CHAPTER 63 #2

Bilang isang Earth Mage, agad niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan. Dalawang malalaking bato ang unti-unting umangat mula sa lupa, lumutang sa magkabilang panig niya at handang ihagis kay Dimitrius.

Ngunit bago pa niya maihagis ang mga ito, bigla siyang natigilan.

Isang napakalakas na presensya ang bumalot sa buong paligid.

Maging si Dimitrius ay hindi na pinansin ang mga batong nakatutok sa kanya. Agad niyang itinaas ang tingin, tila mas interesado sa presensyang bigla nilang naramdaman.

Unti-unting ibinaba ni Cassandra ang dalawang bato. Napatingala rin siya sa kalangitan.

At doon, nakita nila ang dalawang dambuhalang dragon na papalapit sa kastilyo.

Lalong lumawak ang ngisi ni Cassandra.

"Oh, the brat is finally here again..." she murmured.

"And with a fucking red dragon from the prophecy... but wait, is that Vincarion's dragon?"

Mabilis na naglakad si Dimitrius patungo sa loob ng kastilyo.

"I don't think what's coming next is good..." makahulugan niyang sambit.

Mabilis namang sumunod sa kanya si Cassandra.

Samantala, nang makarating sina Rassia, Razareth, at Dragoroth sa harap ng napakalaking double doors ng kastilyo, biglang umungol nang malakas si Dragoroth.

Napatingin agad si Rassia sa kanya.

"What's happening to Dragoroth, Razareth?"

Saglit na tumingin si Razareth kay Dragoroth bago muling ibinaling ang tingin sa kastilyo.

"Naamoy niya ang naiwan na presensya ng kanyang master... nakapunta na si Dragoroth sa mundong ito, kaya labis siyang nagluluksa at nangungulila para sa kanyang master," ani Razareth, na tanging si Rassia lamang ang nakakarinig.

Nanatiling tahimik si Rassia. Sa mga salitang iyon, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. May bahid ng sakit na agad na lumitaw sa kanyang mga mata habang nakatingin siya kay Dragoroth.

Muling umungol si Dragoroth sa harap ng kastilyo, na para bang sinusundan nito ang presensyang matagal na nitong hinahanap.

"Woah, cool... you're not using a saddle on your dragon, Rassia?"

Napalingon si Rassia sa pigurang nagsalita sa kanyang harapan.

"Thaddeus, nasaan si Haring Drakkon?" malamig na tanong ni Rassia. "Nais ko siyang makausap ngayon din."

Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Sinenyasan niya sina Razareth at Dragoroth na umalis at magpahinga sa ibang lugar.

Ngunit nanatili lamang si Thaddeus sa kanyang kinatatayuan, may pilyong ngisi habang pinagmamasdan si Rassia.

"Welcome back to the world of Vlymir, Brat."

Saglit na natahimik si Rassia. May kung anong pahiwatig sa ngiti ni Thaddeus na hindi niya nagustuhan.

"Sinasabi ko na nga ba... kakainin mo rin ang sinabi mo noon," natatawang sambit ni Thaddeus, sabay lapit kay Rassia. "Tingnan mo naman ngayon, narito ka ulit sa Vlymir. Akala ko ba hindi ka na babalik?"

Sasagot na sana si Rassia nang, sa isang kisap-mata, ay naroon na agad sa likuran ni Thaddeus sina Dimitrius at Cassandra.

"Hey, brat. Long time no see," Cassandra greeted her with a mischievous smirk.

Samantala, tumango lamang si Dimitrius bilang pagbati.

Rassia rolled her eyes.

Tss. Why is the trio who love calling me 'brat' the ones welcoming me here?

"Sa dami ng pwedeng bumungad sa akin sa Vlymir, kayong tatlo pa talaga?"

"Wala rito sina Lapileon, Lucius, at... Natalia, for some... reasons," ani Dimitrius, bahagyang nag-atubili sa huling pangalan.

Napakagat-labi na lamang si Cassandra habang nakatingin kay Rassia.

It seems... this brat has no idea what happened to Natalia...

"Kami lang ang naririto. Sina Vladimir, Morticia, at Devi naman ay may pinagkakaabalahan, ngunit papunta na rin sila rito," ani Thaddeus. "Lalo na at alam kong naramdaman nila ang lakas ng iyong presensya. Sigurado akong hindi nila palalampasin ang pagkakataong makita kang muli."

"Dalhin niyo ako kay Haring Drakkon. Nais ko kayong makausap lahat," malamig na tugon ni Rassia.

Nagpalitan ng tinginan ang tatlo.

Inanyayahan muna ni Dimitrius si Rassia na pumasok muna sa loob ng kastilyo. Sumunod naman sina Thaddeus at Cassandra, ngunit panay ang tinginan ng tatlo habang pinagmamasdan si Rassia na siya pa ang nauunang maglakad sa kanilang harapan.

Napairap na lamang si Cassandra.

"Answer me, where is King Drakkon? bakit wala siya rito upang salubungin ako?" takang tanong ni Rassia habang naglalakad.

Makalipas ang ilang sandali, tuluyan silang nakarating sa throne hall. Ngunit pagpasok nila, agad napansin ni Rassia ang bakanteng trono.

"Hmm... I think father is in the continent of Palazan-"

Hindi na natapos ni Thaddeus ang kanyang sasabihin nang biglang umihip ng malakas na hangin sa buong throne hall.

