CHAPTER 39 PAIN AND SORROW

? PAIN AND SORROW ?

Pagkarating namin sa Mansion ay sinalubong kami mi Tita Lucy and Tito Enrico, jayden's parent's.

" Son " wika ni tito, lumapit ito saamin at niyakap ang kanilang Anak.

"Celestine, is that you? " Tanong ni Tita saakin ngunit ang tono ng boses nya ay batid ang pagkagulat.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya.

" What's wrong with you? Bakit ang putla mo na " tanong nya saakin.

" May sakit ako " I said briefly.

" What kind of disease? "

" Syphilis " Si jayden na ang sumagot at hinapit nya ang bewang ko papalapit sa kanya.

"What!?"

" I-it is because of Mattew, hinawaan nya ang Asawa ko " wika ni Jayden at umiwas ng tingin saakin.

Napatulala silang nakatingin saakin ngunit niyakap nila ako't umiyak at humihingi ng tawad, binigyan ko na lamang sila ng isang ngiti. Matamis na ngiti.

" Mommy " Napalingon ako sa baba ng tinawag ako ni Michael, nakatago siya sa Likod ko at mukang takot ng makita niya ang Parent's ni Jayden.

" Is he our Grandchild ? " Tita asked.

Tumango kami ni Jayden kaya pumantay siya nito ng tayo

"Come here, I'm your Grandma and he is your Grandpa. " sambit ni Tita kay Micheal.

" I won't bite you, mababait kami " dugtong pa ni Tita, dahan-dahang lumapit si Michael sa kanila at nag-mano.

". Bakit ka ba kasi nakatago? Hindi ka tuloy namin napansin pagdating mo " Kinilliti nila si Michael kaya napatawa ito.

" Let's go to our room " sambit ni Jayden saakin at inalalayan nya akong maglakad.

Iniwan namin si Michael sa Grandma(pa) nya dahil mukang nag eenjoy siya sa kanila.

Nang maka pasok na kami sa kwarto ay niyakap nya agad ako, " you need to take a rest, okay? Alam kong pagod ka sa byahe " he said at hinalikan ang aking balikat at dahan-dahan nya akong pinahiga sa kama.

" Hubby? "

" Yes, wifey? "

" I loveyou" ngumiti siya saakin bago nagsalita. " I loveyou too "

____________________

★★ THIRD PERSON POV ;

" Bro, tama na yang pag iinom mo ng Alak. Nakakarami ka na " suway ng kaibigan nya.

"It's really hurt seeing my Wife suffering from her disease" hindi napigilan ni Jayden ang mapaiyak bago muling tumunga ng wine.

" She have 10 days left before leaving this fvcking world! "

Pinapakinggan lang siya ni Lance habang nilalabas ang masakit nitong nararamdaman

Hinaplos- haplos ni Lance ang likod ni Jayden, nag-alala siya sa Kaibigan nya dahil sa nararamdaman nito. Maski siya nasasaktan dahil sa lagay ni Celestine pero wala na silang magawa para don ang tanging magawa lang nila ay tanggapin na 'yun na talaga ang kapalaran ni Celes.

He know how hard and pain sa mga pinagdadaanan ni Jayden dahil saksi sya sa lahat ng yun.

Bilang matalik nitong kaibigan ay nandyan sa palagi upang pakiramayan siya, tinutulungan niya ito sa kahit ano mang mga bagay na dapat nilang harapin.

" I'm such a damn fvcking Bad husband! " Wika ni Jayden, seeing his friend suffer and struggling make him cry also.

Ayaw nya ring makita ang matalik nyang kaibigan sa harapan nya dahil hindi nya ito Kakayanin. " No, you're not. Sa nakakita ko sa'yo, ikaw ay mapagmahal at mabait na Asawa para sa Anak nyo at Kay Celestine " pagkukumbinsi naman ni Lance kay Jayden.

Tumitig si Jayden kay Lance, kitang kita sa mga mata nito ang sakit ng kanyang pinagdadaanan ngayon.

" Bro, you're drunk " sambit ni Lance.

" I'm not. You know, I can't live without her!

I can't! Hindi ko mapapatawad at maalagaan ang sarili ko kung mawawala siya sa akin.

Ang sakit, ang sakit. Ayokong umiyak at magpapakita sa kanya na umiiyak at nasasaktan ako sa harapan nya.

I can't accept the fact na ito ang magiging kapalaran ng Asawa ko! "

" Sana, kung hindi lang ako nagpunta sa Kompanya at itinuon ko ang oras na maalagaan ang Mag-ina ko, hindi sana ito nangyari kay Celestine. Pero naging pabaya ako! " Sinisisi ni Jayden ang sarili nya kung bakit hunantong sa ganito si Celestine.

" Bro, huwag mong sisihin ang sarili mo okay? Walang may gusto at isa pa, wala na si Mattew. Kahit Anong gawin natin hindi talaga natin mababalik ang dati " wika ni Lance.

Tumunga ng tumunga si Jayden ng wine habang si Lance ay malungkot na tiningnan ang kaibigan nyang nasasaktan.

" Baby, wanna dance? " Tumingin si Jayden sa Babaeng lumapit sa kanya, babaeng halos makikita na ang hinaharap nito at ang landi ng titig.

