CHAPTER 35 BREAKING UP

? brEAKING UP ?

Ganoon lagi ang ginagawa ko sa kanya sa tuwing papainomin ko siya ng tubig, mabuti't hindi nya yun napapansin.

Samantalang ako, nagsisimula ng manghina, mahihilo at sa nagsimula na akong mag ka rashes, tapos nung isang araw ay nilagnat ako, alalang-alala saakin si Jayden but I always saying na sa pagod lang 'to.

Hindi umepekto saakin ang gamot.

He even convinced me na mag pa check-up ulit pero tumanggi ako, ang kulit nya kaya madali akong nagalit sa kanya.

It's been 1 week simula nung nalaman kong may syphilis ako, ang sakit lang sa dibdib isipin na bakit nag ka ganito pa ako!?

Hindi na rin ako madalas lumalabas ng Mansion.

I have 23 days left bago ako mawawala sa mundo.

Wala ring saysay kung ipagpapatuloy ko ang kasal namin ni Jayden kung mawawala lang rin naman ako.

" Mom, May I come in? " Rinig kong katok ni Michael sa pintuan kaya mabilis kong pinunasan ang aking luha.

"Yes dear, hindi 'yan locked " mahina kong sigaw kaya rinig ko ang pag bukas ng pinto.

Nang makita nya ako ay mabilis siyang lumapit saakin at niyakap nya ako, "I'm worried about you Mom, lagi ka na lang napapagod " ngumiti ako sa Kanya't hinalikan ang kanyang noo.

"I'm sorry Baby if pinaworried ka ni Mommy, pasensya ka na ha, don't worry mag rerest na rin si Mommy sa tamang araw"

" Why mom? Bakit naman hindi ka ngayon mag rest? Para hindi ka na mapagod " Inosente nyang tanong saakin.

" Hindi pa oras ni Mommy eh "

" What do you mean Mom? "

" Nothing, don't worry ayos lang ako okay? "

Bigla na lang sumakit ang aking dibdib at nagsimula na namang nagsilabasan ang aking mga luha.

Ang sakit sakit lang, hindi ko na makikitang lumaki ang anak ko. Pero masaya ako, masaya ako dahil kapag mawala man ako ay may alalaang maiiwan si Jayden.

Yun ay si Michael.

"Mommy, stop crying " he said and wiped my tears gamit ang maliit nyang hintuturo.

"I'm not crying baby eh, happy lang si Mommy" sambit ko at tumayo.

Nagtungo kami sa terrace, may terrace sa likod ng kwarto eh at umupo kami sa upuan na andito, pinaupo ko siya sa aking lap at niyakap patalikod.

"Baby, I have one question " malungkot kong sambit at pinigilang huwag humikbi.

" Ano po yun Mom? "

" What if mawala si Mommy? Will you cry? "

" What kind of question is that Mommy, opo iiyak talaga ako dahil wala ka. It's hurt inside Mom kapag mawala ka ayaw kong manyari yun. " sambit nya, napangiti ako ng mapait at napakagat sa sariling labi.

" Mom, hindi mo naman kami iiwan ni Daddy, right? " Humarap siya saakin at naghintay sa sagot ko.

"Bakit ka ba ganyan Mommy? I don't know what's happening to — " I cutt him off , nilagay ko ang aking hintuturo sa nakanguso nyang bibig tyaka nagsalita.

" Well, Mommy will take a rest lang naman. If mommy will gone, don't cry. Just look at the star dahil andyan lang naman si Mommy, masayang nakatingin sa'yo " Sambit ko.

" Anong ginagawa mo sa Star Mom? " Napatawa ako sa tanong nya, ang inosente pa talaga ng Anak ko para pagsabihan ng gan'to.

" Because Mommy will......"

" Perish " mahina kong sambit pero hindi ko akalaing maririnig nya.

Kaya lumayo siya saakin at umiyak.

" I hate you Mom! Akala ko ba hindi mo kami iiwan ni Daddy pero bakit ka mawawala? " He said at umiyak ng malakas.

" Baby, I'm sorry " tanging nasabi ko na lang bago ko nakita si Michael na umalis.

Hindi ko man gustuhin na saktan siya sa sinabi ko pero gusto ko lang maging bukas ang kanyang isipan. Alam kong sa ganitong mga bagay ay hindi dapat siya sinasabihan nito dahil masyado pa siyang bata pero wala akong magawa dahil nasabi ko.

Napahagulhol ako ng iyak at tumayo papunta sa kama.

Pagkahimas himasan ko ay nag tungo ako sa kwarto ni Baby pero locked ang pinto.

Ni locked nya ito na mas lalo kong napahagulhol.

" Baby, I'm sorry. Buksan mo ang pinto ouh ". Sabi ko sa labas ng pinto pero hindi ko siya narinig na sumagot.

" Ma'am, may susi po. Buksan ko ba? " Sambit ng Yaya nya. Umiling ako " hayaan mo na natin siya " I said at bumalik sa kwarto.

Galit ang anak ko saakin, sana pala'y hindi ko na lang sinabi ang ganoong bagay.

Maya maya pa lamang ay naisipan kong mag-ayos dahil para na akong ligaw sa Mansion na walang suklay suklay.

Kahit masakit ang ulo ko na suklayin ay sinubukan ko. But I never expect na sa pagsusuklay ko sa aking buhok ay malalagas ito.

Marami, maraming natatanggal sa aking buhok kaya nabitawan ko ang suklay at umiyak habang hawak hawak ko ang mga buhok kong natanggal.

