CHAPTER 58
The Rise of the Child of Fire
Sa lamig at katahimikan ng gabi sa kontinente ng Palazan, may mga mangkukulam na nagsasagawa ng isang sinaunang ritwal. They are performing the ritual to awaken the Child of Fire faster.
One of the Princesses of Palazan, an engkantada, has seen a vision of a creature that will soon bring a threat not only to the continent of Palazan, but to the entire magical world of Arcadeya.
The Witches of Narleia believe that the Child of Fire in the prophecy is the savior.
Nakapalibot sila sa naglalagablab na apoy sa gitna ng madilim na kagubatan, paikot na sumasayaw habang bumubulong ng mga salitang hindi maintindihan ng karaniwang tao. Ang apoy sa gitna ay tila buhay at sumisiklab nang mas mataas sa bawat dasal na kanilang sinasambit.
There, beneath the cold moonlight and the whispering trees, the witches spoke not to each other but to the fire itself.
The witches were dressed in black, wearing sheer dark gowns that moved with the cold wind of the forest. Their hair was unbelievably long, dragging behind them like living shadows across the ground.
They were insanely beautiful in an unsettling way, with black lipstick painted on their pale lips and eyes glowing under the firelight.
Sa gitna ng naglalagablab na apoy ay may nakapalibot na mga kandila at baraha, maingat na inayos sa isang sinaunang simbolo na nakaukit sa lupa ng kagubatan.
The flames flickered violently as the witches moved around it in circles, chanting ancient words in low hypnotic voices. The fire almost looked alive, reacting to every whisper they offered to it.
They were the witches who worshipped the fire element.
To them, fire was not simply magic. It was a god capable of devouring kingdoms, cleansing sins, and giving birth to something new from ashes.
"Per ignis sanctum... accelerare somnum fractum."
Through the Great Goddess... hasten the awakening of the Child of Fire.
"Evigila figilius Ignis."
Awaken before the moon fades.
"Evigila citius..."
Awaken faster...
The witches raised their hands toward the burning fire, their voices echoing through the dark forest in perfect unison.
"We offer our souls."
"We offer our mana."
"We offer this night beneath the burning heavens."
Mas lalong lumiyab ang mga kandila, ang mga baraha ay unti-unting lumutang at umikot sa lumalaking apoy habang ang mga mangkukulam ay patuloy pa rin na sumasayaw paikot sa naglalagablab na apoy.
"Evigila..."
Awaken...
"Evigila..."
Awaken...
"Evigila, Child of Fire."
Kasabay no'n ay lalo pang lumaki ang apoy, umabot ito sa kalangitan na para bang gustong lamunin ang buong gabi. Ang kalangitan ng kagubatan ay naging pula dahil sa apoy niyon.
Ngumiti ang mga mangkukulam habang pinagmamasdan ito, tila ang init ng apoy ay hindi panganib kundi hangin na kanilang hinihinga.
Sa loob ng napakalaking apoy, unti-unting namuo ang isang imahe, isang babae na may pulang buhok.
Kasabay niyon, ang mga barahang nakalutang sa hangin ay isa-isang nagiging abo, na sumasabay sa ihip ng hangin at humahalo sa naglalagablab na liwanag ng ritwal.
Umalingawngaw ang tili at sigawan ng mga mangkukulam, habang ang kanilang mahiwagang walis sa kalangitan ay tila sumasayaw sa tuwa, paikot-ikot sa naglalagablab na apoy.
"She has risen. The Child of Fire has risen!"
Meanwhile, in the continent of mages, in Vermeleyon, where the true chaos begins...
Sigawan at tuwa ang namayani sa paligid habang pinagmamasdan ang nasusunog na katawan ng lapastangang si Rassia. Tila mas nadagdagan pa ang kanilang tuwa nang malamang patay na at naging abo na rin sina Vincenzo at Cesare.
?Habang nagkakagulo ang marami, may mga mamamayan at mahaharlika na nakatayo lang at tahimik.
Kita sa kanilang mga mata ang lungkot para sa mga taong nagtanggol sa kanila sa nakalipas na mga taon.
?Kahit alam nilang isang lapastangan at halimaw ito sa kanilang paningin, hindi nila maiwasang maawa at tumanaw ng utang na loob.
Some of Rassia's secret forces had already surrendered and were now locked inside the Imperial Dungeon. However, Katarina, Agarus, Caspian, Cayena and the others managed to escape and flee the battlefield.
