CHAPTER 34 DISEASE
? A KIND OF DISEASE ?
Matapos kong hinatid ni Jayden sa Hospital ay hinalikan na muna nya ako ulit bago nagpapaalam, kumaway ako sa kanya bago nag sarado ang bintana ng kotse.
Pagkapasok ko sa Hospital ay marami akong nakikitang mga pasyente, ang iba ay umiiyak sa sakit ng kanilang katawan, may lagnat at humihingi ng tulong o nanlilimos para raw gamot sa kanyang anak.
Nilapitan ko ito't binigyan ko ng pera, laking tuwa at pasasalamat nya saakin dahil sa binigay ko kaya napangiti ako dahil kahit minsan ay may natutulungan ako.
Napakamot ulit ako sa ulo ko dahil kumirot ito ng kauti, at nang tingnan ko ang palad ko ay may mga buhok ang nasa kamay ko, bakit na tanggal iba kong buhok?
I sighed bago pumunta sa Nurse,
May pinermahan pa ako at nag wait ng ilang minuto bago tawagin ang pangalan ko, nag cp muna ako para na rin malibang kaunti ang buhay ko rito.
" Mrs. Villamonte, please Come inside " rinig kong tawag ng assistant ng Doctor saakin.
"Mrs. Villamonte, please come inside. Your next" pag-ulit nito kaya agad akong tumayo at pinihit ang doorknob para pumasok na.
Sinenyasan ako ng Doctor na umupo at ngumiti saakin bago nagsalita.
"How may I help you? "
" Gusto ko lang mag pa check-up Doc, I always have a headache and get tired easily, so I thought of going for a check-up to find out what's going on with me " Mahabang lintaya ko.
Tumango siya sa sinabi ko at tumayo, may kinuha sa maliit nyang Box at inilabas ang isang Syringe.
" Kukuhanan muna kita ng blood, para masuri kung anong dahilan kung bakit ganyan ang Karamdaman mo " sambit nya saakin at itinutok ang syringe sa braso ko, hindi naman masakit kahit napaka tulis at haba ng karayom. Parang kagat lang ng langgam.
Dumaan kami sa pag blood test ng doctor saakin saakin, at mga 30 minutes ang tinagal non bago matapos.
Dinaan pa sa Laboratory at dinouble check pa if yun na ba ang kalabasan.
Parang may kung anong something akong nararamdaman ngayon, na para bang sinasabi sa aking isipan na huwag na lang tingnan o alamin ang magiging resulta.
I don't know what's happening to me, napaparanoid na siguro ako. Haha
__________
" Doc, anong resulta, okay lang ba ako? " Tanong ko ng pumasok na ang Doctor habang may dala ng result paper.
Umupo siya sa upuan nya at malungkot na tumingin saakin.
"Bakit ho doc? " Taka kong tanong.
"Mrs. Villamonte, kung ano man ang malaman mo sa resulta dapat maging handa ka sa marinig mo " pagsisimula ni Doc.
Bakit ganun siya magsalita? Tumango na lamang ako sa kanya.
"Lumabas na nga ang Resulta kong bakit madalas sumasakit ang ulo mo at manghihina ka dahil may sakit kang Syphilis. "
"Syphilis? Anong klaseng sakit yan? "
" Ang syphilis ay isang impeksiyon na dulot ng bacteria na Treponema pallidum at ito rin ay isang sexually transmitted infection (STI) na maaaring maipasa sa ibang tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Kapag ang isang tao ay may syphilis, maaari niyang maipasa ang impeksiyon sa kanyang sexual partner. "
"Doc? Ano!? May syphilis ako? " Taka kong tanong.
"Yes Mrs. Villamonte, based sa result naging malubha na ito kaya mas lalong sumasakit ang 'yung ulo at pwede mo itong ikamatay. " Hindi ako makapaniwala na may ganoong sakit ako, pero saan ko naman ito nakuha?!
Wala namang sakit si Jayden at wala akong ibang nakatalik —
Hindi!
Tumulo ang aking luha ng maaalala ko ang kababoyang ginawa saakin ni Mattew!
Umiling ako, hindi kaya may syphilis si Mattew at napunta ito saakin?
Syphilis ba ang dahilan ng pagtamlay at pagsasakit ng ulo ni Mattew kaya siya nàgpàkàmàtày o oras na nya talaga yung pagpanaw kaya siya nagpahulog?
"Kung ganon, may possibilities ba na Mahawa rin ang nakatalik ko? " Tanong ko.
