CHAPTER 57

Rassia

We became each other's sweetest sin and most beautiful tragedy.

"Ikaw ang diyosa ng buwan na kauna unahan kong naging kaibigan, Rassia... hindi ako makapaniwala... You are the goddess of the moon I told you who was excuted for a sin unworthy of death... patawad sa mga sinambit ko saiyo noon, patawad... patawad...."

Kasabay ng pag-iyak ni Lucy Pearl sa aking kalooban ay muli ring tumulo ang aking mga luha.

How cruel...

Noon pa lamang pala... isa nang lapastangan ang pagmamahalan namin ni Vincenzo.

Bago pa man kami isinilang sa mundong ito, bago pa man kami nagkita bilang sina Rassia at Vincenzo... sinumpa na pala kami ng tadhana.

Parang kailanman ay hindi talaga kami binigyan ng pagkakataong magmahal nang normal. Sa bawat buhay... sa bawat panahon... kami ay itinadhana lamang magkita, magmahal, at pagkatapos ay paghiwalayin na naman ng mundo.

Napatawa ako nang mahina, ngunit wasak ang tunog nito.

Nakakatawa, hindi ba?

Ang isang bagay na nagbigay sa akin ng dahilan para mabuhay... iyon din pala ang kasalanang dapat ikamatay ko.

Nagsilabasan ang napakaraming Imperial Knights na halos hindi ko mabilang sa buong paligid. Tila ba buong hukbo ng imperyo ay naririto upang tiyaking hindi kami makakatakas sa mga kadena.

I looked up at the dark sky. The night was chosen deliberately, like it was meant to hide their judgment beneath silence and shadows, where even hope feels too weak to be heard.

"Sunugin!"

"Sunugin!"

"Sunugin!"

Ang tatlong kawal ay sinindihan na ang sulo upang sunugin kami. Pinagmasdan ko silang dahan-dahang lumalapit sa amin, bitbit ang naglalagablab na sulo habang papalakas nang papalakas ang init na umaabot sa aming kinatatayuan.

"Mahal na mahal kita, Vincenzo... mahal na mahal..." pikit ko habang hinihintay ang aking kamatayan.

Nang makalapit sa akin ang kawal na may ngisi sa labi, halatang sabik na sabik na siyang tuluyan akong sunugin. Napalunok ako habang unti-unting lumalapit ang sulo na nagliliyab ng matinding apoy.

Napapikit ako nang ramdamin ko na ang init nito, tila ilang sandali na lamang ay lalamunin na ako ng apoy.

Ngunit bigla akong napamulat nang marinig ko ang kaguluhan sa paligid.

"A-anong nangyayari?!"

"May mga taksil!"

Napatingin ako sa tatlong kawal na lumapit sa amin, sila ang tila pinagmumulan ng biglang kaguluhan.

Napalingon ako sa mga Imperial Knights, at nakita kong isa-isa silang nilalamon ng apoy. Sa halip na kami ang dapat na masunog, sila ang unti-unting tinutupok ng naglalagablab na apoy na kumalat sa buong hanay.

Ang sulo na dapat sana'y magwawakas sa amin ay hinagis ng tatlo sa tatlong hanay ng libo libong Imperial Knights, at tingin ko ay mga fire holder ang mga ito dahil mabilis kumalat ang apoy sa mga iyon.

Kaguluhan ang bumalot sa buong lugar.

Tila mas lalo pang lumiwanag ang paligid nang isa-isa nang lumitaw ang iba't ibang kulay ng mga magic circle sa buong lugar. Kasabay nito, ang iba ay sabay-sabay na humugot ng kani-kanilang soul weapon, at sa isang iglap ay naging handa ang lahat para sa digmaang biglaang sumiklab.

Napatingin ako sa tatlong kawal na iyon... at unti-unti akong ngumisi.

