CHAPTER 60 #2

Matapos mailapag nang maayos ang walang malay na si Rassia sa buhangin, marahan siyang gumapang palayo sa tubig upang masigurong hindi ito muling tatangayin ng alon.

Nang tuluyang mawala ang tubig-dagat sa kaniyang buntot, isang kakaibang liwanag ang bumalot dito.

Unti-unting nagbago ang kaniyang buntot. Ang mga kaliskis nito ay nagsimulang maglaho habang ang hugis nito ay dahan-dahang nagbabago. Sa loob lamang ng ilang sandali, ang buntot ng sirena ay tuluyang naging isang pares ng mga paa.

Dahan-dahang tumayo si Lafortessa. Gamit ang kanyang mahaba at bagsak na buhok, maingat niya itong inihawi sa kanyang harapan sapat upang takpan ang kanyang dibdib.

Muli niyang tiningnan ang walang malay na binibini at maingat itong hinila palapit sa pulang dragon upang kahit paano ay maprotektahan ito mula sa malamig na hangin ng gabi.

"Tanging kasuotang pangdigma lamang ang suot ng magandang binibining ito..." mahinang sambit ni Lafortessa habang pinag-iisipan ang kalagayan ni Rassia. "Baka lamigin siya kapag iniwan ko siya rito."

Luminga-linga siya sa paligid at agad na napansin ang isang malapad na dahon na nakahandusay sa buhangin.

Pinulot niya ang dahon at saka hinawakan ang gintong Perlas ng Karagatan na nakasabit sa kaniyang kuwintas. Agad itong nagliwanag, at isang banayad na gintong liwanag ang bumalot sa dahon.

"Perlas ng Reyalidad... dinggin mo ang aking kahilingan. Baguhin mo ang anyo nito."

Unti-unting nagbago ang dahon sa kaniyang mga kamay. Ang berdeng kulay nito ay naging makintab na ginto, habang ang hugis nito ay dahan-dahang nabuo bilang isang mahabang bestidang ginto na sapat upang matakpan ang katawan ng binibini.

Napangiti si Lafortessa nang makita ang resulta.

Marahan niyang isinuot ang bestida kay Rassia at inayos ang laylayan nito upang maging maayos ang pagkakahiga ng dalaga sa buhangin.

Nang matapos, marahan niyang itinapat ang kaniyang palad sa katawan nito.

Mula sa kaniyang kamay ay dumaloy ang malinis na tubig, na unti-unting bumalot sa katawan ng binibini at nilinis ang mga bahid ng dugo, dumi, at alat ng dagat na kumapit sa kaniyang balat.

Ngunit biglang napakunot ang noo ni Lafortessa nang mapansin niyang may kakaibang nangyayari.

Habang dumadaloy ang tubig sa katawan ni Rassia, unti-unting naglaho ang kaniyang kasuotang pangdigma. Para bang natutunaw ito sa tubig, hanggang sa tuluyang maglaho ang bawat bahagi nito at maiwan lamang ang ginawang bestidang ginto na maingat na isinuot ni Lafortessa.

Napaatras nang bahagya ang prinsesa at namangha sa kaniyang nakita.

"Kahanga-hanga..."

Muli niyang pinagmasdan si Rassia, tila sinusubukang unawain ang kapangyarihang nasa katawan nito.

"Ang kaniyang kasuotang pandigma... ay galing sa kapangyarihan niya..."

Bahagya niyang itinaas ang kaniyang kilay.

Nang matapos niyang linisin ang katawan ni Rassia, agad namang bumaling si Lafortessa sa dalawang dambuhalang dragon.

Wala pa rin ang itong mga malay, ngunit kapwa sila humihinga. Maingat niyang nilapitan ang pulang dragon at nilinis ang mga sugat nito gamit ang dumadaloy na tubig bago niya ibinaling ang kaniyang atensyon sa itim na dragon.

Napahinto siya.

Mas malala ang kalagayan nito kumpara sa kasama nito. Halos hindi gumagalaw ang katawan nito, at kapansin-pansin ang paghina ng bawat paghinga.

"Napakalala ng mga sugat niya..."

Marahan niyang inilapat ang palad sa katawan ng dragon at muling dumaloy ang malinis na tubig sa mga sugat nito. Ngunit kahit gaano niya linisin ang mga ito, wala siyang magawa upang tuluyang pagalingin ang mga pinsala.

"Wala akong kakayahang magpagaling ng kahit anong sugat..." mahina niyang sambit habang nakatingin sa dragon. "Ang kaya ko lamang ay linisin ang kanilang mga sugat at pigilan na lumala ang mga ito..."

Napabuntong-hininga siya at napatingin sa malayo.

"Kung kasama ko lang si Soren ngayon..."

Mabilis na napalingon si Lafortessa sa binibini nang mahagip ng kaniyang mga mata ang bahagyang paggalaw ng daliri nito.

Agad siyang lumapit at marahang tinapik ang pisngi ni Rassia.

"Binibini?"

Ngunit nanatili itong walang malay.

"Mukhang nananaginip ka lamang..."

Maingat niyang inayos ang gintong bestidang suot nito bago muling pinagmasdan ang kaniyang mapayapang mukha.

"Mukhang maayos na ang lagay mo. Alam kong ligtas ka na rito."

Sandali siyang natahimik bago marahang napatingala sa kalangitan. "Pinapanalangin ko sa Dakilang Diyosa na ingatan ka niya habang narito ka sa dalampasigan."

Muli siyang yumuko kay Rassia.

"Ako ay isang sirena na nagligtas sa iyo at sa dalawang kasama mo. Ngunit hindi na ako maaaring magtagal dito."

