CHAPTER 17 - Mystical Beast

A-And he keeps calling me Momma.

I wrapped his naked body with Curtis's jacket.

Napalunok ako. "Dada ka raw"

He hates it. Of course, he hates Hestia. Then a child from enemy's is calling him Dada

It was a sick, twisted joke brought by fate.

Bumaba ang tingin ko rito. Ang buhok nitong itim at mga matang kulay pilak... totoo nga. Ang mukha nito ay kamukhang-kamukha ni Adelion noong bata pa siguro ito.

Hsssss!

Tumibok nang mabilis ang dibdib ko.

Lumuhod ako sa harap ng bata. "Little fox, you should go home. Find your real parents, okay?" ilang beses na umiling sa akin ang bata bago ako niyakap. "M-Momma! want Momma! huhuhu" my heart almost melt.

Patuloy ang pag-iyak ng bata, ang mga ungal nito ay parang tunog ng isang inosenteng bata na pinagkaitan ng mundo. Kumakapit ito nang mahigpit sa laylayan ng aking damit, nanginginig ang maliit na katawan habang ang mga mata ay namumula na.

Ngunit ilang sandali pa, ang malalakas na iyak nito ay unti-unting humina at naging mga hikbi na lamang. Bago pa man ako makausad, nanghina ang mga tuhod ng maliit na nilalang at bumagsak ito nang tuluyan sa lupa, walang malay.

Isang mabilis na galaw ang naramdaman ko sa gilid ko. Bago pa ako makapagreklamo, mabilis na lumapit si Adelion at ibinaba ang talim ng kanyang espada sa mismong ibabaw ng walang-malay na bata.

Nanlaki ang mga mata ko. Awtomatikong humarang ang katawan ko para takpan ang bata, sabay angat ng tingin sa kanya nang may galit.

Hindi natinag si Adelion sa pagharang ko. Tinitigan niya ako nang mariin bago ibinaba ang kanyang espada sa kaluban nito.

Napatigil ako. "if ano?!"

I was ready to cut my wrist when a hand grabbed my blade.

But Adelion wouldn't tell Hestia that. He had no intention of explaining because he know she won't understand.

Nang makitang nagpapakatigas pa rin si Hestia at pilit na itinutulak ang sarili para iligtas ang bata, dahan-dahang tumalikod si Adelion.

Bago pa man makahakbang nang malayo si Adelion, kinuha ni Hestia ang isa pa niyang dagger mula sa kanyang bewang.

Mabilis siyang humabol at marahas na hinila ang kamay ni Adelion, pinagdaop niya ang kanilang mga kamay at mahigpit na pinag-intertwine ang kanilang mga daliri, habang hawak ng isa niyang kamay ang matalas na patalim.

Slash!

Gumuhit ang patalim sa balat nilang dalawa. Agad na dumanak ang sariwa at mainit na dugo na naghalo sa pagitan ng kanilang mga nakakuyom na palad. Napasinghap si Adelion sa gulat at sakit, napatingin sa naghahalong dugo bago matalim na tinitigan ang prinsesa.

Umilaw ang katawan ng batang nine-tailed fox.

Nanlaki ang mga mata ni Adelion sa labis na pagkagulat.

Ang naghihingalong bata na halos wala nang buhay ay biglang binaybay ng liwanag.

Sa harap mismo ng kanilang mga mata, mabilis na nagmulat ang bata, at ang mahinang aura nito ay biglang naging napakalakas.

Tulalang napatingin si Adelion sa bata bago dahan-dahang ibinalik ang panginginig niyang tingin sa magkalapat nilang mga kamay ni Hestia.

"This is impossible... N-No. I don't love her. I hate her! W-Who I love is Diana" he claimed on his mind.

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ni Adelion sa loob ng aking palad.

"Momma! Momma!" the child hugs me. Dahan-dahan kong binawi ang aking kamay at pinagmasdan ang batang Nine-tailed fox na ngayon hila hila ang dulo ng damit ko, kumikinang ang siyam na buntot nito sa gintong liwanag bago tumingin sa amin nang na parang kami talaga ang magulang nito.

Ngunit nang lingunin ko si Adelion, hindi pa rin siya nakagalaw. Nakatitig siya sa sariwang dugo sa kanyang kamay—sa dugo naming dalawa na naghalo. Ang kanyang mga mata na laging puno ng galit at lamig ay ngayon nababakas ng matinding kaguluhan at takot.

Oh.. anong problema nito?

Nangunot ang noo ko. "Dark magic? Ano na naman ba ang kasalanan ko sayo?" Marahas niyang hinawakan ang aking dalawang balikat, mas hihigpitan pa sana ngunit napaatras siya nang makitang dumaing ako sa sakit.

Napayukom ang kanyang kamao. Ang dugo mula sa kanyang palad ay pumatak sa tuyong lupa. Matagal siyang nakatitig sa akin.

To tell the fact... I know now. I know this body still respond to Adelion. And right now, I figure it out. Adelion loves me. He loves Hestia. He just don't want to admit it to himself.

Huminga ako nang malalim at napasandal sa isang malaking puno. "I hate you din, bwisit na 'to," bulong ko sa sarili habang itinatali ang isang pirasong tela sa sugat kong palad.

Naramdaman ko ang mahinang paghila sa dulo ng damit ko. Nang lingunin ko, nakatingala sa akin ang batang lalaki, nanghihingi ng pagkalinga at tila natatakot na maiwan.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.