Sa gilid ng kanilang mga braso, nakita ko ang pulang tattoo ng isang phoenix, ang simbolong ako mismo ang nagbigay sa aking mga lihim na puwersa. Mga engkantari na nagkunwaring Imperial Knights.

"Maghanda! May mga taksil na kawal!" sigaw ng isang opisyal, habang lalo pang sumiklab ang kaguluhan sa paligid.

Napatingin ako sa mga ibang Imperial Knights na nagtanggal ng kanilang head armor, doon ko nakita ang kanilang mga tattoo... sila ang mga bandido na nagkunwari ding mga Imperial knights.

Ang buong paligid ay tuluyan nang naging digmaan. Ang dating entablado ng paghatol ay naging larangan ng labanan. Ngunit kami ay nanatiling nakatali at suot ang mga banal na kadena na humihigop sa aming lakas.

Napamura ako sa isip ko.

Hindi kami makakatakas... hangga't suot namin ang holy chains na ito.

Ang mga tao ay nagsitakbuhan sa magkakaibang direksyon, ang iba'y sumasabay sa labanan.

Bigla nanamang yumanig ang lupa.

Isang bagong hukbo ang dumating.

My secret forces are wearing full golden armor, riding their horses while holding their swords. Muling tumulo ang aking luha nang makita kung sino ang namumuno sa kanila.

"The traitor Archduke Cesare Fuegoleon Quentin is here!"

"Kill them!"

"Kill the traitor!"

"Cut them down!"

Napatingin ako kay Vincenzo at Cayena na seryosong nanonood sa kaguluhan, habang pilit kaming tinutulungan ng tatlong nagkunwaring kawal na makawala.

"No!" napasigaw ako nang isa-isa silang nasaksak mula sa likuran bago pa kami tuluyang makawala.

Isang malamig na tinig ang sumingit sa gitna ng kaguluhan.

"Sa tingin niyo ba ay makakatakas kayo? Huwag kayong mga hangal." ani ng Commander ng Imperial Knights.

Napaiyak na lamang ako at napatingin sa mga Quentin. Naroon din ang mga Quentin Knights na nakikipaglaban laban sa aking ama. Samantala, ang aking lolo na si Galsarius ay tahimik lamang na nagmamasid sa aking ama, walang mababakas na kahit anong emosyon sa kaniyang mukha.

Ang apat na commander na sina Owen, Valentino, Agostin, at Finn ay tila nag-aalangan na makipaglaban. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang pagdadalawang-isip kung lalabanan ba nila ang dating pinagsisilbihan.

Maging ang mga Quentin Knights ay bakas sa kanilang mga mukha ang pagtutol habang pilit na lumalaban sa aking ama.

"Father..." iyak ko nang makita kung paano niya hindi magawang kitlin ang mga kawal ng House Quentin. Sa halip, malalakas na suntok lamang ang ibinabagsak niya sa kanila, sapat upang mawalan sila ng malay.

Sa paligid naming tatlo ni Vincenzo at Cayena, unti-unti kaming napalibutan ng mga Holy Knights na ipinadala ng Holy Cathedral, tila upang tiyaking wala kaming matatakasan.

Tumingala ako kung saan tahimik na nanonood si Lurtheron at ang Empress. Mas lalo pang tumalim ang titig ko sa Empress nang makita ko ang bahagyang saya sa kaniyang ekspresyon, tila ipinapahiwatig sa akin na hindi ako matutulungan ng aking ama.

Maya-maya pa ay tumalikod si Lurtheron at tuluyang umalis.

Kaba akong tumingin sa aking ama na nakikipaglaban sa mga Imperial Knights at sa mga malalakas na maharlika. Paano nila matatalo ang mga ito? I clearly see that they are outnumbered.

Ngunit kahit mas marami ang kalaban ng aking ama, tila wala niyang kahirap-hirap na pinapatumba ang mga ito. My father is indeed the Great Swordmaster. Maging sina Katarina at Agarus ay kapansin-pansin ang pambihirang husay sa pakikipaglaban.

