CHAPTER 62 #5
Umuga ang lupa sa ilalim ng kanilang mga paa.
Nagsitigil ang mga kabayo at nagsimula silang manginig habang ang ilang kawal ay napaatras sa takot.
"May paparating na dragon!" sigaw ng isang kawal. "Takbo!"
Mabilis siyang tumakbo patungo sa labasan ng kweba, at siya lamang ang naglakas-loob na tumakas.
Ngunit ang iba ay nanatili.
Sa halip na umatras, mahigpit nilang hinawakan ang kanilang mga sandata habang pilit na pinananatili ang kanilang tapang.
This could be our chance.
Umaasa silang ang nilalang na paparating ay isa sa mga dragon na maaari nilang mapaamo.
Ngunit biglang dumilim ang buong paligid.
Isang napakalaking anino ang dumaan sa kanilang ibabaw.
Unti-unting lumitaw mula sa kailaliman ang isang dambuhalang dragon. Malalaki ang kaniyang mga pakpak, at bawat pagaspas nito ay nagdulot ng malakas na bugso ng hangin sa buong kweba.
Ngunit hindi ang dragon ang dahilan kung bakit sila tuluyang nanigas.
May nakasakay rito.
Isang babae.
Tahimik siyang nakaupo sa likuran ng dragon habang malamig na pinagmamasdan ang mga taong nangahas na pumasok sa teritoryo ng mga dragon.
Napalunok si Count Lorenz. At nang tuluyang makita ang mukha ng babae, nanlaki ang kaniyang mga mata.
"No... this can't be..." bahagya siyang napaatras.
"The Demon Princess... buhay pa siya!"
Namutla si Count Ezekiel.
"T-That's Rassia Saint Quentin... the demon!"
Samantala, unti-unting napaatras si Count Danilo. Pinagpawisan siya kahit malamig ang kweba habang nakatitig sa babaeng ilang buwan nang ipinapalagay ng buong Imperyo na patay na.
Hindi nagsalita si Rassia. Madilim lamang ang kaniyang tingin habang isa-isa niyang pinagmasdan ang mga taong nasa harapan niya.
These fools. Why are they here? anong pakay nila rito? the treasures... or the dragons? ang lakas ng loob nilang pumasok sa Drazoneya at umasa na makakauwi pa sila nang buhay. Not that I will let that happen. Hindi ko rin hahayaang kumalat ang balitang buhay pa ako.
I am on my way to the world of Vlymir, but these idiots just had to stand in my way. I don't have time for this...
I'll just have to make them realize that they should never have stepped into the territory of dragons.
They don't deserve dragons. They will only use them for their own personal gain, turning these magnificent creatures into nothing more than tools for their ambition, wealth, and power. I won't let that happen...
"Paanong buhay ka pa?!"
Agad na naglabas ng magic circle si Count Ezekiel. Kasunod nito, isa-isa ring naglabas ng kani-kanilang magic circle ang mga maharlika at mga kawal.
"Sinadya mo bang magtago rito kasama ang mga dra-"
"Razareth." malamig ang tinig ni Rassia habang tahimik niyang pinagmamasdan ang mga maharlika at kawal sa kaniyang harapan.
"Burn them all."
Walang pag-aalinlangang dumagundong si Razareth. Mabilis nitong ibinuka ang napakalalaki nitong mga pakpak bago bumuga ng naglalagablab na apoy.
Sa isang iglap, sumabog ang napakalaking alon ng apoy mula sa bibig ng pulang dragon. Napuno ng sigawan at kaguluhan ang buong kweba habang nagkakagulo ang mga nangahas na pumasok sa teritoryo ng mga dragon.
Rassia silently stared at the lifeless bodies left behind by Razareth's flames. Only an emptiness settled deep within her chest.
"Let's go, Razareth."
Umungol ang pulang dragon at muling ibinuka ang kaniyang malalaking pakpak.
Rassia chased after the soldier who had run away after Razareth breathed fire. She couldn't let anyone find out what had happened inside the cave, especially that she was still alive.
Makalipas ang ilang sandali, lumipad silang palayo sa lugar na iyon at nagtungo sa mas malalim na bahagi ng kweba, hanggang sa tuluyan na silang nakalayo.
Napatingin si Rassia sa ibaba nila, kung saan isang napakalawak na lawa ng kumukulong lava ang bumungad sa kaniyang mga mata.
"Ito na ba 'yon?"
"Yes, Mother. The lava is a magical portal. Kung saan mo nais pumunta, doon ka nito dadalhin."
Naroon na rin si Dragoroth, naghihintay sa kanila sa kabilang bahagi ng lawa ng kumukulong lava. Nang makita nito sina Rassia at Razareth, agad itong lumipad at lumapit sakanila. Bahagya siyang yumuko upang silipin ang kumukulong lava sa ibaba nila.
Tila malinaw sa kaniyang kilos na nais din niyang sumama sa kanilang paglalakbay.
Tahimik na tinitigan ni Rassia ang naglalagablab na lava. Patuloy itong kumukulo at umaalon, habang ang matinding init nito ay umaabot hanggang sa kanilang kinatatayuan.
Huminga nang malalim si Rassia at inayos ang kaniyang pagkakaupo sa likuran ni Razareth.
"To Vlymir, then."
Mabilis na ibinuka ni Razareth ang napakalaki nitong mga pakpak bago tuluyang lumipad pababa, diretso sa kumukulong lawa ng lava. Sumunod sakanila si Dragoroth.
Hindi man lang nag-alinlangan si Rassia habang unti-unting nilalamon ng nagliliyab na liwanag ang kanilang mga katawan. Bahagya lamang siyang napangisi habang sumagi sa kaniyang isipan ang mga Erenhal.
I can't believe what King Drakkon said was true... I really did find my way back to their world again...