CHAPTER 9 - Moonshard Peak (Part 2)

N/A: ACE means Asher Curtis Emmanuel, Hestia call him Curtis. But most of the characters will call him Ace.

Nangunot ang noo ni Ace sa tinuran ng prinsesa. Tila natauhan naman si Hestia at kaagad siyang tinulak palayo bago mabilis na tumayo. Inayos niya ang gusot sa kanyang damit habang nililingon si Ace na nakatitig sa kanya, halatang naguguluhan.

Naestatwa ang lalaki.

Namayani ang katahimikan at tanging huni ng mga nagliliparang ibon ang nagbibigay ingay sa paligid. Nakatabingi ang mukha ni Ace dahil sa lakas na sampal, habang si Hestia ay nakayuko, nanginginig, at madilim ang ekspresyon.

Nang muling iangat ni Hestia ang kamay para sa ikatlong sampal, mabilis na nahawakan ni Ace ang kanyang maliit na kamay. Yumuko siya nang kaunti, nilapit ang mukha kay Hestia."Hey..." bulong niya, titig na titig sa prinsesang naluluha ang mga mata. Bakas dito ang kaguluhan at galit.

Natawa nang mapait si Hestia, halatang hindi kumbinsado. "Reasons?" ani niya, nanginginig ang tinig. "Is that reason of yours more important than a person's life?" Tahimik lang si Ace. Bumuntong-hininga siya, ngunit hindi sumagot.

Astang aalis na ang dalaga upang sya ay iwan ngunit pinigilan sya ng lalaki. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ng dalaga bago tumuon papalapit at kaswal na nagsalita malapit sa kanyang tainga. "You can't leave,"

Mapaklang tumawa si Hestia. Hindi siya lumingon, bagkus tumingin siya sa malayo, ang mga mata'y puno ng panunuya."Still want to kill me?" malamig na tanong niya habang nakayukom ang mga kamao. Ramdam niya ang mainit na hininga ni Ace sa kanyang leeg, na nagdulot ng hindi maipaliwanag na kaba.

Hinawakan ni Ace ang kanyang kaliwang balikat at muling yumuko para magpantay ang kanilang mga mata. Tumingin siya sa paligid, sigurado munang walang nakikinig, bago niya hinila pababa ang kwelyo ng kanyang damit.

Lantad ngayon ang malapad niyang dibdib. Hinawakan niya ang metal collar na nakasuot sa kanyang leeg, dahilan upang mapatingin si Hestia rito.

Napasinghap si Hestia nang maramdaman ang higpit ng pagkakahawak ni Ace sa kanyang balikat."This magical artifact is often used by royals to control their slaves. "Ramdam niya ang bigat ng kanyang presensya, at ang init ng hininga nito ay dumampi sa kanyang tainga.

He said only if my life is in danger. Does that mean... it's because I'm the key holder? Wala sa sariling nawakan ko ang kwintas na nakakabit saking leeg.

If that's true, it only means one thing... He can't hurt me as long as I hold the power over the collar.

That's an advantage.

Nang makarecover sa pagiisip, muli kong hinarap si Curtis na nakatitig sakin. "Still..!! You put my life in danger!" inis kong reklamo. Iniwas nya ang mata nya sakin bago inilagay ang dalawang kamay sa bulsa.

As if.

My gut feeling tells me he knows all about that collar. The problem is, he won't tell me. Tsk.

May yabag ng mga kabayo ang nanggagaling sa likuran. Kung saan, natatakluban ang paligid ng nagtataasang mga damo at puno. Ngayon ko lang narealize na nasa parte kami ng gubat kung saan liblib. Napalunok ako ng mapansin na papalapit ng papalapit ang mga yabag. Palakas ng palakas.

Wait. Enemy?

Agad akong nagtago sa likuran niya, mahigpit na kumapit sa kanyang maskuladong braso. Dumungaw ako sa kanyang balikat, pilit na sinisilip kung ano ang nangyayari. Ramdam kong saglit niya akong nilingon, pero bumalik din agad ang tingin niya sa harap.

Si Curtis, ibinuka nya ang kanyang kanang palad at may nagteleport na espada sa kanyang kamay.

Long sword na kulay ginto. At parang may ancient words na nakaukit sa espada.

Kumikinang ang matalas na dulo, habang ang asul na diyamante sa gitna ng hawakan ay naglalabas ng mahinang liwanag, halos hypnotizing sa ganda.

Nawala ang tingin ko sa espada nang marinig ang isang pamilyar at mabagsik na boses. Sa harapan namin, may mga sundalong nakatayo—higit pa siguro sa lima. Pero sa kanilang lahat, may isa lang na agad nakakuha ng atensyon ko. Ang lalaking nangunguna sa una.

Isang makisig na lalaki ang namumukod-tangi sa harap ng mga sundalo.

Suot niya ang isang armor na tila pang-general, na parang hinango mula sa tradisyonal na Chinese historical armor.

The armor is gold with dragon and floral designs, and is paired with a red cloak.

