CHAPTER 15 PANGANIB

? NAG-AABANG NA PANGANIB ?

"Ang cute2 talaga ng Baby ko, manang mana sa Mommy ang eyes mo Baby ko" I said habang pinapatawa si Baby, agad naman siyang ngumiti kaya natuwa ako.

"Manang mana talaga saakin ang eyes mo Baby, pareho tayong brown na may pagka gray ang ating eyes" I added.

Sa bawat pagngiti nya ay makikita mo talaga ang dimples na gumuguhit, paniguradong paglaki nito ay nakakaakit ang kanyang mga ngiti. Natawa ako sa mga naiisip ko.

"Woi, bawal kang mang chix ha?" Nakabusangot na sambit ko kay Baby. "Kawawa si Mommy pag nag chix ka kasi wala na siyang baby

"Did you miss your daddy?" Nalulungkot na Tanong ko sa Anak ko, kahit hindi pa siya akapagsalita ay alam kong naiintindihan nya ako, hindi siya umimik o ngumiti. " I also miss your Daddy " Sabi ko.

"You want me to carry you?" I said ng pilit akong abutin ni Baby, nasa Crib kasi siya ngayon, agad ko siyang kinuha at hinalikan ang tungki ng ilong nito. Natutuwa talaga ako lalo nat maririnig ko ang bawat tawa nito.

"Nang-gigil ako sa pinge mo Baby, ang sarap kagatin pero d pa pwede noh? Iiyak ka kasi at baka magalit si Daddy mo saakin Haha"

Sa tuwing wala na akong ginagawa sa Bahay ay kay Baby Talaga ako lalapit dahil kokompleto ang araw ko sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti ni Baby at nakakausap ko kahit hindi pa siya nagsasalita.

Ibinaba ko si Baby ng may tumawag sa phone ko, from Unknown number. Agad ko yung sinagot. "Hello?"

"Hi, it's me Mattew" nagulat ako , paanong alam nya number ko? Hindi ko pa naman siya binigyan ng number ko ha.

"I-ikaw pala 'yan, bakit may number ka saakin?"

" Secret"

"sus, may pa secret2 pa. Anyway, anong sadya?"

"Are you free tonight?"

"Why?"

"Gusto ko sana kitang ilabas "

"A— eh, Matt. P-pasensya kana ha, pero hindi pwede e, walang magbabantay kay Baby" I said.

Wala kasi rito ang personal yaya ni Baby dahil day-off niya ngayon, since wala rin nman akong gagawin kaya ilaan ko ang aking oras sa anak ko.

Parang Natahimik siya bigla sa sinabi ko "hello? Naririnig mo pa ako?"

"Mm yeah, sge sa susunod nalang " he said magsasalita pa sana ako kaso pinatayan na nya ako tawag.

Anyari dun? Hindi ko nalang yun ininda bagkos ay pinapatulog na si Baby dahil inaantok na siya at ganun rin ako.

———

"Maayos na ba ang pinagawa ko?" Seryosong saad ng isang misteryosong lalaki habang kausap nya ito ang kanyang kanang kamay na tauhan sa telepeno.

"Opo boss"

"Sisiguradohin mo lang na hindi papalpak ang pinaggawa ko sa'yo, naiintindihan mo?"

"Masusunod boss!"

Pagkatapos ng usapan ay binaba na nila ang tawag, napangiti ang Lalaki na parang Hari na naka upo sa Magarang at malaking upuan habang naninigarilyo ito at umiinom ng alak.

Napangisi siya ng malademonyo, ngisi na kakaiba at may pinaplano.

Sa kabilang banda naman ay nag t-taping na sila ni Jayden kasama ang mga ka co-artist nya, habang si Thaliyah ay nanonood lamang sa kanila na mukang nanonood ng Movie dahil parang totoo talaga ang ganapan na nangyari.

Kasama rin kasi siya sa lahat ng tapings ni Jayden, at kahit saan man magpunta si Jayden basta it comes to work ay nandun rin siya as Assistant ni Jayden.

"Okay, Start!" Sigaw ng Direktor at umupo at pinanood sila ng Mabuti kung tama ba ang mga galawan.

"Heyaah!" Sigaw ni Jayden ng maka-upo na siya sa Likod ng kanyang kabayo. Nakausot siya ngayon ng Itim na sombrero, shade, naka black na pang-ibaba at damit pang-itaas na kagaya ng sinusuot sa mga sundalo.

Ang lakas ng datingan nito na nakapagdagdag sa kanyang kagwapohan dahil bagay na bagay talaga sa kanya ang kanyang suot. Agad na tumakbo ang kabayo patungo sa isang masukal na kagubatan kung saan sobrang dilim.

