Chapter 33
(Arushi POV – Rooftop, 11 AM)
Pagkalabas ko ng lecture room, hindi ko na pinansin ang tawag pa nina Raegan at Forest. Wala akong ganang makinig sa pang-aasar nila, lalo na’t sigurado akong panay kalokohan na naman ang lalabas sa mga bibig nila.
Diretso akong umakyat sa rooftop, ang tanging lugar sa university na tahimik at walang istorbo.
Pagdating ko roon, napasandal ako sa pader at napatingin sa langit. Masyadong marami ang bumabagabag sa utak ko—si Margarette, si Professor Haneul, pati na rin ang sarili kong nararamdaman.
Ano bang nangyayari sa akin?
Binuksan ko ang phone ko para kahit papaano ay ma-distract ang sarili ko. Pag-check ko sa group chat, may isang dosenang notifications mula kina Raegan, Forest, at Min-Jae.
> Raegan: "Oi, Troney, asan ka? Tumakas ka na naman?
"
Forest: "Shi, bakit ang gulo ng uniform mo kanina?
Ano ginawa mo, ha? Making out? HAHAHA!"
Raegan: "Lintek, bakit di mo kami sinama kung trip mo ng ganon?
"
Min-Jae: "Omg si Arushi may wild side pala HAHAHA! "
Napapikit ako at napailing. Siraulo talaga ang mga ‘to. Minsan hindi ko alam kung bakit ko sila naging kaibigan.
Mabilis akong nag-type ng reply.
> Me: "Ewan ko sa inyo, wala akong ginawa!"
Forest: "HUY defensive! Ibig sabihin meron! Spill the tea, Tite!"
Pinatay ko na lang ang phone ko. Wala akong energy makipag-away sa kanila ngayon.
Huminga ako nang malalim at pumikit saglit, pinapakiramdaman ang malamig na hangin na umiihip sa rooftop. Kailangan kong mag-ayos ng isip. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin.
Pero bago pa ako tuluyang malunod sa sarili kong pag-iisip, nag-vibrate ang phone ko. Isang bagong message.
Mula kay Professor Haneul.
> Professor Haneul: "Where are you? 3 PM we have training at my office. Don’t be late, Costa."
Napakurap ako. Agad kong tinignan ang oras. 11:15 AM.
May oras pa bago ang training, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nag-iba ang pakikitungo sa akin ni Professor Haneul.
Bakit kanina parang... may gusto siyang ipahiwatig?
At bakit parang ako mismo, hindi ko alam ang gusto kong gawin kapag kaharap ko siya?
Napailing ako ulit at sinandal ang ulo sa pader.
Shit.
Bakit ang gulo ng isip ko?
12:30 PM – Cafeteria
Dahil wala akong ginawa kundi mag-isip sa rooftop, hindi ko namalayang pasado alas-dose na pala. Naglakad ako papunta sa cafeteria para kumain, pero pagpasok ko pa lang, agad kong narinig ang malalakas na tawa nina Raegan at Forest.
Napatingin sa akin si Citrine na kakagat pa lang ng fries. Nang makita niya ako, napangiti siya nang pilyo. "Oi, kumusta na si Professor Haneul?"
Napataas ang kilay ko. "Ano naman kinalaman niya dito?"
Nagkatinginan silang tatlo, tapos tumawa.
Napakurap ako. Hot?
Hindi ko sila sinagot. Hindi ko na rin sinabi na nakuha ako ni Margarette kanina.
Pero imbes na tantanan nila ako, lalo lang silang naging malisyoso.
Halos mabilaukan ako sa tubig.
Bago pa ako makapagpaliwanag, narinig namin ang isang malalim na boses sa likod namin.
Halos mapatalon ako sa upuan.
Si Professor Haneul, nakatayo sa likuran namin, nakataas ang isang kilay.
Natahimik silang lahat.
Tumingin siya diretso sa akin.
Tumango ako agad. "Yes, po."
Hindi siya nagsalita ulit. Tiningnan niya lang kami saglit, tapos naglakad na siya papunta sa counter.
