CHAPTER 54
In the Capital
Matapos ang gabing iyon, kasalukuyang dinadala sina Vincenzo, Rassia, Cesare, at Cayena patungo sa Imperial Dungeon kung saan sila ikukulong hanggang sa araw ng kanilang kamatayan.
Mahigpit silang nakagapos at nakakadena ng Holy Chains habang sakay ng magkakahiwalay na karwahe. Magkakaiba ang direksyong tinatahak ng bawat karwahe habang napapalibutan sila ng Imperial Knights upang iparada sila sa iba't ibang bahagi ng Imperyo.
Si Cesare ay blanko lamang ang ekspresyon habang tahimik na nakatanaw sa labas ng karwahe. Maging si Vincenzo ay malamig lamang ang tingin habang nakagapos ang kaniyang mga kamay sa Holy Chains.
Samantala, si Cayena ay tahimik na umiiyak habang pilit pinakikinggan ang mga sigaw ng taumbayan sa kanilang dinadaanan. Si Rassia naman ay wala pa ring malay habang duguan at nakahiga sa loob ng karwahe.
"Traydor!"
"Halimaw!"
"Dapat sa iyo ay sunugin nang buhay!"
"Burn the demon princess!"
May ilan ding naghagis ng putik, bato, at bulok na pagkain sa mga karwaheng kanilang sinasakyan habang patuloy ang galit na sigawan ng mga tao.
"Long live Emperor Lurtheron!"
"Salot sa Imperyo!"
"Hindi kayo karapat-dapat sa trono!"
"Death to the traitors!"
The same people they protected during wars, famines, and disasters, The citizens they once saved with their own blood and sacrifices, were now the same people screaming for their execution.
Not a single voice defended them. Not a single hand reached out to save them.
Only hatred, fear, and condemnation remained as the people watched the fallen heroes of the Empire being dragged away in chains like criminals.
Napapikit na lamang si Vincenzo habang pinakikinggan ang galit na sigawan ng buong Imperyo sa labas ng karwahe. Mahigpit na kumalansing ang Holy Chains sa kaniyang mga kamay at leeg habang dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang ulo.
I don't have regrets... protecting you, Rassia. Even if the entire continent calls me a monster, even if history remembers me as a traitor...
If it was for you...
Then I would still choose the same path all over again.
I can't blame the people either... they only believed the truth the Empire showed them.
To them, we became traitors, monsters, and disasters meant to destroy the continent.
After all, people will always fear what they cannot understand.
.. and perhaps this is simply the price of loving you more than I ever loved the Empire itself.
Samantala, sa Drazoneya, ang lupain ng mga dragon, umugong ang buong bundok nang sabay na maramdaman ng mga dragon ang matinding panganib na kinakaharap ng kanilang master.
Mabilis na iminulat ni Razareth ang kaniyang naglalagablab na gintong mga mata habang marahas itong bumuga ng apoy dahilan upang manginig ang buong kabundukan.
Kasabay niyon, si Dragoroth ay dahan-dahang tumayo mula sa napakalaking bangin na kaniyang hinihigaan habang nanlilisik ang mapupulang mata nito.
Ang napakalawak nilang dragon mana ay agad kumalat sa buong Drazoneya.
The dragons had sensed it.
Their master was suffering.
Mabilis na nagwala si Razareth habang marahas nitong winawasak ang ilang bahagi ng kabundukan sa sobrang galit.
Nagliyab ang buong paligid sa bawat paghinga nito habang patuloy na umugong ang nakakabinging dagundong ng kaniyang mana.
Mabilis namang lumapit ang kaniyang mate na si Dragoroth habang bakas din ang matinding tensyon sa mapupula nitong mga mata.
"Do you sense it too, Razareth?!" malalim nitong ungol habang nanginginig ang buong lupa sa lakas ng dragon mana nito.
Mabangis na umungol si Razareth at marahas na ibinagsak ang kaniyang buntot dahilan upang mabiyak ang lupa.
