CHAPTER 36 ILL TAKE CARE OF YOU

? I WILL TAKE CARE OF YOU?

Nandito ako sa Bahay ni Samantha pagkatapos ng nangyari saamin ni Jayden kanina dahil marami akong dapat itanong sa kanya.

Kahit alas otso na ng gabi ay ginusto ko talagang pumunta rito para masagot ang tanong na nasa aking isipan.

" Juice, Celes? " Aniya ng Mommy ni Samantha.

Umiling ako. " Hindi na ho tita, hindi rin ako magtatagal eh " sagot ko kaya napatango ito.

" Oh siya, iwan ko muna kayo para makapag-usap kayo ng Anak ko ng maayos. " sambit nya saamin at umalis na sa harapan namin.

Diretso akong tumingin kay Samantha na ngayo'y nakayuko na .

" Sabihin mo nga saakin anong sakit ni Mattew? " I directly said dahilan bahagya siyang nagulat at tumingin saakin.

Tahimik lang siya at hindi sumagot.

" Sam, kahit hindi mo sabihin. Alam ko na "

Nagtaka siyang tumitig saakin.

" May syphilis siya dba? " I asked at pinigilang huwag tumulo ang aking mga luha.

Dahan dahan siyang tumango saakin at umiyak kaya Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak ng na confirmed kong may sakit si Mattew.

" How did you know? " She asked.

" Dahil mayroon rin ako, hinawaan nya ako! " I said and fake my laugh.

" I'm sorry " she briefly said at niyakap nya ako.

" Namatay si Kuya dahil sa sakit nya, nandoon rin ako sa tuktok ng building bago siya nàgpàkàmàtày" she said.

Nagulat akong tumingin sa kanya kaya bumitaw siya ng yakap saakin tyka nagsalita ulit.

" I was there before the incident happened "

"What do you mean? "

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

" Nàgpàkàmàtày si Kuya dahil hindi na nya kinaya, sinundan ko siya sa araw na nakatakas siya sa kulungan dahil may duda na ako, nagdududa ako sa mga kinikilos nya. " Pag sisimula nya tyaka nagsalita ulit.

" Hanggang sa sumigaw siya sa gitna ng daan habang hawak hawak ang kanyang ulo, umiyak ako sa nakita ko.

I even asked myself bakit ganoon si Kuya, hindi ako nagpahalata na nasundan ko siya.

I know it's a sin dahil alam kong nakatakas si Kuya sa kulungan pero hindi ko siya sinumbatan o sinuway.

Hanggang sa pumasok siya sa building, nagtaka akong sumunod sa kanya ng palihim.

May pumipigil sa kanyang mga staff na pumasok pero nandun ako kaya ang sabi ko ako na ang bahala dahil kuya ko siya, nakita ko sa mga mukha ng staff na natakot dahil kilala nila si Kuya bilang wanted kaya tumawag sila agad ng police na naroon si Kuya, hanggang sa nakarating kami sa tuktok ng building, akmang tatalon na sana siya ngunit napigilan ko kaya nagtaka siyang tumingin saakin. "

" I feel sorry Kay Kuya, naawa kong tiningnan ang sarili nya. Wala na siyang halos buhok dahil nalalagas ito " dahil sa sinabi ni Samantha ay kinabahan ako't natatakot pero alam kong dapat kong tanggapin dahil nagsimula na ring nalalagas ang aking mga buhok.

And also I even shout sa sakit ng ulo.

" Tinanong nya ako kung anong ginagawa ko roon at bakit ko siya sinusundan pero wala akong masagot. Patuloy ako sa pag-iyak " dugtong pa ni Samantha.

??. Flashback ?? Samantha's Pov ;

" It's my time. Dapat kong pagbayaran ang lahat ng ginawa ko kay Celestine " umiiyak na sambit ni Kuya saakin.

" Kuya, Anong it's your time? Hindi kita maiintindahan! "

"I'm t-tired, just fvcking tired. May sakit ako, at ngayon ang huling araw ko " kahit alam kong napipilitan ng magsalita ni Kuya ay nagawa pa rin nyang magsalita.

Nahihirapan siya!

" Anong sakit mo Kuya? " Tanong ko at dahan dahang lumapit sa kanya.

Umiling siya saakin, kitang kita ko sa mukha nya ang pagsisisi. " Syphilis" maikli nyang sabi kaya halos hindi ako makapaniwala sa sinabi nya saakin.

" May gamot naman para dyan 'di ba Kuya? " Umiling siya't napakahawak sa kanyang mukha gamit ang kayang mga palad.

" Wala na dahil matagal na'to, malubha na kaya kahit ilang gamot ang aking iinumin hindi na eepekto " he said.

" P-pakisabi ulit ni Celestine na sorry, naging gàgo ako. Alam kong nahahawaan ko siya dahil ginalaw ko siya . Kaya siguro ito na ang oras para mawala na ako at mabayaran ang malaki kong kasalanan Kay Jayden at kay Celestine. " Nahihirapan nyang sabi bago ipinikit ang kanyang mga mata.

" What do you mean kuya!? "

" Sorry "

"Kuyaaaa! " I shouted dahil sa bigla itong tumalon.

Para akong na statue sa nakita ko, Saksi ako sa pagpakamatay ni Kuya.

Humagolhol lang ako ng iyak, hindi ko siya napigilan dahil sa biglaang pagpapah?log nya.