"Yes, dahil nagkaroon ka ng ganitong sakit ay may posibilidad na mahawaan ang naging katalik mo at kapag hindi ito nagamot agad ay maaring ikapanaw nya ito " para akong binuhasan ng malamig na tubig.
" Kagaya ito ng HIV? " tanong ko, umiling siya saakin.
"Not really, ang pagkaparerho lang nila ay maipasa ang sakit na ito through sèx, pero hindi talaga sila magka pareho dahil ang HIV ay walang lunas samantalang ang Syphilis ay meron kapag bago pa lang ito at hindi pa lumala. "
" Isa rin sa differences nila ang Syphilis ay dulot ng bacteria, samantalang ang HIV at duot ng Virus " pag papaliwanag pa saakin ni Doc.
Parang sasabog ang utak ko dahil sa mga narinig, at ang mas malala pa roon ay mayroon ako at possibleng mahawaan ko si Jayden.
" Pero paano ako? "
"Pasensya ka na Mrs. Villamonte pero may taning na ang buhay mo dahil sa hindi mo ito nagamot agad, bibigyan kita ng gamot para dito at sisiguraduhin mong makakainom ang nahawaan mo nito para maging maayos siya, pwede mo ring subukan na uminom nito pero kapag walang epekto sa'yo, I'm sorry wala na akong magagawa. "
Binigyan nya ako ng Gamot na pwede naming inumin.
"Ito ay Doxycycline, ito ay uri ng antibiotic na ginagamit upang gamutin ang iba't ibang bacterial infections, kabilang ang syphilis. Kabilang ito sa klase ng tetracycline antibiotics at gumagana sa pamamagitan ng pagpigil sa paglago ng bakterya. "
Matapos ang usapan ay umalis agad ako sa Hospital dala2 ang gamot at resulta, para akong wala sa sarili ng malaman ko kung ano ang nangyayari saakin.
Ikakasal pa ako tapos ito ang malaman ko, ang may taning ang aking buhay.
__________________
Hindi ko na ba makikitang lumaki at pupunta ng paaralan ang aking anak dahil sa kalagayan ko ngayon ?
I wiped my tears ng mapansin kong nagsimula itong lumabas, nakatulala ako sa kisame habang iniisip ang mga sinabi ng Doctor.
Pero alam nyo ba ano yung mas masakit?
I have 30 days to live, and sa last day ng buhay ko ay saktong sa kasal pa namin ni Jayden!
Anong gagawin ko? Ayoko siyang makitang nasasaktan dahil sa lagay ko ngayon.
Kakatapos ko lang inumin ang gamot na ibinigay saakin ni Doc kahit alam kong nag fifty-fifty ang buhay ko, kumuha ako ng isa para kay Jayden.
I need to do something para hindi nya mahalata.
" Are you okay? " Halos tumalon ako sa gulat ng pumasok si Jayden sa kwarto at mabuti't natago ko na ang result paper at gamot.
" Ahh yeah "
" how's the check -up? "
Hindi ko alam anong maisagot ko. " Ah e, dahil lang raw sa kulang ng tulog kaya nagkaganun ako " pagsisinungaling ko.
Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa labi, " I told you, Don't Forget to take a rest " sabi nya at pinitik ng mahina ang noo ko.
" Are you thirsty? Ikukuha kita ng tubig para makapagpahinga ka na okay?" Sambit nya. Akmang lalabas na sana siya ng pinigilan ko siya, tumitig siya saakin at naghintay sa nais kong sabihin.
"Ako na lang ang kukuha ng tubig, need mong magpahinga okay? Saglit lang to. Ikukuha rin kita " pag presenta ko.
Tumango naman siya dahil namilit ako kaya mapait akong ngumiti pagkatalikod ko, gusto kong umiyak sa harapan nya pero hindi ko magawa.
Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig, Nang mapansing walang tao ang kusina ay agad kong kinuha ang gamot sa bulsa ko, ito ay uri ng tablet kaya dinurog durog ko ito hanggang sa maging pino at nilagay sa kanyang tubig, hinalo halo ko 'yun at nang mapansing natunaw na ay aga akong nagtungo sa kwarto.
" Here, drink first before we sleep " I said, agad nya itong tinanggap at nilagok lahat.
Sana eepekto sa'yo ang gamot para gumaling ka at ikaw ang magpatuloy na magpalaki sa anak natin kahit wala na ako sa tabi nyo.
" Why are you crying? " Taka nyang sambit saakin at lumapit, umiling ako sa kanya't napahikbi.
"Masaya lang ako "
"Masaya saan? "
"Dahil nandito ka sa tabi ko " pagsisinungaling ko at yumakap ng mahigpit sa kanya.