CHAPTER 61 #4
"Your fire is magic! Hindi mo maaaring basta pagsamahin ang mga iyon! tutupukin ng demonic mana ang sarili mong apoy kung hindi mo pa kayang kontrolin ang kapangyarihan na namana mo sa iyong ninuno!"
Lalong dumilim ang magic circle sa aking palad.
Naramdaman kong unti-unting humihina ang tibok ng aking puso. Ngunit kahit nanghihina na ang aking katawan, nananatili pa rin sa kaibuturan ko ang poot at galit.
"L-Lucy..." hirap na hirap akong huminga.
Tuluyan na akong napahiga sa lupa.
Malabo na ang aking paningin, ngunit sa gitna ng kagubatan ay may isang nilalang na biglang lumitaw sa aking paningin.
Isang leon.
Tahimik lamang itong nakatayo at nakatingin sa akin. Mukha itong batang babaeng leon, at sa likuran nito ay naroon ang isang mas malaking leon na nakahandusay at wala nang buhay. Sa paraan ng pagkakahiga nito, tila ba hanggang sa huli ay pinrotektahan nito ang batang leon.
Ilang sandali akong tinitigan ng batang leon.
May kung anong lungkot sa mga mata nito.
Unti-unti itong umiwas ng tingin bago dahan-dahang naglakad palayo sa akin.
"Rassia! Just calm down! kumalma ka lang at babalik ka sa dati! at nakakalimutan mo na ba?! buhay ka! at malamang, buhay pa ang prinsipeng bampira!"
Napakurap ako.
"Your bond is the strongest of all! huwag mong hayaang mamatay ang apoy sa puso mo!"
Nanatili akong tahimik.
Right.
Buhay ako... at kung buhay ako... may posibilidad ding buhay si Vincenzo...
Biglang may munting pag-asa na sumibol sa aking dibdib.
I am glad...
Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Mabigat pa rin ang aking katawan, at patuloy akong hinihingal, ngunit hindi na ganoon kabigat ang pakiramdam sa aking dibdib.
Vincenzo... where are you?
Kung buhay ka pa... bakit hindi kita maramdaman?
Unti-unti kong naramdaman ang paghinahon ng aking katawan.
Ang apoy na kanina'y naglalagablab sa paligid ay nagsimulang humupa, kasabay ng unti-unting pagkawala ng aking mga pakpak at mahahabang itim na kuko.
Maging ang madilim na mana na bumabalot sa aking katawan ay dahan-dahang nawala, hanggang sa tuluyan akong bumalik sa dati kong anyo.
Napabuntong-hininga ako.
Bago ko tuluyang pumikit ang aking mga mata, may napansin akong ilang nilalang na papalapit mula sa himpapawid. Malabo ang aking paningin, ngunit sapat iyon upang makilala ko ang dalawa sa mga ito.
Dahan-dahan akong ngumiti.
I am glad...
Dragoroth and Razareth are alive as well.
Drazoneya
Mahangin at tirik ang araw sa Drazoneya nang tuluyang makabalik sina Dragoroth at Razareth sa kanilang lupain, kasama si Rassia na maingat na bitbit ni Razareth.
Tahimik silang lumipad patungo sa kailaliman ng kabundukan, hanggang sa marating nila ang napakalaking kweba na nagsisilbing tahanan at pahingahan ng mga dragon ng Drazoneya.
Habang papalapit sila sa loob, tahimik na pinagmamasdan ni Dragoroth si Razareth.
Mula nang hindi na niya maramdaman ang presensya ng kaniyang master na si Vincenzo, nagbago na ang dragon. May palaging bakas ng lungkot sa kaniyang mga mata, at madalas na lamang siyang natutulog.
Para sa kaniya, baka sakaling sa kaniyang panaginip ay muli niyang makita ang kaniyang master at maramdaman ang presensya nito.
Sa pagpasok nila sa pinakamalalim na bahagi ng kweba, nagsimulang magningning ang mga dambuhalang kristal na nakakapit sa mga pader nito. Ang malamlam na liwanag ng mga iyon ang tumanglaw sa buong pugad.
Isa-isa namang lumabas mula sa kanilang mga lungga ang naglalakihang mga dragon. May ilan na mabagal na bumaba mula sa matataas na bahagi ng kweba, habang ang iba nama'y lumapit upang salubungin ang dalawang dragon.
Nang makita nila sina Dragoroth at Razareth, nagsimulang umalingawngaw ang malalalim na ungol at dagundong sa buong kweba.
Isang dragon na kulay lupa ang dahan-dahang lumapit sa kanila. Mabigat ang bawat hakbang nito, at sa bawat paghinga ay tila umuuga ang buong kweba. Nang magsalita ito, dumagundong ang malalim nitong tinig sa buong paligid.
"Ikinagagalak naming makita kayong muli at ligtas kayong nakabalik, Prinsipe at Prinsesa. Ngunit nais ko kayong bigyan ng babala. May mga lapastangang nagtatangkang pumasok sa ating lupain at guluhin ang kapayapaan ng Drazoneya."
Bahagya itong yumuko bago muling nagpatuloy.
"Halos araw-araw ay may mga dayuhang sumusubok na makalapit sa ating mga hangganan. At kung magpapatuloy ito... hindi malayong may panibagong grupo na namang susubok na pumasok sa ating teritoryo anumang oras."
"Mga lapastangan!" dumagundong na sigaw ni Razareth. "Sa oras na magising ang aking master, tiyak akong wala silang kawala! Akala ba nila maaari nilang gambalain ang Drazoneya nang walang kapalit?"
Bahagya niyang niyuko ang kaniyang ulo at tiningnan ang walang malay na si Rassia na maingat niyang kinagat upang mabitbit muli.
"Bantayan ninyo ang silangang kweba. Doon ko ilalagay ang aking master upang makapagpahinga siya nang ligtas."
Muli siyang tumingin sa mga dragon sa paligid.
"Huwag ninyong hayaang makalapit ang sinumang dayuhan. Kapag may mga salamangkero na namang susubok na pumasok sa ating lupain... haharapin natin sila."