CHAPTER 56

In the Capital

Mahangin at makulimlim ang kalangitan sa araw ng kamatayan ng mga lapastangan. Tila pati ang langit ay nakikisimpatya sa bigat ng kaparusahan na naghihintay. The skies are heavy and restless, as if the heavens themselves refuse to remain silent on what is about to unfold.

"Your Imperial Majesty, may ulat mula sa lupain ng Atoresa," ani ng kawal habang nakayuko, halatang pinipigilan ang kaba sa kaniyang tinig.

Dahan-dahang lumingon si Lurtheron sa kaniya at mahinahong ibinaba ang tasa ng kape sa mesa.

"Speak."

Lumunok ang kawal bago nagsalita.

"Ayon sa ulat, may mga dambuhalang apat na dragon na papunta rito sa kapital. Two of them are the black dragon of the former prince and the red dragon that was said to have been tamed by the daughter of the former archduke."

"Ang mga ito... ay tila galit na galit, Your Majesty. Sobrang ingay at kaguluhan ang dulot nila habang papalapit sa ito sa kapital."

Kumunot ang noo ni Lurtheron habang dahan-dahang sumandal sa kaniyang kinauupuan, ang kaniyang mga mata ay lumalalim na tila sinusukat ang darating na sakuna.

"How are the people? marami bang napinsala ng mga nilalang na iyon?"

"May ilang nayon ang nasunog, Your Majesty. Tila gumanti ang mga dragon matapos silang panaanin ng mga tao at paputukan ng mga kanyon."

Nanatiling kalmado si Lurtheron, ngunit mas lalong bumigat ang kaniyang presensya sa buong silid.

"Dragons are prideful beings," aniya "Once threatened, they do not stop until they are acknowledged or feared."

"And the fact that all four dragons are moving together, means this is not mere rage." he mumbled.

Bahagyang lumamig ang kaniyang mga mata.

"They are heading here for a reason."

Lumingon si Lurtheron sa kaniyang kanang kamay, alam niyang panganib ang dala ng mga apat na dragon na iyon.

"Right hand Solomon," agad namang yumuko ang matanda.

"Magpadala ka ng mga Imperial Knights sa Atoresa immediately. I want the borders secured before those dragons reach another village."

"Unit 1 and Unit 2 of the Imperial Knights... spread them across the entire capital," malamig at mariing utos ni Lurtheron habang dahan-dahang tumatayo mula sa kaniyang kinauupuan.

"I want every district monitored. Double the guards at the city gates, the noble quarters, the underground passages, and especially around the execution grounds."

"And as for the dragons..." malamig na dagdag ni Lurtheron habang nakatanaw sa makulimlim na kalangitan sa labas ng palasyo,

"Make sure those creatures do not reach the execution grounds. Kill them without hesitation."

"... And the Imperial Knights being deployed to Atoresa, arm them with enough arrows, ballistae, and cannons to bring down even the largest of dragons."

The pressure in the throne room grew heavier with every word he spoke.

"If those creatures resist then shoot them out of the skies before they ever reach the capital."

Sinuklay ni Lurtheron ang kaniyang puting buhok gamit ang sarili niyang kamay habang nananatiling malamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Today's execution will not be interrupted by beasts, traitors, or fate itself."

"As you command, Your Imperial Majesty," agad na tugon ni Solomon.

Nang makaalis ang lahat, maya maya pa may tatlong maidservants na magalang na yumuko sa harapan ni Lurtheron.

"Your Imperial Majesty, your bath is ready."

Bahagya lamang ngumiti si Lurtheron at marahang sinenyasan ang mga ito na maaari nang umalis.

Tahimik namang lumabas ang mga maidservants, iniwang mag-isa ang emperador sa kaniyang malawak na silid.

Dahan-dahan niyang hinubad ang kaniyang kasuotan, at sa harap ng malaking salamin ay nagreplekta ang kaniyang kakisigan at matipunong pangangatawan, tila isang nililok na estatwa mula sa marmol.

Ngunit sa kabila ng kaniyang perpektong anyo, nanatiling malamig at mabigat ang kaniyang ekspresyon.

Mabagal siyang lumusong sa napakalaking bathtub at tahimik na naupo roon, saka marahang tumingala sa kisame.

Why can't I stop thinking of you?

Umaalingasaw sa paligid ang amoy ng lavender flowers na nakalutang sa mainit na tubig, ngunit kahit ang tahimik at marangyang sandaling iyon ay hindi sapat upang maalis ang bigat ng kaniyang iniisip.