"Naku... ang Great Swordmaster ang kalaban natin. Ngunit kahit mag-isa lang siya, mukhang mahihirapan pa rin tayong talunin siya..." rinig kong bulong ng isang kawal.

"He never loses a battle after all."

Ngunit agad akong nanlamig nang makita kong hinarang ng dalawang Grand Duke ng East at South, kasama pa ang Hari ng North, ang aking ama.

Shit.

Three versus one?

The Grand Duke of the South, Aloreon Ford Tressilian. The Grand Duke of the East, Cassius Rogaris Laurent. And the King of the North, Lorcan Nigel II Bartholomew.

Against my father.

They were among the strongest and most powerful mages across the entire continent. Warriors whose strength stood on the same level as my father's.

Nanlamig ang buo kong katawan.

Dahil sa abilidad ni Lucy Pearl na makarinig mula sa malayo bilang isang demonyo, nagawa ko ring maangkin ang kakayahang iyon. Kaya kahit mula rito, malinaw kong naririnig ang kanilang pag-uusap sa gitna ng kaguluhan.

"Forgive me, former Archduke of the West. I am merely following an Imperial decree," pormal na saad ni Grand Duke Cassius, ang ama ni Caspian.

"Surrender now, Cesare," malamig na sambit ni Aloreon Ford Tressilian. "You are outnumbered."

"You cannot win this battle," dagdag ng Hari ng North na si Lorcan habang mabigat ang titig sa aking ama. "Do not make us kill you here."

Napansin ko ang pagngisi ng aking ama habang dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa dalawang Grand Duke.

"My dear colleagues, Cassius and Aloreon... I never thought we would spar again after so many years," mahinahon ngunit may halong pang-aasar niyang sambit.

"Cassius, I still remember how you used to ask me for sparring matches just to get Nadea's attention."

Bahagya siyang natawa bago tumingin kay Aloreon.

"And you as well, Aloreon. The two of you clearly had a crush on my wife."

Nakita kong itinukod ng aking ama ang kaniyang espada sa lupa bago siya bahagyang ngumisi.

"Yet... I still defeated the two of you."

Nakita ko ang pagngisi ni Grand Duke Aloreon habang itinutok niya lalo ang kaniyang espada sa aking ama.

"Those were the good old days, Cesare," malamig niyang sambit.

"But tonight is different. This is no longer a friendly spar. We will kill you this time."

Nanatili ang malamig na ekpresyon ng ama ni Caspian habang nakatutok din ang kanyang espada sa aking ama.

"Labag man ito sa aking loob, Cesare, but this is what must be done. You are no longer just a man we once knew... you are now a threat to the empire we swore to protect."

The King of the North remained silent. He was clearly the youngest among the three, yet his expression stayed unreadable and fixed entirely on my father.

There was no anger in his eyes. Only a quiet, heavy resolve that made him even more unsettling than the others.

"Very well, then. I only wanted you to remember that because even on this night, I will defeat you once again."

Sabay na sumugod ang tatlo gamit ang kanilang mga espada. Sa kanilang kaliwang kamay, lumitaw ang mga magic circle at sama-samang pinakawalan ang matinding power blasts patungo sa aking ama.

Ngunit sa bilis ng kaniyang kilos, mabilis na hinati ng aking ama ang tatlong pag-atakeng iyon gamit ang kaniyang espada.

Sinalubong ng aking ama ang espada ni Grand Duke Aloreon at mabilis niya itong sinipa sa tiyan nang buong lakas, dahilan upang tumalsik ito palayo.

Agad siyang umiwas sa kanan at naiwasan ang espadang ibinato sa kaniya ni Grand Duke Cassius. Sa isang kisapmata, nagtagpo ang kanilang mga sandata, ngunit mabilis na kumilos ang aking ama at sinuntok ang tiyan nito, dahilan upang mapaatras at maubo ng dugo ang ama ni Caspian.

