang tunay na anyo.

Ang kanilang mga mata ay tila may lungkot.

They are two of the nine Sovereign Spirits who are currently awake, while the others remain in slumber within Gadesea, waiting for the day they will be summoned by their chosen masters.

Sovereign Spirits are siblings created by the Great Goddess herself.

Brothers who were never meant to fight each other.

But now... they stand on opposing sides.

"Forgive me, brother..." mahinang sambit ni Fenrath habang nakatitig kay Ravoc. "I am only following the will of my master."

Tahimik lamang si Ravoc habang nagliliyab ang kaniyang gintong mga mata.

"And I am doing the same."

Pumikit sandali si Fenrath.

"We were never meant to fight each other after awakening..."

Dumagundong nang napakalakas si Ravoc.

"But fate has already chosen where we stand, brother."

Mabilis na sumugod si Fenrath kay Ravoc. Sa sobrang bilis ng kaniyang paggalaw, agad nasira ang ilang malalaking pader ng Holy Cathedral habang yumanig ang buong paligid dahil sa lakas ng impact.

Agad namang sinalubong ni Ravoc ang kaniyang kapatid at mabilis silang tumalsik palabas ng Cathedral habang marahas na nagsasalpukan ang kanilang mga pangil at kuko.

Ngayon, nasa labas na sila ng Holy Cathedral kung saan mas kaunti na lamang ang maaapektuhan ng kanilang laban bilang mga Sovereign Spirits.

"Damn you, bastards!" galit na sigaw ni Cesare habang patuloy na kinakalaban ang limang Holy Knights na sabay-sabay siyang inaatake. Punong-puno na ng sugat ang kaniyang katawan. Duguan ang kaniyang dibdib at mga braso.

Kanina pa nagpapatuloy ang kanilang laban dahilan upang unti-unti ring maubos ang kaniyang mana at stamina.

Napaluhod si Cesare habang mabigat ang kaniyang paghinga at patuloy na tumutulo ang dugo mula sa kaniyang mga sugat.

Dahil doon ay agad siyang napatingin kay Rassia na pilit kinakaladkad ng mga Holy Knights upang ikulong.

Pagkatapos ay lumipat ang kaniyang tingin kay Vincenzo na hirap na hirap nang labanan ang sunod-sunod na pag-atake ng mga maharlika at mga kawal.

I never thought we would lose like this...

Mariin niyang kinuyom ang kaniyang duguang kamay habang nanlalamig ang kaniyang gintong mga mata.

We can't win this. All the mages gathered here are powerful... and Vincenzo's mana is already exhausted because of that damned Grimoire.

If not because of that relic... none of them would even stand a chance against him.

Oh, Nadea... If only you were here...

Maging ang mga Commander ng Quentin ay tila napapagod na rin at lubha nang sugatan. Ang kanilang mga baluti ay puno ng dugo habang patuloy silang nakikipaglaban upang maagaw si Rassia mula sa mga Holy Knights.

Ngunit kahit unti-unti nang nanghihina ang kanilang mga katawan, wala ni isa sa kanila ang umatras.

Samantala, nakangising lumapit si Lurtheron kay Vincenzo habang pekeng napapailing.

"It seems you already lost, brother."

Bahagya siyang napangisi habang tumitingin kay Cesare na duguan at napaluhod sa malayo.

"The Archduke... no, my mistake."

"The former Archduke, Cesare Fuegoleon Quentin, has already lost hope."

Pagkatapos ay napatingin siya sa labas ng Cathedral kung saan patuloy na nakikipaglaban si Ravoc laban kay Fenrath.

"Oh... it seems the Panther of Darkness is at a disadvantage fighting his own brother."

Unti-unti siyang ngumisi habang malamig na nakatingin kay Vincenzo.

"Because his master has already reached his limit."

Taas-noong tiningnan ni Vincenzo si Lurtheron kahit nakatukod at nakaluhod pa rin siya sa sahig habang duguan ang kaniyang katawan.

"Even if I die here..." malamig niyang saad habang mabigat ang kaniyang paghinga.

"I am still the rightful heir to the throne, Lurtheron."

Unti-unti siyang ngumisi habang nanlalamig ang kaniyang pulang mga mata.

"You may have revealed my blood to the continent..."