I am an emperor... a former cardinal prince. I devoted myself to the Great Goddess, yet...

Napatigil si Lurtheron sa kaniyang iniisip, ang mainit na tubig ay tila hindi na niya ramdam.

Yet even after all of that discipline, all of that devotion, and all of those vows of restraint, his mind still drifted back to one name.

Rassia...

Hindi ito maaari. Isa siyang taksil at demonyo.

Ngunit sa gitna ng kaniyang isipan, unti-unting lumitaw ang isa pang imahe.

Isang binibini na may ash blonde na buhok, may balat na kasing pino ng porselana, at mukhang tila hindi nababagay sa mundong puno ng dugo at kaparusahan, isang mukhang anghel na kahit sandali lamang ay nakakasira ng kaniyang katinuan.

"Damn, my heart is confusing me."

Nagre-replekta ang apoy sa mukha ni Lurtheron, ang kumikislap nitong liwanag ay sumasayaw sa kaniyang malamig at tahimik na ekspresyon.

I am now an emperor. I never dreamed of becoming an emperor. I always devoted myself to the Great Goddess, because I believed she was always with me.

I have always been lonely since I was a child.

I remember when I was young and innocent... I wanted to play with my older brother and sister. I carried a toy car with me, walking toward Vincenzo.

But when I saw our father, Luthor, approaching, I froze. I saw him smiling while carrying them. I smiled and still approached them...

But when I finally reached them...

Vincenzo and Cayena only stared at me with their cold ruby eyes. And what was worse... even Luthor looked at me the same way.

Even Mother... never looked at me with love in her eyes. She only spoke of fate, revenge, and purpose.

A man once told me that no being is ever truly alone, that even in the deepest solitude, every soul is bound to something greater than itself.

So I guess my purpose in life is to devote myself to the Great Goddess.

.. and to serve the Holy Cathedral, not just as duty, but as a way of giving meaning to that truth, guiding those who are lost, protecting the weak, and ensuring that no one under its care ever has to face the kind of loneliness I once knew.

Muling sinuklay ni Lurtheron ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay at huminga nang malalim. Alam niyang sa susunod na oras ay nalalapit na ang hatol ng mga traydor, at kailangan na niyang maghanda para sa susunod na labanan.

I will not allow evil to prevail. Even if my own siblings carry the cursed blood of vampires...

Even if Rassia herself bears the blood of a demon...

Then I shall become the blade that must end them, no matter how much it destroys what remains of my heart.

Napakuyom ang kaniyang kamao nang maalala ang sumpa ni Vincenzo. Hindi niya maaaring gamitin ang kaniyang kapangyarihan, dahil masasaktan ang babaeng 'kaibigan' niya.

Ang tanging nilalang na hindi niya kayang saktan.

Napatingin si Lurtheron sa babaeng pumasok, malamig lamang niyang tinitigan ang mukha nito at ang buhok nitong ash blonde na sumasayaw sa kaniyang likuran.

Ang kanina'y nasa isip niya lamang ay naroon na ngayon sa kaniyang harapan.

"Your Imperial Majesty, may liham na pinadala sa iyo ang Empress Dowager," malalim ngunit kaakit-akit na boses nito.

"May mga kawal at maidservants sa palasyo. Bakit ikaw ang nagdala niyan? At bakit ka rin narito?"

Tiningnan ni Lurtheron ang kabuuan ng babae, ito ay naka-roba lamang, hawak nito ang liham.

?Dahan-dahang nilapag ng babae ang liham sa lamesa malapit sa bathtub, hindi pumuputol sa kanilang titigan, bago unti-unting ibinaba ang tali at hinubad ang kanyang roba. Hinayaan nitong bumagsak ang tela sa sahig nang walang pakialam.

?Tumaas ang kilay ni Lurtheron nang makita ang hubad at walang tago nitong katawan, habang ang hangin sa silid ay tila ba biglang uminit at naging mapanganib.

?"Why are you here, Hera Hope? You can't touch me. Vincenzo's curse will activate once you feel my holy mana," malamig at may babalang sambit ni Lurtheron, pilit na hindi dinadala ang tingin sa mapanuksong hubog ng katawan ng babae.

?Isang tipid at misteryosong ngiti ang isinukli ni Hera, sumasandal sa gilid ng bathtub habang pinapanood ang bawat reaksyon nito.

?"I never said we will touch each other... I just want to be in your presence, my dear friend. O baka naman... ikaw ang natatakot na hindi mo mapigilan ang sarili mo?" asar nito.