Kasabay nito, mabilis siyang umikot patalikod at muling hinati ang mga power blast na pinakawalan nina Aloreon at Lorcan gamit ang kaniyang espada.

Pinunasan ni Aloreon ang dugong nasa kaniyang bibig at umiling.

"You are indeed a pain in the ass, Cesare."

Nagkatinginan at nag tanguan ang tatlo at dahan-dahang lumapit sa isa't isa, pinag gitnaang dalawang grand duke ang hari ng north.

Naglabas si Lorcan ng isang napakalaking bilog ng power blast. Sa magkabilang gilid niya, tumabi ang dalawang Grand Duke at sabay na itinaas ang kanilang mga palad, pinatatag at pinalalakas ang pwersa ng power blast ni Lorcan gamit ang kanilang sariling mana.

Tatlo pinagsamang lakas ang bumuo ng isang dambuhalang bilog na powerblast na unti-unting lumalaki, lumalamon sa liwanag at espasyo sa kanilang harapan.

Napatingala ako nang makita iyon.

Sobrang laki... at sobrang bigat ng kapangyarihang iyon.

"Fuck... hindi ito kakayanin ng aking ama..." mas lalo pang bumigat ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang lalong paglaki niyon.

My father obviously couldn't avoid that massive, overwhelming power blast!

"Trust your father, Rassia. He's not called the Golden Lion of House Quentin and the Great Swordmaster for nothing." tila gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang malalim na boses ni Vincenzo sa aking tabi.

Ngunit bilang isang anak, hindi ko maiwasan mag alala para sa aking ama.

The surrounding mages watched in stunned silence as the three Grand figures combined their mana.

"Nakakasuka sa kalamnan ang sobrang lakas na enerhiya na inilalabas nila..."

"H-hindi ko inaasahan na masasaksihan ko ang labanan na ito..."

"T-tingnan n-niyo ang-"

Tila lahat ay napapikit nang sabay na pakawalan ng tatlo ang kanilang pinagsamang atake, at rinig na rinig sa buong paligid ang nakakabinging pagsabog ng powerblast.

Muli kong dinilat ang aking mga mata, ngunit napanganga na lamang ako sa nakita.

Nakita ko ang aking ama na lumilipad sa ere, may gintong pakpak na tila binuo ng purong mana. Kumakalat ang kaniyang gintong mana sa buong katawan niya.

Sa gitna ng gabi, siya ang tanging gintong liwanag na hindi kayang lunukin ng dilim.

Mukha siyang isang anghel na bumaba sa lupa.

Dahil sa kadiliman ng gabi, mas lalong kitang-kita ang kaniyang kabuuan, at mas kapansin pansin ang kumikislap niyang gintong mata.

Nahati niya ang napakalaking power blast ng walang kahirap-hirap?!

Muling nagtipon ang tatlo ng panibagong powerblast na mas malaki at ramdam kong mas mapanganib kaysa kanina. Ngayon ay nagkaroon na ito ng asul na kulay.

Mas lalong lumipad pataas ang aking ama at muling humarap sakanila.

"Shinka Aporeleon Vardir!" rinig kong sigaw ng aking ama. Kasabay niyon ay binitawan niya ang kaniyang espada ngunit ito ay nanatiling nakalutang sa harapan niya.

Nanlaki ang aking mga mata sa muling nasaksihan.

Sa likod ng aking ama ay mga dambuhalang gintong espada na nakahilera sa kaniyang likuran, tila ba mga sandatang sumasabay sa bawat pintig ng kaniyang mana.

"Vardir!" rinig kong sambit ng aking ama. Kasabay niyon, biglang naglaho ang mga dambuhalang espada sa ere at nawala ng isang iglap.

Mula sa paligid ay sumiklab ang sigawan ng mga tao, kaya mabilis kong ibinaling ang aking tingin sa ibaba.

Nanlamig ako sa aking nakita.

"So... this is the true power of my father?"