"You may have turned the people, the Holy Cathedral, and even the high noble houses against me..."

"... but none of that changes the truth."

Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang itim na espada.

"The blood flowing through my veins is the blood of both Vacardi and Erenhal. And no matter how much you deny it... I was born first, so the throne will never truly belong to you."

Tumaas lamang ang kilay ni Lurtheron habang nakangising nakatingin kay Vincenzo.

"I don't care if you are the rightful Emperor of Erenhal Sartorias, Vincenzo... or should I say, Vincarion," malamig niyang saad.

Bahagya siyang natawa bago dahan-dahang lumapit sa kapatid.

"Even if you are the rightful heir, anong magagawa niyan, kung sa paningin ng mga tao, ako ang karapat-dapat na mamuno?"

Malakas na tumawa si Vincenzo kahit duguan at hirap na hirap na ang kaniyang katawan.

"What did you ever do for the people, Lurtheron?" malamig niyang tanong habang nakangising nakatingin sa kapatid.

"Pray for them to the Great Goddess?"

Bahagya siyang napailing habang duguang pinupunasan ang kaniyang labi.

"You devoted your entire life to the Holy Cathedral..."

"... while I was the one fighting wars for this Empire."

Ngumisi lamang si Lurtheron habang malamig na nakatingin sa kapatid.

"And look where those wars brought you, brother. The people do not care who fought for them. They only care about who gives them peace. And unlike you... I know how to make them kneel willingly."

Umubo muli ng dugo si Vincenzo at nakangising pinunasan iyon gamit ang likod ng kaniyang kamay.

Habang unti-unting natatalo si Ravoc kay Fenrath sa labas ng Cathedral, ang sakit na natatamo ng Sovereign Spirit ay direktang nararamdaman din ni Vincenzo dahil hiniram niya ang mana ni Ravoc upang ma-summon ito.

Ngunit kahit nanginginig na ang kaniyang katawan sa sakit, nanatili pa rin siyang nakangisi habang nakatitig kay Lurtheron.

"I swear in my name, Lurtheron..."

Unti-unti siyang tumayo habang mabigat ang kaniyang paghinga at nagngangalit ang itim na mana sa paligid niya.

"I will conquer this Empire."

"Even the meaning of my name is to conquer. No wonder the First Emperor, Drakkon Vykar de Erenhal, personally named me that."

Unti-unting nanlilisik ang kaniyang pulang mga mata.

"And just like him... I will conquer this continent and reclaim everything that rightfully belongs to me."

Kumunot ang noo ni Lurtheron habang tila natigilan sa sinabi ni Vincenzo.

Paanong ang First Emperor ang nagbigay ng pangalan sa kaniya...?

Drakkon Vykar de Erenhal is known to have died centuries ago... unless...

Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata.

Is he perhaps...?

Ngumisi si Vincenzo nang makita ang reaksyon ng kapatid.

"It seems you are quite shocked, my dear brother," malamig niyang saad habang duguan pa rin ang kaniyang katawan. "Very well then... I shall explain everything to you."

Unti-unti siyang tumingin sa lahat ng maharlikang naroroon sa loob ng Holy Cathedral.

"And let the entire continent hear the truth."

Nanatiling seryoso ang ekspresyon ni Lurtheron habang tahimik na nakikinig.

"I, Vincarion Cenzo de Erenhal Vacardi, and Cayena Mori Vacardi, are the grandson and granddaughter of the First Emperor, Drakkon Vykar de Erenhal... and the late Marchioness Lisarandra from our mother's side."

At sa harap ng buong Holy Cathedral, sinimulang i-kwento ni Vincenzo ang katotohanan. Kung paano dumadaloy sakanila ang sinaunang dugo ng Erenhal. Kung paano itinago ni Luthor ang kanilang tunay na pagkatao.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ng lahat ng maharlikang naroroon.

"What?!"

"The First Emperor's grandchildren?!"

"No wonder his mana is monstrous..."

"So that is why he possesses the Blood of Old Erenhal!"

Napaatras maging ang ilang Cardinal habang nanginginig na nakatingin kay Vincenzo.

"Then that means..."

"The First Emperor is still alive?!"

"Does the entire Erenhal bloodline still exist?!"

"Answer us, Crown Prince!"

