Chapter 38
(Arushi's POV)
Place: Margarette's Condo / Baek- Costa penthouse
Nagising ako sa liwanag na sumisilip sa mga blinds ng kwarto ni Margarette.
Pagtingin ko sa tabi ko, nakita ko siyang mahimbing na natutulog, ang kanyang mukha ay mukhang payapa.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa amin—hindi lang isang beses, kundi maraming beses kaming nagtalik.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko hinayaan ang sarili ko na magpadala sa init ng katawan ko.
Siguro dahil sa matinding pagnanasa na nararamdaman ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Napatingin ako sa orasan sa dingding—alas singko na ng umaga.
Kailangan ko nang umuwi bago pa magising si Margarette.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, siniguradong hindi siya magising.
Lumapit ako sa closet niya at kumuha ng isang oversized na t-shirt.
Isinuot ko ito at nagmamadaling lumabas ng kwarto, dala ang aking mga gamit.
Pagdating ko sa bahay, tahimik akong pumasok, umaasang walang makakapansin sa akin.
Ngunit pagpasok ko sa sala, bumungad sa akin sina Mommy Auburn, Mama Primo, Auntie Amber, Citrine, at ang tatlo kong kaibigan—sina Raegan, Min-Jae, at Forest. Nakaupo sila sa sofa, at lahat ng mata ay nakatutok sa akin. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.
Bago pa ako makasagot, sumingit si Raegan, may pilyang ngiti sa labi. "Hoy Arushi, tumawag kami sa'yo kagabi. Puro ungol lang ang narinig namin."
Tumawa si Forest at sumang-ayon. "Tama! As in, puro ungol talaga. Tapos may naririnig pa kaming parang... skin slapping. Ganon."
Napatingin ako kay Min-Jae, na may nakataas na kilay. "Sino 'yon, Arushi? Sino yung babaeng kasama mo kagabi, ha?"
Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa hiya. Naramdaman ko ang pagtingin ni Mama Primo sa akin, may halong panunukso sa kanyang boses. "Gosh, malaki ka na nga talaga, Arushi. May sex life ka na."
Nakita ko si Auntie Amber na tahimik lang, pero ramdam ko ang kanyang tingin na parang tumatagos sa akin. Si Citrine naman ay umiling-iling, halatang nagpipigil ng tawa. "Seriously, Troney? Rinig na rinig kaya namin lahat-lahat ng ungol niyo. Ang wild mo."
Lalo akong nahiya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nangyari. Kailangan kong mag-isip ng palusot. "Uh... ano kasi... random lang. May nakilala lang ako sa bar."
Napatingin silang lahat sa akin, halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. Si Mommy Auburn ay nagtaas ng kilay. "Citrone, we need to see who's that girl na kasama mo kagabi."
Naramdaman ko ang bigat ng kanilang mga tingin. Alam kong hindi sila maniniwala sa sinabi ko, pero wala na akong ibang maisip na dahilan. "Wala naman 'yon, Mommy. Hindi na importante."
Tumayo si Citrine at lumapit sa akin, inilagay ang kamay sa balikat ko. "Troney, alam mo namang concern lang kami sa'yo. Sana lang, next time, maging open ka sa amin."
Tumango ako, pero hindi ko pa rin magawang sabihin ang totoo. Alam kong hindi nila ako huhusgahan, pero hindi ko pa rin alam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng nangyari.
Nagkatinginan sina Raegan, Min-Jae, at Forest, at sabay-sabay na tumawa. "Grabe ka, Arushi. Ikaw na talaga," sabi ni Raegan.
Napabuntong-hininga ako. Alam kong hindi ko sila mapipigilan sa kanilang mga hinala, pero sa ngayon, mas mabuti nang manatili muna sa akin ang katotohanan.
---
Nakahiga lang ako sa kama ko, nakaharap sa kisame, habang paulit-ulit na iniisip lahat ng nangyari.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Ilang beses ba kaming nagtalik ni Margarette kagabi?
Tatlo? Apat? Hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang, ang init ng katawan ko, parang may apoy na hindi mapatay-patay.
Pagod na pagod ako, physically and emotionally. Hindi ako pumasok ngayon. Sinabi ko kay Citrine na sabihan na lang ‘yung mga prof na masama pakiramdam ko. Which is half true, kasi hindi talaga ako okay.
Nang bumalik sina Mommy Auburn at Mama Primo kaninang madaling araw, sobrang tahimik lang ako.
Nakaupo lang ako sa couch habang pinapagalitan ako nang banayad.
Hindi galit na galit, pero ramdam mo ‘yung disappointment.
Lalo na si Mommy Auburn. Si Mama Primo naman, as usual, may kasamang birong may halong concern.
Hindi ko nga rin alam eh. Bakit ko ba pinayagan mangyari ‘yun? Bakit ako bumigay? Hindi naman ako ganyan dati. Hindi naman ako katulad nina Forest, Raegan, or Min-Jae. Ako ‘yung pinakatahimik sa grupo. Pero ngayon? Parang ang gulo-gulo ko.
Tumunog ang phone ko.
ting
Dahan-dahan kong kinuha ‘yung phone sa bedside table. May message si Professor Haneul.
