Chapter 39

Hi, this is the last part of Austine's POV.

i know that i had my fair share of lapses when it comes to writing this story—Knox and Austine's story.

it is flawed, unperfected in lots of ways, but what matters is that i had fun creating such story.

thank you for reaching this far and for bearing my slow updates, i love you all. T_T

_________

“Close kayo?” nagtatakang tanong ni Knox.

I nodded and finished my noodles. “Yeah, Rayne introduced us when he arrived. Kaso di ako masyadong nakakalapit dahil binabakuran ni Rayne na para bang…”

He smiled before he sat down in front of me. His elbow resting on the counter, his eyes lingered on my face kaya napatikhim na lang ako.

“Tell me more hmm…” malambing nyang saad.

Malakas akong napatikhim. “Ano pa bang sasabihin ko sayo? di nga ako masyadong nakakalapit sa kanya, and besides busy ako kakahabol sayo,” umiwas ako ng tingin na syang mahina nyang ikinatawa. “Ikaw nga tong dikit ng dikit sa kanya, nakakainis.” I muttered to myself.

Mukhang narinig nya naman ang sinabi ko dahil mas lumapad ang ngiti nya. “Selos?”

I scoff and pointed at myself. “Ako? selos? sus kahit magdikit kayong dalawa wala akong pakialam! just make sure na don ka na lang umuwi sa kanya, wag ka ng lalapit sa akin at wag ka nang magpapakita sakin.” Pabagsak kong isinandig ang likod ko sa upuan.

“Selos, sus ulol! magsama kayo. Pagbuholin ko pa kayo eh.”

He blinked twice, lowered his head and seconds later he burst out laughing. Literal na halakhak kaya mas lalong umasim ang mukha ko. Ang lakas ng trip ng isang to!

“Tumigil ka nga! naiirita na ako!” singhal ko dito. Pero imbes na tumigil mas lalo pa syang natatawa.

Mukha bang nagpapatawa ako? adik ba to? pasalamat ka mahal kita, kong hindi baka kanina pa kita nasapak.

“You're so cute,” aniya, nagkasalubong ang kilay ko. Ulol mo cute. Akala mo madadala mo ako sa ganyan ganyan mo? hindi porket mahal ko sya tas pogi sya e makakalusot na sya sa pangttrip na ginawa nya. Sinong niloloko nito.

“Ulo mo cute,” bahagya akong napairap. He tilted his head, his smile still plastered on his face.

Tumayo sya at umikot. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa dumating sya sa harapan ko. He opened his arms kaya agad naman akong yumakap sa kanya. He chuckled kaya napanguso nalang ako.

“You can curse me all you want but saying that I can't go near you, don't do that dahil ikakamatay ko yun,” he cupped my face and lifted it, enough for me to meet his eyes.

“You know very well that I can't live without you baby.”

Mapakagat nalang ako sa labi ko, when he leaned closer and pressed a kiss on my lips. “I was just joking,” I explained.

He chuckled. “Of course.” Nginitian nya ako.

He took off his glasses with his other hand, fixed his tie and leaned in for another kiss.

“You know you looked hot while doing that,” I said between our kisses.

He bit my lower lip. “Uhuh.” He mumbled and continued to kiss me.

Mahina akong napatawa at lumayo sa kanya na syang ikinanguso nya. “Baka ma late tayo.” Bulong ko. He buried his face on my chest and wrapped his arms around my waist.

He groaned. “Wag na tayong pumasok…” angal nito.

Napapalatak ako. “Midterm natin, pag natapos to I'll let you do whatever you want,” saad ko.

Agad siyang bumangon, may malaking ngiti sa kanyang labi. Yun lang alam ko na agad kong ano ang nasa isip ng isang to.

Ang dali nyang basahin pag dating sa ganitong bagay. Parang bata nyang hinawakan ang kamay ko.

“Anything?” Ulit nito. Tumango ako.

“Anything.”