"Ang koneksyon ko kay Rassia... she is suffering!"
"Hindi ito maaari!" galit na sigaw ni Razareth habang nanlilisik ang kaniyang gintong mga mata.
"No one is worthy enough to place my master in chains!" ani Dragoroth.
Kasabay niyon, isa-isang naglabasan ang iba pang sinaunang dragon mula sa kanilang mga pugad habang umaalingawngaw ang kanilang galit na mga ungol sa buong lupain.
Ang kalangitan ay unti-unting nagdilim. Malalakas na kidlat ang kumislap sa itaas ng Drazoneya.
Ang gintong, puti, at asul na dragon ay marahang umungol habang lumalapit at tumatabi kay Razareth.
Maging ang ibang sinaunang dragon ay tila natahimik at sabay-sabay na napatingin sa pinakadulong bahagi ng Drazoneya.
Naroon ang pinakamalaking dragon sa kanilang lahat.
Ang tunay na pinuno ng mga dragon.
Ang napakalaking itim na dragon na ang katawan ay tila sapat upang takpan ang buong kabundukan.
Mabilis na lumapag ang gintong dragon sa tabi nina Razareth at Dragoroth habang marahang umaalon ang nagliliwanag nitong gintong kaliskis.
Kasunod nito ay ang puting dragon na may malamig na asul na mga mata at ang dambuhalang asul na dragon na tila kontrolado maging ang hangin sa paligid.
Tahimik nilang pinagmasdan si Razareth na patuloy na naglalagablab sa galit.
"Calm yourselves, Razareth, Dragoroth." malalim na sambit ng puting dragon habang nakatitig rito.
"Your flames are shaking the entire Drazoneya." ani ng asul na dragon.
Mabangis namang umungol si Razareth.
"How can I remain calm?!" galit nitong sagot. "My master is suffering!"
Napabuntong-hininga ang asul na dragon habang dahan-dahang itiniklop ang napakalaki nitong pakpak.
"Dragoroth," ani Razareth na tila lumambot ang boses habang tumitingin sa itim na dragon.
"You feel it too, don't you?"
Mabigat na tumango si Dragoroth habang nanlilisik ang mapupula nitong mga mata.
"The Holy Chains..." malamig nitong sambit. "I can sense them restricting Master's mana!"
"To think they dared place chains upon the contractors acknowledged by dragonkind!" Dragoroth continued.
"Dragathor might hear the two of you, Razareth and Dragoroth," malamig na sambit ng puting dragon habang nakatingin sa dambuhalang itim na dragon na natutulog sa pinakamalalim na bahagi ng Drazoneya.
"He is still in slumber."
"He once said he would never awaken unless he finally finds the one who named him."
Tahimik na umugong ang mabigat na paghinga ni Dragathor habang nananatiling nakapikit ang napakalalaki nitong mapupulang mata.
Maging ang ibang dragon ay bahagyang natahimik matapos marinig iyon.
Para sa mga dragon, si Dragathor ang pinakamalakas at pinakamatandang nilalang sa buong Drazoneya.
Siya rin ang pinakamalaki sa kanilang lahat.
Ang kaniyang napakalaking katawan ay tila sapat upang takpan ang buong kabundukan habang ang simpleng paghinga nito ay kayang magdulot ng pagyanig sa buong lupain.
Siya ang dragon kung saan nagmula ang lahat. The origin of dragonkind itself.
Dahil ayon sa mga sinaunang alamat ng Drazoneya, ang unang dugo ng mga dragon ay nagmula mismo kina Dragathor at sa isa pang dambuhalang pulang dragon na minsang namuno sa kalangitan kasama nito.
Ngunit ang pulang dragon na iyon ay matagal nang namatay matapos humina ang puso nito sa paglipas ng panahon.
Si Razareth at Dragoroth ang siyang nagmana ng mga kulay ng sinaunang dragon kung saan nagmula ang buong dragonkind.
Taglay ni Razareth ang gintong apoy at presensya ng sinaunang pulang dragon na minsang namuno sa kalangitan kasama ni Dragathor.
