CHAPTER 55
In the Capital
Sa loob ng malamig at madilim na Imperial Dungeon ng kapital, mahigpit na binabantayan ng mga Imperial Guards ang tatlong tinaguriang traydor ng Imperyo.
Tahimik na umiiyak si Cayena sa isang sulok ng selda, pilit pinipigilan ang paghikbi habang nanginginig ang kaniyang mga kamay.
Si Rassia naman ay nakatulala lamang, tahimik na nakasandal sa malamig na pader habang bakas pa rin sa kaniyang mga mata ang pagod at sakit.
Samantala, si Vincenzo ay nananatiling tahimik, maraming iniisip habang mabigat ang kaniyang tingin sa madilim na kisame ng selda.
Dahan-dahang pinunasan ni Rassia ang mga luhang bumagsak sa kaniyang pisngi bago napalingon nang marinig ang usapan ng mga Imperial Guards sa labas.
"Balita ko nakatakas daw ang dating Archduke ng House Quentin," bulong ng isa habang hawak ang kaniyang sibat.
"Hindi nga raw mahuli-huli at makita hanggang ngayon," sagot naman ng isa pa. "Galit na galit ang Imperial Court tila may tumulong sa kaniya mula sa mga lihim na pwersa."
"Mukhang may digmaang paparating sa mga susunod na araw..."
Napayakap si Rassia sa kaniyang mga tuhod at dahan-dahang ibinaon ang mukha roon, pilit pinipigilan ang muling pag-agos ng kaniyang mga luha habang umaalingawngaw sa kaniyang isip ang usapan ng mga guwardiya.
I'm glad Father escaped...
I just hope his wounds are healing properly.
Mahigpit niyang kinuyom ang laylayan ng kaniyang damit habang unti-unting bumibigat ang kaniyang dibdib.
I'm truly grateful to Katarina and Agarus...
Muling tumingin si Rassia sa labas ng kaniyang kulungan, tahimik na pinagmamasdan ang malamlam na liwanag na pumapasok mula sa makitid na pagitan ng bakal.
I wonder where Vincenzo is...
I can still feel his presence somewhere around here... He's close.
Bahagyang nanginig ang kaniyang mga daliri habang pilit pinipigilan ang pagbigat ng kaniyang dibdib.
I miss him so much.
Hindi pa man umaabot ng isang araw ang kasal namin ni Vincenzo, ito na agad ang naging kapalaran namin. Nalaman na ng lahat ang sikretong matagal naming pinrotektahan, at ngayon, kamatayan na ang naghihintay sa amin.
Fate is indeed cruel, huh?
Sa dami ng bagay na maaari naming katakutan sa mundong ito, pag-ibig pa ang pinili naming panghawakan.
Hindi ako natatakot o ikinakahiya si Lucy Pearl. Siya ang naging sumpa ko, ngunit siya rin ang dahilan kung bakit nagawa kong mabuhay sa mundong ito.
Lucy Pearl was never just a monster.
She was my rage, my pain, my loneliness... the embodiment of every wound this cruel world carved into my soul. Kaya kung ituturing nila akong demonyo dahil sa kaniya, then so be it. Mas pipiliin kong maging halimaw kasama si Lucy Pearl.
Kung may pagsisisihan man ako... hindi iyon ang mahalin si Vincenzo.
Ang tanging pinagsisisihan ko ay ang paniwalaang maaari kaming magkaroon ng tahimik na buhay sa mundong punong-puno ng kasakiman at poot.
I only wanted a simple future with him. A home far away from the bloodshed, from the endless wars, from the chains of destiny that kept pulling us back into darkness.
But perhaps people like us were never meant for peace.
Perhaps monsters like me were only born to be feared... and eventually destroyed.
Mabigat siyang napabuntong-hininga habang marahang ipinikit ang kaniyang mga mata.
Yet even now, if fate asked me to choose again...
I would still choose him.
In every lifetime. Even if loving him would always lead me to ruin.
"Lucy..." mahina ngunit nanginginig na tawag ni Rassia habang nakapikit, pilit inaabot ang koneksyon nilang dalawa sa loob ng kaniyang isipan.
"Kumusta ka riyan sa dimensyon?"
Ngunit katahimikan lamang ang sumalubong sa kaniya.
"Lucy Pearl... please answer me."
Ilang oras na ang nakalipas mula nang subukang kausapin ni Rassia si Lucy Pearl, ngunit nanatiling walang tugon ang demonyo. Walang pamilyar na tinig na sumasagot sa kaniyang isipan, walang malamig na tawang karaniwang umaalingawngaw sa loob ng kaniyang kamalayan.
At iyon ang lalong nagbigay ng kaba kay Rassia.
Dama niya ang takot, lungkot, at matinding pangamba ni Lucy Pearl mula sa loob ng dimensyon nito. Isang emosyon na bihirang maramdaman mula sa nilalang na palaging nagpapakita ng katatagan at katarayan.
Sa loob ng dimensyon ni Lucy Pearl, mas lalo pa itong dumilim. Ang dating tahimik na espasyo ay unti-unting nababalot ng nakakabinging katahimikan habang parami nang parami ang mga ilusyon ng basag na salamin na lumulutang sa paligid.
Bawat basag na piraso ay tila sumasalamin sa wasak na emosyon ni Rassia.
May ilan doon na nagpapakita ng masasayang alaala nila ni Vincenzo na basag.
