CHAPTER 61 #3

"Ikaw ay itinakdang kalimutan ang iyong minamahal dahil iyon ang nais ng Dakilang Diyosa na maski ako ay hindi rin ito batid. Ngunit nagawa kong pigilan iyon sa tulong ng tagapangalaga ng Perlas ng Reyalid. Patawad... ito lamang ang aking kayang gawin... hanggang sa muli...

sinaunang diyosa ng buwan."

Dahan-dahan kong itinaas ang aking mukha at minasdan ang buwan sa butas ng kweba. Mas maliwanag ito ngayon, tila ba direktang nakatingin sa akin.

At sa unang pagkakataon mula nang ako'y magising... naramdaman kong hindi pala panaginip ang lahat...

Morpeia...

Dakkodas...

Ang kanilang pagmamahalan, ang kanilang kaparusahan, at ang sumpang ipinataw sa kanilang mga kaluluwa...

Lahat ng iyon ay bahagi ng nakaraan ko.

Unti-unting kumulo ang galit sa aking mga ugat. Halo-halong emosyon ang naghalo sa aking dibdib, ngunit higit sa lahat, galit ang nangingibabaw.

How could the so-called 'Great' Goddess do this?!

Bakit nais niyang makalimutan ko si Vincenzo?!

Why?!

Hindi pa ba sapat na wala na siya?!

Hindi pa ba sapat na nawala na sa akin ang taong pinakamamahal ko?! Hindi pa ba sapat na naging abo siya sa aking mga bisig?!

Nagmahal lang naman kami. Minahal lang namin ang isa't isa. Wala naman kaming ginawang masama sa pagmamahalan namin. Wala kaming sinaktan. Wala kaming ipinagkait sa iba.

Bakit kailangan naming pagdusahan ito?!

Napahigpit ang pagkakakuyom ng aking mga kamao habang nanginginig ang aking katawan sa tindi ng galit.

Minsan na niya akong pinagkaitan kay Vincenzo.

At ngayon...

Maging ang mga alaala ko sa kaniya ay nais pa niyang kunin...

Napayuko ako habang nanginginig ang aking mga balikat. Ngunit hindi na lamang luha ang namumuo sa aking mga mata.

Galit iyon.

Galit sa isang nilalang na tinatawag nilang Dakilang Diyosa.

You call yourself great?

Then what is so great about taking away the one person someone loves?

What is so great about forcing someone to forget the person who meant everything to them?

"Pakinggan mo ako, Dakilang Diyosa..." nanginginig ang aking tinig sa tindi ng galit habang mahigpit kong kinukuyom ang aking mga kamao.

"Ako ang pinili mong maging Orythea, ang tagapagligtas na itinakda ng iyong propesiya. Pero bakit ako? Bakit mo ako pinili kung sa unang buhay ko ay pinarusahan mo rin ang pagmamahalan namin ni Vincenzo? Nagmahal lang kami! Wala kaming ginawang masama,

ngunit kinuha mo siya sa akin at ngayon pati ang mga alaala niya ay gusto mong burahin!"

Napatingala ako sa buwan, puno ng poot ang aking mga mata. Naramdaman ko rin ang pagbabago ng kulay ng mga ito, maging ang aking katawan.

"I will never be the Orythea you expected me to be! you wanted a savior?! then I will become the villain they fear! huwag mo akong husgahan dahil pinili kong maghiganti! I swear! I will avenge what happened to Vincenzo and my father! With the fire in my heart and soul,

I will make them pay for everything they have taken from me! Hindi ko hahayaang matapos ang lahat na parang walang nangyari. Darating ang araw na sisingilin ko sila sa bawat sakit na dinanas namin. Do you hear me?!"

Naramdaman ko ang biglang pagbabago sa loob ng aking katawan. Naglalaban ang aking mana, na para bang may dalawang puwersang parehong naghahangad na kumawala mula sa aking kalooban.

Ang Eternal Flame Mana ay nagsimulang umalab sa aking puso, lalong lumalakas kasabay ng bawat bugso ng aking galit.

Biglang sumakit ang aking ulo. Napahawak ako rito habang nararamdaman kong may kung anong unti-unting tumutubo sa aking noo. Isang sungay ang dahan-dahang umusbong, kasabay ng pagbabago ng aking mga kuko na humaba at naging mas matalim.

Unti-unting nagbago ang kulay ng aking buhok hanggang sa tuluyan itong maging itim.

I look exactly like Lucy Pearl.

"M-Mor-Rassia! Control yourself! This is not good!" tarantang sigaw ni Lucy Pearl.

"Huwag mong hayaang lamunin ka ng galit mo! Kapag tuluyan kang nagpadaig dito, baka hindi mo na makontrol ang sarili mo!"

Mabilis ang aking paghinga. Ngunit hindi ko siya marinig nang maayos.

