CHAPTER 61

Rassia

Napakunot ang noo ko at dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Mabigat pa ang aking mga talukap habang pilit kong inaayos ang aking paghinga. Ngunit nang tuluyan kong maalala ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay, bigla akong napabangon.

I let myself fall into the sea with Razareth and Dragoroth.

Akala ko... patay na ako.

Naalala ko ang malamig na tubig na bumalot sa aking katawan, ang bigat ng aking katawan habang unti-unti akong lumulubog, at ang dalawang dragon na kasama kong nahulog sa kailaliman.

Pero bakit... buhay pa ako?

Mabilis kong nilibot ang paningin ko sa paligid, umaasang makikita ko kahit anino man lamang nina Razareth at Dragoroth.

"Razareth...? Dragoroth...?"

Ngunit bago pa ako makabangon nang tuluyan, napahinto ako sa aking kinatatayuan nang mapansin ko ang paligid.

Napakaganda ng lugar.

Hindi ko maipaliwanag kung paano, ngunit tila may kakaibang mahika ang buong kapaligiran. Tahimik ang gabi, ngunit hindi ito nakakatakot. Sa halip, tila buhay ang mismong kagubatan.

Sa paligid ko ay may maliliit na paru-parong kumikislap sa kulay ginto. Lumilipad ang mga ito sa pagitan ng mga puno at halaman, nagbibigay ng banayad na liwanag sa madilim na gabi.

Napatingala ako sa langit.

At doon ako tuluyang natigilan.

Dalawa ang buwan.

Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kalangitan. Dalawa ang buwan sa itaas ko, at sa sandaling iyon ay bigla kong naalala ang Vlymir.

Dalawa rin ang buwan doon, ngunit habang pinagmamasdan ko ang paligid, alam kong hindi ito ang mundo ng mga Erenhal.

Mabilis kong nilibot muli ang aking paningin, pilit na naghahanap ng kahit isang bagay na pamilyar sa akin.

Iba ang hangin. Iba ang amoy ng paligid. Maging ang pakiramdam ng mana sa hangin ay kakaiba. Walang anumang bagay rito ang pamilyar sa akin.

Dahan-dahan akong humakbang, pilit na inuunawa kung ano ang nangyari. Tiyak akong wala ako sa Vlymir.

Kung ganoon... saan ako dinala? at higit sa lahat... paano ako nakarating dito?

Habang dahan-dahan akong naglalakad, napansin ko ang malinaw na tubig sa aking harapan at nakita ko roon ang sarili kong repleksyon.

Doon ko lamang napansin ang aking kasuotan.

Nakasuot ako ng isang mahaba at puting bestida na tila gawa sa pinong tela, may gintong arm cuff sa aking braso, at kahit wala akong suot na sapatos o kahit simpleng sandalyas, wala akong nararamdamang sakit sa aking mga paa habang humahakbang sa malamig na lupa.

Marangya ang aking kasuotan, ngunit higit na nakatawag ng pansin sa akin ang aking balat. Mahina itong kumikinang sa ilalim ng liwanag ng dalawang buwan, na para bang may sariling liwanag ang aking katawan.

Wala namang nagbago sa aking anyo. Nandoon pa rin ang mahaba at pulang buhok ko, ang parehong mukha at mga mata na pamilyar sa akin. Ngunit sa kakaibang liwanag na bumabalot sa aking katawan at sa puting bestidang suot ko... hindi ko maiwasang mapatitig sa sarili kong repleksyon.

Mukha akong... diyosa.

Napalingon ako sa di kalayuan nang may marinig akong mahinang nag u-usap. Doon ko napansin ang dalawang nilalang na magkayakap habang tahimik na pinagmamasdan ang mga mahiwagang nilalang na lumilipad sa ibabaw ng lawa.

Napako ang aking tingin sa isang babaeng nakatayo roon. Napansin ko agad ang kaniyang kasuotan, at nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong kapareho iyon ng suot ko. Puting bestida, gintong palamuti, at ang kakaibang ningning na tila likas sa kaniyang katawan.

Ngunit nang tingnan ko ang kaniyang mukha, alam kong hindi siya ako.

Iba ang kaniyang mga mata, iba ang kaniyang mukha, at iba rin ang kaniyang presensya.

May kakaibang liwanag sa kaniyang mukha na hindi ko maipaliwanag.

Para bang kahit wala siyang gawin, natural na napapako sa kaniya ang paningin ng sinumang makakita sa kaniya.

Ang kaniyang mga mata ay tila may sariling kinang, at ang bawat galaw niya ay napakagaan na para bang hindi siya tinatablan ng bigat ng mundo.

She is so beautiful...

No.

Beautiful isn't even enough.

Hindi ko alam kung ano ang tamang salita para ilarawan siya. Para siyang isang nilalang na nilikha mula sa liwanag ng buwan.

Sa unang pagkakataon, nakakita ako ng isang nilalang na hindi ko maikukumpara sa kahit sino.

She looks like a goddess...

At habang pinagmamasdan ko siya mula sa malayo, hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko...

Who is she?

"Morpeia, mahal ko... tinatangi kita, aking diyosa ng buwan. Wala akong pakialam kung ano man ang isipin nila. Ipaglalaban kita hanggang sa huling hininga ko..."

Diyosa ng buwan?! ngunit bago pa ako mawalan ng tuliro, napatingin ako sa lalaking nilalang na kausap niya.

He is a fucking demon!

Agad kong napansin ang kulay-abong balat nito, ang dalawang itim na sungay na umuusbong mula sa kaniyang ulo, at ang mga matang ganap na itim. Walang puti. Walang bakas ng ibang kulay. Tanging malalim at walang hanggang kadiliman ang makikita sa kaniyang mga mata, katulad ng mga mata ni Lucy Pearl.