Samantala, minana naman ni Dragoroth ang itim na kaliskis at napakalalim na dragon mana ng dakilang pinuno ng Drazoneya.
Dahil dito, kinilala silang dalawa ng buong dragonkind bilang prinsesa at prinsipe ng mga dragon.
Hindi lamang dahil sa kanilang lakas, kundi dahil sila ang pinakamalapit na anyo sa mga sinaunang dragon na pinagmulan ng kanilang lahi.
Nagbuntong-hininga si Razareth bago marahas na ikinampay ang napakalaki nitong pakpak at lumipad patungo sa himpapawid.
Agad napatingala ang lahat ng dragon habang pinagmamasdan ang naglalagablab nitong mana na tila nagbibigay-liwanag sa madilim na kalangitan ng Drazoneya.
Kasunod nito ay si Dragoroth na mabilis ding lumipad at pumuwesto sa likuran ni Razareth habang malamig na nakatingin sa napakaraming dragon.
"Bilang prinsesa ng mga dragon..." malamig na sambit ni Razareth habang nakatingin sa puti at gintong dragon.
"Aking mga kaibigan, inuutusan ko kayong sumama sa amin. Our masters are suffering in the hands of humans."
Marahas na nagliyab ang gintong apoy sa paligid nito habang nanlilisik ang mga mata nito sa galit.
Sandaling natahimik ang buong Drazoneya bago dahan-dahang ngumisi si Dragoroth sa likuran nito.
"Apat lamang tayo ay sapat na, dahil ang isang dragon pa lamang... ay kaya nang sumira ng isang kaharian."
Pagkatapos ay dahan-dahan nitong ibinaling ang tingin sa asul na dragon.
"Hinding-hindi ka namin maaaring isama, dahil alam nating lahat na ikaw ang pinakamalupit sa ating lahat."
Bahagyang ngumisi si Razareth matapos marinig iyon habang ang ibang dragon ay tila napapailing na lamang.
Naalala ko noong mga bata pa kami at kakalabas pa lamang namin sa mga itlog, tumakas kami noon mula rito sa Drazoneya at nagtungo sa mga kaharian ng kontinente ng Adamiyan. Wala pa kaming muwang noon at sinunog namin ang ilang kaharian habang naglalaro lamang.
At sa aming lahat, si asul na dragon ang pinakamaraming nasunog na kaharian.
Tiyak na magagalit si Rassia kapag marami kaming nasaktang inosente.
"Humayo na tayo at umalis!" malakas na sigaw ni Dragoroth habang marahas nitong ikinampay ang napakalaki nitong pakpak.
"Maaaring may masama nang nangyari sa kanila! madadaanan pa natin ang Atoresa bago makarating sa kabisera!" ani Razareth.
"Mahigit apat na araw pa ang aabutin natin!"
Mabilis na lumipad ang apat na dragon patungo sa kalangitan habang malakas na umugong ang buong Drazoneya dahil sa lakas ng kanilang mga pakpak.
Ngunit bago pa tuluyang makaalis ang apat, biglang humarang sa kanilang daraanan ang asul na dragon. Tahimik itong nakatingin kina Razareth at Dragoroth.
"Mag-iingat kayo, aking mga kaibigan. Ang inyong mga master ay hindi ligtas sa sarili nilang lupain, paano pa kaya kayong mga dragon na matagal nang kinatatakutan ng mga kontinente?
Kapag nasilayan ng mga tao ang apat na sinaunang dragon na sabay-sabay na lumilipad patungo sa Imperyo.
.. tiyak na iisipin nilang kapahamakan ang dala ninyo. "
After that, the four dragons spread their enormous wings and soared into the skies once more.
Razareth led the way, golden flames blazing around her massive body as she flew toward the direction of the Empire.
Dalawang araw na ang lumipas simula nang mangyari ang madugong labanan sa Holy Cathedral.