Kinuha ni Hera ang sabon sa gilid at isinabon sa kanyang katawan. Inuna niya ang kanyang dibdib habang nakatingin pa rin nang diretso kay Lurtheron.

?Bakas sa mukha ng lalaki ang mariing pagpipigil. Ang kanyang panga ay napakagat-labi habang pilit na itinutuon ang mga mata sa kawalan.

Isang mapait ngunit mapang-akit na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Hera.

How tragic, Lurtheron. We can't even touch each other...

I still remember the way he healed the small wounds on my feet. The cuts were not even deep, yet he still knelt in front of me without hesitation, gently holding my ankle as light mana flowed from his hands and slowly closed the wounds.

Every light mage could wield light mana... but none of them could truly heal the way he did.

Only him.

I suppose he inherited the healing abilities of House Vacardi.

But healing through light mana was never meant to be used carelessly.

It always came with a price.

Every time it was used to heal, a portion of the caster's lifespan would slowly fade away.

Even for small wounds.

And yet... he still used it on me without hesitation, as if losing years of his life meant nothing so long as I was not hurting.

Oh, my dear friend, Lurtheron... konti na lang talaga at iisipin kong may gusto ka sa akin.

Lurtheron and Hera were such close friends that they were completely comfortable around each other. Being naked meant nothing to them, they had no walls up and trusted each other completely.

Tahimik na nagkatitigan si Lurtheron at Hera habang ang liwanag ng apoy ay sumasalamin sa kanilang mga mukha. Tila ang init mula sa fireplace ay mas lalo pang nagpapainit sa nagbabadyang tensyon sa pagitan ng kanilang mga katawan.

Isang mahinang tawa ang kumawala kay Hera nang mapansin ang lalim ng pagtitig ng lalaki. Sumandal siya sa gilid ng bathtub at tamad na iwinasiwas ang basang kamay patungo sa direksyon ng lamesa.

?"You know what, Lurtheron? Just check the letter instead of staring at me," kaswal nitong sabi, ibinabalik ang pamilyar at kumportableng gawi ng kanilang pagkakaibigan upang basagin ang mabigat na katahimikan sa silid.

Dahan-dahang lumapit si Lurtheron sa harap ni Hera. Sa sobrang lapit ng lalaki, kusang bumaba ang tingin ni Hera sa matipunong dibdib nito at hindi niya napigilang mapalunok sa biglaang kaba.

?"W-why are y-you so close? The curse-" nauutal na saway ng babae, bahagyang napaatras habang nararamdaman ang matinding awra ng emperador.

?Ngunit bago pa man magdikit ang kanilang mga balat, nilagpasan lamang siya ng kamay ng lalaki. Walang kahirap-hirap na inabot ni Lurtheron ang liham sa lamesang malapit sa tabi ni Hera.

Tila nadismaya ang mukha ni Hera.

Oh.

Nang makuha ni Lurtheron ang liham ay agad na itong tumayo.

Sa kanyang pag-ahon, lumantad kay Hera ang kabuuan ng matipunong pangangatawan pati na ang pagkalalaki ng emperador.

Sa kabila ng kanilang pagiging komportable sa isa't isa, mabilis pa ring nag-iwas ng tingin si Hera, nararamdaman ang biglang init sa kanyang mga pisngi.

?Pagkaalis sa bathtub, mabilis na isinuot ni Lurtheron ang kanyang roba bago agad na binuksan at binasa ang liham.

?Habang tinatahak ng kanyang mga mata ang bawat salitang nakasulat, unti-unting nagbago ang kanyang ekspresyon. Bakas ang gulat sa kanyang mukha at tila hindi makapaniwalang umiling sa nalaman dahil sa isang madilim at bagong rebelasyon tungkol kina Vincenzo at Rassia.

Oh, dear brother... fate is indeed cruel to you, isn't?

Samantala, sa kalangitan ng Atoresa, nagiging isang digmaan ang himpapawid.

Dagsa-dagsa ang mga pana at kanyon na pinapaputok pataas, ang mga bolang apoy at bakal ay humahati sa ulap habang sinusubukang salubungin ang apat na dambuhalang dragon na rumaragasa sa kalangitan.

Ang dagundong ng apat ay kumalat sa buong himpapawid, nagpapayanig sa lupa at nagbubunsod ng matinding takot sa lahat ng naroon sa ibaba.

"Dragoroth! Sa gilid mo!" dagundong ni Razareth, bakas ang matinding pag-aalala para sa kaniyang mate habang umiilag sa mga palasong humahagis sa hangin.