He beamed, licked his lips and stare at me for a long long time. Napangiti ako at tinapik ang kanyang noo.

“Parang hinuhubaran mo na ako sa mga titig mo na yan ah,” natatawa kong saad. Napatahimik sya kaya dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ko.

I grabbed my jacket on the counter top and swung it in his direction. “Bastos!”

Malakas syang napatawa at pilit na iniiwasan ang paghampas ko sa kanya. Napatawa nalang ako at hinila ang kwelyo nya bago ko ibaon ang mukha ko sa leeg nya.

“Do well, baby.”

“Well do.”

Naging busy kami sa mga araw na yun dahil sa papalapit na pagsusulit. And besides sa mga written exam sandamakmak na plates din ang kailangan kong gawin. Iilan sa mga major ko, plates na yung magsisilbing exam kaya kaylangan mo talagang paglaanan ng oras.

During that short time that feels like eternity, we took care of each other. Pag di ako masyadong busy nagluluto ako ng makakain naming dalawa. We look after each other.

May time din na magkasama kaming tatlo nila Rayne at Rafael pero agad din naman silang aalis. Kabisado ko na mga galawan ng mga yun. Iilaw lang mga cellphone non, larga agad. Napailing nalang ako.

“Goodluck,” I kissed his cheeks.

Inubos nya muna ang gatas na tinimpla ko bago nya ako halikan sa noo. “Do well, wife.”

Agad kong hinampas ang dibdib nya at lumayo sa kanya. “Ulol.”

“But it makes me happy…I mean calling you my wife,” he pursed his lips, mas lalong lumambing ang boses nya ng binigkas nya ang salitang ‘my wife’

Naramdaman ko na umiinit ang pisngi ko. “Akala mo bibigay ako dahil cute ka? pero sige, bahala ka sa buhay mo. Kong dyan ka masaya,” tumalikod na ako at naunang maglakad.

“Wife!” magiliw nyang tawag sa akin. Napahawak ako sa batok ko, a small smile tugging at the corner of my lips.

Dinambahan nya ako ng maabotan nya ako. “My wife,” bulong nito sa tenga ko. Pinatakan nya ng halik ang batok ko. Bumaba ang kamay ko sa braso nyang nakapulupot sa beywang ko.

I rested my head on his, grabbed his hand and brought it to my lips. “I love you.”

Lumalim ang panghinga nya, nuzzled his face on my nape. “I love you…more than words could ever express.”

Ng matapos ang exam, napagpasyahan naming puunta sa resort nila Rafael. Funny cuz pagdating namin sa dorm nila Rayne napakasama ng tingin nya sa amin. Na para bang…

“Wow naman, ang sama naman ng ugali nyo pag di nyo kami isasama,” Ani ni Blythe, kapatid ni Rayne.

Nagrereklamo pero ang mata na kay Zyran. Rayne's brows furrowed at hinila si Zyran papuntang likod nya. “Stop staring,” saway nito sa kapatid nya.

“Na para bang jowa mo sya,” tumaas ang kilay ni Rayne, her sister's eyes widened. Napangisi na lang kami.

“Pag yan na jinx, ikaw iiyak,” hirit ko kaya napa napairap sya. Rayne shook his head lightly, may mga ngiti sa labi.

“Ganda ba naman ni Zy—” hindi na natapos ni Ian pinsan ni Rayne ang kanyang sasabihin ng ambahan sya ng isa ng suntok kaya nanahimik na lang sya.

“Paki-ingatan yang buhok mo, baka matosta ni Rayne.” Ani ko at humarap sa likuran ko. “Sa likod tayo, baby.” Bulong ko kay Knox at kinindatan sya, napailing nalang sya pero nakangiti ang mukong.

Though, my smile dropped the moment I saw one of Rayne's cousin, looking at Knox. Nagkasalubong ang kilay ko at hinarang ang katawan ko para hindi nya makita si Knox. Tangina akin to.