Ang mga espadang kanina'y nasa madilim na kalangitan ay naroon na ngayon, nakasaksak sa bawat Imperial Knight, maging sa mga Grand Duke at sa Hari ng North.

Ang bawat dambuhalang espada ay may tig-lilimang dosenang kawal na tinamaan sa isang iglap. Maging ang tatlong maharlikang humarang sa aking ama ay magkakasamang nakatuhog sa iisang napakalaking espada.

Hindi ako makagalaw.

P-patay na ba silang lahat...?

"That power is called the Swords of the Golden Vardir Dominion. Only your father has that power. Walang ibang mages ang nakakagawa niyan, kundi siya lamang," rinig kong sambit ni Vincenzo.

"P-patay na ba silang lahat, Vincenzo?"

"Hindi sila pinatay ni Master Fuegoleon dahil kilala ko siya," mahinahong tugon ni Vincenzo habang nakamasid pa rin sa nagliliyab na kaguluhan.

"He knows they are not the true enemy. My master only kills those he truly considers enemies... just like the Pope he once killed."

Kumunot ang noo ko nang mahagip si Lurtheron na may ibinubulong kay Lolo Galsarius. Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumapit ang aking lolo sa gawi ng aking ama at unti-unti niyang inilabas ang kaniyang espada mula sa kaniyang kamay.

Don't tell me... h-he's fighting his own son?

"R-Rassia... I sense that your grandfather is much stronger than your father... he might kill him..."

Muling umagos ang aking mga luha nang marinig ang sinabi ni Lucy Pearl.

No...

Hindi ko kaya...

Paano niya magagawa ito sa sarili niyang anak?!

Paano?! sinong gagong magulang ang kayang pumatay ng sarili niyang anak?! kadugo ba talaga namin ito ng aking ama?! hindi pa ba sapat na tinalikuran niya kami?!

Hindi ito maaari... hindi ito dapat mangyari...

Muling bumaba sa lupa ang aking ama at hinarap si Lolo Galsarius. Mas lalo akong napaiyak nang makita ko ang sakit sa mga mata ng aking ama habang saglit siyang tumingin sa akin at sa halip na magsalita, dahan-dahan niya akong tinanguan, tila nagpapaalam.

"No! Father! Grandfather! Stop it please!" sigaw ko, halos mapunit ang boses ko sa desperasyon. "Nakikiusap ako! Huwag!"

Pilit kong pinipigtas ang mga kadena sa aking likuran, nanginginig ang buong katawan ko sa pagsisikap, ngunit napakahigpit ng pagkakatali nito. Imposibleng makawala ako rito... kahit gaano ko pa subukan.

Napansin ko ang tingin sa akin ng isang pamilyar na babae, mukhang ito ay si Lady Hera Hope Castellan, ramdam ko ang awa ng kaniyang tingin sa akin. Narinig kong nilagyan daw ito ng sumpa ni Vincenzo... ngunit hindi ko alam kung bakit...

Sa isang iglap naramdaman ko ang unti unting pagkalas ng mga kadena sa aking pulsuhan ngunit hindi pa rin ito natatanggal.

Teka, siya ba ang may gawa non? bakit? dahil ba naawa siya sa akin? mas gugustuhin ko na lamang na pakawalan niya ako rito.

"Father!" agad kong sigaw nang makita kong duguan na ang aking ama sa pakikipaglaban kay Lolo Galsarius. Tunay ngang napakalakas nito kahit may katandaan na.

"Fuck... m-master..." ani Vincenzo.

Isang malakas na tambol ang muling umalingawngaw sa buong paligid, dahilan upang mapatingin kaming lahat kay Megan, kasama ang kaniyang anak na si Lurtheron sa kaniyang tabi.

"Archduke Galsarius Constanciandro III Quentin," malamig niyang anunsyo, "the Council and His Imperial Majesty are not yet fully convinced of your loyalty as a Quentin. Now... you must prove yourself to us."