Sa kabilang tabi naman, maririnig ang napakalakas na iyak ni Elena kasama ang apat na Commander ng House Quentin. Tahimik na nakayakap si Commander Valentino sa baywang ni Elena para pigilan ito at hindi tumakbo patungo sa kung saan nasusunog si Rassia.
?"Lady Rassia! H-hindi! hindi ko ito matatanggap!" sigaw ni Elena habang nagpupumiglas.
Sa tabi naman nila, hindi na rin napigilan ni Commander Finn ang pag-iyak.
?"W-wala na siya, Elena... w-wala na sila..." ang matikas at laging seryosong mukha ni Valentino ay biglang nawala habang nakatitig sa malakas na apoy sa kanilang harapan.
?"Lady Rassia!" walang tigil na sigaw ni Elena.
?Ang dalawa pang commander na sina Owen at Agostin ay tahimik lang sakanilang tabi, ngunit kitang-kita ang lungkot sakanilang mukha.
Napalunok si Agostin. Namumula na rin ang kaniyang mga mata at ilong habang hindi maialis ang tingin sa nasusunog na katawan ni Rassia.
Hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa House Quentin. Simula bata kami, palagi kaming sinasanay ni Archduke Cesare. Para na namin siyang naging pangalawang ama. At ang babaeng anak na pinangako naming aalagaan... ngayon ay nasusunog na sa harapan ko.
Samantalang si Finn ay unti-unting nanlalamig ang tingin kay Galsarius, na siyang kumitil sa sarili niyang anak.
?How could you do that to your own flesh and blood? ?Anong klaseng ama ang kayang gumawa nito sa sarili niyang dugo? Paano naging ganito kademonyo ang isang magulang? Mas demonyo ka pa yata sa demonyong naninirahan sa loob ng iyong apo.
Nilapitan ni Owen si Elena at dahan-dahang hinaplos ang likod nito, pero pasimple naman siyang tinaasan ng kilay ni Valentino. Samantala, si Owen ay lalo lang lumalalim ang isip habang pinapakalma si Elena.
?Habang-buhay na siguro akong uusigin ng konsensya ko.
Hindi ko man lang naprotektahan ang Archduke at ang kaniyang anak.
.. Mabuti na lamang at nailayo agad si Lord Russel bago pa nagkagulo ang lahat.
Hindi ko yata kayang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang wala na ang kaniyang ama at ate.
Patuloy ang saya at sigawan ng lahat habang hindi na maaninag ang katawan ni Rassia sa gitna ng naglalakihang apoy.
Ang bawat hiyaw ng mga mamamayan ay tila saksak sa puso nina Elena at ng apat na commander maging ang mga Quentin Knights na nasa likuran ni Galsarius na sugatan. Habang lalong lumalakas ang apoy at nawawala ang katawan ni Rassia, lalo namang nagwawala ang mga tao sa tuwa.
"Dapat lang silang maging abo!"
?"Sa wakas! wala na ang mga halimaw! hindi nararapat mabuhay rito ang mga bampira at may sapi ng demonyo!"
?"Ang kanilang lahi ay lason sa mundong ito!"
Samantala, lingid sa kaalaman ng lahat, may mga matang tahimik na nagmamasid sa malayo.
Sa tuktok ng malamig at mabatong kabundukan, nakatayo ang siyam na pigura na nakabalot sa madidilim na kasuotan. They are silently watching from afar, unmoving as the chaos unfolded below.
"The people don't know what's coming next." ngisi ni Dimitri.
"Are you sure we can't intervene, King Drakkon?" Devi asked.
"No... not yet," King Drakkon said, his eyes fixed on everything unfolding below. "Little Red can handle everything herself. It is her matter... and everything that has happened is part of her path."
?"Nag-aalala ako para kay Vincarion. When our body is on the brink of death and our immortality is activating, we are simply put into deep sleep. Hindi tulad ni Vincarion na tuluyang naging abo." ani Rovan.
?Nanatiling tahimik at blanko ang ekspresyon ng hari, ngunit ang kaniyang mga mata ay mas lalong nagningas ng pula sa ilalim ng kaniyang cloak.
?"I myself don't know where he is. He simply vanished. I believe... he already died." tugon ni Leonardo.
?"Alam nating lahat na kapag tuluyan nang nawala ang katawan ng isang bampira ay hindi na ito mabubuhay pa, at hindi rin maaaktibo ang immortality dahil wala na itong katawan.