Hindi ito pinansin ni Jayden dahil wala siya sa isip nya ang magsaya, mas lalong dinikit ng babae ang kanyang katawan sa katawan ni Jayden kahit na may saplot pa ito.

" Umalis ka sa harapan ko " mahinang sabi ni Jayden sa babae.

Ngunit ngumiti lang ang babae at inaakit nya pa ito lalo, hindi nagpadala si Jayden sa pang-aakit sa kanya ng Babae bagkos ay nagalit siya.

" Sabing umalis ka sa Harapan ko! Or you want me to kill you? " Galit na sigaw ni Jayden sa babae kaya napa-atras ito sa gulat.

Walang pasabing umalis ang Babae sa harapan nya't natatakot ito kay Jayden..

" Bro? Bakit mo 'yun ginanon? " Tanong ni Lance kay Jayden, galing siya sa Banyo kaya hindi nya nakita ang buong nangyari kung bakit nagkaganun si Jayden.

" She's a slut and I don't like her. " Sagot ni Jayden.

Maya-maya pa lamang ay may biglang tumawag sa Cp ni Jayden, nangunot ang noo nya ng tingnan kong sino ang tumawag. It's Maurine, Mommy of Celestine.

Lasing nyang sinagot ang tawag.

"Jayden? si Celestine. " Nang marinig nya ang pangalan ng kanyang asawa ay parang nawala ang kanyang kalasingan.

" Anong nangyari sa asawa ko? "

________________

" How is she Doc? " Tanong ng Mommy ni Celestine sa Doctor.

" She's just getting weak kaya siya nahimatay. Because of stress na rin kaya mas lalo siyang nanghihina " sambit ng Doctor bago tuluyang umalis palabas.

Napahagolhol ng iyak ang Mommy ni Celestine ganun rin ang Daddy nya sa kalagayan ng kanyang anak na mas lalong lumala.

" Tita, what's wrong to my wife? " Nag-alalang Tanong ni Jayden ng makarating ito sa loob ng hospital.

" Nahimatay kaya sinugod namin siya sa Hospital, Jayden " sambit ni Maurine at niyakap nya si Jayden.

Walang masabi si Jayden kundi ang tumitig sa Asawa nya't napaluha, umupo siya sa tabi ni Celes at hinaplos haplos ang mukha nito.

May nakabalot rin na puting tela sa Ulo ni Celestine dahil sa pagkawala ng lahat ng buhok nito, may maliit na hose ang nasa ilong nito na nagbibigay ng hangin.

_____________

" Wife " malungkot na sambit ni Jayden sa asawa nya at hinalikan ang matamlay na nitong Labi.

" Gising ka na, it's been 3 days na hindi ka pa gumigising " umiiyak na usap ni Jayden sa asawa nyang mahimbing na natutulog.

" malapit na ang kasal natin, kaya please gumising ka na "

May pitong araw na lang si Celestine at hindi pa rin ito nagigising, labis ang pagdarasal nila para kay Celestine na magising ito.

Nagawa pa ngang sumigaw ni Jayden sa rooftop nitong Hospital at inilabas roon ang hinanakit na nararamdaman nya.

" BAKIT KAILANGAN PA ANG ASAWA KO ANG MAGDURUSA NG GANITO?" SIGAW NYA SA LANGIT.

" HINDI MO BA KAMI BIGYAN NG PAGKAKATAON NA MAKASAMA NG MATAGAL ANG AKING ASAWA? "

" SIYA NA NGA LANG ANG KASIYAHAN KO PINAGKAIT MO PA SAAKIN! "

" GINAWA KO NAMAN ANG LAHAT KUNG ANO ANG TAMA, KULANG PA BA YUN PARA UNTI-UNTI MONG KUNIN ANG PINAKAMAMAHAL KONG BABAE? "

THERE, NASUNTOK NYA ANG PADER. PAULIT ULIT NYA ITONG SINUNTOK HANGGANG SA DUMUGO ANG KAMAO NYA PERO HINDI NYA YUN PINANSIN.

Mas nanaig ang galit at sakit ng kanyang nararamdamn na parang unti-unti siya nitong pinapatay.

" W-fey, p-lease wake-up. I-ikakasal pa tayo woi " pumiyok ang boses nito sa sinabi nito at pinahiran ang kanyang mga luhang nagsilabasan.

Pinagmasdan lang nya ang maaming mukha ng kanyang asawa at pinagtiklop ang kanilang mga kamay.

" Wife, miss ka na namin ni Michael " isinubsob nya ang mukha nya sa Unan habang ang isa nyang kamay ay nasa pisnge ni Celestine at bahagya itong hinaplos haplos.

Napa tingin siya kay Celestine ng naramdamanang namamasa ang kanyang palad, at labis ang saya sa mukha nya ng makita si Celestine na nakangiting pinagmasdan siya.

" I l-love you and don't worry W-we will continue our wedding " nahihirapang sambit ni Celestine.

Mariing tumango si Jayden at hinalikan ang palad nito ng paulit - ulit.

" Nurse! My wife is awake " Masayang sigaw ni Jayden.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.