CHAPTER 33 MATTEWS DEATH
? MATTHEW'S DEATH ?
"NEWS ALERT ?? ISANG LALAKI NAKATAKAS SA KULUNGAN, PATAY MATAPOS MAGWALA AT TUMALON SA ITAAS NG BUILDING " rinig kong report sa Balita, nandito ako sa Sala habang ang mag-ama ko ay masayang naglalaro sa playground na nasa Likod ng Mansion.
Grabe naman, bakit naman siya tumalon sa building? Ano bang kasalanan nya?
Tumayo ako at kumuha ng Juice sa kitchen habang nakikinig sa Balita, pero ang susunod na sinabi ng reporter ay siyang napanginig saakin.
"ANG LALAKING NàGPAKAMàTAY AY WALANG IBA KUNDI SI MATEW VILLAMONTE, AYON SA MGA NAKAKITA NAGWALA ITO NA PARANG BALIW AT SUMISIGAW DAHIL SA SAKIT NG ULO HANGGANG SA NAKITA NA LANG NILA ITONG NAHULOG SA MATAAS NA BUILDING, YUN LAMANG PO. NAGBABAGANG BALITA
_ ROXANNE "
Pagkatapos marinig ang balita ay nabitawan ko ang hawak kong baso dahilan sa pagkabasag nito.
Hindi ko alam anong mararamdaman ko, its been 4 days since dumalaw kami ni Jayden kay Mattew, nung nakita ko siya ay halos hindi siya ang dating Mattew na nakilala namin dahil sa lagay ng kanyang katawan.
Namamaga ang Mata na parang walang tulog, at laging nakahawak sa kanyang ulo pero galit na galit siya ng makita nya kami.
Tinry naming tanungin ang mga naroon kung may sakit ba si Matthew pero wala silang Alam, tapos ngayon mababalitaan na lang naming nàgpàkàmàtày siya.
"Hey, wifey? What's wrong? " Pag-alalang tanong saakin ni Jayden ng makita nya akong walang kibo at tumutulo ang aking luha.
Sinuri nya ang kamay ko kung may gasgas ba ako bago tinawag ang Maid namin para linisin ang basag na Baso.
" Wala na si M-attew " I said while crying, kahit ganun siya Kasama at ang mga ginawa nya saamin.
Alam kong malaki ang kasalanan ni Mattew saamin pero naaawa ako sa sinapit nya.
Hinaplos haplos nya ang aking balikat "Shhsh tahan na okay? " Tumango ako sa sinabi nya bago ko siya ginantihan ng yakap, pero alam ko sa boses nya ang lungkot.
Mga ilang segundo lamang ay biglang tumunog ang Cp nya at Cp ko kaya sabay namin yung sinagot, it's Mommy Maurine ang tumawag saakin.
"Hello Celes, napanood mo ba sa bali- " I didn't let her finish what she wanted to say " Oo mmy, nakakaawa ang sinapit nya " I said and wiped my tears. Yun lamang ang tinawag saakin ni Mommy bago ako pinatayan ng tawag. Nang ibinaling ko ang tingin kay Jayden ay seryoso siya sa kausap nya.
" You still won't go home after what you heard about Kuya? " Jayden coldy said, at napagtanto kong si Tita Lucy pala ang tumawag.
"Dàmn! " He cursed bago nya binabaan ng tawag.
"Sina Tita yun? " I asked, tumango siya "Anong sabi? " Curious kong tanong.
"Hindi sila uuwi dahil may importanteng kailangan pa silang ayusin sa States " sagot nya.
"Pero sino ang - " hindi ko natapos ang nais kong sabihin ng sumabat si Jayden saakin. " His Mother " he said briefly.
Nababasa nya talaga ang utak ko kaya hindi na ako muling nagtanong pa.
I'm always like this, ayokong may nakikita akong umiiyak dahil maiiyak rin ako.
Bahagya akong hinalikan ni Jayden bago tuluyang pumasok sa Loob, pagkapasok ko ay nakita ko ang bangkay na nay telang nakatabon. I know it's Mattew.
Nang makita nila kami ay bahagya pa silang nagulat pero napawi rin yun ng niyakap ko sila. Parang sumakit ang puso ko dahil sa nakita ko.
" Nakikiramay ako sa'nyo Tita, Sam. " Sabi ko
Maya maya pa lamang ay nag usap muna kami saglit, hindi nila papatagalin si Mattew na na sa Kabaong dahil kawawa ang sinapit nito, d?rog ang kanyang ?lo't bali ang kanyang katawan na halos hindi na siya makilala dahil sa lakas ng pagkabagsak nito sa Lupa.
