CHAPTER 8 - Moonshard Peak
So what? I don't care.
That man is such an Asshole, he said he love Hestia yet he had an affair with her sister.
While tying my long straight hair into a bun...."Neigh~" My eyes went wide when I saw a huge black horse standing loose nearby. Agad akong nanlamig at nawalan ng kulay.
A black horse with red eyes, tell me who won't freak out?
The horse looks at me---its eyes look demonic evil eyes!---- I felt a chill run down my spine."Uh W-Wesley!" napapalunok kong tawag, nakatitig sa kabayo, habang dahan dahan umaatras. It was so big, and I couldn't help but think that it might charge me at any second. Tas ang laki pa ng mata.
Where's Wesley? Damn it. "Neigh~"
Hindi naman kasi ako yun.
Si Hestia!
Yung Old Hestia!
He's wearing a raven oversized sweatshirt with graphic designs on the left side, layered over a white collared shirt. He has loose-fitting black cargo pants with multiple pockets and black leather shoes. This asshole is such a fashion icon.
As usual, there is his pokerface. "What are you doing here?" taka kong tanong pero gaya ng dati, hindi nya ako pinansin. Tumalon sya pababa sa sahig bago kaswal na naglakad patungo sa kabayo ko raw.
Pinanood ko sya, pinapaamo nya yung kabayo. Hinahaplos haplos nya ulo nito habang wala paring emosyon ang mukha.
Ngayon ko lang narealize na nakasakay na sya sa kabayo. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kaagad akong lumapit. Wait. Bakit ako natatakot sa kanya? Powerless naman sya diba? Atsaka ako yung prinsesa!
Pinagmasdan ko ang tanawin. Sa malayo, tanaw ang matatayog na bundok na tila lumulutang sa himpapawid, ang mga tuktok nito'y pinapalamutian ng kumikislap na mga gusali na mistulang mga kastilyong inukit mula sa bato.
I read a book about it.
The floating land... It's called the Skye Empire. The place where the White Mages reside. Kung ang Dark Castle ay matatagpuan sa lupa, ang Skye Empire naman ay matatagpuan sa kalangitan—matayog, malayo. Ganito ang kanilang paraan upang mapaghiwalay ang dalawang panig.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, at halos mapasinghap ako sa nakita. "W-Woah..." bulong ko, ang boses ko nanginginig sa pagitan ng takot at pagkamangha. Napasandal ako sa dibdib ni Curtis, matigas ito, at mainit.
Nabasa ko sa libro, ang pinakamataas na mountain cliff sa Dark Castle.
Why did he bring me here?
Huminto ang kabayo sa gilid ng bangin. Sa dulo, isang matandang puno ang nakatanim, ang mga ugat nito'y mahigpit na nakakapit sa lupa habang ang ilan ay lumalaylay sa ilalim, napasinghap ako nang mapagtanto kung gaano ito kalalim.
Napakatarik ng bangin, tila walang hanggan ang lalim. Mula rito, natatanaw ko ang kagubatan sa ibaba, mga punong abot-langit ay para bang maliliit na mga alikabok na sa tanawin dito sa taas. Sa gitna ng gubat, bumabaluktot ang isang malinaw na ilog, kumikislap sa liwanag ng araw.
Tumikhim ako,"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko, halos pabulong, habang patuloy kong sinisilip sa ibaba. I can feel him lean close to my ears. "Guess?"Ramdam ko ang init ng hininga niya sa gilid ng aking leeg, bigla akong napalunok. Ramdam ko ang namumuong pawis sa gilid ng noo ko.
Ngunit ngumiti lamang siya—isang ngiting nakakapanghina at nakakainis. "Rumors are everywhere, you know," aniya, dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha sa akin. "The infamous princess who grew bored of collecting sex slaves is now interested in collecting swords."
Naituon ko ang magkabilang siko sa ulo ng kabayo ng mas lalo siyang lumapit.
