CHAPTER 16 - Nine-Tailed Fox
I choked out, desperately clawing at his large, bloodstained hand. Umaapoy ang mga mata ni Koa, parang ibang tao ang kaharap ko ngayon. I couldn't breathe. Nag-uumpisa nang magdilim ang paningin ko, at ang bawat paghigpit ng mga daliri niya ay parang pumipiga sa natitirang buhay ko.
Nabitawan niya lamang ako nang may isang malakas na pwersang pumagitna.
Sa isang iglap, nawala ang mahigpit na sakal sa leeg ko.
Bumagsak ako sa malamig na lupa, umuubo at marahas na naghahabol ng hininga.
Pag-angat ko ng tingin, nakatayo na si Curtis sa harap ko.
Walang-kahirap-hirap niyang tinanggal ang pagkakasakal ni Koa sa akin bago niya marahas na itinulak ang sugatang lalaki pabalik sa paanan ng puno.
Mabilis na bumaba ang isang mainit at matigas na kamay sa balikat ko, hinawakan ako nang mahigpit. Si Curtis. Kung hindi siya pumagitna, sigurado akong nawalan na ako ng malay.
Umungol sa sakit si Koa habang pilit na bumabangon, pero bago pa siya makakilos nang maayos, sumugod na si Curtis. Isang mabilis na hakbang lang, at walang-awang sinakal ni Curtis ang leeg ni Koa gamit ang isang kamay, iniangat ito nang bahagya mula sa lupa.
Kahit muntik na akong patayin ng lalaking 'to, ayokong may mamatay nang dahil sa akin! I know what Curtis is capable of.
He would do it if he could.
Pero tila walang narinig si Curtis. Ang atensyon nya ay nanatili kay Koa. I was completely distracted when Curtis suddenly lifted his other hand.
Sa isang iglap, sumiklab ang isang nakakapasong asul na apoy mula sa palad niya.
The blue flames danced wildly, casting a haunting, neon glow and illuminating the sharp jaws of his face.
Nanlaki ang mga mata ko. Unti-unting nag-sink in sa akin kung anong ibig niyang sabihin. Ang Binding Gorget na nakasuot sa leeg niya ay nagpapahintulot lamang na magamit niya ang mahika niya kapag nasa direktang panganib ang buhay ko.
Binalik ni Curtis ang nanlilisik niyang ginto at pulang mga mata sa nahihirapang si Koa. "It means he's a danger to you. He tried to kill you."
Lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal kay Koa. The blue fire in his hand flared aggressively, ready to turn the man into ashes.
Bago ko pa matapos ang isisigaw ko, biglang bumagsak ang temperatura sa paligid.
The air turned terrifyingly freezing in a split second. Isang makapal at puting usok ang mabilis na gumapang paitaas, bumabalot sa aming tatlo na para bang isang buhay na nilalang.
It was blinding. The heavy mist stuck to my skin like wet cobwebs, completely swallowing the eerie blue glow of Curtis's fire.
Walang sumagot. Nageecho lamang ang boses ko.
Kahit mag-isa, hindi ako nakaramdam ng kaba. Dahil alam ko na sa oras na nasa panganib ang buhay ko ay Dadating si Curtis. It was because of the binding gorget.
I know he will find me soon.
Ilang sandali pa, unti-unting numipis ang usok . Pagliwanag ng paligid, halos tumigil ang paghinga ko.
Wala na ako sa pinangyarihan ng labanan kanina. Walang bakas ng patay na Gloom Crawler, walang natumbang mga puno, at higit sa lahat—wala sina Curtis at Koa. Ang mga puno rito ay mas matatanda, ang mga ugat ay nagkukurbahan na parang mga kamay na nakabaon sa lupa.
Na-teleport ba ako? O sila ang nawala?
Crack.
Isang tuyong sanga ang nabali hindi kalayuan sa pwesto ko. Mabilis akong napalingon, ang mga kamay ko'y awtomatikong gumapang pababa para kapain ang mga silver daggers sa hita ko.
Sa gitna ng madilim na gubat, isang pamilyar na bulto ang nakatayo.
The moonlight caught his brown hair and silver eyes. Suot niya ang armor niya, ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa hilt ng kanyang espada. Nakatayo siya nang mag-isa sa gitna ng kakahuyan, ang malamig na hangin ay pinapagaspas ang kanyang pulang kapa.
Si Adelion.
Dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ko. Nang magtama ang mga mata namin, agad na nanlamig ang sistema ko.
Oh, great. Out of all the people I could get stuck with...
Ang malamig at kulay-pilak na mga mata ni Adelion ay saglit na tumitig sa akin, tila binabasa ang bawat galaw ko bago siya pormal na nagbigay-pugay.
Napakurap ako.