Sunod-sunod na balita ang kumalat sa buong kontinente ng Vermeleyon, mabilis na kumakalat sa bawat kaharian, lungsod, at noble houses na tila apoy na walang makakapigil.
Takot at pagkabigla ang bumalot sa mga tao sa bawat rebelasyon na lumalabas.
Rassia Saint Quentin is declared a demon by Imperial decree, sparking widespread fear and outrage across The Grand Empire of Erenhal Sartorias!
Vincenzo Amadeus Vacardi and Cayena Mori Vacardi are confirmed to carry the blood of Old Erenhal!
They are revealed to be the grandson and granddaughter of the First Emperor, Drakkon Vykar de Erenhal and The Late Marchioness Lisarandra Amorselapios!
The late Marchioness Lisarandra Amorselapios is confirmed to be the reincarnation of the First Empress, Elizabeta Eve de Erenhal, as declared by the traitor prince!
The late Marchioness Lisarandra, the mother of the Late Empress Shanaya Quin Vacardi cheated!
The execution order has been officially confirmed for former Crown Prince Vincenzo Amadeus Vacardi, whose true identity is revealed to be Vincarion Cenzo de Erenhal Vacardi, alongside Princess Cayena Mori Vacardi, former Crown Princess Rassia Saint Quentin, and former Archduke Cesare Fuegoleon Quentin!
The Late Emperor Luthor Maximillian Vacardi and Late Empress Shanaya Quin Vacardi are accused of concealing the truth, as revelations claim that The Late Empress Shanaya Quin Vacardi herself carries the Erenhal blood!
Rumors now spread that the entire bloodline of Old Erenhal still exists!
And the question remains... where is the First Emperor hiding, Drakkon Vykar de Erenhal?
Are the remaining nine rulers still alive?!
The vampires still exist?! The long believed to be extinct in the Continent of Vermeleyon!
Sa bawat lokal na pamilihan sa buong Vermeleyon, hindi na ang ingay ng kalakal ang nangingibabaw kundi ang kaluskos ng mga diyaryo at bulong ng mga taong nagkakagulo sa nababasang balita ang namayani.
"Ang mga Erenhal... buhay pa pala talaga ang dugo nila? Hindi na ako magtataka dahil sila ang pinakamakapangyarihan sa kontinenteng ito sa kapanahunan nila..."
"Hindi ba't matagal na silang pinuksa nina Aurelius Quentin at Beaumont Vacardi?"
"Hindi ako makapaniwala na isang traydor ang mahal na Prinsipe Vincenzo... isa pa naman ako sa mga humahanga sa kaniyang galing sa pakikipagdigma."
"Nakakapangilabot... marami pa namang nagsasabi na masama ang mga bampira. Ang iba naman sa sabi-sabi ay mababait daw sila, hindi ko na alam ang paniniwalaan ko."
"Mga traydor silang lahat!"
"Dapat lang silang parusahan!"
"Mas mabuti nang mawala sila kaysa magdala pa sila ng kaguluhan..."
"Huwag kayong magsalita nang ganyan... hindi natin alam ang buong katotohanan."
Sa kabilang banda, isang lalaking may bigote ang tahimik na nagsindi ng kaniyang tabako habang nakikinig sa usapan ng mga tao sa palengke.
"They are the highest form of royal blood after all," malamig niyang sambit habang dahan-dahang binubuga ang usok.
"Hindi sila simpleng alamat na pinalaki ng takot ng mga tao... kung buhay man ang mga bampira, ibig sabihin lamang niyan, may mga bagay sa kasaysayan na sadyang itinago sa atin."
"Ang mga bampira naman talaga ang naninirahan sa kontinenteng ito noon pa man... pinagsama lamang ng Dakilang Diyosa ang mga bampira at mga tao upang maging mapayapa at magkaisa ang dalawang lahi,"
"Ngunit ang mga purong-dugong bampira ay naging mapang-abuso at sakim... Matapos parusahan ng Dakilang Diyosa ang mga purong-dugong bampira, hindi rin maaaring ang mga tao ang maghari-harian noon, dahil gaya ng mga bampira, sakim din ang mga tao."