Damn, Yhanna.

Sinalubong nya ang tingin ko, nakataas ang kilay. Syempre, I won't lose. I raised him an eyebrow also.

“He's mine,” I mouthed. I watched how her expression changed.

“Ikaw din?” she mouthed also. I grinned, grabbed Knox's hand and show it to her. Napanganga nalang sya kaya ngiting tagumpay ako.

Ilang minuto din sumakay na kami sa van at umalis na. Napapatawa nalang kami dahil ang daming kaagaw ni Rayne kay Zyran. Akala nya talaga hindi namin alam.

We all know they are in love, the only ones who don't know are them.

It's funny how fate brought us back together, we're not technically separated but our heart does. I don't know what lies ahead of us, but as long as he's by my side I'm willing to risk it all just to be with him.

“Stop,” madiing saway ko kay Knox when he bent down on my crotch. He lifted his head and grinned at me.

“No,” he whispered. Napatingin ako sa harapan namin, halos lahat sila tulog, maliban na lang kay Rafael na nag ddrive. Gumalaw si Rayne sa harapan ko kaya nag panic ako.

I grabbed Knox's collar and pull him away from my crotch dahilan para masipa ko ang upoang nasa harapan ko.

Kinakabahan kong inaabangan ang mata ni Rayne, pero ang gago masyadong down bad sa katabi nya na hindi nya naramdaman ang pagsipa ko. Nakahinga ako ng maluwag.

Marahas kong nilingon si Knox, napapalatak nalang ako ng makita kong nagtulog-tulogan ang gago.

“Makakatikim ka sa akin mamaya,” seryoso kong saad. Minulat nya ang isa nyang mata at pumikit ulit.

“Sige, patikim.”

Napatampal na lang ako sa noo ko. Gago talaga.

He opened his eyes once again, opened his arms and gesture for me to hug him. Napabuntong hininga nalang ako at niyakap sya.

Nakatulog kami buong byahe dahil alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na kami. Nagising nalang kami ng huminto na ang sasakyan.

“We're here!!!” Tili ni Yhanna kaya halos nabulabog pati kaluluwa ko. “Nandito na tayo?!!!!”

“Feel ko wala pa, don ka pa ata sa bundok,” inirapan nya ako dahil sa sagot ko sa kanya.

“Hinihingi ko opinyon mo?” nakataas kilay nyang saad.

Umakto akong sumasakit ang tenga ko, “A-aray ang sakit….pakinggan yang boses mo.”

Hindi nya na ako sinagot at tumakbo na sya sa dagat kasama si Yhanna, napailing na lang kami at dinala ang mga gamit namin sa bahay na tutuloyan namin. Rafael talked to the lady who welcomed us. She show us around kaya pamilyar na kami sa paikot-ikot nitong bahay.

Bilib din ako kay Rafael eh, kong ano ano nalang ang pinapatayo, sa Iloilo meron din yan. Di ko nga lang alam kong tapos na ba. Pinahinto nya yung construction non eh, tas nalulong din sa alak. Niloko ata.

“Put it anywhere you like,” si Rafael nong tanongin sya ni Drix kong saan ilalagay ang mga gamit namin.

“Tabi kami ni Knox,” sabay hila kay Knox.

“Ay close kayo?” natatawang saad ni Rayne. “Parang dati nagrereklamo ka pa na gusto mo syang sakal----”

Agad akong tumakbo sa direksyon nya at dinambahan sya. I covered his foul mouth with my hands. “Now, now, we shouldn't say such awful things, gawa gawa to,” kinakabahan akong tumawa, sinalubong ko ang mata ni Knox, nakakunot ang noo na para bang galit na sakin kaya napalunok na lang ako.

“Pag kami nag away nyan, patay ka sakin,” Madiing bulong ko kay Rayne, he muffled a sound.

“Balik ka ha!’

“Yeah, tutulongan ko kayo sa baba mamaya kukunin ko lang ang jacket ko.” Boses ni Zyran.

