CHAPTER 62 #4

ako na ang nagdala sa iyo sa isang kweba kung saan ka nagising kagabi."

Napatigil si Rassia sa paghahaplos sa ulo ni Razareth nang marinig ang sinabi nito.

Isang sirena? napunta ba ako sa kontinente ng Oseanus? pero tiyak akong sa karagatang sakop ng Vermeleyon kami nahulog... mukhang namamasyal ang sirenang iyon..

At perlas ng reyalidad?

Biglang bumalik sa aking alaala ang sinabi ng Kaluluwa ng Buwan. Naalala kong nabanggit niya ang Perlas ng Reyalidad sa akin...

Ang perlas na iyon ang dahilan kung bakit naipakita sa akin ng Kaluluwa ng Buwan ang mga pangyayaring naganap sa aking unang buhay bilang si Morpeia...

Mukhang makapangyarihan ang sirenang iyon...

Kung na sa kanya ang perlas ng reyalidad, tiyak na hindi siya ordinaryong sirena. Ang alam ko, ang perlas na iyon ay may kakayahang baguhin ang anyo ng mga bagay at marahil ay higit pa roon ang tunay nitong kapangyarihan.

I wonder what she looks like.

I'm sure she's beautiful... sayang hindi ko siya naabutan at pasalamatan...

"Ilang araw akong walang malay simula nang iligtas tayo ng sirena, Razareth?" tanong ni Rassia.

Nanatiling tahimik ang pulang dragon habang ilang sandaling tila binibilang sa kaniyang isipan ang mga araw na lumipas.

"Wala kang malay nang isang daan at limampung araw simula nang tayo'y nailigtas..."

"One hundred and fifty days? Five months?" napakurap si Rassia sa gulat. "I slept that long? limang buwan akong walang malay?"

Napailing siya habang napabuntong-hininga.

Mabuti na lang talaga at kasama ko si Razareth. Kung hindi, baka napagsamantalahan na ako ng mga sakim na salamangkero... o baka ginawa na akong hapunan ng mga hayop.

Napatingin siya sa pulang dragon na tahimik lamang nakahiga sa kaniyang tabi.

"Good thing I have you and Dragoroth, Razareth..."

Napagpasyahan ni Rassia na libutin ang tila mahiwagang kweba. Nang tuluyan siyang makalabas sa kanilang lungga, napahinto siya sa kaniyang kinatatayuan dahil sa ganda ng kaniyang nasaksihan.

Sa kaniyang harapan ay isang napakalawak na bahagi ng Drazoneya, napapalibutan ng matatayog na bundok at naglalakihang kristal na kumikislap sa bawat sulok.

Iba't ibang uri at kulay ng mga dragon ang malayang lumilipad sa himpapawid, habang ang iba naman ay naglalakad sa pagitan ng malalaking bato o tahimik na nagpapahinga sa kanilang mga pugad.

May mga dragon na napapatingin kay Rassia habang dumaraan siya, ngunit karamihan ay agad ding bumabalik sa kanilang ginagawa. Mayroon ding maliliit na dragon na naglalaro sa paligid ng kanilang mga magulang, na tila walang pakialam sa presensya ng isang tao sa kanilang teritoryo.

Ngunit hindi lahat ay ganoon.

Isang malaking dragon ang napatingin kay Rassia at bahagyang nagdila, tila naaamoy ang kaniyang presensya.

She looks delicious...

Bahagya itong umungol.

I want to eat her.

Ngunit mabilis nitong naalala kung sino ang nasa harapan nito.

... But she's Razareth's master.

Agad itong umiwas ng tingin at nagkunwaring walang napansin. Napataas naman ang kilay ni Rassia.

"Did that dragon just look at me like I am some food?"

Tahimik na naglakad si Razareth sa likuran ni Rassia at pinagmasdan din ang mga dragon sa paligid.

"Don't worry, Mother. Hindi ka nila kayang saktan dahil ikaw ang aking master. Ikatlo ka pa lamang sa buong lahi ng mga dragon na kinilalang master."

Namangha si Rassia sa narinig.

Oh... akala ko kaming dalawa pa lamang ni Vincenzo ang nakakapag-amo ng dragon, may isa pa pala...

"Why? Are you some kind of high-ranking dragon here for them to fear you?"

Razareth roared. Ang malalim nitong dagundong ay umalingawngaw sa buong kweba.

Ngunit hindi iyon ang ikinagulat ni Rassia.

Isa-isa, dumagundong din ang mga dragon sa paligid.

May mga dragon na nagtaas ng kanilang mga ulo, habang ang iba naman ay bahagyang yumuko sa direksiyon ni Razareth. Sa isang iglap, tila nagbago ang buong atmospera ng kweba.

Napatingin si Rassia kay Razareth.

"What's going on?"

Bahagyang itinaas ng pulang dragon ang kaniyang ulo.

"Yes, Mother. I am a princess here."

Napakurap si Rassia. "A princess?"

"Kinikilalang kami ni Dragoroth bilang prinsipe at prinsesa ng mga dragon. Hindi lamang dahil sa aming lakas, kundi dahil malapit ang aming mana at presensya sa mga sinaunang dragon."