Ang dimensyong iyon ay konektado sa puso ni Rassia, kaya habang mas lumalalim ang kaniyang pagdurusa, mas lalo ring nasisira ang mundong tinitirhan ni Lucy Pearl.
At dama rin iyon ng demonyo.
Tahimik na nakaupo si Lucy Pearl sa kaniyang ilusyon na itim na trono, nakapatong ang isang kamay sa kaniyang pisngi habang nakayuko nang bahagya. Ang kaniyang purong itim na mga mata ay nakatitig lamang sa kawalan.
Ngunit sa likod ng kaniyang malamig na ekspresyon, magulo ang kaniyang isipan.
"Why does fate always torment the ones who only wanted to be loved?" mahina niyang bulong sa sarili.
Sa isang iglap, muling nabasag ang dose-dosenang salamin sa paligid, kasabay ng pagyanig ng buong dimensyon.
"Talk to me, Lucy Pearl..."
Napapikit nang mahigpit si Lucy Pearl habang pilit kinakalma ang sariling emosyon.
Because if she spoke now... She feared Rassia would hear how broken she truly was.
Ngunit sa huli, mahina ring bumukas ang labi ng demonyo.
"... I'm here."
Isang mahinang tugon. Isang simpleng salita.
Ngunit sapat na iyon upang mapuno ng matinding ginhawa ang puso ni Rassia.
Sa ilang sandali, may narinig si Rassia na tunog ng mataas na takong na unti-unting papalapit sa madilim na pasilyo ng piitan.
Kasabay niyon, agad na yumuko ang mga Imperial guards bilang paggalang sa paparating na panauhin.
Bahagyang umangat ang tingin ni Rassia mula sa kaniyang kinauupuan, at sa sandaling makita niya ang pigurang dahan-dahang lumitaw sa harap ng kaniyang selda, mas lalo lamang lumamig ang ekspresyon niya.
Napatigil ang babae sa tapat ng bakal na rehas.
Nakasuot ito ng mamahaling itim at gintong kasuotan na sumisimbolo sa kaniyang mataas na katayuan sa imperyo. Sa likuran nito ay may dalawang madre na tahimik lamang na nakayuko.
Tumaas ang kilay ni Rassia habang sinusuri ang dalawa.
"Oh... the Empress Dowager is here, huh?" malamig at puno ng pangungutyang sambit niya.
Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sulok ng selda habang nakahalukipkip.
"And you even brought holy women with you." napangisi siya nang bahagya. "What is this? Planning to cleanse the demon inside me?"
Malamig na nagtagpo ang kanilang mga mata.
Ngumisi ang Empress Dowager habang malamig na pinagmamasdan si Rassia sa loob ng selda.
"Yes," mabagal niyang sagot. "I brought them here to cleanse your evil energy."
Bahagya niyang sinulyapan ang dalawang madre sa kaniyang likuran.
"These holy sisters were personally chosen by the Holy Cathedral. Their prayers have purified cursed lands, restless spirits, and demonic possessions for decades."
Pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang malamig na tingin kay Rassia.
"Consider this my mercy."
"... because despite everything, I am still willing to save what remains of your soul."
Rassia rolled her eyes bago dahan-dahang humakbang palapit sa bakal na rehas hanggang halos magkalapit na lamang sila ng Empress Dowager.
"Tell me, Your Majesty..." mahina ngunit matalim niyang sambit, "does my darkness truly scare you that much?"
Bahagya siyang ngumisi habang malamig na nakatitig dito.
"You speak of cleansing me as if your hands are pure." saglit siyang tumawa, isang mababang tawang walang bahid ng saya.
"I know your secrets, Empress Dowager."
Sa pagkakataong iyon, bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Megan.
At hindi iyon nakaligtas sa matalim na mga mata ni Rassia.
"How pathetic," mahina niyang bulong habang mas lalong lumalalim ang kaniyang ngisi. "Even after all these years... you're still obsessed with my father."
Tahimik na nagkatinginan ang dalawang madre, habang ang ilang guwardiya naman ay napakunot-noo sa narinig.
"Hmm?" bahagyang ikiniling ni Rassia ang kaniyang ulo, tila ba inosenteng nagtataka. "Balita ko na nakawala ang aking ama. Could it be... ikaw ang na sa likod ng lahat ng iyon?" pang a-asar nito.
Sa isang iglap, marahas na napahawak si Megan sa bakal na rehas ng selda habang nanlilisik ang mga mata nito kay Rassia.
"Shut up, bitch!" galit na sigaw niya. "What nonsense are you spouting about?!"
Nawala ang elegante at kalmadong maskarang matagal niyang pinanghahawakan bilang Empress. Sa unang pagkakataon, lumitaw ang hilaw na emosyon sa kaniyang mukha.
Tahimik lamang na pinagmamasdan iyon ni Rassia.
At lalo lamang lumalim ang kaniyang ngisi.
"There it is, that expression."
"You can lie to the empire." bumaba ang kaniyang boses na halos pabulong na lamang. "But not to me."
Napakuyom nang mahigpit ang kamao ni Megan.
"You loved him," dagdag ni Rassia. "And when he chose my mother over you... you hated us for it."
"Enough!" sigaw ni Megan habang bahagyang nanginginig ang kaniyang boses.
Rassia only stared at her with cruel amusement.
"How ironic," bulong niya. "The mighty Empress Dowager... ruined an entire family because of unrequited love."
