CHAPTER 14 - Escort
Lumingon siya mula sa ibaba. At ang bwisit, Isang nakakairita at mapang-asar na ngisi ang sumilay sa labi niya.
Tuluyan na siyang naglakad paalis, sumigaw ako ng sumigaw hanggang naglaho na ang bulto niya. Naiwan akong nakakapit sa puno. Paano ba ako bababa rito?!
Papalubog na ang araw. Gaganapin ang tradisyon sa kabilugan ng buwan.
Humugot ako ng malalim na hininga at sinubukang ikilos ang paa ko para humanap ng tuntungan, pero isang maling galaw ko lang ay sigurado nang bali ang leeg ko sa taas nito.
Habang nagpapanic na ako sa isip ko, may narinig akong mahinang kaluskos mula sa ibaba.
Sumilip ako nang dahan-dahan. isang pamilyar na bulto ang naglalakad sa gilid ng gubat, hindi kalayuan sa pwesto ko.
Gray hair, green eyes!
Walang pang-itaas at pamilyar na matipunong katawan. At yung malaking tattoo sa kaliwang dibdib niya.
Siya yung lalaki sa Obsidian Temple! Yung gwapong masungit na humatak sa akin pababa sa kabayo!
[Author's Note: knight from CHAPTER 10. Hindi ko alam kung tanda nyo pa sorii tagal ko mag-update :( ]
Tumigil siya sa paglalakad. Dahan-dahan siyang lumingon at tumingala sa direksyon ko.
Kahit medyo madilim, ramdam na ramdam ko ang pagkunot ng noo niya at ang matalim na sulyap ng mga berde niyang mata.
Isang pamilyar na inis ang muling dumaan sa ekspresyon niya.
Pihado, iniisip na naman nitong nagpapapansin ako o may binabalak akong masama.
Such plain response. He didn't even call me Your highness or third Princess.
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago siya naglakad papalapit sa ilalim ng puno. Humalukipkip siya at tiningala ako nang may blangkong ekspresyon.
Nanlaki ang mga mata ko.
Binitawan niya agad ako.
Hindi man lang siya naghintay ng pasasalamat ko. Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, tinalikuran na niya agad ako at mabilis na naglakad palayo pabalik sa dilim ng gubat, iniwan akong nakatulala.
As if I were a parasite with a contagious disease. I sweat dropped.
Suot ko ngayon ang hunting gear ko, pinaresan ng knee-high combat boots. Nakapusod ang mahaba at itim kong buhok. Kung sa labas, mukha akong handang pumatay, sa loob-loob ko, gusto ko na lang bumalik sa kwarto at matulog.
Nangunot ang noo ko. "So, kailangan kong umattend para lang pumatay ng demonyo para magpa-impress sa tatay ko?"
Napabuntong-hininga ako. Sana pala hinila ko na lang si Curtis kahit nag-iinarte siya! Ang problema, simula ng iwan nya ako, hindi ko na siya ulit nakita. Bwisit na lalakeng 'yon, napakawalang silbi!
Nang marating namin ang dulo ng pasilyo, bumukas ang dalawang dambuhalang pinto na gawa sa itim na bakal. Pagkapasok ko pa lang sa Grand Hall, agad na nanlamig ang buong sistema ko. The atmosphere inside was suffocating. Ang bigat ng hangin.
Nandoon na silang lahat.
Sa gilid, nakita ko si Xenon na nakangisi, suot ang kanyang royal hunting gear.
May kausap syang mga matatanda. Si Fiona at Akira, nakasuot din ng gear habang may kausap na mga maharlika na babae na dayo.
Sa kabilang dako, naroon si Zayair, suot pa rin ang kanyang puting roba pero may nakasukbit na espada sa kanyang bewang.
Matalim at malamig ang mga pulang mata niyang sumalubong sa akin. Hindi ko siya pinansin.
Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang bulto sa hindi kalayuan. Si Adelion.
At hindi siya nag-iisa. Nakahawak sa braso niya ang isang napakagandang babae.... si Diana. Maamo ang mukha nito, parang isang anghel na napadpad sa pugad ng mga demonyo. Protektadong-protektado ang tayo ni Adelion sa kanya.
Biglang nanikip ang dibdib ko. Kumabog nang mabilis ang puso ko na parang pinipiga.
Shit. Old Hestia's emotions again. Lihim akong napakagat sa ibabang labi ko para labanan ang sakit at inis na biglang namuo sa sistema ko.
Pilit kong iniwas ang tingin ko sa kanila at itinuon ang atensyon sa pinakaharap.
Sa pinakadulo ng Grand Hall, sa ibabaw ng isang mataas na platform, naroon ang trono ng Dark Lord.
Nakataas ito at nakatalikod sa aming lahat.
