CHAPTER 63

In Vlymir

Rassia and her two dragons finally arrived in front of the painting portal. Nakatingin naman sa kanila ang dalawang triberus na may tig-tatlong ulo.

Rassia stared at the huge painting.

Iba na naman ang painting na nasa harapan niya. Iba iyon sa unang painting na nakita niya noong unang pagpasok niya sa Vlymir. Noon, karagatan ang nakapinta, kasama ang pigurya ni Drakkon at Elizabeta.

Ngayon naman, isang babae ang nasa painting.

She wore a crown. She was beautiful, pale, and had long silver hair that fell gracefully over her shoulders. Her ruby-red eyes seemed almost alive despite being trapped within the painting.

Rassia narrowed her eyes.

Is this Shanaya Quin Vacardi? The mother of Vincenzo and the youngest daughter of King Drakkon? mukhang bata pa siya rito...

Wait... she really is the late empress... she screams the features of the Blood of Old Erenhal...

King Drakkon painted his daughter, huh...

The Triberus didn't seem frightened by the two dragons standing behind Rassia. Instead, the two three-headed beasts simply stared at her, as if waiting for something.

"I don't have time for your question-and-answer portion. Kailangan ko agad makapunta at makarating sa mundong Vlymir sa lalong madaling panahon," Rassia finally spoke.

Nagkatinginan ang dalawang Triberus.

Rassia raised an eyebrow when they still didn't move. Nananatili pa rin ang dalawang lobo na may tig-tatlong ulo sa harapan ng mahiwagang lagusan, blocking her way.

"Are you seriously going to keep standing there?" Rassia asked, clearly losing patience.

Nakatingin lamang ang dalawang Triberus kay Rassia, tila nagtataka at may sinusuri sa kanyang presensya.

Iba na siya ngayon.

Noong una siyang pumunta roon, iba ang presensyang naramdaman ng mga nilalang mula sa kanya. Ngunit ngayon, may kakaibang kapangyarihan na bumabalot sa kanyang katawan, isang presensyang hindi nila maipaliwanag.

Tatlong ulo ng bawat Triberus ang sabay-sabay na nakatitig kay Rassia, na para bang sinusubukan nilang alamin kung siya ba talaga ang parehong taong minsan nang dumaan sa kanilang harapan.

"Kung gayon... I don't want to waste any more time. I shall burn the two of you with my dragons' flames. May sampung segundo kayo upang tumabi."

After Rassia said those words, Razareth and Dragoroth both roared in unison, their thunderous voices echoing throughout the chamber.

"Paumanhin, dugo ng apoy at hangin. Sinusuri lamang namin kung sino ka, dahil iba ang presensya mo noong una kang dumaan dito. Ngunit ngayon, malinaw na sa amin. Ikaw nga ang Orythea." mabilis na tugon ng isang triberus.

"Patawarin mo kami sa aming kalapastanganan. Hindi namin nais na hadlangan ka. Tinitiyak lamang namin ang iyong pagkakakilanlan." ani ng pangalawang ulo.

Pagkasabi nito, tuluyan silang tumabi. Saglit na nagkatinginan ang dalawang Triberus bago muling tumingin kay Rassia.

"Ngunit may isa pa kaming napansin... may panibagong presensya na nakikisama sa iyong mana. Isang maliit ngunit malinaw na buhay."

Nanlaki nang bahagya ang mga mata ni Rassia.

"Ngunit huwag kang mag-alala. Hindi namin kailangan malaman kung sino o saan ito nagmula. Nais lamang naming ipaalam sa iyo na hindi ka nag-iisa sa iyong paglalakbay."

Yumuko ang dalawang Triberus.

"Ikinagagalak naming makaharap ka muli, Orythea. Maaari ka nang magpatuloy. Nawa'y maging ligtas ang iyong paglalakbay..."

Rassia stared at the beasts, silently wondering what they had sensed from her.

Mukhang ang Eternal Flame mana ang naramdaman nila...

Razareth and Dragoroth roared once more, as if deliberately intimidating the two beasts.

Muling tumabi ang mga Triberus. Sa sobrang laki nina Razareth at Dragoroth, halos matakpan na nila ang buong daanan. Isang maling hakbang lamang at tiyak na maaapakan sila ng dambuhalang mga dragon.

Hindi na sila pinansin ni Rassia.

Tumalikod siya at muling sumakay kay Razareth.

Naunang pumasok sa painting portal si Dragoroth, kasunod nito sina Rassia at Razareth. Isa-isa silang nilamon ng mahiwagang liwanag ng lagusan hanggang sa tuluyang nawala ang kanilang mga pigura.

Rassia Saint Quentin had finally set foot once again in the world of the Erenhals, in Vlymir, together with her dragon, Razareth, and Dragoroth.

Mahigpit na nakaupo si Rassia sa likod ni Razareth habang tinatanaw ang malawak na kagubatan mula sa himpapawid. Sa unang tingin, tila walang gaanong nagbago. Para lamang itong karaniwang kagubatan sa Vermeleyon, ngunit alam niyang hindi ordinaryo ang mundong ito.

Ngunit habang lumilipad sila ni Razareth sa himpapawid, napansin ni Rassia ang ilang Triberus na humahabol sa mga usa sa ibaba. Sa malayo naman, may ilang Pegasus na lumilipad sa kalangitan, habang hinahanap nila ang kastilyo ng mga Erenhal.

Ang ibang mga nilalang sa kagubatan ay napatingala sa kalangitan nang marinig ang malakas na dagundong mula sa dalawang dambuhalang dragon.

Nang makita ng mga hayop sina Razareth at Dragoroth na lumilipad sa ibabaw nila, nagsimula silang magtakbuhan at magsipagtago.