Gaya ng nangyari sa mga sinaunang purong dugong bampira na naging abo.
Posibleng... wala na nga si Vincarion." ani Cassandra.
?"S-so he really died? Hindi ko na rin siya maramdaman..." bulong ni Morticia.
King ?Drakkon smirked.
?"We tried to cut down the mate bond of Rassia and Vincarion through the wine.
I believe... we failed to cut their connection.
Their bond is so strong and not ordinary like our bonds with our mates.
Naniniwala akong pinakita ng dakilang diyosa ang mga iyon upang subukin ang pagmamahalan ng dalawa. "
"What do you mean?" Devi asked.
?"What I saw of the possibility in the future where one of Vincarion and Rassia will die is not true after all, it is only a possibility. Mukhang ginamit tayo ng dakilang diyosa sa pagsubok nina Rassia at Vincarion."
Devi fell into a thought. Naalala niya ang sinambit ng hari noong araw na iyon.
?"Vincarion and Rassia... is the reincarnation of Morpeia, the goddess of the moon and Dakkodas, the demon king.
They fell in love but their love is forbidden.
Pinarusahan sila na mabubuhay muli ngunit hindi pahihintulutang maging masaya.
Their mate bond is the strongest bond of all beings.
Kapag namatay ang isa, mamamatay din ang isa. "
?"I think this is where we will intervene."
??"We need to cut their connection. Hindi natin maaaring hayaang dalawa sila ang mamamatay. Sa tingin ko, kaya nakita ko ang posibilidad na isa sa kanila ang mamatay because we will interfere."
?"Their bond is indeed strong, that even us can't cut it," manghang si Cassandra.
?"Kung nabigo tayong putulin ang kanilang koneksyon... ibig sabihin ba nito ay..." hindi makapaniwalang sambit ni Overon.
Nanatili ang tingin ni Drakkon sa malayo kung saan naroroon ang pagkasunog ni Rassia.
?"Yes. I sense that Little Red is still alive on that fire... and that means... Vincarion is also alive. Their bond and soul save each other."
Nagbuntong hininga si Leonardo sa naisip.
?"But the spell on that drink we gave to Rassia and Vincarion is strong. Kahit nabigo tayong putulin ito, malaki ang tyansang makakalimutan nila ang isa't isa."
?"That's the point, Leonardo. Nais ng dakilang diyosa na makalimutan nila ang isa't isa, upang i-handa si Rassia at tuluyang tanggapin ang kaniyang totoong tadhana bilang itinakda at ang tagapagligtas na nakasaad sa propesiya.
Habang magkasama sila ni Vincarion, ang kaniyang atensyon at lakas ay nakatali lamang sa kanilang pag-iibigan at sa takot. " ani Drakkon.
?"Ang pag-ibig nila ang kaniyang pinakamalakas na sandata, ngunit ito rin ang kaniyang pinakamalaking kahinaan.
Sa bawat sandali na magkasama sila, ang bawat desisyon ni Rassia ay laging nababalot ng takot, takot na baka sa isang maling galaw ay mapahamak si Vincarion.
" lahat ay tahimik na nakikinig sakanilang hari.
"Sa pamamagitan ng pagbura ng kanilang mga alaala, pinutol ng dakilang diyosa ang kadena ng takot na iyon.
Kailangang maging blangko ang isip ni Rassia upang maging purong kapangyarihan ang kaniyang galit at lakas.
Kailangan niyang lumaban, hindi bilang isang nagmamahal na nag-aalala sa kaniyang kabiyak, kundi bilang isang itinakda na walang ibang iisipin kundi ang tuparin ang propesiya. "
Kumunot ang noo ni Cassandra, tila naawa sa kapalaran ng dalawa.
Kahit papaano ay guminhawa na rin ang dibdib ng mga Erenhal nang malamang walang mamamatay sa dalawa.
?"Kung gayon, tunay nga bang napakalakas ng mga nilalang na iyon, ang nais burahin ang mundong Arcadeya?" kabang tanong ni Devi.
?"Yes. Their power is... undefeatable. They are our true enemy, my dear Erenhals." Drakkon said coldly.
Moments later, the eyes of the Erenhals widened in sheer disbelief at what they saw in the distance, unfolding right on the execution grounds.
"Damn it! Damn it! This is the only way to keep you alive! You leave me no choice, Rassia! I will now unseal your Eternal Flame Mana! Prepare your fucking self!"
Rassia remained emotionless upon hearing Lucy Pearl's voice.