Sumigaw si Megan na tila nawawala na sa katinuan, dahilan upang bahagyang mapataas ang kilay ni Rassia sa gulat.
Ngunit sa halip na matakot... gusto niya lamang matawa.
Humihingal si Megan habang nanlilisik ang mga mata nito, tila ba pilit tinatakpan ang katotohanang unti-unti nang nabubunyag.
Sa isang marahas na galaw, itinaas nito ang kamay at agad na nagsimulang umipon ang nakakasilaw na banal na enerhiya sa kaniyang palad.
Unti-unting lumiwanag ang buong piitan.
Maging ang dalawang madre ay bahagyang napaatras habang ang mga guwardiya naman ay napapikit sa sobrang lakas ng liwanag.
"Sa lahat ng makakakita ng liwanag na ito..." halos mabasag ang kaniyang boses habang desperado niyang itinaas ang kaniyang kapangyarihan. "Makakalimutan ninyo ang lahat ng sinambit ng demonyong ito!"
Umugong ang buong piitan kasabay ng pagkalat ng nakakabulag na liwanag.
Ngunit sa gitna ng nakakasilaw na liwanag, nanatiling nakatayo si Rassia.
"You are indeed pathetic, Megan," malamig niyang sambit. "Trying to erase the truth..."
Mabilis na lumingon si Megan sa mga madre at sa mga guwardiya.
Napansin niyang tila namimilog ang mga mata ng mga ito habang napapapikit-pikit dahil sa silaw, litong sinusubukang intindihin kung ano ang nangyari.
Tila wala silang narinig sa lahat ng sinabi ni Rassia.
Dahan-dahang bumalik ang kalmadong ekspresyon sa mukha ni Megan.
At nang makitang gumana ang kaniyang kapangyarihan, marahan siyang napabuntong-hininga.
Pagkatapos ay sinenyasan niya ang dalawang madre.
Agad namang binuksan ng isang guwardiya ang bakal na rehas ng selda, dahilan upang umugong ang mabigat nitong tunog sa loob ng piitan. Tahimik namang pumasok ang dalawang madre.
Samantala, napairap na lamang si Rassia habang ibinababa ang tingin sa mahahabang holy chains na nakakapit sa kaniyang mga pulsuhan.
Bahagyang kumalansing ang mga kadena sa bawat galaw niya. Mahaba ang mga ito kaya nakakalakad siya kahit papaano, ngunit ramdam pa rin niya ang mabigat at nakakapasong banal na enerhiyang unti-unting sumisipsip sa kaniyang lakas.
Dahan-dahan din niyang inangat ang kamay upang hawakan ang bakal na nakakakadena sa kaniyang leeg.
A faint bitter smile appeared on her lips.
Kahit bukas na ang selda, hindi pa rin ako makakatakas. Not with these holy chains binding my body.
Samantala, nanatili lamang ang Empress Dowager sa labas ng selda, tila ba masyadong marangal at malinis upang apakan ang madilim na piitang iyon.
"Start. Now." malamig at walang emosyong utos niya.
Tahimik namang tumango ang dalawang madre bago sabay na pumikit. Dahan-dahan silang gumawa ng banal na simbolo gamit ang kanilang mga kamay habang nagsisimulang umalingawngaw ang mahihinang dasal para sa Dakilang Diyosa.
Pagbukas ng dalawang mata ng madre ay naging purong puti ito.
Tumaas lamang ang kilay ni rassia sa nasaksihan.
Dahan-dahang inilapit ng dalawang madre ang kanilang mga kamay habang nakaharap iyon sa noo ni Rassia.
Kasabay niyon, mas lalong lumakas ang banal na enerhiyang umiikot sa paligid ng selda. Umugong ang hangin habang ang mahihinang dasal ng mga madre ay tila unti-unting nagiging mas mabigat at mas nakakabinging pakinggan.
Muling pumikit ang dalawang madre habang patuloy na dumadaloy ang banal na enerhiya mula sa kanilang mga palad patungo kay Rassia.
Ngunit makalipas lamang ang ilang segundo. Biglang nanigas ang kanilang mga katawan.
Kita ni Rassia ang unti-unting paglitaw ng matinding gulat sa kanilang mga mukha. Nagsimulang manginig ang kanilang mga kamay habang bahagyang tumatagilid ang kanilang mga ulo, tila ba may nakikita silang bagay na hindi nila maunawaan.
Napasinghap nang malakas ang unang madre habang bigla nitong inalis ang kamay mula sa noo ni Rassia.
"H-Holy Goddess..." nanginginig nitong bulong.
Kasunod niyon, marahas ding napaatras ang isa pang madre habang napahawak pa sa sariling bibig sa matinding gulat.
"No..." mahina nitong sambit habang nanlalaki ang mga mata. "T-that's impossible..."
Bahagyang tumaas ang kilay ni Rassia habang tahimik silang pinagmamasdan.
Kumunot ang noo ng Empress Dowager nang makita ang reaksyon ng dalawang madre.
"What happened?" malamig ngunit halatang naiirita niyang tanong.
Ngunit sa halip na sumagot agad, mabilis na umatras ang dalawang madre palayo kay Rassia. Halos nagmamadali silang lumabas ng selda habang bakas pa rin ang matinding takot sa kanilang mga mukha.
Agad namang isinara muli ng mga guwardiya ang bakal na rehas, at muling umugong ang mabigat nitong tunog sa loob ng piitan.