At sa isang kisap-mata, may isang matangkad na pigura nang nakatayo sa harap ng trono.

Rassia gave the tall figure a cold look, one eyebrow lifting slightly.

"Oh, there you are, King Drakkon."

Umupo si Drakkon sa kanyang trono at pinagsiklop ang kanyang mga kamay. Seryoso niyang tiningnan si Rassia, ngunit may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata.

"The time has come. Welcome back to Vlymir, Little Red... you are always welcome here."

Umalingawngaw ang malamig at malalim na boses ni Drakkon sa buong throne hall.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na natigilan si Rassia tulad noong una niyang marinig ang kanyang tinig.

Nanatili lamang siyang nakatayo sa kanyang kinatatayuan, malamig ang ekspresyon habang diretso siyang nakatingin kay Drakkon.

Hindi nagtagal, nagsidatingan na rin sina Vladimir, Devi, at Morticia.

Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Morticia nang muli niyang makita si Rassia.

Samantala, tumaas ang kilay ni Rassia habang isa-isa niyang pinagmasdan ang lahat.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I knew you know what happened to Vincenzo, right? Bakit wala kayong ginawa at tinulungan kami? Why did you just let your blood get killed by the hands of those crazy lunatics?"

The Erenhals were shocked when Rassia seemed to remember Vincenzo.

She was never supposed to remember him.

The wine they had given her before was meant to erase her memories of Vincenzo and everything connected to him.

But somehow, it had failed. Rassia remembered his name.

She remembered what had happened. And judging by the anger in her voice, she remembered far more than they had expected.

Kumunot ang noo ni Drakkon habang tahimik na pinagmamasdan si Rassia.

Isn't she supposed to forget him? What happened? What is really happening? Did I make a mistake when I made that wine? But I'm certain it was strong enough. Naroon ang iba't ibang mahika ng iba pang Erenhal...

I knew the Great Goddess wanted them to forget each other, yet it didn't happen...

She is indeed the Orythea. She is capable of deciding the fate of the world itself. The savior...

She really is my... hope...

I believe the Great Goddess had good intentions when she chose to erase their memories. Rassia is the Orythea, after all. Perhaps she wanted Rassia to let go of her fears and focus solely on her role as the Orythea.

But is that really the reason? or is that simply how I chose to understand her intentions?

Drakkon remained silent for a moment, his gaze still fixed on Rassia.

It seems... I may have made a mistake.

Something is wrong...

Something is happening in Gadesea... ngunit hindi muna ako magpapadalos-dalos hangga't hindi ko iyon nakukumpirma.

Nagtaka si Rassia nang mapansin niyang tila nagulat at naguluhan ang mga Erenhal sa kanyang mga tanong.

"Answer me, all of you! why did you let it happen, huh?!"

Bumalik sa wisyo ang mga Erenhal nang biglang lumakas ang mana presence ni Rassia, na tila sumabay sa kanyang galit.

"Relax, Little Red. It seems you can't control your Eternal Flame mana yet, so refrain from letting your emotions take over," kalmadong saad ni Drakkon.

"Just answer me!" sigaw ni Rassia.

Natahimik ang buong hall.

Huminga nang malalim si Drakkon bago nagsalita.

"The truth is... I wanted you to finally be able to wield the Eternal Flame mana. You are the Orythea, the savior... and to accomplish that, you have to experience pain and loss. The power of the Orythea was never meant to awaken through peace..."

Napahigpit ang panga ni Rassia.

What? nonsense!

"However, Vincarion personally told me not to intervene, Little Red. He had plans that even I didn't know about. Even I wondered why he asked me to stay out of it..."

Saglit na tumigil si Drakkon.

"Ang tanging sinabi niya sa akin ay kailangan niyang makamit ang immortality."

Malamig ang kanyang tingin habang nakatingin kay Rassia.

"I believed everything that happened was part of his plan."

Napaluhod na lamang si Rassia nang marinig iyon.

Agad siyang nilapitan ni Morticia at dahan-dahang yumuko sa kanyang harapan.

"Rassia..." malambing na sambit ni Morticia, pilit siyang pinapakalma.

Napakagat-labi si Rassia habang nakayuko, pilit pinipigilan ang emosyon na muling kumawala.

Why, Vincenzo?

You had a plan all along?

Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Bakit hindi mo ako hinayaang sumama sa'yo?

Why did you have to do everything alone?

Tahimik na kumirot ang kanyang dibdib habang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga alaala ni Vincenzo.

Hindi niya alam kung alin ang mas masakit, ang pagkawala niya o ang katotohanang maaaring matagal na itong may plano na hindi niya kailanman nalaman.

"I don't want to hide anything from you, Little Red."

Huminga nang malalim si Drakkon bago nagpatuloy.

"Humihingi ako ng tawad sa iyo dahil kami ang naging susi ng Dakilang Diyosa upang burahin ang iyong alaala tungkol kay Vincarion gamit ang wine na ininom mo nong araw na iyon..."

Nabigla si Rassia sa narinig at mabilis na nag angat ng tingin.

"Because a vision came to me. I saw that you and Vincarion are the reincarnations of the Goddess of the Moon and the Demon King, who once united their souls. Their soul bond is so strong that in every lifetime they are reborn, they will always become mates..."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.