Maging ang ilang Triberus ay napahinto sa kanilang ginagawa at napatingala, tila nag-iingat sa presensya ng dalawang dambuhalang dragon na dumadaan sa kanilang teritoryo.

An hour later, Rassia finally saw the enormous black castle of Vlymir, its towering walls rising above the forest like a fortress that had stood there for centuries.

Agad na hinigpitan ni Rassia ang hawak niya kay Razareth. Agad niyang ipinadaloy ang kaunting Eternal Flame mana sa katawan ng dragon.

Biglang nagbago ang bilis ng kanilang paglipad.

Ang pulang mana ni Rassia ay mabilis na humalo sa gintong mana ni Razareth, na tila naging iisang puwersa habang kumakalat sa katawan nito. Lalong bumilis ang pagaspas ng mga pakpak ni Razareth habang papalapit sila sa napakalaking kastilyo.

Hindi rin nagpahuli si Dragoroth. Biglang umilaw ang buong katawan nito sa matinding purple mana, at sa isang malakas na pagaspas ng pakpak, mabilis itong sumabay kay Razareth. Ngunit mas nauuna pa rin ang pulang dragon sakaniya.

Hapon na nang tuluyan silang makarating sa kinaroroonan ng kastilyo.

The golden hour had arrived.

Ang dating madilim na kalangitan ng Vlymir ay unti-unting nabahiran ng kulay gintong liwanag habang papalubog ang araw sa dulo ng kagubatan. Tinamaan ng mainit na sinag ang itim na kastilyo, dahilan upang magkaroon ng bahagyang gintong kinang ang matataas nitong tore.

Kumunot ang noo ni Rassia nang maramdaman niyang bahagyang gumagalaw ang kastilyo.

Ano'ng nangyayari? anong kabaliwan ang ginagawa ng mga bampira rito para lumindol nang ganito?

Napatingin siya sa ibaba.

Sa paligid ng kastilyo, may mga pigurang naglalaban. Naka-itim silang mga balabal, ngunit sa ilalim nito ay kapansin-pansin ang kanilang mga armor. Mabilis at malalakas ang kanilang galaw, at sa bawat banggaan ng kanilang mga sandata ay muling umaalingawngaw ang paligid.

Namangha si Rassia.

Ang mga iba pang Erenhal...

Sila rin ang mga nilalang na nakita niya noong una siyang dumating sa Vlymir. Pareho pa rin ang kanilang itim na cloak, ngunit ngayon lamang niya nakita kung gaano kalakas ang kanilang mga kilos.

They seem to be training... but enough to make the entire castle shake?

Bahagyang napatingin siya sa paligid.

Sa Emberman, ang mga Quentin knights na sinasanay ay hindi naman nagdudulot ng ganitong epekto sa kanilang paligid.

Muling tumingin si Rassia sa mga naglalaban sa ibaba.

They carry the blood of Erenhal, but they aren't full-blooded Erenhals. Their blood is mixed with the blood of other houses and bloodlines.

That is what makes King Drakkon's bloodline so powerful and places him above them. Nabasa ko iyon sa mga libro sa Quentin Library... He carries the purest and strongest blood of the Erenhal family... kaya mas mataas sila...

Sa mga libro, si Aurelius Archimedes Quentin ang kumitil sa kanila...

Ibig sabihin... kung narito silang lahat, halos 701 na kamag-anak ng mga Erenhal ang nasa Vlymir...

Sa hindi kalayuan, may isa pang pares na napansin ni Rassia na naglalaban.

Si Dimitrius at Cassandra.

Nakangisi si Cassandra habang nakataas ang kanyang kilay, tila natutuwa lamang sa kanilang laban. Samantala, nanatiling seryoso ang ekspresyon ni Dimitrius, walang bakas ng emosyon sa mukha nito habang patuloy nitong sinusundan ang bawat galaw ng kapatid.

"Oh, fuck you, brother. Don't you dare use your blood manipulation on me. I can inflict pain on you..." Cassandra said with a smug grin.

Bahagyang umiling si Dimitrius.

"Then try," malamig niyang sagot.

Lalong lumawak ang ngisi ni Cassandra.

"Gladly."

Mabilis na sumugod si Cassandra kay Dimitrius, ngunit agad itong umiwas. Sa isang iglap, itinaas ni Dimitrius ang kamay at ginamit ang kanyang blood manipulation.

Biglang bumigat ang katawan ni Cassandra, ngunit hindi siya sumuko. Bahagya siyang napangisi at pinilit gamitin ang sarili niyang kapangyarihan.

"You're not the only one who can control the flow of blood, brother."

Sinubukan niyang ipasa ang isang matinding kirot kay Dimitrius, umaasang mapipilitan itong bitawan ang kanyang kontrol.

Bahagyang kumunot ang noo ni Dimitrius, ngunit hindi siya natinag.

"Nice try."

Pinilit muli ni Cassandra na gamitin ang kanyang sariling kapangyarihan upang makabawi, ngunit hindi niya napantayan ang kontrol ni Dimitrius. Sa huling sandali, tuluyan siyang napaluhod matapos siyang madaig ng kanyang kapatid.

Napangisi si Dimitrius.

"I told you not to challenge me."

Cassandra glared at him, clearly annoyed.

"Ah! Fuck it!"

Tahimik lamang na tumalikod si Dimitrius, na para bang tapos na ang laban.

Masama pa rin ang tingin ni Cassandra sa kanyang kapatid.

Hindi maiwasang umiling si Rassia sa nasaksihan.

Seriously? Cassandra hasn't changed. Masyado pa rin siyang ingrata at ayaw na ayaw magpatalo. Kawawa ang mapapangasawa nito...

Mabilis na binuksan ni Cassandra ang kanyang palad. Isang magentang magic circle ang lumitaw sa harap niya.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.