CHAPTER 68 #3

Despite Dazro's young age, he already had excellent skills. Bata pa lamang siya ay sinanay na siya ni Commander Valentino, kaya kahit nasa academy na siya, dala-dala pa rin niya ang lahat ng disiplina, techniques, at fighting skills na itinuro sa kaniya noon.

Hindi nawala sa kaniya ang training na iyon habang lumalaki siya. Sa halip, lalo pa niya itong hinasa sa academy, dahilan upang maging isa siya sa mga nangungunang estudyante roon.

He was also the only Dark Mage in the entire continent of Vermeleyon after Vincenzo.

Tumikhim si Dazro at tumingin kay Iris.

"May usual milk tea, Iris... alam mo na 'yon, 'yung paborito ko..."

Tinarayan lamang siya ni Iris nang pabiro bago tumango at nagsimulang ihanda ang kaniyang order.

Tahimik na pinanood ni Dazro si Iris habang ginagawa nito ang kaniyang milk tea.

That milk tea... the chocolate milk tea Lady Rassia gave me when I was young.

I still remember it. She was the one who introduced it to me, and somehow, it became my favorite drink ever since.

Bahagya siyang napangiti, ngunit agad ding nagbago ang kaniyang ekspresyon.

I miss her.

Now, I finally understood what had happened to me when I was young. I had been hurt by evils who should never have done that to me... Lady Rassia was one of the first people who showed genuine care for me when I was still a child....

I only learned the truth years later from Katarina and Agarus.

Napayuko si Dazro.

She gave justice to me without asking anything in return... maybe that's why this milk tea has always meant so much to me.

Every time I drink it, I remember her.

Napatingin si Dazro sa gawi ng Empress Dowager na may kausap na High Priest at Cardinal. Halatang masaya ang pinag-uusapan ng tatlo base sa kanilang mga ekspresyon.

"That Empress Dowager... I can't see anything about her."

Napatingin si Iris sa kaniya. "Ano ang ibig mong sabihin, Dazro?"

"I am a Dark Mage, Iris. Nakikita ko ang mga kaluluwa ng mga tao. Kahit gaano man nila itago ang kanilang mana o tunay na pagkatao, usually I can sense something from them."

Bahagya siyang napakunot-noo habang patuloy na nakatingin kay Megan.

"Pero..."

Napabuntong-hininga si Iris.

"The Empress Dowager is an Enchantress and a Light Mage. Sa kaniya nagmana si Emperor Lurtheron. Kaya siguro hindi mo makita nang malinaw ang kaniyang kaluluwa. Light magic is naturally different from other affinities, lalo na kapag sinamahan ng enchantment magic.

It can conceal certain aspects of a person's presence and make their mana difficult to read."

Saglit siyang tumingin kay Megan bago muling tumingin kay Dazro.

"At isa pa, hindi ordinaryong mage ang Empress Dowager. Mataas ang kaniyang antas ng mana at matagal na niyang alam kung paano kontrolin at itago ang kaniyang kapangyarihan. Kung may protective enchantment man siyang ginagamit,

hindi na ako magtataka kung pati isang Dark Mage tulad mo ay mahirapang makita kung ano talaga ang nasa loob niya."

Bahagyang napakunot-noo si Dazro.

"So you think she's hiding something?"

"Hmm, hindi ko rin alam e." kibit balikat ni Iris.

Tahimik na napairap si Katarina habang umiinom ng kaniyang kape.

"That wench... she started it all. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana kailangang pagdaanan ni Lady Rassia ang lahat ng iyon. Kaya hindi ako nagtataka na nagmana sakanya ang baliw niyang anak."

Samantala, ang pag-uusap nina Megan at ng mga miyembro ng Holy Cathedral ay puno ng tawanan. Kapansin-pansin ang kasiyahan sa kanilang mga mukha, lalo na nang banggitin ng High Priest ang dami ng ginto at kayamanang natanggap ng Holy Cathedral mula sa mga maharlika.

Meanwhile in Imperial Palace...

Tahimik na nakaupo si Lurtheron sa kaniyang puting trono habang nakatingin sa mga council at prime ministers na nakatayo sa kaniyang harapan. Even though Lurtheron was now an Emperor, he still wore his white attire and the cross necklace around his neck.

Tahimik niyang sinusuri ang mga dokumentong nasa kaniyang kamay.

Her blank white eyes stared at the profiles given to him.

Mula nang nanaginip si Lurtheron tungkol sa isang paparating na malaking banta, naglabas siya ng kautusan sa buong imperyo. Every high noble and powerful mage was required to establish their own group of warriors and mages who could be called upon whenever the empire faced a threat.

Tinawag nila ang bagong organisasyong ito na The Empire's Protectors.

The purpose was simple: to gather the strongest warriors and mages from across the empire and prepare them for whatever threat was coming.

Ngunit hindi pa alam ng sinuman kung ano talaga ang banta na nakita ni Lurtheron sa kaniyang panaginip.

All he knew was that something was coming.

At kailangan niyang maging handa ang buong imperyo bago pa man ito dumating.

"I have decided. These are the profiles I have chosen. And among them, I want Lord Caspian Laurent to become the captain of the first squad."

Isang General ang agad na yumuko.