"It's understandable that you want to join the power struggle. But a thought keeps me bothered.... You're equal to Xenon when it comes to power, why start collecting allies when you can simply crush your enemies alone??" Curtis.Hindi ako nakasagot.
Unti unti akong kinabahan. I should expect this. Hindi madaling maloko ang lalaking 'to.
Sobrang lapit namin sa isa't isa. Ngunit hindi ako makatingin ng daretso sa mga mata niya. Rmdam ko ang tumutulong pawis sa noo ko. "That made me curious... I still haven't witnessed your powers," Kanya pang dagdag, hindi parin tinatagtag ang tingin sakin.
Kahit ako hindi ko alam.
Hindi ko alam kung paano gamitin ang kapangyarihan ni Hestia.
Many people said her powers were deadly, equal to destroying a castle. But I don't even know how to use it.
I stare at him. I thought I had already tamed him. Looks like I still haven't. Humugot ako ng malalim na hininga.
I must avoid answering this guy, he is far too witty to be easily fooled. Ngunit bago pa ako makagalaw nang tuluyan, bigla niyang hinawakan ang pulso ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya, hinahayaan ang mga mata naming magtagpo.
His blank expression is slowly turning into a smirk.
Wait.
What?
Hindi ko na napigilan ang sigaw ko. Bumagsak ako mula sa kabayo, nahuhulog ako sa bangin! Ang malamig na hangin ay bumalot sa akin habang patuloy akong bumabagsak.
Wait, will I die here?
But I don't wanna die for a second time.
Malas na nga ako sa mundo ko. Pati ba naman sa mundong 'to? Is.. Is this really my end? Ang bigat sa dibdib ko'y tila lalong bumibigat habang iniisip ko ang lahat ng nangyari.
Nagsimulang mag-init ang aking mata.
Seriously, what in the world did I do to deserve all this?
Hinayaan ko na lang ang katawan kong mahulog. Wala na rin naman akong magagawa, kaya't pumikit na lang ako. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, pinaniniwala ang sarili kong matatapos din 'to.
Naramdaman ko ang hangin na lalong bumilis, malapit na ako mahulog. Pero bago pa tuluyang bumagsak ang katawan ko sa lupa, isang kakaibang liwanag ang nanggaling sa itaas, bumalot ito sa akin. Mainit at maliwanag—para bang binabalot ako ng init na hindi ko maipaliwanag.
Bigla, may naramdaman akong bisig na yumakap sa akin, at bago ko pa maintindihan ang nangyayari, gumulong kami sa lupa. Hindi ko alam kung bakit, pero gumaan ang pakiramdam ko.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.
Sa simula, malabo ang paningin ko. Pero unti-unti itong luminaw, at ang una kong nakita ay ang kakaibang kalangitan—lila at asul na parang pintura na magkahalo, at may mga ulap na tila binurdahan ng ginto. I'm still in Mystical World.
Nangunot ang aking noo ng makita ang hindi inaasahang tao. Nakadagan siya sa akin, ang mukha niya malapit na malapit sa akin, habang nakatingin ng matalim at litong-lito.
Lalo akong nangilid ang luha. Nag-init ang dibdib ko sa galit at sakit. "Who wants to die?! Ikaw ang nagtulak sa akin!!" Walang tigil kong hinampas ang dibdib niya, hindi ko makontrol ang mga luha ko.
Walang tigil sa pagpatak. I shouldn't be showing my weakness, but this man is too much.
"Why didn't you use your powers---" Curtis.
Habang tumatagal, naramdaman kong unti-unting nawawala ang lakas ko. Napagod na ako sa paghampas, kaya bumagsak ang mga kamay ko sa lupa.
Aamin ko.
Kahit namatay na'ko.
Nakakatakot parin.
Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan, habang ang luha ko'y walang tigil na pumapatak.
I'm a human.
I'm afraid of pain.