Narinig ko rin na may sakit si Mattew kaya siya nagwawala, sinubukan kong itanong 'yun sa kanila pero wala silang naging sagot.
Maski ni Jayden ay hindi nila sinabi kaya wala akong magawa, alangan namang pipilitin ko sila na sabihin saakin and also they have rights after all because anak at kapatid nila si Mattew..
Maya maya pa lamang ay may dumating na dalawang lalaki at kinarga ang kabaong ni Mattew para ilibing na, hindi na kami sumama sa paghatid dahil nahihilo ako at may asikasohin muna saglit si Jayden sa Company.
Pero bago pa kami nakaalis ni Jayden ay tinawag ako ni Samantha.
"Pwede ba kitang makausap kahit saglit lang? " She asked, I feel sorry for her dahil alam ko rin kung gaano kasakit ang mawalan ng Kapatid, I know hindi sila okay ni Mattew at hindi alam ni Mattew na magkapatid sila.
Tumingin ako kay Jayden, nginitian nya lamang ako at nauna nang pumasok sa sasakyan at maghihintay lang raw siya saakin.
"Ano bang pag-usapan natin? " Maikli kong tanong.
" Sinabi namin ni Mommy kay Kuya na kapatid ko siya, at first hindi siya maka paniwala at nagalit siya saamin.
Galit na galit pero ang galit nyang yun ay nabahiran ng lungkot at pagsisisi, niyakap nya kami pabalik ni Mommy.
". Sabi nya, so alam na pala ni Mattew na Kapatid nya si Samantha pero bakit siya nàgpàkàmàtày?
"Sobrang saya namin ni Mommy ng tinanggap nya kami, humingi siya ng tawad saamin at sa'yo. Nagsisisi siya sa ginawa nya sa'yo kaya inutusan nya akong ako ang hihingi ng tawad sa'yo para sa kanya at para saakin. "
"Huh? "
"Sorry " she said Briefly, nagulat ako sa binigkas nya pero hindi ko 'yun pinahalata.
" Gusto kong humingi ng tawad sa'yo sa mga nagawa ko at nagawa ni Kuya sa'yo, inaamin ko pinagsisihan ko 'yun dahil alam kong mali yun at - "
" Pinapatawad na kita " diretso kong sambit sa kanya, nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mukha at saya.
Naramdaman ko na lang na niyakap nya ako at nagpapasalamat.
Ngumiti ako sa kanya pabalik, pero sometimes may mga panyayari talagang hindi mo inaasahang darating sa buhay mo, at kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ng tao ay handa kang magpatawad
Ngunit sa kabila ng lahat ng kasalanan o ginawa ng tao sa'yo , may mga sugat talaga na hindi madaling maghilom.
Hindi lahat ng bagay ay naaayos ng isang simpleng paghingi ng tawad. Minsan, ang pinakamasakit ay hindi ang mga pangyayari kundi ang mga alaala na iniwan nito, patuloy na nagpapahirap sa kalooban at nagbibigay ng walang katapusang sakit.
_________________
Habang nagmamaneho si Jayden ay tahimik lang akong nakatingin sa labas ng sasakyan at napahawak nalang ako sa aking ulo dahil sa sobrang sakit nito na hindi ko maiintindahan.
"Hubby, ihinto mo saglit ang kotse " utos ko kaya agad nya itong hininto, dali-dali ko itong binuksan ang pinto at lumabas.
Pagkalabas ko ay sumuka ako ng sumuka at parang mawawalan ako ng balanse sa katawan.
" Drink water " inabutan nya ako ng tubig kaya agad ko 'yung nilagok lahat.
"Are you okay Wifey? " Pag-alala nyang tanong saakin at hinaplos ang likod ko.
"Yeah, okay lang ako " sabi ko at bumalik na kami sa kotse.
"Nag-alala ako sa'yo, pupunta kaya tayo sa Hospital? " Sambit nya.
" May aasikasuhin ka pa sa Company "
"You are more important to me than my Company " sambit nya kaya napangiti ako, I know importante rin ang gagawin nya roon kaya ako na lang ang pupunta sa Hospital.
" Ito na lang, ibaba mo ako sa may Hospital at dritso ka na sa Company okay? " I said.
"How about you? "
" Kaya ko naman na ang sarili ko, okay? " I said and kisses his lips.