"How many members will the first squad have, Your Majesty?"

"Thirteen members."

Muli niyang tiningnan ang mga profile na nasa kaniyang harapan.

"Thirteen of the strongest and most capable individuals in the empire. I don't want people who are merely powerful. I want those who can lead, protect, and remain loyal when the empire is pushed to its limits."

Tumango ang General. "Understood, Your Majesty."

"Send the summons. I want all thirteen of them gathered here as soon as possible."

"Have you decided what to call them, Your Majesty?" tanong ng isa sa mga council.

Sandaling tumahimik si Lurtheron habang tinitingnan ang mga profile sa kaniyang harapan. His eyes remained fixed on the documents before him.

"Yes. They will be known as The 13 Guardians."

Habang nagsasagawa ng report ang iba tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng imperyo, tahimik lamang si Lurtheron habang nakikinig. Ngunit sa likod ng kaniyang blangkong ekspresyon, hindi niya maiwasang isipin ang kaniyang panaginip.

Who is the threat?

Bahagya siyang napakunot-noo.

Hmm... I need to strengthen my empire before that threat comes...

Samantala, si Drazhul, ang asul na dragon ni Lurtheron, ay nanatiling nakakulong sa Imperial Dungeon upang matiyak na hindi na siya makapaminsala sa mga tao.

Makakapal na kadena ang nakakabit sa kaniyang katawan, habang ilang mahiwagang mana stone ang nakapaligid sa kaniyang selda upang pigilan ang kaniyang mana.

Hindi naman ito dahil sa kawalan ng tiwala ni Lurtheron sa kaniyang dragon. Alam lamang niyang mapanganib si Drazhul kapag hinayaan itong malayang gumala.

Years ago, when Lurtheron allowed Drazhul to wander freely across Sartores, the dragon lost control of his power and burned an entire nation.

Mula noon, naging mahigpit ang utos ni Lurtheron na huwag na itong palabasin nang walang sapat na dahilan at mahigpit na pagbabantay.

Tahimik na nakahiga si Drazhul sa madilim na bahagi ng dungeon, habang bahagyang kumikislap ang asul na mana sa paligid ng kaniyang katawan.

I want to see my master...

In the Land of Mysarea

Outside of Mysarea, there was a huge wall surrounding the entire city. It was located in the middle of a vast desert, kaya puro buhangin at tuyong lupa ang makikita sa paligid.

Kailangan munang dumaan sa isang malaking batong double doors bago tuluyang makapasok sa lungsod. Sa magkabilang gilid nito ay nakatayo ang dalawang kambal na higante na nagsisilbing pangunahing tagabantay ng Mysarea.

Mahahaba ang kanilang mga balbas. Nakatali ang mga ito at maayos na nakasindipid sa kanilang dibdib. May mga tattoo rin sa kanilang mga katawan, at mula pa lamang sa kinatatayuan nila ay ramdam na ng Six Azure Blades ang napakalakas na mana presence ng dalawang higante.

Tahimik na nakatingin sina Rassia, Anastacio, at Lucy Pearl sa lungsod.

They were waiting for the perfect timing to make a move.

For the first time in a while, Rassia was wearing red again. Her elegant red dress was decorated with a gold brooch, while golden ornaments wrapped around her arms. Her burgundy-red hair flowed freely down her back, moving gently with the desert wind.

Beside her stood Lucy Pearl, dressed in a black dress with a design that matched Rassia's. She wore the black sunglasses Lapileon had given her, keeping her eyes hidden from everyone around them.

Anastacio stood nearby in a red shirt and black slacks.

The Six Azure Blades were dressed in simple clothing suited for the desert. They had abandoned their usual knightly appearance and dressed themselves like ordinary guards accompanying a merchant caravan.

"Your ladyship, those fools are not ordinary mages. Mukhang malalakas ang mga ito," ani Lazlo.

Hindi agad sumagot si Rassia. Patuloy lamang niyang tinitigan ang dalawang higante sa harap ng napakalaking tarangkahan.

"Let's stick to the plan. Let's go," ani Rassia.

"We are here to make investments in the city of Mysarea. I command you to allow us to enter," mariing sambit ni Rassia habang nakatingin sa dalawang higante.

Bahagyang nagkatinginan ang kambal na tagabantay. Hindi nila inaasahan ang ganoong tono mula sa isang merchant.

Ngunit sa halip na umatras, nanatiling kalmado si Rassia. Diretso ang kaniyang tindig at walang bahid ng pag-aalinlangan ang kaniyang mukha.

"I am not here to cause trouble," dagdag niya. "I simply wish to conduct business within your city."

Tahimik na naghukay ng tingin ang dalawang higante sa kaniyang grupo, sinusuri ang bawat isa sa kanila.

Kumunot ang noo ng isang bantay at itinutok sa kanila ang kaniyang spear.

"Your mana presence is strong. Lalo ka na," maangas nitong sambit habang nakatingin kay Rassia.

"State your name."

Rassia simply smirked. "I am Madame Rische. I am not here to cause trouble. I'll give you one last chance. Will you allow me to enter?"

Sandaling natahimik ang paligid. Bahagyang umangat ang kaniyang baba, habang nanatiling kalmado ang kaniyang ekspresyon.

"Or I'll burn you alive."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.