"Mabuti na lamang at ang mga Erenhal ay nanatiling balanse sa pagitan ng dalawang lahi, hindi ganap na nilamon ng kapangyarihan ng bampira, at hindi rin nagpadala sa kasakiman ng mga tao." bumuga siya muli ng usok.
"Kaya't naniniwala akong ang mga Erenhal ay karapat-dapat na mamuno muli sa kontinenteng ito... kung tunay ngang sila ay nabubuhay pa."
"Masyado ka yatang maraming alam, Bigote," natatawang sabi ng lalaking katabi ng lalaking may bigote habang iniaayos ang hawak niyang mga pinamili.
Bahagyang ngumisi ang lalaking may bigote ngunit hindi ito sumagot agad, nananatiling nakatingin sa nagkakagulong palengke.
"Tama ka... maraming kwento ang nabulok sa lupa. At ang mahal na Prinsipe Vincenzo naman, kahit isa siyang Erenhal, ay kilala sa kabutihan niya. Kailanman ay hindi siya nagpakita ng kasakiman o kalupitan na gaya ng inaasahan ng iba sa kanyang dugo."
The people held divided opinions, their voices splitting across streets and markets as fear, anger, and doubt clashed over the fate of Vincenzo and the others, some demanding execution for the traitors, while others questioned the truth behind the accusations and the justice of the Empire's judgment.
Maging ang mga maharlika ay nahati rin, hati ang kanilang mga paniniwala. May ilan na lantaran ang suporta sa pagparusa sa mga traydor, habang ang iba naman ay pinipiling umiwas at ayaw nang makisali sa lumalalim na kaguluhan sa loob ng Imperyo.
Samantala, sina Vincenzo, Cayena, at Rassia ay nakagapos sa kani-kanilang magkakahiwalay na kulungan sa loob ng Imperial Dungeon.
Nagngangalit naman sa galit ang bagong Emperor na si Lurtheron Azul Vacardi sa loob ng Imperial Office ng palasyo.
Marahas nitong ibinagsak ang ilang dokumento sa sahig habang nanlilisik ang malamig nitong mga mata.
"What do you mean he escaped?" matalim nitong sambit ngunit nanataling pa ring kalmado ang postura nito. Ngunit ramdam ng lahat ang galit nito dahilan upang manginig sa takot ang mga kawal at maharlikang nasa loob ng opisina.
Yumuko ang isa sa mga commander ng Imperial Knights habang mabigat ang ekspresyon nito.
"Ayon sa ulat ng mga Imperial Knights, Your Majesty.
.. the former Archduke escaped and was rescued by unknown individuals.
Lahat sila ay nakasuot ng pulang cloaks at maskara kaya hindi namin makita ang kanilang mga mukha.
Kakaiba ang kanilang galaw sa pakikipaglaban.
They moved like trained assassins. At bago sila tuluyang mawala.
.. isa sa kanila ang nag-iwan ng simbolo ng pulang phoenix sa mga bangkay ng mga Imperial Knights. "
Nagkatinginan ang mga maharlika mula sa iba't ibang high noble houses matapos marinig ang ulat.
Unti-unti ring napalingon ang kanilang mga tingin kay Galsarius, ang bagong Archduke ng House Quentin.
Tahimik lamang itong nakaupo habang hindi mabasa ang ekspresyon nito.
Samantala, malamig na tumitig ang kanang kamay ni Lurtheron kay Galsarius habang bahagyang sumikip ang kaniyang tingin. Tila sinusubukan nitong basahin kung ano ang tunay na nasa isip ng bagong Archduke.
Dahan-dahang nagsalita ang kanang kamay ng emperador habang sinusuri ang ekspresyon nito.
"I hope there are no traitors and spies hiding within this Imperial Office... right, Archduke Galsarius? It would be unfortunate if someone within the Empire were secretly feeding information to the escaped Archduke while pretending to remain loyal to His Imperial Majesty."
