CHAPTER 15 - Forbidden Forrest

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng Forbidden Forest, agad na nagbago ang ihip ng hangin.

Mula sa malamig at tahimik na simoy, napalitan ito ng malansang amoy ng patay at nabubulok na dahon. Ang mga nagtataasang puno ay tila mga nakayukong higante na humaharang sa liwanag ng araw, ginagawang halos kulay itim at asul ang buong paligid.

Sabi ni Koa, may illusion na naghihiwalay sa mga mages na pumapasok sa forest kaya't kelangan namin maging handa. Iyon na din siguro ang dahilan kung bakit wala kaming nakikitang ibang tao. Kahit andami ng pumasok sa gubat.

Binunot ko ang dalawang silver daggers na nakasukbit sa magkabilang hita ko.

Habang mas lumalalim kami sa gubat, pansin kong naging tahimik si Koa. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil hindi ko sya kinakausap. Ang mga mata niya ay matalim na nakamasid sa bawat anino, ang kanang kamay ay nakahawak sa hilt ng malaking itim na espada sa kanyang likuran.

Crunch.

Isang tuyong sanga ang nabali.

Huminto kami nang sabay. Bago pa ako makalingon, isang nakakabinging atungal ang bumasag sa katahimikan. Mula sa makapal na hamog, tatlong anino ang mabilis na sumibad palapit sa amin.

Hellhounds. Malalaking aso na may umaapoy na pulang mata at laway na tumutunaw sa lupang pinapatakan nito.

Pero sa halip na atakihin siya ng dalawa pa, bigla itong lumiko. Umikot sila at diretsong tumalon papunta sa direksyon ko.

Sunod-sunod ang naging pag-atake nila. Sumugod pa ang ilang mababang uri ng demonyo—mga Shadow Fiends na lumalabas mula sa mga puno. Wala silang solid na anyo. They looked like elongated, malnourished humanoids made of thick, creeping smoke.

Koa keep blocking them from attacking me, pero pansin ko sa kilos ng mga halimaw na nilalayuan nila si Koa.

May napansin tuloy akong kakaiba.

Lahat sila, naka-focus ang mababangis na mata sa akin.

Lumapit sa akin si Koa, seryoso ang mukha. I was caught off guard when he put his palm of my neck and lean his head closer. "W-What are you doing..??" He was sniffing me. Halos hindi na ako makahinga ng ayos sa sobrang lapit nya. Pero agad din syang lumayo bago tiningnan niya ang balikat ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

Xenon!

That bastard really wants me dead!

Bago pa ako makapagsalita, nayanig ang mismong lupang kinatatayuan namin. Ang mga puno sa paligid ay nagbagsakan. Isang nakakapanindig-balahibong halik-hik na parang galing sa ilalim ng lupa ang umalingawngaw.

Mula sa kadiliman, gumapang palabas ang isang higanteng nilalang.

Katawan nitong parang ahas na nababalutan ng makakapal at itim na kaliskis, pero may dose-dosenang mga paa ng gagamba. Ang mukha nito ay walang mata—isang malaking bunganga lang na puno ng patong-patong na matutulis na ngipin.

Pumihit ang ulo ng halimaw. Kahit walang mata, alam kong ako ang tinitingnan nito.

"Shit..."

Sa isang iglap, sumibad ito papalapit. Sobrang bilis para sa ganoong kalaking katawan.

Dumagundong ang lupa nang bumagsak ang halimaw sa pwesto ko kanina.

Mabilis na umatake si Koa, iwinasiwas ang malaking espada sa tagiliran ng Gloom Crawler.

Tumalsik ang itim na dugo, pero mas lalong nagalit ang halimaw.

Iwinasiwas nito ang buntot na puno ng matutulis na tinik, tinamaan si Koa sa dibdib kaya tumalsik siya sa isang puno.

Bumaling muli sa akin ang Gloom Crawler. Dahan-dahan itong gumapang palapit, ang bunganga nito ay bumubuka-sara, tila ninanamnam ang matinding takot na lumulukob sa akin ngayon. Nanginginig ang buong katawan ko, halos hindi na ako makahinga.

Nire-align ko ang nanginginig kong mga kamay sa silver daggers ko, pero nakita ko mismo kung paano tumalbog doon ang espada ni Koa kanina. Alam kong wala itong kwenta. Parang mga laruang plastik lang ang hawak ko laban sa halimaw na 'to.

Gusto kong tumakbo, pero ipinako ng matinding takot ang mga paa ko sa lupa. Ang malansang amoy ng hininga nito ay humampas sa mukha ko. Nanlamig ang buo kong sistema. Pumatak ang pawis mula sa noo ko hanggang sa pilik-mata ko.

No... no... Mabilis at masakit ang pagkabog ng puso ko. I was going to die here. Mamamatay na naman ako!

Isang dambuhalang anino ang tuluyang bumalot sa akin nang itaas ng halimaw ang sarili nito, handang sunggaban ako nang buo. Nakita ko ang kailaliman ng lalamunan nito. Napapikit ako nang mariin. Naramdaman ko na ang init ng bunganga nito sa balat ko.

This is it... Katapusan ko na talaga.

Sa sobrang desperasyon, sa sobrang takot na muling maranasan ang kamatayan, isang pangalan lang ang pilit na kumawala at sumabog mula sa lalamunan ko.

Ngunit sa halip na mapunit ang laman ko, isang nakakapasong pwersa ng hangin ang biglang sumabog sa harapan ko. Ang paligid ay biglang naging malamig.... yelo.