"Sobrang dami ng kanilang kanyon! Bilisan pa natin ang paglipad! Nag-aalala na ako sa ating mga master, Razareth!" tugon ni Dragoroth habang mabilis na iniiwas ang kaniyang malalaking pakpak sa sunod-sunod na putok at pana.

Sa likuran nila, ang dalawa pang dragon ay patuloy na dumadagundong, umiikot at umiilag sa walang humpay na pag-ulan ng sandata.

"Tila sobrang dami nila, mga kaibigan! Mag-ingat kayo!" sigaw ng gintong dragon. "Maghiwa-hiwalay muna tayo upang-"

Dumagundong ang tatlong dragon nang makita ang gintong dragon na natamaan ng pana. Isang malakas at nakakabinging sigaw ang yumanig sa buong kalangitan.

Umungol nang napakalakas ang gintong dragon habang pilit na inaangat ang sarili, nakatingin sa pana na nakabaon sa kaniyang paa.

"Ayos ka lang ba?!" dagundong ni Razareth, bakas ang pag-aalala habang umiikot sa tabi niya at umiiwas sa sunod-sunod na putok.

"Huwag kayong mag alala!" sagot ng gintong dragon, kahit ramdam ang hapdi at galit sa kaniyang boses. "Bilisan pa natin! dito na muna tayo maghihiwalay!"

Muli siyang umungol, pilit na kinakalma ang sarili habang umiilag sa mga kanyon.

"Magkanya-kanya muna tayo!" ani ng puting dragon. "Huwag tayong manatiling dikit-dikit!"

"Tama! kapag nagsama-sama tayo, mas lalo lang tayong matutukan! Hatiin natin sila, iligaw natin ang atensyo-!" umungol si Razareth sa sakit.

"Razareth!" napakalakas na dagundong ni Dragoroth nang makita ang kaniyang kapareha na natamaan din ng pana. Sa galit ay gumawa siya ng napakalaking fire ball at binuga iyon sa mga kawal sa ibaba.

"Mga lapastangan!" Dragoroth roared.

"Change of plans! Huwag na tayo mag hiwahiwalay! Sunugin na natin lahat ang papana sa atin! Ngunit tiyakin ninyong wala kayong matatamaan na mga inosente! Ang mga nakasuot lamang na baluti ang puntiryahin ninyo!" muling dumagundong si Razareth.

"Kailangan nating mag madali!" the white dragon roared.

Sandaling tumigil sa paglipad si Razareth at bumuo ng napakalaking fire ball at binuga iyon bago pa makapag tapon ang mga kawal ng mga kanyon at pana. Ngunit sa sobrang laki niyon ay may ibang parte ng nayon ang nadamay sa kaniyang apoy.

May mga bahagi ng kalapit na nayon ang nadamay, nilamon ng naglalagablab na apoy na mabilis kumalat sa mga bubong at daanan.

Mula sa itaas, saglit na nanigas si Razareth habang nakikita ang pagkalat ng apoy sa ibaba, ang kaniyang galit ay unti-unting sinabayan ng bigat ng naging pinsala.

Sa ibaba, patuloy pa rin ang sigawan ng mga tao habang ang digmaan sa kalangitan ay lalong nagiging hindi na kayang kontrolin ng sinuman.

"I'm just doing what is necessary... forgive me, innocent humans," mahina ngunit mabigat na sambit ni Razareth habang nakatingin sa nagliliyab na bahagi ng nayon sa ibaba.

Napatingin muli ang apat na dragon sa napakaraming kanyon at pana na sabay-sabay na umaangat patungo sa kanila, tila hindi nauubos ang pumipigil sa kanilang paglapit.

Sa gitna ng kaguluhan, muling tinamaan si Razareth, kasabay ng puting dragon na tumanggap din ng matinding pinsala, dahilan upang unti-unti silang mawalan ng balanse sa himpapawid.

"Razareth!" dagundong ni Dragoroth, ang boses niya ay bumasag sa ingay ng digmaan habang mabilis na lumipad patungo sa kanila.

Ngunit sa kabila ng pag-abot, parehong bumagsak ang dalawa mula sa kalangitan, pilit na kinakalaban ang grabidad at sugat na kanilang natamo.

Nag-iba ang mga mata ni Dragoroth, naging mas matingkad ang pula habang unti-unting lumalabas ang kaniyang purple mana sakanyang dambuhalang katawan, sapat upang manginig sa kaba ang mga kawal at tao sa ibaba.

"Jusko ho! nawa'y gabayan tayo ng Dakilang Diyosa!" sigaw ng isang kawal habang umatras, nanginginig ang kamay na nakahawak sa sibat.

