CHAPTER 60 #4
"At salamat sa paanyaya mo sa estado mo, pero mas gusto ko pa ring umuwi sa aming nayon. Matagal ko na ring hindi nakikita ang mga pinsan ko."
Saglit siyang napatingin sa kalsada nang marinig ang papalapit na yabag ng mga kabayo.
"Oh, siya. Narito na ang karwahe."
Muli siyang humarap kay Valentino.
"Pasabi na lang sa tatlong mokong na lagi silang mag-iingat sa mga digmaan."
Bahagya siyang ngumiti bago idagdag,
"Lalo ka na, Val. Mag-ingat ka palagi, ha?"
Tumango si Valentino, ngunit nanatili lamang siyang nakatitig kay Elena habang dahan-dahan itong lumalapit sa karwahe. Sa sandaling iyon, saka niya napagtanto kung gaano pala kasakit ang simpleng pamamaalam na iyon.
I hate goodbyes...
Pinagmasdan muna ni Elena ang Quentior Palace sa huling pagkakataon. Malungkot siyang ngumiti habang binabalikan sa isip ang mga alaala niyang nabuo roon bago tuluyang pumasok sa karwahe.
Nang makaupo siya sa loob, bahagya siyang sumilip sa bintana.
Naroon pa rin si Valentino, tahimik na nakatayo habang pinagmamasdan ang kaniyang karwahe.
Nagtagpo ang kanilang mga mata sa loob ng ilang sandali.
Mabilis na umiwas ng tingin si Elena.
Unti-unting namuo ang luha sa kaniyang mga mata hanggang sa tuluyan itong pumatak. Pinahid niya ang mga iyon, ngunit lalo lamang bumigat ang kaniyang dibdib.
A friend... kaibigan lang ang tingin niya sa akin...
Napakagat-labi siya habang pinipigilan ang paghikbi.
I would've stayed if you had asked me to stay for something more than friendship.
In the Vacardior Palace,
In Capital City of Sartores
"How's the search for the vampire princess, Cayena?" tanong ni Emperor Lurtheron habang nakaupo sa kaniyang trono, abala sa pagbabasa ng isang dokumento.
Sa kaniyang harapan ay nakatayo ang dalawang commander, isa mula sa Imperial Knights at isa mula sa Holy Knights.
Kapwa sila napayuko nang marinig ang tanong ng emperor.
"We still haven't found her, Your Majesty," sagot ng commander ng Imperial Knights.
"We have searched the surrounding territories and questioned the people who may have encountered her, but there has been no trace of Princess Cayena."
Tahimik na nagpatuloy ang emperador sa pagbabasa ng dokumento.
"And the Holy Knights?"
Napayuko nang bahagya ang isa pang commander.
"Same report, Your Majesty. We have yet to locate her."
Saglit na nanahimik ang buong bulwagan.
Bahagyang ibinaba ni Lurtheron ang dokumentong hawak niya.
"Continue the search."
Tumango ang dalawang commander.
"Yes, Your Majesty."
Napahilot sa sintido si Lurtheron.
Five months have passed since that incident. Cayena was the only one who managed to escape alive because of those strangers wearing black cloaks who helped her flee, yet we still haven't been able to find them. Sister... where are you?
Limang buwan na ang lumipas, ngunit wala pa ring kahit isang malinaw na bakas tungkol sa kanilang pagkakakilanlan o kinaroroonan.
Sinuri na ng mga Imperial Knights at Holy Knights ang bawat lugar na maaaring napuntahan nila, ngunit kahit isang hibla ng buhok, piraso ng damit, o anumang bagay na maaaring pagkunan ng bakas ay wala silang makita.
Nanatiling kalmado ang ekspresyon ni Caspian habang nakatayo sa likod ng kaniyang ama, si Cassius na nag-uulat tungkol sa naganap sa Drazoneya, ang lupain ng mga dragon, ngunit sa likod ng kaniyang mahinahong mukha ay patuloy na umiikot ang kaniyang mga iniisip.
Mabuti na lamang at ligtas kong nailayo si Princess Cayena sa kapahamakan... at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahahanap.