"Walk slowly Hoshy" bulong na sabi nya sa kanyang kabayo kaya bumagal ang kanyang paglakad, parang tao ang kanyang kabayo dahil nakakaintindi ito sa mga sinasabi sa kanya ni Jayden at well trained rin si Hoshy (kabayo)

Nakaramdam siya ng takot sa Kagubatan pero kinakailangan nyang lumusong para matun-ton ang kanyang mga kalaban.

Habang dahan-dahang naglakad ang kabayo ay nakarinig si Jayden ng mga tunog ng Dahon kaya masisigurado nyang nasa malapit lang ang kalaban. Palihim nyang kinuha ang baril na nasa bulsa nya at kinasa ng dahan-dahan ang baril. Pinatalisan ng Mata at pandinig ang nagaganap.

Agad na ipinaputok ni Jayden ang kanyang baril ng may lumabas na kalaban, at sa isang putok lamang ay natamaan ito sa ulo.

"Headshot" sabi nya at inihipan ang baril na ngayon ay umuusok pa.

Pumalakpak ang mga nanonood sa shooting nya at nagsigawan dahi sa angking galing nito.

"Cut!" The Direktor shouted at sumabay sa palakpakan, bumangon rin ang lalaki na tinamaan ni Jayden sa ulo at tumawa.

Note : kaya na nun sa Editor para maging totoo talagang sa ulo tumama.

"Nice one!"

Maagang natapos ang kanilang shooting dahil wala namang mali sa bawat galaw nito, at e simplify pa ang iba upang mas maging maganda kapag naipalabas na sa Tv.

"Tubig, sir?" Pag-aya ni Thaliyah kay Jayden at binigyan ng tubig, agad yung tinanggap ni Jayden at inimom.

Pawis na pawis siya at pagod dahil narin buong araw silang nag sho-shooting at ngayon na rin ang last, maya-maya pa ay pwede na silang umuwi dahil tapos narin, dalawang araw narin kasi.

"Jayden" sambit ni Samantha ng makalapit siya kay Jayden, ngunit hindi siya nito binalingan.

"Nandito na naman ang impakta" bulong ni Liyah sa kanyang isipan ng nasa harap nya si Samantha at nakatalikod ito dahil kay Jayden siya nakaharap.

"Ang galing mo kanina, humahanga ako sa'yo" Samantha Said at pinunasan ang noo ni Jayden. Napairip nalang ng palihim si Thaliyah.

"Alam nyang may-asawa na si Sir, muka pang linta, lapit ng lapit" mahinang bulong ni Liyah ngunit hindi yun nakatakas sa pandinig ni Sam.

"What did you say? "

"Wala po Ma'am" napatakip siya ng Bibig at nililigpit na ang mga gamit.

Matapos ang paglilipit ng gamit ay saktong alas kuwatro na kaya oras na para umuwi. .

"Tara na sir, hinihintay na tayo sa airplane baka mahiya pa ang airplane saatin" pagtawag ni Liyah kay Jayden, tawa siya ng tawa sa kalokohan niyang siya lang rin ang tumawa habang si Jayden ay seryoso ng nagtungo papasok sa Eroplano.

Pero bago pa pumasok si Thaliyah sa Eroplano ay pakiramdam nya ay may nagmamasid sa kanila, kanina pa nya yun napapansin pero hindi nalang nya yun ininda dahil marami naman ang mga tao.

Sumunod siyang pumasok sa Eroplano kahit may pakiramdam siyang hindi maganda.

Iniisip nya lamang na baka sa pagod ito kaya Siya nagkaganito.

Samantalang si Celestine ay masayang nag titimpla ng Gatas sa kanyang Anak, masaya siya ngayon dahil susunduin pa nya sa Airport ang kanyang asawa at kaibigan nya dahil ngayon ang uwi nito.

"Baby, uuwi na si Da— " hindi pa man nya natapos ang kanyang nais sabihin ng biglang nabasag ang Family picture nila.

Nang pinulot nya ang basag na frame ay bigla siyang nasugatan, at kinabahan dahil parang may hindi magandang mangyayari.

"Ma'am ano pong nangyari?" Takang tanong sa kanya ng Maid dahil may narinig siyang bagay na nabasag.

"Haluh ma'am, nasugatan ka. Ako na po dyan"

"Hindi na, ako na, maliit lang naman ito" pagtanggi ni Celes at nang tingnan nya ang Frame ay sa litrato lang ni Jayden ang nabasag.

Ang lakas ng tibok ng kanyang puso at nanginginig siya habang tumitingin sa basag na litrato ni Jayden.

"J-jayden"

─────────────

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.