Nakasakay siya sa isang napakagarang puting kabayo.

Hawak niya ang isang silver na pana at palaso.

Alam mo yung pakiramdam na parang gusto kang patayin gamit lang ang tingin?

Gano'n na gano'n ang vibe ni Adelion. Kagaya ng dati, nagwawala ang dibdib ko tuwing nakikita ko siya.

Pero alam kong hindi sa akin nanggagaling ang emosyon na 'to.

Siguro kailangan ko na lang talagang tanggapin na minahal ni Old Hestia si Adelion, kahit nakakairita.

Wala nga naman siyang sinabi. Dapat kasi hindi na ako nagsalita.

Fuck. Ako pa tuloy napahiya. "Pft. Hahaha."Tulala akong napatingin kay Curtis. Tumawa kasi sya nang mapang-asar, halatang ine-enjoy ang sitwasyon ko. Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ako. Binatuhan ko siya ng masamang tingin, pero tinapatan lang niya iyon ng nakakalokong ngisi at taas ng kilay.

Lagi na lang natatanggal ang angas ko kapag si Adelion lagi ang aking kaharap.

Tch, it's beacause Old Hestia's feelings. Masayadong malakas ang tama.

Temple? As in... Temple?

Pft. Funny. May Temple din ang mga Dark Mage?

Pero, pinalakad nya ang kanyang kabayo sa harap ko bago yumukod at inilahad ang kanyang kamay.

Senyales na pinasasakay ako. Napatitig ako sa kanyang palad na nakalahad.

Kahit ang pormal at puno ng respeto ang kinikilos nya, iba ang sinasabi ng ekspresyon nya---seryoso at madilim, halatang napipilitan.

Nagaalinlangan tuloy ako kung sasakay ako sa kabayo nya. Parehas kaming napalingon kay Curtis nang bigla siyang pumito gamit lamang ang dalawang daliri. Ilang segundo ang lumipas, at narinig namin ang kaluskos sa damo.

Tapos... nagpakita yung pangit na kabayo ni Hestia!

parang galing ito sa mismong impyerno! Lumitaw ito mula sa isang makapal na usok na unti-unting nawala kasabay ng mala-halakhak na tunog ng hangin.

Ang buong katawan nito ay balot ng makapal at gumagalaw na itim na usok.

Halos mapamura ako nang makita ang mga mata ng kabayo—naglalagablab sa nakakatakot na pulang liwanag.

Gagi, sabi na demonyo! Ugaling demonyo si Hestia, kaya dapat pala inexpect ko na na demonyo rin ang kabayo niya!

Napalunok ako nang marahan at napaatras ng kaunti nang dahan-dahang humarap ang kabayo sa direksyon ko.

Kala ko sakin lalapit pero... Lumapit ang kabayo kay Curtis na kala mo ba naman ay sya yung amo!

Walang kahirap hirap syang sumakay sa itim na kabayo. Bago kinuha ang tali at ako ay tiningnan. Nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Nag-alok siya ng kamay. Senyales na pinasasakay ako. Agad naman akong napalunok, hindi ko alam kung anong gagawin. Habang tinitingnan sila, kaliwa't kanan.

Si Adelion ang nasa kaliwa ko, samantalang si Curtis naman ang nasa kanan ko.

Hindi ko alam kung kaninong kamay ang kukunin ko.

Pag kinuha ko ang kay Adelion, ang awkward ng magiging byahe.

Take note, mukhang napipilitan pa siya. Pero si Curtis...

"Grab my hand. I'll make sure, you won't fall this time."

I unbelievably look at Curtis when I saw him giving me a gentle smile, his voice sounds so gentle but actually, it's a threat.

Kahit may takot parin ako sa kabayo ni Hestia.

Kamay ni Curtis ang kinuha ko. Kaagad naman nya iyong hinigit. Pagkataas ko sa ere, ay agad nyang hinapit ang bewang ko. Kagaya ng posisyon namin nung unang sakay ko kay King. Sa una parin ako nakapwesto. Habang si Curtis naman ay nasa likod.

I was wearing an expressionless face while staring at the front.

I clenched my jaw.

They're so noisy.

Who is that man?

He seems close to that evil princess. And what the hell is with her? Why does she act so... childish?

Something's not right.

I feel like this isn't the same woman I knew---the woman who has a loose screw in her head and totally nuts over guys.

She's not the type to be proud and playful. She's ruthless, an expert at using men like toys, playing with their hearts, and their bodies, and then tossing them aside as if they mean nothing.

Almost every day, she has a new victim, toying with them using her cruel smile, her beauty is hiding a poison behind her eyes.

Hestia is never afraid of anyone.

My lips fell apart.

She was screaming in fear at the speed of the horse, a look I never thought I'd see on her. She looks afraid of riding a horse. Which is almost impossible. Why? She's one of the best horse riders I know. So, why does she suddenly look so weak?

So weak? In front of that man?

Or maybe this is just her new strategy.

New strategy to seduce a man.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.