CHAPTER 68 #2
"Kapag nagtangka tayong magreklamo, sasabihin nilang kasalanan ito sa Dakilang Diyosa! Nasaan ang hustisya?! kung ang batas nila ay para sa atin, bakit parang tayo lamang ang laging nagsasakripisyo? Kapag nagutom tayo, kasalanan natin. Kapag hindi tayo makabayad, kasalanan natin.
Kapag nagsalita tayo laban sa kanila, kasalanan pa rin natin!"
Nagtakbuhan ang ibang mga commoner nang biglang dumating ang ilang Holy Knights sa pamilihan. Agad nilang hinawakan ang babaeng kanina lamang sumigaw.
"Ano ba! bitawan niyo ako!"
Pinilit niyang kumawala, ngunit mahigpit siyang hinawakan ng mga Holy Knights.
"Sumama ka sa amin," malamig na utos ng isa sa kanila.
"Wala akong ginawang masama!"
Walang sumagot sa kaniya. Sa halip, lalo lamang siyang hinigpitan ng pagkakahawak habang pilit siyang inilalayo sa gitna ng pamilihan.
Nagkatinginan na lamang sina Bigote at Pilay. Pareho silang napailing at napabuntong-hininga.
"Ang lala..." bulong ni Pilay.
"Mas mabuting manahimik na lang tayo," sagot ni Bigote.
Unti-unting bumalik ang mga tao sa kanilang mga ginagawa, ngunit wala na ang dating ingay ng pamilihan.
Meanwhile in Holy Cathedral...
Sa bawat misa ng Holy Cathedral, hindi lamang panalangin ang hinihingi sa mga maharlika. Bago matapos ang seremonya, inilalabas ang isang malaking sisidlang ginto sa harap ng altar, kung saan inaasahang maghahandog ang bawat noble house bilang 'pagpupugay sa Dakilang Diyosa.'
Ginto, alahas, butil, at maging mga dokumento ng pagmamay-ari ng mga lupain at alagang hayop ay inihaharap sa altar.
Isa-isang tinatawag ng mga pari ang mga makapangyarihang noble houses.
"The House of Valerius, step forward and present your offering."
Naglakad sa harap ang isang miyembro ng pamilya at inihaharap ang kanilang handog sa harap ng buong kongregasyon.
"Limang libong gintong barya, tatlong kahon ng mamahaling hiyas, at dalawampung sako ng butil."
Palakpakan ang mga tao habang itinatala ng mga tagapagtala ng Cathedral ang halaga.
Hindi nagtatapos doon ang lahat.
Mayroon ding talaan ang Holy Cathedral na naglalaman ng mga noble house na may pinakamalalaking kontribusyon. Sa bawat misa, ipinapakita kung aling pamilya ang nangunguna sa pagbibigay. Dahil dito, nagiging kompetisyon sa pagitan ng mga maharlika ang paghahandog.
Ayaw ng sinumang noble house na mapabilang sa pinakamababang bahagi ng talaan.
Ang mga pamilyang nagbibigay nang malaki ay madalas na binibigyan ng espesyal na basbas ng mga pari. Ang ilan ay nakatatanggap ng karagdagang pribilehiyo, pabor mula sa Holy Cathedral, o pagkilala sa harap ng mga maharlika.
"The children of the Great Goddess," wika ng High Priest habang nakatingin sa mga maharlika.
"Hindi namin kayo pipilitin na maghandog, sapagkat ang tunay na pananampalataya ay nagmumula sa kusang-loob na puso. Ngunit tandaan ninyo, ang lahat ng mayroon kayo ay biyayang ipinagkaloob ng Dakilang Diyosa. Ang inyong mga lupain, ginto, ani,
at maging ang kapangyarihang taglay ng inyong mga angkan ay hindi ninyo makakamtan kung hindi dahil sa kaniyang pagpapala. Kaya kung may kakayahan kayong magbigay ngunit pinili ninyong magdamot, ano ang ibig sabihin nito sa inyong pananampalataya? Hindi namin kayo hahatulan.