Sandaling ibinaling ni Megan ang tingin sa akin, at doon ko nakita ang isang malamig na ngisi sa kaniyang labi.

"You must kill your traitor son with your own hands."

W-what?

I saw a slight shock flicker across my grandfather's expression upon hearing it. Slowly, he turned back his gaze toward his son.

"No! stop, Grandfather!" I screamed, my voice breaking as rage finally swallowed my fear. "How could you do that in your own fucking son?! how?!"

Muling naglaban ang dalawang mag-ama, ngunit halatang nahihirapan na ang aking ama.

"No! I already lost my mother because of me! ngayon, dahil nanaman sa akin?! hindi! hindi ito maari!" hindi ko alam kung anong magiging buhay ko kapag pati ang aking ama ay mawala rin...

Nakita kong muling umubo ng dugo ang aking ama habang nakatingin sa akin. May luha sa kanyang mga mata nang saksakin siya sa tiyan ng sarili niyang ama.

?"No!" hiyaw ko.

?Susugod na sana sina Agarus at Katarina para sumaklolo, ngunit tig-limang kalaban ang humarang sa kanila. Wala silang nagawa kundi lumaban kahit halatang pagod na pagod na sila.

?Lahat ay nakatutok ang pansin sa mag-amang naglalaban.

?Wala... wala akong magawa. Hindi ko man lang matulungan ang aking ama.

Muli akong napasigaw nang saksakin na naman ni Galsarius ang aking ama. Napaluhod ito at muling dumaing habang umuubo ng dugo. Kasabay niyon ang biglaang paglakas ng hangin, na tila ba nakikiramay at umiiyak sa panghihina ng aking ama.

?Mula sa aking likuran, nagulat ako nang may nagtatanggal na ng mga kadena sa aking mga pulso. Napalingon ako at nakitang nakawala na si Cayena, na tinutulungang makababa ng mga taong naka-itim na cloak at maskara.

?"Rassia... patawad, ngayon lang kita natulungan," bulong ng isang pamilyar na boses. Tumingin ako sa kanya na naka-itim na cloak at maskara.

?"C-Caspian?"

?"Huwag kang maingay, Rassia. Malalagot ako nito sa ama ko." pagkasabi niyon ay tuluyan na niyang natanggal ang mga kadena sa aking mga kamay at paa.

?Tumingin ako sa paligid. Ang mga Holy Knight ay abala na sa pakikipaglaban sa hukbo ng mga naka-itim na cloak, kaya nawala na sa akin ang kanilang atensyon.

?Wala na rin si Vincenzo sa pwesto niya kanina. Nasaan siya?

?"C-caspian, maaari ba nating tanggalin itong holy chain?" tanong ko. Gusto ko nang maalis ang nasa leeg ko para matulungan ko ang aking ama.

?"Hindi, Rassia. Tanging mga miyembro lang ng Holy Cathedral ang makakatanggal niyan. Mamatay at sasabog ka kapag sapilitan natin tanggalin iyan! Ang mahalaga ngayon ay makatakas tayo rito!" sigaw ni Caspian sabay buhat sa akin para maialis ako sa batong tinituntungan ko.

Ngunit lumingon ako at nakitang muling napaluhod ang aking ama dahil sa rami ng natamong sugat. Nang makita niyang nakalaya na ako, pilit siyang tumayo at sinipa ang aking lolo.

?Agad niyang isinaksak sa lupa ang kanyang gintong espada, at isang dambuhalang gintong magic circle ang bumalot sa buong paligid.

?"Anong nangyayari?"

?Kusa akong tumakbo patungo sa kanya, ngunit mabilis akong pinigilan ni Caspian.

?"Rassia! Mahigpit na ipinagbilin sa akin ng iyong ama na itakas kita rito! Huwag kang matigas ang ulo!"

?Dahil sa magic circle na ginawa ng aking ama, ang lahat ng nakaapak doon ay namilipit sa tindi ng init. Mukhang sinusunog sila mula sa loob ng kanilang katawan. Muntik ko nang makalimutan na hawak din pala ng aking ama ang kapangyarihan ng apoy.