Bahagyang tumingin si Razareth sa mga dragon sa paligid.

"Ang mga sinaunang dragon ang pinagmulan ng aming lahi. At ang aming mana ay may bakas ng kanilang dugo at kapangyarihan."

Muling umalingawngaw ang malalim na ungol ng mga dragon sa buong kweba.

"That is why they recognize us."

Napatingin si Rassia sa napakaraming dragon sa paligid.

So Razareth and Dragoroth isn't just an ordinary dragon...

Umupo si Razareth sa tabi ni Rassia habang kapwa nila pinagmamasdan ang mga dragon na malayang lumilipad sa kalawakan ng kweba.

"Ang isa sa mga sinaunang dragon ay buhay pa..." mahinang saad ni Razareth.

Bahagya siyang tumingin sa pinakailalim ng kweba.

"Siya si Dragathor. Sakanya namana ni Dragoroth ang kaniyang kulay. Isa rin siyang itim na dragon."

"Ngunit hindi namin alam kung sino ang nag pangalan sakanya at naging master niya. Matagal na ring nawala ang kaniyang master, kaya malaki ang posibilidad na matagal na rin itong patay."

Saglit siyang natahimik.

"Si Dragathor ay kasalukuyang natutulog. Ilang daang taon na ang lumipas mula nang huli siyang magising, ngunit tiyak kaming buhay pa siya."

Napatingin si Rassia sa direksiyong tinutukoy ni Razareth.

"Natulog siya sa pinakailalim at pinakatagong bahagi ng kweba. Hindi namin siya ginugulo at iniiwasan naming makagawa ng anumang ingay na maaaring gumising sa kaniya."

Bahagyang dumagundong ang tinig ni Razareth.

"Dahil kapag nagising si Dragathor... tiyak kaming magwawala siya."

Napakunot ang noo ni Rassia. "He's that dangerous?"

Tumango si Razareth.

"Siya ang pinakamalaking dragon sa buong Drazoneya."

Napanganga na lamang si Rassia sa narinig.

Malamang, bundok na ang laki ni Dragathor. I don't want to see him, nor do I want to get anywhere near him...

Sobrang laki na nina Razareth at Dragoroth, ngunit may isang dragon pa palang higit na malaki kaysa sa kanilang dalawa...

And that dragon has been sleeping for hundreds of years?

Napatingin si Rassia kay Razareth nang bigla niyang maalala ang dalawang iba pang dragon na kasama nina Razareth at Dragoroth noong gabing iyon.

"Diba may kasama kayong dalawa pang dragon ni Dragoroth? nasaan na sila? I want to thank them..."

Bahagyang yumuko si Razareth.

"Ikinalulungkot ko, ngunit ipinaalam sa akin ng ibang mga dragon dito na hindi pa sila nakakabalik simula noong araw na iyon. I believe they have found their masters by now."

Napatango si Rassia habang tahimik na pinoproseso ang sinabi nito.

... there are two more dragon riders now.

Sa labas ng Drazoneya, tatlong maharlikang sakay ng kabayo ang unti-unting tumawid sa hangganan ng teritoryo ng mga dragon. Kapwa nila pinipigilan ang kanilang takot habang pilit na nagpapatuloy sa kanilang paglalakbay patungo sa loob ng napakalaking kweba.

Nakasunod sa kanila ang isang pangkat ng mga kawal. Halata sa kanilang mga mukha ang kaba habang panay ang lingon sa paligid, tila umaasang walang anumang nilalang na biglang lilitaw mula sa mga bundok at kagubatan.

"W-We are already in the territory of the d-dragons, Count Ezekiel..." mahinang sambit ng isang maharlika.

Even though the Emperor had forbidden them from entering the dragons' territory and decreed that they must first prove themselves before the Holy Cathedral, they came anyway.

They believed they had no need for the Emperor's permission or the Cathedral's rituals, that they were more than capable of taming a dragon.

Yet, judging by the looks on their faces now, it was painfully obvious that reality had turned out very differently from what they had expected.

Napapalunok si Count Ezekiel nang marinig iyon. Napahawak siya ng mahigpit sa renda ng kaniyang kabayo.

No, I should not be afraid. If I manage to tame a dragon, my status will rise, and more titles and gold will surely come my way. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito...

"Magpatuloy pa tayo, Count Danilo, Count Lorenz... lakasan lamang natin ang ating loob."

Tahimik silang nagpatuloy sa kanilang paglalakbay.

Ang bahaging kanilang kinaroroonan ay isa sa pinakamadilim at pinakatahimik na bahagi ng Drazoneya.Tanging ang tunog ng mga paa ng kanilang mga kabayo ang maririnig sa madilim na daan.

Napapalunok si Count Danilo habang panay ang lingon sa paligid.

"Napakatahimik..." mahina niyang sambit.

Hindi sumagot si Count Lorenz.

Something feels wrong... This silence... it's not normal.

Tila nanlaki ang mga mata ng lahat nang biglang umalingawngaw ang isang napakalakas na dagundong.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.