Hindi namin kayo parurusahan. Ngunit ang Dakilang Diyosa ang nakakakita ng laman ng inyong puso, at siya lamang ang nakaaalam kung karapat-dapat pa ba kayong pagkalooban ng mga biyayang ipinagkatiwala niya sa inyo."
Natahimik ang buong Holy Cathedral.
Walang direktang banta sa kaniyang mga salita, ngunit malinaw ang mensahe.
Ang pagtanggi ay maaaring mangahulugan ng pagkawala ng pabor ng Dakilang Diyosa. At iyon ang sapat upang muling maglabas ng ginto ang mga maharlika.
Ang mga maharlika ay tila kumbinsido sa mga salita ng High Priest. Isa-isa silang nagkatinginan bago marahang tumango, na para bang tuluyan nilang tinanggap na ang kanilang pagbibigay ay isang banal na tungkulin.
May ilan na agad na naglabas ng mga supot ng ginto, habang ang iba naman ay nag-utos sa kanilang mga tauhan na dalhin ang mga alahas, dokumento ng lupain, at bahagi ng kanilang mga ani bilang handog.
Ang ilan sa kanila ay tila ipinagmamalaki pa ang laki ng kanilang maiaalay, sapagkat alam nilang itatala ng Cathedral ang kanilang mga pangalan.
Sa kabilang banda, ang mga maharlikang kanina pa nag-aatubili ay napilitang sumunod matapos makita ang ginagawa ng iba.
Sa loob lamang ng ilang sandali, ang altar ay napuno ng mga handog. At sa mukha ng High Priest, lumitaw ang isang bahagyang ngiti.
Sa R Atelier Café naman ay naroroon si Megan, ang Empress Dowager.
Sa nakalipas na mga taon, mas lalo pang lumawak ang Rische Atelier Café. Nagkaroon na ito ng mga branches sa mga lungsod ng Sartores, Emberman, at Paresi. Kahit bigla na lamang nawala si Madame Rische, hindi ito kailanman pinabayaan ni Iris at Katarina, na siyang patuloy na namamahala sa negosyo.
Nanatiling buhay ang pangalang 'Madame Rische' sa merkado.
Ang mga kakaibang lasa, desserts, kape, at milk tea na kaniyang ipinakilala ay lalo nang sumikat sa mga noble ladies.
Maging sa mga pinakamayayamang lungsod ng Vermeleyon, kilala ang Rische Atelier Café bilang isa sa mga paboritong lugar ng mga maharlika.
Kahit ilang taon nang nawala si Madame Rische, hindi nawala ang kaniyang impluwensya.
Sa isang tahimik na bahagi ng café, nakaupo si Megan habang umiinom ng kaniyang paboritong kape. Isa siya sa mga madalas na suki ng R Atelier Café, kaya hindi na bago sa mga mamamayan ang kaniyang pagpunta.
Tahimik namang nakatingin sina Katarina at Iris sa Empress Dowager mula sa kabilang bahagi ng café.
May ilang lalaking maharlika sa loob ng café ang palihim na napapatingin kay Katarina habang ginagawa niya ang kaniyang trabaho.
Suot niya ang isang simpleng pulang spaghetti-strap na damit, nakapusod sa maayos na bun ang kaniyang buhok, at bahagya lamang ang kaniyang makeup.
Simple man ang kaniyang ayos, kapansin-pansin pa rin siya sa loob ng café.
Patuloy lamang si Katarina sa pag-aasikaso ng mga order habang paminsan-minsan ay napapatingin kay Megan.
How ironic... Megan became the number one fan of Lady Rassia's café...
Bahagya siyang napangiti habang inilalagay ang isang tasa ng kape sa tray.
If Lady Rassia were still alive, I know she would laugh.