Humarap ako sa salamin, ng makita ko ang itsura ko ay mas lalo akong napaiyak.

Para akong walang tulog ng ilang buwan dahil sa itsura ko, ang mata ko'y namamaga dahil sa kakaiyak ko.

" Wifey, I'm hom— "

" Wife? What's wrong? " Pag alalang Tanong saakin ni Jayden pagkapasok nya.

" Jayden, let's break-up "

" Wait. What? Ano!? "

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko! Ang sabi ko is maghiwalay na tayo " masasabi ko rin na madali akong magalit kahit na sa maliit na bagay.

" Wife, what's wrong? Did I do something wrong? " Umiling ako.

Umiling ako sa tanong nya saakin. " Yun na man pala eh pero bakit ka makipag hiwalay saakin. May anak tayo at malapit na tayong ikakasal kaunting araw na lang "

Yes, kaunting araw na lang pero para saakin malapit na dahil yun na ang huli kong araw!

" Ayokong makasal sa'yo. Itigil na tin ang kasal. " Bigla kong sabi sa kanya at pinigilang tumulo ang aking luha.

Nagsimula na namang manakit ang aking dibdib dahil sa mga sinasabi ko, pero I know na ginawa ko to dahil ayaw ko siyang masasaktan na ikasal kami pero mawawala naman ako sa tabi nya.

Pero sa ginagawa ko ngayon ay sinasaktan ko siya.

" Ano bang nangyari sa'yo? Wala naman tayong problema ah. Bigla bigla ka na lang nagkaganyan " nagtangka siyang lumapit saakin pero sinigawan ko siyang huwag siyang lumapit.

"Hindi ka ba talaga nakakaintindi? Maghiwalay na tayo at icancel mo ang kasal natin. Dahil ayaw kong makasal tayo! " I shouted at him na ikinahinto nya.

Pagkatapos kong sabihin 'yun ay malamig nya akong tiningnan at unti-unting pumatak ang kanyang mga luha.

Ito ang ayaw ko eh!

Ang makikita siyang nasasaktan sa harapan ko, umiwas ako ng tingin sa kanya. pero I'm sorry, ginawa ko lang ang tama.

"Do you think it's easy? " Rinig kong sabi nya saakin..

Alam kong hindi madali pero mas lalong hindi naging madali saakin ang pinagdadaanan ko ngayon!

" I loveyou, mahal na mahal kita Celestine kaya hindi maging madaling maghiwalay tayo, naisip mo ba na masasaktan ako sa tuwing ginagawa mo 'to saakin? " Tumingin ako sa kanya, at sa pagtingin ko ay pinahiran nya ang kanyang mga luha.

" Hindi kita mahal kaya ayaw ko ng makasal tayo kahit may anak tayo! " Malamig kong saad.

" Wife, Ano ba Talagang nangyari sa'yo?please wag naman ganito ouh. Sabihin mo saakin please. Makikinig ako " he beg pero inilingan ko lang siya.

" Wala akong dapat sabihin sa'yo! Wala. Kaya paki cancel ng wedding na tin. " I said at akmang lalabas pero pinigilan nya ako't niyakap.

" Wife, Hindi ko kaya ang mawala ka. Huwag mo akong iwan. " Pero dapat mong kayanin Jayden.

Dahil balang araw ay araw-araw na akong wala sa tabi mo.

Bilang na lang ang araw ko.

" Gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong hiwalayan. Please kahit magmamakaawa ako sa harapan mo. Huwag mo akong pahirapan ng ganito. I can't live without you " there, My tears starting to fall ng lumuhod siya sa harapan ko't niyakap nya ang binti ko.

Mas lalong kumirot ang puso ko sa ginawa nya.

Pero wala eh, ito ang kapalaran ko dahil sa kababoyang ginawa saakin ng Kapatid nya!

Should I really deserved this?

" Wifey, please. I'm begging you. Huwag mo naman sana akong durugin. Alam mo bang nag bago ako simula nung nakilala kita at natutunan kitang mahalin? Kaya huwag naman ganito ouh. "

" Bitawan mo ako Jayden " sambit ko na lang matapos kong Pinahiran ulit ang mga luhang nagsibagsakan.

Umiling siya saakin at hinigpitan ang pagkayakap sa paa ko't nakaluhod.

" Ano ba! Hindi kita mahal kaya pakiusap. I cancel mo ang kasal dahil hindi ako ang babaeng nararapat para sa'yo. "

" Wife, h-huwag mong sabihin yan saakin. Maawa ka saakin. I can't see my self without you." Halos pumiyok ang boses nya ng sabihin nya yun.

" Ikaw, ikaw lang ang nararapat saakin. Magbati na tayo okay? Please kung ano mang nagawa kong mali patawarin mo ako. Forgive me please. ayoko ng ganito. "

Napailing ako't naitulak siya dahilan napabitaw siya ng yakap sa aking binti.

" Pag niyakap mo ako. Wala ka ng ako " I said kaya napahinto siya't nagmamakaawa na huwag kong gawin.

Namumula at namamaga ang kanyang mata na puno ng luha.

I know it's hurt. It's really hurt, narinig ko pa siyang tinawag nya ako pero lumabas ako ng kwarto.

Doble dobleng sakit ang aking nararamdaman ngayon.

Nasaktan ko ang Anak namin at sinaktan ko si Jayden.

I can't forgive myself.

Sorry, pero ito lang ang paraan para kung mawala man ako ay madali nyo na akong makakalimutan.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.