CHAPTER 60 #3
It was becoming increasingly difficult to deny what it was slowly turning into.
I knew it. Lurtheron was going to do this.
Ngunit hindi ko hahayaang maapektuhan nito ang Emberman. Hindi ko pa alam kung tama ba ang mga pagbabagong ginagawa niya o kung unti-unti lamang nitong binabago ang buong Imperyo sa paraang hindi na makatarungan.
The Holy Cathedral is gaining too much influence.
At kung patuloy itong lalawak... kailangan kong siguraduhing hindi nito maaabot ang Emberman.
So... I have gained influence over the Empire's businesses as well.
Perhaps this is not entirely a bad thing.
If Lurtheron is strengthening the Holy Cathedral's influence over the Empire, then I need something of my own to rely on. The businesses of the Empire may not hold the same authority as the Cathedral... but money has its own kind of power.
And if House Quentin continues to invest across the continent, then sooner or later, our influence will reach places even the Imperial Crown cannot easily control.
Ngunit sa gitna ng malalim na pag-iisip at paglalakad, sandaling napahinto si Galsarius.
Napatingin si Mikhael sa archduke at sinundan ang kaniyang tingin.
Sa gilid ng pasilyo ay naroon ang isang malaking painting ng kaniyang apo, si Rassia.
Ilang segundo itong tahimik na pinagmasdan ni Galsarius. Walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha, ngunit bahagyang tumalim ang kaniyang mga mata bago siya muling naglakad na para bang walang nakita.
Tahimik namang nagtaas ng kilay si Mikhael at agad siyang sinundan.
"Your Excellency," maingat niyang tawag.
Huminto siya nang bahagya upang makasabay kay Galsarius.
"It has been confirmed that the ceremony will be held at Vacardior Palace, since the Imperial Palace is still undergoing reconstruction."
Saglit siyang natahimik bago nagpatuloy.
"Ngunit nababagabag ako... hindi ba't magiging tila sampal sa House Quentin ang pagdalo sa seremonyang iyon?"
Bahagyang bumaba ang kaniyang boses.
"Kamakailan lamang namatay ang iyong anak at apo. At ngayon, inaanyayahan tayong dumalo sa isang seremonyang ipinagdiriwang ang tagumpay laban sa mga tinaguriang traydor."
Tumalim ang tingin ni Mikhael kay Galsarius, na nakatalikod sa kaniya. Napahinto ang Archduke sa kaniyang paglalakad nang marinig ang kaniyang sinabi.
"Kung pupunta ang House Quentin... para na rin ninyong ipinapakitang hindi ninyo iginagalang ang sarili ninyong kadugo."
Sa halip na magalit, bahagyang ngumisi si Galsarius bago dahan-dahang humarap kay Mikhael.
This man is still the same...
"You know what they say, Mikhael?"
Mikhael remained silent.
"Duty comes before blood. When the fate of the Empire is at stake, a man's loyalty cannot be dictated by his heart."
Lumapit si Galsarius kay Mikhael at marahang inayos ang bahagyang nakaluwag na butones ng kaniyang uniporme.
"You know who I am, Mikhael. I am a man of my words. I must... do what is necessary. I believe what happened was destined to happen, and the sun must rise again."
Saglit siyang natahimik bago bahagyang tumingin sa kaniya. "You may call me heartless. You may say I abandoned my own family. But if choosing my family means betraying my duty... then I would rather bear the hatred of my own blood than become the man who betrayed his oath."
"Betrayal is not something I take lightly. I know what I have done, and I will carry the weight of it until the day I die."
Tumalim ang tingin ni Mikhael.
"Destiny?"
Bahagya siyang napailing.
"With all due respect, Your Excellency, I cannot simply accept that word as an excuse for what happened. I have served House Quentin for most of my life. I have watched Cesare grow from a child into the man he became. I know his temper, his stubbornness, his ambitions, and even the mistakes he made.
But whatever happened between you and him, I refuse to believe that his death can simply be dismissed as something that was destined to happen."
Humigpit ang kaniyang panga.
"Betrayal is the cruelest thing one person can inflict upon another, Your Excellency. But betrayal from a father is something far worse. A son can survive the hatred of an enemy. He can survive the judgment of the nobles, the whispers of the court, even the entire Empire calling him a traitor."
"But how is he supposed to survive knowing that the person who should have protected him was the one who stood against him?"
Tahimik na nakinig si Galsarius.
"Maybe you had your reasons. Maybe there was something you knew that the rest of us did not. But from where I stood, I watched House Quentin lose its mighty leader."
"... How am I supposed to stand beside you and pretend that none of it happened?"
Bahagyang ngumiti si Galsarius, "You care for him."
"I do," mariing sagot ni Mikhael. "And that is precisely why I cannot remain silent, Your Excellency."
"Then perhaps you should know something." agad na tugon ni Galsarius.
Kumunot ang noo ni Mikhael.
"Cesare knew what he was doing. Perhaps, in the end, he understood better than anyone what had to happen."
"Ano ang ibig mong sabihin, Your Excellency?"
Hindi agad sumagot si Galsarius.
"Do not mistake the hand that carried out the deed for the heart that decided it."
Tahimik na pinagmasdan siya ni Galsarius. "Do you truly believe I wanted him dead?"
"Then tell me why you let it happen."