Ngunit hindi na sila sinagot ni Vincenzo, sa halip ay umubo siyang muli ng dugo dahilan upang mapatukod siyang muli sa kaniyang itim na espada.

Unti-unti niyang itinaas ang tingin patungo sa labas ng Holy Cathedral kung saan tuluyan nang napabagsak ni Fenrath si Ravoc.

Nanlalamig ang kaniyang pulang mga mata habang tahimik na pinagmamasdan ang kaniyang Sovereign Spirit.

"Ravoc..." mahinang sambit niya sa kaniyang isipan.

"Go back to my dimension, now."

Bahagya siyang ngumisi kahit duguan ang kaniyang labi.

"Thanks, buddy."

Mas lalong umiyak si Rassia nang makita ang kaniyang asawa na sunod-sunod nang bumubuga ng dugo habang hirap na hirap na nakatayo.

"Vincenzo...!" nanginginig niyang sigaw habang pilit kumakawala sa pagkakahawak ng mga Holy Knights.

"Masyado kang maingay, mahal na prinsesa," malamig na saad ng isang Holy Knight na mahigpit na humahawak sa kaniya. "Ito ang nararapat sa iyo."

Sa isang iglap, malakas siyang hinampas ng Holy Knight sa batok dahilan upang mapapikit si Rassia sa sakit at mawalan ng lakas ang kaniyang katawan.

Napahandusay siya at nawalan ng malay habang may dugong dahan-dahang tumulo mula sa kaniyang ilong dahil sa lakas ng pagkakahampas nito.

Nagkatinginan ang dalawang Holy Knights bago bahagyang napatawa ang isa.

"Mabuti na lamang at may Holy Chain ang demonyong prinsesang ito."

"Kundi... baka patay na tayong lahat ngayon."

Nang makita iyon nina Cesare at Vincenzo, tila lalong nagngalit ang kanilang mga kalamnan sa matinding galit.

Nanlilisik ang kanilang mga mata habang pinagmamasdan si Rassia na nawalan ng malay sa kamay ng mga Holy Knights.

Ngunit dahil sa sobrang pagod, sugat, at pagkaubos ng kanilang mana, pareho lamang silang napaluhod sa sahig.

"Pagsisisihan ninyo ang lahat ng ito!" galit na sigaw ni Vincenzo habang nakaluhod sa sahig at mahigpit na nakahawak sa kaniyang itim na espada.

Nanlilisik ang kaniyang pulang mga mata habang nanginginig ang kaniyang katawan sa sobrang galit.

"I will remember every single face standing in this Cathedral today. Every noble who watched. Every knight who laid their hands on her. Every person who chose to side against us."

"... And when the day comes that I take back this Empire, I will make all of you kneel beneath my feet and beg for the mercy you never showed my wife."

Mabilis na napatingin si Vincenzo sa isang babaeng tahimik na nagtatago sa gilid ng Holy Cathedral habang pinagmamasdan si Lurtheron.

Mas lalong pumula ang kaniyang mga mata bago siya dahan-dahang ngumisi.

"Lurtheron..." malamig niyang sambit habang nakatitig sa babae.

"I know there is someone you care about."

Unti-unti siyang tumawa kahit duguan ang kaniyang labi.

"And now, I want you to feel exactly what I have felt today."

Nanlaki ang mga mata ni Lurtheron nang biglang iangat ni Vincenzo ang kaniyang duguang kamay at gumawa ng simbolo gamit ang kaniyang itim na mana.

Sa isang iglap, mabilis na gumapang ang madilim na enerhiya sa sahig na tila buhay na anino bago tuluyang kumapit sa katawan ng babae.

"W-What is this?!" nanginginig na sigaw ng babae habang unti-unting bumabalot ang itim na marka sa kaniyang leeg.

Ngumisi lamang si Vincenzo habang malamig na nakatingin kay Lurtheron.

"A curse."

"Every time you touch her with your holy mana, the curse will slowly consume her life force."

Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Lurtheron.

"You bastard-!"

Bahagyang natawa si Vincenzo habang duguang tumutulo ang kaniyang labi.

"Now tell me, brother... how does it feel to watch someone precious suffer right before your eyes?"

"Not only that, Lurtheron..." malamig na dagdag ni Vincenzo habang nanlilisik ang kaniyang pulang mga mata.