Tumaas ang kanang kilay nya sa akin,. Bago nag-iwas ng tingin at pormal na yumuko bago nagsalita.
Napatawa ako. I'm so done with him, really... "Wow. That's surprisingly nice coming from you."
Hindi man lang gumalaw ang panga niya. Of course. Humor was never Adelion's strong suit. Humakbang siya palapit, at awtomatikong umatras ang mga paa ko.
Nagsalubong ang kilay ko.
Isang mabigat na katahimikan ang namayani bago siya muling nagsalita, at sa pagkakataong ito, may diin ang pangalan.
Ahh...
Bumilis ang pagbaling ng tingin niya sa akin.
Princess. Sa tuwing binibigkas niya ang aking titulo, may kalakip itong kakaibang bigat.
Walang bakas ng init... puro malamig na pormalidad.
Hindi bastos, ngunit malinaw na ipinaparamdam niyang ginagawa niya lang ang kaniyang tungkulin.
Mas pabor iyon sa akin. Mas madaling basahin ang galit kaysa sa pagpapanggap ng malasakit.
Nangunot ang kanyang noo, parang ayaw pa maniwala. "Koa?"
Tumango ako nang dahan-dahan.
It's not suprising. Koa already give me a heads up that Fordibben Forrest creates illusions then separates people.
Sa unang pagkakataon, nabasag ang blangkong maskara ni Adelion.
Isang mabilis at matalim na pag-igting ng kaniyang panga ang dumaan sa kaniyang mukha bago iyon mabilis na naglaho at bumalik sa malamig niyang ekspresyon.
Nanatiling nakapako ang mga mata niya sa akin, tila sinusuri ang bawat pintig ng pulso ko kung nagsisinungaling ako.
Sabay kaming napalingon sa madilim na bahagi ng gubat.
Hindi ito simpleng pagkahulog ng sanga. May mabigat na pwersang tumapak dito.
Isang malakas na ungol ng parang nawawalang hayop ang umalingawngaw nang mabilis na bunutin ni Adelion ang kaniyang espada mula sa kaluban.
Sinundan ko ito, awtomatikong hinugot ang dalawang silver daggers ko bilang depensa.
Tinitigan ko ang malapad niyang likod.
Napakunot ang noo ko. He wants me dead... but he's protecting me. Dahan-dahan akong umatras at pumosisyon sa likuran niya, ang mga mata ko'y matiyagang sumusuri sa bawat anino sa dilim.
Pagkatapos—isang panibagong tunog. Mga yabag na papalapit.
Mas malapit. Mas mabigat. Agad na ibinaba ni Adelion ang kaniyang mga balikat at inanggulo ang kumikinang na espada pauna. Handa na siya sa anumang aatake. Hindi ko man tukoy ang halimaw na papalapit, batid ng kalamnan ko na hindi ito ordinaryong hayop.
Tila huminto ang pag-ikot ng mundo nang biglang tumigil ang hangin. Pagkatapos, isang anino ang mabilis na gumalaw sa pagitan ng malalaking puno. Masyadong mabilis para mahagip ng mga mata ko. Bumaon ang kuko ko sa hawakan ng dagger.
Isang maitim na bulto ang mabilis na dumaan sa aming paningin. Agad na humakbang pauna si Adelion, tinatakpan ako.
Isang dambuhalang Soro. Ang balahibo nito ay purong puti na tila kumikinang sa ilalim ng liwanag ng buwan. Ang matatalim nitong mga mata ay naglalagablab sa kulay asul na apoy, nakatitig sa amin. At sa likuran nito, marahang sumasayaw sa hangin ang malalaki at mahahabang buntot.
Isa... tatlo... anim...
Siyam.
A Nine-Tailed Fox.
Before I could process his words, the fox lunged.
Masyadong mabilis! Tila naging isang puting kidlat ang halimaw. Pero mas mabilis ang reflexes ni Adelion.
CLANG!
Napatakip ako ng tainga sa lakas ng tunog. Imbes na humiwa sa laman, parang tumama sa matigas na asero ang espada ni Adelion! The nine tailed fox didn't even flinch. Sa halip, ginamit nito ang dalawa pang buntot para marahas na hampasin ang lalaki.
Mabilis na ini-cross ni Adelion ang kaniyang braso at espada para sumangga, pero sobrang lakas ng impact.
BAM!
Tumalsik si Adelion paatras. Bumaon ang mga bota niya sa lupa, nag-iwan ng malalim na marka sa dumi at mga tuyong dahon hanggang sa makabawi siya ng balanse, ilang pulgada lang ang layo sa akin.
Napaubo siya. Isang manipis na linya ng dugo ang tumulo mula sa gilid ng labi niya.
He didn't look at me.
My mind started racing.