Kumunot ang noo ni Galsarius habang malamig nitong tinitigan ang kanang kamay ni Lurtheron matapos marinig ang tila patagong paratang nito.
Bahagyang bumigat ang tensyon sa loob ng Imperial Office habang tahimik lamang na nagmamasid ang ibang maharlika.
Samantala, ang Empress ay bahagyang ngumisi at umiling na lamang habang dahan-dahang umiinom ng kaniyang kape mula sa R Atelier Café.
"Right Hand Solomon," malamig na sambit ni Galsarius habang matalim na nakatingin dito.
"I am not here to entertain baseless suspicions and childish accusations."
"Kung nais kong pagtaksilan ang Imperyo... matagal ko na itong nagawa. At higit sa lahat, hindi ninyo kailanman mahahawakan ang aking apo." taas noo nitong sambit.
"Ang House Quentin ay hindi lamang pangalan sa kasaysayan, dahil sa likod nito ay isang hukbong mas malaki at mas tahimik kaysa sa inaakala ninyo, isang puwersang sapat upang yumanig sa buong Imperyo kung gugustuhin namin."
Tumingin si Galsarius kay Lurtheron, malamig at mabigat ang kaniyang tingin.
"I know you are aware of this, Your Imperial Majesty. Chaos will spread across this continent the moment House Quentin turns its back on you."
Muling tumingin si Galsarius sa lahat ng naroroon, mas mabigat at mas malamig ang kaniyang ekspresyon.
"I choose peace, and I choose this Empire, even if my own family is punished in the process. It is indeed unacceptable to harbor a demon, a vampire, and traitors within the heart of the Empire."
Cesare, what you did is unacceptable, even I myself cannot defend it. No matter the reason behind your actions, you have crossed a line that even House Quentin cannot ignore.
I can't let you bring House Quentin into the grave with you.
Ngumiti ang Empress Dowager na si Megan kay Galsarius.
"The Archduke Galsarius is still the same... a neutral leader."
Tumingin si Lurtheron kay Galsarius, mabigat ang tingin habang sinusukat ang katahimikan ng matandang Archduke.
Alam niyang kailangan niyang panatilihing tapat ito sa kaniya, dahil ang House Quentin ay isa sa pinakamalalakas at pinakaimpluwensyal na puwersa sa buong Imperyo. Sa isang maling hakbang lamang, maaaring magiba ang balanse ng kapangyarihan sa buong kontinente.
Kaya kahit batid niya ang panganib ng mga salita ni Galsarius... pinili niyang manatiling maingat, kontrolado, at kalmado sa harapan nito.
Tumikhim si Grand Duke Cassius, bago tumingin sa buong Imperial Office na tila sinusuri ang bawat isa.
"Do you have any idea kung bakit nakawala si Cesare, at sino ang tumulong sa kaniya? At kung ganoon... bakit siya lamang ang iniligtas ng mga iyon?" tanong niya sa lahat.
"Mukhang alam ng mga tumulong kay Cesare na ang nagbabantay sa kaniya ay mahina at kakaunti ang pwersa kaya't ito pinuntirya nila." ani ng isang duke.
"My son has a lot of connections... enough to move in the shadows of the Empire without leaving clear traces," tugon ni Galsarius.
"Even I myself don't know who they are, and that is precisely what makes this situation more dangerous than any of you are willing to admit." dagdag nito.
Tumayo si Lurtheron at marahas na inilapag ang kaniyang kamay sa lamesa, dahilan upang bahagyang magulantang ang buong silid.
"Ihanda ninyo ang inyong mga hukbo. Manatili kayong handa sa lahat ng oras. Alam kong ang kaguluhang ito ay magbubunsod ng digmaan."
"I know the day of execution of the traitors will spark a war."
Napatingin si Lurtheron sa labas ng bintana ng Imperial Office, kung saan tanaw niya ang estatwa ng Dakilang Diyosa sa labas.
In the name of the Great Goddess, the Gods who stand beside her, and the Eternal Light that binds the stars.
