CHAPTER 62 #3
"Never forget that. One day, you may find yourself standing where I stand. And when that day comes... You will understand why loyalty is more valuable than strength, more dangerous than skill, and sometimes... far more painful than either."
Nanatiling malamig ang tingin ni Russel kay Galsarius bago muli niyang ibinaling ang kaniyang mga mata sa seremonya. Ilang sandali siyang nanahimik, tila pinipili ang kaniyang mga salita bago muling nagsalita.
"Loyalty?" bahagya siyang napangiti, ngunit walang saya sa kaniyang mukha.
"Do you see yourself as loyal, Grandfather? to whom? to what? to the empire?"
Russel looked again to his grandfather, this time with a quiet resentment in his eyes.
"How can you speak about loyalty when you betrayed your own blood? how can you call yourself loyal when you were the one who killed your own son?"
Naging mas malamig ang kaniyang tinig.
"You chose the empire over father. You turned your back on your own family and called it loyalty. So tell me, Grandfather... was that loyalty? or was it simply the excuse you gave yourself so you could live with what you had done?"
Galsarius proudly smirked at his grandson, clearly amused by the sharpness of Russel's words.
My grandson...
At only seven years old, he already has the courage to question me to my face... he may still be young, but he is not foolish.
Perhaps he inherited that stubbornness from his father. Or perhaps... he inherited something even more dangerous.
"I merely did what he asked of me, Russel... one day, when you finally learn the whole truth, you may realize that what you believe was my betrayal..."
"... was the greatest act of loyalty I could give to him."
Drazoneya
Unti-unting nagising si Rassia sa loob ng isang mahiwagang kweba na kumikislap sa liwanag ng naglalakihang mga kristal at diyamanteng nakabaon sa mga pader.
Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang ulo nang maramdaman ang bahagyang kirot.
Ilang sandali siyang nanatiling nakaupo habang pilit na inaayos ang kaniyang paningin, bago niya unti-unting nilibot ang kaniyang mga mata sa paligid.
Napakunot ang kaniyang noo.
Tanging malamlam na liwanag mula sa mga kumikinang na kristal ang nagsisilbing tanglaw sa loob ng napakalawak na kweba.
Nasaan ako? sa dami ng lugar sa mundong ito, bakit parang lagi na lang ako napupunta sa mga kweba?
Kumulo ang kaniyang tiyan, dahilan upang mapahawak siya rito. Napalunok si Rassia nang maalala niyang ilang araw na siyang walang kinakain mula pa noong trahedyang iyon.
Muli niyang pinagmasdan ang kweba.
Mahiwaga at napakaganda ng lugar. Kumikislap ang naglalakihang mga kristal na nakabaon sa mga pader, na tila ba naglalabas ng sarili nilang liwanag at mana. Sa dami at kinang ng mga iyon, agad na pumasok sa isip ni Rassia ang isang bagay.
Tiyak niyang kukunin ng mga nilalang ang lahat ng kristal na makukuha nila. Hindi niya alam kung gaano kahalaga ang mga ito, ngunit ramdam niyang hindi ordinaryong mga mineral ang nasa paligid niya.
Siguradong pag may nakatuklas dito, wala nang matitirang mga kristal...
Napansin ni Rassia sa di-kalayuan ang ilang malalaki at kakaibang bagay na maingat na nakahanay sa isang bahagi ng kweba. Sa una ay inakala niyang mga bato lamang ang mga iyon, ngunit nang mas mapalapit siya, bigla siyang natigilan.
"Dragon eggs?"
Napakarami ng mga iyon.
Iba-iba ang laki, hugis, at kulay, at bawat isa ay tila nababalot ng kakaibang mana. May ilan na bahagyang kumikislap, habang ang iba naman ay tahimik na nakahimlay sa kanilang mga pugad.
Hindi lamang basta inilagay roon ang mga itlog. Tila maingat na pinangangalagaan ang bawat isa...
Hahawakan sana ni Rassia ang isang puting itlog ng dragon nang biglang may malakas na dumagundong sa kaniyang likuran.
Mabilis siyang napalingon at nakita ang isang malaking dragon na kakalapag lamang sa kaniyang likuran. Agad niyang naramdaman ang napakalakas na mana nito, dahilan upang mabilis na bumilis ang tibok ng kaniyang puso.
Mabilis niyang iniangat ang kaniyang kamay. Isang pulang magic circle ang agad na lumitaw sa kaniyang palad, nagliliyab habang nakatutok sa nilalang sa kaniyang harapan.
"Stay back. Wala akong masamang intensyon..." Hindi inalis ni Rassia ang kaniyang tingin sa nilalang.
A dragon? I must be in Drazoneya... mukhang dinala ako rito nina Razareth at Dragoroth.
Tahimik lamang na pinagmasdan siya ng dragon.
Ilang sandali itong hindi gumalaw bago bahagyang yumuko ang dambuhalang ulo nito at maingat siyang inamoy.
Pagkatapos ay dahan-dahan itong lumakad patungo sa mga itlog ng dragon, isa-isang inamoy ang mga iyon bago tuluyang humiga sa tabi ng mga ito, wari'y pinoprotektahan ang mga itlog habang patuloy na pinagmamasdan si Rassia.
Napataas ang kilay ni Rassia.
"I won't hurt you, or the eggs, Magenta Dragon. But... if you ever hurt me, paparusahan kita gamit ang aking apoy. Even dragonfire can't resist my Eternal Flame." taas noo niyang sambit, tila hindi man lamang natatakot sa napakalaking dragon sa kaniyang harapan.