As my father stood up, he coughed up blood once more.

?Because my grandfather, Galsarius, his own father, had plunged his sword straight into my father's heart.

?"Father!" I screamed. I ran toward him as fast as I could. Arrows were flying straight at me, but I didn't stop running.

Ngunit bigla akong napatigil nang may yumakap sa akin, at pareho kaming napadapa sa lupa.

?"V-Vincenzo? y-your... your heart..." I cried even harder when I saw the ten arrows pierced into his back. Two of them had driven straight through his heart.

?"N-no! Please! Vincenzo, don't die..."

?I could feel his warm blood soaking through my clothes.

?"R-Rassia... M-master Fuegoleon is... gone..." my heart completely broke, and my tears wouldn't stop falling.

?"Don't worry, Rassia... I'll come back to you."

Muli siyang umubo ng dugo ngunit nakuha pa rin niyang ngumiti sa akin habang hinahawakan ang aking pisngi. Hinawakan ko ang kanyang kamay at mas lalong napahagulgol.

?Hindi ko kaya ito... patay na ang aking ama... pati ba naman si Vincenzo? Ang taong pinakamamahal ko... ay mawawala rin sa akin?

?"Mahal na mahal kita, Rassia," bulong niya bago ako hinalikan nang puno ng pagmamahal.

Ngunit napahiwalay ako sa aming halik nang hindi ko na maramdaman ang kanyang kamay sa aking baywang. Sigurado akong hindi niya iyon kusang tinanggal, basta na lang itong naglaho.

?Tinitigan ko ang kanyang katawan, at doon ko nakitang unti-unti na siyang nagiging abo.

?"V-Vincenzo... b-bakit? bakit ka nagiging abo?!"

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata.

?"The arrows are made of silver with holy spells, Rassia. A vampire cannot... cannot survive this," nahihirapan niyang sagot habang pilit na ngumingiti.

?"N-no... no, Vincenzo! Please stay with me!

Huwag mo akong iwan, please... hindi ko kaya.

.. hindi ko kaya! ayoko... ayoko... huwag mo akong iwan, Vincenzo!

mahal na mahal kita..." I cried out, trying to grab his hands, but my fingers only passed through the dust. Ang mga abo niya ay unti-unti nang tinatangay ng hangin.

?The holy magic was destroying him from the inside out, erasing every trace of his existence.

Ang pinakamamahal ko ay tuluyan nang naglalaho sa harapan ko.

?"I love you, Rassia... in this life, and the next," he whispered, his voice fading like a distant echo.

"Don't cry, Rassia. If loving you means burning into nothingness, then I would gladly face this death a thousand times over.

In this life... and in every single lifetime that follows, my heart will always look for you.

.. I will find my way back to you, even if I have to crawl out of the underworld just to hold you again.

.. Mahal kita, tatlong libo't pitong daan, Rassia. .."

?At sa huling pagkakataon, tuluyan nang naglaho ang kaniyang mukha.

I was left hugging the empty air, staring at my hands covered in his blood and ashes.

?I saw the lifeless body of my father staring at me. I saw a tear in his eyes even though he was already dead. It was as if his last remaining emotions were frozen in time, capturing the pain of leaving me behind.

?Nagulat ako nang unti-unti ring naglaho ang bangkay ng aking ama sa hangin.

His body turned into brilliant golden particles, mixing with the dark ashes of Vincenzo that were still swirling around me.

Ang dalawang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko ay tuluyan nang naglaho na parang bula sa harap ng aking mga mata.

?"Father! Vincenzo!" I shouted, my voice cracking from the sheer agony of my breaking heart. ?I fell to my knees, clawing at the empty ground, desperately trying to catch the fading ashes of Vincenzo and father.

?"Rassia, we have to go! Now!" rinig kong sigaw ni Caspian, hawak na ako upang hilahin palayo, ngunit hindi ko na maramdaman ang paligid ko.