Sa halip, sunod-sunod na bumalik sa aking isipan ang mga alaala.

Ang mga sandaling kasama ko si Vincenzo.

Ang mga ngiti niya.

Ang mga titig niya.

Ang bawat alaala ng pagmamahalan namin.

Lumitaw rin sa aking isipan ang mukha ng aking ama, ang ama na matagal kong inisip na hindi ako minahal at walang pakialam sa akin nong bata ako.

But he loved me all along... Minahal niya ako sa paraang hindi ko naunawaan noon.

Pinrotektahan, niligtas, pinaglaban niya ako hanggang sa kaniyang huling hininga.

"Magbabayad sila... magbabayad kayong lahat!"

Sa sandaling iyon, sumabog ang aking pulang mana sa paligid.

Mabilis na bumuka ang isang pares ng malalaking itim na pakpak mula sa aking likuran. Kumalat ang naglalagablab na apoy sa paligid ko habang ang hangin ay tila umikot kasabay ng galit na nagmumula sa aking katawan.

"They took everything from me!"

Kasabay ng aking pagsigaw ay lalong nagliyab ang mga apoy. Sa halip na humupa, lalo lamang itong lumakas, kumalat sa paligid ko at umakyat nang mataas na tila walang hangganan. Umuga ang buong paligid sa tindi ng kapangyarihang kumawala mula sa aking katawan.

Wala na akong pakialam sa nangyayari. Hindi ko nararamdaman ang init ng apoy.

"Rassia! huminahon ka!"

"You will kill yourself!"

Ngunit lalo lamang lumakas ang apoy.

At habang patuloy akong nilalamon ng galit, tila wala nang anumang puwersang kayang pigilan ang Eternal Flame na patuloy na naglalagablab sa paligid ko.

Tumayo ako at tuluyang nagwala. Wala na akong pakialam sa anumang nasa paligid ko habang mabilis akong lumabas mula sa kinaroroonan ko at tuluyang lumabas sa malawak na kagubatan.

Sandali kong tiningnan ang aking kamay bago unti-unting ngumiti. Sa aking palad ay may kumikinang na pulang magic circle na umiikot, at sa gitna nito ay nagliliyab ang apoy na tila kusang sumusunod sa aking mana.

Muli akong tumingin sa malawak na kagubatan sa aking harapan. Itinaas ko ang aking kamay at marahan kong ibinuka ang aking palad.

Biglang sumiklab ang apoy mula rito.

Sa isang iglap, kumalat ang Eternal Flame sa mga puno at halaman sa aking paligid. Nagsimula silang masunog habang ang mga hayop ay nagsitakbuhan palayo, takot sa napakalakas na apoy na nagmumula sa akin. Karamihan sa mga hayop ay hindi nakaligtas sa bagsik ng aking apoy.

Their pain is music to my ears.

Patuloy lamang akong nakatingin sa apoy na sumasayaw sa aking harapan, habang ang pulang magic circle sa aking palad ay lalo pang nagliwanag.

Nakangiti lamang akong nakatingin sa apoy.

This is my power.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, hinahayaan ang galit na patuloy na kumulo sa loob ko. I want to release my rage. I want destruction. Gusto kong maramdaman ang kapangyarihang matagal nang nakakulong at natutulog sa loob ko.

Biglang bumagsak sa aking harapan ang isang punong natumba dahil sa nagliliyab na paligid.

Mabilis ko iyong sinalo gamit ang aking kanang kamay na para bang wala lamang itong bigat, saka ko ito marahas na itinapon palayo.

Sunod-sunod na bumagsak ang mga puno sa dinaraanan ko, at bawat isa ay mabilis kong iniiwasan o itinataboy habang patuloy akong naglalakad.

Being powerful is great, huh? to finally have enough power to destroy everything that stands in my way... to never feel helpless again.

But as I watched the flames spread around me, a quiet thought slowly crept into my mind.

At what cost?

Napaluhod ako nang biglang sumakit nang matindi ang aking sintido. Napahawak ako rito habang pilit na inaayos ang aking paghinga, ngunit hindi nagtagal ay napaubo ako at may maitim na dugong lumabas sa aking bibig.

Napatingin ako sa aking palad.

Kanina, purong pulang mana lamang ang umiikot sa magic circle. Ngunit ngayon, may unti-unting sumisingit na itim na mana sa pagitan ng apoy, na para bang may ibang puwersang pilit na kumakain sa aking kapangyarihan.

Naramdaman ko ang matinding init sa aking dibdib. Mula roon ay tila may kung anong dumadaloy patungo sa aking puso, dahilan upang muli akong mapayuko at mapaubo.

"Rassia! I told you! Huminahon ka!" galit na sigaw ni Lucy Pearl. "Kakainin ka ng sarili mong demonic mana! You wield anti-magic, and you're a fire mage! A mage, Rassia! A mage! Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nito?!"

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.