Bakit hindi gumagana ang atake ni Adelion? He is the General of the Dark Castle. His strikes should be lethal. Tinitigan ko ang halimaw na ngayon ay marahang naglalakad paikot sa amin.
Walang dark aura.
Walang amoy ng nabubulok na dugo na tipikal sa mga demonyo.
Wait.
The Demon's Hunt is for capturing demonic creatures. Mga halimaw na gawa sa dark magic at kasamaan. But a Nine-Tailed Fox... it's a mythical beast! A spirit creature!
Nanlaki ang mga mata ko sa realization. It's completely immune to the standard demon-hunting techniques and dark magic counters na ginagamit ng mga kawal ng Dark Castle. Kaya pala parang walang talab ang espada ni Adelion! He's fighting a spiritual anomaly using anti-demon tactics!
Muling sumugod ang nine-tailed fox, ngayon ay mas agresibo.
Pero huli na. The fox opened its maw, at isang malaking bola ng asul na apoy ang nabuo roon bago mabilis na ibinuga papunta sa amin.
"Tsk!" Mabilis na itinaas ni Adelion ang kaniyang libreng kamay. Isang makapal na silver na barrier ang lumitaw sa harap namin.
BOOOOOOM!
Nayanig ang buong paligid. Ang init ng asul na apoy ay humampas sa barrier.
Nakita ko ang matinding panginginig ng mga braso ni Adelion habang pilit na pinipigilan ang atake.
Namumuo ang butil-butil na pawis sa noo niya, ang pilak niyang mga mata ay naglalagablab sa determinasyon para hindi mabasag ang harang at matamaan ako sa likuran niya.
He's struggling.
Crack!
Tumingin ako sa silver barrier ni Adelion. Nagkakaroon na ito ng maliliit na bitak. Hindi na niya kakayaning salagin ang asul na apoy nang matagal!
Think, Navy. Think.
Nilibot ng mga mata ko ang dambuhalang halimaw.
Walo sa mga buntot nito ay walang habas na humahampas at nag-iipon ng asul na apoy, umaatake nang buong bagsik. Ngunit... may isang kakaiba. Ang pang-siyam na buntot. Ang pinakasentro.
Hindi ito gumagalaw. Nakapulupot ito nang mahigpit malapit sa hind legs ng halimaw, tila pilit na itinatago at pinoprotektahan mula sa anumang atake.
Saglit na nanlaki ang kulay-pilak niyang mga mata.
Humigpit ang hawak ko sa dalawang silver daggers ko. Kahit malalim ang galit nya sa akin. Pinoprotektahan parin nya ako. Kahit kaya nya akong abandonahin na lang at tumakas para iwan. Hindi nya ginawa. It's such a shame he won't be part of my collections.
Hindi na siya nakipagtalo. Sa isang iglap, marahas niyang ibinaba ang kaniyang kamay. Nawasak ang silver barrier.
Curtis would appear... yeah... he would appear. I thoughted while covering my face.
Agad na pumailanlang ang nagbabagang asul na apoy nang mabasag ang harang. Pikit-matang sinalo ko ang nakakapasong init, ngunit bago pa man ako tuluyang mapinsala, kusa itong sumipsip at naglaho sa loob ng makapal at itim na jacket.... na ibinigay sa akin ni Curtis kanina.
That bastard's jacket protected me.
Saglit akong natulala. It sinked in. Kaya kahit malayo at nagkahiwalay kami ni Curtis. Hindi nya kaya magteleport papunta sa akin. Dahil pinuprotektahan ako ng jacket nya.
Agad na naunawaan ni Adelion ang plano. Kahit sugatan at humihingal, ginamit niya ang huling saksak ng kanyang natitirang lakas.
Buong-puwersa niyang iwinasiwas ang kanyang espada, hindi para saktan ang pisikal na katawan ng nine-tailed fox, kundi para itulak at buksan ang proteksyon ng pang-siyam na buntot.
Nang mabawi ng nine-tailed fox ang balanse nito at akmang muling ibubuga ang naglalagablab na apoy kay Adelion, perpektong tiyempo para ako ang umatake dito.
Tumalon ako nang mataas, ipinako ang aking mga mata sa nasabing bahagi, at buong-lakas na inihagis ang dala kong dalawang silver daggers.
Whoosh!
Tumagos ang mga ito sa hangin at dire-diretsong bumaon nang malalim sa mismong pang-siyam na buntot ng halimaw.
Isang nakakarinding hiyaw—na animo'y boses ng isang nasasaktang bata—ang umalingawngaw sa buong kagubatan. Naging kulay pilak na usok ang buong paligid, at ang dambuhalang Soro ay unti-unting lumiit, nagbago ang anyo, hanggang sa mawala ang mabangis na presensya nito.
Nang humupa ang makapal na usok, napatigil ako sa paghinga sa sunod na nasaksihan...