.. I offer my devotion not as a plea, but as absolute submission to divine will.
If this Empire must burn for order to be restored, then let it burn through my hands.
I will do whatever is necessary, no matter the cost.
The holy Empire I will make is one built upon divine order, where corruption is erased, chaos is sealed away, and every soul exists only to serve the will of the Great Goddess.
A world purified by judgment, guided by faith, and ruled without hesitation or mercy toward those who defy the sacred path.
At upang magawa ko iyon, ang kamatayan ni Rassia, ang itinakda sa propesiya na magdadala ng kaguluhan sa mundong ito, ang Orythea ay dapat nang mapaslang.
Rassia... ako ay labis na nadidismaya na ikaw ay isang demonyo.
Ang mga engkantari at bandido ay tahimik na nakamasid kay Cesare habang ito ay kasalukuyang nagpapahinga at nagpapagaling. Suot pa rin nila ang pulang cloak na ibinigay sa kanila ni Rassia upang agad silang makilala ni Cesare.
Lumapit si Katarina, ang lider ng mga engkantari, nang dahan-dahang umupo si Cesare habang bahagyang dumadaing sa sakit ng mga sugat na natamo.
"Archduke..." mahinang tawag niya, may halong pag-aalala at paggalang.
Tumaas ang kilay ni Cesare habang nililibot ang tingin sa paligid, napagtantong nasa loob sila ng isang liblib na kagubatan na may mga nakatagong kuta, ang teritoryo ng mga lihim na pwersa ni Rassia.
Nagbuntong-hininga siya, tila agad na nakikilala ang sitwasyon at ang mga taong nasa harap niya.
"Why am I the only one you rescued? Where is my daughter?" malamig na saad nito.
Lumapit naman si Agarus, ang lider ng mga bandido, habang nananatiling seryoso ang ekspresyon.
"You are the only one we could rescue, Archduke. The forces guarding the other three were far stronger than we expected."
"The route you were taken through was also the easiest for us to ambush," dagdag ni Agarus, mabigat ang boses habang nakatingin kay Cesare.
Napahilot si Cesare sa kaniyang sintido, bakas ang pagod at sakit mula sa natamong mga sugat. Saglit siyang napatingin sa mesa, kung saan naroon ang kaniyang basag na salamin.
"You have my gratitude... for not turning your backs on us. My daughter was right all along. She knew there would come a day when danger would reach House Quentin, and that titles, authority, and even the protection of the Empire would no longer be enough."
Tumayo si Cesare, bahagyang napangiwi dahil sa sakit ng kaniyang mga sugat ngunit nanatiling matatag ang kaniyang tindig.
"We don't have much time," malamig niyang sambit habang nililibot ang tingin sa kanilang lahat. "We need to prepare and create a plan that will ensure my daughter does not end up executed alongside Vincenzo and Cayena."
Agad na nagtanguan sina Katarina at Agarus matapos marinig ang utos ni Cesare.
"You have our word," seryosong sambit ni Katarina habang inilalagay ang kamay sa kaniyang dibdib. "We are willing to fight for House Quentin. Your daughter provided for our people, our needs, and even the gold that kept many of us alive."
Bahagyang yumuko si Agarus bago nagsalita.
"More importantly... Lady Rassia was the first person who looked at us not as outcasts, criminals, or disposable people," malamig nitong dagdag. "To her, we were still worth something."
Maging ang iba pa ay tahimik na yumuko rin kay Cesare bilang tanda ng kanilang katapatan at pagsunod.
Lumapit naman ang isa sa mga engkantari at maingat na naglapag ng malaking mapa ng Vermeleyon sa ibabaw ng mesa. Agad iyong tiningnan ni Cesare, seryoso at malamig ang ekspresyon habang sinusuri ang iba't ibang marka at ruta.
"How many engkantari and bandidos do we currently have?" tanong niya nang hindi iniaalis ang tingin sa mapa.
"The engkantaris number around ten thousand," agad na sagot ni Katarina.