Sandaling naging malungkot ang ekspresyon ni Katarina nang maalala niya si Rassia.
Ever since Lady Rassia was declared dead, the remaining Engkantaris and the bandits who fled have stayed by my side. And Agar-us... I'm glad he stayed with me and eventually became my husband. The gold that Archduke Cesare and Lady Rassia left behind was enough for us to survive all these years.
Napatingin siya sa paligid ng café.
Hindi ko hahayaang pabayaan ang negosyo ni Lady Rassia. Ito na lamang ang tanging magagawa ko para masuklian ang lahat ng tulong na ibinigay niya sa amin. Malaki ang naging utang na loob namin sa kaniya, ngunit nabigo pa rin kaming iligtas siya.
Saglit siyang napayuko.
Maging ang kaniyang ama ay nasawi rin...
Masakit pa rin para sa kaniya ang alaalang iyon. Ngunit sa kabila ng lahat, nanatili siyang nakatayo sa likod ng negosyong iniwan ni Rassia.
Ang lahat ng branch ng Rische Atelier Café ay nanatili sa ilalim ng account ni Madame Rische. Sa mga talaan ng negosyo, siya pa rin ang kinikilalang tunay na may-ari.
Hindi kailanman inangkin ni Katarina ang pagmamay-ari nito. Para sa kaniya, hindi niya kayang kunin ang isang bagay na hindi naman kailanman naging kaniya. Ang tanging ginawa niya ay pangalagaan ang negosyo.
"Katarina, ako na riyan. Magpahinga ka na," nakangiting sabi ni Iris.
Si Iris din ang isa sa mga pangunahing namamahala sa R Atelier Café. Isa rin siyang Engkantari at kabilang sa mga taong nanatiling tapat kay Rassia.
"Sigurado ka?" tanong ni Katarina.
Tumango si Iris habang inaabot ang tray na hawak nito.
"Oo. Kanina ka pa nagtatrabaho, baka sermonan ako ni Agarus..."
Napatawa si Katarina at marahang tumango.
A man was standing outside R Atelier Café, wearing his simple shirt, black slacks, and black boots. His physique had become more manly over the past years, and he no longer looked like the young boy they once knew.
There was a simple smile on his lips as he looked at how large the café had become before finally entering.
Ang ilang mga batang noble ladies ay napapatingin sa kaniya at namumula, ngunit hindi niya iyon pinansin.
Mabilis namang napatingin si Katarina at agad siyang nginitian.
"How's the academy, Dazro?"
Ngumiti si Dazro. "I'm doing fine, Katarina..."
For the past years, when Dazro learned that Rassia had been declared dead and that the former Archduke Galsarius himself was the one who killed Cesare Fuegoleon Quentin, the man who had taken him in, umalis siya sa Quentin Palace. Wala na raw siyang dahilan upang manatili pa roon.
He left without knowing where he would go next.
But one day, Katarina and Agarus saw him wandering through the streets. They knew that he had nowhere to go and was trying to survive on his own, kaya napagdesisyunan nilang alagaan siya.
Mula noon, they took Dazro in as part of their family.
Sila ang sumagot sa kaniyang mga pangangailangan at nagpaaral sa kaniya sa academy. Hindi nila ito kailanman pinilit na bayaran ang lahat ng iyon.
Katarina now sees Dazro as her own younger brother.
Samantala, ang ilang mga batang noble ladies ay nanatiling napapatingin kay Dazro. May ilan pang nagtitinginan at mahihinang nagtatawanan bago nagsimulang magtilian.
"I heard he's a Dark Mage!"
"Nangunguna raw siya sa buong academy! Overall!"
"He's strong!"
"And handsome!"
Napapailing na lamang ang ilan sa mga nakaririnig sa kanila habang patuloy silang palihim na sumusulyap kay Dazro.
Samantala, walang kaalam-alam si Dazro sa atensyong natatanggap niya. Tahimik lamang siyang nakikipag-usap kay Katarina.