Unti-unti siyang ngumisi habang nakatingin sa babaeng nanginginig sa takot.

"The more you use your holy power... the deeper the curse will sink into her soul."

"And one day... she will begin to fear your touch. She will suffer because of the very power you are most proud of."

Mabilis na nawala ang pangatlong mata sa noo ni Lurtheron kasama ng kaniyang Soul Weapon nang marinig niya ang sinabi ni Vincenzo.

Sa isang iglap, mabilis siyang sumugod kay Vincenzo at marahas na sinakal ito sa leeg. Malakas na bumangga sa sirang pader ng Cathedral si Vincenzo habang mahigpit na nakahawak si Lurtheron sa kaniyang leeg.

Nanlilisik ang mala-putil nitong mga mata habang nagngangalit ang kaniyang banal na mana.

"You dare curse her?!" galit na sigaw ni Lurtheron na ikinagulat maging ng mga maharlika at Holy Knights dahil ngayon lamang nila nakita ang ganitong emosyon mula sa kaniya.

"You dare drag an innocent person into our conflict?!"

Marahas niyang ibinalibag si Vincenzo sa sirang haligi ng Cathedral dahilan upang mas lalo itong umubo ng dugo.

Mabigat ang kaniyang paghinga habang galit na nakatitig sa kapatid.

"She has nothing to do with this war! She has nothing to do with the throne, the prophecy, or the blood of Erenhal!"

Unti-unting naglabasan muli ang nakakasilaw na banal na liwanag sa paligid ni Lurtheron habang nagngangalit ang kaniyang mana.

"So remove that curse right now, Vincenzo... before I completely forget that you are still my brother."

Malakas na tumawa si Vincenzo kahit hirap na hirap na siyang huminga bago niya marahas na itinulak si Lurtheron palayo sa kaniya.

Agad namang dali-daling pinuntahan ng mga maharlika at Holy Knights ang babaeng nilagyan niya ng sumpa habang bakas ang takot sa kanilang mga mukha.

"Oh, dear brother..." duguan ngunit nakangising saad ni Vincenzo habang pinupunasan ang dugo sa kaniyang labi.

"Love made me crazy."

Unti-unti siyang tumayo habang nanlalamig ang kaniyang pulang mga mata.

"The moment you laid your hands on my wife... the moment you revealed our true blood to the continent... and the moment you dragged Cayena into this mess,"

"I already forgot that you were my brother."

Umiling lamang si Vincenzo habang malamig na tinitingnan si Lurtheron mula ulo hanggang paa.

"You brought this upon yourself, Lurtheron," mababa ngunit puno ng galit niyang saad.

"This is all your fault. Why do you think that lady is cursed right now? Why do you think she is suffering?"

Unti-unti siyang lumapit habang nanginginig pa rin ang kaniyang katawan sa pagkaubos ng mana.

"Because you chose this path. You chose the Cathedral over your own blood. You chose power over your family. And you chose to hurt the woman I love in front of me."

Mas lalong nanlilisik ang kaniyang pulang mga mata.

"So tell me, dear brother... Do you finally understand what I felt while watching Rassia suffer? Do you understand the helplessness? The rage?"

"... The desperation of wanting to protect someone precious while everyone around you tears them apart?"

Bahagya siyang natawa habang puno ng poot ang kaniyang tingin.

"You wanted me to become a monster. So congratulations, Lurtheron. You finally created one."

"Do you even hear yourself anymore?!" galit na sigaw ni Lurtheron habang marahas na nagngangalit ang banal na mana sa paligid niya.

"You claim that I destroyed this family... that I betrayed our blood... But you are the one standing here covered in darkness, cursing innocent people because you cannot control your rage!"

Mabilis niyang itinulak si Vincenzo dahilan upang muli itong mapatukod sa kaniyang espada.

"You think suffering gives you the right to become cruel?! You think pain excuses everything you have done today?!"

Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang mabigat ang kaniyang paghinga.

"Look around you, Vincenzo! The Cathedral is in ruins! The nobles and people are terrified! People are dying because of your madness!"

Unti-unti siyang nanginginig habang pilit pinipigilan ang galit sa kaniyang boses.

"And the worst part... you are becoming exactly what the continent fears the most."

Bahagya siyang natawa ngunit puno iyon ng galit.