Professor Haneul: "Miss Costa, are you okay?"
Napahinga ako nang malalim. Si Professor Haneul talaga… Kahit na sobrang cold niya, lagi siyang present. Palaging aware. Palaging observant. Pero bakit parang mas bumibigat ‘yung loob ko tuwing naaalala ko siya?
Hindi pa ako nakaka-reply, dumating naman ‘yung message ni Margarette.
Margarette: "You didn’t wake me up, Arushi. But thanks for last night. I enjoyed. Take care of yourself, I know you’re tired."
Napapikit ako. Pinindot ko ang power button at binalik ‘yung phone sa table. Gusto ko na lang matulog ulit. Gusto ko makalimot, pero ‘yung katawan ko… parang hinahanap-hanap pa rin ‘yung init na binigay nung faceless girl sa panaginip, ‘yung kay Margarette, at ‘yung presence ni Professor Haneul.
Hindi ba pwedeng mag-reset ang utak ko? Para hindi ko na ito maisip?
ting
May isa pang message.
Group chat namin ‘yon — sina Raegan, Min-Jae, at Forest. Halos sabay-sabay silang nag-message. Binuksan ko ‘yung phone ko ulit.
Raegan: "Shi nagising kami kagabi sa call! Di ka man lang nagsalita pero narinig namin lahat!"
Min-Jae: "Confirmed. You’re not innocent anymore, Aru."
Forest: "Troney, dahan-dahan naman. Hindi ka pa sanay eh. Nag wild agad!"
Napapailing ako habang nagbabasa. Tangina talaga mga kaibigan ko. Imbes na magalit ako, napangiti ako ng konti. Kahit paano, sila lang talaga ‘yung nakakabalanse sa akin. Sa sobrang gulo ng loob ko, nakakahanap pa rin ako ng ngiti dahil sa kanila.
Nagtype ako ng reply.
Me: "Shut up kayong lahat. Hindi ko kayo kausap."
Hindi pa lumilipas ang ilang segundo, nagreply agad si Forest.
Forest: "Ay wow, galit siya! Baka mamaya si random girl pala e si..."
Min-Jae: "Hmmm... clue naman dyan. Hair color? Scent?"
Raegan: "Or baka naman... Prof Haneul?!"
Muntik ko nang maibato ‘yung phone ko sa unan. Tangina. Tumigil nga kayo! Hindi niyo alam gaano kabigat ‘yung nararamdaman ko ngayon.
Binura ko lahat ng notifications. Bumangon ako at tumayo sa tapat ng salamin. Nakasuot pa rin ako ng oversized shirt ni Margarette. Hindi ko nga nakuha maisoli. Tumitig ako sa sarili ko.
Ang daming gumugulo sa isip ko.
Si Professor Haneul... lagi ko siyang naiisip. Hindi ko alam kung infatuation ba ito o crush lang. Pero iba eh. Iba ‘yung presence niya. ‘Yung tingin niya, ‘yung boses niya. Lalo na kagabi sa panaginip ko… para bang siya talaga ‘yung faceless girl. Pero imposibleng siya ‘yun diba?
Pero hindi ko rin maiwasan isipin… na baka may koneksyon siya doon. Sa bawat dampi ng balat ng faceless girl sa akin. Sa scent ng wood, salt at sage. Eh yun din ‘yung naamoy ko nung minsan napadaan ako sa likod ni Professor Haneul sa hallway.
Napaupo ako sa kama. Nilagay ko ang ulo ko sa mga palad ko. Tangina. Nalilito na talaga ako.
“ARGHHH!” napaungol ako sa frustration.
Tumunog ulit ang phone ko.
Si Citrine naman ngayon.
Citrine: "Uwi ako mga 5. Magpahinga ka. Kumain ka rin ha. Nag-text si Prof sayo diba?"
Sinilip ko lang tapos di na nagreply. Hindi ko talaga feel kumain. Pero baka mamaya magalit na si Mommy Auburn. Bumaba ako sa kusina. Tahimik. Wala na sila sa living room. Nakita ko may iniwan na food si Mama Primo sa mesa. Tinakpan niya pa ng foil.
Kinuha ko ‘yung juice sa ref tapos umupo ako. Habang kumakain, naglalaro pa rin sa isip ko ‘yung panaginip.
“I own you, Arushi. No one else owns you aside from me.”
Sino ka ba talaga, faceless girl? Bakit parang kahit sino pa man ang kasama ko... ikaw pa rin ‘yung hinahanap ko?
At bakit ang bigat ng words mo? Parang totoo.
Pagkatapos kong kumain, bumalik ako sa kwarto. Humiga ulit. Binuksan ko ‘yung phone ko, at sa wakas, nagreply ako kay Professor Haneul.
Me: "I’m okay, Professor. Just resting today."
Pero sa totoo lang, hindi talaga ako okay.
Hindi ako sigurado kung saan patungo ‘tong nararamdaman ko. Sa pagitan ni Margarette, ni Professor Haneul... at ng misteryosong faceless girl na araw-araw nang sumasagi sa isipan ko, gabi-gabi kong pinapanaginipan, at ngayon, araw-araw ko nang hinahanap.
---