CHAPTER 16 MISSING
? MISSING ?
" NEWS ALERT!! Isang eroplano sumabog matapos lagyan ng Bomba ang loob, babae patay natagpuan sa tabing dagat palutang lutang at halos hindi ito makilala at ang iba ay —— "
Hindi ko napigilan ang sarili kong humagolhol ng iyak dahil sa narinig kong Balita. Hindi ko tinapos panoorin o pakinggan ang Balita dahil sa sakit ng puso ko. Halos gumuho ang mundo ko ng may sumabog na eroplano.
Ang daming tanong na nabubuo sa aking isipan, what if hindi pala yun ang eroplano ang sinakyan nila ng Asawa ko? Inion ko agad ang Tv pero wala na ang Balita. Tapos na, pero bakit nahulog ang Frame namin ni Jayden? Hindi ko maiwasang hindi mangamba at ang mga luha Ko'y walang tigil sa pag-agos.
Natataranta ako ng sagutin ko ang Phone ko, Si Mama at Papa tumawag.
"M-ma" My voice Cracked.
"N-abalitaan mo Yung balita anak?" Tanong ni Mama saakin sa kabilang linya, tumango ako kahit hindi nila ako makita, bakas sa boses nya ang pag-alala at umiiyak ito.
"Si T— thaliyah"
"M-ma? Anong nangyari sa pinsan ko? "
"N-nak, si Thaliyah ay p— patay na" bigla kong nabitawan ang phone ko dahil sa narinig ko.
So ibig sabihin si Jay—
Hindi!
"A-nak, andyan ka pa?" Hindi ako makasagot sa tanong nya bagkos ay umiyak ako ng umiyak.
"Hindi totoong wala na si Thaliyah ma! Ma, d ba hindi?"
"Nandito ako sa Hospital ngayon, i text ko ang Location , andito ako sa Morgue"
Halos nanghina na ang tuhod ko at iniisip na sana hindi yun si Liyah.
Na sana hindi totoong wala na siya.
Nakisuyo muna ako sa mga Yaya na pakibantayan ang anak ko, nag suot ako ng shade bago pumunta sa Hospital.
Ang lakas ng pintig ng puso ko at mukang nagdadalawang isip ng pumasok pero nandito na ako, nagtanong muna ako sa mga staff rito kung saan ang pinsan ko.
Nanginginig kong tinahak ang loob ng hospital papunta sa kinaroroonan nya, nasa malayo pa nga ako pero nakita ko na si Mama na umiiyak habang pinapatahan ni Papa, at nandun rin si Tita? Si Tita. Mama ni Liyah.
Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha, nanginginig ang aking mga kamay at binti.
"A-anak" tumingin sila saakin at niyakap ako, pulang pula narin ang mga mata nila Mama ganun rin si Tita. Nang makita nya ako ay mabilis nya akong niyakap at umiyak ng umiyak si Bisig ko.
Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na umiyak, umiyak sa sakit na nadarama.
Bakit?
Dahan-dahan kong inalis ang puting tela na nakatabon sa mukha nya, halos hindi na makita ang kanyang mukha dahil sa sunog ito.
at dito na mas lalo akong umiyak ng makita ko ang Bracelet na nasa kamay pa nya.
Itong bracelet na'to ay ibinigay ko sa kanya nung elementary kami, mayroon din ako nito na ibinigay nya.
"Liyahhh! " Humagolhol ako, sobrang sakit. Sobrang sakit na mawalan ng kaibigan.
Siya ang pinsan ko, kaibigan ko at higit sa lahat ang itinuring kong Kapatid.
Iniwan na muna ako nila Mama at Tita para mailabas ko ang sakit.
"A-akala ko ba, w-walang iniwanan? Pero bakit nauna ka! Nauna kang magpunta sa Langit?"
"Ang daya mo Liyah! Wala na akong kakampi! Wala na akong masasabihan sa mga problema ko o pinsan na malalapitan"
"Andaya mo! Gumising ka Liyah! Wag mo naman akong iwan " pilit kong niyugyog ang kanyang katawan pero hindi e, wala na siya. Hindi na siya muling magigising pa.
"Please Liyah, nagmamakaawa ako sa'yo please b-umangon ka.
... Gumising ka! Alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang kaibagan ko tapos iiwan mo ako?
W-wala ng magtatanggol pa saakin pag may nang-away saakin dahil wala kana kaya please gumising ka!
". Halos wala na akong boses maisigaw o masabi dahil namamaos na ako, pero patuloy ko paring hinihiling na sana panaginip lang to.
.
Sinampal sampal ko ang aking mukha pero sakit lang ang aking nararamdaman.