Bahagya siyang napalingon sa dagat.

"Tiyak akong hinahanap na ako ngayon sa Vellaseia. At kapag natagpuan nila akong nakikisalamuha sa mga taga-Vermeleyon.. baka pati ikaw at ang dalawang dragon ay madamay."

Napalunok si Lafortessa nang marinig ang mahinang pagdagundong ng pulang dragon. Mabilis siyang napalingon dito at nakita niyang bahagya itong gumalaw, tila nagsisimula nang magkamalay.

Muli niyang tiningnan ang binibining walang malay. Saglit siyang nanatili roon, tila nag-aalangan kung tuluyan na ba siyang aalis, ngunit sa huli ay napagpasyahan niyang bumalik na sa karagatan.

Mabilis siyang lumangoy pabalik sa dagat at ilang sandali lamang ay muli niyang nakasama si Arki. Kapwa sila umahon nang bahagya at mula sa kanilang kinaroroonan sa ibabaw ng tubig at sinilip ang tatlong nilalang na naiwan sa dalampasigan.

Nanatili sila sa likod ng isang malaking bato, maingat na pinagmamasdan ang dalampasigan mula sa malayo upang hindi sila mapansin.

"Ang sinabi mong mabilis ay inabot ng tatlong oras..." reklamo ni Arki habang nakatingin sa dalampasigan. "Pero maayos na ba sila, Lafortessa?"

"Oo, Arki. Mukhang magigising na ang pulang dragon kaya nagpasya na akong umalis..."

Nanlaki ang mga mata nina Lafortessa at Arki nang makita nilang dahan-dahang bumangon ang pulang dragon mula sa pagkakahiga. Napalunok silang dalawa nang marinig ang napakalakas nitong dagundong na umalingawngaw sa buong dalampasigan.

Sa pagtayo nito nang buong taas, lalo nilang napagtanto kung gaano talaga kalaki ang nilalang. Tila maliit lamang ang katawan nina Lafortessa at Arki kumpara sa dambuhalang dragon na nakatayo sa dalampasigan.

The red dragon roared again upon seeing her master lying unconscious beside her. Despite her weakened state, she immediately moved closer and carefully curled her massive body around her master, shielding her beneath her enormous wings to protect her from anything that might approach.

Sa lakas ng ugong, nagsiliparan ang mga uwak mula sa mga sanga ng mga puno. Nagkagulo ang mga ito habang mabilis na nagliparan sa kalangitan, tila takot na takot sa presensya ng dambuhalang nilalang.

In Quentior Palace,

the Capital City of Emberman

5 months later...

Tahimik na pinagmamasdan ni Galsarius ang isang malaking painting ng kaniyang anak na si Cesare, kasama ang asawa nito na si Nadea, sa loob ng Quentior Museum.

Malalim ang iniisip ni Galsarius habang tahimik na pinagmamasdan ang dalawang mukha sa painting. Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila mas mabigat ngayon ang bawat sandaling ginugugol niya sa harap nito.

Sa ilang hakbang ang layo, tahimik siyang pinagmamasdan ni Mikhael, ang head butler ng House Quentin.

Galsarius has become the patriarch of House Quentin once again...

Ever since what happened, this palace has lost its color ever since Cesare Fuegoleon Quentin and his daughter are gone...

Napabuntong-hininga si Mikhael.

Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit siya mismo ang kumitil sa kaniyang anak... Kilala ko si Galsarius. Alam ko kung paano siya mag-isip, kung paano siya kumilos. Ngunit sa pagkakataong ito... hindi ko na siya mabasa.

Matagal pa niyang pinagmasdan ang archduke bago tuluyang napagpasyahang lumapit.

Huminto siya sa likuran ni Galsarius at bahagyang yumuko.

"Forgive me, Your Excellency, but there is a letter for you from the Capital Country, Sartores."

Bahagya siyang natahimik bago idinugtong,

"It is from His Imperial Majesty, Emperor Lurtheron."

Tinanggap ni Galsarius ang liham mula kay Mikhael. Saglit niya itong pinagmasdan bago malalim na napabuntong-hininga at maingat na binuksan ang selyo ng Imperyo.

To Archduke Galsarius Constanciandro III Quentin of Emberman,

I personally invite you to attend the celebration ceremony honoring the nobles, knights, and commanders who fought bravely against the traitors of the Empire.

This ceremony will be held in Vacardior Palace, in Sartores, where we shall commemorate their loyalty and sacrifices during the recent conflict.

I would also like to personally express my gratitude for your generous investment in the Imperial businesses and enterprises throughout the continent.

Your presence would be greatly appreciated, Your Excellency.

May the Great Goddess bless you and House Quentin.

Lurtheron Azul Vacardi,

The Emperor of the Grand Empire of Erenhal Sartorias

Mabilis na tinupi ni Galsarius ang liham bago tahimik na naglakad palabas ng Quentior Museum, patungo sa kaniyang opisina. Walang imik na sumunod sa kaniya si Mikhael, gaya ng nakasanayan nito.

Ever since Lurtheron ascended the throne and became Emperor, the Erenhal Sartorias Empire had slowly begun to take on the character of a Holy Empire, even though no official declaration had ever been made.

Under his rule, the Holy Cathedral gained greater influence within the Imperial government, particularly in matters of politics, education, and public affairs.

The relationship between the Crown and the Cathedral grew stronger with each passing month, and their presence could now be felt throughout the Empire.

Their influence had even reached the Imperial Academies, where priests from the Holy Cathedral were permitted to teach students in matters of faith, divine magic, history, and the teachings of the Great Goddess.

Although the Empire had not officially been declared a Holy Empire...

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.