"A monster consumed by the cursed blood of Erenhal."

Malamig lamang na nakatingin si Vincenzo sa kapatid habang tahimik na pinakikinggan ang galit nitong sigaw. Ngunit sa likod ng kaniyang pulang mga mata, ay matinding pagod at lungkot.

If you had only devoted your life to the Cathedral and minded your own business, Lurtheron... none of this would have happened.

Dahan-dahan niyang kinuyom ang hawakan ng kaniyang itim na espada.

We could have lived freely.

You as the Cardinal Prince of the Holy Cathedral...

And me as the Crown Prince of this Empire.

Bahagya siyang napapikit habang dumadaloy ang dugo mula sa kaniyang labi.

Father would still be alive. Rassia would never have been dragged into this mess.

And we would have never stood here trying to kill each other like enemies.

Unti-unti siyang muling dumilat at malamig na tumitig kay Lurtheron.

But you chose power. You chose the throne. So do not blame me for becoming like this, brother.

Nanginginig na napatingin muli si Lurtheron sa babaeng hirap nang huminga habang unti-unting lumalalim ang itim na sumpa sa kaniyang balat.

"I will fucking kill you right now, Vincenzo!" galit niyang sigaw habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.

Nanlaki ang mga mata ng mga maharlika at ng mga kawal nang makita ang galit ni Lurtheron.

What is happening to Prince Lurtheron...?

This is the first time I have ever seen rage on his face...

He truly intends to kill the Crown Prince now...

Doomed siblings...

The two princes of Erenhal Sartorias were once admired by the entire continent... Yet now, they stand here destroying each other for the people they cared the most.

The Imperial Family of Erenhal Sartorias has completely fallen apart.

Malamig na tinitigan ni Vincenzo ang galit na galit na kapatid habang tahimik na dumadaloy ang dugo mula sa kaniyang labi.

Lurtheron... I wonder how you became like this. You used to hate violence more than anyone. You were the one who always preached about peace... mercy... and the teachings of the Great Goddess.

Perhaps...

Love truly makes monsters out of all of us.

Inagaw ni Lurtheron ang espada ng isang kawal at akmang sasaksakin si Vincenzo nang biglang napatingin silang lahat sa labas ng Holy Cathedral.

Mabilis na yumanig ang paligid dahil sa pagdating ng panibagong hukbo ng Imperial Knights.

Naroon ang kanang kamay ng Late Emperor Luthor.

Naroon din ang dalawampung konseho ng Imperyo.

At sa gitna ng lahat ng iyon...

Ay isang matandang lalaking nakasuot ng marangyang gintong baluti at may lion sigil.

Nanlaki ang mga mata ni Cesare nang makita ang katabi ng Empress.

"Father..." mahinang sambit niya habang tila nanlamig ang kaniyang katawan.

Tahimik na bumaba mula sa kabayo ang matandang lalaki habang malamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Kasabay niyon ay lumapit ang isang kawal na may hawak na imperial scroll. Mabilis nitong binuksan ang kautusan bago malakas na nagsalita.

"The Archduke of House Quentin, Cesare Fuegoleon Quentin has officially lost his title by order of the Imperial Council!"

Mabilis na nanlaki ang mga mata ng mga Commander ng Quentin.

"The Four Commanders and Knights of House Quentin, lower your swords. You now serve your new master."

"Galsarius Constanciandro III Quentin has reclaimed his title as the rightful head of House Quentin."

Muling binuksan ng kawal ang Imperial Scroll habang bumibigat ang katahimikan sa buong Holy Cathedral.

"By the order of the Imperial Family, the Holy Cathedral, and the Twenty Councils of the Empire... Cardinal Prince Lurtheron Azul Vacardi is hereby declared as the new Emperor of the Erenhal Sartorias and the Seven Kingdoms."

Mabilis na lumuhod ang ilang maharlika at Imperial Knights nang marinig iyon.

"All hail His Imperial Majesty, Emperor Lurtheron Azul Vacardi!"

Tumaas ang kilay ni Megan nang makitang galit na galit si Lurtheron habang nakatingin sa babaeng may sumpa ni Vincenzo na nahihirapan pa ring huminga.

Oh... I thought you liked the former Crown Princess, Lurtheron. So there is someone else who truly owns your heart.