"L-liyah huwag ka namang magbiro" niyakap ko siya na para bang wala ng bukas, at yung yakap kong ito ay wala na talagang bukas dahil ito na ang huli.
Ang huling yakap... Kahit hindi ako makatanggap ng yakap nya pabalik.
Ang masasaya naming pagsasama ay maging masasayang mga ala-ala nalang, siya ang nandiyan palagi saakin pag malungkot ako, marami siyang alam saakin kaysa sa parent's ko.
"Liyah, p-please, yakapin mo ako pabalik " Sabi ko at ipinikit ang aking mata, nakaramdam ako ng malamig na hangin ang tumama sa katawan ko at parang ang hangin na to ay isang yakap. Mas lalo lang akong humikbi ng maramdamn ko ang mga yakap ni Liyah, yakap ng hangin.
Ilang oras akong ganun at napagpasyahan ko ng lumabas, paglabas ko ay nandun parin sina Mama, papa, at Tita. Umiiyak..
"Ma, Ang asawa ko?" Bigla kong tanong ngunit umiling-iling lang sila.
"M-ma?"
"H- indi pa natagpuan" — Papa
"Maraming buhay ang nasawi, may mga bangkay pa ang hinahanap sa gitna ng Tubig Dagat, ngunit ang natagpuan una ay ang Pinsan mo dahil nasa tabing dagat na ito't hindi makilala"
Si Liyah pala ang binalita.
"Ma, ang asawa ko. Ma, pa" halos nagwawala ako dahil hindi nila makita ang asawa ko at hindi pa nahanap.
"Huwag kang Mag-alala Anak, mahahanap rin natin si Jayden" sambit ni Mama ng nagsipatakan na naman ang aking mga luha.
" Paniguradong buhay pa siya, dahil wala pang bangkay" — Mama
"Saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Mama ng patakbo akong umalis sa Hospital.
"Hahanapin ko ang asawa ko"
"Anak, sila na ang bahalang maghanap"
"Ayoko Ma, mas gugustohin kong maghanap ma kaysa magmomok-mok, at naniniwala akong buhay pa siya, buhay pa ang asawa ko may bangakay man o wala ". Pagkatapos kong sabihin 'yun ay mabilis akong lumabas ng Hospital.
Nagpunta agad ako kung saan natagpuan ang bangkay ng Pinsan ko, pagkarating ko lamang dun ay ang kalat- kalat ng paligid.
May mga bangkay na nagtipon-tipon na at dinala na sa Morgue.
Mga basag ng Eroplano, mga gamit. May mga police rin ang andito, rescuer, ambulance, May nag Chopper na palibot libot sa himpapawid at may nag bangka rin sa tabing Dagat upang mahanap ang ibang mga naaksidente.
"Sir, ano pong balita?" Tanong ko sa Police ng makalapit ako.
"For now, patuloy parin naming iniimbestigahan kung sino ang naglagay ng bomba sa Loob sanhi ng pagsabog ng eroplano"
So ibigsabihin may naglalagay ng Bomba sa Loob?
Sana buhay pa ang asawa ko, hindi ko matatanggap at makakaya kapag mawala siya. Celes, tiwala lang. Mahahanap at mahahanap rin natin si Jayden.
"Celes". Napalingon ako sa Likod ko ng may tumawag sa pangalan ko.
" Matt?"
" Anong ginagawa mo dito Matt?"
"Nabalitaan ko kasing may sumabag na eroplano at dito yun, kaya pumunta ako dito". Napatango ako " and nakikiramay ako sa pagkamatay ng yung pinsan". Tka? Paano nya nalaman?
"Salamat" mahina kong sambit.
Maya-maya pa ay napagdesisyonan na nyang umalis dahil may gagawin pa raw siya at saktong pag-alis nya ay dumating si Papa at Mama.
"Anak, pinapatulong ko sa Paghahanap ang mga taohan ko ang Asawa mo".
"Thankyou pa"
"Wala pa bang mga bangkay na iba ang nahanap?" Biglang Tanong ni Papa.
"Wala pa, napunta na nga sa Kabilang isla pero wala parin "
"Anak?"
"Po?"
"Yung babaeng kinukwento mo yung ka partner ng Asawa mo, dba kasama sila ni Jayden?". I don't kung bakit yun natanong ni Papa , tumango ako.
"Natagpuan rin ba?" Tanong niya na may pagtataka.
"Hindi, hindi ko napansin". And there andaming tanong na naman ang nabubuo sa aking isipan.
What if patay na rin siya?
Sila nalang dalawa ng asawa ko ang hindi pa nahahanap, pero sana. Makauwi sila ng Ligtas at nasa mabuti silang kalagayan ngayon.
─────────────