Wala kang makikita kundi ang malaking itim na sandalan ng kanyang trono at ang nakakakilabot na dark aura na nagmumula roon.
Ni hindi siya nakaharap, pero ang presensya niya ay sapat na para magsitayuan ang mga balahibo ko.
The authority radiating from him was absolute.
Napalunok ako ng ilang beses. H-He's calling me?
Parang may yelong gumapang sa likod ko. "Y-Yes, Father."
Ramdam ko ang mga mapanuyang tingin nina Fiona at Akira sa akin. Nakita ko rin ang paggilid ng tingin nina Adelion at Zayair.
He means I usually fight alone, but now I needed an escort just for this simple petty tradition. Lihim akong napangisi. Sinasadya niyang ipahiya ako sa harap ng maraming tao.
Ako? na Namatay na ako minsan, ayoko nang magpa-bully kahit pa sa tatay ng katawang 'to!
Huminga ako nang malalim, pinilit na kalmahin ang nanginginig kong mga kamay.
Itinaas ko ang ulo ko at tiningnan ang nakatalikod na trono ng Dark Lord. "Both of my sisters have their escorts," malamig at matapang kong sagot, ang boses ko ay malinaw na umalingawngaw sa tahimik na bulwagan.
Halos marinig ko ang sabay-sabay na pagsinghap nina Wesley at ng mga kawal. Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglaki ng mga mata nina Akira at Fiona. Maging ang mapang-asar na ngisi ni Xenon ay nawala. Wala pang sinuman ang sumubok na sumagot nang pabalang sa Dark Lord.
Katahimikan.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong Grand Hall. Tila tumigil ang paghinga ng lahat ng taong naroroon.
Ilang mabibigat na segundo ang dumaan bago bahagyang gumalaw ang madilim na aura sa paligid ng trono. Hindi siya humarap, ngunit naramdaman ko ang matinding pwersa ng kanyang kapangyarihan na tila pumindot sa mga balikat ko.
P-Pet? What pet?
Unti unting lumapit sa akin at inakbayan ang balikat ko. Sobrang tahimik kahit ang dami ng tao. Walang naglakas mangupal sa Dark Lord maliban sa amin ni Xenon.
Nakakapag-cigarette din pala sa mundong ito?
Bigla tuloy nawala ang kaba ko. Hindi ko na alam kung matatakot pa ba ako para sa buhay ko o matatawa sa sitwasyon. Humugot ako ng malalim na hininga, walang-pakialam na inalis ang mabigat na braso ni Xenon sa balikat ko, at mataray siyang tinaasan ng kilay.
Agad na nabura ang mapang-asar na ngisi ni Xenon. Kasabay ng biglaang pagtahimik niya ay ang pagtigil ng usok mula sa trono. Isang nakakapasong pwersa ang pumalibot sa aming lahat, sapat para magsitayuan ang mga balahibo ko.
Isa isa na nagsilabasan ang naglabasan ang lahat para pumunta sa Forbidden Forest kung saan gaganapin ang Tradition.
Kunot noo akong napatingin sa aking gilid ng may malambot na palad ang kumapit sa aking braso. Si... Si Akira. "Where's your hot toy? he's not with you?" bulong nya sa tainga ko. Tskk.
napunta ang tingin namin ni Akira sa likuran nang may pamilyar na boses ang nagsalita. Si Fiona. She's with Zayair. They were heading towards our direction.
Nabaling ang tingin ko kay Zayair. Ang lalim at lamig ng boses niya ay biglang bumasag sa tensyon namin ni Fiona. Tss... what does it concern you?
He was goddamn staring at me. Ang mga pulang mata niya ay tila nakakapasong apoy na sinusuri ang bawat pulgada ng pagkatao ko.
Agad kong naramdaman ang pagbigat ng hangin sa paligid ni Fiona. Kalmado pa rin ang mukha niya, pero hindi nakatakas sa paningin ko ang panlilisik ng mga mata niya dahil sa atensyong ibinibigay sa akin ni Zayair.
Bago ko pa masagot ang tanong, umepal na naman si Fiona. She immediately wrapped her hands possessively around Zayair's arm, her nails lightly digging into his sleeves."My man is asking you, Hestia" saka lang umiwas ng tingin sa akin si Zayair. Mukhang nakaramdam na ng hiya. Tskk.
Sa di-kalayuan, nahagip ng paningin ko ang bulto ni Adelion. Saka lang siya tuluyang umiwas ng tingin ng matagpuan nyang nakatingin ako, at naglakad palayo.
Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Unti-unti akong napatingin sa nakangiting mukha ni Koa na nasa gilid lang ng paningin ko.
He's Akira's cousin?
Mabilis na nagkonekta ang mga impormasyon sa isip ko. If Akira and Hestia share the same father, Koa and Akira must be sharing the same bloodline from their mothers.