Bahagyang ngumiti si Galsarius. "Because not everything is as it seems, Mikhael."
"Cesare had already made his choice long before that day. I simply followed the path he had chosen."
"Are you saying he knew?"
Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Galsarius habang tuluyan siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad, iniwan si Mikhael na tahimik na nakatulala sa kaniyang kinaroroonan.
Hindi makapagsalita si Mikhael. Paulit-ulit na umalingawngaw sa kaniyang isipan ang huling sinabi ng archduke.
"Some promises are meant to be kept, even when keeping them makes you look like the villain." ani Galsarius.
Sa labas ng Quentior Palace, tahimik na naghihintay si Elena ng karwaheng maghahatid sa kaniya pabalik sa kaniyang kinalakihang nayon.
Nakasuot siya ng simple at payak na damit, habang nakalugay ang kaniyang mahabang buhok. Wala na rin sa kaniya ang karaniwang kasuotan ng isang head maidservant dahil tuluyan na niyang iniwan ang kaniyang posisyon sa House Quentin.
Matapos mamatay ang kaniyang alagang si Rassia, napagpasyahan ni Elena na umalis na sa palasyo.
Wala na siyang dahilan upang manatili roon.
Sa loob ng maraming taon, inialay niya ang kaniyang buhay sa paglilingkod kay Rassia. Ngunit ngayong wala na ang dalagang itinuring na rin niyang sariling pamilya, hindi na niya makita ang kaniyang sarili na manatili sa Quentior Palace na puno ng mga alaala nito.
Malungkot na yumuyuko ang ibang mga maidservant kay Elena habang siya ay naglalakad palabas ng palasyo. May ilan na tahimik na sumusulyap sa kaniya, tila ayaw pang maniwalang tuluyan na siyang aalis.
"Elena... are you really sure about your decision?"
Lumingon si Elena sa tumawag sa kaniya.
Naroon si Commander Valentino, dahan-dahang papalapit sa kaniya. May lungkot sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang kaniyang iniibig.
"Ikaw pala 'yan, Valentino..."
Bahagya siyang ngumiti.
"Oo. Nakapagdesisyon na ako. May sapat naman na akong ginto upang mamuhay nang tahimik. Marami ring iniwan sa akin si Lady Rassia... mga damit, alahas, at iba pang bagay na maaari kong ipagbili kung kakailanganin ko."
Bahagya siyang natawa. "Sa tingin ko, sapat na iyon para mabuhay ako hanggang pagtanda."
"Elena..."
Mahina ang pagkakabanggit ni Valentino sa pangalan nito.
Matagal na niyang pinipigilan ang sarili na sabihin ang kaniyang nararamdaman.
Ngunit ngayong nakatayo sa harap niya si Elena, na may dalang mga bag at ang desisyong tuluyang iwan ang palasyo, mas lalo niyang naramdaman kung gaano niya ito ayaw mawalay sa kaniya.
"How about me?" tanong niya, bahagyang nanginginig ang tinig. "You're leaving me behind... Wala ka yatang balak sabihin sa akin na aalis ka. Mabuti na lamang at narinig ko kay Agostin."
Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata ni Elena. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin bago pa tuluyang tumulo ang mga iyon.
"Pasensya ka na, Valentino..."
Huminga siya nang malalim, pilit na pinipigilan ang kaniyang emosyon.
"Hindi ko na kasi kayang manatili pa rito."
Napatingin siya sa Quentior Palace na ilang hakbang lamang ang layo sa kanila.
"Bawat sulok ng palasyong ito ay may alaala namin ni Lady Rassia. Dito ko siya inalagaan. Dito ko siya pinalaki... ngunit wala na siya..."
Napayuko si Elena habang tuluyan nang pumatak ang isang luha sa kaniyang pisngi.
"Hindi ko kaya, Val..."
Bahagya siyang napailing. "Hindi ko na talaga kaya."
"Then at least let me see you again." mabilis na lumapit si Valentino sa kaniya, bahagyang desperado ang kaniyang tinig.
"Kung ayaw mo nang manatili rito, hindi kita pipilitin. Pero huwag mo naman akong tuluyang iwan. Maaari mo akong dalawin anumang oras ang gugustuhin mo."
He took a breath before continuing. "I have an estate outside the capital. You can stay there."
Tahimik siyang pinagmasdan ni Elena.
"Valentino..."
"What?"
"Can I ask you something?"
Bahagyang tumango siya.
"Why are you doing all of this for me?"
Napahinto si Valentino.
"Iba ang pakikitungo mo sa akin kumpara sa ibang tao. Lagi mo akong inaalala. Lagi mong pinapansin kung okay lang ba ako. At ngayong aalis na ako, iba ang inaakto mo..."
Bahagya siyang napangiti, ngunit may lungkot sa kaniyang mga mata. "So tell me, Val... what do you really feel for me?"
Natahimik si Valentino. Ilang sandali siyang nakatitig lamang kay Elena bago niya iniwas ang kaniyang tingin.
"I..."
Bahagya siyang napabuntong-hininga.
"You're my friend, Elena."
Ngumiti nang matamis si Elena.
"Kung gano'n, sige. Dadalaw ako rito paminsan-minsan. At ano ka ba, huwag ka masyadong malungkot. Magpapadala rin ako sa'yo ng mga liham."
Bahagya siyang natawa.