"Forgive us, Your Majesty..." nanginginig nitong saad habang bahagyang nakayuko. "Ngunit may nararapat kaming gawin upang makumpirma ang aming nasaksihan."
"What are you talking about?" matalim na tanong ni Megan.
Ngunit nagkatinginan lamang ang dalawang madre, kapwa nag-aalangan.
"H-Hindi namin ito maaaring sabihin kaninuman hangga't hindi namin nakukumpirma..." mahina ngunit nanginginig na saad ng isa. "Kaya't... maaari na ho ba kaming umalis, Your Majesty?"
Pasimpleng umirap si Megan, sapat lamang upang hindi iyon mapansin ng dalawang madre. Pinayagan niya ang mga itong umalis, at maging ang mga guwardiya ay pinaalis niya rin.
Makalipas lamang ang ilang sandali, tuluyan nang nabalot ng katahimikan ang buong piitan.
Naiwan na lamang sina Megan at Rassia.
At sa gitna ng malamig at madilim na selda, marahang sumandal si Rassia sa pader habang nakahalukipkip.
Unti-unti siyang napangisi.
"Well," mababa niyang sambit habang nakatitig kay Megan, "looks like your little holy performance didn't go the way you expected."
"Tss, your tongue is as sharp as that bitch of a mother of yours," malamig na sambit ni Megan habang matalim na nakatitig kay Rassia.
"Really?" marahang sagot ni Rassia habang bahagyang tumataas ang sulok ng kaniyang labi. "And yet... my father still chose her over you."
Hmm... I wonder why the late Emperor Luthor fell for her charms and even betrayed Vincenzo and Cayena's mother. Even I find it strange.
Because as Vincenzo said... mate bonds are supposed to be strong, after all.
Bago pa man makapagsalita si Megan, muli nang nagsalita si Rassia.
"Megan..." mababa niyang sambit habang nakatitig nang diretso sa mga mata nito.
"I know the truth behind the late emperor's death."
"I know you killed him. I saw your smile... and those eyes filled with satisfaction." Rassia continued.
"... you looked happier than a grieving wife that day."
Tumawa si Megan, isang malamig at halos nasisiraan ng bait na tawa na umalingawngaw sa loob ng madilim na piitan.
"Oh, you are a very clever woman, Rassia," saad niya habang unti-unting pinapakalma ang sarili. "Very well then."
Dahan-dahan siyang ngumisi.
"Yes. I killed him."
"Happy now?" dagdag ni Megan. "He is a nuisance to my plans."
"Do you want to know the truth?" mahina niyang tanong.
"The Late Emperor Luthor never truly cheated on Shanaya Quin."
Bahagyang kumunot ang noo ni Rassia.
"I am an enchantress and a light mage," pagmamalaki niyang saad. "I can make anyone fall in love with me... or see whatever I want them to see. That night, when something happened between Luthor and me... he thought I was Shanaya Quin."
"In his eyes, I was his beloved wife. But all along... it was me."
Nanatiling tahimik si Rassia matapos marinig ang sinabi ni Megan. Tila ba biglang nablangko ang kaniyang isip habang dahan-dahang bumibigat ang kaniyang dibdib.
"Do you know why I did that?" malamig ngunit nanginginig na sambit ni Megan. "To gain power... and take revenge on your father."
"Enchantments can manipulate hearts. I tried using it on Cesare once. I thought he would become like everyone else. But the moment I entered his mind..." unti-unti siyang natahimik habang bahagyang kumukunot ang noo.
"... something kept rejecting my power. No matter how deeply I tried to enchant him, my magic would always disappear before reaching his heart. At first, I thought Cesare himself was resisting me."
"But eventually... I realized it wasn't him."
"It was Nadea's power."
Unti-unting napakuyom si Rassia sa kaniyang kamay habang pilit pinoproseso ang lahat ng kaniyang narinig.
You were far kinder than this world deserved, Mother. I finally understand now why Father loved you so much...
"That woman... even after death, her power continued protecting the people around her." madiin na sambit ni Megan.
Unti-unting lumalim ang kaniyang ngisi.
"It was almost as if a part of her still remained inside Cesare."
"Tell me, Megan..." puno ng sarkasmo na sambit ni Rassia habang bahagyang nakataas ang isang kilay. "How exactly did you and my father even become fiancés in the first place?"
"Your father and I were once engaged through an arrangement between my family and Galsarius. We were promised to each other since we were five years old." Unti-unti niyang ikinuyom ang kaniyang kamay.
"Nakatakda na kami sa isa't isa."
Bahagya siyang napapikit, tila pilit binabalikan ang masasakit na alaala.
"Your father promised me a future. The empire already saw me as his future wife... and then that woman appeared."
Nanlamig ang ekspresyon ni Megan.
"He rejected me in front of everyone, Rassia." bumaba ang kaniyang boses. "And after that..."
Bahagya siyang natawa nang mapait.
"... he kissed Nadea in front of me."
Tahimik na umalingawngaw ang kaniyang mapaklang tawa sa loob ng selda.
"Do you even know how humiliating that was?" nanginginig niyang tanong. "The entire empire watched me get abandoned like I was nothing."
Unti-unti siyang napahigpit sa bakal na rehas.
"Do you know what my family did to me after your father left me?" malamig niyang dagdag. "I was treated like trash. Like a failed investment."
"Your father was the first person who ever made me feel human..." mahina niyang bulong. "And then he threw me away like I was nothing."
Biglang lumalim ang kaniyang ngisi.
"But the cruelest part?"
Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin kay Rassia.
"Cesare planned it all along."
Bahagyang kumunot ang noo ni Rassia.
"For Galsarius to agree to the arranged marriage, they needed my house because my family was close to House xel Giorvani... your mother's house." unti-unting lumalim ang galit sa mukha ni Megan.
"All this time..." madiin niyang sambit, "... Cesare already wanted Nadea."
"And he used me to get closer to her."
"My father..." puno ng poot na sambit ni Megan habang nanginginig nang bahagya ang kaniyang mga kamay. "Tried marrying me off to an abusive duke after your father abandoned me."
Tahimik siyang natawa, ngunit walang bahid ng saya roon.
"A man old enough to be my grandfather. Cruel. Violent. Filthy."
Napakuyom siya nang mahigpit sa bakal na rehas.
"Do you know what my father told me that night? 'A ruined woman like you should be grateful someone still wants you.'"
"And when I refused..." mahina niyang dagdag, "he beat me everyday until I could no longer stand."
Unti-unting lumalim ang kaniyang ngisi, ngunit bakas doon ang sakit ng kaniyang naranasan.
"That was the moment I realized something, Rassia."
Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin sa babae na tahimik na nakikinig sakanya ngunit bakas sa ekspresyon nito ang galit.
"In this world, women without power are nothing more than disposable objects."
"So I decided..." malamig niyang sambit, "... I would never allow myself to become powerless again."
Gigil na napahawak si Rassia sa bakal na rehas ng selda habang nanlilisik ang kaniyang mga mata kay Megan.
"Then your family should've been the one you took revenge on!" galit niyang sigaw. "Bakit kailangan mo pang idamay ang ibang tao?!"
Bahagyang tumaas ang kilay ni Megan, tila ba nagulat sa sinabi nito.
"Oh?" marahan niyang sambit habang may mapanganib na ngising sumilay sa kaniyang labi. "I already did."
"I already killed my father."
Tila binuhasan ng malamig na tubig si Rassia sa narinig. Kasabay non ang pagbilis ng kaniyang tibok ng puso sa galit.
Samantala, tila lalo namang naaaliw si Megan sa reaksiyon nito.
"He begged for mercy, you know." mahina siyang natawa. "The same man who once treated me like livestock cried at my feet like a pathetic coward."
Unti-unting lumamig ang kaniyang ekspresyon.
"But killing him changed nothing."
"Did the humiliation disappear? no. Did the pain vanish? still no."
Bahagyang tumagilid ang kaniyang ulo habang matalim ang tingin kay Rassia.
"So I decided... if the world wanted to turn me into a monster then I would become one powerful enough to make everyone suffer with me."
"Marami na akong pinatay, Rassia," malamig na sambit ni Megan habang diretso siyang nakatitig sa mga mata nito.
"Kasama na roon ang iyong ina."
Agad na nanlaki ang mga mata ni Rassia nang marinig iyon. Sa isang iglap, tila namula ang kaniyang buong mukha sa matinding galit habang litaw na litaw ang mga ugat sa kaniyang leeg.
"What do you mean, Megan?!" galit at nanginginig niyang sigaw.
Samantala, nanatiling kalmado si Megan.
"You all thought it was merely a marquess behind your mother's death?" mahina niyang saad. "It was me all along, Rassia."
Biglang kumalansing nang malakas ang holy chains habang marahas na napahawak si Rassia sa bakal na rehas.
"Why?! Why?! Why?!" halos garalgal niyang sambit.
Unti-unting nanginginig ang kaniyang katawan.
"Why the fuck did you do that, Megan?!" ubod-lakas niyang sigaw, dahilan upang umalingawngaw ang kaniyang boses sa buong dungeon.
Maging ang mga sulo sa paligid ay tila bahagyang umugong sa bigat ng kaniyang galit.
Sa kabilang selda, agad napalingon si Cayena nang marinig ang sigaw na iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata bago siya mabilis na lumapit sa kaniyang rehas.
"That was Rassia..." puno ng pag-aalala niyang bulong habang mahigpit na napakapit sa bakal na rehas.
Marahan lamang inayos ni Megan ang kaniyang buhok sa elegante at kalmadong paraan, tila ba hindi kagagaling lamang sa pag-amin ng napakaraming kasalanan.
"Hmm..." mahina niyang sambit habang malamig na nakangisi. "To satisfy myself, perhaps?"
Bahagya siyang tumawa.
"Or maybe... because I wanted others to suffer the same way I did."
Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang tingin kay Rassia.
"Kung saan alam kong hindi lang ako ang nagdurusa sa mundong ito."
Galit na galit na napatawa si Rassia, ngunit walang bahid ng saya ang tunog niyon, tanging purong galit, poot, at pagkamuhi lamang.
"You think your suffering makes you special?" madiin niyang sambit habang mariing nakatitig kay Megan.
"You think you're the only person in this world who was abandoned? Betrayed? Broken?" ani Rassia.
"My mother suffered. My father suffered. Even Vincenzo and I suffered because of your obsession!"
Unti-unting nanginginig ang kaniyang boses sa pagpipigil ng emosyon.
"And yet none of us became like you. You keep blaming the world for turning you into a monster, but every single choice after that was yours. You killed innocent people, manipulated lives, destroyed families... and for what? To ease your pain?"
Bigla siyang napailing habang puno ng pagkadismaya ang ekspresyon.
Nanatilin ang ngisi ni Megan sa eleganteng paraan.