Pero bago siya tuluyang mawala sa paningin ko, lumingon pa siya saglit.
At sa isang iglap, nakita kong may maliit na ngiti sa sulok ng labi niya.
Mabilis lang. Sandali lang.
Pero sigurado akong nakita ko ‘yun.
Putangina.
Ano bang ibig sabihin nun?
---
Nagmadali akong tumakbo papunta sa opisina ni Professor Haneul. Tangina, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Marami na akong pinagdaanan sa araw na ‘to, pero ang pinaka-hindi ko alam kung paano haharapin ay si Professor Haneul mismo.
Pagdating ko sa pintuan, huminga muna ako nang malalim bago kumatok.
Tok! Tok!
Ilang segundo pa lang ang lumilipas nang biglang bumukas ang pinto. Hindi si Professor Haneul ang sumalubong sa akin kundi isang lalaking hindi ko kilala. Matangkad siya, maayos ang suot na polo, at mukhang nasa mid-20s. May kakaiba sa ngiti niya—parang may alam siyang hindi ko alam.
Nagkatinginan kami sandali bago siya tumawa nang mahina. "Good luck," sabi niya bago lumakad palayo.
Napakunot-noo ako. Good luck? Anong ibig niyang sabihin?
Dahan-dahan akong pumasok sa opisina at nakita ko si Professor Haneul, nakaupo sa desk niya, nakatutok sa laptop. Halos hindi niya ako nilingon.
Mabilis akong naupo sa upuan malapit sa desk niya. Ramdam ko ang tension sa loob ng opisina. Anong pinag-usapan nila ng lalaking ‘yun?
Sa wakas, tumingin siya sa akin, pero saglit lang. "Wala kang pakialam."
Lah. Diretso.
Napahawak ako sa batok ko at natameme. Hindi ko alam kung bakit ako na-off guard, pero ang sakit non, ha.
Binuksan niya ang isang folder at nilagay sa harapan ko. "Ito ang dapat mong i-review para sa event competition. You only have a few weeks left, so I expect you to be prepared."
Tumango ako at tinignan ang mga papers. Mga plano, sketches, at structural designs ang laman. Napalunok ako.
Tahimik akong nagbasa habang siya ay abala sa laptop niya. Pero hindi ko maiwasang mapansin na parang mas cold siya ngayon. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa lalaking nakausap niya kanina o may iba pang dahilan.
Bakit parang ang bigat ng atmosphere niya ngayon?
Mga ilang minuto pa ang lumipas nang bigla siyang nagsalita. "Hindi ka ba makakapag-focus?"
Napatingin ako sa kanya. "Po?"
Napatingin siya sa akin, this time diretso na talaga ang tingin niya. "You’ve been staring at the paper for five minutes without turning a page."
Napakagat-labi ako. Shit, halata ba?
Sinubukan kong i-focus ang sarili ko sa binabasa ko. Pero ilang minuto lang ang lumipas, naramdaman ko ang kakaibang tension sa loob ng opisina. Mas lalo ko siyang napapansin. Bakit parang ang sexy niya lalo kapag seryoso siya?
Napailing ako. Tangina, Arushi, mag-focus ka sa review, hindi sa professor mo!
Kinuha ko ang ballpen ko at nag-scribble sa isang papel, kunwari ay nagsusulat ng notes para hindi mahalata na kung saan-saan na naman lumilipad ang utak ko. Pero hindi ko pa rin mapigilang mapatingin sa kanya paminsan-minsan.
Bigla siyang tumayo at lumapit sa isang bookshelf sa gilid ng office niya. Kinuha niya ang isang makapal na libro at ibinalik sa desk. Pag-upo niya, napansin ko ang slight na pag-adjust niya sa blouse niya. Tangina, wag kang tumingin doon, Arushi!
Napatingin siya sa akin at nagtaas ng kilay.
Muntik na akong mapalunok. "Ah... wala po."
Fuck. Nahuli niya ako.
Narinig ko siyang huminga nang malalim. "I don’t like distractions, Costa. If you’re not taking this seriously, then leave."
Agad akong umiling. "Hindi po! I'm serious about this."