Ngunit higit sa kaniyang anyo, ang presensya niya ang talagang nagpahinto sa akin.

Napakabigat at napakalakas!

Kahit mula sa malayo, ramdam ko ang mana na bumabalot sa kaniyang katawan. May kung anong likas na awtoridad sa kaniyang kilos, isang presensyang nagsasabing hindi siya isang nilalang na basta-basta maaaring lapitan o hamakin.

What kind of place is this...?

I wake up in an unknown land, surrounded by creatures I've never seen before, and now I'm watching a goddess-like woman and a fucking demon.

Where the hell am I? at mukhang hindi nila ako nakikita...

Napansin kong marahang hinawakan ni Morpeia ang kamay ni Dakkodas na nakayakap sakanya mula sakanyang likuran.

"Mahal na mahal din kita, Dakkodas..." mahina siyang napasinghap. "Iwan mo na ang pagiging hari ng mga demonyo. Naroon naman ang iba pang mga demonyo na maaaring pumalit sa iyo."

Bahagya niyang ibinaba ang kaniyang tingin.

"Maaari tayong pumunta sa ibang mundo... mamuhay nang tahimik, malayo sa mga diyos at diyosa, sa mga demonyo..."

Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.

"Baka roon... maaari nating mahalin ang isa't isa nang walang kailangang katakutan."

Saglit siyang natahimik bago marahang umiling.

"Pero alam kong hindi iyon ganoon kadali. Hindi tayo maaaring magmahalan, Dakkodas. Labag ito sa mga batas ng mga Kataas-taasan... at maging sa kalooban ng Dakilang Diyosa."

Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang kamay.

"Labis akong natatakot, takot akong mawala ka, takot akong malaman nila ang tungkol sa atin. At higit sa lahat... natatakot akong ikaw ang maging dahilan kung bakit mawawala ang lahat ng mayroon ako."

Tahimik na pinagmasdan siya ni Dakkodas bago marahang hinawakan ang kaniyang mukha.

"Then we face them."

Napatingin si Morpeia sa kaniya.

"If we run, Morpeia, they will only hunt us. Kung magtatago tayo sa ibang mundo, hahanapin nila tayo. Kung lalayo tayo, susundan nila tayo. At kung patuloy nating itatago ang pagmamahalan natin, darating ang araw na sila mismo ang makakatuklas nito."

Bahagya siyang ngumiti, ngunit bakas sa kaniyang mga mata ang bigat ng desisyong iyon.

"Our enemies are not ordinary beings. We are talking about the highest powers of all beings... Yes, Morpeia... we have power. We are powerful enough but even our strength has limits."

Mahigpit niyang tiningnan si Morpeia.

"We cannot defeat them through power alone. We both know that. That is why I am not asking you to fight them alone. If they come for us, we face them together. We may not be able to overpower them...but I refuse to let fear decide how we live our lives."

"... I would rather stand beside you and face them than spend eternity running from something we cannot escape."

"If loving you is a sin in their eyes... then let us face the judgment together." ani Dakkodas.

Napaluha si Morpeia bago niya marahang hinalikan si Dakkodas. Mabilis akong nag-iwas ng tingin, tila ba ayaw kong pakialaman ang sandaling iyon. Ngunit makalipas ang ilang segundo, muli akong napatingin sa kanila.

Nakita kong umiiyak si Morpeia habang mahigpit na nakahawak kay Dakkodas.

"Paghihiwalayin nila tayo, mahal ko..." nanginginig ang kaniyang tinig. "At kung sakaling mangyari iyon... hindi ko yata kakayanin, Dakkodas."

Marahan niyang hinawakan ang mukha nito.

"Ikaw lang ang tahanan na pinili ko. Sa lahat ng mundong maaari kong puntahan... ikaw lamang ang gusto kong makasama."

"Kung mawawala ka sa akin..." saglit siyang natigilan habang pinipigilan ang kaniyang pag-iyak. "... hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang wala ka."

Tumayo si Morpeia at marahang ipinikit ang kaniyang mga mata habang dinadama ang malamig na hanging dumaraan sa paligid.

Tumayo rin si Dakkodas mula sa kaniyang pagkakahiga, at napanganga na lamang ako nang tuluyan ko siyang makita.

He is indeed a demon! sobrang tangkad niya!

Kumunot ang noo ko nang mapansin kong unti-unting nagliwanag ang tila simbolo sa noo ni Morpeia. Nanatili siyang nakapikit habang lalong lumalakas ang gintong liwanag, na para bang may kung anong kapangyarihang dumadaloy sa kaniyang katawan. Makalipas ang ilang sandali, bigla siyang napamulat.

"H-hindi... hindi ito maaari!" taranta niyang sambit. "May ibinulong sa akin ang buwan, Dakkodas! n-natuklasan n-na nila!"

Agad siyang nilapitan ni Dakkodas.

"Kung ganoon..." mahinahon niyang saad habang mahigpit siyang niyakap. "Hayaan natin silang dumating. Kung galit ang nais nilang ibigay sa atin, sasalubungin natin iyon."

Marahan niyang hinaplos ang kaniyang buhok.

"Harapin natin sila nang buong tapang. Hindi ako tatakbo, Morpeia. At hindi rin kita iiwan."

Nanginginig pa rin si Morpeia sa kaniyang mga bisig.

"Our love will never be a sin."

Bahagya siyang lumayo upang tingnan ang mga mata nito.

"How could loving you ever be a sin, Morpeia? You tell me."

Tumalim ang kaniyang tingin habang napatingala sa kalangitan.

"If the Great Goddess has placed laws even upon love... if she demands that we abandon one another simply because we were born into different races..."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.