Wala na siyang pakialam sa kaniyang paligid. Ang tanging natitira na lamang sa kaniyang puso ay poot, galit, at matinding lungkot.
But this had been her plan all along.
For Lucy Pearl to unseal the Eternal Flame Mana.
Hindi ito agad ginawa ng demonyo dahil nananatili pa rin noon ang paniniwala ni Lucy Pearl na makakatakas si Rassia. Ayaw ni Lucy Pearl na i-unseal ito dahil sakaniyang paniniwala na ang katawan ni Rassia ay hindi pa handa na tanggapin ang Eternal Flame Mana.
Masyado pa itong maaga. Ang kapangyarihang iyon ay hindi ordinaryong mana, isa itong sinaunang apoy na kayang lamunin maging ang mismong may-ari nito kapag hindi sapat ang lakas ng katawan at kaluluwa na magdala rito.
Kaya hangga't maaari, pilit iyong iniiwasan ni Lucy Pearl.
Umaasa siyang makakatakas si Rassia nang hindi kinakailangang buksan ang kapangyarihang iyon.
Ngunit nagbago ang lahat nang masaksihan nila ang pagbagsak nina Cesare at Vincenzo.
At sa sandaling iyon, nawala ang huling dahilan para pigilan pa ang apoy na matagal nang natutulog sa loob ni Rassia.
Sa loob ng dimension ni Rassia, kaharap na ni Lucy Pearl ang dambuhalang pulang gate na mayroong sealing circle.
Unti-unti siyang lumapit doon, habang ramdam niya ang napakalakas at nakakabinging presensya na nagmumula sa loob ng selyadong gate, isang kapangyarihang tila gustong kumawala matapos ang napakahabang panahon ng pagkakakulong.
Bago pa siya tuluyang makalapit sa dambuhalang pulang gate ay natigilan si Lucy Pearl.
"Rassia..." mahinang sambit ni Lucy Pearl, bakas ang pagkabigla sa kaniyang mga mata.
"You are indeed the Child of Fire."
Tinitigan niya ang naglalagablab na apoy na tila yumuyuko sa presensya ni Rassia sa labas ng dimensyon.
"You're not burning... even though I haven't unsealed your Eternal Flame Mana..."
Unti-unti siyang napangiti, bakas ang pagkabigla at pagkamangha sa kaniyang mukha.
"You are immune to the fire."
Walang natanggap na tugon si Lucy Pearl mula kay Rassia. Ramdam pa rin ng demonyo ang matinding lungkot, galit, at poot na bumabalot sa kaniyang kalooban.
Hindi na nagsayang pa ng oras si Lucy Pearl. Mabilis siyang lumipad pataas kung saan nakaukit ang napakalaking sealing circle.
"Rassia... I hope you can endure your fucking massive mana and mine," madiin niyang sambit habang nakatitig sa sinaunang selyo. "Even though I hesitated... I should take this risk and keep you alive."
Humigpit ang kaniyang kamao.
As Nadea's last wish... I will protect you.
Unti-unti niyang inilapat ang kaniyang palad sa sealing circle habang nagsisimulang manginig ang buong dimensyon.
Lumakas ang pulang liwanag sa buong paligid.
"I am unsealing the Eternal Flame Mana that last appeared hundreds of years ago. By the blood of the first flame... I command the ancient seal to break!"
Agad na sumilaw ang sealing circle, ngunit hindi pumikit si Lucy Pearl kahit sa nakakasilaw na liwanag na bumalot sa buong dimensyon.
Unti-unting nabasag ang sealing circle.
Kasabay noon ay dahan-dahang bumukas ang dambuhalang pulang gate, at isang napakalakas na alon ng pulang mana ang sumabog mula rito.
Agad itong rumagasa patungo sa mana core ni Rassia, kung saan naroon din ang itim na mana ni Lucy Pearl.
Sa loob ng kaniyang mana core, ang pula at itim na mana ay nagsimulang umikot na parang dalawang naglalabang puwersa, naglalabas ng nakakabinging pressure na nagpayanig sa buong dimensyon.
Ngumisi si Lucy Pearl habang pinagmamasdan iyon.
"Let the world witness the rise of the true Child of Fire."
Napapikit si Rassia nang maramdaman niya ang pagdaloy ng kaniyang sariling mana sa loob ng kaniyang mana core.
I feel a hundred times stronger... Is this really the Eternal Flame Mana? The pressure of this mana exceeds my expectations.