Napadilat ako. Pamilyar na likuran, kulay abong buhok na nililipad ng hangin.

Nakatalikod siya sa akin, ang kanang kamay ay nakataas, nakatapat nang direkta sa dambuhalang bunganga ng Gloom Crawler na huminto sa ere, tila nakulong sa isang hindi nakikitang pwersa.

Isang spatial distortion. Nag-teleport siya!

Bago pa makapalag ang halimaw, ikinuyom ni Curtis ang nakataas niyang kamay.

BOOM!

Isang malakas at nakakabulag na itim na kidlat ang sumabog mula sa palad niya, direktang bumaon sa bunganga ng Gloom Crawler.

Walang naging laban ang halimaw. Ang katawan nito ay sumabog mula sa loob palabas, nagkalat ang itim na dugo at mga piraso ng kaliskis sa paligid, bago tuluyang naging uling at abo.

Bumagsak ako sa mga tuhod ko, habol ang hininga.

Isang high-tier demon... tinapos niya nang walang kahirap-hirap? Wala man lang siyang hawak na sandata!

He's really a monster!

Ngayon alam ko na kung bakit sineal ni Xenon ang kapangyarihan ni Curtis at ikinulong sya sa akin. Maybe he thought eventually I would kill curtis. But I'm not the real Hestia.

Lumingon si Curtis sa akin. His golden-red eyes, nakapaskil na naman ang pamilyar na inis sa kanyang gwapong mukha habang nakatingin sa akin at sa nakahandusay na si Koa sa di kalayuan.

Natigilan ako. The way he said it... it was so cold, so absolute, yet dripping with a strange possessiveness. To tell the fact, it sent a weird shiver down my spine. Nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Ang mabilis na kabog ng dibdib ko na kanina ay dahil sa takot, ngayon ay nag-iiba na.

Walang pag-aalinlangang inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tiningnan ko 'yon nang ilang segundo bago ko dahan-dahang inabot ang nanginginig kong palad.

Sa isang mabilis at malakas na hatak, napatayo niya ako.

Dahil sa panghihina ng mga tuhod ko, napasubsob ako nang tuluyan sa matigas niyang dibdib.

Amoy na amoy ko ang pinaghalong lamig ng hangin at ang pamilyar na amoy ng ozone na nakadikit sa damit niya.

Hindi siya umatras; hinayaan niya lang akong makasandal sa kanya habang pinapakalma ko ang paghinga ko.

Umiling ako nang mabilis, pilit na itinatayo nang maayos ang sarili ko. "H-Hindi. P-Pero si Koa..."

Lumingon ako sa direksyon ng makapal na puno kung saan tumalsik si Koa kanina. Nakahandusay pa rin siya sa malalaking ugat, walang malay at may dugo na tumutulo mula sa gilid ng kanyang labi pababa sa kanyang leeg.

Bumaba ang tingin ni Curtis sa direksyon ni Koa, bago muling bumalik ang malamig niyang mga mata sa akin—partikular sa balikat ng suot kong leather suit. Biglang nagbago ang timpla ng mukha niya. Kumunot ang noo niya at matalim na pinasadahan ng tingin ang pilak na lining ng damit ko.

Isang mapaklang ngisi ang sumilay sa labi ni Curtis. "Then your so-called family is a mess."

Mabilis niyang hinubad ang suot niyang makapal na itim na jacket.

Walang pasabing ipinatong niya iyon sa mga balikat ko.

The jacket was huge on me, but the thick fabric and his lingering body heat immediately masked the sickeningly sweet scent of the Blood Lotus extract.

Hinapit ko iyon palapit sa katawan ko, pakiramdam ko ay biglang nagkaroon ako ng pananggalang.

Tinalikuran niya ako at mabibigat ang hakbang na naglakad palapit kay Koa.

Huminto si Curtis sa tabi ng walang malay na lalaki. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa na parang isang basurang nakaharang sa daan. Walang kaabog-abog, itinaas niya ang paa niya at walang-awang sinipa si Koa sa tagiliran.

Binalewala ko ang panunuya ni Curtis. Kahit paano ay iniligtas pa rin ako ni Koa kanina bago siya tumalsik at mawasak ang dibdib sa atake ng Gloom Crawler.

Mabilis akong humakbang palapit kay Koa. Nakahawak pa rin siya sa kanyang dibdib, sapo-sapo ang basag na armor niya habang pilit na hinahabol ang kanyang hininga. Ang pula na dugo ay patuloy na umaagos mula sa gilid ng kanyang bibig pababa sa kanyang leeg.

Naramdaman ko ang matinding init ng katawan niya. Mabigat si Koa, pero ginamit ko ang buong lakas ko para alalayan siyang bumangon mula sa pagkakabagsak sa malalaking ugat ng puno. Nanginginig ang mga binti niya nang unti-unti siyang makatayo.

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

Akala ko ay magpapasalamat siya o sasandal sa akin para kumuha ng balanse.

Ngunit nang magtama ang mga mata namin sa sobrang lapit ng aming mga mukha, bigla nya akong itinulak palayo, kamuntikan na akong mawalan ng balanse.

Nanghihina parin ang buong katawan niya.

Pero may nakakatakot na ekspresyon na mukha nya ang hindi ko mabasa.

Bago pa ako makapag-react, isang magaspang at duguang kamay ang marahas na humablot sa kwelyo ng leather suit ko.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.