CHAPTER 61 #2
Humigpit ang yakap niya kay Morpeia. "Then what kind of justice is that?"
"Kung ang pagmamahalan natin ay kasalanan dahil lamang sa kagustuhan ng mga nakatataas sa atin, kung gayon... hindi kasalanang mahalin ka... Perhaps the sin is believing that anyone has the right to decide whom we are allowed to love."
"Kung kailangan nating talikuran ang isa't isa para lamang mapatunayan na sumusunod tayo sa kanilang mga batas... then let the gods judge me, let the goddesses curse me, and let the demons call me a traitor. I will accept all of it before I ever choose a life without you." Dakkodas continued.
Marahang hinawakan ni Dakkodas ang mukha ni Morpeia at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang pisngi bago niya iyon hinalikan.
"I devoted my soul to you, Morpeia... and even if death separates us, I know I will find my way back to you... I don't know what awaits us beyond this life, nor how many worlds may stand between us. But if there is even the smallest chance that our souls can meet again... then I will find you."
Bahagya siyang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga mata ni Morpeia.
"And when I do, I know I will choose you all over again."
Malungkot na ngumiti si Morpeia habang marahang hinawakan ang dalawang pisngi ni Dakkodas. Sa kabila ng mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata, tila buo na ang kaniyang pasya.
"Buo na ang pasya ko, mahal ko. Haharapin natin sila nang magkasama. Ngunit hayaan mong pag-isahin natin ang ating mga kaluluwa... hayaan mong maging iisa ang ating mga puso. Kung haharap man tayo sa kanilang galit, nais kong maramdaman mo na hindi ka nag-iisa."
Marahan niyang kinuha ang palad ni Dakkodas at sinubukang idikit iyon sa kaniyang dibdib.
Ngunit mabilis itong tinabig ni Dakkodas.
"Hindi maaari, mahal ko!"
Bahagyang nanginig ang kaniyang tinig habang pilit na pinipigilan ang sarili.
"Isa lamang ang ibig sabihin niyan, Morpeia. Kapag pinag-isa natin ang ating mga kaluluwa, anumang mangyari sa akin ay mararamdaman mo rin. Kapag ako'y kanilang binawian ng buhay... kapag pinarusahan nila ako dahil sa ating pagmamahalan... mapupunta rin sa iyo ang lahat ng iyon."
napailing si Dakkodas habang nakatingin kay Morpeia.
"Kaya magtigil ka, Morpeia. Huwag mong gawin 'yon para sa akin. Kung kailangan kong harapin ang kanilang galit, ako ang haharap mag-isa! Huwag mong itali ang iyong kaluluwa sa akin dahil lamang natatakot kang mawala ako!"
Malungkot na ngumiti si Morpeia habang nakatingin kay Dakkodas.
"I knew you would find me in another life, Dakkodas... ngunit hindi natin alam kung anong kaparusahan ang naghihintay sa atin ngayon. Maaaring paghiwalayin nila tayo, maaaring burahin nila ang lahat ng alaala natin, o baka tuluyan tayong hindi na muling magkita."
Marahan niyang hinawakan ang kamay nito.
"But if we unite our souls now... we will become mates in our next life and every life after that. Our souls will always find their way back to one another. At kapag nangyari iyon, wala nang sinuman ang makapaghihiwalay sa atin. Sapagkat kapag naging iisa na ang ating kaluluwa..."
Bahagya siyang napapikit. "If one of us dies... the other will follow."
Muli niyang tiningnan si Dakkodas. "Then even death itself will no longer be able to keep us apart."
Unti-unting kinuha muli ni Morpeia ang palad ni Dakkodas at marahan iyong inilagay sa kaniyang dibdib. Sa sandaling magdikit ang kamay nito sa kaniyang balat, isang matinding gintong liwanag ang biglang sumiklab mula sa kaniyang dibdib at unti-unting kumalat sa kanilang mga katawan.
Nanatiling nakatingin lamang si Dakkodas sa kaniya.
Hindi na siya tumutol.
Sa halip, hinayaan niya si Morpeia na tapusin ang kaniyang pasya. Sa kaniyang mga mata ay mababakas ang takot at pangamba, ngunit tila alam niyang wala na siyang magagawa upang pigilan ito.
"Now... our souls have become one, my love," mahinang sambit ni Morpeia.
Mabilis akong napasigaw at napayuko nang umugong ang buong kalangitan. Isang napakalakas na kulog ang umalingawngaw sa paligid, kasabay ng nakakasilaw na puting kidlat na tila bumaba mula mismo sa kalangitan.
Napaatras ako habang tinatakpan ang aking mga mata.
At nang muli akong tumingin...
Nanigas ako.
Libo-libong nilalang ang nakapaligid sa kanila.
Mga anghel.
Nakasuot sila ng kumikislap na gintong baluti, may malalaking puting pakpak na nakabuka sa kanilang likuran, at bawat isa ay may dalang sandata. Ang kanilang presensya ay napakabigat na maging ang hangin sa paligid ay tila nanahimik.
Sa pinakaharap ay apat na anghel na malinaw na naiiba sa lahat.
Mas maringal ang kanilang mga baluti. Mas malalaki ang kanilang mga pakpak. At higit sa lahat, mas nakakatakot ang presensyang nagmumula sa kanila.
Napalingon ako sa kabilang panig.
At lalo akong napalunok.
Napakarami ring mga demonyo ang lumitaw.
Iba-iba ang kanilang anyo, ngunit bawat isa ay may nakakatakot na presensya. May mga sungay, matutulis na kuko, at mga matang tila puno ng galit. Ang ilan sa kanila ay mas nakakatakot pa kaysa kay Lucy Pearl.