I looked at my body, wala akong kahit anong kasuotan dahil iyon lamang ang nasunog, hindi ang aking katawan.
Dapat ay namamangha ako ngayon. Dapat masaya ako ngayon. Ngunit hindi ko ito maramdaman. Sa halip, galit at poot ang namayani sa aking puso.
Tumingin ako sa kalangitan. Ramdam ko ang wagas na luhang lumalabas sa aking mga mata.
"The fire in my blood is both a blessing and my rage..."
Nanginginig ang buong katawan ni Rassia habang ang Eternal Flame Mana ay kumakapit at kumakalat sa kaniyang balat. Ang ugat sa leeg at noo ni Rassia ay lumabas dahil sakanyang galit.
"I don't know why I have to suffer this! t-they took everything from me! my father! my husband! my peace! my future! what have I done to fucking deserve this?! I just wanted to live a peaceful life, I just wanted to be happy for once, so why... why?! why?! why?!"
Mas lalong uminit ang paligid habang ang apoy sa paligid ay sumasabay sa kaniyang emosyon na tila buhay na rin.
"Why?! Why?! Why?!" sa sobrang lakas ng kaniyang boses ay tila narinig iyon ng lahat ng nasa paligid. Kasabay noon ang biglang paglaki at pagsabog ng apoy, dahilan upang mapaatras at matumba ang lahat ng malapit doon.
Nanginginig ang lahat sa bigat ng mana na nagmumula sa loob ng naglalagablab na apoy. Tila ngayon lamang nila naramdaman ang ganitong klaseng kapangyarihan.
Ang init sa paligid ay sobrang tindi kahit gabi na. Pilit itong pinapalamig ng mga air mage, pinapalakas nila ang hangin hanggang sa manginig ang kalangitan, ngunit wala itong epekto.
Mas lalo lamang lumalakas ang apoy tila nilalamon ang lahat ng hangin, lamig, at pag-asa sa paligid.
"A-anong nangyayari?!"
"Sobrang init! Tila ang balat ko ay nasusunog! Lakasan niyo pa ang hangin!"
"Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong kalakas na mana! kanino galing iyon?!"
"Hindi ito normal na apoy... tila kinakain nito ang hangin!"
"Sino iyon?! May panibago bang mga taksil?!"
Ang apoy kung nasaan si Rassia ay lalo pang lumaki, naging isang dambuhalang ipo-ipo ng apoy na umiikot sa gitna ng gabi.
"Lahat ay umatras!"
"Atras!"
"Lumayo kayo!"
Ang mga kadena at Holy Chain na nakasuot kay Rassia ay tuluyang nasira sa sobrang lakas ng kaniyang mana.
Nagulat ang lahat sa sumilay na anino sa loob ng naglalagablab na apoy. Sa gitna nito ay unti-unting lumitaw ang isang napakalaking pulang magic circle na umiikot sa lupa.
Ngunit walang nakakakita sa nangyayari sa loob dahil sa sobrang kapal at tindi ng apoy na bumabalot sa buong lugar.
Sa gitna ng magic circle na iyon ay lumutang si Rassia at dahan dahang iniikot ng kaniyang enerhiya. Ngunit nananatili siyang walang emosyon, hinahayaan ang kaniyang katawan na dahan-dahang umikot sa pulang magic circle na tila wala nang pakialam sa mundo.
Ang kaniyang pulang mana ay unti-unting bumalot sa kaniya.
Isa-isa itong kumakapit sa kaniyang katawan, na tila dinidamitan siya nang dahan-dahan ng isang pandigmang kasuotan na gawa mismo sa purong apoy at mana.
Her armor wasn't just for protection, it was a manifestation of her dark, simmering wrath.
She is wearing a black, spiked metal armor with red details. She has a long, dark red cape that flows all the way to the ground. And a headpiece with points like horns and a red gem in the middle.
The way her armor tightly hugs her curves and exposes her belly gives her an undeniable, captivating appeal. Even with her cleavage shown, it only makes her more fierce.
Itinaas niya ang kaniyang kamay, at mula roon ay unti-unting lumitaw ang isang itim na scythe.
Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng nag-aalab na apoy. Sa bawat apak niya, hindi siya nasusunog.
Ang apoy ay tila walang epekto sa kanya.
She remained emotionless as she stared at the shocked faces before her. Everyone looked as if they had seen a ghost upon laying eyes on Rassia, as silence quickly swallowed the chaos around them.