?A suffocating silence filled my chest, replaced quickly by a cold, blinding rage. I felt my eyes burning with hatred I had never felt before.

?I looked up at Galsarius. Behind him stood the Empress Dowager, Lurtheron, and the rest of the knights.

?Lahat sila ay nakatingin sa akin na may saya sa mukha. There was no pity, no remorse, only the sickening smirk of victory on their lips as they stared down at me, broken and bleeding on the ground.

?Ang kanilang mga bulungan ay umalingawngaw sa buong paligid, ngunit unti-unting nawawala ang kanilang boses sa aking pandinig. The dynamic of my grief shifted, turning into a terrifying, suffocating quiet. I stopped crying. The tears dried up on my ash-stained cheeks.

?My vision began to blur with a deep, crimson hue. I gripped the dirt beneath my fingernails until they bled, my gaze locked firmly on Galsarius.

Kung demonyo ang tingin nila sa akin... sisiguraduhin kong mararanasan nila ang impiyerno.

Tumingin ako kay Caspian na gumawa na pala ng barrier upang protektahan ako sa lahat. Ang aking mga secret forces ay natalo na rin, napayuko sila at tila nawalan na ng pag-asa.

?"Caspian, go now. I can handle myself," I said coldly. My voice lacked any warmth, hollowed out by the deaths of the two men I loved.

?"But Rassia-"

?"Umalis ka na, Caspian!" sigaw ko, dahilan upang magulantang siya. Kita ko ang pag-aalinlangan at takot sa kanyang mukha. He wanted to save me, but he knew he couldn't beat them all.

?I calmed myself and looked at him again, my eyes conveying a silent promise.

?"I have a plan. So go, now."

Agad naman akong tinanguan ni Caspian, kahit mabigat sa loob niya, at mabilis siyang tumakbo palayo upang makatakas gamit ang gulo sa paligid.

?Now that he was safe, I stood up slowly.

I looked at the filthy people coldly, the monsters who killed my loved ones.

The Empress Dowager, Lurtheron, and my own grandfather, Galsarius.

None of them moved, amused by my sudden calmness.

?I raised my chin, staring directly into Megan's eyes with a sickeningly calm smile.

?"Burn me alive, now. That is what you wanted, right?"

?Narito ako ngayon muli at kinadena upang sunugin. The cold iron bit into my flesh, binding me to the stake as the crowd cheered for my execution.

?Tinapon na sa akin ang sulo na may apoy.

Ramdam ko na ang kumakalat na apoy paakyat sa aking katawan.

Ang init ay unti-unting lumalamon sa aking mga binti, ngunit hindi ako sumisigaw.

I didn't even flinch. For someone whose heart had already been turned to ashes, this physical fire felt like nothing.

?Suddenly, I heard Lucy Pearl's voice whisper in my mind.

?"Fuck it, Rassia?! Dapat ay umalis ka na?! What are you doing?! You're letting yourself burn alive?!" her voice was laced with pure panic, screaming inside my head as she witnessed my apparent surrender.

?I closed my eyes, letting the flames rise higher, licking against my skin. A dark, dangerous smile formed on my lips amidst the smoke.

Naramdaman ko na ang apoy sa aking buong katawan ngunit hindi ko na pinansin ang sakit. The searing heat was nothing compared to the absolute numbness inside my chest.

?I heard the people's shouts echoing.

?"Ayan ang nararapat sa kanya!"

?"Isang demonyo!"

?"Mamatay ka na!"

?Lahat sila ay naghihiyawan, natutuwa sa bawat pag-angat ng apoy sa aking balat.

I feel Lucy Pearl's panic vibrating inside of me, her voice echoing violently against the walls of my consciousness.

?"Damn it! Damn it! This is the only way to keep you alive! You leave me no choice, Rassia! I will now unseal your Eternal Flame Mana! Prepare your fucking self!"

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.