"And the bandidos have eight thousand more under our command," dagdag naman ni Agarus habang nakapamewang na nakatingin sa mapa.
Umigting ang panga ni Cesare habang nananatiling nakatingin sa mapa ng Vermeleyon.
"So we currently have eighteen thousand soldiers..." malamig niyang sambit habang dahan-dahang itinataas ang tingin sa kanilang lahat.
"It may not be enough to stand against the full strength of the Empire... but I trust all of you."
Bahagya siyang huminto bago mas bumigat ang kaniyang boses.
"I saw your skills the day you fought against us."
Nagkatinginan ang lahat, tila nagulat sa sinambit ni Cesare. Sa loob ng mahabang panahon, sanay silang tingnan bilang mga palaboy, kriminal, at mga nilalang na walang halaga sa mata ng lipunan.
Ito ang pangalawang pagkakataon na may kumilala sa kanilang kakayahan at halaga bilang mga mandirigma... at tulad ng una, nanggaling muli ito sa pamilya Quentin.
Taas noong hinarap ni Katarina si Cesare.
"The engkantaris possess special abilities. We are half-engkantados after all. We are not ordinary beings. And even if it costs us our lives... we will protect and rescue the Lady of House Quentin until our very last breath."
Sumang-ayon naman si Agarus, mabigat ang ekspresyon habang nakatingin sa mapa ng Vermeleyon.
"Very well, then," malamig na sambit ni Cesare habang dahan-dahang itinuwid ang kaniyang tindig. "Let's begin planning now. We will rescue my daughter... and the other two... on the day of their execution."
"First, we need to strengthen your armors and weapons. For that, we need gold," malamig na sambit ni Cesare habang nakatingin sa mapa. "I am no longer an Archduke... and I no longer have my cards with me."
Ngumisi si Katarina bago dahan-dahang maglapag ng limang mamahaling cards sa ibabaw ng mesa.
"This is your cards, Archduke... right?" saad niya habang itinulak ang mga iyon palapit kay Cesare.
Takang napatingin si Cesare sa mga cards, bahagyang kumunot kaniyang noo.
Why are my cards here? hindi ba't ginamit ito ni Rassia para sa mga balak niyang businesses?
Bahagyang umiling si Katarina nang makita ang reaksyon ni Cesare.
"Lady Rassia never spent anything from those cards, Archduke," mahinahon niyang sagot. "She gave them to us for emergency purposes."
"As per Iris, who has been managing Lady Rassia's business... sinabi niyang ibinenta mismo ni Lady Rassia ang kalahati ng kaniyang gowns, jewelry, and luxury bags na ibinigay ninyo sa kaniya upang maitayo ang kaniyang negosyo."
"My daughter truly thinks far ahead..." mahinang sambit ni Cesare habang pinagmamasdan ang mga cards sa mesa. "Even before everything collapsed, she was already preparing for the day like this. Rassia has always been far smarter than most people realize."
At sa gabing iyon, pinlano nila kung paano nila ililigtas sina Rassia, Vincenzo, at Cayena. Nagulat pa sina Agarus at Katarina sa kung gaano katalino at kalalim magplano si Cesare.
Nang matapos ang lahat, tahimik na napatingin si Cesare sa buwan sa labas ng kuta, habang ang isip niya ay nakatuon sa kaniyang panganay na anak.
Even if I die rescuing you, Rassia... hindi ako magsisisi.
You prepared secret forces... business... even emergency funds.
Habang ako, bilang ama mo, naniwalang kaya kitang protektahan gamit ang pangalan ng House Quentin.
I failed to see how much pressure you were carrying alone.
But this time... I will not fail you again. Even if the entire Empire stands against me... even if my life is stripped away in the process... I will make sure that you survive, Rassia.
Isang munting paru-parong kulay dilaw ang dahan-dahang lumipad papunta sa kaniya, tahimik na dumapo sa kaniyang kamay.
Nadea... please guide me.
I already lost you, and I do not think I can endure losing our daughter as well.