Sa kaniyang likuran, unti-unting naglaho ang apoy, tila hinigop ito ng kaniyang scythe. Sa isang iglap, katahimikan ang pumalit sa nagngangalit na alab. Tanging si Rassia na lamang ang nakatayo roon.
Everyone watched in shock as a woman slowly walked through the raging fire.
The blazing flames twisted violently around her, devouring everything in their path, yet none of them dared to hurt her.
"P-paanong buhay siya?! galing sakanya ang manang iyon?!"
"I-Impossible!"
"S-she's immune to the f-fire?!"
"Maghanda! patayin ang demonyo!"
"She is indeed the Child of Fire! With that overwhelming mana, she is indeed a threat!"
Ngunit si Galsarius, Lurtheron, at ang ibang maharlika ay nanlumo habang nakatitig sa kanya, hindi makapaniwala sa nakikita nila.
"I guess she inherited the massive mana of Aurelius Quentin, kung hindi ako nagkakamali... iyan ang Eternal Flame Mana..." Galsarius whispered.
That mana was believed to have last appeared hundreds of years ago.
"Attack her!" sigaw ni Lurtheron, umigting ang panga habang pilit kinokontrol ang galit at pangamba. Alam niyang hindi niya maaaring gamitin nang buo ang kanyang kapangyarihan dahil sa sumpa ni Vincenzo na nakatali sa kanyang kaibigan.
Agad nagsilabasan ang mga magic circle ang lahat.
Ang mga air mage ay nagtuon upang balansehin ang temperatura ng kapaligiran, sinusubukang guluhin ang daloy ng init.
Ang mga water mage ay lumikha ng matitinding ice spikes na kumikislap sa hangin.
Ang mga earth mage naman ay nagpalutang ng malalaking tipak ng bato, handang ipukol kay Rassia nang sabay-sabay.
Ang mga fire mage naman ay ang magpapana kay Rassia.
Ang pana nila ay may sapat na init upang sunugin ang ano mang madadaanan nito.
Ngunit bago pa man makalipad ang kanilang sabay-sabay na atake, mabilis na itinaas ni Rassia ang kanyang scythe.
"No magic against me shall prosper."
"Anti-magic?! How can we fucking defeat her?!" sigaw ng isang kawal, nanginginig ang boses habang umaatras nang makitang ang mga mahika na nawala na parang bula.
Sa gitna ng kaguluhan, ang mga maharlika ay nagkatinginan, at tila may iisang naisip.
"Summon the animal spirits!"
Sa isang iglap, nagsimulang magliwanag ang paligid. Isa-isang lumitaw ang mga animal spirit sa iba't ibang anyo, lahat ay nakatuon kay Rassia at sabay-sabay na sumugod.
Nanatiling blangko ang ekspresyon ni Rassia habang pinagmamasdan ang mga ito na papalapit. Pumikit siya at dinama ang mga presensiyang nararamdaman niyang humahampas sa di kalayuan.
Damn it... As much as I want to burn them all, there will be innocent women and children who will die here...
Ngunit kasabay noon ay muling umalingawngaw ang boses ni Lucy Pearl sa kaniyang isipan.
"Rassia."
Mababa at malamig ang tinig ng demonyo.
"They killed your father."
"They killed your husband."
"They celebrated while watching you suffer."
"And now you still hesitate?"
Tumalim ang mga mata ni Lucy Pearl habang nakatitig kay Rassia mula sa loob ng dimensyon.
"Avenge them."
"Make this world fear what they created."
Muling dumilat ang mga mata ni Rassia.
Sa gitna ng naglalagablab na apoy, nakita niya ang napakaraming animal spirits na mabilis na papalapit sa kaniya mula sa kalangitan at lupa.
Ngunit bago pa man makarating ang kanilang mga atake, Isang nakakayanig na dagundong ang umalingawngaw sa buong paligid.
Biglang bumagsak mula sa kalangitan ang apat na dambuhalang dragon at agad na pumalibot kay Rassia.
Sa isang iglap, sabay-sabay silang bumuga ng napakalaking apoy na sumalubong sa mga animal spirits.
Sa harapan ni Rassia ay naroon si Razareth.
Siya ang may pinakamaraming nakabaong pana sa katawan, habang ang dugo ay patuloy na tumutulo mula sa kaniyang pulang kaliskis. Ngunit sa kabila ng kaniyang kalagayan, nananatili siyang nakatayo sa harap ni Rassia upang protektahan siya.
