Chapter 1
Arushi ( POV)
Malamig ang simoy ng hangin na dumadaloy sa loob ng kwarto ko. Tahimik. Payapa. Saktong ambience para sa isang tulad kong hindi mahilig sa ingay at unnecessary interactions. Ngunit hindi ko pa man lubos na nae-enjoy ang mahimbing kong tulog, may narinig akong katok mula sa pinto.
Tok. Tok. Tok.
Hindi pa rin tumigil ang katok.
Napabuntong-hininga ako at tumagilid sa kama. “Citrine, seriously? Can you, like, stop? I need my sleep, okay?”
Pero syempre, knowing my twin sister, hindi siya titigil hanggat hindi ko siya pinapansin.
Napairap ako at napahiga ulit, nakatingin sa kisame. What the hell does Raegan want now? And bakit gusto ako kausapin ni Mommy? Hindi ba puwedeng bukas nalang?
Alam kong hindi ako tatantanan ni Citrine, kaya bumangon ako at dahan-dahang lumakad papunta sa pinto. Pagkabukas ko, bumungad sa akin ang mukha ng kapatid ko—naka-cross arms at may matinding inis sa expression niya.
Napabuntong-hininga nalang ako habang hinahatak ako ng kapatid ko pababa ng hagdan. Sa baba, nakaupo si Raegan sa sofa, obviously bored out of her mind habang naglalaro sa phone niya. Nang makita niya ako, agad siyang napasimangot.
I shot her a deadpan look. “Honestly? I wish.”
Raegan scoffed and stood up. “Well, too bad. Because you have something to do today.”
Before she could answer, narinig namin ang pagtikhim ni Mommy Auburn mula sa dining area. “Citrone.”(Saytroné)
Napatingin ako kay Mommy Auburn, na seryoso ang tingin sa akin habang nakatayo malapit sa hapag-kainan. Sa tabi niya, naroon si Mama Primo na busy sa pagbabasa ng newspaper. Napaka-tradisyunal, pero wala na akong pake.
Nagkatinginan kami ni Raegan. This again? Ilang beses ko na bang narinig ‘to? Hindi ba sila nagsasawang i-bring up ‘yung ‘lumabas ka naman’ agenda nila?
Napakamot ako sa batok at napatingin kay Raegan, silently asking for help. Pero imbis na kampihan ako, ngumiti lang siya nang matamis at tumango kay Mommy. “Tama si Tita,” she said. “That’s why I’m here! I’m taking her out today.”
What.
I turned to my mom, silently begging her to say something. Pero hindi ko inaasahan na papaboran niya si Raegan. “That’s a good idea,” sabi niya, smiling approvingly. “Citrine, make sure your sister actually goes out today.”
Citrine (saytrine)smirked. “On it.”
Napahawak ako sa sentido ko. This is not happening.
Pero bago pa ako makahanap ng matinong excuse para makatakas, hinila na ako ni Raegan palabas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Maybe it’s because I know na hindi rin ako mananalo sa usapang ‘to.
And as I stepped outside, under the bright sun that I so despise, I couldn't shake off the feeling that something was about to change. Hindi ko pa alam kung ano, but I knew—this day was going to be different.
___
Nakaupo ako sa passenger seat habang si Citrine ay abala sa pag-aayos ng buhok niya sa likod. Si Raegan naman, ang may pakana ng lahat ng ito, ay nasa driver’s seat, obviously enjoying the fact na nakuha niya akong palabasin ng bahay.
Napairap ako at napasandal sa upuan. “No, I’m not like you, Raegan.”
Napahalakhak siya, halatang natutuwa sa pang-aasar niya sa akin. “Oh, come on. Aminin mo na. You, alone in your room all the time? Sounds kinda suspicious.”
I groaned. “Seriously, guys?”
Raegan just laughed and started driving. “Okay, okay, fine. Pero legit, ano bang ginagawa mo buong araw sa kwarto mo? Studying? Staring at the ceiling? Talking to your imaginary girlfriend?”
Napakunot-noo ako. Imaginary girlfriend?
Where the hell did that come from? Pero bago pa ako makasagot, biglang nag-vibrate ang phone ko.
Napatingin ako sa screen. Wala namang message, pero may kakaibang pakiramdam akong bumalot sa akin.
Para bang… may nakatingin sa akin kahit wala namang ibang tao maliban sa dalawang baliw na ‘to.
Binalewala ko nalang ‘yon at ibinalik ang phone sa bulsa ko.
Habang nasa daan, biglang naging tahimik ang sasakyan. Ako naman, nakatingin lang sa bintana, pinagmamasdan ang mga dumadaang gusali at ilaw sa kalsada. Kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko ang panaginip ko kagabi.
Siya na naman.
Ang babaeng walang mukha.
Bakit hindi siya mawala sa isip ko? Bakit parang may kung anong pwersang hinihila ako pabalik sa kanya? At higit sa lahat… bakit parang gusto ko siyang makita ulit?
Masyado na akong nalulunod sa sarili kong isip nang maramdaman ko ang mahinang hampas ni Citrine sa braso ko. “Hoy, Troney, nakatulala ka na naman.”
Napapitlag ako. “H-Ha? Hindi ah.”
Nagkatinginan si Raegan at Citrine bago sabay na nag-smirk. Alam kong may iniisip na namang kalokohan ang dalawang ‘to.