"Oh, do you think I care?"
"How pathetic." agad na tugon ni Rassia.
"Do you know what the difference between us is, Megan?" bumaba ang kaniyang boses habang mabigat ang bawat salita. "I also carry darkness inside me. I also know pain, hatred, and despair."
"But unlike you... I never used my suffering as an excuse to destroy everyone around me."
Tahimik lamang na pinakinggan ni Megan ang bawat salitang binitiwan ni Rassia.
"Good for you, then." marahan lamang siyang natawa. Isang mababang tawang puno ng pangungutya at pagod.
"You still don't understand," dagdag niya habang dahan-dahang umiiling. "That's because you were still loved, Rassia."
"Your mother loved you. Your father loved you. Even Vincenzo chose you despite knowing the darkness inside you. You had people who kept pulling you back before you completely drowned."
Dahan-dahan siyang lumapit sa rehas habang nanlalamig ang kaniyang mga mata.
"But me?" mahina niyang tanong habang itinuturo ang sarili.
"No one came for me... I screamed for years, Rassia. And nobody listened. So eventually, I stopped trying to be saved."
Samantala, sa kailaliman ng kamalayan ni Rassia, halos wasakin na ni Lucy Pearl ang buong dimensyon sa matinding galit.
Sunod-sunod na nababasag ang mga ilusyon na salamin habang umugong ang madilim na enerhiya sa buong espasyo.
"I want to fucking kill that woman! that filthy bitch keeps talking as if her suffering justifies everything she did!
she killed your mother, destroyed lives, and she still dares to act like the victim?
! I swear, Rassia... the moment these chains disappear, I will rip that woman apart with my own hands! "
Biglang umugong ang madilim na enerhiya sa loob ng selda kasabay ng pagyanig ng paligid.
Maging ang mga apoy na nagsisilbing ilaw sa dungeon ay bahagyang namatay at muling sumiklab dahil sa bigat ng kaniyang emosyon.
Samantala, tahimik lamang na pinagmamasdan ni Megan ang kaniyang pagwawala.
"How troublesome," malamig niyang sambit habang inaayos muli ang kaniyang buhok. "I've stayed here longer than I intended."
Dahan-dahan siyang tumalikod mula sa selda.
"Rest well, Rassia," dagdag niya nang hindi man lamang lumilingon. "You'll need your strength for what's about to happen next."
Unti-unti siyang naglakad palayo habang umaalingawngaw ang tunog ng kaniyang takong sa madilim na pasilyo.
Unti-unting nanghina ang katawan ni Rassia hanggang sa tuluyan siyang mapaluhod sa malamig na sahig ng selda. Marahas ang kaniyang paghinga habang nanginginig ang kaniyang mga balikat. Unti-unti na ring pumatak ang kaniyang mga luha.
Ngunit walang bakas ng kahinaan sa kaniyang mukha. Tanging galit, poot, at matinding dalamhati lamang ang makikita sa kaniyang ekspresyon. Mahigpit niyang napakuyom ang kaniyang mga kamay habang lalong bumibigat ang madilim na enerhiya sa paligid niya.
"Magbabayad ka, Megan!" ubod-lakas niyang sigaw.
Umalingawngaw ang kaniyang boses sa buong dungeon na tila ba isang sumpang isinilang mula sa sukdulang galit.
Maging ang ibang mga bilanggo ay napanginig at biglang napatayo sa kani-kanilang mga selda habang nanlalaki ang mga mata sa takot.
Ang ilan ay napaatras pa nang marinig ang matinding poot sa boses ni Rassia.
At sa kaibuturan ng kaniyang kaluluwa, maging si Lucy Pearl ay nanahimik.
Rassia's scream gave me goosebumps...
Tahimik na napatitig si Lucy Pearl sa nagngangalit na emosyon ni Rassia habang unti-unting nanginginig ang buong dimensyon sa bigat ng kaniyang galit.
Kahit wala siyang mana o ganap na kapangyarihang nailalabas dahil sa holy chains... nagkaroon pa rin iyon ng epekto sa paligid.
Mabuti na lamang at sinanay ko si Rassia sa pagkontrol ng kaniyang emosyon... dahil kung hindi...she would have unconsciously taken control of the darkness inside her and destroyed everything around her.
Samantala, bilang mga bampirang may pambihirang pandinig, malinaw na narinig nina Vincenzo at Cayena ang bawat sigaw at salitang nanggaling mula sa selda ni Rassia.
Mula sa pag-amin ni Megan tungkol sa pagkamatay ni Nadea...
Hanggang sa katotohanang siya ang nasa likod ng lahat ng trahedyang sumira sa kanilang pamilya.
Nanigas si Cayena habang mahigpit na nakahawak sa bakal na rehas ng kaniyang selda.
"H-How..." mahina niyang bulong habang nanginginig ang kaniyang mga mata. "How could she do something like that...?"
Samantala, nanatiling tahimik si Vincenzo.
Mahigpit niyang ikinuyom ang kaniyang kamao hanggang sa unti-unting bumaon ang kaniyang mga kuko sa sariling laman.
Makalipas lamang ang ilang segundo, nagsimulang tumulo ang dugo mula sa kaniyang kamay dahil sa sobrang higpit ng pagkakakuyom niya rito.
"Hush, baby..."
Sa gitna ng matinding pagngangalit at pagdurusa ni Rassia, bigla niyang narinig ang isang pamilyar at mahinang boses sa loob ng kaniyang isipan.