Marami sa mga animal spirits ang agad na nasunog sa naglalagablab na apoy ng apat na dragon, habang ang ilan ay mabilis na nakatakas at umatras mula sa nakakabinging init ng kanilang paghinga.
Ngunit sa apat na dragon, ang pinaka-galit ay si Dragoroth.
Ang kaniyang nakakayanig na dagundong ay umalingawngaw sa buong kalangitan habang ang pulang mata nito ay tila naghahanap ng isang presensiyang hindi na niya maramdaman.
Ang kaniyang master...
Vincenzo.
At tila iyon ang lalong nagpakawala sa mabangis na galit ng dambuhalang dragon, dahilan upang mas lalo pang lumakas ang apoy na lumalabas sa kaniyang bibig.
"M-Mother..." mahinang sambit ni Razareth sa isipan ng kaniyang master.
Sa kabila ng mga pana at sugat na bumabaon sa kaniyang katawan, dahan-dahan siyang yumuko sa harap ni Rassia at tinulungan siyang makatuntong at makasakay sa kaniyang likod.
"I'm sorry... we were late... There were too many of them blocking our path... We tried to come faster... but they kept trying to stop us from reaching you."
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Razareth..." mahinang sambit ni Rassia habang marahan niyang hinahawakan ang duguang kaliskis ng dragon.
"M-Mother... nararamdaman ko ang galit ni Dragoroth bilang kaniyang kapareha," ani Razareth habang mabilis na lumilipad palayo upang ilayo roon si Rassia. "Mukhang... w-wala na ang kaniyang master..."
Tahimik na pinagmasdan ni Rassia ang nagwawalang galit ni Dragoroth mula sa kalangitan. Ang dambuhalang dragon ay tila nawalan ng kontrol habang patuloy itong nagbubuga ang apoy at nagwawala sa ibaba.
Vincenzo...
Mas lalo akong napapikit habang pinagmamasdan ko si Dragoroth na patuloy na nagwawala. Ramdam ko ang sakit at galit nito, ang desperasyon ng isang nilalang na nawalan ng pinakamahalagang tao sa kaniya.
At ganoon din ako.
Hindi ko pa rin matanggap.
Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.
Na ang lalaking pinakamamahal ko ay naging abo mismo sa harapan ko.
Pakiramdam ko ay may bahagi ng kaluluwa kong tuluyang namatay kasama niya.
At habang pinagmamasdan ko ang naglalagablab na galit ni Dragoroth, mas lalo ko lamang naramdaman ang poot na unti-unting nilalamon ang natitira kong awa.
Ang ekspresyon ni Rassia ay punong-puno ng pagkamuhi at galit, habang ang mga luha sa kaniyang mga mata ay patuloy pa ring dumadaloy.
"Razareth, bumalik ka." malamig niyang saad. Tahimik na sumunod si Razareth at muling lumipad pabalik. Ramdam ng pulang dragon ang nais ipahiwatig ng kanyang master.
Tumingin si Razareth sa kaniyang puti at gintong dragon na kaibigan na dahan-dahang lumilipad palayo sa kaguluhan. Batid niya agad ang kahulugan niyon.
Nararamdaman na ng kaniyang mga kaibigan ang itinakda nilang magiging master. Ngayon ay dalawa na lamang sila ni Dragoroth ang natira.
Pinagmasdan ni Rassia ang mga taong nagtatakbuhan, ang mga kawal at maharlikang pilit lumalaban sa mga dragon, at ang nag-aalab na kaguluhan sa buong lupain. Dahan-dahan din napunta ang kaniyang tingin sa Imperial Palace.
"Razareth, turn this place into ashes."
Dumagundong nang napakalakas si Razareth at mabilis na bumaba mula sa kalangitan, kasabay ng pagbubuga niya ng napakalaking fireball. Maging si Dragoroth ay sumunod din, nagpapakawala muli ng naglalagablab na apoy.
Kinontrol ni Rassia si Razareth, at ang naglalagablab niyang apoy ay walang awang nilalamon ang mga Imperial Knights na nagtakbuhan sa gitna ng kaguluhan
Muling kinontrol ni Rassia si Razareth at hinarap ito sa Imperial Palace.
"Burn it."
"Protect the palace!" sigaw ng mga imperial knights habang pilit na nagtitipon ng depensa.
"Water and Earth mages, shield the Imperial Palace!"
"The Palace is already burning!"
"We can't stop it—It's a dragon fire!"