"Huwag matakot! Tibayan ninyo ang inyong loob!"

"Sige pa! magpaulan pa kayo ng mga pana at kanyon! huwag hayaan makarating ang mga halimaw na iyan sa kapital!"

Rassia

Natatakot ako...

Hindi ko man gustong aminin, pero paulit-ulit itong sumisigaw sa loob ng isip ko.

Natatakot akong mamatay... ayoko, ayoko pa... Akala ko kaya ko. Akala ko handa na ako sa araw na ito, na kaya kong tumayo kahit anong mangyari.

Ngunit ngayon na nandito na ako... parang unti-unting gumuho lahat ng tapang na inipon ko.

Akala ko kakayanin ko ito...

Napakagat ako sa labi ko habang nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko na alam kung paano ko pipigilan ang takot na umaapaw sa loob ko.

Natatakot ako... takot na takot akong muling mamatay. Namatay na ako ulit, pero bakit ngayon, kung kailan nagkaroon na ako ng mga mahal sa buhay? Bakit ngayon pa na may mga minamahal na ako?

In my first life, I always wanted to disappear, to die. I never cared about what I would leave behind... because I believed I had nothing worth staying for.

But now...

Now I have people I don't want to lose. People I want to protect. People I wish I had more time with. And that is exactly why I'm scared... because dying again doesn't feel like escape anymore.

I want to live. For father, for Russel, for house Quentin, for the people... especially to live peacefully with Vincenzo.

"Do you ready to die, Lucy Pearl" halos baliw kong tawa na hindi ko namalayan na nabigkas ko pala iyon. Ngunit wala akong natanggap na tugon mula kay Lucy Pearl.

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka hindi magtagumpay ang aking ama sa pagligtas sa amin at sa halip ay magdala pa ito ng kapahamakan sa kaniya at baka mailagay siya sa bingit ng kamatayan.

Ayoko... ayoko. Hindi ko yata kayang mabuhay sa mundong ito nang wala ang aking ama. Natatakot ako para sa aking ama.

Maging kay Vincenzo ay nag-aalala rin ako. Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang mamatay kaysa sa kanila.

Napalunok ako sa kaba at sa matinding pagkauhaw. Naiiyak ako sa sobrang gutom at uhaw. Hindi ko na kaya... gusto ko nang uminom...

Napatingin ako sa maliit na butas na parang bintana sa loob ng selda, kung saan may mga patak ng ulan na dahan-dahang tumutulo mula sa labas. Mukhang umuulan.

Labag man sa loob ko, muli akong napaluha at dahan-dahang lumapit doon. Pilit kong kinakalma ang nanginginig kong paghinga habang inaabot ko ang kaunting patak ng ulan.

Binuka ko ang aking bibig at hinintay ang malamig na tubig na dumampi sa labi ko, kahit kaunti lang, sapat para maibsan ang uhaw na unti-unti nang kumakain sa akin mula sa loob.

"Hoy! Prinsesang demonyo! Halika rito at oras na ng iyong kamatayan!" sigaw ng kawal na dumating upang sunduin ako. Limang kawal o higit pa ang naroroon, nakapalibot sa akin na tila wala na akong takas.

Tiningnan ko sila, ngunit nanatili akong tahimik.

Muli akong umupo sa kama, tila ba hindi ko sila naririnig.

Pagpasok nila, pilit nila akong pinapatayo, hinihila ang braso ko, ngunit nagmatigas ako. Ayokong sumama. Ayoko pa.

"Ang tigas ng ulo mo! mamatay ka rin naman! pwe!" sigaw ng isa, bago ako dinuraan sa pisngi.

Ngunit nanatili akong nakaupo.

Ayoko pa... ayoko pang mamatay.

"Talagang makulit ka! nabibingi ka na ba, demonyo?!" galit na sigaw ng isa pa.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko, dahilan upang tumabingi ang ulo ko sa kanan. Nanginginig ang buong katawan ko, ngunit pilit ko pa ring kinakapitan ang natitirang lakas ko, kahit pa unti-unti na akong nilalamon ng takot.

Sasampalin muli sana ako ng isa ngunit nagulat sila nang kusa na akong tumayo.

I gave them my death stare. I also turned my full black eyes. Gusto kong malaman nila na magpasalamat sila na nakakadena ako ngayon, dahil kung hindi ay wala na silang buhay ngayon.

Ramdam ko ang kanilang panginginig nang makita ang aking mga mata.

"Tunay ngang nakakapangilabot ang mata ng prinsesang ito..." rinig kong bulong ng isa.