Ngunit sa kabila ng ginhawang nararamdaman niya, hindi niya maiwasang mabahala.
Nang nakasama ko na siya at nakahabol sakanila noong gabing iyon, bigla na lamang may lumitaw na mga estrangherong nakaitim din na cloak. Hinarangan nila ang aming daan at kinuha si Princess Cayena.
Hindi ko man lang nagawang pigilan sila. Ang huli kong naaalala ay ang napakalakas nilang mana presence bago tuluyang dumilim ang aking paningin.
Nakakapagtaka rin... nagising na lamang ako kasama ang iba ko pang mga kasamahan sa ibang lugar, at wala na sa amin ang aming mga itim na kasuotan. Kaya hindi kami nahuli o napagbintangang mga traydor.
Mukhang ang mga nilalang na kumuha kay Cayena ang may kagagawan no'n...
Pero bakit nila kami iniligtas? At bakit nila siniguradong walang anumang bakas na mag-uugnay sa amin sa nangyari?
Bahagyang napakuyom ang kaniyang kamay.
Hindi pa rin ako mapakali. Paano kung nasa kamay pa rin ng mga iyon ang prinsesa at masasama sila? lalo na nang maramdaman ko mismo ang kanilang mana...
Hindi niya makalimutan ang bigat ng mga presensiyang iyon.
Sobrang lakas nito.
Maging ang ilan sa mga kasama ko ay hindi nakayanan ang pressure. May ilan pa ngang napasuka bago tuluyang mawalan ng malay.
Bahagyang bumaba ang kaniyang tingin.
Kung ganoon kalakas ang kanilang mana... sino ang mga nilalang na iyon?
"What do you mean, Grand Duke Cassius?" tanong ni Lurtheron, at bahagyang kumunot kaniyang noo.
Huminga nang malalim si Cassius bago sumagot.
"The nobles who went to Drazoneya were reportedly never seen again, Your Majesty. They are presumed dead. According to the reports, their bodies may have been burned by the dragons' flames."
Saglit siyang tumigil bago nagpatuloy.
"Some of the nobles who were still on their way heard the terrifying roars of the dragons from a distance. Because of that, they became frightened and decided not to proceed any further."
Naging tahimik ang bulwagan.
"Until now, Your Majesty, we have no confirmation of what truly happened to those who entered Drazoneya. We only know that none of them have returned."
Tumayo si Lurtheron mula sa kaniyang trono at tahimik na pinagmasdan ang mga taong nasa harapan niya.
"The dragons must have smelled their fear. Those who entered Drazoneya without understanding its dangers may have been seen as intruders."
Bahagya siyang huminga nang malalim bago muling nagsalita.
"I have already made it clear that anyone who wishes to enter Drazoneya must be prepared and, above all, must not be driven by fear."
Tumalim ang kaniyang tingin.
"Therefore, issue a decree. No one shall be permitted to enter Drazoneya without first proving themselves before the Holy Cathedral."
"They will be tested through the Holy Grimoire to determine whether they possess the courage, strength, and resolve required to face the dragons. Only those who pass the test shall be granted permission to enter Drazoneya."
Tahimik na yumuko ang kaniyang mga tagapayo at mga ministro.
"For now, focus on the upcoming celebration ceremony and the rebuilding of the capital. We have already lost enough lives and resources. We cannot allow ourselves to become distracted by matters we cannot yet resolve."
Naglakad pababa si Lurtheron mula sa kaniyang trono, tahimik namang sumunod sa kaniya ang sampung kawal na nakatalaga bilang kaniyang personal escort.
Those idiots who went to Drazoneya clearly wanted more power. Alam kong kakaunti lamang ang maglalakas-loob na pumunta roon kapag kumalat ang balitang wala pang nakabalik nang buhay.
I have no Sovereign Spirit, and I cannot even use my holy power because of my great brother's curse. I cannot risk Hera's life.
I am leading this Empire, I cannot continue sending others into danger while I remain behind these walls.
As soon as the celebration ceremony is over, I will go to that place myself. I am confident that I will return... with a dragon.
For that, I pray to the Great Goddess for protection and guidance.