Ang ibang mga maharlika ay agad na sumigaw at sinummon ang kanilang mga animal spirit na may kakayahang lumipad, saka sila sumakay upang makasunod sa labanan. Mabilis nilang inatake ang dalawang dragon gamit ang kani-kaniyang kapangyarihan.
"Mother! We are outnumbered! Kailangan na nating umalis!" dumagundong na sigaw ni Razareth.
Agad na kinontrol ni Rassia si Razareth, iniwas ang katawan nito mula sa paparating na mga atake.
Tumingin si Dragoroth sa babaeng pinakamamahal ng kaniyang master, nakasakay sa kaniyang pulang dragon, ang kaniyang mate.
So this is the vision I saw that day... kaya pala umiiyak si Rassia dahil wala na ang aking master...
Master... you really left us behind...
"Dragoroth!" sigaw ni Rassia nang makita niyang tinamaan ito ng maraming naglalakihang pana, dahilan upang mawalan ito ng balanse.
Mabilis na lumipad si Razareth patungo rito at kinagat ang leeg ni Dragoroth upang mabitbit ito.
"Razareth! I will give you some of my Eternal Flame Mana. Fly faster as you can!" sigaw ni Rassia.
Ramdam ni Razareth ang biglang pagdaloy ng kapangyarihan ng kaniyang master sa kaniyang katawan, at lalo pa siyang bumilis sa paglipad. Ngunit sa likuran nila, patuloy pa rin silang hinahabol ng mga maharlika na sakay ng kanilang mga animal spirit na mayroon ding pambihirang bilis.
Halos tatlong oras na silang hinahabol at tatlong oras na rin niyang buong lakas na iniiwasan ang mga atake sakanilang likuran.
"Fuck!" sigaw ni Rassia nang biglang may humarang sa kanilang dinadaanan.
Isa sa mga Sovereign Spirit, ang Alpha of the Wild, Fenrath. Ang summon ni Marquess Dominique Amstel.
Hindi ito lumilipad, ngunit ang laki nito ay tila abot hanggang kalangitan.
Umigting ang panga ni Rassia habang pinagmamasdan ito.
Shit... I am cornered. Even if I already possess the Eternal Flame Mana, I don't fully understand how to use it yet... especially against a Sovereign Spirit.
Nasa ibabaw sila ng malawak na karagatan, kung saan ang tubig ay humahampas sa mga matutulis na batong nakausli mula sa kailaliman. Alam ni Rassia na isang maling galaw, isang saglit na pagkawala ng balanse, ay siguradong kamatayan ang naghihintay sa ibaba.
Nakatitig ang dambuhalang anyo ni Fenrath sa direksyon ni Rassia.
I can feel it... her mana is unstable, but evolving.
I can feel three of my brothers who are still slumbering in Gadesea will wake up soon...
Malaki ang tiyansa na masummon ng binibining ito ang isa sa kanila... if she survives this encounter...
"You stand before me, and yet you still breathe," malamig na sambit ni Fenrath. "This is your end."
Blanko ang ekspresyon ni Rassia habang nakikipagtitigan kay Fenrath.
Is this truly my end?
"If you want to say your last words, now is the time," malalim na boses ni Fenrath, mabigat at walang bahid ng pag-aalinlangan.
A moment of silence followed.
Then, slowly, the corner of Rassia's lips lifted into a faint smirk.
So this is it...
I can feel it clearly now. There's no escape left.
Mas gugustuhin ko na ring mamatay... kaysa patuloy na mabuhay sa mapanghusgang mundong ito.
Tumawa si Rassia nang napakalakas tila nasisiraan ng bait sa paningin ng mga kalalakihan.
"Hah! I am surrounded and cornered by these stupid dickheads..."
Mas lalong naningas ang galit sa mukha ng mga mahaharlika, ano mang oras ay gusto nang umatake.
"I, Rassia Saint Quentin, refuse to die by the hands of filthy and stupid men."
Unti-unting binitawan ni Rassia si Razareth.
A soft smile formed on her lips.
"From the fire of my blood... fuck you."
After her last words, she let herself fall into the sea. The men watched as she fell with the two dragons.
Sa isang iglap, marahas na humampas ang katawan ni Rassia sa matutulis na bato sa dagat at nabagok ang kaniyang ulo.
Saglit pang naaninag ang kaniyang anyo sa ibabaw ng nagngangalit na alon bago siya tuluyang inanod palayo, hanggang sa tuluyan siyang lamunin ng madilim na karagatan.