Hindi ko sila pinansin. Kusa na akong lumabas ngunit hawak hawak pa rin nila ang aking mga kadena.

Kahit pa magmatigas ako ay wala na akong magagawa sa aking kapalaran.

Nang makalabas ako sa aking kulungan, marahan pa akong tinulak ng isang kawal, dahilan upang madapa ako at mauntog ang aking ilong at bibig, hanggang sa dumanak ang dugo mula rito.

"Tama na iyan! Malilintikan tayo kapag namatay ang demonyong iyan dito! Hindi siya rito papatayin!" saway ng isang kawal habang marahas akong itinayo.

"Huwag kang lampa! Bilisan mo maglakad!"

Habang naglalakad kami, tahimik lamang na nakatingin sa akin ang ibang mga bilanggo, tila natakot sa aking anyo. Taas-noo akong naglakad, hindi ipinapakita ang aking takot.

May madilim pa kaming nadaanan bago ko narinig ang mga sigawan sa labas.

Sa bawat hakbang ko, mas ramdam ko ang paglapit ko sa sarili kong kamatayan. Nagmahal lang naman ako... pero bakit ganoon kabigat ang naging kasalanan ko?

Napatigil kami nang may isang kawal na humarang sa amin at inabot sa akin ang isang inumin.

Lubos ko itong tinanggap at agad na ininom nang mabilis. Hindi ko alam ang lasa ng inumin, wala na akong pakialam kung ito man ay lason o kung ano pa, ang mahalaga ay maibsan ang uhaw ko.

"Ang bait mo yata, kawal?"

Napairap ang isa pang kawal na nakasaksi at marahas na nagsalita.

"Anong ginagawa mo? Hindi dapat iyan binibigyan ng kahit ano!"

Ang kawal na nagbigay sa akin ng inumin ay seryoso lamang na nakatingin sa akin.

"Today is her last day, we should at least let her have that," malamig niyang tugon, hindi inaalis ang tingin sa akin habang hawak niya ang aking ininuman.

Suminghal lamang ang mga kawal.

"Tabi! Masyado kang nakakaharang sa daraanan!"

Mabilis na tumabi ang kawal na nagbigay sa akin ng inumin, at sandali ko siyang tiningnan bago ako nagbigay ng munting ngiti bilang pasasalamat. Kahit paano, may mga kawal pa palang may mabuting puso.

Muli kaming naglakad, ngunit bigla akong natigilan, tila naging estatwa ang buong katawan ko sa naramdaman ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hanggang sa umabot sa puntong para bang mismong ingay nito ay rinig na rinig ko na sa aking pandinig

Masyadong malakas. Masyadong mali.

Bakit ganoon?

Bakit pakiramdam ko... may biglang nawala sa loob ko?

Humigpit ang hawak ko sa sarili ko habang pilit kong hinahanap ang sagot sa loob ng aking dibdib, ngunit ang tanging naroon ay isang kakaibang bakante, tila may piraso ng akin na basta na lang pinutol.

Bakit parang may kulang?

Hindi ko maintindihan.

Ngunit ang isa lang na sigurado ako, may nawala sa akin...

Bigla kong naalala si Vincenzo, at mabilis na tumulo ang aking luha.

Bakit... bakit parang si Vincenzo ay nawala sa akin? Parang... pinutol siya mula sa akin.

Hindi ko siya maramdaman.

Hinawakan ko ang aking dibdib, pilit na hinahanap ang pamilyar na presensyang dati'y kusa kong nadarama kahit malayo siya.

Pero ngayon... Wala. Tahimik. Bakante.

Bakit ganito?

Para bang may bahagi ng aking sarili na biglang hindi na sumasagot, parang isang pintig na nawala sa ritmo ng aking puso.

"Vincenzo..." nanginginig kong bulong.

Ngunit kahit anong pilit ko, hindi ko na siya maramdaman sa loob ng damdamin ko.

Parang... tinanggal siya sa akin.

"Hoy, anong iiyak-iyak mo riyan! bilisan mong maglakad! masyado mo na akong iniinis!" singhal ng kawal.

Muli akong naglakad, ngunit tuloy-tuloy pa rin ang luha sa aking mga mata, hindi ko na kayang pigilan.

P-patay na ba si Vincenzo?

Paulit-ulit na tanong na sumisiksik sa isip ko, mas mabigat pa kaysa sa mga kadena sa aking katawan.

Hindi ko siya maramdaman. Hindi ko na mahanap ang presensya niya sa loob ko. At sa bawat hakbang na ginagawa ko, mas lumalalim ang takot na baka ang katahimikan na ito... ay katotohanang hindi ko kayang tanggapin.