Agad siyang natigilan habang mabilis na lumawak ang kaniyang mga mata.
"... Vincenzo?"
"We will take revenge on that woman, baby," mahina ngunit malamig na sambit ni Vincenzo sa loob ng kaniyang isipan.
Unti-unting nanginig ang labi ni Rassia habang pinipilit pigilan ang kaniyang muling pag-iyak.
"I know that Master Fuegoleon is planning to save us during the execution," pagpapatuloy ni Vincenzo. "And I will make sure that you survive."
Mahigpit na napakuyom si Rassia sa kaniyang kamay habang nakikinig sa boses nito.
"I'm sorry, Rassia..." mas bumaba ang boses ni Vincenzo, puno ng guilt at panghihinayang. "Akala ko kapag pinakasalan kita... kapag mas marami akong koneksyon... kapag binigyan ko ng mga titulo at pabor ang ibang maharlika..."
Sandaling natahimik ito.
"... magagawa kitang ilayo sa mapait nating kapalaran."
Mabigat ang sumunod na katahimikan bago muling nagsalita si Vincenzo.
"But no matter what I do... this cursed empire keeps dragging us back into suffering."
Bahagyang pumikit si Rassia habang tuluyang tumulo ang kaniyang mga luha.
"I failed to protect you."
Agad siyang umiling kahit alam niyang hindi siya nakikita ni Vincenzo.
"No..." garalgal niyang bulong sa loob ng kaniyang isip. "You never failed me."
Mahigpit niyang hinawakan ang sarili niyang dibdib habang nanginginig ang kaniyang paghinga.
"You were the only thing in this cruel world that ever made me feel safe."
"I love you, Rassia..." mariing sambit ni Vincenzo sa loob ng kaniyang isipan.
"We will survive this, and we will take back this empire from their filthy hands."
Bahagyang bumigat ang kaniyang boses habang pilit kinokontrol ang matinding galit.
"I swear to you... they will pay for every single thing they've done to you."
"Yes, Vincenzo... gaya nga ng sinabi ko, magkasama tayo sa dilim na ito." muling pumatak ang mga luha ni Rassia habang mahina siyang napapikit.
"Make sure you survive, Vincenzo..." nanginginig niyang sambit sa loob ng kaniyang isipan. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag ikaw din ay mawala."
Mabigat ang bawat salitang lumabas mula sa kaniya, tila ba iyon ang pinakatotoong takot na matagal na niyang kinikimkim.
"I can endure this cursed world..."
Mahigpit niyang napahawak ang sarili niyang dibdib habang patuloy ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
"But not a world without you."
Saglit na natahimik si Vincenzo sa kabilang koneksyon ng kanilang isipan.
"Mahal na mahal kita, Rassia... higit pa sa inaakala mo. I already made my vows to you before the altar... but those words were still not enough to describe how much you mean to me."
Sandaling natahimik si Vincenzo bago muling nagsalita.
"You are the only person who ever made me wish for a future."
"The only one who made this cursed life feel bearable."
Bahagyang bumigat ang kaniyang boses.
"So listen to me carefully, baby..."
"No matter what happens during that execution, I will return to you."
"Because even death itself will never be enough to separate me from you."
In Vlymir
Sa malamig at madilim na kastilyo ng Vlymir, tahimik na nakaupo si Haring Drakkon sa kaniyang malaking itim na trono habang mabigat na bumabalot ang presensya nito sa buong paligid.
Katabi niya ay nakatayo ang walong pinakamataas na Erenhal, bawat isa ay may seryoso at malamig na ekspresyon.
"That lunatics from the Holy Cathedral... after centuries, hindi pa rin sila nagbabago. Mga bobong mali pa rin ang interpretasyon sa propesiya," inis na sambit ni Leonardo habang mariing nakakunot ang noo.
Bahagyang napangisi si Jazer habang nakatingin sa kaniya.
"Gumagamit ka na naman ng wika ng mga ordinaryong tao, Leonardo," malamig niyang puna. "Pero tama ka."
"They are indeed fools and didn't even do their research. Centuries of records, sealed archives, forbidden texts... And yet they still cling to a half-baked interpretation of the prophecy."
Nagkrus ang mga braso ni Overon at umiling.
"They don't want to understand it. They want to control it."
"That Holy Cathedral dug their own grave. They built their entire authority on ignorance and called it divine wisdom." napahilot sa sintido si Morticia.
Umiling si Cassandra habang bahagyang napangisi.
"Worse," malamig niyang saad, "they convinced themselves they were righteous while twisting the prophecy to suit their fear."
Tahimik na nagkatinginan sina Devi at Morticia bago marahang nagsalita si Devi.
"Vincarion, Vercayena, and Rassia were imprisoned," malamig na saad ni Devi, ngunit bakas sa kaniyang boses ang matinding pag-aalala.
"And the execution will happen soon."
Biglang bumigat ang katahimikan sa loob ng throne hall.
Unti-unting bumukas ang mapupulang mata ni Drakkon habang malamig na nakatingin sa kawalan.
Ngunit bago pa man ito makapagsalita, marahang nagsalita si Rovan.
"Even Natalia," malamig niyang sambit. "In the continent of Nervales, in the Kingdom of Valerouge she became the so-called 'Traitor Queen'"
Bahagyang kumunot ang noo ng ibang Erenhal.
"The wolves there are also planning her execution," dagdag ni Rovan habang unti-unting tumitigas ang kaniyang ekspresyon. "And the worst part..."