Wala akong kwentàng kapatid dahil hindi ko siya napigilan.

Kahit na oras na nya, hindi na sana nya yun ginawa, pero wala eh. Nahihirapan na siya, sumuko siya.

Pinanood ko la mang ang unti-unti nyag pagkahulog sa mataas na gusali, nagawa pa nyang ngumiti saakin at nag wave. Gusto ko sanang sumunod sa kanya pero napigilan ako at doon ko nakitang may mga police na ang dumating.

— END OF FLASHBACK.

★★ CELESTINE'S POV ;

There, mas lalo akong nasasaktan sa kinuwento ni Samantha saakin, pero mas lalo akong nasasaktan sa sarili ko.

" B-bakit hindi mo agad sinabi s-saakin na may syphilis siya? " Putol-putol kong tanong sa kanya dahil pumiyok ang boses ko gawa ng kakaiyak ko.

"I'm sorry, ginawa ko 'yun dahil baka hindi mo ako mapapatawad pero sa tingin ko hindi mo na kailangan akong papatawarin " napaluhod siya sa sahig at humagolhol ng iyak.

Mapait akong napailing bago umalis sa harapan nya't lumabas ng bahay nila.

Pagkalabas ko, napaupo ako sa lupa at tinakpan ang aking mukha gamit ang mga palad ko.

Mga ilang minuto akong ganun bago napagpasyahang tumayo na.

" lord, bakit naman gan'to? May malaki ba akong kasalanan para ipagkait mo saakin na mabuhay pa at makasama ang aking mga pamilya ng matagal? " Sigaw ko.

" Ang sakit sakit eh! " Dugtong ko pa.

Umalis na ako't umuwi sa Mansyon, tahimik ang paligid at patay na rin ang mga ilaw.

Napatingin ako sa orasan, alas 11 na pala ang hating gabi.

Nang makarating ako sa harap ng pintuan ng anak ko ay locked pa rin ito kaya Dumiretso ako sa kwarto namin ni Jayden..

Dahan dahan kong ipinihit ang doorknob at laking gulat ko ng nasa Kama siya, nakayuko't may hawak hawak na puting papel.

Naka bukas ang ilaw kaya kitang kita ko ang mata nyang pulang-pula ng malamig siyang tumingin saakin..

"I-ito ba? " Malamig nyang tanong saakin, naguguluhan ako sa tanong nya kaya lumapit ako sa kanya.

"Fvck! Ito ba ang dahilan kaya ayaw mong ituloy ang kasal natin at gusto mong maghiwalay tayo!? " He Shout kaya napaigtad ako sa kinatatayuan ko.

" Ito ba ha! " Sigaw pa nya at sinipa ang kama, marahan lang akong tumango, gusto kong ibuka ang aking bibig ngunit hindi ko magawa.

Hindi ko magawang magsalita!

Para akong na pèpi sa lagay ko ngayon!

" Bakit kailangan mo pang itago saakin? Hindi naman ako magagalit sa'yo kapag sinabi mo lang dahil mahal kita " ipinikit ko ang aking mata't napaupo sa sahig.

" Pero nasasaktan ako! Alam mo yun? Sinasaktan mo ako " he said at umupo muli sa kama.

Nakita ko pa ang pagkuyom ng kanyang mga kamao bago muling nagsalita.

" Nagpunta ako sa hospital ngayon kung saan ka nag Pacheck-up, nagdududa ako sa mga kinikilos mo at mas lalo akong nagdududa ng pagtingin ko sa may salamin ay may madaming mga buhok. " Napatingin ako sa kanya, so alam na nya?

Wala naman pala akong dapat sabihin eh dahil alam na nya!

"There, I figure out kung ano ang nangyari sa'yo. ibig-sabihin ba nun, nahawa ako pero napagilan mo dahil sa araw-araw mong pagpapainom saakin ng tubig pero di ko lang napansin kasi dinurog mo? " Dahan dahan akong tumango sa tanong nya.

" Dàmn! Bakit mo 'yun ginawa? Sana, hindi mo ginawa mo 'yun! Para sasama ako kapag mawala ka man. Magkasama tayo " pumiyok ang boses nya ng sabihin nya yun.

Tumayo ako at hinarap siya. "Nahihibang ka na ba Jayden!? Sinong mag-aalaga sa anak natin kung hindi ko 'yum ginawa ha!? " Singhal ko dahilan napatahimik siya.

" Alam mo na mang hindi ko kaya ang mawala ka tapos malalaman ko na lang na may sakit ka. " He said at niyakap nya ako, gusto kong kumawala sa yakap nya ngunit may kung anong pumipigil saakin na huwag.

" Let's continue our wedding, please "

" Pero yun na rin ang huli kong — "

Hindi nya ako pinatapos ng hinalikan nya ako, " dàmn, wifey! Don't ever said that again. Para mo akong unti-unting pinapatay. "

"Please, ituloy natin ang kasal natin, para maging tunay na kitang asawa " mahina nyang wika.

I just nodded to what he said.

" Bumalik ka na saakin, ituloy na natin ang wedding okay? "

" I will take care of you, ilalaan ko ang mga araw at oras ko sa'yo maalagaan lang kita at maiparamdam sa'yo kung gaano kita ka mahal " malungkot nyang wika.

Kahit hindi ko man siya tingnan ay alam kong umiiyak siya dahil naramdaman ko ang kanyang mga luha na nagsituluan sa aking balikat.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.