Nagpatuloy ang kawal at pasimpleng tumingin sa lapastangang si Vincenzo.

"Former Crown Prince Vincenzo Amadeus Vacardi also known as Vincarion Cenzo de Erenhal Vacardi.

.. has officially been stripped of all imperial titles and authority for treason, the use of forbidden dark magic, summoning infernal spirits inside the Holy Cathedral, and rebellion against the Empire. "

Mabilis na nanlaki ang mga mata ng ilang maharlika habang mahigpit na kinukuyom ni Cesare ang kaniyang kamay.

"Princess Cayena Mori Vacardi, who also carries the blood of the Old Erenhal, shall likewise receive punishment for concealing the truth of her lineage from the Empire."

"Former Crown Princess Rassia Saint Quentin... the woman carrying the blood tied to the prophecy of disaster and a demon... is hereby sentenced alongside the traitors, Vincenzo and Cayena."

Habang nagsasalita ang kawal, ang iba pang makapangyarihang Imperial Knights ay agad na lumapit kina Vincenzo, Cesare, at Rassia upang tuluyan silang dakpin.

Dahil sa sobrang pagkaubos ng kanilang mana at lakas, wala na silang nagawa nang tuluyan silang mapaligiran. Mabilis na ikinadena ng mga Holy Chains sina Vincenzo at Cesare upang tuluyan silang mawalan ng kakayahang lumaban.

Maging si Rassia na mayroon ng Holy Chains na wala pa ring malay ay mahigpit ding ikinadena ang mga kamay nito.

Nanlilisik ang mga mata ni Vincenzo habang pilit niyang nilalabanan ang mga kawal na humihila sa kaniya, ngunit muli lamang siyang napaluhod nang tumunog muli ang kampana ng Holy Cathedral.

Samantala, si Cesare ay tahimik lamang na yumuko habang duguan ang kaniyang katawan at bakas sa kaniyang mukha ang pagkatalo.

"And Former Archduke, Cesare Fuegoleon Quentin, for the murder of His Holiness Pope Theodoro, rebellion against the Imperial Family, and aiding the traitors, shall also receive punishment."

Mas lalong bumigat ang katahimikan sa loob ng Holy Cathedral.

"By the decree of the Imperial Council, their punishment shall take place one week from now before the entire continent as a warning to all who dare oppose the Empire."

Bahagyang ngumisi si Megan habang dahan-dahan siyang lumalapit sa babaeng hirap na hirap nang huminga dahil sa sumpa ni Vincenzo.

"My, my... Lady Hera Hope Castellan seems to have been cursed by a dark mage," malamig niyang saad habang nakatingin kay Vincenzo.

"Use of forbidden dark curses, assault against a noble lady of the Empire, and endangering the life of Lady Hera Hope Castellan should certainly add more crimes to the former Crown Prince. "

Taas-noong tumingin si Megan kay Lurtheron bago siya malakas na ngumisi.

"Long live the new Emperor of this Empire, Lurtheron Azul Vacardi!" malakas niyang sigaw na umalingawngaw sa buong Holy Cathedral. "Ang karapat-dapat na mamuno sa Imperyong ito!"

"Long live the Emperor!" malakas na tugon ng mga maharlika, mga kawal at ng mga miyembro ng Holy Cathedral.

Ngumisi si Megan habang malamig na tumitingin kina Vincenzo, Rassia, at Cesare na nakagapos sa Holy Chains.

Samantala, si Cesare ay tahimik lamang na nakatingin sa kaniyang ama habang bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagkabigo at sakit.

Sa kabilang banda, malungkot namang nakatingin ang mga Quentin Knights kina Vincenzo, Cesare, at Rassia habang sila ay nakagapos sa Holy Chains.

Lalo na ang apat na Commander Knights ng House Quentin.

Tahimik silang nakatingin kay Rassia na wala pa ring malay habang may bakas ng dugo sa kaniyang mukha.

Mahigpit nilang kinukuyom ang kanilang mga kamao ngunit wala ni isa sa kanila ang makapagsalita.

Dahil alam nilang mula sa sandaling ito, hindi na nila maaaring protektahan ang kanilang prinsesa.

Once revered as the Empire's brightest family... now stood in chains, abandoned by the very people who once swore loyalty to them.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.