Bahagyang bumigat ang kaniyang boses.
"... her mate, that bastard Valerian, is the one who ordered it."
Sa isang iglap, biglang bumagsak ang napakabigat na presensya sa buong throne hall.
Maging ang hangin ay tila nanlamig.
Unti-unting lumalim ang ekspresyon ni Drakkon habang mabagal niyang ikinuyom ang kaniyang kamay sa armrest ng trono.
"Natalia is a smart woman. I know she will survive," malamig na sambit ni Drakkon. "She already awakened her immortality, after all."
Unti-unti niyang ikinuyom ang kaniyang kamay.
"Vincarion, Vercayena, and Little red are the ones we should worry about."
Alam ng lahat ng naroroon kung gaano kadelikado ang proseso ng pag-aawaken ng immortality ng isang tunay na Erenhal.
Hindi ito simpleng pagkuha lamang ng walang hanggang buhay. Kailangan munang mamatay ang dating sariling diwa.
At kung mabigo ang katawan, isip, o kaluluwa sa proseso, tuluyan silang mamamatay.
Ang lahat ay bahagyang nag a-alala kung gaano kaagaw-buhay ang mangyayari kina Vincenzo at Cayena kapag dumating ang sandaling iyon.
"Should we intervene?" tanong ni Dimitri habang malamig ang ekspresyon nito. "If we move now, we can destroy the imperial palace before the execution even begins."
Ngunit marahan lamang na napapikit si Drakkon.
"No."
Agad na natahimik muli ang buong throne hall.
Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mapupulang mata.
"This is their trial."
Bahagyang kumunot ang noo ni Dimitri.
"If they cannot survive this level of despair and death..." malamig na dugtong ni Drakkon, "then they are unworthy of carrying the blood of old Erenhal."
"This is also not the right time for us to intervene," Drakkon continued.
"We will let Vincarion handle this. After all, he is the future Emperor of Grand Empire of Erenhal Sartorias. We will focus on more 'important matters' for now. We will help Vincarion and Little Red when the 'right time' comes."
Nagkatinginan ang walong pinakamataas na Erenhal, tila ba unti-unti nilang nauunawaan ang tunay na ibig sabihin ng mga salita ni Drakkon.
"I also believe everything happens for a reason," muling sambit ni Drakkon habang nakatanaw sa madilim na kalangitan sa labas ng kastilyo.
"Why do you think all of this is happening? It is because Little Red is destined to accomplish the prophecy. She is the Child of Fire, after all. The Orythea."
"For her to fully awaken her abilities... she must first be broken by pain."
"The power of the Orythea was never meant to awaken through peace. It awakens through suffering, despair, rage, and loss."
Umiling na lamang si Cassandra habang nakahalukipkip.
"Poor little brat," malamig niyang sambit, ngunit may bahid ng pag-aalala sa kaniyang tinig.
Agad siyang tiningnan ni Jazer, bahagyang nakataas ang kilay.
"Admit it, Cassandra. You are concerned about that brat."
"Concern?" Cassandra rolled her eyes. "Don't flatter yourself, Jazer."
Bahagya niyang inayos ang kaniyang lace gloves habang nananatiling kalmado ang ekspresyon.
"If she breaks too early, the prophecy becomes unstable. Simple as-"
Nagulat ang lahat nang biglang napatayo si Haring Drakkon mula sa kaniyang itim na trono. Sa isang iglap, nagliyab ang presensya sa buong throne hall habang bahagyang yumanig ang buong kastilyo ng Vlymir.
Lumabas ang kaniyang pangil at humaba ang kaniyang tenga. At ang kaniyang mga mata, na dati'y mapupula, ay unti-unting naging purong puti na tila walang hangganang pangitain ang dumadaloy sa loob nito.
"Vincarion... and Little Red?!" mariing sigaw ni Drakkon habang nanlalamig ang kaniyang boses. "Paanong...?!"
Nagkatinginan ang walong Erenhal habang ramdam ang bigat ng enerhiya sa paligid.
Nagkatinginan ang walong Erenhal habang ramdam ang bigat ng enerhiya sa paligid.
"What is it? Another vision, King Drakkon?" malamig na tanong ni Devi habang pinipilit panatilihin ang kalmado.
"It is not a vision, It is a possibility of the future." ani Drakkon.
"Isa kina Vincarion at Rassia ang mamatay."
"Wait..." bulalas ni Dimitri habang kumunot ang noo. "Paano? I believe Vincarion can achieve immortality. At si Rassia ang itinakda sa propesiya."
Umiling si Drakkon, mas lumalim ang kaniyang ekspresyon.
"Maski ako ay hindi ito batid nang buo," malamig niyang sagot. "Ngunit may isa pa akong nakita."
"Mula sa pangitain mismo ng Dakilang Diyosa."
Nagkatinginan ang lahat, tila mas lalong bumigat ang tensyon.
"Vincarion and Rassia is the..." mariing sambit ni Drakkon.
Natigilan ang lahat sa narinig.
"H-how tragic..." hindi napigilang bulong ni Morticia habang unti-unting namumuo ang luha sa kaniyang mga mata.
"Maari ba natin silang tulungan, Haring Drakkon?!" sigaw ni Cassandra, bakas ang pagkabalisa.
Tahimik na napapikit si Drakkon.
"I think... this is where we will intervene."
And the day of the execution of the traitors finally arrived.