Nagkatinginan kaming lahat. Agad akong umalis sa likod ni Rayne at tinakbo ang bag namin na nasa lapag lang.

Drix kicked his T-shirt that he just throw at the ground when we entered our room.

Si Ian naman halos di alam kong ano ang uunahin dahil ang gago nilagay nya ang mga gamit nya sa lapag at sa higaan.

Kong titignan kakapasokpa lang namin pero parang naging basura na ang kwarto dahil sa kong saan-saan nilalagay ang mga gamit.

Matapos kong ayusin ang gamit ko sa taas ng kama, umupo ako don at kunwaring nag ccellphone.

“Puta tulong,” bulong na sigaw ni Ian. Di pa rin tapos ang gago.

“Tanginamo, sino ba kasi ang nagsabi na ikalat mo ang mga gamit mong kupal ka!!!” pabulong din na singhal ni Drix habang tinutulongan ang pinsan nya.

Pagpasok ni Zyran, di nga kami nagkamali, may dala syang spatula. He looked at us, the whole place. The air was tense dahil isang kalat lang sure na tutunog yang spatula dahil sa bungo mo.

“Baba na kayo maya-maya, may barbecue don,” aniya sa malambing na boses. Nakahinga naman kami ng maluwag at sabay-sabay na tumango.

Nang umalis na sya, napahawak si Drix sa dibdib nya. “Mas nakakatakot pa sya kay Mom or sa Mom ni Rayne.”

“Lesson learned…” Payak na tumawa si Ian.

We spend our days playing in the sand, in the ocean and in each other's company. The first night was epic, maga parehas yung mata ni Rayne tas Zyran. Nanod ng Peninsula tas di man lang kami sinama. Ang sasama ng mga ugali, can you believe it?!

We stayed here for 4 days since may bagyo daw napaparating kaya kinailangan na naming bumalik sa school dahil baka mastranded kami dito. May pasok pa naman kami pagka lunes. Ayos ah, 1 week na sem break.

The night before we went back to our school. Knox woke me up in the middle of the night, dragged me somewhere around the beach and just stared at me for a very long time.

“Why are we here?” I yawned at sumandal sa balikat nya. Yakap-yakap ko ang sarili dahil nanunoot ang lamig sa balat ko.

Ang kalmado ng dagat, ni hindi mo alintana na may paparating na bagyo kinabukasan.

Fear the calm sea ika nga nila.

Mas lalong nadagdagan ang antok ko dahil sa hangin at tunog ng dagat. The moonlight shine, the waves crashed in our feet and in that moment of utter silence I can feel his breath…ang kalmado.

“It's been 11 years since I first saw you, ” aniya kaya napaangat ng unti ang ulo ko.

“Really? your counting?” mahina akong napatawa. "Pinapahalata mo talaga na patay na patay ka sakin ha." Biro ko

He chuckled softly and caressed my cheeks softly. “11 years, 6 months and 12 days as you know. And yes, patay na patay ako sayo, matagal na. Ganda mo kasi eh.”

"Sus. Sa laki kong to tas tatawagin mo lang akong maganda, sige nga isa pa." Parehas kaming natawa dahil sa hirit ko.

"Ganda."

Tuluyan na akong napaharap sa kanya, ngayon ko lang napansin na may hawak-hawak pala siyang box. Hindi sya gaano kalakihan, how come na hindi ko napansin to kanina. Anong laman nyan?

“Ah ito ba?” sabay taas sa box, na para bang nabasa nya ang nasa utak ko. Tumango nalang ako.

The wind gushed between us, he glanced at me and back to the box he's carrying a soft yet subtle smile playing on his lips.

“It's a letter…” he trailed off, he took a step forward. “For you.”

The surrounding froze the moment his eyes met mine. His eyes glimmered with decades of longing and suppressed emotions.