Mas lalong lumilinaw ang boses ng taumbayan. Mas lalong umalingawngaw ang kanilang sigawan nang makita nila ako.

Maraming tao ang naririto, halos hindi mabilang. Hanggang sa malayo, may mga nagtitipon-tipon na tila nanonood ng isang paghatol, tila may hinihintay na eksena na matagal na nilang inaasam.

Napatingin ako sa mga nasa gilid. Naroroon ang mga maharlika, tahimik ngunit matalim ang tingin habang pinagmamasdan ako.

Tila lahat sila ay natigilan sa aking mga mata.

"Ayan na ang demonyo!"

"Taksil!"

"Sunugin siya nang buhay!"

"Huwag na siyang hayaang mabuhay pa!"

"Lapastangan!"

"Walang lugar ang tulad niya sa mundong ito!"

Napatingin ako sa gawi ng aking lolo na si Galsarius, mahigpit na hawak si Russel na pilit kumakawala habang umiiyak at gustong lumapit sa akin. Kahit mula rito sa malayo, rinig ko ang kaniyang hagulgol at pagtawag sa akin.

Ngumiti ako sa aking kapatid ng matamis, ngunit lalo lamang siyang umiyak, at mas lumakas ang kaniyang pagpupumiglas.

Samantala, ang aking lolo ay nanatiling nakatayo, blanko ang ekspresyon habang nakatingin sa akin na para bang isa lamang akong pangyayaring dapat tapusin.

Oh... so Galsarius Contanciandro III Quentin chose his title over his family, huh...

Why did Galsarius do this to his own son and granddaughter?

Sa gabi ng aking kaarawan, malinaw ko namang nakita ang pagmamahal sa kaniyang mga mata para sa akin at sa aking ama.

.. kaya paanong nagawa niya ito sa amin?

Paano niya nakayang tumayo roon at panoorin akong tawaging demonyo ng mga taong ito?

Nang tuluyan akong makarating sa malalaking batong kung saan kami igagapos at susunuging buhay, nakita ko si Vincenzo at Cayena na naroroon na rin, kapwa nakagapos at napapalibutan ng mga kawal.

Nang magtagpo ang paningin namin ni Vincenzo, tila may kakaiba akong naramdaman, isang bagay na hindi katulad ng dati.

May pamilyar pa rin sa kaniya, ngunit may kung anong nawawala na hindi ko maipaliwanag.

Sa kabila niyon, alam kong mahal ko si Vincenzo.

Alam ko iyon.

Ngunit bakit hindi ko na siya maramdaman tulad ng dati? Bakit parang hindi na siya makapasok sa aking isipan gaya noon?

Kasalukuyan na akong ginagapos at kinakaladkad pataas sa malaking bato, habang mabigat na kadena ang mahigpit na pumupulupot sa aking katawan.

Napatingin ako kay Cayena na tahimik lamang na umiiyak, nakapikit habang pilit kinakalma ang sarili, ngunit kitang-kita pa rin ang panginginig ng kaniyang balikat sa gitna ng sigawan at kaguluhan sa paligid.

Sa tabi ko ay naroon si Vincenzo, nakagapos din, tahimik na nakatingin sa akin sa gitna ng sigawan ng taumbayan.

Napanginig ang labi ko habang pilit kong pinipigilan ang pag-iyak.

"Vincenzo... mahal na mahal kita..." mahinang sambit ko, puno ng sakit at desperasyon, na para bang iyon na ang huling pagkakataon na masasabi ko iyon sa kaniya.

Mas lalo akong napaiyak nang makita ang kaniyang katawan na halos sugat mula sa paglalatigo.

Isa siyang bampira, dapat ay matagal nang naghihilom ang mga sugat na iyon. Ngunit dahil sa suot niyang holy chain, tila tuluyang napigilan ang kaniyang kusang paggaling, dahilan upang manatili ang bawat sugat at dugo sa kaniyang katawan

"Mahal kita, tatlong libo't pitong daan, Rassia."

Napakunot ang noo ko sa makahulugang sinambit niya. Ano ang ibig sabihin niyon?

Ngunit bago ko pa iyon lubos na maintindihan, muli akong napaluha nang makita ko ang luha na namumuo sa kaniyang mga mata.

"Vincenzo..."

"My love for you is stronger than all odds, Rassia. Kahit anong gawin ng kapalaran sa atin... hindi magbabago iyon."

Napapikit na lamang ako sa pait ng aming kapalaran.