Ngunit bago pa siya muling makapagsalita, biglang napalingon si Rassia nang makarinig siya ng isang pamilyar na dagundong.
Mula sa itaas ng kweba ay lumitaw ang malaking pulang dragon. Nang makita siya nito, mabilis itong yumuko at inilapit ang kaniyang ulo kay Rassia.
Napangiti siya. "Razareth... mabuti ay ligtas at maayos ka."
Marahan niyang hinaplos ang noo ng dragon.
"Mother... I am glad you have awakened."
Bahagyang umungol si Razareth bago ibinaba ang kaniyang tingin sa dala nitong bagay.
"Narito ang aking handog sa iyo..."
Hindi agad napansin ni Rassia ang bitbit nito. Ngunit nang sundan niya ang tingin ni Razareth, unti-unti siyang napakunot-noo.
Napataas muli ang kaniyang kilay. Tahimik niya itong pinagmasdan.
"... Is that a goat?"
Bahagyang ibinaba ni Razareth ang ulo, wari'y buong pagmamalaki sa kaniyang handog.
Rassia stared at the goat. Then she looked at Razareth.
"... You burned it?"
Umungol nang mahina si Razareth.
"Yes, Mother. I prepared it myself."
Napahawak si Rassia sa kaniyang noo. "Razareth... I appreciate the thought, but..."
Napabuntong-hininga na lamang si Rassia at lumapit sa sunog na kambing. Wala na siyang magagawa. Ilang araw na rin siyang walang kain, at sa kalagayan niya ngayon, kailangan niyang mabuhay. Wala siyang panahon para maging mapili o mag-inarte sa pagkain.
Tiningnan niya ang kambing nang ilang segundo bago muling napabuntong-hininga.
"Fine... pagkain pa rin naman 'to."
Mabagal siyang yumuko at nagsimulang kumain, habang si Razareth naman ay tahimik na nakatingin sa kaniya, tila naghihintay ng reaksiyon sa kaniyang handog.
Umupo si Rassia sa isang malaking bato habang tahimik na kumakain at pinagmasdan si Razareth. Napansin niyang maayos na ang kalagayan ng pulang dragon, at ang mga sugat na natamo nito noong trahedya ay tila tuluyan nang naghihilom.
"Razareth, nasaan si Dragoroth?" tanong ni Rassia.
"Natutulog lamang siya sa kabilang kweba..." malungkot na umungol ang pulang dragon. "Simula nang mangyari ang lahat at hindi na niya maramdaman ang koneksiyon niya sa kaniyang master, lagi na lamang siyang natutulog. Baka sakali... baka sakaling magparamdam ito sa kaniya..."
Napabuntong-hininga si Rassia. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang matinding lungkot at pangungulila sa kaniyang asawa.
Dragoroth must be so sad right now... Even I can't feel my mate bond with Vincenzo anymore. But deep down, I still believe that he's alive. I know it... because our souls are still connected...
I'm grateful for what I did in my first life as Morpeia...
At least, I made that choice.
If something happens to Vincenzo, our souls will still remain bound to one another. That was the promise Morpeia and Dakkodas made long ago.
Our souls became one.
And as long as that bond remains... I will never believe that Vincenzo is truly gone...
Nang matapos siyang kumain, sinenyasan niya ang pulang dragon na lumapit sa kaniya. Agad namang lumapit si Razareth at humiga sa tabi niya. Marahan niyang hinimas ang malaking ulo nito, at bahagyang lumambot ang kaniyang ekspresyon.
"Tell Dragoroth that his master is alive. Vincenzo and I have the strongest bond... If one of us dies, the other will follow. Kaya huwag siyang masyadong malungkot. Buhay pa ako... at tiyak akong buhay pa si Vincenzo."
Bahagyang nagulat si Razareth sa kaniyang sinabi. Makikita sa mga mata nito ang biglang pag-asa, na para bang nabawasan ang bigat na matagal nitong dinadala.
Ngumiti lamang si Rassia sa naging reaksiyon ng dragon.
I am here in Drazoneya. Probably, this is the safest place for me to hide. But I can't waste any more time... Kailangan kong pumunta sa Vlymir. Kailangan kong makausap ang mga Erenhal. I need to fucking control this Eternal Flame mana of mine.
But wait... how the fuck did I even end up in a cave last night? At saka paano ako nakaligtas? I fell into the sea.
How am I still alive?
Napatingin si Rassia kay Razareth, na tahimik lamang nakapikit ang mga mata ngunit halatang nakikinig sa bawat salitang kaniyang sinasabi.
"Razareth..."
Bahagya siyang yumuko. "How did we survive?"
Bahagyang iminulat ni Razareth ang kaniyang mga mata, at marahang gumalaw ang kaniyang mga buntot. Gayunpaman, hindi niya iniwan ang kaniyang kinahihigaan. Sa halip, tila lalo pa niyang hinayaan ang sarili sa banayad na haplos ng kaniyang master.
"Mother... I was the first one to wake up."
Bahagya siyang huminga bago nagpatuloy.
"Iniligtas tayo ng isang sirena. Sugatan pa ako noon, ngunit nanatili akong may kamalayan at naririnig ko ang mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ako gumalaw dahil nais kong malaman kung sino ang tumulong sa atin... Narinig ko siyang magsalita tungkol sa isang Perlas ng Reyalidad.
Hawak niya ang perlas na iyon, at siya rin ang gumawa ng iyong kasuotan ngayon... Nilinis niya tayo ni Dragoroth at inalagaan habang wala pa tayong malay. Ngunit nang tuluyan na akong magising... mabilis na siyang umalis. At pagkatapos no'n,