“For the past 11 years, I wrote you a letter. Letters I wrote whenever I longed for your presence, your face, your voice and you—means I wrote you a letter every single day. 4, 026, binilang ko lahat yan,” mahina syang napatawa.

Nakatingin lang ako sa kanya, my lips slightly parted. My heart racing, nanginginig ang labi ko at nagbabadyang tumulo ang mga luha ko.

“I-I don't know what to say,” nanginginig ang boses ko. Nilapitan nya ako at niyakap.I hugged him back and buried my face in the crook of his neck.

“Finally….finally it wasn't an unsent love letter anymore….” his voice quiver. He planted small kisses on my temple at don na tuluyang bumagsak ang mga luha.

Bumitaw sya sa pagka kayakap sa akin, cupped my face and wiped my tears with his thumbs. Ngumiti sya, ngiting nagpapahiwatig na kahit anong bagyo pa ang darating sa buhay naming dalawa, kahit na may bundok na mamagitan sa aming dalawa, babalik at babalik pa rin kami sa piling ng bawat isa.

Because where he is, is where I should be.

Binuksan ko ang box at bumungad sakin ang tumpok-tumpok na mga liham. Each paper is older than the last one.

Kumuha ako ng isa sa ilalim. "Can I open it?" I asked and showed him the letter.

Tumango sya. "Go on, para sayo yan. Read it and do me a favor, baby." Pinatakan nya ng halik ang gilid ng ulo ko.

Ngumiti ako, the paper were coffee stain color indicating that it had age as time passes.

I slowly opened the letter.

December 25, 201x

Hi, I saw you earlier sa palengke. Nakakunot ang noo mo pero hindi yun naging hadlang para diko puriin yang ganda mo.

You smiled so bright to the point na halos kamay ko na yung maputol ko imbes na yung buntot ng isda.

No joke, you were too pretty, as always—like you always do.

Hindi lang ako makapaniwala na makikita kita sa araw ng kaarawan ko.

I was happy. No, I was ecstatic. Seeing you is the best gift I received.

Thank you at dahil lumabas ka sa araw na yun.

May ginawa akong bulaklak na gawa sa papel, origami daw sabi ni teacher Anne, I wanted to give it to you pero ang hirap mong lapitan, kaya ididikit ko nalang dito para kong dadating man ang araw na makakalapit na ako sayo, ibibigay ko to. Kakapalan ko mukha ko.

—Knox

After the letter, sa ilalim, may nakadikit na origami. Maliit na rosas na nayupi na dahil napatungan na.

Napakagat ako sa labi ko at hinaplos ang bulaklak.

"I was 13 when I wrote that. Sa pagkakaalala ko tumulong ako sa isdahan ni Lola Terry, kapitbahay namin dati." He explained. "And then I saw you..."

"Ganda ng cursive ah, penmanship ko kasi dati pag doctor..." biro ko pero unti-unting pumapatak muli ang luha ko.

Napaupo nalang ako habang hawak-hawak ang liham nya sa dibdin ko. I cried...

He kneel in front of me, cupped my face and met my eyes.

"Pangako, babasahin ko yan lahat..." I smiled.

He kissed my forehead. "Promise?."

"Promise."

I want to know all of it. Sa loob ng isang decada na minahal nya ako gusto kong malaman lahat lahat ng tumatakbo sa isip nya through his letters for me. I don't mind spending hours, days or even weeks reading it. I just want to know him more.

The moon shine in his eyes, he wiped his own tears, parehas kaming nakangiti sa isa't-isa. Tinanggal ko ang salamin nya, though no words was spoken I knew damn well that in this life time, I wish for nothing but for us to be happy.

I want him to be happy.

Pinagtagpo nya ang mga labi namin, this kiss differs from one's we shared. This one is sweeter, pure and a sign of new beginning.

“I love you, everyday and in all throughout my life Knox….”

He looked at me, and suddenly, every life time made sense.

“ I have loved you since the day I saw you…”

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.