"Sunugin na ang mga halimaw!"

Tumigil ang lahat ng sigawan at unti-unting nanahimik ang buong paligid nang marinig ang tunog ng tambol. May humarap na matandang konseho na may hawak na mahabang scroll.

Nilibot ko muli ang aking paningin. Narito ang pinakamataas na maharlika sa imperyo. Maging ang Hari ng Hilaga ay narito rin. Ang lahat ng matataas na pamilya na namumuno at naninirahan sa Atoresa, Wintergard, Emberman, Paresi, Forland, Hispanea, at Oskandor.

Nakita ko ang mga kamag-anak ng House Quentin na may mga pulang buhok, tulad ko. Ilan lamang sa kanila ang nakikilala ko, dahil karamihan ay nakatuon na sa kani-kanilang mga angkan.

Si Galsarius, ang aking lolo, ay may kambal na kapatid si Namurius, na mayroon ding mga anak na lalaki at babae.

Ang alam ko lamang ay ibinigay sa kaniya ang pamumuno ng aming pamilya dahil sa kaniyang talas at tuso pagdating sa mga negosyo.

Magaling din ito sa i-stratehiya pag dating sa digmaan ang aking lolo.

Samantala, ang kaniyang kambal na si Lolo Namurius ay namatay daw sa digmaan.

I can't bear to see my own house watching me burn alive...

"Ayon sa pinakamataas na madre sa Holy Cathedral, napagalamang si Prinsipe Vincarion Cenzo de Erenhal Vacardi na mas kilala bilang Vincenzo Amadeus Vacardi at si Prinsesa Rassia Saint Quentin-Vacardi ay reinkarnasyon ng sinaunang diyosa ng buwan at hari ng mga demonyong nagkasala."

Kumunot ang noo ko. Ang ibig bang sabihin nito ay ito ang nakita ng dalawang madre sa mga oras na iyon?

"Sinasabing bago pa bilangin ng Dakilang Diyosa ang mga taon, umibig ang diyosa ng buwan sa hari ng mga demonyo. Isang pag-ibig na itinuring na kasalanan ng mga diyos, diyosa, at maging ng mga demonyo."

Lalong lumakas ang bulongan ng lahat.

"Dahil dito, isinumpa silang muling mabuhay sa bawat panahon, tadhanang hanapin ang isa't isa sa bawat buhay ngunit kailanman ay hindi pinahihintulutang magkaroon ng payapang wakas."

"At ngayon, matapos ang daang taon, muli na namang nagtagpo ang diyosa ng buwan at ang demonyo."

Bahagyang tumigil ang matandang konseho bago muling binasa ang laman ng scroll.

"Sila ay muling ipinanganak bilang si Prinsipe Vincenzo Amadeus Vacardi na mayroong dugong Erenhal, ang dugo ng mga bampira masasama."

"At bilang si Prinsesa Rassia Saint Quentin-Vacardi na may demonyo sa kaniyang kalamnan."

Lalong lumakas ang bulungan ng lahat.

"Ayon sa pagsasaliksik ng mga konseho, ang nararapat na hatol sa dalawa ay kamatayan upang tuluyang maputol ang isinumpang ugnayang nagdadala ng kapahamakan sa bawat panahong sila'y muling isinisilang."

"Kasama sa hatol ang isa pang prinsesa na si Cayena Mori Vacardi na mayroon ding dugo ng Erenhal."

Marahang itinaas ng matanda ang tingin sa amin.

"Sa ngalan ng Dakilang Diyosa, at ng Holy Cathedral, ang tatlo ay hahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng banal na apoy, upang linisin ang mundong ito mula sa kanilang kasalanan. Ang kanilang pagkatao ay hindi na dapat umiiral sa mundong ito."

Muli akong tumingin kay Vincenzo, nakita kong may lungkot sa kaniyang mga mata. Nakita ko ang sakit na pilit niyang itinatago habang nakatingin siya sa akin, na para bang gusto niyang may sabihin ngunit hindi na niya magawa.

"Vincenzo... Vincarion... V-Vinny..." mahina kong tawag habang pilit akong ngumiti sa kaniya kahit nanginginig na ang labi ko.

"Mahal na mahal kita..."

"Sunugin na sila ng buhay!" sigaw ng isa pang konseho.

"Mahal na mahal din kita, Rassia. Kahit ilang beses pa tayong isumpa ng mundong ito, kahit ilang buhay pa ang ipagkait sa atin, ikaw pa rin ang hahanapin ng puso ko sa bawat pagkakataong muli akong mabubuhay..."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.