CHAPTER 68 #7
"I said I would consider the dragon part of our transaction," kalmadong sagot ni Rassia. "But I never said I would give you something without receiving what I asked for."
Lord Aryo's expression hardened.
"The soldiers are enough."
"No. I want the woman freed as well."
"You cannot change the terms after I have accepted your offer," mariing sambit ni Lord Aryo.
Rassia simply smiled. "Free her, and the dragon remains part of our agreement. Try to refuse, and I take my dragon and my gold, and we leave."
Sandaling nanatiling tahimik si Lord Aryo habang nakatingin kay Rassia. Halatang hindi niya nagustuhan ang dagdag nitong kahilingan, ngunit muling napatingin ang kaniyang mga mata sa western wall kung saan tahimik na nakahimlay ang napakalaking pulang dragon.
Alam niyang kapag umatras siya, mawawala sa kanila ang dragon at ang malaking halaga ng kayamanang iniaalok ni Rassia.
Sa huli, napabuntong-hininga siya.
"Fine."
Bahagyang napatingin ang ibang mga matanda sa kaniya.
"I will agree to your condition."
Muling tumingin si Lord Aryo sa babaeng may kadena sa leeg.
"She will be freed along with the ten thousand soldiers."
Bahagyang ngumiti si Rassia. "Good."
"Once the transaction is completed, the soldiers will belong to you," dagdag ni Lord Aryo. "And the woman will be released from her service."
Tumango lamang si Rassia.
"Then we have an agreement."
Sa likuran nila, unti-unting nag-angat ng mukha ang babae. Tila hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig.
For the first time in years, someone had actually chosen to buy her freedom.
Napangiti naman ang limang matanda. Sa kanilang isip, mas malaki pa ang halaga ng isang dragon kaysa sa lahat ng gintong, alahas, at diyamanteng inihandog ni Rassia. They believed they had just made an even better deal.
Tahimik lamang na pinagmasdan ni Rassia ang kanilang mga mukha bago niya muling ibinaling ang kaniyang tingin sa isang lugar na malayo sa palasyo.
Hindi gaanong maraming mamamayan ang naroon. Malawak ang lugar at tila ginagamit bilang training ground at kampo ng mga kawal kapag may digmaan.
I see.
Based on the information Dimitrius gave me, these five fools are indeed the rulers of this city.
If they are willing to risk this much just to obtain a dragon, then they clearly don't understand what they are dealing with...
"I want to see your mighty soldiers, Lord Aryo. May I?"
Nagkatinginan ang limang matanda.
"You wish to see the soldiers?" tanong ni Lord Aryo.
"Yes."
Bahagya niyang itinagilid ang kaniyang ulo. "Since ten thousand of them will be coming with me, I believe I should at least see the people I am taking with me."
Ngumiti rin ang isa sa limang matanda, tila lalong naging kampante matapos nilang marinig na nais ni Rassia na makita ang kanilang mga kawal.
"Our pleasure, we wish to see the dragon as well," aniya.
They finally arrived in front of the ten thousand knights.
Naroon din ang dalawampu't limang libong kawal na mananatili sa Mysarea. Tahimik silang nakahanay sa likuran, watching their fellow soldiers who were about to leave the city.
Napangiti si Rassia habang pinagmasdan ang sampung libong kawal na nasa kaniyang harapan. They were still wearing chains, but she had no intention of keeping them that way. Once her plan finally succeeded, she would have every chain removed.
Bahagya siyang humakbang pasulong. The ten thousand knights remained silent.
"Mysarea Knights. I am now your lady. From this day forward, you will serve under my command. Hindi ko hinihingi ang inyong katapatan dahil lamang binili ko ang inyong kalayaan. I want you to serve knowing that you will no longer be treated as prisoners, and once we leave this city,
I will have your chains removed. You will be given proper treatment, proper food, and the opportunity to live as soldiers should."
Tahimik na nakatingin ang sampung libong kawal kay Rassia at sumaludo.
"Enough of that. Where is the dragon?"
Napatingin ang lahat kay Rassia. Nanatili lamang siyang kalmado bago marahang pumikit.
For a moment, nothing happened. Then a powerful mana presence suddenly spread across the area.
Isang malakas na ihip ng hangin ang biglang dumaan sa buong paligid. Maya-maya pa, isang napakalaking pulang dragon ang bumaba mula sa himpapawid at malakas na dumapo sa harapan nila.
The ground trembled beneath its weight.
Napaatras ang ilan sa mga kawal habang napatingala naman ang limang matanda sa napakalaking nilalang sa kanilang harapan.
"Mother?"
Napaangat ang ulo ni Razareth habang hinahanap si Rassia.
Razareth... come with them.
Bahagyang kumunot ang noo ng dragon.
Mother?
Just trust me. Come with them.
Tila nagtataka pa rin si Razareth, ngunit hindi na siya tumutol. Unti-unti siyang lumapit sa mga kawal.
Mabilis namang lumapit ang ilan sa kanila at nagsimulang ilagay ang mga kadena sa katawan nito upang tuluyang mapasunod ang dragon.
"Mas malaki pa pala ang dragon na ito kaysa sa inaasahan ko..." sambit ng isang matanda habang hindi maalis ang kaniyang tingin kay Razareth.
Ngumiti naman ang isa sa kaniyang mga kasama.
"Kung ganito kalaki ang dragon na ibinibigay niya sa atin, then perhaps we truly made a profitable deal."
Nanatiling tahimik si Rassia. But there was a faint smile on her lips.
Ang Six Azure Blades ay tila hindi sang-ayon sa ginagawa ni Rassia. Tahimik silang nagkatinginan, at makikita sa kanilang mga mukha na gusto nilang pigilan ang kanilang lady bago pa tuluyang maibigay si Razareth sa limang matanda.
Ngunit wala ni isa sa kanila ang agad nagsalita. They knew Rassia had a reason for doing this.
Samantala, dahan-dahang humakbang si Lord Aryo patungo kay Razareth. Halatang kampante ang kaniyang kilos habang papalapit sa napakalaking pulang dragon, na para bang isa lamang itong ordinaryong nilalang na maaari niyang utusan.
Ngunit nang makalapit siya, biglang nagwala si Razareth. Malakas itong umungol at pilit na hinila ang kaniyang katawan palayo. Kumalat ang malakas nitong mana sa paligid, dahilan upang mapaatras ang ilang kawal.
The chains around its body rattled violently.
"Hold it!" sigaw ng isang kawal habang mahigpit na hinahawakan ang kadena.
Ngunit patuloy na nagpupumiglas si Razareth. Hindi nito nauunawaan kung bakit ito pinipigilan ng mga taong hindi naman nito kilala.
Lumapit pa si Lord Aryo at itinaas ang kaniyang kamay.
"Obey me, dragon! sundin mo ako!"
Ngunit dahil nakakadena ito, nahirapan itong makawala.
Rassia simply smirked and nodded at Lucy Pearl.
"My dragon will not obey someone like you, dickhead."
Biglang natahimik ang buong lugar.
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Rassia. Maging ang mga kawal na kanina pa nakatingin kay Razareth ay napalingon sa kaniya. Some of them even exchanged confused looks, tila hindi makapaniwala na ganoon kadiretso magsalita ang isang noble lady sa harap ng limang pinuno ng Mysarea.
Mabilis namang napalingon kay Rassia ang limang matanda.
"Anong sabi mo?!" mariing sambit ni Lord Aryo, halatang hindi nagustuhan ang kaniyang narinig.