They're here to punish them.
The demon king... and the goddess of the moon.
Unti-unting humakbang pasulong ang isang anghel mula sa hanay ng mga mandirigmang may pakpak. Siya ay isang lalaki na may napakalaking gintong pakpak at isang makinang na gintong espada sa kaniyang kamay.
Itinaas niya ang kaniyang sandata habang malamig na nakatingin kina Morpeia at Dakkodas.
"Wala na kayong kawala. Narinig namin ang inyong huling pag-uusap. Ngunit kahit pinag-isa na ninyo ang inyong mga kaluluwa, hindi ninyo matatakasan ang kaparusahang naghihintay sa inyo."
umalingawngaw ang kaniyang tinig sa buong paligid, at tila maging ang hangin ay napahinto sa bigat ng kaniyang mga salita.
Mula sa hanay ng mga demonyo ay may isang makapangyarihang nilalang na humakbang pasulong. Sa lakas ng kaniyang presensya, agad kong napagtanto na siya marahil ang pinakamataas sa kanilang hanay.
"By the decree of the Higher Realms... we have been permitted to punish you using this Crystal Gem."
Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang kamay.
Nanlaki ang mga mata ko nang may inilabas siyang isang napakalaking kristal na tila isang dambuhalang brilyante. Mula rito ay nagmumula ang isang kakaibang liwanag na halos kapareho ng kristal na nasa dibdib ni Lucy Pearl.
"Pinahintulutan kaming hiramin ang kapangyarihan nito upang maipatupad ang inyong kaparusahan."
Bahagya niyang itinuon ang kaniyang tingin kay Dakkodas.
"Especially you... the Demon King who betrayed the very beings who once recognized you as their king."
That crystal...
It looks exactly like the one inside Lucy Pearl.
Muling nagsalita ang anghel, malamig at walang awa ang kaniyang tinig.
"You are hereby condemned for violating the laws that govern the divine and demonic realms. Sa ngalan ng Dakilang Diyosa, ng mga Diyos, at ng buong lahi ng mga Demonyo... ipinapataw sa inyo ang isang kaparusahang hindi ninyo matatakasan."
Itinaas niya ang kaniyang gintong espada habang ang kristal sa kamay ng demonyo ay nagsimulang magliwanag.
"You shall be reborn. Your souls will continue to find one another throughout countless lifetimes, drawn together by a bond that neither time nor death can erase. Ngunit sa tuwing magkikita kayo, hindi kayo pahihintulutan ng tadhana na manatiling magkasama. Every time you find each other,
fate itself will tear you apart. You will meet, you will love, and you will lose each other again. Paulit-ulit, sa bawat buhay na inyong tatahakin, bibigyan kayo ng pagkakataong muling matagpuan ang isa't isa, ngunit kailanman ay hindi kayo pahihintulutang magkaroon ng masayang wakas.
Hanggang sa wakas ng inyong mga kaluluwa, mananatili kayong nakagapos sa isa't isa... ngunit palaging pagkakaitan ng tadhana."
Napapikit ako nang maramdaman ko ang nakakasilaw na liwanag. Kasunod nito ay isang napakalakas na pagsabog na umalingawngaw sa paligid. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Unti-unting nagdilim ang aking paningin hanggang sa wala na akong makita.
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata.
"Agh..."
Agad kong hinawakan ang aking ulo nang biglang sumakit iyon. Ilang sandali akong nanatiling nakapikit habang pilit na inaayos ang aking paghinga bago ko muling nilibot ang paningin ko sa paligid.
Kweba...?
Nasa loob ako ng isang napakalaking kweba.
Mataas ito, at sa mismong itaas ko ay may malaking butas na nagsisilbing daanan ng malamig na hangin. Mula roon ay tanaw ko ang madilim na kalangitan at ang buwan na nagbibigay ng mahinang liwanag sa loob ng kweba.
Ngunit nang mapansin ko iyon...
Nanigas ako.
Isang buwan.
Isa lamang ang buwan.
Napatingin ako sa paligid, tila umaasang may magbabago sa aking paningin.
Nasaan ang dalawang buwan?
Nasaan si Morpeia?
Nasaan si Dakkodas?
Nasaan ang mga anghel at mga demonyo?
Mabilis na bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari. Ang mahiwagang lugar. Ang diyosang tinawag nilang Morpeia. Ang hari ng mga demonyo na si Dakkodas. Ang pagsasanib ng kanilang mga kaluluwa. Ang libo-libong anghel at demonyong dumating upang hatulan sila.
At ang sumpang ipinataw sa kanilang dalawa.
Muli akong napahawak sa aking ulo.
What the fuck is happening?
Panaginip lamang ang lahat ng iyon?
Ngunit kung panaginip lang iyon... bakit parang totoong-totoo ang lahat?
Nanigas ako nang biglang may isang tinig na umalingawngaw.
Tila nawala ang kakayahan kong gumalaw habang pinakikinggan ko ang bawat salitang binibigkas nito. Hindi ko alam kung saan ito nanggagaling, ngunit malinaw na malinaw kong naririnig ang bawat salita nito.
"Dinggin mo ang aking tinig, reinkarnasyon ng dakilang diyosang Morpeia. Ako ang Kaluluwa ng Buwan na nangungusap sa iyo."
Unti-unting lumiwanag ang buwan sa itaas ng kweba, at ang malamlam nitong liwanag ay bumagsak sa aking mukha.
"Sa pamamagitan ng pagpapakita ko sa iyo ng mga naganap sa iyong unang buhay, hindi mo makakalimutan ang reinkarnasyon ng dating hari ng mga demonyo..."